Uploaded by carlo jasmin

5 DESACULA Ghislaine 9C NOLI-ME-TANGERE Kabanata-5-Presentation

advertisement
NOLI ME TANGERE
KABANATA 5:
BITUIN NG KARIMLAN
BY: GHISLAINE DESACULA
9C
Ginoong Aries C. Bueza, LPT / Filipino 9
NOLI ME TANGERE
MGA TALASALITAAN:
1. Largabista - teleskopyo 6. Hubog - anyo; pabalantok
2. Panaghoy - pag-iyak; paghihinagpis 7. Garing - kulaygatas; kulay-garing
3. Ibayo - katulad; kapareho 8. Parisukat - kuwadrado;
makatarungan
4. Marahil - maari; posible 9. Rehas - barandilya;
panrehasiya
5. Marilag - maringal; marikit 10. Naghihingalo - nagaagaw-buhay; nagtatapos
NOLI ME TANGERE
MGA TAUHAN:
Pangunahing tauhan: Crisostomo Ibarra at Maria Clara
Iba pang mga tauhan: Padre Damaso, Padre Sibyla, Donya Victorina, matandang lalaki, at ang
batang lalaki
NOLI ME TANGERE
BUOD:
Ang kabanatang ito ay pinamagatang “Bituin sa Karimlan” sapagkat ipinakikita nito si Maria Clara na kasintahan ni
Crisostomo. Isang babaeng kahanga hanga ang kagandahan na parang bituin sa langit, na sa kabilang banda ay hindi
nakikita ni Crisostomo sapagkat siya ay nabubulag ng matinding lungkot at nakokonsensya dahil sa pagkamatay ng
kanyang ama. Si Crisostomo ay nabalot nang kalungkutan at inusig ng kanyang konsensya matapos niyang nalaman ang
malagim na nangyari sa kanyang ama. Dahil sa labis niyang pagdadalamhati, hindi niya napansin ang kagandahan ni
Maria Clara na nasa kanyang harapan. Ang nakita ni Crisostomo Ibarra habang siya’y nakaupo sa silya at nakatanaw mula
sa bintanang nakaharap sa ilog ay ang kanyang ama na nasa loob ng kulungan – nag iisa, nakahiga sa maruming banig at
naghihingalo habang umiiyak at tinatawag ang kanyang pangalan. Nakikita nya din ang kanyang sarili na habang ang
kanyang ama ay nag iisa sa kulungan, sya ay nagsasaya, umiinom ng alak kasama ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya
nakikita ang totoong tanawin sa kanyang harapan. Mukhang tila balewala kay Crisostomo ang magandang tanawin na
kanyan nakikita sapagkat sya ay nakakaramdam nang matinding lungkot sa pagkamatay ng kanyang ama. Siya din ay
nakokonsensya sapagkat sa kanyang imahinasyon, naisip niya na habang ang kanyang ama ay naghihirap at nasa bingit
ng kamatayan, siya ay nagpapakasaya sa ibang bansa kasama ng kanyang mga kaibigan. Iniisip nya din na ang kanyang
ama ay namatay nang nag iisa at tinatawag ang kanyang pangalan.
NOLI ME TANGERE
ARAL:
Ang kalungkutan ay isang bagay na hindi madaling mawala.
Maaaring mabulag ka ng kalungkutan at pagkakonsensiya sa
iyong paligid.
NOLI ME TANGERE
Sanggunian:
IKATLONG EDISYON PINAGYAYAMANG
PLUMA: NOLI ME TANGERE
MGA AWTOR: AILENE G. BAISA-JULIAN NESTOR S. LONTOC MARY GRACE G. DEL ROSARIO
AWTOR-KOORDINEYTOR: ALMA M. DAYAG
MGA TANONG:
NOLI ME TANGERE
Bakit tinawag na
"Bituin sa Karimlan"
ang kabanata?
Bakit hindi napansin
ni Crisostomo Ibarra
ang kagandahan ni
Maria Clara?
NOLI ME TANGERE
SALAMAT!
Download