Uploaded by Vanessa Vibal

FPL TALUMPATI

advertisement
Talumpati Kahulugan at Uri
Bilang isang mag-aaral, marahil ay maraming
pagkakataong nakasaksi ka na ng mga
pagtatalumpati. Maaaring sa mga balita sa
telebisyon ay napanood mo nang nagtatalumpati
Pilipinas at iba pang lingkod-bayan, maaaring ang
inyong punongguro ay makailang ulit mo na ring
nasaksihang magtalumpati, at maaaring maging sa
mga dati mo ng klase ay nakaranas ka na ring
lumikha ng talumpati.
Sa modyul na ito, palalawakin at palalalimin natin
ang mga kaalaman na dapat mong matutuhan
hinggil sa talumpati. Pagtalakay hinggil sa
kahulugan ng talumpati. Tinatawag na talumpati ang
anumang buod ng kaisipan na isinulat at binibigkas
sa mga manonood. Naglalayon itong makahikayat o
mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang
partikular na paksa.
Ang talumpati ay isang komunikatibong pasalita na
isinasagawa sa pampublikong lugar na may
layuning makapaglahad ng mga impormasyon at
opinyon,
makapagpaliwanag,
mang-aliw
o
manghikayat na tumutuon sa iisang paksa.
damdamin ng pagbubuklod-buklod, pagkakapatiran,
at pagkakaisa.
Uri ng Talumpati Batay sa Kahandaan
1. May paghahanda o prepared speech.
Tumutukoy sa mga talumpati na isinulat at kinabisa
ng isang tagapagsalita sa partikular na panahon o
oras. Gumugol ang tagapagtalumpati ng oras upang
isulat at saliksikin ang impormasyon ng kaniyang
paksa. Naghanda rin ang tagapagtalumpati kung
paano bibigkasin ang kaniyang talumpati.
1.1 Talumpating Binabasa. Ito ay sinulat sa
anyong pasanaysay at binabasa nang buong lakas
sa harap ng mga tagapakinig.
Halimbawa: State of the Nation Address (SONA),
mga prebilehiyong talumpati ng mga kongresista o
senador
1.2 Talumpating Isinaulo. Tulad ng talumpating
binabasa ay inihanda ang kabuoan sa anyong
pasanaysay ngunit ito ay isinaulo para bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig.
Halimbawa: Valedictorian Address
Karaniwang ang talumpati ay binibigkas ng
tagapagsalita sa isang entablado at mga panauhing
pandangal.
1.3 Talumpating Ekstemporanyo. Ito ay
talumpating may paghahanda sa balangkas, mula
sa panimula hanggang wakas ngunit ang mga
paliwanag bilang katawan ay nakasalalay na sa
tagapagsalita.
Ginagawa
ito
ng
isang
tagapagsalitang may sapat nang karunungan sa
paksa. Nabibigyang-pansin ng tagapagtalumpati
ang pangangailangan ng mga tagapakinig ukol sa
paksa.
Bakit itinuturing na sining ang talumpati?
Halimbawa: Mga host sa isang programa
Dahil sa mabisa at malikhaing pagkakagawa ng mga
talumpati ng mga kilalang personalidad kabilang ang
mga politiko, iskolar, eksperto sa isang uri ng paksa,
at iba pang panauhin, itinuturing na isang sining din
ang talumpati.
2. Biglaang talumpati. Talumpati na isinulat at/o
binigkas din ng parehong araw at agad-agad. Wala
nang pagkakataon ang magsasalita na magsanay
ay saliksiking maigi ang kaniyang talumpati.
Layunin ng talumpati
Layunin ng mga talumpati na ipabatid ang pagsangayon, pagtugon, o pagbibigay ng impormasyon sa
mga tagapakinig.
Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
1.
Talumpating
nagbibigay-impormasyon.
Nagpapaliwanag,
naguulat,
naglalarawan,
nagbibigay-kahulugan, nagpapakita ng kaganapan,
at nagbibigay-liwanag sa isang paksa.
2. Talumpating nanghihikayat. May layuning
mapaigting, mabago, maimpluwensyahan o
mapatotohanan ang mga saloobin, paniwala o
emosyon ng tagapakinig.
3. Talumpating nagtataguyod ng pagbubuklodbuklod ng lipunan. Naglalayong maiangat ang
2.1 Impromptu speech. Binibigyan lamang ng
paksa ang isang tagapagsalita at saka ito
ipaliliwanag. Maaari ring bigyan siya ng sapat na
oras upang makapag-isip ng mga paliwanag kung
ang tagapagsalita ay nasasangkot sa isang
paligsahan.
Halimbawa: Timpalak sa pagtatalumpati ukol sa
nabunot na paksa
Praktika ng Pagsulat ng Talumpati
Ang Talumpati
Ayon kina Constantino at Zafra (2018), ang
talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na
binibigkas sa harap ng mga tagapanood at/o
tagapakinig. Sinasabing pormal ang talumpati sa
dahilan na ito ay pinaghandaan, gumagamit ng
piling wika, at may tiyak na layunin.
Ayon pa kina Constantino at Zafra (2018), maaari
ring ituring na talumpati ang mga pormal at
akademikong gawain gaya ng panayam o lektura,
presentasyon ng papel, keynote address o susing
salita, talumpati sa mga seremonya, talumpati na
nagbibigay-inspirasyon, at iba pa.
Proseso ng pagsulat ng talumpati
Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay nahahati
sa tatlong pangunahing yugto: una, ang
paghahanda; ikalawa, ang pananaliksik; at ikatlo
ang pagsulat ng talumpati.
Yugto 1: Paghahanda
Saklaw ng paghahanda ang pagtukoy at pagtiyak sa
mga sumusunod na salik:
1. Layunin ng Okasyon. Mahalagang malinaw sa
magtatalumpati ang layunin ng okasyon na
pagtatalumpatian. Ilan sa halimbawang layunin ay
ang pagbibigay ng impormasyon sa mga usaping
may kaugnayan sa komunidad, pagbibigayinspirasyon, o kaya ay magbahagi ng karanasan ng
magtatalumpati na kapupulutan ng aral ng mga
tagapanood at/o tagapakinig. Maaari ring isaaalangalang ang tema o paksa ng okasyon sa pagsulat ng
talumpati. Maaari rin na isaalangalang ang mga
paniniwala, bisyon, at misyon ng samahang
nagtataguyod ng okasyon bago sumulat ng
talumpati.
2. Layunin ng Tagapagtalumpati. Maliban sa
pagsasaalang-alang sa layunin ng okasyon,
mahalagang malinaw sa tagapagtalumpati ang
layunin niya sa pagtatalumpati. Makatutulong din
kung sasangguni ang tagapagtalumpati sa mga
taong tagapagtaguyod o tagapag-organisa ng
okasyon. Hangga`t maaari, dapat na ang nilalaman,
haba, at tono ng talumpati ay kaugnay sa
pangkalahatang layunin ng okasyon kung saan
magtatalumpati ang tagapagtalumpati.
3. Manonood. Dapat tandaan na ang mga
manonood ay hindi lamang payak na tagapakinig.
Isang mahalagang salik ang manonood sa
pagtatalumpati dahil sila ang tagatanggap ng
mensahe na lalamanin ng talumpati. Mahalaga na
masarbey kung sino ang manonood na sasaksi sa
talumpati. Halimbawang kakaunti ang magiging
tagapanood ng talumpati, maaari na maging
mahaba, malaman, at malalim ang talakay hinggil sa
isang paksa sapagkat malapit ang ugnayan ng
tagapagtalumpati sa manonood na taliwas sa
maramihang manonood. Karaniwang mas maikli
ang talakay sa paksa at lahukan ng mga naaayong
biro sa paksa upang makuha ang atensyon ng mga
tagapanood. Mahalagang masarbey rin ang pinagaralan, kalagayang pang-ekonomiko, kasariaan,
edad, relihiyon, at iba pa ng mga manonood upang
maiangkop ang talumpati na lilikhain at isasagawa.
4. Lunan ng talumpati. Bago magtalumpati,
mainam na makita o malaman ng isang
magtatalumpati ang lunan na pagtatalumpatian
upang mausisa ang mga detalye tulad ng nasa loob
o labas ba, sa entablado o sa lupa ba, at malamig o
mainit ba ang temperatura ng ang pagdarausan ng
pagtatalumpati. Dapat ding usisain ang mga
kagamitan na gagamitin sa pagtatalumpati gaya ng
podium, projector,laptop o computer, sound system,
atbp. Dapat ding alamin ng tagapagtalumpati ang
araw at oras ng kabuoang programa o okasyon. Sa
ganito, magiging malay ang tagapagtalumpati sa
lahat ng detalye ng kaniyang pagtatalumpatian.
Yugto 2: Pananaliksik
Sinasaklaw ng yugto na ito ang pagbuo ng plano,
pagtitipon ng materyal, at pagsulat ng balangkas ng
talumpati.
1. Pagbuo ng Plano. Kinakailangan na pag-aralang
mabuti ang paksa ng inaasahang talumpati.
Isaalang-alang ang iba`t ibang paraan o estratehiya
na maaaring magamit sa paglinang sa paksa ng
talumpati. Isulat sa sulatang papel o kaya ay i-note
sa gadgets ang mga paraan o estratehiya na
maaaring magamit saka piliin ang pinakaangkop
para sa mga salik na saklaw ng paghahanda ng
talumpati.
2. Pagtitipon ng Materyal. Mangalap at tipunin ang
iba`t ibang materyal na makatutulong sa pagbuo ng
plano ng paglinang sa paksa ng talumpati. Ang
varayti ng materyal para sa pagbuo ng plano ng
paglinang sa paksa ng talumpati ay makatutulong sa
mabilis na pagsasakatuparan nito. Ilan sa mga
halimbawang materyal ay ang mga sangguniang
aklat o textbook, journal, oral at nakalimbag na
panitikan, panayam, atbp.
3. Pagsulat ng Balangkas ng Talumpati. Mula sa
mga nakalap na materyal, maaari nang sumulat ng
balangkas ng talumpati. Mainam na sumulat ng
balangkas upang mayroong gabay ang susulat ng
talumpati sa kung ano ang lalamanin ng talumpati.
Ang balangkas din ang nagsisilbing tagapagdikta ng
direksyon na tatahakin ng talumpati.
Nahahati sa dalawang malawak na proseso ang
yugto na pagsulat ng talumpati: una, ang aktuwal na
pagsulat ng talumpati; ikalawa, pagrerebisa ng
talumpati.
bukas o direktang tanong sa mga manonood. Ilang
halimbawa naman ng maaaring lamanin sa
kongklusyon ay sipi o quotation na mula sa isang
teksto na nagbibigay-diin sa tinalakay na paksa ng
talumpati, paglalagom sa tinalakay na paksa ng
talumpati, pagbabalik-tanaw sa layunin ng talumpati,
at pagbibigay-hamon at/o pagpapakilos sa mga
manonood.
A. Aktuwal na Pasulat ng Talumpati. Ito ay ang
B. Pagrerevisa ng Talumpati. Isinasagawa rito
Yugto 3: Pagsulat
panimulang pagsulat ng talumpati batay sa nabuong
balangkas. Ilan sa mga gabay sa pagsulat ng
talumpati ay ang mga sumusunod:
1. Isulat ang talumpati sa tono o wika na
pabigkas. Isaisip na ang talumpati ay isinusulat sa
layunin na bigkasin ito at hindi paralamang basahin.
Habang isinusulat ang talumpati, dapat na isaisip
ang kakayahang pang-unawa ng mga makikinig at/o
tagapanood. Sikapin na neutral lamang ang tono ng
talumpati.
2. Isulat ang talumpati sa pinakapayak na estilo.
Hangga`t maaari, iwasan ang mga mahahabang
salita at mahahabang mga pahayag. Hangga`t
maaari rin, iwasan ang paggamit ng mga teknikal na
mga salita lalo kung hindi naman panteknikal ang
pangkalahatang paksa ng talumpati. Isaisip na ang
layunin ng iyong talumpati ay magpaunawa at
manghikayat hinggil sa isang paksa at hindi upang
magdulot ng lalong kalituhan o kalabuan sa isip ng
mga tagapakinig at/o tagapanood.
3. Gumamit ng varayti ng estratehiya sa
pagpapahayag. Ilang halimbawa ng estratehiya ay
paggamit ng matatalinghagang pahayag, parang
pakuwento, pagbibiro, paggamit ng mga halimbawa,
atbp.
4. Gumamit ng mga naaayong salitang
pantransisyon. Ang mga salitang pantransisyon ay
mga salita o parirala na ginagamit sa pag-uugnay ng
mga diwa na nasa anyo ng mga salita. Nakatutulong
ang mga salitang pantransisyon sa makinis at pulido
na pagpapahayag na nakatutulong naman sa
pagpapanatili ng interes na magpatuloy sa pakikinig
at panonood ang mga manonood.
5. Iwasan ang pagsulat ng simula at wakas sa
paraang pilit o puwersado. Maaari na sa halip na
unahin ang pagsulat ng panimula ay maaaring
katawan na muna ang isulat. Sa sandali na maisulat
ang bahaging katawan, maaari nang buoin ang
panimula at ang wakas. Ilang halimbawang
maaaring lamanin ng introduksiyon ay sipi o
quotation na mula sa isang teksto, anekdota,
direktang pagbanggit sa paksa o tema ng talumpati,
pag-iisa-isa sa layunin ng talumpati,
ang paulit-ulit na pagbasa sa burador ng talumpati,
pag-ayon sa estilong isinaalangalang sa nilikhang
talumpati, at pag-ayon sa haba ng panahon na
gugulin sa pagtatalumpati.
1. Paulit-ulit na Pagbasa sa Burador ng
Talumpati. Hindi dahil natapos na ang burador o
draft (sa wikang Ingles) ng talumpati ay
nangangahulugang tapos na ang pagsulat ng
talumpati. Walang anumang tekstong naisulat ang
perpektong-perpekto na sa unang pagsulat pa
lamang, maaari may kakulangan o pagkakamali sa
aspekto ng gramatika, organisasyon ng ideya, o
kaya ay sa mismong laman na matutukoy sa
pamamagitan nang pagulit-ulit na pagbasa. Mainam
na basahin sa paraang malakas ang burador upang
marinig ito personal ng nagsulat ng talumpati at
matukoy ang kakulangan o kamalian sa talumpati.
2. Pag-ayon sa Estilo ng Nakasulat na Talumpati
sa Paraang Pabigkas. Pakinggan ang talumpati
kung ito ay may mistulang ritmo o tinatawag ding
indayog ang pagbagsak ng mga pahayag. Kung
ganito ang talumpati ito ay dahil sa napag-iiba-iba
ang haba at ikli ng bawat pahayag. Bilang
rekomendasyon, mainam na sa mga pinal na bahagi
ng pangungusap ilalahad ang mahahalagang salita
na gustong bigyang-diin.
3. Pag-ayon sa Haba ng Panahon na Gugulin sa
Pagtatalumpati. Saklaw ng pagrerebisa ang pagayon sa haba ng panahon na gugulin sa
pagtatalumpati. Mainam na isaisip kung ang haba
ng panahon na inilaan para sa talumpati ay
natutugunan ng haba o ikli ng binuong talumpati.
Pagsusuri at Pagsulat ng Talumpati
Salik na Maaaring Batayan ng Pagsusuri ng
Talumpati
1. Layunin ng Okasyon. Pokus ang layunin o
dahilan kung bakit isasagawa ang talumpati sa salik
na ito. Ilan sa halimbawang layunin ay ang
pagbibigay ng impormasyon sa mga usaping may
kaugnayan sa komunidad, pagbibigay-inspirasyon,
o kaya ay magbahagi ng
karanasan ng mananalumpati na kapupulutan ng
aral ng mga tagapanood at/o tagapakinig. Sa salik
na ito, maaari mong suriin ang tema o paksa ng
okasyon na nasulat at naibahagi ang talumpati.
2. Layunin ng Tagapagtalumpati. Pokus ang
layunin
o
dahilan
kung
bakit
nagtalumpati/magtatalumpati
ang
isang
mananalumpati.
3. Manonood. Pokus sa kung sino ang manonood
sa isasagawang talumpati sa salik na ito. Tinitingnan
dito kung ano ang pinag-aralan, kalagayang pangekonomiko, kasarian, edad, relihiyon, at iba pa.
Sinusuri rin dito kung ano ang pakinabang na
matatamo/makakamit ng mga manonood sa
talumpati.
4. Lunan ng talumpati. Pokus ng pagsusuri sa salik
na
ito
ang
lunan na
pagtatalumpatian/
pinagtalumpatian. Saklaw nito ang mga detalye
tulad ng nasa loob o labas ba, sa entablado o sa
lupa ba, at malamig o mainit ba ang temperatura ng
ang pagdarausan ng pagtatalumpati. Maging ang
mga kagamitan na gagamitin sa pagtatalumpati
gaya ng podium, projector, laptop o computer,
sound system, at iba pa ay saklaw din ng salik na
ito.
Bisa sa Damdamin, Bisa sa Kaisipan, at Bisang
Panlipunan
1. Bisa sa Damdamin. Sinasaklaw ng bisa sa
damdamin ang mga damdamin na nakapaloob sa
isang teksto at mga damdamin na maaaring
maramdaman ng isang mambabasa o tagapakinig
ng teksto gaya ng talumpati.
2. Bisa sa Kaisipan. Sinasaklaw ng bisa sa kaisipan
ang mga kaisipan na nakapaloob sa isang teksto na
pinakatumatak at nagkaroon ng impact sa isip ng
isang mambabasa o tagapakinig ng teksto gaya ng
talumpati.
3. Bisang Panlipunan. Sinasaklaw ng bisang
panlipunan ang mga posibilidad na maaaring
mangyari sa lipunan sakaling mababasa o
mapakikinggan ng mayorya ng mga tao ang isang
teksto gaya ng talumpati. Halimbawa nito ang mga
pagbabagong panlipunan, pagbabago sa mga
kalakaran na umiiral sa isang lipunan, atbp.
Download