1 ARALIN 3: IBA PANG KAUGNAY NA KONSEPTO UKOL SA WIKA AT WIKANG FILIPINO PAGLILINAW PA SA PAMBANSANG WIKANG FILIPINO Mapapansin na sa mga nagdaang aralin, direktang nagamit ang mga letrang c, f, j, at v, sa ilang mga salita. Bakit umuubrang gamitin ito ng direkta? Hindi ba’t tunog-dayuhan ang mga letrang nabanggit? Hiram ba ito sa dayuhang wika o dagdag pagka’t taal na din ang mga letrang ito sa Pambansang Wikang Filipino? Muli, salig sa lahat ng wikang umiiral at iba pang mga wika sa Pilipinas ang Pambansang Wikang Filipino. Nasasakop ng katangian ng Pambansang Wikang Filipino ang mahigit na 155 taal na wika 1 at mahigit na 300 wikain2 sa Pilipinas (tinutukoy sa lahat ng wikang umiiral) at impluwensiya ng mga wikang nandayuhan na nanakop o nangalakal man (tinutukoy sa iba pang mga wika), kaya mapapansin tila halu-halo kumbaga sa pagkain kadalasan ang mga pangungusap o parirala sa Pambansang Wikang Filipino. Filipino ang pangungusap na “Okay ka ba, day?” Hindi ito maituturing na pangungusap sa Ingles nang dahil sa salitang Okay, hindi rin sa Tagalog nang dahil sa ka ba at hindi rin sa Bisaya nang dahil sa day, kundi Filipino ang nabanggit na pangungusap. Gayunpaman, palaging isaalang-alang ang Pragmatiks na bahagi ng wika na kailangang maayos ang mga kumbinasyon mula salita hanggang buong akda tungo sa malinaw na pagpapahayag. Kahit maaaring gamitin ng direkta ang mga dayuhang salita, iminumungkahi na piliin pa rin ang taal na tumbas sa mga wikang bernakular kung meron o kaya’y sa kilalang tumbas o may tunog ng pagka-Pilipino. Halimbawa, sa salitang Ingles na speech, oo maaari itong gamitin ng direkta bilang speech o kaya’y kung anong bigkas siyang sulat – ispits ngunit may tumbas naman ito na tunog-Pilipino ang Pananalita o Pahayag kaya. Hindi ba’t masakit sa mata o kaya’y baka makagulo pa kung ispits ang gagamitin? Baka maging dura pa ang pakahulugan sa ispits. Manapa, orihinal na ispeling na lang, ang speech kesa ispits. Anuman ang pipiliing baybay, kailangan tandaan ang consistency ng paggamit upang di makagulo sa konsepto mula simula hanggang katapusan ng ipinapahayag. Mateo, Emilia C. et.al. 2007. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Pasig City: Unlad Publishing House. 32. Constantino, Pamela et.al. 1985. Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas sa Wika, Linggwistika at Bilingwalismo sa Pilipinas. Quezon City: Rex Printing Inc. 1 2 2 HIRAM BA O DAGDAG ANG C, F, J, Ñ, Q, X, V, Z? Idadaan sa cognate ang pagpapaliwanag kung hiram nga ba o hindi ang 8 letrang nabanggit. Cognate, ito ang mga salitang magkakaiba lamang ng kaunti sa katinig o patinig sa pagbabaybay ngunit halos pareho ang tunog, at magkasingkahulugan o ang pagkakatulad ng mga wika sa Pilipinas. Ang mga sumusunod ang halimbawa3: Tagalog Itbayat ávu abo Ibanag ávu apo afú babae vavái baboy vavi bahay vaxáy baliktad valiñtád bangon vangún bato vatú bayad bájad Bontok Buhi avú vinayi fángun fáyad vuq kambing canzing caddin čiráy niyog nizúg fílay pilay pusod uban Ilongot vahay buhok kilay Ivatan fused uván úfan Mula sa mga halimbawa, malinaw na hindi hiram sa dayuhan ang c, f, j, ñ, q, x, v, at z sapagkat umiiral ang mga letrang ito sa mga taal na wika sa Pilipinas. Gayundin patunay na hindi lamang sa Tagalog nakabatay ang Pambansang Wikang Filipino, kundi sa mga wika sa Pilipinas sapagkat likas na magkakatulad ang mga wika sa 3 Paz, Consuelo J. 1995. Ang wikang Filipino Atin Ito. 62 3 Pilipinas. Huwag magtaka, sapagkat iisang pamilya lang ng wika ang kinabibilangan ng mga wika sa Pilipinas, ang Malayo-Polynesian. Batay sa kahulugan ng Pambansang Wikang Filipino, malayang makapanghihiram sa lahat ng mga wikang nasasakop nito at maaaring direktang hiramin ang orihinal na baybay o baybayin sa naturalesa ng mga wika sa Pilipinas, ang Kung anong bigkas siyang sulat. Mayroong tuntuning dapat sundin sa 8 dagdag na letra sa paggamit nito base sa rebisyon ng pagbabaybay sa Pambansang Wikang Filipino noong 2001.4 Kung ang Kung anong bigkas siyang sulat ang susundin sa baybay ng mga salita, mananatili ang f, v, j, at z sa mga salitang meron nito (fakulti, varayti, jip, bazar) sapagkat tiyak ang ponemikong estado nito samantalang itinuturing na redundant ang c, ñ, q, at x dahil may tanggap itong tumbas na tunog sa wika sa Pilipinas. Ang tunog ng /k/ (keyk) o /s/ (sirkus)para sa c, /ny/ (banyo)para sa ñ, /kw/ (kwarter) o /k/ (korum) sa q, at /s/ (seroks)o /ks/ (seroks) sa x. 4 Mateo, Emilia C. et.al. 2007. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Pasig City: Unlad Publishing House. 48. 4 Pangalan:____________________________________ Puntos:____________ Kurso at Seksyon:______________________________ Petsa: ______________ Dagliang Gawain A. Subukang makakalap pa ng cognate sa mga aklat ng wika sa Pilipinas. (10 salita man lang at pagbatayan ang halimbawa sa p.19). B. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng mga hiram na salitang dayuhan, para sa 8 dagdag na letra, gamit ang Kung anong bigkas siyang sulat sa pagbabaybay nito. Guhitan ang tunog na kumakatawan sa c, f, j, ñ, q, x, v, at z Halimbawa: vase = veys; equipment = ekwipment f_____________________________ c____________________________ j_____________________________ ñ____________________________ v_____________________________ x____________________________ z_____________________________ q____________________________ C. Pabor ka ba sa Kung anong bigkas siyang sulat sa baybay ng mga salitang impluwensiya ng mga dayuhan? Pakipaliwanag nang malinaw ang iyong kasagutan. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 5 TAMANG GAMIT 1. GITLING a. mang-uto Pinaikling Tuntunin: Panlapi + s.u. (patinig) Paliwanag: Ginigitlingan kapag ang salitang-ugat (s.u.) na sumusunod sa panlapi ay nagsisimula sa patinig b. mag-text Pinaikling Tuntunin: Panlapi + s.u. (dayuhang-salita) Paliwanag: Ginigitlingan upang bigyang-diin na dayuhang-salita ang salitang-ugat na sumusunod sa panlapi c. dala-dala Pinaikling Tuntunin: s.u. (inuulit) Paliwanag: Ginigitlingan kapag inuulit ng buo ang salitang-ugat d. kabi-kabila Pinaikling Tuntunin: s.u. (inuulit ang 2 unang pantig) Paliwanag: Ginigitlingan kapag inuulit ang 2 unang pantig ng salitangugat e. maka-Erap; taga-Luzon Pinaikling Tuntunin: Panlapi + s.u. (p. pantangi) Paliwanag: Ginigitlingan kapag Pangngalang Pantangi ang sumusunod sa panlapi. f. taong-gubat Pinaikling Tuntunin: Tambalan (-ng) Paliwanag: Ginigitlingan kapag tambalan ang salita at ginamit ang pang-angkop na –ng. Ginagamit ang pang-angkop na –ng upang di maging barok ang salita sa pagkawala ng ilang salita, kagaya nga ng halimbawa. g. anak-pawis Pinaikling Tuntunin: Tambalan (matalinghaga) Paliwanag: Ginigitlingan kapag ang tambalan ang salita at nasa kategorya ng konotasyon o matalinghaga ang kahulugan. h. ika-4; pang-apat; ikaapat Pinaikling Tuntunin: Panlapi + s.u. (Arabic na numero) Paliwanag: Ginigitlingan kapag ang Arabic na numero ang sumusunod sa panlapi. i. isang-kapat (1/4) Pinaikling Tuntunin: fraction (patitik) Paliwanag: Ginigitlingan kapag isinatitik ang anyo ng fraction 6 j. Vilma Santos-Recto Pinaikling Tuntunin: Pinagsamang apelido ng babae (dalaga at asawa) Paliwanag: Ginigitlingan kapag pinagsama ng babaeng may-asawa ang apelido niya noong dalaga at ng kanyang asawa. k. Patuloy na nililinang at pinalalawak ang wikang Filipino. Pinaikling Tuntunin: naputol na salita sa pangungusap Paliwanag: Ginigitlingan kapag naputol ang salita sa pangungusap dala ng kakapusan ng espasyo. l. Magsa-Darna Pinaikling Tuntunin: Panlapi + s.u. (nagpapalit-anyo) Paliwanag: Ginigitlingan kapag may konsepto ng pagpapalit-anyo ang ang salitang-ugat (s.u.) na sumusunod sa panlapi m. ga-kuto Pinaikling Tuntunin: Panlapi + s.u. (sukat) Paliwanag: Ginigitlingan kapag may konsepto ng pagkukumpara sa sukat, maliit man o malaki ang salitang-ugat (s.u.) na sumusunod sa panlapi n. sa-lilitaw 2. NANG AT NG a. Nang magmahal siya’y nasaktan lamang. Ginagamit ang nang na mahaba kapag may konsepto ng panahon ang binibigyang-turing. b. Magmahal nang tunay nang mahalin rin ng tunay. Ginagamit ang nang na mahaba bilang pamalit sa upang. c. Magmahal nang tunay nang mahalin rin ng tunay. Ginagamit ang nang na mahaba kapag ang parirala ay may konsepto ng pang-abay. d. Nagmahal nang nagmahal ang aking kaibigan kahit nasasaktan. Ginagamit ang nang na mahaba kapag nauulit ng buo ang pandiwa. e. Sanhi ng pagmamahal ang kanyang pagsisikap. Ginagamit ang ng na maiksi bilang pantukoy 7 3. : , . AT : ; . SA PAG-IISA-ISA SA LOOB NG PANGUNGUSAP a. Ganito ang maging ina: aligaga, mapagpuyat, mapag-aalala, matiisin, matiyaga, masipag, at mapagparaya. Ginagamit ang : , . kapag isang salita o parirala ang iniisa-isa sa loob ng pangungusap. b. Ganito ang maging ina: aligaga sa pag-aasikaso; mapagpuyat sa pangangailangan ng mahal na sanggol; mapag-aalala sa kalagayan ng anak; matiisin sa sama ng loob mula sa anak; matiyaga sa paghubog ng mabuting katauhan; masipag sa trabaho; at mapagparaya sa pisikal at damdamin. Ginagamit ang : ; . pangungusap. kapag pangungusap ang iniisa-isa sa loob ng BUOD Nilinaw na mabuti ng araling ito ang Filipino bilang pambansang wika na nakabatay sa lahat ng wikang umiiral at iba pang mga wika sa Pilipinas at hindi lamang ito nakabatay sa Tagalog, na pinatutunayan ng Cognate. Gayundin, dahil sa Cognate kaya masasabing hindi hiram at dagdag ang mga letrang c, f, j, ñ, q, x, v, at z. Inilahad din ang mga tuntunin sa tamang paggamit ng c, f, j, ñ, q, x, v, at z, batay sa 2001 revisyon ng pagbabaybay sa wikang Filipino. Mahalaga din ang pagbabalik-aral sa tamang gamit ng gitling, Nang at ng, at : , . at : ; . sa loob ng pangungusap sapagkat kailangang tumpak ang bahaging gramatika at istruktura ng akda. Inaasahang mailalapat ang mga konseptong nailahad sa Kabanatang ito tungo sa wastong pagsusulat ng Pananaliksik. 8 Pangalan:____________________________________ Puntos:____________ Kurso at Seksyon:______________________________ Petsa: ______________ Dagliang Gawain Magbigay ng sariling halimbawa sa tamang gamit ng: A. Gitling 1. Panlapi + s.u. (patinig) ____________________________________________ 2. Panlapi + s.u. (dayuhang-salita)_____________________________________ 3. s.u. (inuulit ang 2 unang pantig)_____________________________________ 4. Panlapi + s.u. (p. pantangi)_________________________________________ 5. Tambalan (-ng) __________________________________________________ 6. Tambalan (matalinghaga) __________________________________________ 7. Panlapi + s.u. (Arabic na numero) ____________________________________ 8. fraction (patitik)___________________________________________________ 9. Pinagsamang apelido ng babae (dalaga at asawa) _______________________ 10. naputol na salita sa pangungusap ____________________________________ 11. Panlapi + s.u. (nagpapalit-anyo) _____________________________________ 12. Panlapi + s.u. (sukat) ______________________________________________ 13. Panlapi + s.u. (inuulit) __________________________________________ Ilahad ang kahalagahan ng paggamit ng gitling batay sa mga halimbawa at paliwanag na nailahad sa aralin. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 9 Dagliang Gawain (Pagpapatuloy) Magbigay ng sariling halimbawa sa tamang gamit ng: B. Nang at Ng 1. Konsepto ng panahon ____________________________________________ 2. Pamalit sa Upang________________________________________________ 3. Konsepto ng Pang-abay.__________________________________________ 4. Nauulit nang buo ang pandiwa _______________________________________ 5. Pantukoy ______________________________________________________ Sa iyong sariling opinion, marapat pa bang magkaiba ang tuntunin ng Nang at ng o isa na lamang ang dapat gamitin? Ipaliwanag ang iyong pananaw. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ C. : , . 1. at : ; . sa Pag-iisa-isa sa Loob ng Pangungusap : , . _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 2. : ; . _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 10