Uploaded by ree okkeu

toaz.info-script-el-filibusterismo-kabanata-11-20-pr 7edbbaef8b98c3e6f869d696bdf8b2f1

advertisement
KABANATA 11 – LOS BAÑOS
Narration: Isang malaking kahihiyan para sa isang Kapitan-Heneral ang hindi makatama ng isang hayop sa
pangangaso. Anon a nga lang naman ang sasabihin ng mga Indiyong mahusay mangaso.
(naglalakad papuntang Los Baños)
Kap. Hen (umiinom at masaya)
Kap.Hen – hahaha… panalo na naman ako Siguradong hindi na kayo mananalo sa akin sa susunod
Padre Irene – napakagaling niyo talaga Kap. Hen
Padre Sibyla – Sang-ayon ako diyan
Padre Camorra( patagong naiinis)
Padre Sibyla & Padre Irene( nag-aalala)
Kap., Hen- Sinasabi ko na nga aba ay matatalo ko kayo. Kita niyo ang dami niyong pagkakamali.
Narration: Sa ibabaw ng hapag na laruan ay nakataya ang ikalulusog ng pag-iisip ng mga Pilipino kaya’t
minarapat na magpatalo nila Padre Sibyla para makuha ang simpatya ng kap. Hen
( kaharap ng Kap., Hen ang isang kawani sa isang kwarto habang naglalaro ng baraha)
Kap.Hen – Ngayon ay ililipat ko ng mga kawani sa mga dapat nilang kalagyan na bayan. Ang ilan naman ay
aalisan ng katungkulan at ipapatapon sa malayong lugar.
( Don Custodio at kawani ay naglalakad sa isang sulok at si padre Fernandez naman ay malalim ang iniisip
samantalang sin Simoun at ben Zayb ay naglalaro ng bilyar at nagtatawanan sa kabilang kwarto)
PadreSibyla – Padre fernandez, ibig ninyo po bang maglaro?
Padre fer – lalo akong hindi marunong
Kap. Hen – kung gyon ay papuntahin ditto si Simoun
Kalihim – ( lalapit sa kap. Hen habang di pa naglalaro) Ano po ang pasya niyo sa mga nasamsam na sandata?
(dadating si Simoun0
Padre Irene- ibig ba ninyong palitan si padre Camorra, Senior simoun? Ngunit ang itataya ninyo ay ang mga
brilyante sa halip na salapi.
Simoun – walang problema sa akin kung gayon! At ano naman ang itataya ninyo?
Padre Sibyla – at ano naman ang itataya namin?
Simoun – Aba! Kayo ni Padre Irene ang magbabayad ng pagkakawanggawa, panalangin, kabaitan hindi ba??
Padre Sibyla – Alam ninyong ang kabaitan ay tagalay ng bawat isa hindi tulad nang mga brilyante ninyo na
palipat-lipat ng kamay. Ang kabaitang tagalay ay nasa pagkatao na namin
Simoun- Kung gayon ay papayag akong bayaran na alamng ninyo ng mga pangako. Sabihin niyo na lang
padre Sibyla: Lilimutin ko nang limang araw ang karalitaan ang kababaang-loob at pagkamasunurin. Kayo
naman Padre Irene ay ganito: Lilimutin ko ang kalinisan ng ugali, ang pagkamahabagin at iba pa. ( natatawa
pagkatapos sabihin)
Padre Irene – nakakapagtakang tao ito si Simoun, kung anu-ano ang iniisip
Simoun ( tatapikin ang Kap. Hen) – Ang ibabayad naman ng Kap.Hen sa akin kung sakaling matalo ay ang
pagkakaroon niya ng kapangyarihang ipabilanggo ang isang tao nang limang araw o buwan, o pagpapatapon
sa isang taong walang nakatalang pangalan o isang utos sa guardia civil na makabaril ng bilanggo habang
inihahatid sa bilangguan.
EXTRA – ngunit Ginoong Simoun, ano ang mapapala ninyo sa panalo ng kabaitan, mga pagpapatapon at mga
pagpatay?
Simoun – Bakit? Kailangan linisin ang bayan at lipunan ang lahat ng may masasamang budhi.
EXTRA – at hanggang ngayon ba ay galit pa kayo sa mga tulisan, gayong maaaring hiningan kayo ng mas
malaking tubos. Huwag naman kayong mawalan ng utang ng loob.
Simoun- ipinagtatapat ko na binihag ako ng mga tulisan ngunit matapos akong magising ay pinabayaan nila
akong maglakad ng walang hinihinging tubos maliban sa 2 kong rebolber at 2 punyo. At kinakamusta pa nila
ang Kap. Hen(titingin sa Kap Hen.)
Kap.Hen – Dahil diyan ay lalagdaan ko ang kautusan ukol sa mga sandata upang maiwasan ang pagkakaroon
ng armas ang mga tulisan.
Simoun – Huwag! Huwag! Para sa akin, ang mga tulisan ang mas may karangalan sa lupaing ito.
( tututol dapat si Don Custodio)
Simoun – Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok kundi nasa mga tulisan sa loob ng bayan at
lungsod.
Padre Irene – Gaya niyo?
Simoun – Tunay nga, gaya ko at gaya nating lahat. Magtapatan na tayo total ay wala naman nakakarinig na
Indiyo ditto! Kapag sa gubat tayo nanirahan ay lalabas ang bagong lipunan at ang tao mismo ang mag-aayos
ng sarili niyang buhay.
( kalihim- naghihikab at nag-uunat tapos ang iba ay nagtatawanan)
Kap.Hen ( bibitawan ang baraha) – Siya tama na ang biruan at sugalan, magtrabaho na tayo at marami pa
akong dapat lutasin.
Narration – Sa araw na iyon ay pag-uusapan ang tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila kaya’t naroon sina
P. Irene at P. Sibyla
(papasok ang isang kalihim at may sasabihin sa Kap. Hen)
Kap.Hen- Ano ba? Ano ba?
Kalihim – Ang panukala tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng mga armas
Kap.Hen – ipagbawal ngayon din
Mataa na Kawani – Ipagpatawad po ninyong sabihin ko na alinmang bansa ay pinahihintulutan ang paggamit
ng armas de salon.
Kap.Hen- Hindi tayo tutulad sa kanila
Kalihim – may apat na buwan pa lamang ngayon nang pagtibayin ang hindi pagbabawal sa paggamit ng
armas ditto
Simoun – magagwan yan ng paraan
Kwani – Paano?
Simoun – madali yan! Ipagbili lamang ang mga armas de salon ng wala pa sa anim ni milimetro ang kalibre.
MK – (bubulong) – hindi ako sang-ayon sa panukala niya
Kalihim ( may hawak na papel at biglang papasok) – Ang guro sa Tiani ay humihingi ng malaking bahay
upang..
Padre Camorra (agad na sasabat) – Ano pang malaking bahay? Mayroon na siyang sariling kamalig
Kap.Hen – wala akong kinalaman sa bagay na iyan! Sa namamahala sa pangasiwaan siya dapat humingi.
Padre Camorra – ang guro na iyan ang isang Pilibustero!
Padre Sibyla – ang totoo ay ang sinuman ang ibig na magturo ay maaaring magturo saanman.
Kap.Hen – maraming karaingan ang naririnig ko sa guro na iyan, mabuti pa’y alisin siya!
Kalihim – Alisin!
Kap.Hen – ang mga guro ditto ay umaabuso. Kalabisan ang paghingi ng higit pa sa inang bayan.
PILIBUSTERISMO!
Ben Zayb – inang bayan muna, bago ang lahat, an gating pagka-Kastila
KapHen – sa susunod ang lahat ng dumaing ay tanggalin sa tungkulin.
( ipapahayag ni Don Custodio ang panukala niya sa lahat)
Don Custodio – napakadali lang ang solusyon diyan kamahalan. Gawing paaralan ang mga sabungan kahit sa
loob ng sanlinggong araw.
KapHen – mainam na panukala. Nadaig tayong lahat!
Padre Camorra – Ngunit ang totoo ay may sabong sa buong linggo at yamang ang pasabong ang nagbabayad
sa pamahalaan ay hindi nararapat na..
KapHen (biglang sasagot)– Kung gayon ay huwag magpaaral sa mga araw na iyon! Lalong kasalaulaan ang
magkaroon ng mabubuting gusali para sa mga bisyo at para sa karunungan ay wala.
Padre Irene- ngunit alalahanin ninyong nagbibigay sa pamahalaan iyang mga sabungan na iyan.
KapHen – tama na yan! May iba akong balak para sa usapin na iyan. May iba pa bang dapat pag-usapan?
Kalihim- Ang kahilingan ng mga estudyante na makapagbukas ng Akademya ng Wikang Kastila
Narration – May mga anim na buwan na naghihintay ng pasiya ang mga estudyante ukol sa usaping ito.
Naging kakatwa naman ang namayaning katahimikan kaya’t nagtanong ang kapHen.
KapHen – ano naman ang kuro-kuro niyo?
Padre Sibyla – isa yang matahimik na pag-aalsang may tatak at slyo
MK – pag-aalsa?
Padre Sib – kinabibilangan ito ng mga kabataang tinatawag na kawal ng masidhing pagbabago. Kabilang ditto
ay si Isagani
Padre Irene – mayroon pang isa. Makaragui o MAcaraig, mayaman , mapitagan at kalugog-lugod.
Padre Sib – at mayroon pang isang nagngangalang Basilio.
KApHen – Aha! Aha! Ganoon pala! Itala ang mga pangalang iyan
MK – ngunit heneral, hanggang ngayon po ay wala kaming nababatid na anumang masamang ginawa ng mga
akbataan na iyan.
Padre Camorra – Subalit ang mga Indiyo ang hindi dapat matuto ng wikang Kastila
Matututo lamang silang mangatwiran sa atin
( magsasalita si Padre Fernandez at makukuha ang atensyon ng lahat)
Padre F – Huwag kayong maghihinanakit kung iba ang aking palagay. Sinsabi ko na hindi tayo dapat
mapagkait. Maipagkakaloob natin ng walang panganib ang pagtuturo ng wikang kastila
Padre F – nasa matuwid ba ang kanilang hinihingi? Kung nasa matuwid ay ibigay natin sa kanila ang
akademya hanggang sila ay magsawa. Huwag tayong hangal. Tularan natin ang mga Heswita.
Narration: Nagkaroon ng mainitang diskusyon at napawalang-bahala ang presensiya ng KapHen. Lahat ay
nagsasalita kabilang na si Ben Zayb na nakikipagtalo kay Padre Camorra
( tatayo ang kapHen at matitigi ang usapan)
KapHen- sa ora ng meryenda na lang natin pag-usapan ang mga iyan
KAlihim- baka sumama ang kanilang mga sikmura
KapHen- bueno bukas na lang ipagpatuloy ang diskusyon
MK (lalapit sa kapHen at may ssbihin) – ang anak na babae ni kabesang tales ay humihingi ng tulong upang
mapalaya ang kanyang may sakit na lolo
KapHen- hindi nab a ako maaaring kumain ng mapayapa!
MK- tatalong araw na siyang pabalik-balik ditto, kawawa naman
KApHen – (mapapakamot sa ulo) – Sige! Padalhan ng sulat ang tinyente ng mga guardia civil para palayain
ang matanda.
KABANATA 12 – PLACIDO PENITENTE
( masama ang loob papuntang UST )
Narration – Halos isang linggo pa lang ng lumipas ang isangg linggo nang makabalik si placido
mula sa kanyang pagbabakasyon ngunit iginigiit na niya sa kanyang ina na gusto na niyang
umuwi at maghanapbuhay na lamang.
( maglalakad papuntang Intramuros tapos maka2sabay ang mga extrang taga-Ateneo na mabilis
maglkd at may dalang mga libro. May mga extrang taga-Letran na may kasuotng pnla2wgan,
marami at kaunti ang dalang libro. Mga extrang taga- Pamantasan na maba2gal mglkd at may
dalang baston. Mga babaeng extra na may mga libro at alalay )
( nglalakad si Placido tpos tatapikin siya sa likod ni juanito )
Juanito – ole penitente!. Ole penitente!.
Narration – Ito pala ay si Juanito Pelaez na kanyang kamag-aral, paborito ng mga propesor,
maloko at mapagbiro. Dahil sa pagiging pilyo ay lumalala ang pagkakuba nito.
Pelaez – Nagsaya ka ba noong bakasyon, penitente?
Placido – Oo ganoon, at ikaw? Kmusta ang iyong bakasyon?
Pelaez – Mabuting-mabuti. Isipin mo, naimbitahan ako ng kura ng Tiani, si Padre Camorra.
Napakaraming dalaga roon at walang bahay na hindi kami napuntuhan. Alam mo din ba kung
sino ang nobya ni Basilio.? Isang katulong, walang pera at hindi pa marunong mag-Kastila.
Pinaghahampas nga ni Padre Camorra ang mga nanghaharana sa kanya e.. hay naku, ang laking
hangal ni Basilio.
( tatawa ng malakas si pelaez at titingin naman ng masama si Placido sa kanya)
Pelaez – maiba ako. Ano nga pala ang itinuro ng ating propesor kahapon?
Placido – walang tinalakay sa klase kahapon
Pelaez – eh, noong makalawa?
Placido – itong tao na ito! Huwebes kaya kahapon. Alam mo namang tuwing linggo at huwebes
ay walang klase.
Pelaez – oo nga pla, hangal talaga ako, e noong Miyerkules?
Placido – umambon non!
Pelaez – mabuti! E noong martes?
Placido – Noong martes ay kaarawan ng ating propesor at nagpunta kami sa kanya upang siya’y
batiin!
Pelaez – Caramba! Nakalimutan ko. Talagang hangal ako! Tinanonh niya ba ako?
(magkikibit-balikat si Placido)
Placido – hindi ko alam. Ngunit binigyan siya ng talaan ng mga andun.
Pelaez – Caramba?! E anong nangyari noong Lunes?
Placido – (bubuklatin ang libro at may ituturo) binasa niya ang talaan at nagturo ng leksyon sa
salamin. Tignan mo ito…
( tatabigin ni Pelaez si placido at titilapon ang mga libro)
Pelaez – Bayaan mo na ang leksyon at tayo’y mag dia-pichido!
Narration – dia-pichido ang tawag sa mga estudyante sa Maynila sa mga araw na
napagigitnaan ng dalawang araw ng pista kaya’t kinatatamaran nang pasukan ng mga magaaral.
( titingin ng masama si placido kay pealez)
Placido – Alam mo talagang hangal ka talaga
Pelaez (mang-aasr at tatawa) halina tayo mag dia-pichido!
Placido – alam mo ba na kapag dalawa lamang ang liban sa klase ay hindi titigil ang klase na
binubuo ng 150 na mag-aaral. At ayokong mawalan ng halaga ang paghihirap ng aking ina
upang ako ay makapag-aral lamang ng medisina.
( hihinto sandali si pelaeaz at may maaalala)
Pelaez – Oo nga pala! Alam mo ba na ako ang inatasan na magkolekta ng kontribusyon?
Placido – anong kontribusyon?
Pelaez – Para sa monumento!
Placido – anong monumento?
Pelaez – ikaw talaga, para kay Padre Baltazar, hindi mo ba alam?
Placido – at sino si Padre baltazae?
Pelaez – Isa siyang Dominiko. Sige na magbigay ka na para masabi nila na tayo’y galante.
Ipinapangako ko na hindi masasayang ang ibibigay mong pera!
(papikit-pikit pa ng mata si Pelaez)
Narration – Samantala naalala naman ni Placido ang isang estudyanteng nakapasa dahil sa
pagbibigay ng kanaryo at tatlong piso
( Ipapakita ni Pelaez ang pangalan ni placido na isinulqt niya)
Pelaez – tignan mo, napakalaki ng pagkasulat ko sa pangalan mo. P-L-A-C-……,, tatlong piso!
Narration – Humingi ulit si Pelaez ng karagdagang kontribusyon para naman sa kaarawan ng
kanilang propesor at pinadagdagan pa ang mga ito na makita niyang naglabas ng pera si Placido.
(kukulitin si Placido ni Pelaez)
Pelaez – makinig ka, magbigay ka ng apat na piso at isasauli ka ulit mamaya.
Placido – isasauli mo rin naman pla e bakit ko pa ibibigay sayo?
Pelaez – oo nga pala. Napakalaki ko talagang hangal.
Narration – Pagdating nila sa kanilang unibersidad ay nakita nila ang mga estudyante na
hinihintay ang kanilang mga propesor. Ilang sandali lamang ay may humintong karwahe na lulan
sina Doña Victorina at ang pamangkin nitong si paulita Gomez
( bababa ng karwahe ng hindi ipapakita ang paa ni paulita..mamumutla si isagani habang
tinitignan ni paulita.)
Isagani – kamusta ka na?
Paulita – Ayos lang naman (parang nahihiya)
(bababa si dona victorina at makikita si Pelaez)
Dona Victorina – Magandang umaga Juanito
(Si Juanito ngingiti at yuyuko lang & mapapatitig si tadeo kay paulita)
Tadeo – anong ganda! Pakisabi sa propesor may sakit ako.
Narration – Si Tadeo ay isang magp-aaral na pumapasok sa unibersidad araw-araw para
itanong kung mayroon silang klase. Ngunit sa di malamang dahilan ay kinagigiliwan siya ng mga
propesor at may magandang kinabukasan.
( may extra na tatawag kay Placido sa likod, sumisigaw)
Extra – Penitente, Penitente, lagdaan mo ito?!
Placido – ano yan?
Extra – huwag mong intindihin basta lumagda ka na!
Narration – Naalala ni Placido ang tungkol sa sinapit ng isang kabesa sa kanilang bayan na
umagda ng dokumento na hindi man lang binabasa kaaya nabilanggo at napatapon
Placido – kaibigan patawarin mo ako, pero hindi ako lalagda hangga’t hindi ko naiintindihan
yan!
Extra – tungkol ito sa pagtutol sa kahilingan nila Macaraig at nang iba pa tungkol sa
pagkakaroon ng AKW.
Placido – Sige sige kaibigan mamaya na. nagsisimula na ang aking klase
Extra – Ngunit hindi naman ngtsetsek ng talaa ang inyong propesor!
Placido – Nagtsetsek siya minsan. Mamaya na! at ayokong kalabanin si macaraig
( papaalis na at naghahabol sa klase)
Extra – ngunit hindi ito pagsalungat kay macaraig
Placido – Binabasa na ang talaan!
(tatakbo papunta sa kanyang klase)
Narration – May marka na ang pangalan ni Placido at sa tingin niya ay wala na siyang
magagawa. Ngunit naisip niya na amalapit na ang kanilang pagsusulit kaya’t pumasok siya sa
kanilang klase.
(papasok si placido ng maingay ang paa at maingay ang takong)
( titignan siya ng propesor at kumunot ang ulo)
Propesor – walang galang. Magbabayad ka rin!
(insert kabanata 13 here)
KABANATA XIV
Narration: Malaki at malawak ang tahanan ni macaraig kung saan matatagpuan dito ang mga
kabataang naglalaro at nag-uusap usap, ( naglalaro ang mga estudyante at may inaasar na
intsik).
Intsik : ah! Hindi na to ganda! Kayo masama, masamang klistyano! Kayo demonyo!
Narration: Natigil ang ingay ng unting-unting mag sidatingan ang mga kilalang mag-aaral
kasama si Macaraig gayun din si Sandoval, na isang espanyol (nagkakagulo at nagtatanong sila
kay sandoval kung ano ang kinalabasan ng AWK)
Pelaez : SINUSIGUrado ko na magtatagumpay ang ating panukala dahil isa akosa nagtatag ng
samahan na ito.
Pecson: Wag ka ng umasa! Magiging positibo ang resulta ng petisyon.
Pelaez: Aba! Aba! Kuung sakiling hindi magtagumpay ang petisyon, huwag ninyo akong
isangkot diyan.
Sandoval : Napaka-negatibo ng pag-iisip mo pecson! Alam ko na maka-prayle ang kapitanheneral. Ngunit walang sariling pagkukuro ang heneral.
Pecson: wala akong ibig sabihin diyan sandoval! Naniniwala ako na may sarili siyang pagkukuro
Sandoval : Katotohanan lamang, katotohanan! Ang iba ay mga haka-haka lamang, at ilan sa
mga ito ay ayokong tawaging supersibo.
Pecson : ayan na! pagiging supersibo na ang pinag-uusapan.
Narration: hindi kagustuhan ni Sandoval ang mangatwiran sa isang mahabang diskusyunan.
Sandoval: Hindi biro ang mga bagay na ito. Ito ay seryosong bagay, subalit ano ang
nagsisilbing basihan upang tanggihan nila ang pagkakaroon ng AWK?!
Pecson : dahil sa gabi ang magigimng oras ng klase, makakasira daw iyon sa kagandahang asal
ng mag-aaral , makakasira ito sa kagandahang asal ng mag-aaral. Laban ito sa integridad ng
unibersidad.
Sandoval: Anong laban? Ang unibersidad ay may tungkulin tugunan ang pangangailangan ng
mga estudyante. Ano ba ang silbi ng unibersidad? Ito ba ay isang konstitusyon? Kung saan
walang matutuhuhan? (naglalakad-lakad)
Sandoval: Hinay lang mga ginoo, hindi ako maka-prayle.
Pecson: Ngunit iyon ang nakikita ko
Sandoval : (sisigaw) ayan na naman kayo, walang alam kung hindi negatibo! Kailangan wag
tayo mawalan ng pag-asa.
Narration : Ipinag-patuloy ni Sandoval ang pagtatalumpati, kahit walang sumasabat, na
napuntasa hinaharap ng pilipinas.
Sandova l: ang pagtitipon na ito ay mahalaga dahil ipapa-alam sa atin ni Macaraig ang ating
tagumpay
(magpapalak-pakan at lahat ay pumupuri)
Pelaez: (sisigaw) Ipagpatuloy natin ito mga ginoo, at ako ang isa sa mga pangunahin na
gumawa ng unang hakbang
Pecson: Magaling-magaling! Subalit ang kapitan-heneral, paano kung humingi siya ng mga
kuro-kuro at hindi sumang-ayon na pahintulutan tayo.
(napatingin kay sandoval at hindi nakapag-salita)
Sandoval: Eh di ?!
Pecson: Eh di ano?!
Sandoval: Eh di sa kabila ng mga papel at mga artikulo, kung saan ay inilalabas nila ang mga
hangarin na matuto kayo ay lumalabas na tila hinaharangan at ipinag-kakait nila ito sa inyo
ngayon.
(mag-sisigawan ang lahat)
Extras: Bravo! Bravo! Mahusay Sandoval! Bravo!! Tanggapin ang hamon
Pecson: Tanggapin ang hamon?! At pagkatapos?
Sandoval: At pagkatapos……. Ako si sandoval, sa ngalan ng Espanya, ta-tanggap ng hamon
(yayakapin ni Isagani si Sandoval at susundan ng iba pa, lahat ay lumuluha ng kaligayahan at
tanging si Pecson lamang ang hindi nakikisaya)
Narration: ang bagong dating ay si Macaraig, ang lider ng kilusan at nagmamay-ari ng mga
tinutuluyan ng mga mag-aaral. Maganda ang kanyang ugali, makisig at mayaman. Nais Lamang
niya mag-aral ng abugasya, at kilala siya sa kanyang kasipagan sa pag-aaral.
Macaraig: Nakipagkita ako kanina kay Padre irene.
Extra: Mabuhay Si Padre irene!
Macaraig : Isinalaysay sa akin ni Padre Irene ang naganap sa Los Baños. Pinag-laban niya ang
ating mga hangarin laban kina Padre Sibyla, P. fernandez, P. salvi, K Heneral, at maging si
Simoun.
Extra1: ang mag-aalahas na si simoun?! Ano naman ang kinalaman niya dito??
Extra2: Tumahimik ka!
Macaraig: Marami rin kawani ng Pamahalaan ang labag sa ating balak. Pati na ang intsik na si
Quiroga.
Extra: quiroga?! Ang taga-gawa ng……
Extra2: tumahimik ka!
Macaraig: sa bandang huli, naalala ni P. Irene ang mataas na lupon ng Paaralan na Primaria at
dito niya minungkahi dalhin ang ating panukala.
Pecson : hindi ba matagal ng hindi kumikilos ang lupon na ito?!
Macaraig : Iyan na ang kanilang isinagot kay P. Irene, Ngunit ayon sa kanya, mainam ito at
mabubuhay itong muli. Nasa kamay naman ni Don Custodio ang ating Panukala.
Mga Extra: Mabuhay si Don Custodio!
Pecson : At kung hindi pumanig si don Custodio sa atin?
Macaraig: Yan din ang aking hinaing kay P. Irene, subalit nailantad na natin ang mga suliranin
sa hamong ito.
Extra1: At paano naman natin mahihikayat si Don Custodio? 2 paraan ang itinuro niya sa akin,
ang intsik na Quiroga, at si Macaraig. Tama na ang tungkol kay Quiroga! Hindi siya pag-uukalan
ng pansin ni D. Custodio.
Pecson: Ah tama alam ko na! si pepay ang mananayaw!
Narration: Si Pepay ay isang magandang babae na kaibigan ni Don Custodio.
Pelaez : Ako na mismo ang pupunta kay Pepay yaman na lamang na kaibigan ko siya.
Isagani; Tama na ang paglapit kay P. Irene at sobra na kung aabalahin pa ang babae.
Extra : At isa pang paraan ay dumulog na abugado’t tagapayo ni D. custodio na si Señor Pasta.
Isagani : Sang-ayon ako diyan, si Señor Pasta ay isang Pilipino at naging kamag-aral ng aking
tiyuhin, subalit paano natin makukuha ang kanyang simpatya?
Macaraig: (titingin kay isagani) Si Senor Pasta ay may isang mananayaw… ang ibig kong
sabihin isang mananahi.
Pelaez : Hindi tayo dapat maging maselan ang hakabang mangibabaw sa adhikain, kilala ko so
Matea , na may sariling pagawaan kung saan maraming babaeng manggawa.
Isagani: Hindi mga kasama, gawin muna natin ito sa matapat na paraan. Ako ang pupunta sa
ahanan ni Senyor Pasta, at kung wala akong makamit, maari na ninyo gawin ang nais niyo.
Narration : sumang-ayon sila sa mungkahi ni Isagani at napag-kasunduan na ito ang kakausap
kay Senyor Pasta sa araw na rin iyon.
Kabanata 15: Si Señor Pasta
[pasok si Isagani habang nagsusulat si Señor Pasta]
[ubo, tignan sapatos ni Isagani tapos patuloy na magsusulat]
Señor Pasta : [hinto sa pagsulat, tingin kay Isagani tapos ngiti] Aba, kayo pala. Maupo kayo at
patawarin mo ako, hindi ko alam na kayo pala yan. Kamusta na ang inyong tiyuhin ?
Isagani : Maayos naman po ang kanyang kalagayan. Siguro po nabalitaan niyo na nais po
naming mga mag-aaral na magtayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Si Padre Irene ay
sinusuportahan po kami ngunit tutol si Padre Sibyla at ang ibang mga Prayle. Kinausap po sila ni
Padre Irene, kasama po ang Kapitan Heneral.
Señor Pasta : [simangot ] Ito ay isang bansa ng mga panukala. Ngunit magpatuloy kayo.
Isagani: Naisipan po naming dalhin ang aming panukala sa Lupon ng Paaralang Primarya kung
saan poi sang kasapi si Don Custodio at kausapin ang mananayaw na si Pepay. Kaya po ako
nandito ay para humiling po ng pabor mula sa inyo. Naniniwala po kami na matutulungan niyo po
kami kung sakali pong humingi ng payo sa inyo si Don Custodio.
Señor Pasta : Tama! Walang hihigit sa pagmamahal ko sa bayan, ngunit hindi ako maaaring
mangako. Hindi ko alam kung nauunawaan ninyo ang napakaselan kong posisyon. Marami akong
iniintindi kaya dapat akong kumilos nang maingat.
Isagani: Hindi po namin nais na ilagay kayo sa alanganing posisyon. Iligtas nawa kami ng Diyos
sa paglalagay sa kapahamakan sa isang taong mahalaga sa mga Pilipino. Kahit hindi ganoon
karami ang naiintindihan ko sa mga batas, mga kautusan ng Hari at mga kapasiyahang umiiral sa
ating bayan alam ko na hindi masama ang magbigay ng ibang paraan para sa pag-unlad ng
gobyerno. Pareho lang ang ating layunin, magkaiba lang ang mga paraan.
Señor Pasta : Talagang kapuri-puri ang pagtulong sa pamahalaan lalo na kung ang pagtulong
ay may kalakip na pagsunod at walang halong pagtutol o pagsalungat. Kaya nga’t ang ganitong
mga pagkilos ay itinuturing na kasalanan at dapat na parusahan, kahit na masasabing mas
makakabuti pa ito sa pamahalaan. Hindi pa rin ito matatanggap dahil nakadudungis sa
karangalan na siyang batayan ng España sa pananakop.
[ayos ng upo si Señor Pasta]
Isagani: Naniniwala akong ang pamahalaan ay humahanap ng mas matibay na batayan kapag
ito ay sinusubukan. Sa kaso ng pamahalaang mananakop ay hindi matibay na batayan ang
karangalang hindi lubos na kanya kundi sa nasasakupan at maaari lamang magtagal hangga’s
ito’y kinikilala. Naniniwala ako na ang katarungan at katwiran ay mas matibay na batayan.
Señor Pasta : [biglang tingin kay Isagani] Binata, `wag mo nang isipin ang mga ganyang bagay
dahil mapanganib iyan. Hayaan mo na ang pamahalaan sa kanilang trabaho.
Isagani: Ang pamahalaan ay binuo para dinggin ang hinaing ng mga mamamayan nito.
Kailangang makinig sila sa mga panawagan ng mga tao dahil ang mga ito ang lubos na
nakaaalam sa kanilang mga pangangailangan.
Señor Pasta: Ang mga nangangasiwa sa pamahalaan ay mga mamamayan din at di hamak na
marunong.
Isagani : Dahil ang tao ay nagkakamali rin, hindi dapat balewalain ang kuru-kuro ng iba.
Señor Pasta : Kailangang magtiwala ka sa kanila, sila ang umaasikaso sa lahat.
Isagani: May kasabihan sa Kastila na ang hindi umiiyak na sanggol ay hindi bibigyan ng gatas;
kapag hindi ka nanghingi, hindi ka bibigyan.
Señor Pasta: Taliwas sa inyong sinabi, sa pamahalaan ay kabaligtaran ang nagyayari.
Ibinibigay naman sa atin ng pamahalaan ang hindi natin hinihingi at di natin kayang hingin, dahil
kapag tayo’y nanghinigi ay lumilitaw ang nakalilimot ang pamahalaan sa kanyang mga tungkulin.
Ang pagbibigay ng kuru-kuro ay hindi rin dapat gawin sapagkat ipinahihiwatig nito na maaaring
nagkakamali ang pamahalaan. Ang mga mamamayan, lalo na ang mga mapupusok na kabataan,
ay hindi naiintindihan na ang mga ganyang aksiyon ay nangangahulugan ng pagtutol, isang
mapanghimagsik na kaisipan.
Isagani: [Mejo galit] Ipagpaumanhin po ninyo, subalit kapag nanghingi ang mga tao sa
pamahalaan nang mahinahon ay dahil iniisip nila na makabubuti ito at handa nang ibigay. Ang
mga ganitong hakbang ay hindi dapat ikagalit at sa halip ay ikarangal. Ang anak ay humihingi sa
ina at hindi sa ina-inahan. Sa aking palagay ay hindi nakikita ng pamahalaan ang lahat at king
mangyari mang nakikita niya ito ay hindi siya dapat magtampo. Nariyan ang mga prayle na dasal
ng dasal at hingi ng hingi sa Diyos na nakakakita sa lahat, at kayo rin mismo ay maraming
hinihingi sa hukuman ng pamahalaan na ito. Nagdaramdam ba ang Diyos o ang hukuman?
Batid nating naitayo ang pamahalaan dahil sa mga tao kaya karapat-dapat lamang na
ibigay sa kanila ang katotohanan ng mga bagay. Kayo man ay walang pananalig sa inyong
sariling katwiran. Alam din ninyo na ang pamahalaang mananakop ay nais lamang ipagyabang
ang kanyang lakas at ipinagkakait nito ang mga hinihiling dahil sa takot at hinala. At ang mga tao
sa ganitong pamahalaan ay walang dapat hingin kundi ang magbitiw sa tungkulin ang
namumuno.
Señor Pasta : `Yan ay maling paniniwala! Maliwanag na bata kayo at wala pang alam tungkol
sa buhay. Tingnan ninyo ang nangyayari sa mga binata sa Madrid. Kung anu-anong mga
reporma ang kanilang hinihingi, tuloy ay nabansagan silang pilibustero at ngayo’y hindi na
makauwi ng Pilipinas Ngunit ano ba ang hinihingi nila? Mga bagay na banal at hindi mapanganib,
ngunit komplikado ang mga bagay at hindi ko ito maipaliwanag. Inaamin ko naman na may iba
pang rason kung bakit tumatanggi ang isang pamahalaan sa mga hiling ng mga tao. Maaaring
makakita tayo ng pinunong palalo pero palaging may ibang katwiran. Magkakaiba ang palakad ng
mga namumuno sa pamahalaan.
[hinto si Señor Pasta at galawin ang mga kamay na para nais magpaliwag.]
Isagani: [nakangiti pero malungkot ang tinig] Nahuhulaan ko ang gusto ninyong sabihin. Gusto
ninyong sabihin na ang isang pamahalaan ay hindi perpekto at nakabatay lamang sa kuru-kuro…
Señor Pasta: [mariin na nagtututol habang may hinahanap] Hindi, hindi iyon! Ang gusto kong
sabihin ay....nasaan na ba ang salamin ko?
Isagani: Hayan po.
[Isinuot ni Señor Pasta ang salamin at kunwaring nagbabasa ng papeles at nakita niyang
naghihintay ang binata]
Señor Pasta : May gusto sana akong sabihin kaya lang nalimutan ko, nwala ito sa isipan ko dahil
sa inyong paghadlang. Kung alam ninyo lamang kung gaano kagulo ang aking isip, marami kasi
akong gagawin.
Isagani: Kung gayon, ako po’y…
Señor Pasta : A...kung gayon ay hayaan na ninyo ang pamahalaan sa kanilang trabaho.
Nabanggit ninyo na tutol ang Bise-Rektor sa pagtuturo ng wikang Kastila, marahil ay hindi sa
simulain kundi sa paraan. Napag-alaman ko na darating ang Bise-Rektor na may dalang proyekto
para sa reporma ng edukasyon. Maghintay-hintay kayo, mag-aral kayo, hindi ba’t malapit na ang
pagsusulit? Napakagaling na ninyong magsalita ng Kastila, ano pang hinihiling ninyo? Ano pa ba
ang gusto ninyong paraan ng pagtuturo rito? Alam ko na pareho kami ng paniniwala ni Padre
Florentino. Ikumusta ninyo ako sa kanya.
Isagani : Ang tiyuhin ko, palagi niyang sinasabi sa akin na isipin ko ang iba gaya ng pag-iisip ko
sa aking sarili. Hindi ako pumunta rito para sa aking kapakanan, ngunit para sa mga sawimpalad
kong kababayan.
Señor Pasta : Ano ? Bakit hindi mo iparanas sa kanila ang inyong ginawa, ang magsunog ng
kilay sa pag-aaral o tulad kong makalbo sa pagkakabisado sa mahahabang talata. Naniniwala
akong marunong kayong magsalita ng Kastila dahil sa pinag-aralan ninyo iyon. Hindi naman kayo
taga-Maynila at lalong hindi kayo anak ng Kastila. Hayaan ninyo silang matutong mag-isa gaya
natin. Naging alila ako ng mga prayle noon, nagtitimpla ako ng tsokolate gamit ang kanang
kamay at may tangan naman akong aklat ng gramatika sa kaliwa. Salamat sa Diyos dahil natuto
ako nang wlaang tulong mula sa guro, akademya, o permiso mula sa pamahalaan. Maniwala
kayo, ang taong gusto matuto ay matututo at tatalino.
Isagani : Ngunit gaano karami sa gustong matuto ang nagiging ninyo? Isa sa sampung libo o
mas malaki pa.
Señor Pasta : Puwes, para saan pa? [sabay kibit-balikat] Marami nang mga abogado ngayon,
ang iba ay nagiging eskribyente na lang. Gayundin ang mga doktor, nakikipagtalo ang mga ito sa
isa’t isa para lamang sa isang pasyente. Mga manggagawa ang kailangan natin para sa
agrikultura.
Isagani : Walang duda, maraming ngang doktor at abogado, ngunit hindi ganoon karami dahil
may mga bayan pa tayong walang manananggol o manggagamot, kung mayroon man ay hindi
pa kagalinagn. Napipilitan lamang siguro ang mga binatang mag-aaral dahil ito lamang ang
dalawang kurso na maaari nilang pagpilian. Bakit namin natin sasayangin ang pagkakataon
nilang maging doktor o abogado kung magkakaroon tayo ng maraming kagaya nila at yamang
kailangan din lamang ay bakit hindi pa pagbutihan ? At sa lahat ng ito, kahit na maging isang
bansang magsasaka tayo, dahil sa tamang edukasyon, ay magagawa ng mga itong maging
perpekto ang kanilangmga trabaho.
Señor Pasta : Ba, ba, ba! Para maging isang magsasaka ay hindi na kailangan pa ang retorika.
Pangarap at paniniwala, walang kuwenta! Ang kailangan lamang nilang malaman ay ang
sumunod sa mga utos.[tayo si Señor Pasta at lagay ang kamay sa balikat ni Isagani]
Bibigyan ko kayo ng isang magandang payo, dahil nakikia ko na matalino kayo at hindi
masasayang ang sasabihin ko sa inyo. Mag-aaral kayo ng Medisina, hindi ba? Pag-aralan ninyo
ang pagkakabit ng emplasto o paggamit ng linta sa mga pasyente. `Wag ninyong gagamutin o
palalalain ang sitwasyon ng ibang manggagamot. Kapag isa na kayong ganap na doktor,
magpakasal kayo sa isang mayaman at mabait na asawa. Manggamot kayo at singilin ninyo nang
mahal ang mga nagamot ninyo. ‘Wag kayong makikialam sa problema ng pamahalaan, sa halip
ay magsimba kayo palagi, mangumpisal at mangumunyon. Kapag ginawa ninyo ang mga ito ay
tiyak na pasasalamatan ninyo ako pagdating ng panahon, kung ako’y buhay pa. Tandaan ninyo
na ang kawanggawa ay nagsisimula sa sarili at ‘wag kayong maghanap ng kasiyahan na sobra
para sa inyo, ayon nga kay Bentham. Huwag kayong sasali sa mga kahibangan dahil hindi kayo
kailanman magkakaasawa at itatakwil pa kayo ng inyong bayan. Maniwala kayo sa akin,
sasabihin ninyong tama ako kapag matanda na kayong tulad ko.
[Malungkot na ngumiti si Señor Pasta at hinimas ang ulo]
Isagani: [malungkot na tinig] Kapag may puting buhok narin ako Señor, at kapag ginunita ko
ang nakaraan na puro pansarili lamang ang aking ginawa at hindi para sa bayang nagbigay sa
akin ng lahat ng aking kailangan at sa mga taong tumulong sa aking mabuhay, lahat ng puting
buhok na iyon ay magsisilbing tinik na hindi ko kayang pagmalaki at sa halip ay ikakahiya ko.
[yumukod si Isagani at nagpaalam]
[Si Señor Pasta naman ay nanatiling nakatayo na gulat na gulat at umupo lang nang marinig na
niya ang hakbang ng binata na palayo]
Señor Pasta : Kaawa-awang binata! Ang mga ganoong diwa ay pumasok sin sa aking isipan
noong ako’y bata pa. Ano pa nga ba ang gusto nila kundi ang masabing: Ginawa ko ang lahat
para sa aking Inang Bayan at inilaan ko ang buhay ko para sa iba. Koronang gawa sa laurel, mga
pinatuyong dahong tigmak sa mga tinik at uod. Hindi ‘yan ang buhay na gusto ko, hindi ‘yan
makapagbibigay ng pagkain sa araw-araw o ng karangalan kaya; hindi ‘yan makapagpapanalo ng
mga argumento sa hukuman. Ang katotohanan, ang bawat bansa ay may iba’t ibang ugali,
panahon o kaya’y sakit.
Kaawa-awang binata! Kung mas maraming tao lamang ang kagaya niya, hindi na sana
ako tumanggi. Kaawa-awang Florentino!
KABANATA 16
ANG PAGHIHIRAP NG ISANG INTSIK
NARRATOR: Pagsapit ng gabi, ay nagdaos ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ng
magarbong salu-salo sa itaas ng kanyang tindahan sa daang Escolta. Napakaraming dumalo
rito kabilang na ang mga prayle, militar, kawani, kasosyo, negosyante, mamimili at
padrino. Ang kanyang tindahan ang pinagkukunan ng lahat ng pangangailangan sa mga
parokya at kumbento, at maging ng mga kawaning nais umutang ng paninda.
PANAUHIN: Nabalitaan ko na may pagsasalo mamaya sa bahay ni Quiroga. At nabalitaan
ko rin na maraming pupunta rito. Kasama na rito ang mga kilalang may katungkulan sa
gobyerno, pati na rin ang mga prayle.
2ndPANAUHIN: Ah, oo, nabalitaan ko nga. Maging ako ay imbitado sa salu-salong ito.
SA BAHAY NA NI QUIROGAAAAA!
KAWANI: Napakaganda naman ng mga palamuti dito sa bahay ni Quiroga! Kahit ang
mga likmuang ito na gawa pa sa Vienna. At ang mga bangkitong ito na mula pa sa Canton.
NEGOSYANTE: Tama ka diyan! Napansin ko rin itong mga kuwadrong bughaw na gawa
pa sa Canton o Hongkong. Pati na ang mga kromo ng mga babaeng alipin ng Sultan.
PANAUHIN: O? Ah! Nandito pala si Quiroga! Napakaganda naman ng damit na kanyang
suot!
QUIROGA: (thoughts ni quiroga) Alam ko! Hindi kayo dumating para sa’kin kundi dahil
sa’king hapunan.
(aloud) Mga ginigiliw kong panauhin, maraming salamat sa inyong pagdalo sa munting
salu-salo na aking idinaos. Nawa’y masiyahan kayo ngayong gabi. Siya nga pala, handa na
ang hapunan tayo ng magsalu-salo.
(mga tao punta sa kainan)
[adlib, tawanan.. nagsasaya ]
Pasok si simoun
Quiroga: Senyor Simoun! Nanadito na pala kayo… halina’t tayo’y magsalu-salo.
Simoun: maraming salamat senyor! Ngunit ako’y naghapunan na.
Quiroga: Ganun Ba? Heto’t uminom ka na lamang ng alak
[tawanan, kwentuhan,]
Negosyante: Hay naku! Humihina na ang aking negosyo! At natatakot ako na baka
tuluyan na itong bumagsak.
Negosyante 2: Gayun din ang aking negosyo. Hindi ko na alam ang aking gagawin.
Senyor Simoun! Ano sa tingin niyo ang dapat kong gawin?
Simoun: Ano?? Ako??? Hinihingi niyo ang aking opinyon?
Negosyante: At bakit naman hindi?
Simoun: Uhmm…. Sa tingin ko ay dapat niyong pag-aralan kung bakit nag-tatagumpay
ang ibang mga bansa, at gayahin niyo ang ginagawa nila.
Negosyante: At bakit sila nagtatagumpay, ginoong simoun?
Don Timoteo: Ang hindi parin natatapos na mga daungan ang nakapagpapabigat sa
kalakalan! Hay!! Tulad ng sinasabi ng aking anak, para itong bahay na gagamba na
Penelope na hinahabi at kinakalas… at ang mga buwis
Negosyante: At dumaraing kayo! Kautusan ng K Heneral na ipagiba ang mga bahay na
gawa sa magagaang materyale! Kayo ka-aangkat pa lamang ninyo ng Galbasinadong yero!
Don Timoteo: OO! Ngunit magkano naman ang nagastos kosa kautusang yang?!
Pagkatapos hindi pa ipapatupad sa loob ng isang buwan ang demolisyon kailangang
hintayin pa ang kwaresma at pagdating ng iba pang inangkat. Ang gusto ko sana’y ipagiba
ang mga ito sa lalong madaling panahon. bukod pa dito ano ang ipang-bibili sa akin ng
mga may-ari ng bahay ay pawang mahirap sila?
Negosyante: Mabibili ninyo rin ang mga bahay sa munting halaga.
Don Timoteo: At pagkatapoz ay gawan ng paraan na mapawalang bisa ang kautusan at
ipag-bili muli ang mga bahay sa dobleng halaga. Ganyan ang hanapbuhay!
Narrator: Iniwan ni Simoun ang dumraing na mga manga-nga-lakal. Ngunit nakaharap
niya naman si Quiroga. Na biglang naging malungkot ang dating palangiting mukha.
Ginagalang ni Quiroga si Simoun, dahil sa mayaman ito, sa balitang malapit ito sa K. Hen.
Na-alala niya ang winika ni Simoun ukol sa pagiging masunurin ng bansa.
[simoun at quiroga nag-uusap adlib..]
Simoun: Naibigan ba niya ang mga purselas?
Quiroga: [intsik ang salita] Nakoww! Ginoo Simoun. Akien lugi akien magsak!
simoun: [tinatago ang tawa] Ikaw? Malulugi?? Mukhang hindi kapani-paniwala iyon.
Quiroga: Hindi mo alam akien lugi!
[simoun and quiroga punta sa isang silid ]
Quiroga: Ang totoo niyan Senyor, hindi talaga para sa akieng asawa ang pulseras… Para
ito sa babaeng kaibigan ng isang opisyal na mataas ang tungkulin. Kailangan ko ang tulong
niya , para tumubo ng anim na libong piso. Sa isang kalakal ..Pinapili ko siya sa 3
purselas…
Simoun: at anong nangyare?
Quiroga: Hay naku! Nagulat ako ng piliin niya ang 3 purselas. Senora, ako’y nalugi!
Hayyy…
Simoun:(natatawa) ganito na lang, kapag may pumunta rito upang mangutang, sa’kin niyo
ito ituro. Ililigtas ko kayo sa mga mangungutang.
Quiroga: Naku! Maraming salamat senor Simoun. Maasahan niyo ang aking tulong.
Simoun: (umiiling) Kailangan ko pa naman ng salapi, akala ko ay mababayaran ninyo ako.
Ayaw ko lamang na malugi ka sa iyong negosyo kaya gagawin ko na lang na pitong libo
ang utang mong siyam na libong piso kung papayag kang itago sa iyong bodega ang mga
inangkat kong baril.
Quiroga: (shocked) B-b-b-baril?!!
Simoun: Wag kayong mabahala! Hindi ko kayo ipapahamak. Unti unti ko itong itatago sa
mga bahay bahay at pagkatapos ay hahalughugin. Makukulong ang mga may ari ng bahay
at malaki ang magiging kita ko sa paglakad ng mapalaya ang mga bilanggo.
Quiroga: Ngunit Senor Simoun…(nagaalinlangan) Hindi ba’t mapanganib ang binabalak
mo?
Simoun: Kung ayaw mo naman, sa iba na lang ako hihingi ng tulong pero kailangan ko
ang siyam na libong piso mo.
Quiroga: Hayy…. Sige, pumapayag na ako Senor Simoun.
Simoun: (pleased) Mabuti naman.. Maraming salamat sa iyong kooperasyon.
Quiroga: Halika na at bumalik na tayo sa kasiyahan.
(BUMALIK NA SILA SA MAY MGA TAONG NAGTATAWANAN…
NAGSISIYAHAN…UMIINOM)
Ben Zayb: May nalalaman ka ba tungkol sa magnetismo? Espiritismo? Madyik? At iba
pang may mga kinalaman dito?
Padre Camorra: Ha! Syempre naman no! Anu bang tingin ninyo sa’kin? Isang Indiyong
walang alam?!
Juanito Pelaez: Nabalitaan niyo na ba ang idinaraos na perya sa Quiapo?
Ben Zayb: At anu naman ang kapana panabik tungkol dito?
Juanito Pelaez: Ang mahika ni Mr. Leeds! Nakakapaglabas daw siya ng pugot na ulo sa
loob ng kahon at ako mismo ay nakasaksi rito.
Ben Zayb: Hmm… Sa tingin ko’y isa lang itong kaso ng optika.
Padre Camorra: Nagkakamali ka! Dahil lamang ito sa espiritismo!
(BACKGROUND FIGHTING,NOISES…PADRE SALVI NANANAHIMIK)
Simoun: Mas mabuti pang panuorin natin ito para malaman kung sino ang tama o mali?
Padre Salvi: Ngunit mahirap makipagsiksikan sa mga tao.
Don Custodio: Sumasang ayon ako sainyo reverendo.
Ben Zayb: Basta! Ako na ang bahalang makipagusap kay Mr. Leeds. At walang ibang
makakapasok habang nanunuod tayo.
EEEEEENNNNNNNNNNNNNDDDDDDD~!
KABANATA 17 – ANG PERYA SA QUIAPO
Narration: Isang gabi sa buwan ng Enero, ang mga tao ay natitipun-tipon sa Perya upang
magsaya at maglibang. Sa Perya, may nakaka-indayog na musika, at mayroong ding
magagandang dekorasyon at pailaw.
[ lahat ay busy sa kakalakad, kaka-enjoy, kaka-ikot sa paligid, lahat ay nagagalak ]
Padre Camorra: Uy! Ang daming kaaya-ayang makikita sa paligid!… at mas lalo pang
nagkapag-papaligaya sa akin ay ang mga naggagandahang babae sa paligid (masaya si P.
Camorra, at madalas siyang mapatingin sa mga babae)
[ P. Camorra mabubunggo si Ben Zayb]
Padre Camorra: Ay! Paumanhin Ginoo, hindi ko sinasadya.
Ben Zayb: Ah opo.. wala pong anuman .
Padre Camorra: Ben Zayb, ano sa tingin mo yung babaeng yun?? Maganda ba? ( masaya)
Ben Zayb: (sigh) Hay! Padre Camorra….
[ Padre Salvi, tingin lang ng tingin kay P. Camorra, with disgust]
Padre Camorra: (kausap ang sarili) Kailan kaya ako magiging kura na Quiapo?
[ Dumating si Paulita w/ Isagani and Victorina sa Perya at namangha ang lahat, nakuha
niya ang atensyon ng lahat ng nasa liwasan]
[ Inabot ni P. Camorra ang braso ni Ben Zayb…ini-imagine niya na ito ay si Paulita]
Extra1: Wow! Napaka-ganda talaga ni Paulita :]]
Extra2: Oo nga, sang-ayon ako diyan, tunay ngang nakakabigahani siya.
Extra3: Siya na yata ang pinaka magandang dilag na nakita ko sa tanang buhay ko.
Juanito: Magandang gabi binibini! Kamusta ka na?
Padre Camorra: Pambihirang dalaga! Napaka-gandang bata! (sobrang amazed)
Ben Zayb: Tayo na, Padre! Kurutin na lamang ang sarili ninyong tiyan at tumahimik!
(asar)
Padre Camorra: Pambihirang dalaga! Napakagandang dilag! At nobyo pala niya ang
nakagalit kong estudyante. Mapald siya’t hindi siya nabibilang sa aking Parokya!
Ben Zayb: Ano ba, Padre Camorra?!! Tara na po! At baka mahuli pa atyo sa palabas!
[lakad sila patungo sa isang kubol] adlib lang!
Extra1: Uy, ano bang meron diyan??
Extra2: ang pagkakarinig ko magkakaroon daw ng isang pagtatanghal diyan.
Extra1: Oh talaga? Ano namang klaseng palabas?
Narration: Nag kubol asy isang tindahan na puno ng maliliit na estatwang kahoy na
iniuugnay sa bansa at kumakatawan sa lahat ng klase, lahi, propesyon ng mga nasa
kapuluan. Ang mga prayle naman sa Pilipinas ay iba; pasensiyoso, maayos manamit at
lahat ng kabutihang asal, nasa kanila na.
Padre Camorra: at sino naman ang kamukha ng estatwang ito? Ha? Ben Zayb?
Ben Zayb: Ang estatuwa ay isang babaing iisa ang mata, magulo ang buhok at
nakasalamapak sa sahig gaya ng mga anito ng mga Indiyo, habang namimirinsa ng damit.
Padre Camorra: eh, Ben zayb, ang nakaisip nito ay hindi hangal, hindi nga ba?
Ben zayb: Hindi ko matukoy ang ibig ninyong sabihin
Padre Camorra: Hindi mo ba nakikita ang pamagat? “ang pahayagan ng Pilipinas” ang
bagay na pinaplantsa ng matandang babaing iyan ay tinatawag na pahayagan
[ tawa ang lahat!!] hahahaha!
Narration: Marami sa mga bisita ay hindi nagustuhan ang pagtatanghal. Binigyan diin nila
ang patakaran ng sining at kinilatis ang sukat ng mga bahagi tulad ng isang estatuwa. At
Hindi maintindihan ni Padre Camorra kung paano nagmukhang tama ang isang estatuwa
sa kabila ng pagkakaroon nito ng apat na ilong at pitong ulo, at may isang nagsabi na
masyadong matipuno ang pagkakagawa sa estatuwa ng Indiyo.
[lahat ay nag-bigay ng opinyon at kritisismo]
Padre Camorra: Bakit? Bakit ilong lang ang binigbigyan niyo ng pansin? Maari rin
naman lagyan pa ng mga binti yan diba?
Adlib [away-away, nagtatalo kung may talento daw ba ang mga indiyo sa larangan ng pagukit]
Ben Zayb: Ang lahat ay nagsasabi, na ang intsik ay si Quiroga. Subalit sa malapitan ay
kawangis nito ni Padre Irene. At ano ang masasabi mo tungkol sa Ingleterong Indiyo?
Kamukhan naman niya si Simoun!
[tawanan lahat]hahahahah!
Extra: totoo nga, totoo nga, siya nga iyon!
Extra: Ngunit nasaaan si Simoun? Hikayatin ninyo siyang bilhin ito.
Padre Camorra: Napaka-kuripot ng Amerikanong iyon! Natatakot siyang pagbayarin
natin sa pagpasok ng lahat sa kubol ni Mr. Leeds
Ben Zayb: Hindi!!!! Ang kinatatakutan niya marahil ay ang makompromiso. Maaring
nakikini-kinita na niya ang mga kantyaw na naghihintay sa kanyang kaibigang si Mr. Leeds
kaya umiwas siya.
[ Hindi man lang sila bumili ng isang bagay.. upang magpatuloy at masilayan ang sikat na
espinghe]
Ben zayb: Ako ng bahala dun sa palabas.. maghintay lang kayo at mai-bubunyag ko sa
inyo ang lihim na itinarago ng mahiwagang espinghe.
Ben Zayb: sa wakas! Makikita na ninyo na ang lahat may kinalaman sa optika.
KABABATA 18
ANG PANDARAYA
NARRATION: Ang buong silid ay napalilibutan ng itim na kurtina at naiilawan ng
matatandang lampara. Ang isang bahagi ay puno ng mga upuan para sa mga manonood at
ang isa pang bahagi ay nalalatagan ng parisukat na alpombra kung saan naroroon ang isang
mesang nababalutan ng itim na tela at kinapapatungan ng mga bungo at iba pang
nakakikilabot na pigura.
BEN ZAYB: Mister, yamang tayu-tayo lamang namna ang narito at hindi kami mga indiyo
na madaling maloko, maaari ba naming Makita ang kadayaan? Siyempre alam naming na
epekto lang ng optika ang palabas, datapwat ayaw ni Padre Camorra na maniwala.
MR. LEEDS: Bakit hindi Ginoo? Pero ipinapakiusap kong iwasan lamang ang makabasag.
Sang-ayon?
(ADLIB!!! PAGSIYASAT NI BEN ZAYB AND EVERYTHING!!! )
PADRE CAMORRA: Nasaan ang salamin????
(ADLIB!!!!! HANAP PA RIN!!! )
MR. LEEDS: May nawawala ba sainyo?
BEN ZAYB: Ang salamin, Mister, saan nakalagay ang salamin???
MR. LEEDS: Hindi ko alam kung nasaan ang sa inyo. Ang sa akin ay nasa otel, ibig ba
ninyong manalamin? Tila namumutla kayo!!!
(ADLIB!!! TAWANAN !! BEN ZAYB, BALIK SA UPUAN!!!!)
BEN ZAYB: Hindi maaari, makikita ninyo. Hindi niya magagawa ang palabas nang
walang salamin. Papalitan niya ang mesa pagkatapos.
MR. LEEDS: Tama na ba ang pagsisiyasat ninyo? Maaari na po ba taong magsimula?
EXTRA NA DONYA: Sige na po (paypay pa!!)
(ADLIB!! MR. LEEDS MAY KINUHA NA KAHON NA GAWA SA KAHOY!!)
MR.LEEDS: Minsang dumalaw ako sa piramide ni Khufu, ang paraon ng ikaapat na
dinastiya ng ehipto, natuklasan ko sa isang nalimot nang silid ang isang libingang yari sa
pulang granito. Natuwa ako sa pag-aakalang iyon ay isang maharlikang bangkay na
nakabilot sa tela, pero nahalinhinan iyon ng lungkot nang isang walang laman kundi ang
kahong ito na maaari ninyong suriin.
(ADLIB!!! LAKAD SI MR. LEEDS WITH THE BOX; NAPAURONG SI PADRE
CAMORRA; TINIGNAN NG MALAPITAN NI PADRE SALVI; NGUMITI SI PADRE
IRENE; SERYOSO SI DON CUSTODIO; BEN ZAYB NAGHAHANAP PA RIN)
EXTRA NA SENYORA : (nagpapaypay) Amoy bangkay!!!!
KABANATA 19 : ANG MITSA
(Placido naglalakad nag alit at binabangga lahat ng nakakasalubong)
PLACIDO : ipakita mong may karangalan ka,gumanti ka! Sinasabi nilang di daw tayo
marunong pumarehas, kumidlat sana at nang Makita natin!
(nakarating siya sa bahay at nakita ang ina na si Kapitana Tika. ADLIB: nag uusap about sa
mga nangyari)
(umiiyak na si kapitana tika…)
KAPITANA TIKA: ano na lamang ang sasabihin ng iyong ama?! Nangako ako sa kanya
na gagawin kang isang abogado! Nagtipid ako, nagtiis at naghirap para lamang mapag-aral
ka!
PLACIDO: anong makukuha ko sa pagiging abogado?
KAPITANA TIKA: tatawagin ka nilang pilibustero at ipabibitay! Matuto kang
magpakumbaba. Magtiis ka,anak! Magtiis ka!
PLACIDO:ngunit.. sapat na ang nagawa ko inay, buwan-buwan akong naghihirap.
(patuloy pa rin sa sermon ang inay ni Placido habang siya ay umalis ng bahay, nang siya
ay magutom at marealize na wala siyang pera umuwi siya, andun parin ang nanay)
KAPITANA TIKA: magapapatulong ka sa prokurador ng mga Agustino para muli kang
makapasok.
PLACIDO: tatalon muna ako sa dagat! Magiging tulisan muna ako kaysa bumalik sa
unibersidad!
(umalis siya at nagpunta sa daungan ng bapor)
PLACIDO: gusto ko maging Malaya!!!!! Pupunta ako ng Hong Kong!
(aalis n asana nang Makita si Simoun,parang nagmamadali)
PLACIDO: ginoong Simoun!2x maaari ba kayong makausap?
SIMOUN: mabuti! Sumama kayo sa akin sa kalye Iris.
(sumakay sila at pagbaba nila nakita nila si paulita at isagani with donya victorina at
juanito pelaez)
(pumasok sila sa mga eskinita… nakarating sila sa isang bahay, si simoun kumatok at
dumangaw ang isang boy)
SIMOUN: nandito na ba ang pulbura?
BOY 1:hinihintay ko na lamang ang lalagyan ng bala
SIMOUN: at ang mga bomba?
BOY 1:nakahanda na ang lahat
SIMOUN: mabuti! Umalis ka na ngayong gabi at makipagusap sa tinyente
(binigyan siya ng pera ni simoun at umalis na.. si placido ay shocked at nakatingin kay
simoun)
(bumalik sila sa kalye at pumunta ulit sa isang bahay..nilapitan ni simoun si boy 2)
SIMOUN: maghanda kayo sa darating na lingo
BOY 2:handa ako palagi! Handan a ba ang lahat?
SIMOUN: sa unang pagputok ng kanyon.
(umalis na sila pumunta sa bahay ni simoun at after ilang oras umuwi na din si placido)
(hinubad ni simoun ang salamin at umupo at tila malalim ang iniisip niya at nkatingin far
away  )
SIMOUN: sa loob ng ilang araw,kapag umabot na ang mga kaguluhan sa kahanggan at
dumaloy na sa mga lansangan ang aking paghihiganti,kukuhanin kita mula sa mahigpit na
pagkakahawak sayo ng mga bulag na mananampalataya. Bago sumapit ang kabilugan ng
buwan ay masisinagan at malilinawagan ang Pilipinas!
(napahinto siya at parang nakokonsensiya..he closed his eyes and touched his forehead..
SIMOUN: hindi,, marahil ay may sakit lang ako. Masama ang aking pakiramdam
(tumayo na siya at nilanghap ang hangin  )
SIMOUN: hindi,hindi ako maaaring umatras. (while pinupunasan ang pawis sa noo)
malayo na ang narrating ng mga ginawa ko at ang tagumpay ang magbibigay sa akin ng
katwiran.
(sinubukan na niyang matulog….)
-----------NEXT DAY
(nag uusap si placid at ina)
PLACIDO: pumapayag nap o ako sa desisiyon niyo ina.
KAPITANA TIKA: nakapagtataka naman at bigla ka yatang pumayag?
PLACIDO: dahil.. dahil kung malalaman ng prokurador na narito kayo sa siyudad, hindi
niya ako haharapin hangga’t hindi kayo nagreregalo o nagpapamisa.
KABANATA 20: ANG NAGPAPALAGAY
(Si don custodio nakaupo sa office at pinag-aaralan ang mga dokumento habang humihikab
at nag iismoke)
(sunud-sunod ang paghikab niya at pag-inat.. may nakita siyang file ng mga folder, kinuha
niya ito at isa-isang tinignan…)
(naagaw ng pansin niya ung last na folder at binasa niya ito..)
DON CUSTODIO: ano ba nag laman nito?
………….ito pala ang tanyag na proyekto ng akademya ng sining at kalakal. Anong
kademonyohan! Ang mga Agustino ang siyang namamahala rito.
(nagging happy siya at relieved.. bumalik sa table at nagsulat sa papel..)
Download