Uploaded by Arielyn C. Thomas

496725834-Final-Ap10-q3-Las3-Tugon-Ng-Pamahalaan-at-Mamamayan-Sa-Pilipinas-Sa-Mga-Isyu-Ng-Karahasan-at-Diskriminasyon-Gale (1)

advertisement
A
A
Araling Panlipunan 10
Kwarter 3, LEARNING ACTIVITY SHEET 3
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas
sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon
Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 10
Learning Activity Sheet 3
Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar
Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na maghanda ng gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.
Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.
Mga Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan 10 Activity Sheet
Manunulat: Maggie M. Gale- SST- III, Pagsanghan NHS/ Pagsanghan District
Tagalapat: Janssen Louel C. Dabuet, Gibson J. Gayda
Editor: Eloisa R. Zartiga, EPS- Araling Panlipunan
Tagasuri: Mary Ann G. Navales- SST-II Calbiga NHS
Tagapamahala:
Carmela R. Tamayo EdD, CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr. PhD, CESO VI-Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caveiro, PhD - Chief Education Supervisor, CID
Eloisa R, Zartiga- EPS – Araling Panlipunan
Josefina F. Dacallos, EdD – PSDS/LRMS Manager Designate
Felixzaro R. Borata- District Head
Ma. Villa B. Cruda- School Head
Araling Panlipunan 10
Pangalan ng mag-aaral:_____________Baitang:______ Seksyon:______________
Paaraalan : _______________________
Petsa:_______________________________
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon
I. Panimula:
Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu at hamong may
kaugnayan sa Kasarian at Lipunan na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas
maging sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na
ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga isyu at hamon sa
Kasarian at Lipunan. Handa ka na ba?
II. Kasanayang Pampagkatuto:
Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

Nalalaman ang tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon sa bansa

Nasusuri ang tugon ng mamamayan sa Pilipinas sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon

Naigagalang ang mga batas laban sa karahasan at diskriminasyon
III. Pamamaraan:
Gawain 1: Larawan-Suri
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga karahasan at
diskriminasyong ipinakikita ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa
isang papel.
Gawain 2: Suriin Mo!
Panuto: Sa bahaging ito, iyong mababasa ang isang tula na talaga namang
pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo itong mabuti at
sagutin ang pamprosesong tanong.
Gender Equality
I may be different,
in the physical form
I may be never meant,
And hate the storm
power,
We may be opposite,
But we’re one and the same
In each other’s genders we
may not fit,
But just let us join in your game
You don’t let us play,
sickly
But we let you
You push us away
If only you knew
Everyone
thinks
you
have
more
That we kneel before you
But yet all you do is act sour
Get a clue
We can do everything you can,
We’re not just pink and pretty
We’ll we knew how to plan,
And for you your game we can play
-Hellopoetry.com
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula?
Bakit?
3. Sinu-sino ang mga karakter na ipinakikita sa tula? Ano ang kanilang
pagkakaiba?
4. Paano makakamit ang respeto ng iba’t ibang kasarian?
5. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang
pagtanggap at paggalang sa kasarian?
Gawain 3: Basahin at Unawain
Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga
kababaihan tulad ng CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women, Anti-Violence Against Women and Their
Children Act at Magna Carta for Women.
Basahin ang susunod na teksto tungkol sa batas laban sa Karahasan sa
Kababaihan.
Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International
Bill for
Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations
Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal
na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa
aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong
Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women.
Pumirma
ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto
5,
1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika.
Umabot na
sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005.
Unang
ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang
nakararaan
noong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
result sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado
sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin
ang mga stereotype, kostumbre at mga gawain nagdidiskrimina sa babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin
ang diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae,
at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State
Parties na igalang,
ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang State Parties ay inaasahang:
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at
maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang
hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act No. 9262)
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay
isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito,
at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino
ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan
at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon
ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa
mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18)
taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o
ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang
babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at
pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?
Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot
sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki,
mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga
lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual
or dating relationship” sa babae.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang Anti-Violence Against Women Act?
2. Sinu-sino ang binibigyang proteksyon ng batas na ito? Sa iyong
palagay bakit binalangkas ang ganitong uri ng batas?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal
ang batas na ito?
Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang
alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng
bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan
ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababaihan ay karapatang pantao.
Ano-ano ang responsibilidad ng pamahalaan upang maproteksiyunan
ang mga kababaihan at mga anak nito sa ilalim ng batas na ito?
Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang
pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong
batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang
mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang
pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan
ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at
pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programang nagsasaalangalang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang
kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan
upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya
na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga
stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre,
tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay
ang mga babae at
lalaki.
Sino ang saklaw ng Magna Carta?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho
o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw
ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng bukod na pansin ang
kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga
babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in
Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng
mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may
limitadong kakayahang matamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante,
at kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances
ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong
sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at
mga babaeng nakakulong.
Matapos mong mabasa ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa
mgakababaihan, ngayon naman ay iyong unawain ang ukol sa batas na
magbibigay ng benepisyo sa mga kalalakihan sa kanilang mga trabaho.
Ang Paternity Leave
Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad
na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay
pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7)
araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay
maaaring magamit ng isang lalaki sa unang apat na araw mula ng manganak
ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa
Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang
pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang petsa
ng panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga
empleyadong lalaki.
Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga
panuntunan at regulasyon na ipinakilala rito ay parurusahan ng multa na hindi
lalampas sa dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na
hindi kukulangin sa tatlumpung (30) araw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave bago, habang
at pagkatapos na ang kanyang legal na asawa ay makapanganak.
Nararapat lamang niyang kumpletohin ang mga impormasyong hinihingi sa
Paternity Notification Form buhat sa kanyang employer kasama ang kopya ng
marriage contract.
Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa
kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang
karahasan at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong
ang mga panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga
LGBTQIA+.
Gawain 4: Da-Hu?
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. CEDAW
B. Pamahalaan
C. Marginalized Women
D. Magna Carta for Women
E. Women in Especially Difficult Circumstances
F. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.
_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at
anak nito.
_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad ng batas na ito.
_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at
prostitusyon.
_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong
kakayahan, at maralitang-tagalungsod.
Gawain 5: Mind Map ko ‘to
Panuto: Gumawa ng sariling Mind Map tulad ng nasa ibaba. Punan ito ng
mga tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga karahasan at
diskriminasyong nararanasan ng iba’t ibang kasarian. Ilahad kung
paano ito makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral.
Tugon ng pamahalaan sa
mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon
Gawain 6: I-minapang Konsepto
Panuto: Gumawa ng isang concept map ukol sa napapanahong isyu ng
Karahasan at diskriminasyon. Gawing basesahan ang nasa ibaba.
Ibigay ang maaaring tugon ng pamahalaan at mamamayan
upang maiwasan ito. Isulat ang sagot sa papel.
Napapanahong isyu
ng Karahasan at
diskriminasyon
Gawain 7: Isip, Hamunin
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod.
1.
2.
3.
4.
5.
Magna Carta of Women
CEDAW
Paternity leave
Anti-Violence Against Women and Their Children Act
Ang Karapatang Pantao ay Unibersal, magkakaugnay, at
hindi nahahati
Gawain 8: Ikampanya Mo Na!
Sitwasyon: Isa kang organisador ng isang mapayapang protesta na
nananawagan ng halimbawa ang pagpapatigil ng karahasan laban sa
kababaihan (violence against women o VAW). Gagawa ka ng 3 campaign
islogan na gagamitin sa inyong protesta. Maaaring lamanin ng mga islogan,
sa maikling pananalita, ang pagwaksi sa VAW, ang ilang hakbang upang
wakasan ang VAW, ang pagsuporta sa mga adhikaing laban sa VAW, o
panawagan tungo sa mapayapang pagkilos laban sa VAW. Gagamitin ang
mga campaign islogan sa protestang iyong gagawin sa susunod na linggo.
Gawin gabay ang tanong na bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo
maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga tugon ng pamahalaan at
mamamayan sa mga isyu ng kasarian at diskriminasyon sa lipunan? Ilahad
ang iyong kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Sumunod sa health
protocols na ipinatutupad sa inyong pamayanan. Gamiting gabay ang
pamantayan sa rubrik.
Pamantayan
Napakagaling
(5 puntos)
Nilalaman
Malinaw at
madaling
unawain ang
campaign
slogan tungkol
sa tugon ng
pamahalaan
at
mamamayan
sa mga isyu ng
karahasan at
diskriminasyon
sa lipunan
Organisasyon
Maayos at
may malaking
kaugnaynan
sa paksa ang
campaign
slogan tungkol
sa tugon ng
pamahalaan
at
mamamayan
Magaling
Hindi gaanong Hindi
magaling
magaling
(4 puntos)
(3 puntos)
(2 puntos)
Hindi gaanong Medyo
Magulo at
maunawaan
magulo ang
hindi
ang
laman ng
maunawaan
campaign
campaign
ang
slogan tungkol slogan tungkol campaign
sa tugon ng
sa tugon ng
slogan
pamahalaan
pamahalaan
tungkol sa
at
at
tugon ng
mamamayan
mamamayan
pamahalaan
sa mga isyu ng sa mga isyu ng at
karahasan at
karahasan at
mamamayan
diskriminasyon diskriminasyon sa mga isyu
sa lipunan
sa lipunan
ng karahasan
at
diskriminasyo
n sa lipunan
Hindi gaanong Kaunti ang
Walang
maayos ang
kaugnayan sa kaugnayan
kaugnayan sa paksa ng
sa paksa ang
paksa ng
campaign
campaign
campaign
slogan tungkol slogan
slogan tungkol sa tugon ng
tungkol sa
sa tugon ng
pamahalaan
tugon ng
pamahalaan
at
pamahalaan
at
mamamayan
at
mamamayan
sa mga isyu ng mamamayan
Pagkamalikhai
n
sa mga isyu ng
karahasan at
diskriminasyon
sa lipunan
sa mga isyu ng
karahasan at
diskriminasyon
sa lipunan
karahasan at
diskriminasyon
sa lipunan
Nakahihikayat
ang campaign
slogan tungkol
sa tugon ng
pamahalaan
at
mamamayan
sa mga isyu
ng karahasan
at
diskriminasyo
n sa lipunan
Medyo
nakahihikayat
ang campaign
slogan tungkol
sa tugon ng
pamahalaan
at
mamamayan
sa mga isyu
ng karahasan
at
diskriminasyo
n sa lipunan
Hindi gaanong
nakahihikayat
ang campaign
slogan tungkol
sa tugon ng
pamahalaan
at
mamamayan
sa mga isyu
ng karahasan
at
diskriminasyo
n sa lipunan
sa mga isyu
ng karahasan
at
diskriminasyo
n sa lipunan
Walang
panghihikaya
t ang
campaign
slogan
tungkol sa
tugon ng
pamahalaan
at
mamamayan
sa mga isyu
ng karahasan
at
diskrimasyon
sa lipunan
Gawain 9: Aking Aalamin
Panuto: Magsaliksik sa internet o magtanong sa iyong mga nakatatandang
kasama sa bahay ng mga programa, samahan, batas o ordinansa
na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga kalalakihan,
kababaihan at LGBTQIA+ sa iyong pamayanan. Gumawa ng isang
talahanayan upang mailagay ang mga nasaliksik. Isulat ang iyong
sagot sa isang papel.
KALALAKIHAN
KABABAIHAN
LGBTQIA+
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang mga batas/ordinansa, programa o samahan na
nagtataguyod sa karapatan ng lalaki, babae, at LGBT sa inyong
pamayanan?
2. May kabutihan ba itong dulot/ Bakit?
3. Natutugunan ba nito ang mga isyung kinakaharap ng lalaki, babae at
LGBTQIA+ sa inyong pamayanan? Sa paanong paraan?
4. Sa inyong paaralan, may mga program aba o alituntunin na
nangangalaga sa karapatan ng mga mag-aaral na babae, lalaki o
kabilang sa LGBTQIA+?
Gawain 10: Tayahin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat
bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.
1. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae
at angpotensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala
na angkarapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination
2. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at
nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito?
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women at Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
3. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa
Magna Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
4. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan
C. senado
B. pamahalaan
D. simbahan
5. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong
ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women,
saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
6. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan
anuman anglayunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga
kababaihang biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon
7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at dipagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay
tungkulin ng Estado bilang State Party sa Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C.masolusyunan ang laganap na diskriminasyon
D.ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan
8. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay
nagdadalangtao. Bilang isang empleyado, anong benespisyo ang makukuha
niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave
C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave
D. Paternity Leave of Absence
9. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong
sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong.
A. Women of The Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D.Women in Especially Difficult Circumstances
10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pangekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Against War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women
D.Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Against
Women
IV. Sanggunian:
Kontemporaryong Isyu, Learners Material, pahina 319-338
PAGTANAW AT PAG-UNAWA DIWA textbooks pahina 134-159
Mga Kontemporaryong Isyu nina Mercado at Hernandez VIBAL textbook
pahina 196-211
MELC/unpacked MELCs
youtube.com/watch?v=/mWzQ-s8Kk4
Happy Teaching with Ma’am Belle Fb page
https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/tugon-sa-mga-isyu
https://www.shutterstock.com/image-vector/silhouette-woman-harassmenthands-vector-illustration-775551214
https://www.shutterstock.com/image-vector/man-household-activities-setmen-shopping-1027995556
https://www.shutterstock.com/image-vector/sad-teenage-girl-sitting-on-floor1412116502
https://www.gettyimages.com/photos/footbinding?phrase=foot%20binding&sort=mostpopular
http://www. bcs. gov.ph/files/sp/Pinav Komiks.pdf
V. Susi sa Pagwawasto
Gawain 4:
1.
2.
3.
4.
5.
D
F
B
E
C
Gawain 10:
1. A
2. D
3. B
4. B
5. D
6. D
7. B
8. B
9. D
10. C
Ang mga sagot sa Pamprosesong mga Tanong ay maaaring magkakaiba-iba
Download