Makikitawag Lang Ako Isang Adaptasyon ng Maikling Kuwentong “I Only Came to Use the Phone” ni Gabriel Garcia Marquez. Mga Tauhan: Maria: kaakit-akit na babae Saturno: propesyonal na mahikero Herculina: matrona ng mental ward Doktor: direktor ng sanatoryo Lola: lola ni Maria Miriam: lukaret 1 Imelda: lukaret 2 Gloria: lukaret 3 Loren: lukaret 4 Corazon: lukaret 5 Driver: barumbadong bus driver Tessie: katulong Jamby: insurance company representative Warden Hospital attendants 1 Prologue Nightmare ni Saturno Papasok ang sound effects ng ulan at kulog, at madalang na mga sasakyang dumaraan sa basing highway. Basa si Maria. Sinusubukan niyang pumara ng sasakyan. Nakasandals siya, nakapusturang magician’s assistant sa ilalim ng jacket. Namimintig ang mga binti sa lamig at pagod. Maria: Para, para! Tangna loob! (Hindi siya hihintuan ng mga nagdaraang sasakyan.) Stop! Fuhleez! Stop… (aawit habang sumasayaw) in the name of love… before you break my heart. Stop! (Hihinto ang driver ng isang kakaragkarag na bus, sakay ng mga lukaret.) Ay, pumara… Driver: Miss, sa’n kayo? Maria: Kahit saan. Kailangan ko lang makitawag. Kahit sa’ng may telfone. Driver: Miss, hindi rin ako lalayo. Maria: K lang yun, manong, ang mahalaga, makashawag agad ang byuti ko sa balaysung. Driver: Sige, sakay na kayo. (Sasakay si Maria sa bus.) Maria: Ichichika ko lang sa asawa kong hindi ako makakauwi bago mag-seven p.m. Siguradong mag-aalala iyon sa akin. Naku, thank you ever manong. One thousand years na akong pumapara do’n, namimintig na nga ang mga long legged ko, oh. (Maglalabas ng sigarilyo si Maria at iwawagayway ito.) Carry lang? 2 (Tatango ang bus driver. Susubukan ni Mariang sindihan ang kanyang sigarilyo sa pamamagitan ng ilang basang palito ng posporo. Sisindihan ng driver ang kanyang lighter at ilalapit kay Maria. Hihithit si Maria.) Nyosing-nyosi na kasi akelds. TY. Driver: Pahingi naman diyan. Maria: Wait lang ha, pipili ko kayo ng tuyo. Naku, wet look na wet look na itiklami… (Aabutan ng Warden si Maria ng kumot upang magpatuyo.) Warden: Ito miss, kumot. Maria: Uy, thank you ha. Mother! Grabe! Never pa ako ever na-late sa mga lakad namin. Siguradong mawa-warlah akelds nitwey. Kelangan kong shumawag sa balaysung para hindi siya ma-late sa lakad namin tonight. Kasi, ‘yung nyusawa ko, isang magician baga. Kelangan kong makauwi agad kasi may party ngayong gabi at may tricks kami na dapat namamayagpag dun ang byuti ko. Yung tusok tusok ulo. Alam mo yun? May “someone”ng ipapasok sa loob ng kahon… Driver: Miss, miss, shshshsh. (Ituturo ang mga natutulog na babae sa likod ng bus.) Maria: Ay, sorry. (Mapapakagat sa labi si Maria, mananahimik.) Maria: (Medyo pabulong) Tapos, ‘yung someoneng yun, nyunyusukan ng mga nyespada. Yun ang role ko. Tarush di ba? Kainis nga lang, nabasa pa ako ng ulan. Bigla kasing stop in emotion ‘yung caroo na nirenta ketch… tumirik baga (hihikab). (Sa oyayi ng ulan, makakatulog siya nang mahimbing. Samantala, sa bahay ni Saturno, nag-aayos siya at nag-aalalang wala pa rin si Maria. Pakakainin niya si Muningning, ang kanilang pusa. Sa kabilang bahagi ng entablado kung nasaan sina Maria, hihinto na ang sasakyan.) 3 Driver: Miss, miss Maria: Nasan na tish? Driver: Andito na ho. Maria: Ay, anditech na pala tayes? (Mag-re-retouch siya ng make-up. Tahimik na bababa ng sasakyan ang mga babae habang pinapipila sila ng warden. Bababa rin ng sasakyan si Maria.) Maria: Uy, thank you. Saan ba ditelds yung telfone? Driver: Tanong mo na lang doon sa loob, o kaya sundan mo na lang ‘yang mga kasama mo. Maria: TY. Kikindat. May I return ko na sa yo ‘tong kumot. Sensya na. (Ibabalik ang kumot sa driver.) Driver: (Iaabot sa kanya muli ang kumot.) Gamitin mo munang panukob, para hindi ka mabasa ng ulan. Ibalik mo na lang sa opisina sa loob. Maria: Andun ba ‘yung telfone? Driver: Uh hmm. Miss… Miss, puwede pa bang makahingi ng yosi? (Ibibigay ni Maria ang buong pakete ng sigarilyo.) Maria: Sorry, basa. Pero deadma na. Matutuyo rin iyan sa daan any mow. TY uli! 4 Driver: Good lucks ha! (Aalis na ang bus. Susukob si Maria sa kumot at patakbong tutungo sa pasukan ng gusali. Sa kabilang bahagi ng entablado, nagsusulat ng note si Saturno.) Saturno: Dear Maria, Napasarap yata bisita mo sa lola mo. O na-traffic ka dahil sa bagyo? Nauna na ako. Late na kasi. Sunod ka na lang sa children’s party. Hindi ko na lang muna gagawin yung invisible fish. Pagdating mo na lang. Nga pala, pinakain ko na si Muningning, huwag mo nang pakainin pa. Love, Saturno D’ Magician (Silent magic trick. Lalabas ng bahay si Saturno at ipapaskil ang maikling sulat kay Maria sa pintuan ng bahay. Nakabihis si Saturno ng damit na pangmahikero. Isasara niya ang pintuan sa likod niya. Nakapayong siyang pupunta sa isang bahagi ng entablado. Sa sanatoryo, may maririnig na palakpak. Papalakpak si Herculina malapit sa mukha ni Maria. Nakakumot si Maria.) Herculina: Tigil! (Tuturo si Herculina sa linya ng mga babaeng papasok ng gusali. Nanlilisik ang mga mata nito. Susunod sa kanya si Maria. Sa loob ng gusali, humiwalay siya sa grupo.) Maria: (Kay Herculina) Seduce me… bakla! San ba ditech ang telfone? Makikishawag lang akelds. (Ibabalik ni Herculina si Maria sa linya.) Herculina: Ganda, dito, dito ang daan sa telepono. Sumunod ka na lang sa pila. Maria: Ang kyoray! May I pila. (Lumakad ang linya ng mga babae sa isang madilim na pasilyo, patungo sa isang dormitoryo, kung saan kinukulekta ni Herculina ang mga kumot. Ituturo niya ang mga higaan ng mga babae, habang tinitingnan ang kanilang mga identipikasyon sa kanilang mga suot.) 5 Herculina: Miriam - dito ka. Imelda - dito. Gloria - doon. Corazon - doon ka. Loren… (Magugulat siyang walang suot na identipikasyon si Maria.) Ganda, ID mo? Maria: (Bahagyang magtataka) ID? Ay, najiwan sa nyusakyan ang ID ko. Nagpunta ako ditech para may I use lang ng telfone. Makikishawag lang aketch. Napigtas kasi ang fanbelt ng carsung ko sa nyayway kaya nalos valdes ang aking nyercon. Ang nakakalukis, mama, majenit Jackson pa ang sikat ng araw kaya may I pray ako sa lahat ng santo at santang knowings ko - si Sta. Clara, Sta. Barbra, Sto. Niño, San Miguel, pati si Santa Claus, ka join na rin — na sana jumulimlim ng slight dahil nga, wala akong nyercon. Eh nagdilang mangkukulam yata akelds, biruin mo ba namang biglang nyumuhos ang nyulan. Anden, nyumirik pa yung nyusakyan ko sa left lane pa man din ng nyayway. E, eto ka, ang pinakanakakaloka sa nakakaloka pa sa lahat, ayaw pang pumitik ng alternator kaya may I not start ang carsung. Ay, award, e di nalukis ang lola mo! Nanyiwan ko ang susi sa loob ng nyusakyan sa nyaywey! Hay, dedma na muna ako dyan. Ang nyimportante makashawag ako agad. Herculina: Pangalan? Maria: (Iaabot ang kamay.) Hi! Maria dela Luz Cervantes. Ikaw? (Titignan ni Herculina ng ilang ulit ang listahan niya. Titignan niya nang masama si Maria.) Bakla, makikitawag lang ako. Herculina: Siyempre ganda, kapag mabait ka, puwede mong tawagan kahit sinong gusto mo. Pero hindi ngayon - bukas. Maria: Nyukas, ano’ng nyukas? Ngayon ko kelangan ng telfone. ASAP. Paghintayin ba naman ako ever hanggang bukas! Herculina: Bukas sabi, mahaba pa naman ang oras mo dito, huwag kang magmadali. 6 Maria: Eto masyado! Windang ka rin ano? Jinijintay na ako ng jusawa ko ngayon, gagah. (Mapapatingin si Maria sa nakasulat sa kanyang kumot.) Property of Cadiz Mental hospital…(Tatawa) Hu-wait lang. Nagkakamali kayo. Hindi ako baliwag bulacan. Sinasabi ko senyo, nasiraan lang ako at makikitawag lang ako… ng kotse, nasiraan lang ako ng kotse! (Biglang naging malinaw kay Maria ang lahat. Takot siyang tatakbo palabas ng dormitoryo. Hinahabol siya ni Herculina at ng mga attendants. Mahuhuli si Maria, at maibabali ang bisig nito sa likod. Hindi makagalaw si Maria.) Maria: Susmaryosep! Kaloka, makikitawag lang ako as a human person. Pekpek mo… mga pekpek nyo… horizontal!!! (Tuturukan ni Herculina ang mga binti ni Maria. Unti-unti siyang mawawalan ng malay. Tatanggalin ni Herculina ang suot na hikaw at singsing nito. Ilalabas ng mga attendants si Maria. May Children’s Party pa kaming pupuntahan. Sa kabilang bahagi ng entablado, nagtatanghal ng Magic tricks si Saturno. Matitigilan si Saturno. Maririnig ang nag-riring na telepono. Sasagot ang answering machine.) Maria: Hello… Hellooowww… (Sings.) Hello-wowowowow… Baklaaa! Witchels kami anditech sa balaysung, disappearing act ang drama namin at the mow… Saturno: You have reached the number of Saturno D’Magician. Maria: At ang pinakabongladesh nyang nyoklang nyassistant and wifesing matilda. Saturno: Please leave a message after the… Maria: Beeeeeeep steak. Tarush!!! (Laughter.) (Maririnig ang mahabang beep.) 7 Saturno: Hello, Maria, Maria, nandyan ka ba? Ano’ng nangyari? Tapos na ang children’s party. May batang naihi sa takot. Pumunta ka na dun sa matanda, ‘yung nagce-celebrate ng 93rd birthday. Hello, Maria, hello. Sigurado ka bang wala ka pa dyan. Alam mo ang cute nung mga bata. Sana tayo rin… O sige na. Pinakain ko na nga pala si Muningning. ‘Wag mo nang pakainin pa. I love you. (Maririnig ang dial tone. Iiling si Saturno at magpapatuloy sa kanyang pagtatanghal. Matitigilan si Saturno. Maririnig muli ang nagri-ring na telepono, at sasagot ang answering machine.) Maria: Hello… Hellooowww… (Sings.) Hello-wowowowow… Baklaaa! Witchels kami anditech sa balaysung, disappearing act ang drama namin at the mow… Saturno: You have reached the number of Saturno D’Magician. Maria: At ang pinakabongladesh nyang nyoklang nyassistant and wifesing matilda. Saturno: Please leave a message after the… Maria: Beeeeeeep steak. Tarush!!! (Laughter.) Maririnig ang mahabang beep. Saturno: Hello, Maria, sa’n ka na ba? Tapos na ako sa matanda. Hindi ko na nagawa ‘yung tusok tusok ulo natin. Papunta na ako sa Café Ramblas. Huwag ka nang umuwi diyan, dumeretso ka na lang sa Ramblas. Pero kung umuwi ka, siyempre maririnig mo itong message. Alam mo, yung celebrant, kahit 93 na, sweet pa rin silang mag-asawa. O, sige na. Pinakain ko na si Muningning. ‘Wag mo ng pakainin pa. I love you. (Maririnig ang dial tone. Magpapatuloy sa kanyang pagtatanghal. Muling maririnig ang nagri-ring na telepono. Maririnig ang sasagot na answering machine.) Maria: Hello… Hellooowww… (Sings.) Hello-wowowowow… Baklaaa! Witchels kami anditech sa balaysung, disappearing act ang drama namin at the mow… 8 Saturno: You have reached the number of Saturno D’Magician. Maria: At ang pinakabongladesh nyang nyoklang nyassistant and wifesing matilda. Saturno: Please leave a message after the… Maria: Beeeeeeep steak. Tarush!!! (Laughter.) (Maririnig ang mahabang beep.) Saturno: Hello, sagutin mo naman ang telepono. May nagawa ba akong kasalanan. Sorry na kung meron. Nandyan ka na ba? Please. Pauwi na ako. Matatagalan ako ng kaunti. Baha kasi. Maria, nagkamali ako du’n sa isang trick. Hindi lumabas yung kuneho, naipit yung tenga. Pinakain ko na si Muningning ha, ‘wag mo nang pakainin pa. I love you. (Maririnig ang dial tone. Titilaok ang manok. Sa sanatoryo, nakaupo ang direktor ng sanatoryo sa kanyang opisina. Naninigarilyo ito. Papasok si Maria. Dala ng mga matrona ng Ward. Nakasuot siya ng hospital gown. Nakangiti ang doktor.) Loi: Hi, I’m Dr. Loi! Maria: Yosi! (Ilalapit ng doktor ang sigarilyong hinihithit niya sa bibig ni Maria. Sinindihan ng doktor ang isang bagong stick para sa sarili, at ibibigay na kay Maria ang buong pack na halos puno pa. Iiyak si Maria sa tuwa.) Doktor: Please, have a seat. (Hindi makakasalita si Maria, uupo. Patuloy siya sa paninigarilyo sa pagitan ng paghikbi. Nakangiti rin siya sa doktor.) Doktor: 9 Ngayon ang oras para umiyak hanggang sa gusto mo. Tears are the best medicine. Maria: Pinahirapan nila ako. Ayaw nilang makinig - makikitawag lang naman ako. This is a big mistake. Nasiraan lang naman ako. Pause. Hindi! Ng kotse. Pero wichels sila may I listen sa ‘kin. Pa’no ko ba sila mapapaniwala? Paki – fixalu mo naman itong warlahan, please. Doktor: That’s why I’m here. To help you. Maria: Salamat dok. Hinihintay na ako ng asawa ko. Hindi naman kasi ako taga-rito. Binisita ko lang ang mga lola sa Zaragosa. May I come here lang ako para makinyomit ng telfone. Explain kiti explain lulu ever na akes do’n sa majubis na matrona kung pa’no ako napadpad ditey. Doktor: So you’ve met Herculina. Maria: One thousand times na akong nag-cry for help para lang makishawag, pero wis pa rin. Kelangan ko kasing nyontakin ang nyusawa ko. Doktor: Note: No wedding ring, speaks a quaint language, almost incoherent. Maria: ‘Yung nyusawa ko magician yun. Nyassistant niya ako sa mga shows. Doktor: Marunong kang mag-magic? Maria: Ay, wit! Wa ako sa pagka-knowing sa magic. Nyassistant nga lang akes. Ang trabaho ko, magpacute sa tabi ng nyusawa ko pag nagstart na yung trick niya. O kaya, taganyabot sa kanya ng rabbit, taga-nyafol ng cards. Minsan, akes mismax ‘yung prop-pey 10 nya. Dakilang julalay baga, chimini-ah-ah. Aketch din yung nan-didistract sa awdience. Pero hindi lang ‘yon ang purpose in life ko. May I acting-acting din ako every now and then. Pag mga bata ang awdience namin, ang acting ko autistic-autistican. Kids, we will make this rabbit disappear na. La na! Pag marami naming DOM sa awdience, gagang colegiala naman ang emote nitiklamey saison. Ay shucks, nalost ‘yung rabbit, kakaines. Me talaga, so gaga. E, once upon a time, puro conservative ang awdience namin. So may I religious naman ang attack ko. O mga brothers at sisters, in the name of the Lord, mawawala na ho ang rabbit. Praise the Lord! Wala na ho ‘yung rabbit. Doktor: Schizophrenia, the most common of the psychotic reactions, characterized by the withdrawal from external reality, inability to think clearly, disturbances in affective reaction and and a retreat to a fantasy life. The form of Schizophrenia is marked by dellusions, hallucinations and regressed behavior. Hebephrenics schizophrenics, babble and giggle and often act in an appropriately childish way. Their silly manner can make them seem happier than other schizophrenics. Maria: Kung minsan, rumarampa din ang byuti naming sa mga music bar. Depende na lang kung saan ang raket. E di may I give-sung ako ng song number. Well, well, well, maganda yata ang boses ko. (Sings.) Sorry judges, nachuchibelle yata ako kakasigaw kagabi. Doctor: Maganda naman ang boses mo. Tailor and Brown maintains, most of us have unrealistic positive views of reality and the self, of a better future than the average person. These illusions enable us to cope with an uncertain, sometimes frightening, world. But the patient here has not even an efficient perception of reality, a criteria that I strongly believe, distinguishes a normal person to one that is diagnosed as abnormal. Maria: May I cry for help nang may I cry for help ako kagabi, pero laos talaga. (Breaks down then suddenly ok.) Maria: (Whispered.) Lord, ano ba itong happening sa buhay ko? Good girl naman ako. May I parada naman akelds always sa right place. Wit naman aketch nagnyonyopon ng kalatey sa labas ng caroo. May I pay-sung naman ako ng tax at bumuto pa akelds 11 noong election. Andu’n lang ako sa nyaywey mega mura ever sa mga caroong passing by, pray kiti pray na may mag-stop over na nyaywey patrol pero bigla kong naalala na was nga palang nyaywey patrol ang bansang itwey! Ewan ko ba sa bansa natin! Naprapraning-goxemia na akey ditey. Doktor: Praning-goxemia? Maria: Napapraning. Doktor: Disturbed. Maria: Praning! Praning na nashoshokot na kinakabahan na parang naji-jingle na di ko alam! (sighs) Na parang… parang love… sige nga, sige nga, ikaw, doc, define love. O di ba? Was ka rin sa pagka-answer. Medyo mega complex talaga yang love. Di kaya ng mga powers natin. Ako nga, sa dami ng mga naging ex-boylets, complicadated pa rin ang mga relations ko. Si Fidel, si Ronnie, si Eddie—sobra si Eddie—si Joseph! — mas grabe naman si Joseph. All of the above. Sa bawat mentolaytis na naging jowa ko, illusionaytis ko na agad na baka siya na ever si Mr. Right. Pero syempre, may I use me lang nila in a sentence ang katawan koh!!! Gagah akes pero hindi ako gagah enough para maging yaya-slash-pokpok. Ano sila, bine-birthday? Doktor: Positive, Borderline Personality Disorder, Teetering between severe neurotic traits and bouts of psychosis. Has bouts of severe depression, anxiety and anger. Maria: Kaya jijiwanan ko sila in mid sentence, goodbye and thank you na lang and fly me to the moon ang byuti ko at may I promissory note na never ever na akong mai-in-lovabo. Pero syempre, once a gagah, always a gagah. Witchels ko talaga carry maging lonely toons. Pero ang hirap talaga makatisod ng menchung mamahalin ka forever and ever till death do us part. At yun ngang panghuling jowa ko, si Saturno. Winalk outan ko na yan dati. Pero ngayon, take two kami ulit. Wanting na nga n’yang magkajunakis na kami. Pero wit, hindi pa ako 12 prepared. Doktor: Very paranoid about abandonment. Maria: Getz mo ba ako? Doktor: Patient number 461279, also known as Maria dela Luz Cervantes, 25 years old, Female, five feet three inches tall, 95 pounds. Unknown address. Shows symptoms of agression and violence due to failure in relationships and losses in love. Maria: Unforgettable experience talaga. Hindi ko na mahintay ichika kay Saturno ang buong historical drama na ito. O baka naman minamagic lang ako ni Saturno. Isang abrakadabra lang niya, appear na uli ang beauty ko sa stage. Chennelyn Mercado! Doktor: Agitated. Maria: Puwede na ba akong makinyomit ng telfone? Doktor: Obsessed with telephones. (Ngingitian niya si Maria, hahaplusin niya ang pisngi nito. Papasok ang mga matrona. Tatango ang doktor sa kanila. Dadalhin palabas ng entablado ng mga matrona si Maria. Lalabas.) Maria: Dok, dok, makikishawag lang aketch. Bakit ba ayaw niyo akong paniwalaan? Dok! Tang na loob! Dok! (Magwawala si Maria habang kinokontrol siya mga attendant. Muling papasok ang doktor.) Doktor: Violent. Maria: 13 Titi nyo, titi nyo, may kuko… (Papasok si Saturno, hawak ang note na iniwan nya sa pinto.) Saturno: Nalusaw ang lahat ng pag-asa ko pagdating ko sa bahay. Nakita kong nakadikit pa rin sa pinto ang note na iniwan ko para kay Maria. Basang-basa na ito ng ulan at kumalat na ang tinta. (Papasok ang mga lukaret.) Recording: (To be said by the Lukarets.) (Beep.) You have three new messages. Message one. (Beep.) Message deleted. Message two. (Beep.) Message deleted. Message three. (Beep.) Message deleted. You have no more new messages. Saturno: Tiningnan ko ang kalendaryo – walang pagkakamaling nakabilog ang araw na ito ng pagbalik ni Maria mula Zaragosa. Gumapang ang kaba sa buo kong katawan. (Maririnig ang matagal na pag-ring ng telepono.) Lola: Hello? Saturno: Hello, Lola, good evening po. Lola: Sino ‘to? Saturno: Si Saturno po, La. Asawa po ni Maria. Lola: Saturno? Asawa ni Maria? Nagpakasal na ba kayo? Saturno: Ho? (Titignan ang kanyang ring finger.) 14 Lola: Pinakasalan ka na ba niya? Saturno: Ho? Hindi pa pero… Lola: Ano’ng oras na ba? Saturno: Alas-dos na ho. Lola: Alas-dos na? E, madaling araw na! Saturno: Nandyan po ba si Maria? Lola: Wala. Pagkatapos naming mananghalian ay tumuloy na siya. Bakit ba? Saturno: Wala po, la. Salamat po. Lola: Wala naman pala e. Sa susunod, wag ka ng tatawag dito ng ganitong oras, naiintindihan mo? Saturno: Opo. Pasensya na po. Nag-aalala lang po ako… Lola: Matulog ka na. (Babagsakan nang telepono ng Lola.) Saturno: Paano ako makakatulog kung iniisip kong baka nilayasan mo na ako at hindi na babalik. Iniwan mo na ba ako? Wala ka na ba? Para akong gising na nananaginip. Nakita kitang nakadamit pangkasal na natilamsikan ng dugo. 15 Lola: Tatlong lalaki na ang iniwan ni Maria, kabilang si Saturno, sa huling limang taon. Iniwan niya si Saturno, anim na buwan malaon nang sila’y magkakilala. Maria: Nasa rurok tayo noon ng kasiyahan ng ating pagsasama. Saturno: Nag-alab ang mga panakaw nating pagtatalik sa silid ng mga katulong sa Anzures. Isang umaga pagkatapos ng buong gabing pag-iinit, wala ka na. Iniwan mo ang lahat ng iyong kagamitan, pati na ang singsing mula sa una mong kasal. Maria: Pero nag-iwan ako ng sulat. Ipinaliwanag ko ang lahat. Saturno: Pero hindi ko naintindihan. Hindi ko maintindihan. Akala ko mahal mo ako. Maria: Hindi kita…Hindi ko… I am incapable of surviving the torment of this wild love. Saturno: Akala ko, nagbalik ka sa una mong asawa. Maria: Iyong kaklase ko nung hayskul? Wala pa nga akong diseotso nang magpakasal kami ng sikreto. Lola: Iniwan niya rin ang lalaking iyon para sa isa pang mangingibig, matapos ang dalawang taon na walang pagmamahalan. Maria: Umuwi lang ako sa lola ko galing Anzures. Saturno: Kung saan ako bumuntot upang bawiin ka, kahit na ano pa man ang kapalit, walang 16 pasubali akong nagmakaawa; nagbitiw ng mga pangakong handa akong tuparin, ngunit ang kinaharap ko’y walang puknat na katiyakan sa pagpapasya. Maria: There are short loves, and there are long ones. Saturno: Saka niya binanatan ng…… Maria: This was a short one. Saturno: Dahil hindi na mabali ang iyong desisyon, napilitan akong lumunok ng pagkatalo. Bumalot ang lungkot sa aking buong pagkatao. Lola: Pero isang madaling araw ng Todos los Santos, pagbalik niya sa kanyang ulilang silid matapos ang isang taon ng tahasang paglimot, nakita niyang natutulog si Maria sa kanyang sopa sa sala, nakasuot ng korona ng bulaklak at mahabang belo na sinusuot ng mga birheng ikakasal. Saturno: Nagtapat ka. Ang bago mong kalaguyo’t pakakasalan ay isang mayamang biyudong walang anak. Pero iniwan kang nakabihis at naghihintay sa altar. Lola: Ipinagpasya naming ipagpatuloy ang handaan kahit wala nang kasal. Nakisakay naman si Maria. Maria: Bakit hindi? Siya naman ang gumastos sa kasal at handa. Kaya nagsayaw ako hanggang mapudpod ang mga takong ko, kumanta hanggang mapaos, uminom hanggang sa malasing, at sa malubhang kalagayan ng nahuling pagsisisi, umalis ako sa dilim ng hatinggabi para hanapin ka. Wala ka noon sa bahay. Lola: Ngayon naman, si Maria ang may pagsukong walang pasubali. 17 Saturno: Gaano katagal sa pagkakataong ito? Maria: Sabi nga ni Vinicus de Moraes, “Love is eternal as long as it lasts.” Saturno: Matapos ang dalawang taon, eternal pa rin ba ang iyong pagmamahal? Lola: Nagpakatino si Maria. Itinakwil niya ang mga pangarap na maging artista. Inihandog niya ang kanyang sarili kay Saturno, sa trabaho at sa kama. Maria: Maingay sa Horta, pero malawak ang apartment natin. Saturno: Malawak para sa magiging mga anak natin. Maria: Masayang-masaya ako, tayo. Saturno: Masaya ka nga ba? Maria: Ito na ang lahat ng aking mahihingi. Saturno: Maria, pakasalan mo ako. Maria: Hanggang sa Biyernes na umarkila ako ng sasakyan upang bisitahin ang mga lola sa Zaragosa. Lola: Umalis nga siya dito pagkatapos ng pananghalian. Lalabas ng entablado. Maria: 18 Dahil nangako akong babalik ng alas-tres ng hapon. Saturno: Madaling araw ng Huwebes, wala pa rin akong narinig mula sa iyo. Maria: Wala akong paraan. Saturno: Ikaw ang pinakamaabilidad na taong nakilala ko, at ang pinakamapilit. Maria: Anong ibig mong sabihin? Saturno: Kanino mo ako ipinagpalit? Maria: Anong ibig mong sabihin? Saturno: Noong isang taon naghinala na akong iiwan mo ako. Nasa isang bar tayo, dalawampung nagsikisikan sa isang mesang para sa anim lamang. (Lights change.) Maria: (Laughs.) Bakit? Saturno: Pagkaubos mo ng pangalawang kaha ng sigarilyo sa gabing iyon, isang mestizo ang nakipagsiksikan mula sa kabilang sulok para alukin ka ng sigarilyo. Maria: Ang mentolaytis na iyon? Nag-thank you nga ako nang hindi man lang siya chinochorva, wis ko nga na-sight ang kanyang kefez … Saturno: 19 Nakita ko. Mestizong parang multo sa puti. Hindi na natin siya nakitang muli, hanggang makalipas ang kalahating taon, sa La Barceloneta, nakatirintas ang mahaba niyang itim na itim na buhok. Maria: May I selos ka talaga sa mentolaytis na iyon? Si Osmeña? Saturno: Binati niya tayo na parang matagal na tayong magkakilala, at sa paraan ng paghalik niya sa iyo, at sa paraan ng paghalik mo sa kanya, may kutob akong nagkikita kayo nang patago. Maria: Bakit mo ako pinagbibintangan? Saturno: Dahil nakita ko ang isang bagong numero sa phonebook natin. Tatawag siya sa binata, maririnig ang ring telepono. Walang sasagot sa kabilang linya Maria: Only junakis ng isang de Buena familia, at isang designer ng shop windows. Manash, kilala yon bilang silahis, at tumatanggap ‘yon ng payola sa mga matronistics. (Maria walks out. Tatawag si Saturno sa bahay ng binata. Matagal siyang maghihintay bago may sumagot sa kabilang linya.) Tessie: Helu? Saturno: Hello, pwede bang makausap si Juan Osmeña? Tessie: Ay, wala po sir. Saturno: Ganoon ba? Tessie: Sige daw, i-try again na lang gane ninyo didto. 20 Saturno: E si Señorita Maria ba, nandyan? Tessie: Unsa ne? Saturno: Si Maria, yung babaeng maingay, Maganda, mahaba ang buhok… Tessie: Ay ambot! (Ibababa niya ang telepono) Saturno: Dear Maria, Patawad kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan, na nagtulak sa iyong umalis. Sana maintindihan mo na sa araw-araw nating pagsasama ginagawa ko ang lahat, sumaya ka lang. Sana nararamdaman mo, kahit kaunti ang init ng aking pagmamahal. Ano mang nakita mong pagkukulang ko, sabihin mo sana sa akin. Pagusapan at solusyonan natin. Hindi solusyon ang pagtakas sa problema. Hindi ko lubos maisip na sa bawat pagsikat ng araw, wala ka sa tabi ko. Takot akong mag-isa, Maria, alam mo iyon. Sa tuwing gagawin natin ang disappearing act, lagi akong kinakabahang tuluyan ka nang maglalaho. Sa tingin ko, masaya ka na sa piling ng kung sino man. Pero paano naman ako? Ang lalaking patuloy na nag-aalala sa iyo nasaan ka man. Hihintayin kita. Bumalik ka na, sige na. Hinahanap ka na rin ni Muningning. Love, Saturno d’ Magician. Labing apat na sulat sa loob ng isang linggo, lahat hindi ko alam kung saan ipadadala. (Bubukas ang ilaw sa Sanatoryo.) Maria: Kaninang umaga, Saturno: Habang wala akong kamuwang-muwang sa bahay. 21 Maria: May I rush nila ako sa infirmary dahil nalunod ako sa awa sa sarili. Hindi na makaramdam ang mga binti at braso ko. Patay na yata ang lahat ng pandama ko. Saturno: Pinatay ko na ang lahat ng pandama ko. Maria: Ang knowings ko lang, wichels kami compatible ng lugar na ito. Hindi ako lucresia kasilag tulad nila. Saturno: Bakit hindi ka man lang makapagpasabi? Maria: Bakit ba hindi man lang nila ako pagbigyan ng isang phone call para sunduin na ako ni Saturno. Saturno! (Magriring ang telepono ni Saturno.Tititigan niya ito, matagal bago niya ito sasagutin.) Saturno: Hello. Jamby: Good afternoon. May I speak with Ms. Maria De la… Cruz… de la Luz… (tatawa)… Cervantes please? Saturno: Sino ‘to? Jamby: This is Jamby, representative from the King Living Insurance Company. I’m calling regarding a car Ms. Cervantes rented exactly one week ago? You see, it’s long overdue now. Is this Mr. Cervantes? We have to warn you that non-return of the rented car will automatically… Saturno: Wala akong alam diyan. Hindi kami kasal at hindi Cervantes ang apelyido ko. Hanapin niyo siya sa Zaragosa. 22 (Ibabagsak niya ang telepono) Eksena 6 Sa Sanatoryo Loren: Anong numero ang i-d-dial para marinig muli ang boses mo? (Ipinapakitang nagrorolyo ng sigarilyo si Maria.) Maria: Ano? (Iiling lang si Loren.) Miriam: But the truth of the matter is, he doesn’t have any idea. Maria: Bakit hindi mo man lang ako hinanap? Imelda: Hinahahanap niya ako sa lahat ng mga kakilala niya. Gloria: Matatapos na ang mga numbers sa letter P ng phonebook. Imelda: P. (Bubuklatin ang address book.) Saturno: (Magdadial ng telepono) Hello, pwede bang maka-usap si Mrs. Pangilinan?… Hello, Sha, nagkikita pa ba kayo ni Maria?… May nasabi ba siya sa iyo kung saan siya pupunta?… Ah, may naikuwento ba siya sa yong lalaki?… salamat… (Magda-dial ng panibagong numero) Saturno: Hello. Pwede bang maka-usap si Ping? Pare, nawawala kasi si Maria… 23 nagbabakasakali lang ako… Di bale salamat… Miriam: Nasa R na siya. (Magda-dial ng panibagong numero) Saturno: Hello. Kamusta Ralph? Alam mo ba kung nasaan si Maria?… Kung sinong kasama niya?… Salamat… Gloria: Nasa S na siya. (Magda-dial ng panibagong numero) Saturno: Hello. Kamusta Mareng Susan? Alam mo ba kung nasaan si Maria?… Salamat… Loren: Ako ang nakikita niya sa lahat ng mukhang nasasalubong sa daan. Miriam: May aparisyon mo sa kanyang guni-guni, araw-araw gabi-gabi… Maria: Ayoko na ditiklamey saison. Imelda: Sorry! Sorry! (Magyayakap sila.) Maria: Dear Saturno, Impyerno rito, imposibleng may gumaling ditech dahil pati yata mga doktor at matrona, baliwag bulacan na rin. Nashoshokot na ako. Kailan mo ba ako hahanapin? Kailan mo ba ako itatakas? Iuwi mo na ako. Love, Maria Sorry, hindi ko mapapadala sa iyo ang sulat na ito. Wala kasi akong papel. Wala ring 24 ballpen. (Sa kabilang bahagi ng entablado.) Pulis: Magandang umaga po. Mawalang galang na ho. Ito po ba ang bahay ng mga Cervantes? Saturno: Hindi kami kasal. At hindi Cervantes ang apelyido ko. Pulis: E kasi ho, yung sasakyang inarkila ni Mrs. Maria Cervantes, natagpuan na namin sa isang eskenita sa Cadiz. Wala na po halos lahat ng parts nito. Baka may nalalamang detalye si Mrs. Cervantes tungkol sa pagnanakaw. Saturno: Hindi kayo dapat mag-aksaya ng panahon dito, nilayasan na niya ako at hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta o kung sinong kasama niya. At hindi nga kami kasal! (Lalabas ang pulis. Lasing si Saturno.) Saturno: Ayokong mabulok at bumalik sa alabok. At hindi ako makikiramay sa sarili kong lamay Kung si Maria kong mahal ay nananatili pang buhay. Ayokong kami ay magkawalay. (Sa sanatoryo. Nakaupo ang mga pasyente sa mga kani-kaniyang trono sa c.r.) Maria: Nasaan na tayo? Imelda: Sa dulo ng impyerno. Corazon: Sabi nila sa bayan ng mga Moro at mukhang totoo nga dahil kapag tag-init. Kapag maliwanag ang buwan, maririnig ang mga kahulan ng mga alaga nilang aso. Imelda: Ibalik natin ang oras sa mga panahong nagmamahalan pa tayo sa Anzures. 25 Corazon: There are short loves and there are long ones. Imelda: At sa paraan ng paghalik niya sa iyo, at sa paraan ng paghalik mo sa kanya, naghinala na akong nagkikita kayo ng patago. Corazon: Wala kang puso. Hindi ka marunong magmahal. Imelda: Marunong kang magmahal? Maria: Mahal? Corazon: May sinabi ba ako? Imelda: Yihee! Miriam: I lied! (Tatawa.) (Maghahagikhikan ang mga pasyente. Papasok si Herculina. Manginginig sa takot si Maria. Iikot-ikot si Herculina sa mga pasyente, lalabas ang ibang pasyente. Aabutan niya ng sulat si Maria.) Herculina: Unang dantay pa lang ng mga mata ko (w/ Maria) Sa mukha mong kahali-halina, Naramdaman ko na ang mahika ng pag-ibig Na sumuot at bumalot sa aking katawan. Para kang nimpa sa dagat na humahalina Diwata kang sumasayaw sa guniguni Na kahit sa panaginip Nabibingi ako sa igting ng ‘yong tinig. 26 (Pilt na aabutin ni Herculina ang binti ni Maria. Tatapakan niya nag kamay ni Herculina, tapos sasabunutan niya ito. Magkakagulo. Mapapabagsak si Herculina sa sahig.) Putang-ina mo! Mabubulok tayong dalawa rito hanggang mabaliw ka para sa akin. Maria: (Iiyak.) (Sa isang bahagi ng entablado.) Saturno: Dear Maria, Ano, masaya ka na ngayon? Hindi ka man lang makapagpaalam ng tapat. Bibisitahin ang mga lola sa Zaragoza. Pero saan ka talaga pumunta. Sabi ko na nga ba, simula pa lang, sarap lang ang hanap mo sa akin. Kapag nagsawa ka, aalis ka. Ina mo! Sinunog ko na ang lahat ng gamit mo. Wala ka nang babalikan dito. Huwag ka nang magpapakita sa akin. Baka maduraan pa kita. Duduraan kita. Mahimbing kang natutulog, habang nabubuhay ako sa bangungot. Samantalang ligtas ka sa yakap ng katalik mo sa magdamag, nag-iisa ako sa lamig. Wala kang puso. Hindi ka marunong magmahal. Siya nga pala, hindi mo na kailangang pakainin pa si Muningning, patay na siya. Love, Saturno d’ Magician Paano ko kaya isasaksak sa baga mo ang sulat na ito? Sa Sanatoryo. Doktor: After two months, patient number 461279, also known as Maria de la Luz Cervantez, 25 years old, female of unknown address, five foot- three inches, now 90 lbs. Still has not adjusted to life in the sanatorium. Still very much apparent are symptoms of agression, agitation, and violence. She initially refused to play ball in the recreation yard, or to make artificial flowers in the workshop that a group of inmates attended with frenetic diligence. Her desire to smoke has been as intense as her obsession with the telephone. By the third week, she was little by little, living in the life of the cloister. In her few weeks of stay, she has already exhibited behavior to fit her into all of Golmar’s eight categories of mental illnesses. She is found to have disorders of 27 thinking as with her progression of thoughts, delusion of grandeur and remorse. She has disturbances of consciousness. (Lalakbay ang mga pasyente sa isang linya papaunta sa kapilya. Luluhod sila. Sa kapilya ng sanatoryo.) Imelda: Ang init! Ang kate! Miriam: Nakadamit ang tao dahil masyadong manipis ang balat na naghihiwalay sa atin sa totoong mundo. Nakadamit ang pusa dahil nalagas ang balahibo sa kahihintay sa pagbaling mo ng pansin dito. Nakadamit tayo ng damit ng pusa. Loren: May lagnat ang hangin may trangkaso. Maria: Gusto kong maging hangin para makaalis dito. Gloria: Pero may sakit ang hangin! Imelda: Hindi naman malaya ang hangin. May hangin din sa sanatoryo. Miriam: Impyerno! Nararamandaman ko ang init ng impyerno! Maria: Impyerno ang kapilyang ito. Miriam: Buti pa si Jesus nakatapis lang. Gloria: May tribo na hindi nagdadamit dahil mainit. May mga kalbong nag-aapoy ang ulo sa impyerno. Hubad ang mga anghel sa impyerno dahil mainit duon. Dito sa sanatoryo nakadamit ang mga demonyo. 28 Imelda: Ang init! Ang kate! (Tatayo ang mga pasyente at magkakamot ng katawan. Papalakpak malapit sa kanilang mga mukha ang mga attendant. Naghahagikhikan ang mga pasyente. Sa kaguluhan mapapadpad si Maria sa isang opisinang walang tao; kung saan nagriring ang telepono.) Maria: Hello? (Maririnig ang malalalim na hininga ng lalaki sa kabilang linya.) Bastos! Ibababa ni Maria ang phone. Akma na siyang aalis ng silid nang bigla siyang mapatigil. Shet! Phone… (Magbabalik siya sa telepono at magdidial. Mariring ang telepono.) Saturno: Hello? (Matagal bago lalabas ang boses ni Maria.) Maria: Saturno….(Maiiyak sa tuwa.) Saturno: Puta! (Ibabagsak niya ang telepono. Mabibigla si Maria. Tatayo siya ng dahan dahan palabas nang opsina.) Maria: Aaaaaaaaaaaaaaaa! (Papasok si Herculina at tuturukan niya sana ng droga si Maria nang…) (Kay Herculina) Payag na ako. (Papasok si Gloria hawak ang isang radyong tumtugtog nang “Bed of Roses” ni Bon Jovi.) Herculina: Anong kapalit? Maria: Isang mensahe, para sa asawa ko. Herculina: 29 Kapag may nakaaalam nito, patay ka sa akin. (Aabusuhin ni Herculina si Maria.) Nilalasing ako ng iyong bango. Hindi ako makawala, makapalag, Sa masarap na pagkahilo Bihag mo ang ang naglalayag kong kaluluwa Pilit akong kumakapit sa hibla Ng iyong anino. Hayaang sundan ka, Tingnan, maging kumot sa bawat pahinga. Sa pagsasanib, maging isa ang hininga, Kahit isang sandali. Kahit minsan lang Malamang, para sa akin, Ang ‘yong ngiti, ang ‘yong pag-awit, Ang apoy na umaalab sa bawat paggising. Sabado. Herculina: Tuloy ka. Upo. Saturno: Salamat. Herculina: Mr. Cervantes….. Saturno: Hindi kami kasal at hindi Cervantes ang apelyido ko. Tawagin niyo na lang akong Saturno d’ Magician. Herculina: Mr. Magician, tatapatin ko kayo, malala po si Ms. Cervantes. Tungkol naman po sa pagkakadala sa kanya rito, walang nakakaalam ni isa sa amin kung saan siya galing at kung pa’no siya nakarating dito. Ang impormasyon lang namin tungkol sa kanya ay ‘yun lang official admittance form na ginawa ng direktor ng sanatoryo. At naging inconclusive naman ang lahat ng mga imbestigasyon namin tungkol sa kanya. Ang nasisiguro lang namin, kahit malala na si Maria, malaki pa rin ang posibilidad na gumaling siya. Kung patuloy namin siyang aalagaan. Napakasuwerte niya ngang dito siya dinala dahil espesyalidad talaga namin ang mga kasong tulad ng sa kanya. Disiplina at tamang haplos ang kailangan ni Maria at magtiwala kayong naibibigay 30 namin ito nang sapat sa kanya. Sa katunayan nga’y isa si Maria sa mga paborito naming pasyente rito. Bueno, papayagan ko kayong bumisita kung ipapangako niyong susunod kayo sa mga patakaran namin. Higit sa lahat, kailangang maging maingat kayo sa pakikipag-ugnayan sa inyong asawa. Madali siyang mawalan ng kontrol sa sarili, at padalas nang padalas ang pagwawala niya. Nagkakaintindihan po ba tayo? Saturno: Oo. Hindi siya ganoon dati. Mainitin ang ulo, pero malakas ang pagpipigil sa sarili. Herculina: Maraming mga “latent” behavior kung tawagin, na naitatago nang maraming taon. Isang araw, puputok na lamang ito at BOOM. At sa kaso ni Maria, wala pa siya sa kundisyong mabuhay sa normal na set-up. Mahihirapan lang siya, at gayundin naman, kayo sa pag-kontrol sa kanya. Pinakamabuting dito na muna siya hanggang sa tumino ang kanyang pag-iisip. May mga panahong mukha naman silang matino pero madali rin silang magswing sa violence. At higit sa lahat, normal sa mga pasyenteng isiping hindi sila baliw. Ito naman ang sinasabi ng lahat ng pasyente rito. (Tatawa nang marahan.) Siyanga pala, kakatwa ang kakaiba nyang obsession sa paggamit ng telepono. Sakyan mo na lang. (Sisignal si Herculina na pumasok ang mga attendants kasama si Maria. Papasok ito. Tatayo si Saturno. Panonoorin sila ni Herculina mula sa mga anino ng isang sulok. Magpapalitan ng halik ang mag-asawa.) Saturno: Kumusta? Maria: Andito ka na. Impyerno dito. Ginugulpi kami ng mga matrona. Panis ang kinakain namin dito. Hindi ako makatulog sa takot gabi-gabi. Ni hindi ko na nga nabilang kung ilang araw na ako dito, o kung ilang buwan, o taon. Ang alam ko lang, mas masahol pa sa naunang araw ang susunod. Hindi na ako si Maria. Saturno: Tapos nang lahat ng ‘yon ngayon. Hayaan mo. Dadalawain kita tuwing sabado. Mas madalas pa, kung papayagan ka ng director. Makikita mo, maayos na ang lahat. (Takot na tititig si Maria sa mga mata ni Saturno. Akmang hahalikan ni Saturno si Maria.) Kailangan mo pa ng ilang araw para lalo kang gumaling. Maria: 31 Huwag mong sabihing… hindi ako baliw! (Magbibigay si Herculina ng “I told you so” look.) Saturno: Ikaw talaga, kung anu-ano’ng iniisip mo. Mas makakabuti lang talaga para sa lahat kung dito ka muna. Sa mas maayos na pangangalaga, siyempre. Maria: Pero nagpunta lang ako dito para makigamit ng telepono. Makikitawag lang ako. (Titingin si Saturno kay Herculina. Ituturo ni Herculina ang relo niya. Titingin si Maria kay Herculina na handa na siyang kaladkarin pabalik sa dormitoryo. Kumapit si Maria sa leeg ni Saturno.) Huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan! (Humahagulgol si Maria. Buong pagmamahal na binuwag ni Saturno ang kapit ng asawa. Pinilipit ni Herculina ang bisig ni Maria sa likuran nito.) Herculina: Alis! (Takot na aalis si Saturno.) Susunod na Sabado, Sa sanatoryo. Saturno: Bumalik ako ng sumunod na Sabado kasama si Kuningning d’ Kuneho. Nagtanghal ako sa harap ng mga pasyente. Ngunit hindi ako tinagpo ni Maria. Hindi man lang siya sumilip mula sa kanyang bintana. (Mag-iiwan ng pakete ng sigarilyo si Saturno kay Herculina para sa kanyang asawa.) Herculina: (Kay Saturno.) Tipikal na reaksyon lang ang pagtanggap sa’yo ni Maria. Huwag kang mawalan ng loob. Lilipas din ito. Saturno: Ngunit dumaan ang mga Sabado ng tag-init nang hindi tayo nagkikita. Maria: Natural lang na magalit ako. 32 Saturno: Huwag ka sanang magalit. Ginawa ko iyon dahil mahal na mahal na mahal kita at gusto kitang gumaling. Maria: Hindi nga ako baliw. Makikitawag lang sabi ako e. Saturno: Sinulatan kita. Binuhos ko roon ang buong puso ko. Sinubok ko ang lahat ng paraan upang ipaabot sa’yo ang sulat, ngunit apat na ulit itong ibinalik sa akin nang selyado at walang sagot. Maria: Bakit ka tumigil sa pang-apat? Hinihintay ko ang panglima. Saturno: Kinulong mo ako sa buhay na wala ka. Bakit ba lahat ng problema ay ayaw nong pagusapan? Bakit ayaw mo akong kausapin? Maria: Bakit? Makikinig ka pa ba sa’kin? Maniniwala ka pa ba sa akin? Herculina: Hanggang sa sumuko na si Saturno. Ngunit patuloy pa rin siyang nag-iiwan ng sigarilyo sa sanatoryo para kay Maria. Saturno: Kahit hindi ko siguradong nakakarating sa’yo. Maria: Natatangap ko ang mga sigarilyo pero bawas na. Saturno: Bakit ayaw mo akong patawarin? (Lalabas ng entablado si Saturno.) Maria: Sarili ko ang hindi ko mapapatawad. Hindi ako handang harapin ka. Hahanapin kita, 33 kapag nahanap ko na ang sarili ko. Herculina: Makalipas ang isang taon hindi na bumalik dito si Saturno. Maria: (Tangan si Kuningning.) Wala na akong narinig pa sa kanya. Ipinagbilin niya ang mga suplay ko ng sigarilyo sa isa niyang kaibigan. Dinadalaw ako nito dalawang beses sa isang buwan. Hindi raw pumapaltos ang sanatoryo sa pagpapagaan ng loob niya. Tuwing nalulungkot siya, tumutuloy siya rito at nakikitawa sa mga pasyente. (Ipapakita ang sanatoryo na nasusunog. Maliwanag at malikot ang ilaw na pula at dilaw. Nagtatampisaw sa apoy ang mga pasyente, dala-dala ang mga balutan.) Dear Saturno, Musta na? Wala nang may I give-sung sa akelds ng yosi. Nang last kaming nagkita ng friendship mo, chuva nya sa ‘kin, may jusawa ka na at may I fly na sa ibang bansa. Siguro may junakis ka na. Kung any mow ma-type-an mong bumisita uli para ma-sight akes, witchels mo na ever makikita ang mental. Nasunog na ito. Nilafang ng gutom na apoy ang lahat ng madaanan. Kung saan may I meet ang usok at apoy, sumayaw ako. Tinunaw, sinaidsaid ng nagbabagang suba ang natitirang lamig ng puso ko. Wala ng leftover kundi kalansay ng mental, parang isang unforgettable memory of a nightmare somewhere in time. (Bubuksan ang mga pasyente ang mga balutan at paliliparin ang mga maliliit na lobo. May maririnig na sirena ng bumbero.) Mabuti naman akelds. Malaya sa dictatorship ng panahon, masaya rin anyways, at peaceful, peaceful and table of contented sa buhay dito. At sa mga moments na nilagi ko ditelds, na lost and found ko ang aking sarili. Sensya na, Saturno, sensya na talaga, kung ngayon ko lang na-discovery channel, mahal pala kita. Love, Maria 34 WAKAS 35