PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872 MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY NG MGA PILIPINO ** tinangkilik ang Katolisismo ** nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag ** nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay ** nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato ** magagandang kasangkapan tulad ng piyano, muwebles at mga kagamitang pangkusina ** nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor ** natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo at Papa ** bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA 1. Doctrina Cristiana kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong Hulyo 15, 1593 sa pamamagitan ng silograpiko Aklat ito nina Fray Juan de Placencia at Fray Domingo Nieva Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila Naglalaman ito ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo May 87 pahina lamang MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA 2. Nuestra Senora del Rosario ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon. MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA 3. Barlaan at Josaphat ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja Orihinal na nasa wikang Griyego ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. 4. Pasyon aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo binabasa ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat ang mga ito ay ang Version de Pilapil ( Padre Mariano Pilapil); Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen); Version dela Merced ( Aniceto dela Merced); at Version de Guia (Luis de Guia) Isinaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil. 5. Urbana at Felisa aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog” naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. 7. Si Tandang Basio Macunat ay isang nobelang isinulat ni Miguel Lucio y Bustamante, isang Kastilang pari Isa itong halimbawa ng namamayaning posisyon ng mga maykapangyarihan na ang mga Pilipino ay hindi maaaring maging aral. Umabot sa rurok ang sitwasyong ito noong 1897 nang sabihin ng mga pari na ipasara ang mga paaralan para mapigilan ang nakaambang rebolusyon. Naipakita ito sa nobelang Si Tandang Basio Macunat at binigyang-diing manatili ang mga lokal sa kanilang mga lalawigan at gawin ang kanilang mga gawain doon sa halip na magtungo sa lungsod at magpatuloy ng mataas na pagaaral. Ang nobela, gaya ng ibang tulad nito, ay isinulat sa pag-aasam na makontrol ang lumalagong ideyang pulitikal, kultural at ekonomiko sa mga mamamayan. Pinuna ang nobela ng iba't ibang henerasyon ng mga Pilipinong manunulat gaya nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Teodoro Agoncillo. MGA AKDANG PANGWIKA 1. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala - sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610. 2. Compendio de la Lengua Tagala - inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703. 3.Vocabulario de la Lengua Tagala - kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613. 4.Vocabulario de la Lengua Pampango - unang aklat na pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732. 5.Vocabulario de la Lengua Bisaya - pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711. 6.Arte de la Lengua Bicolana - unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754. 7.Arte de la Iloka - kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez. MGA URI NG PANITIKAN A. PASYON – inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni Kristo. B. KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon. C. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria. D. DUNG-AW –binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa, magulang at anak. E. KARAGATAN – isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga. F. DUPLO –larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. G. KARILYO – pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw. H. SENAKULO – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo. I. TIBAG – isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. J. SARSUWELA- isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa. K. KURIDO – galing sa salitang Mehikanong “corrido” na ang ibig sabihin ay “kasalukuyang pangyayari” (current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong (8) pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan. L. AWIT – tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga pangyayaring hango sa tunay na buhay. M. PARABULA – kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan. O. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.