Uploaded by Baby Usna Timbosol Turujaun

Emilio Aguinaldo

advertisement
Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay ang kauna-unahang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay isang Rebolusyonaro, pulitiko, at isang bayani
na nakipaglaban para sa kasarinlan ng Pilipinas.
Ikapito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy, si Emilio ay
ipinanganak noong ika-22 ng Marso 1869 sa Cavite Viejo (Kawit ngayon), Cavite.
Bukod sa kanyang ama na gobernadorcillo (alkalde ng munisipal) ng bayan, ang
kanyang pamilya, na kabilang sa mga Chinese-mestizo, ay masaya sa kanilang
komportableng buhay.
Bilang isang bata, si Miong (kaniyang palayaw) ay tinulungan ng kaniyang
tiyahin na makapag-aral at siya'y pumasok ng elementarya sa bayan. Noong
1880, siya ay nag-aral ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran. Nang
namatay ang kanyang ama noong siya ay nasa ikatlong taon, umalis si Aguinaldo
sa paaralan at umuwi sa kanila upang makatulong sa kanyang nabiyudang inang
sa kanilang mga sakahan.
Sa edad na 17, inihalal siyang Cabeza de Barangay (pinuno ng barangay) ng
Binakayan, ang pinaka-progresibong baryo ng Cavite El Viejo. Hawak niya ang
posisyon na ito ng walong taon. Noong 1893, ang Batas Maura ay naipasa upang
ayusin ang pamahalaan sa mga kabayanan sa mga layuning gawin ang mga ito na
mas epektibo at nagsasarili. Simula 1895, pinalitan ang tawag sa pinuno ng bayan
mula gobernadorcillo ay naging Kapitan ng Munisipal. Noong ika-1 Enero 1895,
si Aguinaldo ay inihalal na pinuno ng bayan.
Noong 1896, si Aguinaldo ay nagpakasal kay Hilaria del Rosario ng Imus, Cavite.
Sila ay nagkaroon ng limang anak (Miguel, Carmen, Emilio Jr, Maria at Cristina).
Noong 1930, siyam na taon matapos mamatay ng kanyang asawa, si Aguinaldo ay
nagpakasal sa kanyang ikalawang asawang si Maria Agoncillo, pamangking babae
ng Don Felipe Agoncillo, isang diplomatiko.
Mga Ambag
 Sumama sa samahang Masonry (kabilang ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan
Luna, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena) upang mapabuti ang kalagayan
ng bayan
 Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite
 Pumayag sa kasunduan sa Biak-na-Bato na nilagdaan niya noong Disyembre
14,1897 dahil sa paniniwalang hindi na magtatagumpay ang digmaan
 Pumayag sa kusang loob na pagpapatapon sa kanya sa Hongkong kapalit ang
bayad-pinsalang naghahalagang P400,000 na ginamit niya sa pagbili ng mga
armas na inilaan pagbalik niya sa bansa
 Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong
Hulyo 12, 1898
 Pangulo ng Pamahalaang Reblousyonaryo makaraang buuin ang Kongreso sa
Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899
 Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang itatag ang
pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos
 Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng
mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo
Manuel L. Quezon
Si Manuel Luis Quezon y Molina ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian
ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth
ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo.
Si Quezon ay ipinanganak sa Baler sa distrito ng El Principe. Ang kanyang mga magulang
ang mga Espanyol na sina Lucio Quezón at María Dolores Molina. Ang kanyang ama ay
isang guro ng panimulang baitang mula sa Paco, Maynila at isang retiradong sarhento ng
hukbong Espanyol samantalang ang kanyang ina ay isang guro ng panimulang baitang sa
kanilang bayan.
Siya ay nag-aral sa mga panimulang baitang sa mga libreng pampublikong paaralan na
itinatatag ng mga Espanyol sa Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-aral sa Colegio de
San Juan de Letran sa mataas na paaralan. Noong 1898, ang kanyang ama at kapatid na
si Pedro ay tinambangan at pinaslang habang pauwi sa Baler mula Nueva Ecija. Noong
1899, si Quezon ay huminto sa kanyang pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo
Tomas sa Maynila upang sumali sa pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa
Estados Unidos na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Noong Digmaang PilipinoAmerikano, siya ay isang ayuda-de-campo kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa ranggong
Major at lumaban sa Bataan. Pagkatapos niyang sumuko noong 1900, si Quezon ay
bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kanyang pag-aaral at nakapasa sa mga
eksaminasyon sa batas noong 1903 na naging ikaapat sa mga kumuha nito.
Siya ay naging konsehal at nahalal na gobernador ng Tayabas noong 1906.
Mga Ambag
Unang Termino
Ekonomiya
Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Estados Unidos ay matatag.
Ang kalakalang pandayuhan ay umabot sa kasagsagang 400 milyong piso. Ang
pagluluwas ng mga pananim ay maganda maliban sa tabako. Ang halaga ng mga
inululuwas ng Pilipinas ay umabot ng 320,896,000 piso na pinakamataas simula 1929.
Ang mga kinita ng pamahalaan ay umabot ng 76,675,000 piso noong 1936 mula
65,000,000 piso ng nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto ay tumaas ng mga 37% at
ang bakal sa halos 100% samantalang ang produksiyon ng semento ay lumaki ng 14%.
Pambansang wika
Ang isang probsiyon sa kontitusyong ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil sa
pambansang wika ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng
Wikang Pambansa na itinatag noong 1936 ay nagrekomiyendang ang wikang Tagalog
ang gawing basehan ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay mahusay na
tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si Jaime C.
de Veyra. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na
nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang
pagtangap ng pambansang wika sa dalawang taon mula nito.
Karapatang pagboto ng mga kababaihan
Sinimulan ni Quezon ang karapatang pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935
konstitusyon ay nag-aatas na ang karapatan ay maipagkakaloob kapag ang hindi kaunti
sa 300,000 ay aayon sa plebisito. Ang pamahalaan ni Quezon ay nagutos ng isang
plebisito noong 3 Abril 1937. Ang kinalabasan ng plebisito ay pag-ayon ng 447,725 laban
sa pagtutol na 44,307
1940 plebisito
Kasabay ng mga lokal na halalan noong 1940, ang isa pang plebisito ay idinaos upang
pagtibayin ang iminungkahing mga susog sa Konstitusyon hinggil sa pagpapanumbalik ng
lehislaturang bikameral, ang termino ng pangulo na itatakda sa apat na taon na may
isang muling paghalal at ang pagtatatag ng independiyenteng Komisyon sa Halalan. Ang
mga susog ay pinagtibay at sina Speaker Jose Yulo at Assemblyman Dominador Tan ay
tumungo sa Estados Unidos upang kunin ang pagpapatibay ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt na ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940. Pagkatapos ng dalawang araw, ito
ay prinoklama ni Quezon.
Ikalawang termino
Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling tumakbo sa halalan ng
pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag
sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo
noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong
Sergio Osmena
Si Sergio Osmeña (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang
Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 –
28 Mayo 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador
Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor
Tomas Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa
mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng
San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung
saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.
Ang kanyang ama ay isang mayamang negosyante na si Don Pedro Lee Gotiaoco at ang
kanyang ina ay si Juana Osmeña y Suico na iniulat na 14 taong gulang lamang ng
ipanganak si Sergio Osmeña. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Colegio de San Carlos
noong 1892. Siya ay nag-aral sa Maynila sa San Juan de Letran College kung saan niya
unang nakilala sina Manuel L. Quezon na kanyang kaklase at sina Juan Sumulong at
Emilio Jacinto. Kumuha siya ng kursong batasa sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging
ikalawa sa eksaminasyon ng batas noong 1903. Siya ay naglingkod na katulong sa
digmaan ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang courier at mamamahayag. Noong 1900 ay
itinatag niya ang pahayagan El Nuevo Día sa Cebu na tumagal ng 3 taon. Noong 1904,
ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos ay humirang sa kanya bilang gobernador
ng Cebu. Pinakasalan niya si Estefania Chiong Veloso noong 10 Abril 1901 at nagkaroon
sila ng 10 anak.
Mga Programa at nagawa
Misyong OsRox
Si Osmeña kasama ni Manuel Roxas ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na
misyong OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at
pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso
ng Estados Unidos ng Hare–Hawes–Cutting Act na nangangakong magbibigay ng
kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas
sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong
1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Tydings–
McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.
Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon
sa Estados Unidos
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941,
sina Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre
1941. Si Quezon ay pinayuhan ni Macarthur na lumikas sa Corregidor kung saan
isinagawa ang kanyang inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre
1941. Ang mga Hapones ay pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at
itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942
pagkatapos ng Labanan ng Corregidor.
Pagbuwag ng komonwelt at pagtatag ng Ikalawang Republika
Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Komonwelt ng Pilipinas ni Quezon at itinatag
ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si
Jose B. Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa
Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong
Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na
partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang
pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na isailalim ang
Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga Hapones mula sa
Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang
Pilipinas. Bilang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang
pangulo ay magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo ang
automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si
Quezon na hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga
kasalukuyang sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena
at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay
Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong
Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y
tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng
pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena sa
Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng
1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya
ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete.
Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados
Unidos noong 10 Nobyembre 1943.
Si Osmeña ang naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos
pagkatapos mamatay ni Quezon noong 1 Agosto 1944.
Jose P. Laurel
i José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga
Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 sa bayan ng
Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng
pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng
Malolos noong 1898. Ang kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose
Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang
kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa
kanyang sarili at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A.
Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master
of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay
pumasok sa Yale Law School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas.
Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.
Mga Ambag
Serbisyong publiko
Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of
Forestry bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng
Pilipinas. Sa kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng
Kagawarang Panloob at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob
noong 1922. Sa posisyong, palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados
Unidos na si Leonard Wood sa Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng
ilang mga kasapi ng gabinete ng pamahalaan ni Wood.
Senado
Si Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng
isang termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M.
Recto. Siya ay bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay
muling nahalalal sa opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang
Konstitusyonal ng 1935. Kanyang inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas
ng mga Karapatan. Pagkatapos ng pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at
pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas, si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado
ng Korte Suprema ng Pilipinas noong Pebrero 29, 1936.
Bilang Pangulo
Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa
Bataan at pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa
pagkakatapon. Si Laurel ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang
kanyang anak ay pinag-aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay
tumanggap ng isang honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si Laurel
ang isa sa mga opisyal ng Komonwelt ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na
Hapones na bumuo ng isang probisyonal na pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang
Pilipinas. Si Laurel ay nakipagtulungan sa mga Hapones at dahil sa kanyang pagiging
kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi
sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang Hapones sa Pilipinas noong 19421943.
Pagbuwag ng Rehime ni Laurel
Noong Hulyo 26, 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum sa
Hapon upang sumuko o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng
Hapon ang alok. Noong Agosto 6,1945, ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng
Estados Unidos sa Hiroshima kung saan napahamak ang mga mamamayan nito.
Pagkatapos ng 2 araw, ang Unyong Sobyet ay nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon.
Nang sumunod na araw, ang ikalawang bombang atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang
Hapon ay walang kondisyong sumuko sa Kapangyarihang Alyado noong Agosto 15,1946.
Pagkatapos ng Pagkapangulo
Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen.
Douglas MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones.
Noong 1946, si Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman,
siya ay hindi kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel
Roxas noong 1948. Si Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay
Elpidio Quirino ngunit natalo.
Manuel Roxas
Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang ikalimang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948).
Si Roxas ay iniluwal noong 1 Enero 1892 sa Capiz kina Gerardo Roxas, Sr. at Rosario
Acuña. Ang kanyang ama ay pinatay ng mga Kastilang guardia civil bago pa ipanganak si
Manuel. Siya ay nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Maynila (ngayong Mataas na
Paaralan ng Araullo) noong 1909. Siya ay nag-aral ng batas sa isang pribadong paaralang
itinatag ni George A. Malcolm na unang dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng Unibersidad
ng Pilipinas. Sa ikalawang taon ay pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan
siya nagtapos na balediktoryan at nakakuha ng pinakamataas na markang 92% sa bar
examination noong 1913.
Mga Ambag
Senado
Siya ay nahalal sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit ang Kongreso ng Pilipino ay
hindi natipon hanggang pagkatapos lamang na mapalaya ang Pilipinas mula sa
pananakop ng mga Hapones noong 1945. Nang matipon ang Kongreso noong 1945, si
hinalal ng Kongreso na nahalal noong 1941 bilang pangulo ng Senado.
Iba pang mga hinawakang posisyon sa pamahalaan
Siya ay kasapi ng Kombensiyong Konstitusyonal mula 1934 hanggang 1935 na lumikha
ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa ilalim ng Tydings-McDuffie Act. Siya ay
naglingkod na kalihim ng Pananalapi mula 1938–1940, Tagapangasiwa ng National
Economic Council, Tagapangsiwa ng National Development Company, Brigadier General
ng USAFFE, at iba pa.
Panahong Hapones
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Roxas ay nanungkulan sa pamahalaan ng
Ikalawang Republika ng Pilipinas ni Jose P. Laurel sa ilalim ng Hapon bilang Direktor ng
Ahensiya ng Paglilikom ng mga suplay ng kanin para sa hukbong Hapones. Siya ay naging
kasapi ng komiteng gumawa ng drapto ng Saligang Batas ng Ikalawang Republika sa
ilalim ng Hapon.
Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang Republika
ay dinakip ni Heneral Douglas MacArthur. Si Roxas ay pinalaya, pinatawad at ibinalik ni
MacArthur sa ranggong Brigadier Heneral sa General Headquarters ng Hukbong
Amerikano sa Seksiyong Intelihensiya samantalang ang ibang nadakip na sina Jose Yulo,
Antonio delas Alas, Quintin Paredes at Teofilo Sison ay ibinilanggo upang litisin dahil sa
pakikipagsabwatan sa mga Hapones. Inangkin ni MacArthur na si Roxas ay inosente at
tumulong sa kilusang gerilyang laban sa Hapon. Noong 1948, pinatawad ni Pangulong
Roxas ang mga dinakip na sinasabing kasabwat ng mga Hapones.
Noong 1946 halalan ng pagkapangulo, hiniling ni Roxas ang suporta ng Hukbalahap
(Hukbong Bayan Laban sa Hapon) ngunit dahil sa paniniwalang si Roxas ay
nakipagtulungan sa mga Hapones at malapit na nauugnay sa mga mayayamang
nagmamay-ari ng lupain, kanilang sinuportahan si Sergio Osmeña. Pagkatapos manalo ni
Roxas sa halalan, noong 1948, kanyang inihayag ang parehong PKM at Hukbalahap na
mga "ilegal na organisasyon" at inutos ang pagdakip ng mga kasapi nito dahil sa
"pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas" at "pagtatatag ng kanilang
sariling pamahalaan sa tulong ng dahas at takot".
Pangulo ng Pilipinas
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong Pebrero 27, 1945
kung saan Pangulo si Sergio Osmeña.
Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong Abril 23,1946 na may 54
porsiyento ng kabuuang boto laban kina Sergio Osmeña ng Partido Nacionalista at
Hilario Moncada ng Partido Modernista. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal
na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay
nagsilbing pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula Mayo 28,1946 hanggang Hulyo
4,1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos.
Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang
himukin ang pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30
Abril 1946: ang Batas Tydings–McDuffie at ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng
Kongreso ng Estados Unidos.
Sa araw na inilunsad ang Ikatlong Republika ng Pilipinas at kalayaan ng Pilipinas mula sa
Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946, si Roxas ay nanumpa bilang unang Pangulo ng
bagong Ikatlong Republika sa Luneta, Maynila. Ang okasyon ay dinaluhan ng mga 3,000
dignitaryo kabilang ang Commissioner to the Philippines at kauna-unahang Embahador
ng Estados Unidos sa Pilipinas Paul McNutt, Heneral Douglas MacArthur galing sa Tokyo,
United States Postmaster General Robert E. Hannegan, isang delegasyon mula sa
Kongreso ng Estados Unidos na pinangunahan ni Senador Millard Tydings (may akda ng
Batas Tydings–McDuffie) at Kinatawan C. Jasper Bell (may akda ng Bell Trade Act) at
dating Civil Governor-General Francis Burton Harrison. Si Roxas ang nanungkulang
Pangulo ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong 15 Abril 1948.
Elpidio Quirino
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero 1956) ay isang politiko at
ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Si Elipidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don Mariano Quirino ng
Caoayan, Ilocos Sur at Doña Gregoria Mendoza Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nagaral sa Caoayan sa elemantarya, sa Vigan High School sa sekundarya at pagkatapos ay
tumungo sa Maynila bilang junior computer technician sa Bureau of Lands at property
clerk sa departamentong kapulisan ng Maynila. Nagtapos siya sa Manila High School
noong 1911 at nakapasa sa pagsusulit ng serbisyong sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos
ng abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa bar.
Mga Ambag
Misyong pang-Kalayaan ng Pilipinas
Noong 1934, si Quirino ay kasapi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Washington,
D.C., na pinamunuan ni Manuel L. Quezon. Nakamit nito ang pagpasa ng Kongreso ng
Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong pananakop ng Hapones sa Pilipinas, siya ay naging pinuno ng isang paghihimagsik
laban sa mga Hapones ngunit siya ay nabihag at ipinabilanggo. Ang kanyang asawang si
Alicia Syquia at tatlo sa kanilang anak ay pinatay ng mga Hapones.
Pangalawang Pangulo
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945
kung saan Pangulo si Sergio Osmeña. Noong Disyembre 1945, ang House Insular Affairs
ng Kongreso ng Estados Unidos ay nagpasa ng isang resolusyon na nagtatakda sa
halalang hindi pagkatapos ng Abril 30. Si Manuel Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido
Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Quirino ay
napiling kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina Roxas at Quirino sa 1946 halalan ng
pagkapangulo at pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino ay nahirang na
Secretary of Foreign Affairs.
Pangulo
Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major
General E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng
Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni
Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong Abril 17,
1948. Nang sumunod na taon, si Quirino ay tumakbo sa ilalim ng partido Liberal at
nahalal na Pangulo para sa apat na taong termino.
Ekonomiya
Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng
ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng
ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa
ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng
pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa
pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang
piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon,
ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang
lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang
bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at
negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action
Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang,
at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay
kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at
kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.
Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa
mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa
paghihimagsik ng Hukbalahap.
Mga pakikipag-ugnayan
Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal
ng Pagtatanggol sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. Sa
ilalim ni Quirino, ang pamahalaan ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na
orihinal na hukbong gerilyang laban sa Hapon. Ang pakikipagkasundo ni Qurino sa
pinuno nitong si Luis Taruc ay nasira noong 1948. Hinirang ni Quirino ang kalihim ng
pagtatanggol na si Ramon Magsaysay na sugpuin ang paghihimagsik na naisagawa sa
pamamagitan ng labis na karahasan at pangako ng reporma sa lupain.
Ramon Magsaysay
Si Ramón' '"Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay
ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na
nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan.
Talambuhay
Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Iba, Zambales sa panday na si Exequiel
Magsaysay at gurong si Perfecta del Fierro. Siya ay nag-aral sa Zambales Academy sa
sekundarya at Unibersidad ng Pilipinas sa kolehiyo sa kursong pre-inhenyerya. Lumipat
siya sa Institute of Commerce sa Jose Rizal College (1928–1932) at nakapagtapos ng
kursong Komersiyo. Nagtrabaho siya bilang tsuper habang nag-aaral. Siya ay nagtrabaho
bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at kalaunang naging manager
nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang si Luz Banzon na
kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni Banzon sa Try
Tran. Sila ay ikinasal noong Hunyo 10, 1933.
Mga Ambag
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool ng
ika-31 Dibisyong impanterya ng Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos ng
pagbagsak ng Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng kanluraning
Luzon na lumaban sa mga Hapones. Nanatili siya sa ranggong kapitan nang mapalaya ng
mga Amerikano ang Pilipinas noong 1945 bagaman pinangasiwaan niya ang mga 12,000
katao. Tumanggi siyang itaas ang kanyang ranggo ngunit ginawa siyang isang major ng
mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan, hinirang siyang Militaryong Gobernador ng
Zambales noong Pebrero 4, 1945. Pagkatapos ng dalawang buwan, ang administrasyong
panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.
Kapulungan ng mga Kinatawan
Noong Abril 23, 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel Roxas
upang pumunta sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman Chairman of the
Committee on Guerilla Affairs upang makatulong sa pagpasa ng Rogers Bill na
nagbibigay ng mga benepisyo sa mga beteranong Pilipino sa digmaan. Muli siyang
nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House National Defense
Committee.
Kalihim ng Pagtatanggol sa ilalim ni Elpidio Quirino
Noong Agosto 31, 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na
maging Kalihim ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino na
labanan ang mga gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa labanang
gerilya noong Digmaan. Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma laban sa mga
Hukbalahap na naging isa sa pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa
modernong kasaysayan. Ang tagumpay nito ay sinasabing sanhi sa isang bahagi ng mga
hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni Magsaysay. Ginamit niya ang mga
sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief good at iba pang mga
tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng mga paaralan, mga
ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na mamamayan. Nag-alok si
Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng lupain sa kagubatan ng
Mindanao sa sinumang rebelde na susuko.
Pagkapangulo
Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong
pangulong si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kaunaunahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng
Malacañáng sa mga ordinaryong mamamayan.
Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at
pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya
ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang
pakikitungo sa mga ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina
ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga magsasaka.
Ekonomiya
Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at
panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay
7.13 %.
Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan
sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit
ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng
Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.
Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga
walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at
nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.
Carlos P. Garcia
i Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata
at politiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (23 Marso 1957–30
Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon
Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si
Garcia kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa
Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng
abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.
Mga ambag
Kapulungan ng mga Kinatawan[baguhin
Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga
Kinatawan at naglingkod hanggang 1932.
Gobernador ng Bohol
Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.
Senado
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa
pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod
bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945.
Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia Estados Unidos
upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring
delegado ng bagong nabuong United Nations sa San Francisco. Sa Senado, siya ay naging
pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan,
hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.
Panahong Hapones
Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay
pinahanap ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging
sumali sa pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa
Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pangalawang Pangulo
Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon
Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging
Kalihim ng ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim nito, nilikha niya ang kasunduang
kapayapaan sa Hapones at nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si
Garcia sa Komperensiyang Geneva hinggil sa mga bagay na Asyano. Kanyang inatake ang
mga komunista at sinuportahan ang mga patakarang Amerikano sa buong Silangan.
Pangulo
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon
Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano.
Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang
pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong
Partido Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.
Ekonomiya
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis
ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap
na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %.
Kanyang ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng
mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na
karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga
kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados
Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon
tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng
mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining pangkultura
upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.
1961 halalan ng pagkapangulo
Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon,
si Garcia ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si
Diosdado Macapagal. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit
noong 1971 ay hinikayat siya ni Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong
kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit
namatay siya bago pa makuha ang posisyon
Diosdado Macapagal
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak
siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga
noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa
isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang
magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong
1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa
Cambo at siya ay presidente.
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging
pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo,
ang dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo
Macapagal , at Diosdado Macapagal Jr.
Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya
mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa
Pamantasan ng Santo Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit
din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal
siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng
Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang
Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng
Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense
Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong
1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural
Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang
nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng
pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng
pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang
dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika,
ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang
pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962), at sa pagbubuo ng
Maphilindo sa Kasunduang Maynila.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging
pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit
nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si
Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan
ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.
Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong
Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong Abril
21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
Ambag





Bigyan ng solusyon ang lumalalang suliranin ng kawalan ng hanapbuhay.
Magkaroon ng sapat na pagkain para sa mamamayan tulad ng palay at mais.
Magkaroon ng higit na pagkakakitaan para sa mga mamamayan.
Mapataas ang antas na pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino.
Kasama sa mga unang binigyang pansin ni Pangulong Diosdado Macapagal sa
kanyang panunungkulan ang suliranin tungkol sa mga lupang sakahan. Noong
Agosto 8, 1963, pinagtibay ng kongreso and Agricultural Land Reform Code o
Reporma sa Lupang Pansakahan na naglalayong mapabuti ang katayuan ng mga
magsasaka. Ito ay inprubahan at ipinatupad kaagad ni Pangulong Macapagal.
 Si Pangulong Macapagal din ang naglipat ng petsa ng Araw ng Kalayaan ng bansa
sa Hunyo 12 sa halip na Hulyo 4. Kung ating gugunitain, ang pagpapahayag ng
pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ginawa ni Pangulong Roosevelt ng
Estados Unidos na natapat naman sa kaarawan ng kalayan ng Amerika. Ang
Hulyo 12, 1898 ang petsa kung kalian ipinahayag ni Hen. Emilio Aguinaldo sa
Kawit, Cavite ang kasarinlan ng mga Pilipino. Para kay Pangulong Macapagal,
marapat lamang na ang Pilipino ang magdeklara ng kanilang kalayaan. Sa
kasalukuyan, ang Hulyo 4 ay ipinagdiriwang bilang Araw ng Pagkakaibigan mga
Pilipino at Amerikano.
Ferdinand Marcos (1965-1986)
Ipinanganak sa Sarrat, Ilocos Norte, si Ferdinand Edralin Marcos ay isang abogado at
Pangulo ng Senado sa loob ng tatlong taon. Naging pangulo siya ng 21 taon. Nagpasiya
siya na ilagay ang bansa ilalim ng batas militar at ang kanyang diktadura ay kilala sa
katiwalian. Si Marcos ay tinanggal mula sa katungkulan matapos ang People Power
Revolution noong 1986.
Ambag
Pagpapatayo ng mga Planta
Sa panahon ng panunugkulan ni Marcos na umabot ng dalawampung taon,
nakapagpatayo siya ng mga Power Plant. Likas na pinagmumulan ng enerhiya ang
nalikha gaya ng hydro, geothermal, dendrothermal, coal, biogas at biomass. Dahil dito
nanguna ang Pilipinas sa Asya sa paggamit ng dendrothermal at sa loob ng 5 taon,
pumangalawa tayo kasunod ng US sa geothermal utilization. Nakilala tayo sa buong
mundo sa larangang ito. Hindi matatawaran ang galling ni Marcos. Napaunlad niya ang
industriyang ito na hanggang sa ngayon ay atin pang napapakinabanggan. Bago
magbitiw sa pwesto si Marcos sinabi niya kay Cory Aquino na wag papabayaan ang
Nuclear Power Plant dahil malaki ang naiambag nito sa ekonomiya ng bansa. Ipinakita
rito na kahit na aalis sa pwesto si Pangulong Marcos ay patuloy pa rin siyang
nagmamalasakit sa bansang Pilipinas.
Pabahay para sa Masa
Binigyang pabahay ang mga pamilyang maliiit lamang ang natatanggap na sahod at
pamilyang hindi kayang magpatayo ng sariling bahay. Tinawag itong Bagong Lipunan
Improvement Sites and Services o BLISS. 230,000 housing units ang naipagawa simula
1975-1985. Sa tulong ng pabahay ni Pangulong Marcos ay nagkaroon ng bagong buhay
ang mga taong nakatira sa lansangan at sa mga ilalim ng tulay. Isa ang Tondo sa
nakinabang sa proyektong ito. Noon ang Tondo ay isang mahirap, magulo, marumi at
malaking dako ng lungsod sa Asya na nagging maayos na komunidad.
Mga Proyektong Imprastraktura
Naipasaayos niya ang mga kalsada at mga tulay gayundin ang mga patubig.
Nakapagpagawa din siya ng mga paaralan at mga unibersidad sa iba’t ibang dako ng
bansa. Ipinagawa din niya ang mga tren gaya ng LRT at MRT sa kamaynilaan upang mas
mapabilis ang transportasyon. Sa loob ng dalawampung taon, naging produktibo ang
administrasyong Marcos. Naipatayo niya ang maraming gusali gaya ng Philippine
International Convention Center, Folk Arts Theater na ngayon ay Tanghalang Francisco
Balagtas, Culture Center of the Philippines, Health Center for Asia, Philippine Kidney
Institute, Lung Center of the Philippines at maraming iba na hanggang sa ngayon ay
napapakinabangan pa. Kung kaya’t tinawag siyang Infrastructure Man.






Paghihigpit sa ilegal na pagpasok ng mga produktong dayuhan.
Pagtulong sa mga magsasaka upang maparami ang ani ng bigas.
Pagbibigay ng pahintulot sa mga Pilipino na magtungo sa China.
Pagpigil sa karahasan.
Pagpapalaganap nang maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga pook rural.
Pagpupulong sa internasyonal Maynila noong Oktubre 24-26, 1966 na
naglalayong mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa mga dayuhang Komunistang
bansa sa relihiyon. Kabilang sa mga dumalo rito ay mga bansang Amerika,
Australia, New Zealand, Timog Korea, Thailand at Timog Vietnam.
 Pagpapadala ng mga inhinyero, doctor at mga sundalo sa Vietnam upang
tulungan ang mga biktima ng digmaan at suportahan ang Estados Unidos.
Tinawag ang grupong ito na PHILCAG o (Philippine Civic Action Group).
Ang Ikalawang Termino ni Pangulong Marcos (1969-1972)
Kalagayan ng Pilipinas sa Pamumuno ni Pangulong Marcos
Idineklara ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972 sa bisa ng
Proklamasyon Blg. 1081 na nilagdaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang
hakbang na ito ay binatikos ng maraming puna at pagtuligsa mula sa mga Pilipino at
pagbabago sa estado ng Pilipinas. Ayon sa pangulong Marcos, idineklara niya ang
pagpapatupad ng Batas Militar sa dalawang kadahilanan. Una ay upang iligtas ang
Pilipinas sa kamay ng mga kaaway nito. Pangalawa ay upang magtatag ng isang bagong
lipunan na makapagdudulot ng ibayong kaunlaran, kapayapaan at seguridad sa
sambayanang Pilipino.
Ipinaliwanag pa ni pangulong Marcos na kinakailangan ang Batas Militar upang bigyang
proteksiyon ang demokrasya ng bansa sa mga kaaway nito tulad ng mga kumunistang
CCP-NPA at PKP-HMB, Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng
sariling bansa sa Mindanao sa pamamagitan ng armadong pagkilos, mga maka-kanan na
grupong radikal sa simbahan, mga grupong oligarkiko, at mga dayuhang nanghihimasok
sa panloob na kalagayan ng bansa. Ayon sa kanya, kinakailangan ng bansa ng malakas na
pwersa upang matugunan ang hamon ng mga kaaway at maprotektahan ang bansa.
Marami ang naging pagbabago sa pagpapatupad ng Batas Militar sa Pilipinas. Mayroong
mga daglian lamang, may mga pagbabagong pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan, at
diplomatiko. Marami rin ang mga mabilisang pagbabago na naganap sa mga unang
buwan ng panahon ng pagpapatupad ng Batas militar. Nabuwag ang kongreso at
ipnagbawal ang pagkilos ng mga lapiang pampulitika. Humina ang kapangyarihan ng
Mataas na Hukuman dahil sa pagkakatatag ng mga military tribunal at military
commission. Ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay naipon sa kamay ni Marcos
at sa hukbong military.
Maraming bagay ang mga ipinagbawal tulad nang pagtuligsa sa pamahalaan sa
pahayagan, radyo, at telebisyon. Ipinagbawal din ang pampublikong pagtitipon na may
temang pulitikal. Maliban sa maigting na pagsesensor, mahigpit na ipinapatupad ang
curfew. Dinarakip ang sinumang nasa labas ng bahay mula hatinggabi hanggang ikaapat
ng umaga. Ang mga piitan sa iba’t ibang kampo ng hukbong military, higit sa lahat ay sa
Camp Aguinaldo, Crame at Fort Bonifacio, ay napuno ng mga taong iba’t iba ang dahilan
nang paglabag sa batas ng curfew. Kabilang na rito ang mga kalaban sa pulitika ni
Marcos na sina Senador Benigno Aquino Jr., Senador Jovito Salonga at Senador Jose
Diokno.
Dahil sa krisis sa langis noong 1973, sinikap ng pamahalaan na tumuklas ng langis at
pasiglahin ang paghahanap ng alternatibong enerhiya. Nagtayo ito ng mga plantang
geothermal at hydro-electric. Gumawa din ito ng plantang nukleyar sa Bataan. Upang
magkaroon ng sapat na pagkain at masaganang pamumuhay, itinaguyod ng pamahalaan
ang iba’t ibang programa tulad ng Green Revolution (gulayan), Blue Revolution (isda at
pagkaing dagat), Palayan ng Bayan, Masagana 99 (magkaroon ng ani na 99 kaban bawat
ektarya), Masaganang Maisan, Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK) at Sariling Sikap.
Marami rin ang naipatupad na mga makabuluhang gawain ng mga panahong ito tulad
nang pang-aakit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagpapasigla ng turismo sa bansa,
pagtatayo ng makasaysayang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San
Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay
pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar
ng Kamaynilaan.
Maria Corazon C. Aquino
Si María Corazón "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933 sa
Paniqui, Tarlac at ikaapat na anak nina José Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang
kanyang mga kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang
kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni
Melecio Cojuangco na kasapi ng Kongreso ng Malolos. Ang kanyang ina ay mula sa
maimpluwensiya sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang
angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban kay Manuel L. Quezon noong 1941. Si
Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Manila sa kanyang elemetaryang
edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent
sa New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang Pranses. Siya ay
nagboluntero para sa pangangampanya ni United States Republican presidential
candidate Thomas Dewey laban sa Pangulo ng Estados Unidos Harry S. Truman noong
1948 halalang Pagkapangulo. Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang magaral ng Batas sa Far Eastern University na pag-aari ng mga in-law ng kanyang kapatid na
si Josephine Reyes. Siya ay nag-aral ng isang taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino
na anak ng dating Ispiker na si Benigno S. Aquino, Sr.. Sila ay nagkaroon ng limang anak:
María Elena (ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora Corazón (ipinanganak noong
27 Disyembre 1957), Benigno Simeon III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria
Elisa (ipinanganak noong 27 Oktubre 1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong
14 Pebrero 1971).
Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging
pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng
Pilipinas noong 1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa
politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong
Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos
sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng
Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos
noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa
kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga
bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978,
nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980,
dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni
Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa
kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira
sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi
kasama ang kanyang pamilya.
Fidel V. Ramos
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong
Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18,
1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at
Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin
siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business
Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry
training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam.
Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa
pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga
medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor,
ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit,
ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral
National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.
Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang
Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider - opososyon si Benigno S.
Aquino Jr.
Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon
Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan
Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng
sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na
nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa
pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran
ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.
Noong 1992, tumakbo siya at nanalo bilang Pangulo ng Pansa. Bilang pangulo, naging
priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng
karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang
pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa
kaunlaran.
Joseph Ejercito Estrada
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito
Estrada, o Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong
Unang Republika.
Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang
inhinyero, at ni Maria Marcelo.
Si Ejército Marcelo ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap bahagi ng Manila.
Siya ay ang anak ng Emilio Ejército, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong
pamahalaan kontratista, at María Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang
ikawalo sa 10 mga magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito
(1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito,
abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito.
Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si
Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala
bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy
Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng
Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang
nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa
Mandaluyong City.
Kilala bilang Erap, si Joseph Estrada ay isang sikat na artista sa pelikula bago naging
pangulo ng Pilipinas. Kontrobersyal ang kanyang pagkapangulo. Sa kanyang panahon,
mabagal ang paglago ng ekonomiya at humarap siya sa mga paglilitis para sa
impeachment. Pinatalsik siya mula sa pagkapangulo noong 2001. Nang maglaon ay
nahatulan siya ng pagnanakaw mula sa gobyerno ngunit pagkalaon ay pinatawad. Hindi
siya matagumpay na tumakbo sa pagka-pangulo noong 2010.
Sa panahon ng kanyang pagkapangulo, nakuha ng gobyerno ang headquarters at ang
mga kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sumali sa iba pang mga pinuno at pulitiko upang subukang baguhin ang 1987 Philippine
Constitution
Kabilang sa "Magnificent 12" na bumoto upang wakasan ang kasunduan na
nagpapahintulot sa pagkontrol ng Estados Unidos sa Clark Airbase at Subic Naval Base
Pagtaguyod sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo gamit ang instructional media at
educational technology.
Tumaas ang bilang ng mga computers sa mga pampublikong paaralan at tumaas ang
bilang ng mga gumagamit ng internet.
Napasigla ang mga institusyong bokasyonal at teknikal lalo na ang mga politeknikong
kolehiyo at unibersidad.
Gloria Macapagal- Arroyo
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg
Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat Pangulo ng Pilipinas. Siya ang
ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado
Macapagal.
Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macaraeg Macapagal ng pulitikong
Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay
kapatid ni Dr. Diosdado “Boboy” Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan
siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang
nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.
Noong 1961, nang si Gloria ay 14 pa lamang, ay nahalal bilang pangulo ang kanyang
ama. Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila.
Isang bayan ang ipinangalan sa kanya, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya ng
elementarya at sekundarya sa Assumption Convent, kung saan ay nakapagtapos siya
bilang Valedictorian noong 1964.
Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel
Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa
kanyang kabataan pa lamang. Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969),
Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974).
Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang
pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya
ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawng taon.
Kinunsidera ni Arroyo na tumakbo bilang pangulo noong pambansang halalang 1998
subalit naimpluwensyahan ni Pangulong Fidel V. Ramos, at pinuno ng ng partido ng
administrasyon Lakas-Christian Muslim Democrats na imbes na pangulo ay maging
pangalawang pangulo na lamang at ng kandidatong si Ispiker Jose de Venecia, Jr. Nanalo
si Arroyo bilang pangawalang pangulo na may malayong agwat, na nakakuha ng higit
doble sa sumunod nitong katunggali, ang kandidatong pangawalang pangulo ni Estrada,
si Edgardo Angara.
Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 1998,
Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ng Kagawaran ng Pangangalagang
Panlipunan at Pagpapaunlad.
Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang sarili mula
kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating tagasuporta sa pulitika na si
Chavit Singson, Punong lalawigan ng Ilocos Sur. Noong una ay hindi pa nagsasalita si
Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa
panawagang magbitiw si Estrada sa pwesto.
Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang
pag-aaklas, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng
pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang
suporta para kay Estrada, Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si
Arryo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr.
Matapos ang ilang linggo, Nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang
legal ng pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa
batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon. Noong
Marso 2, 2001, ang Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na
nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.
Ang Oakwood Mutiny ay naganap sa kanyang termino. Pinangasiwaan ni Arroyo ang
pagpapabuti sa kalsada at imprastraktura at mas mataas na paglago ng ekonomiya kaysa
sa mga nakaraang pangulo, ngunit mayroon ding kontrobersya. Ang tinaguriang
kontrobersya na "Hello Garci" ay may kinalaman sa mga recordings na nagtuturo kay
Arroyo sa mga pandaraya sa halalang naglagay sa kanya sa puwesto. Noong 2005,
naharap si Arroyo sa impeachment proceedings na may kaugnayan sa mga recording
ngunit nabigo ang impeachment. Matapos siyang umalis sa puwesto ay naharap si
Arroyo sa karagdagang kaso ng pandaraya sa halalan at maling paggamit ng mga pondo
ng gobyerno.
Ambag
Pangalawang babaeng pangulo ng bansa
Unang babaeng naging bise-pangulo ng Pilipinas
Unang pangulo na nanumpa sa labas ng Luzon
Nangangasiwa ng mas mataas na paglago ng ekonomiya kaysa sa nakaraang tatlong
pangulo bago siya
Ang Philippine peso ay naging best-performing currency sa Asya noong 2007
Ipinatupad ang Expanded Value-Added Tax Law (EVAT) sa ilalim ng kanyang termino
Kasalukuyang makikita sa 200-peso bill
Download