Estudyante Ashanti Louisse Castillo Grade 9-Batch 1 Alam nating lahat na ang edukasyon ay isang pangunahing pangangailangan ng bawat isa. Ito ay responsable para sa pagsulong ng ating sibilisasyon. Tayo ay nagaaral upang matuto, upang makamit ang ating mga pangarap, upang makakuha ng maayos na trabaho, upang magkaroon ng maayos na buhay at upang makapaghanda sa ating kinabukasan, ngunit paano mo nga ba makakamit ang iyong pangarap kung ngayon palang ay hindi mo na kinakaya? Nagsisimula tayong mag-aral sa murang edad na limang taong gulang at gumugugol ng labing tatlong taon sa pag-aaral para sa ating kinabukasan at hindi pa kasama ang apat na taong kolehiyo. Habang tumatagal ang mga taon ng ating pag-aaral, nagiging mas komplikado ang mga aralin at aktibidad na ginagawa natin. Dumadating sa punto na tambak na tayo sa mga aktibidad at hindi nalang alam ang gagawin at lalo na sa mga pagsusulit na hindi naman natin naiintindihan ang aralin. At dahil mas lalong humihirap ang ating pag aaral ito ay maaaring magresulta sa “academic overload” Ang “academic overload” ay ang pakiramdam ng mag-aaral na naprepressure sa kanilang pagaaral dahil sa mga walang katapusang aktibidad at mga aralin lalo na dahil maraming mga kabataan ang nakatuon sa kanilang hinaharap. Binibigyang-diin ng mga tao na kailangan nating magkaroon ng mataas na marka upang makamit ang ating mga pangarap para sa hinaharap kaya ang mga estudyante ay nape-pressure sa kanilang pagaaral, dahil sa pagnanais na magkaroon ng mataas na marka. Pinipilit tayo ng mga tao sa paligid natin na maging pinakamahusay sa lahat ng bagay katulad ng ating mga magulang at kamag-anak. Ang pressure, stress, at anxiety ay maaaring magdulot ng depression dahil dito mayroong mga kabataang gumagamit ng pananakit sa sarili o paggamit ng ipinagbabawal na droga upang makayanan o malagpasan ito, mayroon ding mga estudyanteng nawawalan na ng pake at gana sa pag aaral at meron din namang mga estudyante na nagpapanggap na ayos lang sila. Kung hindi agad matutugunan ang ang mga bagay na ito maaari itong magdulot sa pagkuha ng sariling buhay. Ito ay mga paraan upang maiwasan ang “academic overload” 1. Kaibigan Laging kausapin ang iyong mga kaibigan at i-enjoy ang iyong kabataan habang kaya mo pa. Ang iyong mga grado ay numero lamang ngunit ang mga ala-alang iyong makukuha ay kayamanan na palagi mong taglay magpakailanman. 2. Time management Isa sa pangunahing rason kung bakit nai-stress ang mga estudyante ay kapag naramdaman nila ang kakulangan ng oras upang tapusin ang kanilang mga aktibidad. Maraming mga mag-aaral ang nagsimulang magbigay ng kanilang oras ng pagtulog sa kanilang pag-aaral dahil sa kung saan ang kanilang oras ng pagtulog ay nabawasan at na nagreresulta sa pagkapagod kaya hindi maka pokus sa eskwelahan, kaya ang Time management ay napakahalagang bahagi ng buhay upang mabawasan ang stress. 3. Humingi ng tulong Kung hindi mo na kinakaya walang masama sa pag amin dito at paghingi ng tulong sa mga tao. 4. Matulog Ang kakulangan sa tulog ang pangunahing dahilan ng stress. Sa kasamaang palad, ang stress ay nakakagambala rin sa ating pagtulog habang ang mga pag-iisip ay patuloy na lumiliko o pinipigilan tayo sa pagrerelaks, Maraming mga estudyante ang gumugugol ng masyadong maraming oras sa social media, pagtetext, at telepono at ang sobrang paggamit ay maaaring humantong sa higit pang stress. Kailangan nating bigyang pansin ang mga tao at suriin kung ok lang sila dahil ang ilang mga tao ay hindi maayos. May mga taong nakakalagpas ng depresyon ngunit may mga taong hindi nakakalagpas dito na nagiging dahilan upang kitilin nila ang kanilang sariling buhay. Bilang isang teenager dapat talaga tayong maging aware sa mga nangyayari sa ating paligid, dapat maging aware tayo sa nararamdaman ng mga tao. Maging mabait sa mga tao dahil hindi mo alam kung ano ang kanilang pinagdadaanan.