Republic of the Philippines Department of Education REGION VI – WESTERN VISAYAS SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL SUMMATIVE TEST- WRITTEN WORK 1 SUBJECT: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE: 8 - QUARTER: 4 MELC4-Wk2 Competency: Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa (EsP8IIIh-12.4). Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na aytem at piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat sa patlang ang titik ng napiling sagot. _______1. Ito ay pag-ayon ng isip at puso sa katotohanan upang maisagawa kung ano ang tama. A. Katapatan B. Karunungan C. Panalangin D. Pananampalataya _______2. Kanino mo maipapakita ang katapatan? A. Kapwa-tao B. Sarili C. Pamayanan D. Lahat ng nabanggit _______3. Sa anong paraan mo maipapakita ang katapatan? A. Salita B. Gawa C. A at B D. Wala sa nabanggit _______4. Kailan ka nararapat maging tapat? A. Palagi B. Paminsan-minsan C. Bihira D. Hindi kailanman _______5. Ang iyong desisyong yumakap sa katotohanan o ang pagiging matapat ay bunga ng ______? A. Impluwensiya ng kapwa-tao B. Gabay ng mga magulang C. Sariling pagpapasiya D. Pagpapatupad ng pamahalaan _______6. Bakit mahalaga ang pagsasabuhay ng katapatan? A. Upang walang pagkakaunawaan at walang kapayapaan. B. Upang mas pagkakatiwalaan ng kapwa. C. Upang makalikha ng kasinungalingan. D. Upang mas masisi at maparusahan ang mga inosenteng tao. _______7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan? A. Dinagdagan ni Camille ang kanyang iskor sa kanilang pagsubok sa EsP upang hindi siya mapagalitan. B. Hindi kayang mangopya ni Mielle kahit alam niyang makakakuha siya ng mababagng iskor sa pagsusulit. C. Itinago ni Liza sa kaniyang mga magulang na hindi niya sinasagutan ang kaniyang modyul. D. Inako ni Tori na siya ang gumawa ng performance task kahit na alam niyang ang kuya niya ang gumawa nito. _______8. Ang sumusunod ay pagsasabuhay ng katapatan,MALIBAN sa isa: A. “Sorry po Nay. Nabasag ko po ang pinggan habang hinuhugasan ito.” B. “Sasabihin ko sa aking mga magulang na lumiban ako sa online class dahil naglaro ako ng mobile games. C. “Hindi ako mangongopya kahit mababa ang aking iskor sa pagsubok o pagsusulit.” D. “Kukuha ako ng isang kapirasong papel ni Ate, hindi niya naman malalaman kasi marami naman siyang papel.” _______9. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo MALIBAN sa: A. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. B. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. C. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao upang hindi maparusahan at masaktan. D. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento. _______10. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na matataas ang nakukuha sa pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral? A. Hindi na siya pagbibbigyan makakuha ng pagsusulit. B. Mas lalakas ang loob ng iba niyang kamag-aral na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral. C. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan. D. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral. Republic of the Philippines Department of Education REGION VI – WESTERN VISAYAS SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL SUMMATIVE TEST- WRITTEN WORK 1 SUBJECT : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE: 8 - QUARTER: 4 MELC4-Wk2 Competency: Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa (EsP8IIIh-12.4). TABLE OF SPECIFICATIONS Learning Competency Naisasaga wa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuh ay ng katapatan sa salita at gawa. TOTAL No. of Days Taugh t 5 WGT Skills 30% Applying Analyzing Evaluating Creating No. of Items Item nos. 4,5,6 0 Item nos. 7,8,9 Item no. 10 0 10 3 0 3 1 0 10 60% Remembering Understanding 100 Item nos. 1,2,3 100% 3 10% Republic of the Philippines Department of Education REGION VI – WESTERN VISAYAS SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL SUMMATIVE TEST- WRITTEN WORK 1 SUBJECT : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE: 8 - QUARTER: 4 MELC4-Wk2 Competency: Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa (EsP8IIIh-12.4). Answer Key 1. A 2. D 3. C 4. A 5. C 6. B 7. B 8. D 9. D 10. C Republic of the Philippines Department of Education REGION VI – WESTERN VISAYAS SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL PERFORMANCE TASK SUBJECT : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE: 8 - QUARTER: 4 – MELC 4 -Wk 2 Competency: Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa (EsP8IIIh-12.4). Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na naglalaman ng dalawang talata (two paragraphs) tungkol sa kung paano mo isinasabuhay ang katapatan sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa iyong pamilya at sa iyong kapwa. Rubriks para sa Pagpupuntos sa Gawaing Pagganap Pamantayan Nilalaman 5 Malinaw at angkop sa tema ang ginawang sanaysay. Kalinisan Malinis ang pagkakasulat ng sanaysay. Paggamit ng Salita Nagpapakita ng pagkamalikhain sa pagsulat at gumamit ng mga salita na nakapukaw sa damdamin. 4 Malinaw ngunit hindi masyadong angkop sa tema ang ginawang sanaysay. May kaunting dumi o bura ang pagkakasulat ng sanaysay. Nagpapakita ng pagkamalikhain ngunit hindi gaanong nakapukaw ng damdamin. 3 Hindi angkop sa tema ang ginawang sanaysay. Marumi o maraming bura ang pagkakasulat ng sanaysay. Hindi nakapukaw ng damdamin.