Name: Belga, Reyna Mae A. Year & Section: BSP-2B Ipaliwanag ang salawikain at magbigay ng 4 na Tugmang de gulong at ipaliwanag ito. Salawikain ipaliwanag: • Ang salawikain ay maiiksing pangungusap na nagtataglay ng malalim na pakahuluguhan, ito ay tradisyunal na kasabihan kung saan ito ay nakabatay sa pang araw- araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao at pinagsalin salin hanggang sa makarating sa kasalukuyan. Kadalasan ang layunin nito ay magbigay ng aral o payo na maaaring magamit ng isang indibidwal sa pang araw araw nitong pamumuhay. Kung sino ang unang pumutak siya ang nanganak. • Kadalasan kung sino pa yung nangungutuwiran sa isang bagay ay siya pa pala ang mali. At kung sino pa yung tumatanggi at nakakaila ng isang kasalanan ay sila pa pala ang may gawa o may sala. Walang umaani ng tuwa na di sa hirap nagmula. • Kapag ang isang bagay ay nakuha mo sa sarili mong pawis o pinaghirapan mo muna bago mo ito makuha, sadyang walang kasing saya sa pakiramdam. Ang taong may karunungan , di basta-basta malalamangan. • Maihahalintulad ko ito sa aking sarili at sa iba pang estudyante na kagaya ko dahil lagi sa sakin sinasabi ng aking mga magulang na “ Anak mag aral ka ng mabuti dahil iyan lamang ang aming maipapamana saiyo na kailanman ay hindi mananakaw ng sinuman at kapag may pinag aralan ka hindi ka basta basta maloloko ng ibang tao” iyan ang katagang lagi kong nasa isipan simula pa lamang ng ako ay nag aral. Magbigay ng 4 na tugmang de gulong at ipaliwanag 1. Ayos lang na sa jeep sumabit, basta wag lang sa asawa ng iba • Ipinapahiwatig lamang ng katagang ito na okay lamang sumabit sa jeep, huwag lang sa asawa ng iba dahil alam naman natin na bawal maki-apid sa asawa ng iba dahil ito ay bawal sa mata ng diyos at sa mata ng batas. 2. Sa jeep puwede mong ipagsiksikan ang sarili mo, huwag lang sa pag-ibig. • Ang ibig sabihin lamang nito ay sa jeep puwede natin ipagsiksikan ang ating sarili, huwag lamang sa pag ibig dahil kung hindi ka nila gusto bilang ikaw, huwag mo nang ipilit. Ang pag ibig ay kusang nadarama ng dalawang taong nagmamahalan at kailanman hindi natin ito maaaring ipilit dahil masasaktan lamang ang damdamin ng taong nag pumipilit nito dahil sa huli magmumukha ka lamang katawa tawa. 3. Sa pag taas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga. • Ipinapahiwatig lamang nito na hindi mayaman ang mga jeepney driver sila ay mahihirap lang din na kung minsan ay sapat lamang ang kita nila sa isang araw sa pag araw araw na gastusin, kung kaya’t sana huwag tumaas ng tumaas ang presyo ng gasolina. 4. Sa tamang babaan lang pumara, mahirap nang magmulta. • Ito ay pagpapaalala lamang na may mga lugar na sadyang nakalaan upang babaan at sakayan ng mga pasahero at kapag ikaw ay lumabag dito nagkakaroon ng kaparusahan. Ang kaparusahan na ito ay pag mumulta ng sapat na halaga upang hindi na umulit ang isang jeepney driver. Kadalasan may mga pasahero na makukulit kung saan pumapara sa mga lugar bawal magbaba ng pasahero.