GAWAIN 3 Gawain 3.1: Sumulat ng reaksyon tungkol sa pulong-bayan ng inyong lugar na kinabibilangan. Ang pulong-bayan ay isang pagpupulong kung saan ang mga taong naninirahan sa isang bayan ang nagkakaroon ng pagpupulong upang mapag-usapan ang mga suliranin at hinaing ng mga mamamayan, mga hakbang at ang mga maaaring asahan ng mga mamamayan na pagbabago sa kanilang bayan na matutugunan at masusulosyunan ang mga kinakaharap ng bayan. Marami ang mga suliranin na kinakaharap ng isang bayan o isang barangay ngunit bilang tugon sa mga kabataan, nagmungkahi ng isang programa kung saan nagbigay laan sa kanila upang maiiwas sa mga bisyo lalo’t higit sa droga ang mga kabataan. Ayon kay Dr. Jose Rizal, “Ang Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan” kung kaya’t ninais sa pulong-bayan na magkaroon ng iba’t ibang palaro sa barangay na lalahukan ng mga kabataan. Ang program ana nabuo sa pulong-bayan ay tatawaging, “Ang Bola Kontra Droga”. Ang layunin ng programang ito ay matugunan ang lumalaking bilang ng mga kabataan na nagkakabisyo at maaaring magdala sa kanila sa paggamit ng droga, kaya’t nilalayon ng program ana pagtibayin, pahalagahan at sariwain ang katagang iniwan ng ating Pambansang Bayani. Sa pagkakataon na ito, nakakagalak isipin na marami pa rin ang nagnanais sariwain ang katagang iniwan ng ating pambansang bayani at ito ay ating pipilitin na pagtibayin, pahalagahan at pagyabungin hanggang sa susunod na henerasyon dahilan na laging may parating na panibagong umaga ng pag-asa. Ikinagaganda rin ito sa isang barangay o bayan sa kadahilanan na bababa ang bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamut at iba pang mga bisyo. Dagdag pa rito, malaki ang posibilidad o tyansa na marami ang mga kabataan na maging aktibo sa barangay at matututukan ng bawat isang kabataan ang pagkakaroon ng isang malakas at malusog na pangangatawan. Maaari din maging isang modelo ng isang barangay o bayan ang mga kabataan dahilan sa programa ay magkakaroon ng pagkakaisa, pagkakabuklod-buklod at masagang bayan o barangay sa mga ganitong programa. Kung kaya’t bilang isang kabataan, mahalaga sa akin ang pagkakaroon ng ganitong programa at pasasalamat nmn sa lahat ng pamunuan ng organisasyon na talaga naming tinututukan ang mga kabataan para sa ikagaganda ng kinabukasan ng bawat isa. Dahilan sa pagkakaroon ng isang malinis, tapat, at aktibong pamunuan ay nalalampasan ang ano mang sulirananin na kinakaharap ng isang bayan o barangay sa pamamagitan ng pulong-bayan. Gawain 3.2: Magsaliksik ng mga halimbawa ng pulong-bayan at magbigay ng puna tungkol dito. Base sa mga ulat na aking nasaliksik at nakalap na pulong-bayan, ang mga halimbawa na nagsasaad dito ay ang mga usupan ukol sa edukasyon at kahirapan na kinahaharap na suliranin ng mga mamamayang Pilipino. Una, sa edukasyon, tinututukan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng mas mataas na badyet upang mas mapabuti ang estado ng edukasyon sa ating bansa. Layunin ng pulong-bayan na magkaroon ng mas marami at matatag na pasilidad, pagkakaroon ng mga gamit sa silid aralan na makakatulong sa mga mag-aaral, at pagkakaroon ng mga tulong pinansyal sa mga mag-aaral. Ikalwa, sa kahirapan, nais tugunan ng pamahalaan ang kahirapan na kinakaharap ng ilan nating mga kababayang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tulong pinansyal, at pagbibigay laan ng trabaho sa mga kababayan nating walang trabaho. Bilang isang mamamayang Pilipino, isa sa ikinatutuwa ko na matututukan ang edukasyon at kahirapan sa ating bayan dahilan na isa ito sa mga suliranin ng ating bansa kung bakit hindi gaano naunlad ang ating bayan. Sa pamamagitan ng pulong-bayan, maaaring tumaas ang tyansa at ang estado ng ating bansa sa larangan edukasyon at sa larangan ng estado ng pamumuhay ng bawat isang pamilyang Pilipino dahilan na sa pagkakaroon ng mga oportunidad na trabaho ay maaaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Kung kaya’t maaki ang magiging tulong nito sa ating mga mamamayang Pilipino at sa bawat isang mag-aaral na nagnanais makapagtapos ng kolehiyo.