Banghay Aralin sa Filipino Baitang 5 I. Mga Layunin Sa loob ng 40 minutong aralin sa Filipino V, ang mga magaaral ay inaasahang: a. Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng pamayanang kinabibilangan. F5WG-IIf-g-4.2 b. Nakasusulat ng isang pagsasalaysay. F5PU-IIb-f-2.1 c. Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon. F5PL-Oa-j-2 II. Paksang Aralin Paksa: Pang-Uri Sanggunian: Pinagyamang Edisyon Binhi wika at Pag-basa para sa Elementarya p. 254 https://www.youtube.com/watch?v=RmpCQFsn-0Y&t=474s Kagamitan: sdfnsrudifanhweuiftbgvgyietin III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral A. Panimulang Gawain 1. Panalangin ________, Pangunahan mo ang ating pananalangin sa araw na ito. - Opo ma’am, (sa ngalan ng Ama, ng Anak, at Espiritu Santo, Amen…) - Magandang umaga rin po ma’am! 2. Pagbati Magandang umaga mga bata! 3. Pagtala ng liban (Tatawagin ng guro ang class monitor) __________, May lumiban ba sa araw na ito? - Wala po ma’am. - Opo ma’am. 4. Pamamaraan sa mabisang pakikinig Narito ang mga pamamaraan sa mabisang pakikinig. Una, Maging handa sa pakikinig Pangalawa, Alamin ang mahalagang kaalaman o impormasyon. Pangatlo, Iwasan ang pan-iingay Pang-apat, Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita Maliwanag ba? B. Panlinang ng Gawain 1. Pagganyak Basahin natin ang kwentong “Ang Aming Paaralan” Ang Aming Paaralan Ang Aming Paaralan Ang aming Paaralan ay malaki at malawak. Maraming mga silid-aralan na may makukulay na larawan. Magigiliw at masasaya ang aming mga guro. Ang aming punong-guro na si Gng. Nyca Postrado ay mabait, masipag at maganda. Magriin din kaming hardin na may maraming tanim na gulay at mga mababangong bulaklak. Iyan ang aming Paaralan Ang aming Paaralan ay malaki at malawak. Maraming mga silid-aralan na may makukulay na larawan. Magigiliw at masasaya ang aming mga guro. Ang aming punong-guro na si Gng. Nyca Postrado ay mabait, masipag at maganda. Magriin din kaming hardin na may maraming tanim na gulay at mga mababangong bulaklak. Iyan ang aming Paaralan Pansinin ang mga salita sa kwento. Anu-ano ang mga salitang naglalarawan sa bawat pangungusap? - Malaki Malawak Maraming Makukulay Magigiliw Masasaya Mabait Masipag Maganda - Maraming Mababanong Magaling! Magpakita ng iba’t ibang larawan sa mga bata na matatagpuan sa kanilang pamayanan. Tanong: Sagot: Ano-ano ang mga nakikita niyo sa una, pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglima na litrato? Ilarawan ang bawat isa. 1. Bukurin- maaliwalas, tahimik, malinis, 2. Parke- maraming bata, makulay, masigla, 3. Mga bulaklak- maganda, kulay dilaw, kulay lila 4. Mga sasakyan- marami, masikip, 5. Palengke- maraming tao, masasarap na paninda, bilihan ng pagkain Magaling! Ang lahat ng binanggit niyo ay tama. Ang mga larawan na ito ay lahat matatagpuan sa pamayanan. Ang mga salitang binannggit niyo sa paglalarawan, ay tinatawag na pang-uri na siayng aralin natin ngayon. 2. Paglalahad ng Paksa Magpabasa ng tula sa klase na ang pamagat ay “Pamayanan” Pamayanan Kung iyong pagmamasdan aming pamayanan, Malalaki at maliliit na bahay, iyong masisilayan. Mga bagong gusali, tulay at daanan sa amin lang makikita iyan. Mabubuting pinuno, palaging nariyan Sabik na tumulong, maging sino kaman Kaya naman, mga mamamayan pagtutulungan ang nakasanayan. Masisipag na bata, mababait na matatanda, Sa lahat ng panahon Sila'y maasahan. Kaya naman pinuno ay natutuwa sa pamayanang laging handa Pamayanan Kung iyong pagmamasdan aming pamayanan, Malalaki at maliliit na bahay, iyong masisilayan. Mga bagong gusali, tulay at daanan sa amin lang makikita iyan. Mabubuting pinuno, palaging nariyan Sabik na tumulong, maging sino kaman Kaya naman, mga mamamayan pagtutulungan ang nakasanayan. Masisipag na bata, mababait na matatanda, Sa lahat ng panahon Sila'y maasahan. Kaya naman pinuno ay natutuwa sa pamayanang laging handa Tanong: 1. Ano ang inilalarawan sa unang saknong? Ang pamayanan 2. Paano inilalarawan ang bahay, gusali at daanan? Ang bahay ay maliliit at malalaki. Mga bago ang gusali at daanan. 3. Ano-ano ang inilarawan sa tula? Ang pamayanan, bahay, gusali, tulay, daanan, mga pinuno, mga bata at matatanda. 4. Ano-ano ang mga salitang ginamit sa paglalarawan? Ang mga salitang ginamit sa paglalarawan ay ang malalaki, maliliit, bago, mabubuti, masisipag, mababait at maaasahan. 5. Kung ikaw ay bigyan ng ng pagkakataong ilarawan ang inyong pamayanan. Paano mo ito ilalarawan? Ang aming pamayanan ay tahimik at maaliwalas. May bukirin kami na may malalaking puno at may malapad na sakahan. Ang aming dagat ay malinis at maganda, maraming bata ang naliligo rito. Ang aming pinunong barangay ay mapagbigay at mapagmalasakit sa kanyang kapwa, pinapanatili niyang desiplinado ang mga mamayan sa aming pamayanan. Kaya naman malinis at walang kalat o basura ang aming kapaligiran. 3. Pagtatalakay Ang mga salitang naglalarawan sa bawat pangungusap ay mga halimbawa ng ano? - Ito po ay halimbawa ng Pang-Uri - Ang Pang-Uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay uri sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Mahusay! Ano ang inyong mga ideya sa Pang-Uri? Tumpak! Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Mayroong tatlong Uri ng Pang-uri: Panlarawan, Pamilang at Pantangi. Panlarawan kung ito ay naglalarawan sa hugis, anyo, amoy, lasa, kulay, at laki ng isang bagay. Kabilang din sa panlarawan ang paglalarawan ng ugali at katangian ng hayop o tao ganundin ang layo, lawak, at ganda ng isang lugar. Halimbawa Magbigay ng halimbawa ng Panlarawan Magaling! Pamilang kapag nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan. Kabilang sa uri ng Pang-uri Pamilang ay ang mga sumusunod: Patakaran, Panunuran, Pamahagi, Palansak, Pahalaga at Patakda. Halimbawa Magbigay ng halimbawa ng Pamilang Magaling! Pantangi kapag ito ay binubuo ng pangngalang pambalana at pantangi. Ang pantangi ay naglalarawan sa pambalana. Halimbawa Magbigay ng halimbawa ng Pantangi Magaling! 4. Paglalahat Ano ang Pang-uri? Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Mayroong tatlong Uri ng Pang-uri: Panlarawan, Pamilang at Pantangi. ano ang pang-uring panlawaran? ano ang pang-uring pamilang? ano ang pang-uring pantangi? Magaling! 5. Paglalapat IV. Pagtataya Sa isang boung papel sagutan ang mga sumusunod, guhitan ang mga pang-uring ginamit. 1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ilarawan ang iyong pamayanan, pano mo ito ilalarawan? 2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maging isang lider ng iyong pamayanan, ano-ano ang mga hakbang na iyong gagawin upang umusbong ang iyong nasasakupan? V. Takdang Aralin Panlarawan kung ito ay naglalarawan sa hugis, anyo, amoy, lasa, kulay, at laki ng isang bagay. Pamilang kapag nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan Pantangi kapag ito ay binubuo ng pangngalang pambalana at pantangi. Ang pantangi ay naglalarawan sa pambalana.