8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Heograpiyang Pantao (Mga Relihiyon sa Daigdig) Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Heograpiyang Pantao (Mga Relihiyon sa Daigdig) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Dibisyon ng Maynila. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Writer: Gina C. Martinez, Master Teacher I Editor: Amalia C. Solis – Education Program Supervisor Reviewer: Shiela C. Bernardo – Head Teacher III Management Team: Maria Magdalena M. Lim-Schools Division SuperintendentManila, Aida H. Rondilla-Chief Education Supervisor Lucky S. Carpio-EPS and Lady Hannah C. Gillo, Librarian II-LRMS Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________________ Office Address: Telefax: E-mail Address: ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Heograpiyang Pantao (Mga Relihiyon sa Daigdig) Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiyang Pantao (Mga Relihiyon sa Daigdig) ! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao (Mga Relihiyon sa Daigdig) ! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. iii Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka iv rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! v Alamin Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo upang higit mong mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa relihiyon bilang mahalagang bahagi ng heograpiyang pantao sa daigdig at ang mga saklaw nito. Maaaring magamit ang modyul na ito ng isang mag-aaral sa loob at labas ng silid-aralan. Ang wika at mga salitang ginamit sa pagsulat ng modyul na ito ay nakaangkop sa kakayahan ng mga mag-aaaral upang higit na maunawaan ang mga paksa at konseptong nakapaloob dito. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi/pangkat-etnolingguwistiko at relihiyon sa daigdig). Nilalaman ng modyul na ito ang isang paksa. Ito ay ang: Paksa - Heograpiyang Pantao: Mga Relihiyon sa Daigdig. Matapos talakayin ang nilalaman ng modyul, inaasahang maisakatuparan mo ang sumusunod na layunin: 1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng relihiyon bilang bahagi ng heograpiyang pantao. 2. Naihahambing ang mga katangian ng mga pangunahing relihiyon sa daigdig. 3. Nasusuri ang mga implikasyon ng relihiyon sa buhay ng tao at paglinang ng mga kabihasnan sa mundo. 4. Nakapagbibigay–saloobin ukol sa mga isyu, suliranin at hamon na kinakaharap ng relihiyon sa mundo 5. Nakaguguhit ng simbolo na nagpapakita ng kahalagahan ng relihiyon sa buhay ng tao. 6. Napahahalagahan ang pagkakaiba – iba ng relihiyon sa pamamagitan ng paggalang sa bawat paniniwala. 1 Subukin Gawain: WORD BUDDIES. Panuto: Gamit ang kahon ng mga letra sa ibaba, hanapin ang mga konsepto na may kaugnayan sa inilalarawan ng mga pahayag. Bilugan ito mula sa kahon at isulat ang salitang ito sa mga espasyo bago ang bilang. F R M R T D E T E U O L A L B K I I I I T H S G B R I L A L I Y A R I N O M E Y A N H Z A ___________1. Ayon kay Blando (2014) ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat tao tungkol sa kinikilalang makapangyarihang nilalang. ___________2. Ayon kay Blando (2014) ito ay salitang Latin na pinagmulan ng relihiyon na ang kahulugan ay “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuuan nito” (p.30). __________ 3. Dito nakapaloob ang mga paniniwala ng isang relihiyon. __________ 4. Ang relihiyong naniniwala kay Propeta Mohammad. __________ 5. Ang tawag sa banal na aklat ng mga Kristiyano. 2 Aralin 3 Heograpiyang Pantao: Mga Relihiyon sa Daigdig Ang relihiyon ay isang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ng daigdig. Nasasalamin sa pag-aaral ng relihiyon ang mga iba’t ibang paniniwala ng tao at kung paano nito naaapektuhan ang mga pang-araw-araw na desisyon, gawi at kilos ng mga tao. Ang relihiyon ay mahalagang aspeto sa paghubog ng pagkatao ng bawat indibiduwal. Sa pamamagitan ng relihiyon higit na mauunawaan na ang tao ay hindi lamang nabubuhay para sa sarili kundi may pananagutan din sa kapwa at sa pinaniniwalaan niyang dakilang lumikha. Ito ang magsisilbing inspirasyon ng tao upang mapatatatag ang kanyang ugnayan sa iba pang kasapi ng lipunang kanyang ginagalawan kasabay ng pagtanggap at pag-angkop sa sarili sa mga pagbabagong nagaganap sa kanyang kapaligiran sa pagdaan ng mga panahon. Upang matiyak natin na ikaw ay handa nang pag – aralan ang tungkol sa relihiyon sa daigdig, balikan mo muna ang iyong mga natutunan sa naunang aralin. Handa ka na ba? Simulan mo na. Balikan Gawain: TAMA o MALI. (Mapanuring-pag-iisip) Panuto: Basahin ang mga sumusunod na situwasiyon. Lagyan ng ang kahon kung ang pahayag ay TAMA, at lagyan ng kung ang pahayag ay MALI. SITWASYON 1. Ayon kay Blando (2014) ang lahi ng tao ay itinuturing na kaluluwa ng kanyang kultura. 2. Ayon kay Blando (2014) ang lahi ay nagmula sa salitang Griyego na ethnos na nangangahulugang “mamamayan” kaya’t sa bawat bansa ay parepareho ang kanilang lahi at kultura. 3. Ang ating pambansang wikang Filipino ay kabilang sa pamilya ng wikang Austronesian. Ang Tagalog naman ay pangalawang lengguwahe ng karamihan sa mga Pilipino. 4. Maliwanag ang pagkakakilanlan sa pagiging kasapi ng mga pangkat-etniko sapagkat pinag3 TAMA MALI uugnay sila ng magkakatulad na kultura, wika, pinagmulan at relihiyon. 5. Ang pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa ay nagdudulot ng pagkakaisa, pagkakakilanlan, pagkakaunawaan at kapayapaan ng mamamayan. 6. Ang Indo-European ang pamilya ng wika na may pinakamaraming gumagamit 7. Ayon kay Blando (2014) ang lahat ng wika sa daigdig ay nakapaloob sa isang pamilya ng wika na may iisang pinag-ugatan. 8. Ang diskriminasyon sa wika at lahi ay pinapayagan ng Universal Declaration on Human Rights kung ito ay naaayon sa kanilang kultura. 9. Ang pamilya ng wika na Niger-Congo ang ginagamit ng mga bansang Tanzania, South Sudan at Cuba. 10. Ang wika na ginagamit ng isang tao ay nagpapakita ng kanyang kabuuang pagkatao. Mga Tala para sa Guro Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag – aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5C’s na kasanayan: pakikipagtalastasan (Communication), pagtutulungan (Collaboration), pagkamalikhain (Creativity), mapanuring pag – iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character Building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito inaasahang: 1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral sa bawat gawain. 2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag- aaral. 3. Magkaroon ng pakikipag – ugnayan sa magulang/guardian upang matiyak na nagagawa ng mga mag –aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul. 4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instruksiyon sa pagkatuto. 4 Tuklasin Gawain: KARIKATURA – SURI. (Mapanuring Pag-iisip at Pagbuo ng Pagkatao) Matapos pag-aralan ang wika at lahi/pangkat-etnolinggwistiko sa daigdig, kasunod nito ang pagbibigay-tuon sa relihiyon ng mga bansa sa mundo bilang bahagi ng heorapiyang pantao. Handa ka na ba? Halika, tingnan at suriin ang karikatura sa ibaba at sagutin ang mga katanungan. Larawan mula sa: White E.G.Faith and Works.Theos Institute. Retrieved from: https://theos.institute/study-topics/faith-works/ 1. Ano ang iyong nakikita sa karikatura? _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________. 2. Ano ang iyong naging repleksyon sa karikatura? ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ___________________________. 3. 5 Suriin Relihiyon Ayon kay Blando (2014), ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng tao tungkol sa kinikilala nitong makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang Latin, religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito” (p.30). Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay. Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong doktrina. Mula noon hanggang ngayon malaki ang papel na ginampanan ng relihiyon sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian. Ito rin ang dahilan ng pag-iral at pagunlad ng mga kultura sa daigdig. Sa kabuuan, tinatangka ng relihiyon na tulungan ang mga tao na malaman ang layunin ng kanyang buhay sa mundo. Tunghayan ang mga limang (5) pangunahing relihiyon sa ating daigdig ayon sa dami ng tagasunod at bahagdan nito sa populasyon ng daigdig. Relihiyon 1. Kristiyanismo Larawan mula sa : https://search.creativecommons.org/phot os/ca1bc8fb-29c4-400e-b8b782968a2dd62c Katangian/ Paniniwala Naniniwala kay Hesukristo ang nag-iisang anak ng Diyos na nagkatawang tao. Naniniwala sa Tatlong persona: Ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Maibubuod sa Sampung Utos ang mga turo ni Hesukristo. Bibliya ang tawag sa banal na aklat. Pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig. Kristiyano ang mga tawag sa mananampalataya kay Kristo. 6 Dami ng tagasunod 2.4 bilyon - 31.50 % 2. Islam Larawan mula sa: https://search.creativecommons.org/photos /c3daa3fa-c44f-40e4-9cca-b5c0b1eca535 3. Non-religious/ Secular Ang nag-iisang Diyos ng Islam ay 1.9 bilyon si Allah. -23.2% Ang kanilang propeta ay si Mohammad. Sinusunod at naniniwala sa Limang Haligi ng Islam: 1. Ang Shahadah – paniniwala na walang ibang Diyos kundi si Allah at si Mohammad ang propeta. 2. Salat – limang (5) beses na pagdarasal sa isang araw. 3. Zakat- pagbibigay -limos o obligadong kawanggawa sa mga nangangailangan. 4. Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan – pagpigil at pagiwas mula sa pagkain, inumin, pakikipagtalik simula sa pagsapit ng madaling araw hanggang sa paglubog ng araw. 5. Haji- paglalakbay sa Mecca ng isang muslim kahit minsan sa kanilang buhay. Koran ang kanilang banal na aklat. Muslim ang tawag sa mga tagasunod nito. Ang paniniwala o ang pagganap sa sariling paniniwala na hindi masasaktan ang iba. Ito ay ayon sa sariling konsensiya. Ang pagkakaroon ng paniniwala at relihiyon ay hindi ibig sabihing higit na nakaaangat ka sa mga taong wala nito. Mga unaffiliated. Hindi umaayon o sumasalungat sa isang relihiyon. Naniniwala sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan. Pagkakapantay-pantay ng tao. Ang pampublikong serbisyo ay dapat para sa believers at non7 1.1 bilyon16.3% believers sa lipunan. May kalayaan sa pananalita ang believers at non-believers sa lipunan. Ang lipunan ay isang lugar kung saan magsasama ang believers at non-believers. 4. Hinduismo Larawan mula sa: https://search.creativecommons.org/photos /dbf2cf97-3ae0-4a35-b8cf-025afcdc0fbc 5. Budismo Larawan mula sa: https://search.creativecommons.org/photos /1f7ff64a-f57c-444f-b92a-2e9f2790adde Sumasamba sa iisang Diyos na tinatawag na Brahman. Si Brahman ay nakilala sa tatlong katauhan: Una ay Brahma, ang tagapaglikha ng bagong katotohan, ikalawa ay ang Vishnu o Khrisna na tagapagpanatili ng bagong likha at ikatlo ay Shiva ang tagapagsira upang makalikha ng bagong bagay. Maaaring magkaroon ang tao ng kanyang personal na diyos o diyosa hangga’t naiintindihan niya na ang mga ito’y iba’t ibang aspeto ng diyos na bumubuo sa lahat. Ang mga Veda ang mahalagang kasulatan. Pinaniniwalaan ng mga iskolar bilang pinakamatandang relihiyon sa daigdig. 1.1 bilyon15% Nakatuon ito sa mga aral ni 506 Siddharata Gautama o ang milyon“Buda” na isang dakilang 7.1% mangangaral sa India. Naniniwala na may isang pangkalahatang pwersa o supreme universal force. Naniniwala sa Apat (4) na Dakilang Katotohanan: 1.May Pagdurusa sa ating daigdig 2. May Dahilan ang pagdurusa. 3. May katapusan ang pagdurusa. 8 4. Mayroong landas na humahantong sa pagwawakas ng pagdurusa Itinuro ng Buddha ang landas patungo sa katotohanan na tinatawag na Eightfold Path: 1. Tamang pag-unawa 2. Tamang pag-iisip 3. Tamang pagsasalita 4. Tamang pag-uugali 5. Tamang paghahanapbuhay 6. Tamang pagsisikap 7. Tamang pag-iisip tungkol sa iba 8. Tamang konsentrasyon Tripitaka ang banal na aklat ng Budismo. Budista ang mga tagasunod nito. Dayagram 1.1 – Mga Bansang may pinakamataas na bahagdan ng tagasunod ayon sa populasyon ng kanilang bansa. Relihiyon 1. Kristiyanismo 2. Islam 3. Secular/Nonreligious 4. Hinduismo 5. Budismo Bansa Vatican City Maldives, Mauritania at Saudi Arabia Bahagdan ng tagasunod ayon sa populasyon (%) 100% 100% Czech Republic 75% India Cambodia 80% 96.9% Mga Pinagmulan ng Datos: Shcheglov S.(2019, January 15). Countries With The Largest Hindu Populations. World Facts. World Atlas. Retrieved from: https://www.worldatlas.com/articles/countries-with-the-largest-hindu-populations.html 2020 World Population Review. Retrieved from: https://worldpopulationreview.com/countries/buddhist-countries/ Bullard G. (2016, April 22). The World’s Newest Major Religion: No Religion. National Geographic. Retrieved from:https://www.nationalgeographic.com/news/2016/04/160422-atheism-agnostic-secular-nones-rising-religion/ The ARDA.The Association of Religion Data Archives (2010). Most Taoist Nations. The ARDA. Retrieved from: http://www.thearda.com/QL2010/QuickList_51.asp Matapos mong masuri ang mga iba’t ibang konsepto tungkol sa relihiyon sa bahagi ng SURIIN harapin mo naman ngayon ang mga gawain sa bahagi ng PAGYAMANIN. 9 Pagyamanin Gawain 1: 3-2-1 Ibahagi mo! (Mapanuring Pag-iisip/ Pagbuo ng Pagkatao) Panuto: Matapos mong mapag-aralan ang paksang tinalakay sa bahagi ng SURIIN. Subukan mong ibahagi ang iyong mga mahahalagang natutunan kaugnay sa iba’t ibang relihiyon sa mundo gamit ang 3-2-1 method. 3 – Naiisip 2 – Nadarama 1 – Nais Isagawa Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa iyong mga naitala sa NAIISIP, ano ang iyong personal na karanasan na nakatulong sa iyo upang higit na magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Dakilang Lumikha? _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 2. Batay sa iyong naitala sa NADARAMA, alin sa mga ito ang higit na nakaapekto sa iyong personal na paniniwala? Bakit? _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 3. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng nais mong ISAGAWA bilang isang mananampalataya? _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 10 Gawain 2: KAHON-ANALYSIS (Mapanuring Pag – iisip) Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa relihiyon. Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng kahon. Ang pananampalataya ng tao ang makapagliligtas sa kanyang kaluluwa. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _____________________ _____________________ Ang relihiyon ng tao ay gabay sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ ____________________ Ang paniniwala ng tao ay ang larawan ng kanyang pagkatao. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _____________________ ______________________ Matapos mong sagutan ang mga gawain sa bahagi ng PAGYAMANIN, ikaw ay tiyak na handa na para sa paglalahad ng iyong mga natutunan at naramdaman sa bahagi ng ISAISIP. 11 Isaisip Gawain 1: I-MEMORY CARD YAN! (Mapanuring Pag-iisip/Pagbuo ng Pagkatao) Panuto: Sa bahaging ito ng modyul, ilalahad mo ang iyong mga natutunan at naramdaman sa paksang tinalakay. Gamit ang memory card sa ibaba, itala ang iyong natutunan at naramdaman. Larawan mula sa: https://www.cleanpng.com/png-computer-icons-flash-memory-cards-secure-digital-c-911730/ NATUTUNAN 1._______________________________ ______________________________ ______________________________ NARAMDAMAN 1._______________________________ ______________________________ ______________________________ 2._______________________________ ______________________________ ______________________________ 2._______________________________ ______________________________ ______________________________ 3._______________________________ ______________________________ ______________________________ 3._______________________________ ______________________________ ______________________________ 12 Gawain 2: TWO STARS AND A WISH. (Pagbuo ng Pagkatao) Panuto: Magtala ng dalawang (2) pinakahinahangaan o nagustuhan mong paniniwala ng mga pangunahing relihiyon sa mundo at isang (1) pinakahinahangad mong mangyayari sa mundo na may kaugnayan sa relihiyon. Larawan mula sa: https://www.teacherspayteachers.com/Product/Two-Stars-and-a-Wish-1183454 Pamprosesong tanong: 1. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng dalawang pinakahinahangaan o nagustuhan mong paniniwala ng mga pangunahing relihiyon sa mundo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Paano nakaaapekto sa iyong personal na pananampalataya ang mga isinulat mo sa dalawang bituwin? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Batay sa naitala mo sa WISH, ano ang magiging bahagi mo sa pagkamit nito? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 13 Mga Dapat Tandaaan Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala ng mga pangkat ng tao na mayroong Dakilang Lumikha. Ang relihiyon ay gabay ng tao sa kanyang kilos at gawi. Ang mga pangunahing relihiyon sa mundo ay Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo, Sekular/Non-religious.. Kristiyanismo ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo. Ang Vatican City ang mayroong 100% ng populasyon ay Kristiyano. Ang Maldives, Mauritania at Saudi Arabia ang mayroong 100% ng populasyon ay Muslim. Itinataguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao ano man ang pinagmulan, relihiyon at kultura. Paggalang at pagtanggap sa kultura ng iba ay daan tungo sa kapayapaan sa daigdig. Ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsilbing gabay sa kanilang pamumuhay. 14 Isagawa Gawain: JUST DOODLE IT! (Pagkamalikhain/Pagbuo ng Pagkatao) Panuto: Ipikit ang iyong mga mata habang nakikinig sa isang awiting ispirituwal na ayon sa iyong relihiyon. Pagkatapos ng iyong pakikinig, i-doodle (drawing/sketch) sa notepad sa ibaba ang iyong mga kaisipan na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa. Maaari ding gumamit ng ibang papel Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/sketch-pad-with-pencils-vector-8791918 15 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging basehan mo sa ginawa mong doodle? __________________________________________________________ __________________________________________________________ _________________________________________________________. 2. Ano ang koneksyon ng iyong doodle sa iyong ispirituwal na karanasan sa buhay? __________________________________________________________ __________________________________________________________ _________________________________________________________. 3. Ano ang iyong ipinapangako sa iyong sarili upang higit na magkaroon ng matibay na pananampalataya at relasyon sa kapwa? __________________________________________________________ __________________________________________________________ _________________________________________________________. Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/sketch-pad-with-pencils-vector-8791918 Isang pagbati! Ang susunod na bahagi ay susukat sa iyong pangkalahatang natutunan sa paksang tinalakay. Simulan mo na. 16 Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat numero. Piliin ang titik ng pinakawastong sagot. Isulat sa iyong sagutang papel. 1. Alin sa mga relihiyon sa daigdig ang mayroong pinakamaraming bilang ng tagasunod? A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo 2. Ang mga sumusunod na bansa ay mayroong isang daang bahagdan (100%) ng populasyon ay Muslim MALIBAN sa isa ________________. A. Iran B. Maldives C. Mauritania D. Saudi Arabia 3. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nagtataglay ng isang daang bahagdan (100%) ng populasyon ay Kristiyano? A. Pilipinas B. Tanzania C. U.S.A D. Vatican City 4. Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. A. Lahi B. Pulitika C. Relihiyon D. Wika 5. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala? A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon C. Gawing makatuwiran ang taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon. D.Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon. 17 6. Ang bawat relihiyon ay nagtataglay ng natatanging katuruan na dapat sundin ng mga kasapi nito. Ano ang pangunahing relihiyon sa daigdig na nagtataguyod ng landas patungo sa katotohanan na tinatawag na Eightfold Path? A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo 7. Ito ay nagmula sa salitang Latin, religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito”. A. Kristiyanismo B. Pananampalataya C. Paniniwala D. Relihiyon 8. Ang bawat mananampalataya ay mayroong tungkuling dapat gampanan. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng isang Muslim MALIBAN sa isa ______ A. Magsimba B. Salat C. Shahada D. Zakat 9. Ikaw ay mayroong napupusuan subalit kayo ay magkaiba ng relihiyon at mga paniniwala? Ano ang iyong gagawin? A. Kakausapin siya na dapat umanib sa iyong relihiyon B. Hahayaan na lamang siya sa kapareho niya ng paniniwala. C. Umanib sa kanyang relihiyon upang kayo ay magkaunawaan. D. Ipagpatuloy ang iyong layunin at igalang ang kanyang paniniwala. 10. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan tungkol sa usapin ng relihiyon? A. Ang relihiyon ay siyang magliligtas sa tao sa anumang kapahamakan B. Ang pananampalataya ng tao sa kinikilala niyang Dakilang Lumikha ang daan sa kaligtasan. C. Ang bawat bansa ay nagtataglay ng relihiyon na itinakda ng kanilang pamahalaan. D. Ang pagkakaroon ng relihiyon ng isang tao ay tiyak na nagpapakita ng kagandahang-asal. 18 Karagdagang Gawain Gawain: REAKSYON MO, I- TWEET MO! (Mapanuring Pag-iisip) Panuto: Basahin at suriin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Philippines: Church warns against 'holy alcohol' for COVID-19. June 9, 2020 DW News Churchgoers in the Philippines have been urged not to fall for products advertised as being "holy" to protect themselves from COVID-19. Besides alcohol, church leaders said there's "no such thing" as a holy face mask. The Catholic Church in the Philippines warned against buying "holy alcohol" and other products claiming to protect against the coronavirus. "There is no sacramental holy alcohol that we should make the sign of the cross with when we rub it to ourselves," the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) said in a statement on Monday. "Moreover, it should not be sprinkled on the faithful." They likewise warned that there is "no such things" as holy face masks, holy face shields, holy hand sanitizer and holy personal protective equipment. "This is an irreverent marketing strategy or gimmick," The CBCP said that many churches emptied their holy water fonts in recent months to prevent the spread of the coronavirus, but that the holy water had not been replaced with rubbing alcohol. Balita mula sa: https://www.dw.com/en/philippines-church-warns-against-holy-alcohol-for-covid-19/a-53739346 Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang balita? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Larawan mula sa: https://play.google.com/store/apps/de tails?id=com.twitter.android&hl=en_US 19 2. Bilang isang mananampalataya, ano ang iyong reaksyon mo sa babala ng simbahan tungkol sa “banal na alkohol” laban sa Covid-19? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Larawan mula sa: https://play.google.com/store/apps/de tails?id=com.twitter.android&hl=en_US 3. Ano ang patunay sa pahayag ng CBCP na marketing gimmick lamang ang pagbebenta ng umanoy “holy alcohol”? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Larawan mula sa: https://play.google.com/store/apps/de tails?id=com.twitter.android&hl=en_US 20 21 Pagyamanin: Halimbawang ng inaasahang kasagutan Gawain 1.3-2-1- Ibahagi Mo! Naiisip: 1. Gabay sa tamang pagkilos ng tao 2. Nagpapaunlad ng kultura 3. Ang paniniwala ng tao ay nagbibigay ng pag-asa sa buhay. Nadarama 1. Kaligayahan sa puso dahil sa malalaim na pananampalataya. 2. Puno ng pag-ibig at pag-asa ang aking puso. Isagawa: 1. Manatiling malalim ang koneksyon at pananampalataya sa Diyos. Subukin 1. Relihiyon 2. Religare 3. Doktrina 4. Islam 5. Bibliya Balikan Tayahin 1. D 2. A 3. D 4. C 5. D 6. A 7. D 8. D 9. D 10.B 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Susi sa Pagwawasto 22 Just Doodle It! 1. Ang mga nagaganap na diskriminasyon ng relihiyon sa mundo. 2. Higit na namumulat sa mga isyung pangrelihiyon sa mundo. 3. Ipinapangako ko na sisikapin kong isabuhay ang aral at paniniwala ng aking relihiyon. Halimbawa ng inaasahang kasagutan. Isagawa: Karagdagang Gawain 1. Babala ng Simbahan tungkol sa pagbili ng umanoy “holy alcohol. 2. Nakatutuwa, upang malaman ang katotohan sa likod ng kwento ng iniaadvertize na holy alcohol. 3. Tinanggal sa harap ng simbahan ang banal na tubig at hindi pinalitan ng alcohol. Isaisip Halimbawa ng inaasahang kasagutan. Gawain 1.2: Two Stars and a Wish Two Stars: 1. Na may Diyos na lumikha sa sansinukob. 2. Ang paniniwala ng secular na pagkakapantay-pantay sa lipunan may relihiyon o wala. Wish: 1. Sana dadating ang panahon na magkaroon ng iisang relihiyon at paniniwala ang mga tao sa mundo. Isaisip Halimbawa ng inaasahang kasagutan. Gawain 1.1-I-Memory Card Na Yan! Natutunan: 1. Ang relihiyon ay kalipunan mga paniniwala at ritwal na isinasagawa ng isang pangkat. 2. Ang relihiyon ay gabay sa pang-araw-araw na buhay ng tao. 3. Ang Kristiyanismo ang may pinakamaraming tagasunod sa buong daigdig. Nararamdaman: 1. Natutuwa dahil laging may pag-asa ang tao dahil sa kanyang pananampalataya. 2. Nalulungkot dahil iba iba ang paniniwala ng tao. 3. Nagtataka kung bakit mataas ang bilang ng non-religious or unaffiliated. Sanggunian Aklat: Mateo, Grace Estela et. Al.,(2012). Kasaysayan ng Daigdig. BatayangAklat para sa Ikalawang taon.Vibal Publishing House Inc. pages 219-225 Blando, R.C.et.al., (2014). Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group Inc. Deped-IMS. Pasig City Philippines pages 30-31 Online Sources: 2020 World Population Review. Retrieved from: https://worldpopulationreview.com/countries/buddhist-countries/ Baha’ullah (2019, March 02) Comparing_World_Religions : Retrieved from: https://en.wikibooks.org/wiki/Introduction_to_World_Issues/Religion#Compari ng_World_Religions Buddhist Statistics: Top 10 Buddhist Countries: 2020 World Population Review Retrieved from https://worldpopulationreview.com/countries/buddhistcountries/ Bullard G. (2016) The World’s Newest Religion: No Religion: Retrieved from: https://www.nationalgeographic.com/news/2016/04/160422-atheism-agnosticsecular-nones-rising-religion/ Pew Research Center's Forum on Religion & Public Life, Global Religious Landscape, (2012, December). Top Eight World Religions. Retrieved from: https://www.infoplease.com/world/religion/top-eight-world-religions Rolluqui M. (2017, March 8).Mga Pangunahing Relihiyon sa Mundo. Retrieved from: https://www.slideshare.net/mirasolcortanrolluqui/mga-pangunahingrelihiyon-sa-mundo Seiple C. (2016, January 08) What faith can do for 9 global challenges. Retrieved from: https://www.weforum.org/agenda/2016/01/what-faith-can-do-for-9-globalchallenges-1/ Shcheglov S. (2019, January 15) Countries With The Largest Hindu Populations. World Facts. World Atlas: Retrieved from: https://www.worldatlas.com/articles/countries-with-the-largest-hindupopulations.html TBS Staff (2019, February 25) 18 Major World Religions-Study Starters. Retrieved from: https://thebestschools.org/magazine/world-religions-study-starters/ The ARDA. The Association of religion Data Archives (2010) Most Taoist Nations. The ARDA. Retrieved from: http://www.thearda.com/QL2010/QuickList_51.asp 23