Banghay Aralin sa Filipino V Blg. 1 Ika-4 hanggang 8 ng Hunyo, 2012 V – Dahlia: I. V – Cathleya: Layunin: A. Nakasasagot ssa mga tanong tungkol sa detalye ng ulat / patalastas / kwentong napakinggan. Nagagamit sa pagpapahayag pagsasalaysay ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit. Naibibigay ng malinaw ang mahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng kwento / balitang binasa. Nagagamit ng wasto ang malaking titik. B. Mga Estratehiya: Pagbasa ng pagbigkas, Masining na pagkukwento C. Pagpapahalaga: Pagiging Matapat II. A. B. C. D. E. F. III. Paksang Aralin Kwento: Ang Balita (Filipinas D. Gobot, Evelyn B. Belen at Mardela L. Sudang Estratehiyang Pangwika: Paggamit sa pagpapahayag ng mga uri ng pangungusap ayon sa gamit. Pagbibigay ng linaw sa mahahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng kwento / balitang binasa. Paggamit ng wasto ng malaking titik. Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino pp. 2-7, 162-166 Kagamitan: LCD Projector, Tsart, Activity Cards, PowerPoint Presentation Gawain sa Pagkatuto A. Unang Araw Bago Bumasa 1. Pagganyak Anu-anong balita ang napapanood ninyo mula sa TV o nababasa sa pahayagan? 2. Pagpapakilala sa Kwento Pagtukoy sa Pamagat: Ang Balita 3. Paghahawan ng Balakid Itala ang mga bagay na maaaring panggalingan ng mga balita: Radyo, TV, Diyaryo o Pahayagan 4. Pagbuo ng Pagganyak na Tanong Bakit Pinapurihan si G. Emilio Advincula, isang drayber ng taxi? 5. Pamantayan sa pakikinig Habang Bumabasa 1. Paglalahad Paglalahad na muli ng kwento 2. Unang Pagbasa Masining na pagbasa ng guro sa kwento 3. Ikalawang Pagbasa Muling pagbasa ng guro sa kwento at pagtalakay sa bawat tagpo. Pagkatapos Bumasa 1. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong 2. Pangkatang Gawain Pangkat I – Bumuo ng isang maikling awit na naglalarawan sa ipinamalas na katangian ni g. Advincula Pangkat II – Iguhit ang Bagay na naiwan ng foreigner sa taksing minamaneho ni G. Advincula at ang mga laman nito. Pangkat III – Isadula ang pangyayaring may kaugnayan sa mga detalye ng balita tungkol kay G. Advincula 3. Pag-uulatt ng bawat Pangkat Pagpapayamang Gawain Bumuo ng Maikling kwentong nagpapakita ng katapatan. B. Ikalawang Araw (Paglinang ng mga Kasanayang Pangwika) Panimulang Gawain 1. Pagbabaybay a. Foreigner b. Attache case c. Dolyares d. Tseke 2. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga sumjsunod n salita: a. Tayo b. Sino c. Magbasa d. Aray 3. Balik-aral Suriin kung ang mga lipon ng salita ay pangungusap o parirala. a. Nang dumating sila b. Nakita ko nang lapitan niya ang bata. c. Maraming magulang ang dumalo sa pagpupulong. d. Ang mga mag-aaral ay isang bansa sa Asya. Bagong Aralin 1. Pagganyak Natatandaan nyo pa ba an gating kwentong, “Ang Balita”? 2. Pagtatalakay sa kwento (Isusulat sa pisara ang sagot ng mga bata) Tanong ng Guro Inaasahang Sagot Sino ang drayber bg taksi na pinapurihan Si G. Emilio Advincula ay isang drayber ng taksi dahil sa katapatan? na pinapurihan dahil sa ipinamalas na katapatan. Ano kaya ang naitanong no G. Advincula sa kanyang sarili nang Makita niyang may naiwan ang foreigner na naisakay nya? Saan ko kaya dadalhin ang attaché case na ito? Ano kaya ang iniutos konsensya ni. G. Advincula sa kanya? Isauli mo ang attaché case sa may-ari nito. Ano kaya ang nasambit ng turista nang isauli sa kanya ang attaché case? Naku, maraming salamat! Wow! Napakabuti mo. Nasa hotel pa kaya ang turista? 3. Pagtalakay sa Aralin (ipabasa sa mga bata ang kanilang mga kasagutang nakasulat sa pisara) Alin sa mga pangungusap ang nagsasalaysay o nagkukwento? Ano ang tawag sa pangungusap na ito? Alin naman ang nagtatanong? Anong uri ng pangungusap ito? Alin ang pangungusap na nag-uutos? Ano ang tawag sa pangungusap na ito? Ano ang ipinahahayag ng huling angungusap? Ano ang tawag sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin? 4. Pagbigkas na Pagsasanay Panuto: bumuo ng pangungusap ayon sa gamit batay sa ibinigay na sitwasyon. a. Tumakbo ang isang school bus. Biglang pumutok ang gulong. Bumaba ang drayber para tingnan iyon. Padamdam: _________________________ Patanong: __________________________ b. May ambulansya. Sinisikap ng drayber na madala agad ang maysakit sa ospital. May isang drayber ng taxi na ayaw tumabi. Pautos: ______________________________ Padamdam: __________________________ c. Sumasagot kayo sa isang pagsusulit. Lubhang mahirap sagutin ang ilang tanong na hindi mo pinag-aralan. Pasalaysay: ____________________________ Patanng: _______________________________ 5. Paglalahad Anu-ano ang mga uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan o damdamin? Kalian ginagamit ang pangungusap na pasalaysay? patanong? pautos? padamdam? 6. Pinatnubayang Pagsasanay Isalin sa itinakdang uri sa loob ng panaklong ang sumusunod na mga pangungusap. a. Tumutulong ang mga bata sa paglilinis ng paligid. (patanong) _______________________________ (pautos) __________________________________ b. Nawala ang pitaka ko sa kantin. (padamdam) _______________________________ (patanong) _________________________________ c. Naku, naubos agad ang gatas! (pautos) ___________________________________ (pasalaysay) _______________________________ 7. Malayang Pagsasanay Magbigay ng isang makabuluhang pangungusap. Sabihin kung ito ay pasalaysay, patanong, pautos o padamdam. 8. Paglalapat Isulat sa isang buong pangungusap ang angkop sa bawat sitwasyon. a. Magtutungo kayo sa Baguio. ____________________________________________ b. Hindi mo alam kung nasaan ka. ____________________________________________ c. Magpapabili ka ng bolpen sa iyong ate. ____________________________________________ 9. Pagtataya Bumuo ng pangungusap ayon sa gamit batay sa ibibigay na sitwasyon. a. Nanalo sa paligsahan ang iyong kaibigang si Sheryl. Padamdam: _________________________________________ b. Nais mong malaman kung matutuloy sa pag-alis ang iyong nanay. Patanong: _____________________________________________ c. Nabundol ng dyip ang tumatakbong bata. Padamdam: ____________________________________________ d. Alam mo na si jenny an glider sa ingyong pangkat. Pasalaysay: ____________________________________________ e. Nakita mong malaki at maganda ang bahay. Pasalaysay: ____________________________________________ 10. Kasunduan Sumulat ng ibat-ibang uri ng pangungusap batay sa sumusunod na sitwasyon. a. Daratingang iyongTatay galling sa Italy. (pasalaysay) __________________________________ (patanong) ____________________________________ (padamdam) ___________________________________ (pautos) ______________________________________ C. Ikatlong Araw 1. Pagganyak/Paglalahad Ayon sa binasang kwentong, “Ang Balita”: Sino ang Drayber ng taxi na pinapurihan? Bakit siya pinapurihan? Saan naiwan ng turista ang kanyang attaché case? Anu-ano ang mga laman ng attaché case? Ano ang nagging ganti ng turista kay G. Advincula? 2. Pagtalakay Sa Aralin Basahin ang mga kasagutan. Sa anong tanong sumasagot ang unang kasagutan? Anong tanong ang sinasagot ng ikalawang kasagutan? Paano natin naibigay ang mahahalagang detalye ng kwento, anu-anong mga tanong ang dapat nating mabigyan ngkasagutan? 3. Pagbibigay Ng Isa Pang Kwento Isang Lunes ng hapon, buwan ng Hunyo, masayang tumanggap ng bag ang mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang mula sa alkalde ng Mynila na si Mayor Alfredo Lim. Ginanap ito sa Social Hall ng Paaralang M. Hizon. Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga mag-aaral na pinagkalooban ng bag. Ano ang ipinamigay sa mga mag-aaral? Sino ang nagkaloob sa mga ito? Kalian naganap ang pamimigay ng bag? Saang paaralan namigay ng bag ang alkalde? Ano ang nagging ganti ng mga mag-aaral? 4. Pabigkas Na Kasanayan Basahing mabuti ang sumusunod na balita: Isang pampasaherong eroplano ang bumagsak sa bundok Sumagaya sa Claveria, Cebu Pacific Air Flight Number 387, Misamis Oriental noong ika-2 ng Pebrero, 1998. Ang eroplano na nagmula sa Maynila patungong Cagayan de Oro ay may lulang 104 pasahero, kasama na ang limang crew nito, nang bumagsak ito sa nasabingbundok. Ang bundok ay may taas na 7, 375 talampakan. Maraming volunteer rescuer ang umakyat sa bundok upang hanapin ang bumagsak na eroplano. Samantala, matiyagang naghihintay sa ibaba ng bundok ang mga kaanak ng mga pasaherong lulan ng eroplano. Hinihinalang wala ni isa mang nakaligtas sa trahedya. Punan ang bawat patlang ng wastong sagot. Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot sa mga katanungan batay sa binasang balita. a. Ang eroplanong Cebu Pacific Air Flight ______ ang tinutukoy na bumagsak. b. Noong ika- _____ ng Pebrero, 1998 naganap ang pangyayari. c. Sumapok ito sa bundok _________ na matatagpun sa Claveria, Misamis Oriental. d. Ang bundok na ito ay may taas na ______ talampakan. e. Ang erolano ay galling sa _________ patung osa lungsod ng CDO. f. May lulan itong _______ pasahero kasama na ang limang crew nito. g. Maraming ________ ang umakyat sa bundok upang maghanap sa labi ng mga pasaherong sakay ng bumagsak na eroplano. h. Samantalang sa _______ naman ng bundok ay matiyagang naghihintay ang i. mga _________ ng mga pasaherong lulan ng eroplano. j. Ang pangyayaring ito ay maituturing na _____________ sapagkat kamatayan o kasawian ang naging wakas ng mga pangyayari. 5. Malayang Pagsasanay Basahin ang sumusunod na balita. Anong tanong ang sinasagot ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang? Ang Red Cross ay isa sa mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa mga kababayan nating biktima ng mahabang panahong tagtuyot. Dahil sa El Niño, maraming kababayan natin ang dumaranas ng kakapusan sa pagkain. Ang kampanyang “Susog Busog: Pampalusog” ng Red Cross ay patuloy na namumudmod ng pagkain tulad ng bigas, gatas, isda, at iba pang de lata para matugunan ang laganap na kagutuman sa Mindanao. 6. Paglalapat Basahing mabuti ang sumusunod na balita at sagutin angmga tanong tungkol dtto. Pambihirang Bata Isang mag-aaral sa ikalimang baitang, si Leandro Santiago ang nagsauli sa may-aring nahulugan ng wallet samantalang bumababa sa kotseng sinasakyan na pumarada sa panulukan ng Recto at Abad Santos, Tondo, Maynila noong araw ng Lunes, ganap na ika-6:30 ng umaga. Ang may-ari ay kinikilalang si G. Edward Uy, isang negosyanteng Tsino. Laking pasasalamat ng Chino sa ginawa ng bata at binigyan ng isandaang pisong papel subalit hindi ito tinanggap ng bata. “Pambihira ang gaitong bata,” ang nawika ng negosyanteng Chino. a. b. c. d. e. Sino ang nagsauli sa may-ari ng wallet? Sino ang may ari ng nahulog na wallet? Kalian naganap ang naturang pangyayari? Saan ito naganap? Paano nahulog ang wallet sa negosyanteng Chino? 7. Pagtataya Basahin ang kwento at ibigay ang mahalagang detalyye sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan tungkol ditto. Si Bb. Elvira Ramos, isang guro sa SPED, ay pinagkalooban ng karangalan dahil sa kanyang dedikasyon at katapatan sa tungkulin sa loobng 35 taon niyang pagtuturo sa mga batang may kapansanan sa isip, o iyong tinatawag na mentally retarded. Kapansin pansin ang kaniyang tiyaga sa pagtuturo. Hindi kataka-takang natutong bumasa at sumulat ang mga batang nasa ilalim ng kanyang pamamahala. a. Sino ang gurong pinagkalooban ng karangalan? b. Bakit siya pinarangalan? c. Ilang taon na siyang guro sa SPED? d. Sinu-sino ang kanyang tinuturuan? e. Anu-ano ang mga natutunan ng mga bata sa ilalim ng kanyang pamamahala? D. Ikaapat na Araw (Pagsusulat) 1. Pagganyak / Paglalahad 2. Ayon sa binasang kwentong, “Ang Balita” sino ang nakinig ng balita? 3. Ayon sa balitang kanyang napakinggan, sino ang drayber ng taxing pinapurihan? 4. (Isulat sa pisara ang sagot) a. Tatang Dencio b. Emilio G. Advincula 5. Pagtalakay sa Aralin 6. Ano ang masasabi ninyo sa mga pangalan ng taong nakasulat, ang mga ito ba ay tiyak na ngalan ng tao? 7. Paano isinusulat ang simulang titik ng mga ito? 8. Pagbibigay at pagtalakay sa ibang mga salitangdapat gamitan ng malaking titik. a. Duguan ang lalaki b. Nakatalukbong ang ulo ng itim na tela c. Lunes, Enero, Sabao, Marso d. Panginoon, Diyos, Bathla e. Ang Bayan Ko, Ang Alamat ng Pinya f. g. h. i. j. O Diyos sa kalangiyan Hari ng sangkatauhan Diyos na walang kapantay Mabait, lubhang maalam Pinuno ng karunungan