Uploaded by JOHN LLOYD VERGARA

Filipino Gawain 1

advertisement
Gawain 1.2
Pumili ng isang paksang pwedeng gawan ng pananaliksik sa mga kasalukuyang
suliranin sa ating paligid (current events and issues) at mangalap ng impormasyon tungkol
dito. Ilagay din ang referens na mga nasabing nakalap na impormasyon (APA Style). Ipasa
dito sa google classroom.
Ano nga ba ang kahirapan? Paano ba ito nakakaapekto sa bawat isang indibidwal o isang
pamilya? Anong nga ba ang maaaring idulot ng kahirapan sa kalusugan at pamumuhay ng isang
tao o pamilya? Ano-ano ang mga maaaring sanhi at solusyon upang maibsan ang kahirapan? Ang
kahirapan na isa sa mga kasalukuyang suliranin na tinatamasa ng bansang Pilipinas at patuloy na
hinahanapan ng solusyon upang mawakasan o mapababa ang angkop na bilang o porsyento ng
mga mahihirap o naghihirap sa bansa.
Ang kahirapan ang isa sa mga nangungunang suliranin na kinakaharap ng mga Pilipino sa
ating bansa. Ito ay ang estado ng pamumuhay ng Pilipino na kung saan may kawalan ng sapat na
kakayahan upang matugunan ang mga pangunahing mga pangangailangan ng isang tao dulot ng
napakababang kita mula sa trabaho. Ito rin ay isang suliraning panlipunan dahil nabigo silang
madagdagan ang kanilang mapagkukunan ng kita na gagamitin sa pagtugon sa pansariling
pangangailangan. Ayon sa datos ng Awtoridad ng Istatistika ng Pilipinas o Philippine Statistics
Authority (PSA), nakapagtala ng labing walong porsyento ng saklaw ng kahirapan sa unang
semestre ng taong 2021 na may mas mataas na porsyento kumpara sa labing anim at dalwang
porsyento na naitala sa kaparehong panahon noong 2018. Ang nasabing bilang o tala ng porsyento
ng mga mahihirap ay may katumbas ng nasa 4.74 milyon ng pamilyang Pilipino. Dagdag pa rito,
lalo at patuloy pa ring tumataas sa apat napu’t walong porsyento ang bilang ng Pilipino na
nagsasabing sila ay naghihirap dala ng pandemya na tinatamasa pa rin hanggang sa ngayon.
Ayon kay M. Pascual (2018), isa sa mga nagiging sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon
ng mababang antas ng edukasyon sa ating lipunan. Maraming Pilipino ang nagbabatay o nagsasabi
na ang edukasyon ay ang isang susi upang masolusyonan ang kahirapan na kinahaharap ng mga
Pilipino. Ngunit kadalasan ay ang edukasyon ang nagiging sanhi ng kahirapan dahilan na may
mga oras at pagkakataon na kinakailangan ng mga mag aaral ng pinansyal na gagamitin para sa
kani kaniyang pangangailangan. Gayundin, ang kawalan ng isang malinaw na pagpaplano sa mga
gastusin ay isa sa mga sanhi at kadahilanan ng Pilipino na naghihirap sa ngayon dahilan na hindi
nakakatulong sa isang tao ay may padalos dalos na desisyon sapagkat ang pinansyal dapat ay may
mga pinaglalaanan ng bagay na maituturing na pangunahing pangangailangan ng tao. Sumunod,
maraming Pilipino ang mga nalululong sa bisyo kung kaya’t lalo itong maituturing na dahilan na
nagpapahirap sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng alak at sigarilyo ay sisirain ang kalusugan,
pamilya, kabuhayan, at kinabukasan dahilan kung ito ay makakasanayan ng bawat mahihirap o
naghihirap ay lalo silang malulubong sa kahirapan. At higit sa lahat, kung ating masusuri o susuriin
ay mapapansin natin na ang isa sa mga nagpapahirap sa antas ng ating bansa ay ang mga tao na
nasa gobyerno, mga tao na may kapangyarihan upang tayo ay magtagumpay dahil kung atin
lamang gugustuhin ay marami tayong mga paraan upang masulosyonan o mapababa ang bilang o
porsyento ng kahirapan sa ating bansa.
Ang kahirapan ay nangangailangan ng higit pa kaysa sa kakulangan ng kita at produktibong
mapagkukunan upang matiyak ang napapanatiling kabuhayan. Kasama sa mga pagpapakita nito
ang kagutuman at malnutrisyon, limitadong pag-access sa edukasyon at iba pang mga pangunahing
serbisyo, panlipunang diskriminasyon at pagbubukod pati na rin ang kawalan ng partisipasyon sa
paggawa ng desisyon. Ang kahirapan ay nauugnay sa maraming panganib sa kalusugan, kabilang
ang mataas na rate ng sakit sa puso, diabetes, hypertension, cancer, pagkamatay ng sanggol, sakit
sa isip, undernutrition, pagkalason sa lead, hika, at mga problema sa ngipin. Ang mababang kita
ay isang pangunahing sanhi ng kahirapan. Kung ikaw ay kumikita ng maliit na kita, hindi mo
magagawang mag-ipon ng pera at mamuhunan nito upang madagdagan ang iyong yaman. Bukod
dito, sa mga bansang may medyo maliit na kita, ang mga tao ay kadalasang hindi makakapagbigay
ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng sapat na pagkain o para sa paggamot ng mga sakit.
Samakatuwid, ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng
lipunan o bansa na maaaring makaapekto sa mga edukasyon, kalusugan, at estado ng pamumuhay
ng isang pamilya. Ngunit may mga bagay at paraan na maaaring gawin upang mabawasan ang
bilang ng mga mahihirap sa bansa. Una, iwasan at alisin ang korapsyon sa gobyerno, ikalwa,
iwasan ang mga bisyo na mayroon sa pangangatawan, at higit sa lahat, humanap ng permanente at
disenteng trabaho upang natugunan ang pangangailangan sa araw araw.
Download