Uploaded by spencer agbayani

AP 7 aralin 1

advertisement
La Salette of Aurora, Inc.
Aurora, Isabela, Philippines 3316
Government Recognition No. 020 s. 1992 – Elementary School
Government Recognition No. J-04, s. 2019 – Junior High School
Government Recognition No. S-085 s. 2015 – Senior High School
PAASCU Accredited Level I
School I.D. 400410
MODYUL SA PAG-AARAL SA ARALING PANLIPUNAN 8
Yunit 1
Ang Heograpiya ng Daigdig
ARALIN 1
Mga Bahagi sa Araling ito:
 Mga Pinagmulan ng Pangalang Asya
 Ang Asya Bilang Isang Kontinente
 Ang Sukat at Hangganan ng Asya
 Mga Rehiyon sa Asya
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay…
 malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano
Content Standard:
Ang mag-aaral ay…
 naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano.
Lesson Objectives/Most Essential Learning Competencies:
 Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano (AP7HAS-Ia1.1)
 Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang
Asya, TimogAsya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ib1.2)
Values Integration:
 Pangangasiwa sa kapaligiran
Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman at kapaligiran?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Mga heograpiya ng Asya at ng mga Asyano ang pokus ng mga aralin sa unang bahagi. Tatalakayin sa bahaging ito
ang Asya bilang isang kontinente na nahahati sa mga rehiyon. Sa naturang mga rehiyon matatagpuan ang mga
kapaligirang binubuo ng mga anyong lupa at anyong tubig. Sa mga kapaligirang ito nagmumula ang mga yamang likas na
pinagkukunan ng pangangailangan at kabuhayan ng mga Asyano.
Ipakikita rin ang kalagayan ng populasyon, gulang, kasarian, at antas ng literacy ng mga Asyano sa iba’t ibang
rehiyon. Tatalakayin din ang mga wika at mga pangkat-etniko sa Asya dahil ang mga ito ang simbolo ng pagkakakilanlan
ng mga Asyano.
Sa kabuoan, bibigyang-pansin sa bahaging ito ang pagpapahalaga sa mga Asyano at sa kontinenteng kanilang
tahanan.
1
1
Aralin
Ang Kontinente at Yamang Likas sa Asya
 Paano mapahahalagahan ng mga Asyano ang kanilang
kontinente?
 Bakit nakaaapekto ang yamang likas, klima, at vegetation sa
pamumuhay ng mga Asyano?
Kompletuhin ang mga parirala upang maging buo ang diwa nito.
1. Gusto kong matukoy ang pinagmulan ng Asya dahil …
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Mahalagang matukoy ko ang sukat at hangganan ng Asya dahil …
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Magiging kapaki-pakinabang sa akin ang yamang likas ng Asya kung …
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Ang kaalaman tungkol sa kontinente ng Asya ay mahalaga upang maunawaan ang mundong ating ginagalawan.
Importante rin na malaman ang heograpiya ng mga rehiyon sa kontinenteng ito upang higit na maunawaan ang kultura at
kasaysayan ng mga Asyano. Makatutulong ang pagkaunawa sa pinagmulan ng pangalan ng Asya bilang pangunang
hakbang sa pag-unawa ng heograpiya ng bahaging ito ng mundo.
2
Mga Pinagmulan ng Pangalang Asya
Ang pangunahing paliwanag ukol sa pinagmulan ng salitang Asya ay batay sa aklat na Histories na isinulat ni
Herodotus, isang Griyegong (Greek) mananalaysay na itinuturing na “Ama ng Kasaysayan.” Ayon sa aklat na ito,
itinuturing ng mga Griyego na nagmula ang salitang Asya sa pangalan ni Asia, kilala rin bilang Hesione o Pronoea, ang
kinikilalang asawa ni Prometheus. Sa mitolohiyang Griyego, si Prometheus ay isa sa mga makapangyarihang nilalang na
lumikha sa mga tao at nagturo sa kanila ng paggamit ng apoy.
May iba namang naniniwala na ang Asya ay nagmula sa pangalang Asia, ang diyosa ng katubigan ng mga tagaLydia, sinaunang kaharian sa Anatolia (bahagi ng kasalukuyang Turkiya (Turkey) noong 1200 BKP (Bago ang
Kasalukuyang Panahon).
Nagkaroon ng bagong pananaw ukol sa pinagmulan ng pangalan ng Asya bunga ng isinagawang paghuhukay
noong 1932 hanggang 1938 sa Pylos, sa timog na bahagi ng Grecia
(Greece). Sa nasabing paghuhukay na pinangunahan ng Amerikanong arkeologo na si Carl Blegen, nakatuklas ng
daan-daang piraso ng pinatuyong hugis kuwadradong luwad. Isa sa mga luwad na ito ay may nakasulat na
salitang aswiai na nangangahulugang “kababaihan.” Pinaniniwalaan din ng mga arkeologo na ang aswiai ay ang
pamayanang Assuwa na bahagi ng teritoryo ng mga Hittites, sinaunang tribu sa Anatolia noong 1500 BKP.
Samantala, sa pag-aaral naman ng wikang ginamit ng mga taga-Assyria, isang pangkat na nagtatag ng kanilang
kaharian sa Mesopotamia noong 2500–605 BKP, ang salitang asu ng mga taga-Assyria ay tumutukoy rin sa direksiyong
silangan. Maliban dito, ang salitang asu ay halos kahalintulad din naman ng salitang asa na ginagamit ng mga tagaPhoenicia, kilalang pangkat ng mangangalakal at mandaragat noong 1550–300 BKP.
1. Ano-ano ang salitang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan ng Asya? Bakit iniuugnay ang mga salitang ito sa
katawagang Asya?
2. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga katawagang iniuugnay sa Asya ang pipiliin mo bilang pinagbatayan ng
katawagang Asya? Ipaliwanag ang sagot.
3. Sa iyong opinyon, mahalaga ba na malaman ang pinagmulan ng katawagan sa kontinente ng Asya?
Pangatwiranan ang sagot.
Ang Asya Bilang Isang Kontinente
Ang pisikal na pagkakahati ng daigdig sa kasalukuyan ay binubuo ng mga kontinente. Sa pisikal na pamantayan,
ang kalupaang may malawak na sakop ay itinuturing na kontinente. Ang hangganan ng kontinente ay ang mga baybayin o
lupaing nakapalibot dito. Batay sa pamantayang ito, makikita sa talahanayan 1 ang mga kontinente sa daigdig.
3
Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo sa sukat nitong 44 579 000 kilometro kuwadrado (km2 ) na
umookupa sa 30 porsiyento ng kalupaan sa buong mundo. Kung ihahambing sa iba pang mga kontinente, mas malaki ang
Asya sa pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog Amerika. Tatlong beses naman itong ganap na malaki sa pinagsamang
sukat ng Europa at Australia. Ang ibang lupain sa Asya ay kabilang sa kontinente ng Europa kaya tinatawag ang bahaging
ito na Eurasia. Ang ilang mga isla sa Asya sa Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean) ay malapit sa Australia katulad ng
bahagi ng Timor-Leste at Indonesia kaya’t ang bahaging ito ay tinatawag namang Australasia.
Matatagpuan ang Asya sa lokasyong 10° timog hanggang 95° Hilagang latitud (latitude) at 11° hanggang 175°
Silangang longhitud (longitude). Ang lupaing saklaw ng Asya ay umaabot mula sa Karagatang Arktiko (Arctic Ocean) at
lumalampas sa ekwador (equator).
Ang magkakaibang kapaligiran ng Asya ay salik na nakatutulong sa paghubog ng paraan ng pamumuhay ng mga
Asyano. Ang kapaligirang ito ay bunga ng pangyayaring naganap kasabay ng paglitaw ng kontinente ng Asya milyonmilyong taon na ang nakalilipas.
Talahanayan 1
Mga Kontinente sa Daigdig
1. Ano-ano ang katangiang pangheograpiya ng Asya?
2. Paano nakatutulong ang mga katangiang ito upang kilalanin ang Asya bilang isang kontinente?
3. Sa iyong opinyon, bakit mahalaga na makilala ang Asya bilang isang hiwalay na kontinente?
Ang Sukat at Hangganan ng Asya
Ang Asya ay may mga anyong lupa at mga anyong tubig na nagsisilbing hangganan nito sa iba pang kontinente.
Ang mga anyong tubig na hangganan nito sa hilaga ay ang Karagatang Arktiko, ang mga Dagat Barents, Kara, Laptev, at
Silangang Siberian. Ang Karagatang Pasipiko naman ang hangganan nito sa silangan at ang Karagatang Indian sa timog.
4
Ang mga Dagat Aegean, Itim (Black Sea), Caspian, Pula (Red Sea), at Mediteraneo (Mediterranean) ay mga hangganan
naman nito sa timog-kanluran; at ang Kipot ng Bering sa hilagang silangan. Ang Bulubunduking Ural ang nagsisilbing
natural na hangganan ng Europa at Asya. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng Russia.
Ang Asya lamang ang tanging kontinente na may hangganan sa dalawang kontinente (Aprika sa timog at Europa
sa kanluran). Idinurugtong lamang ito ng nagyeyelong tubig ng Kipot ng Bering sa Hilagang Amerika tuwing panahon ng
taglamig. Ang Isthmus ng Suez naman ang nagdidikit sa Asya at Aprika at pinaghihiwalay lamang ng Dagat Pula.
Mga Rehiyon sa Asya
Ang pamumuhay ng mga tao sa Asya ay nakapaloob sa aspektong heograpikal at kultural-historikal. Dahil sa
lawak ng nasabing kontinente, ang mga aspektong ito ang ginamit na batayan upang bumuo ng iba’t ibang paghahating
rehiyonal sa Asya. Sa aspektong heograpikal, ang paghahating rehiyonal ay ang Silangan, Timog-Silangan, Timog,
Kanluran, Hilaga, at Gitnang Asya. Ang isa pang ginamit sa paghahating rehiyonal sa Asya ay batay naman sa kultural at
historikal na aspekto. Ang mga rehiyong ito ay ang Kanluran, Timog, Hilaga/Gitnang Asya, Silangan, at Timog-Silangang
Asya. Sa kasalukuyan, matatagpuan sa mga rehiyon ang apatnapu’t walong (48) bansa. Ang mga bansang ito ay
matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon ng kontinente. Makikita sa talahanayan ang mga rehiyon sa Asya, mga bansang
matatagpuan dito, ang kanilang kabiserang lungsod, at kabuoang sukat sa kilometro kuwadrado (km2 ). Kasama nito,
binabanggit din ang klima at vegetation, o ang mga karaniwang halaman na makikita o nabubuhay sa mga bansang sakop
ng bawat rehiyon.
Kanlurang Asya
MGA BANSA SA KANLURANG ASYA Ang rehiyong ito ay dating tinatawag na Asia Minor, Malapit na Silangan (Near
East), at Gitnang Silangan (Middle East). Ang rehiyon ding ito ang nag-uugnay sa Asya at Aprika. Makikita sa
talahanayan 2 ang labinlimang (15) bansa at isang (1) kinikilalang teritoryong politikal (recognized political territory) sa
Kanlurang Asya, ang kanilang sukat sa km2, at kabiserang lungsod.
Talahanayan 2
Mga Bansa sa Kanlurang Asya
5
KLIMA AT VEGETATION SA KANLURANG ASYA Ang klimang disyerto o arid ay nararanasan ng mga bansa sa Kanlurang
Asya. Sa klimang ito, mababa ang antas ng pag-ulan na umaabot lamang sa 250 milimetro (mm) sa loob ng isang taon.
Ang mga bagyong nararanasan sa rehiyon ay tinatawag na desert storm. Sa halip na tubig, ang malakas na hangin ay
nagdadala ng mga buhangin at alikabok na bumabagsak sa mga pamayanan sa rehiyon hanggang sa mga karagatang
nakapalibot sa Kanlurang Asya. Nararanasan sa rehiyon ang dalawang uri ng hangin. Sa mga buwan ng Abril hanggang
Hunyo at Setyembre hanggang Nobyembre ay nararamdaman ang malamig ngunit maalikabok na hanging may bugsong
umaabot sa 80 kilometro bawat oras. Ang hanging ito, na tinatawag na sharki, ay nagmumula sa timog at timog-silangan
na siyang nagdudulot ng sandstorm sa malaking bahagi ng rehiyon.
Ang shamal naman ay malamig na hanging nararamdaman sa Kanlurang Asya sa pagitan ng Disyembre hanggang
Pebrero. Ang pinakamabilis na hangin ng shamal ay umaabot sa 49 kilometro bawat oras. Nagmumula ang hanging ito sa
dakong hilaga-kanluran at nararamdaman sa Bahrain, Kuwait, Iran, Iraq, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Qatar.
Dahil sa klimang namamayani sa rehiyon, laganap ang kagubatang steppe o malawak na damuhang lupain na may
kakaunting puno. Nabubuhay sa kagubatang ito ang mga halaman at punong kadalasan ay nakatatagal sa kapaligirang
kakaunti lamang ang tubig. Ang ilan sa mga halamang ito ay mga damo, mustard, pea, cactus, at lily. Sa mga puno naman
ay cedar, at ang saxaul, isang uri ng puno na walang dahon. Sa mangilan-ngilang lupang sakahan ay matatagpuan naman
ang mga halamang trigo, sebada (barley), legume, cherry, peach, at ubas. May mga puno rin ng beech, conifer, oak,
mastic, at aleppo pine sa mga bahaging kabundukan.
1. Ano-anong bansa ang matatagpuan sa Kanlurang Asya?
2. Paano naaapektuhan ng klima ang uri ng vegetation na matatagpuan sa Kanlurang Asya?
3. Sa iyong opinyon, paano iniaangkop ng mamamayan ng Kanlurang Asya ang kanilang pamumuhay sa klima ng
rehiyon?
6
YAMANG LIKAS SA KANLURANG ASYA Ang rehiyong ito ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng langis at natural
gas sa buong daigdig. Sa langis nakabatay ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tulad ng Iran, Iraq, Kuwait, Israel,
Saudi Arabia, at Oman. Matatagpuan sa teritoryo ng mga binanggit na bansa ang mga kompanyang nagmimina at mga
plantang nagpoproseso ng langis upang ito ay gawing gasolina at iba pang produktong petrolyo. Kumikita ang
pamahalaan mula sa mga buwis at kabayaran sa permiso sa pagmimina ng mga naturang kompanya at planta. Marami rin
sa mamamayan dito ang empleyado ng mga nasabing planta at kompanya ng langis. Laganap din ang pagsasaka sa
rehiyon. Matatagpuan sa mga lupang sakahan ang mga pananim na mais, palay, mani, tubo, sesame, tabako, date, at kape.
Laganap din ang industriya ng pag-aalaga ng hayop sa rehiyon. Ang ilan sa mga hayop na inaalagaan ay ang kamelyo,
kambing, baka, at tupa. Ang mga industriya sa paggawa ng kasuotan ay nakabatay rin sa pag-aalaga ng hayop dahil ang
materyales sa paggawa ng mamahaling kasuotan ay nagmumula sa balahibo ng tupa, habang ang katad o leather ay
nagmumula naman sa balat ng baka. Nagsisilbing pagkain naman para sa mga tao sa rehiyon ang karne ng baka, tupa, at
kambing, habang ang kamelyo ay ginagamit na sasakyan sa paglalakbay sa disyertong matatagpuan sa Kanlurang Asya.
Sa iba pang industriya, pinakikinabangan ng mamamayan sa rehiyon ang aleppo pine na ginagamit sa paggawa ng
bangkang pangisda, ang mga katas ng punong ceddar at mastic ay ginagamit na pabango, at ang bagong sibol na saxaul ay
ginagamit bilang pagkain ng mga kamelyo, habang ang may katandaang sibol ay ginagamit na panggatong sa pagluluto.
1. Ano-anong yamang likas ang matatagpuan sa Kanlurang Asya?
2. Bakit mahalaga ang mga yamang likas na ito sa pamumuhay ng mga tao sa Kanlurang Asya? Pangatwiranan ang
sagot.
3. Paano epektibong mapangangasiwaan ng mga tao sa Kanlurang Asya ang yamang likas sa rehiyon?
Timog Asya
MGA BANSA SA TIMOG ASYA Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Subkontinenteng Indian (ang subcontinent ay isang
kontinenteng nakapaloob sa isa pang kontinente) dahil sa mga disyerto at kabundukan na nagsisilbing hangganan nito sa
iba pang bahagi ng kontinente ng Asya. Ang malaking kalupaan ay bahagi ng teritoryo ng India, Pakistan, at Bangladesh.
Nakahiwalay sa subkontinente ang mga bansang pulo ng Sri Lanka at Maldives. Makikita sa talahanayan 3 ang pitong (7)
bansa na bumubuo sa Timog Asya, ang kanilang sukat sa km2, at kabiserang lungsod.
Talahanayan 3
Mga Bansa sa Timog Asya
KLIMA AT VEGETATION SA TIMOG ASYA Sa Bhutan at Nepal ay karaniwang umiiral ang klimang may katamtamang init at
lamig. Ang karaniwang temperatura sa mga ito ay mula 10°C hanggang 40°C sa panahon ng tag-init at 18°C hanggang 7
3°C sa panahon ng taglamig. Bunga ito ng malapit na lokasyon ng mga nasabing bansa sa Bulubundukin ng Himalayas na
may mayelong kapaligiran sa buong taon. Ang mga halamang mabagal ang paglaki na sanhi ng malamig na kapaligiran o
tundra, na kinabibilangan ng mga halamang maliit at maraming sanga o shrub, herbs, at damo ang tumutubo sa
kabundukan ng mga bansang ito. Gayundin, ang mga pine tree, conifer, oak, walnut, at ilang punong evergreen ay
matatagpuan naman sa paanan ng mga kabundukan.
Ang klimang tropikal at klimang disyerto ay umiiral sa malaking bahagi ng rehiyon. Nararanasan ang klimang
disyerto sa mga lugar na malapit sa Disyertong Thar at sa timog-kanlurang India. Nakararanas ng kaunting pag-ulan sa
bahaging ito ng rehiyon na ang patak ay umaabot lamang sa 51 sentimetro sa loob ng isang taon. Ang karaniwang
temperaturang umiiral sa mga lugar na ito ay nasa 38°C.
Ang mga lugar sa Timog Asya na malapit sa mga baybayin ay nakararanas ng klimang tropikal. Sa mga
lugar na ito nararamdaman mula huling linggo ng Setyembre hanggang Pebrero ang malamig ngunit tuyong
hangin ng Amihan. Ang Amihan mula sa katimugan ay nagdaraan sa subkontinente patungo sa Karagatang
Indian. Ang hanging ito ay malamig sapagkat nagmumula ito sa nagyeyelong Bulubundukin ng Himalayas. Ang
Habagat ay nararamdaman sa rehiyon mula Abril hanggang Oktubre. Nagmumula ang Habagat sa Karagatang
Indian at taglay ang hamog mula rito. Ang mahamog na Habagat ang nagiging sanhi ng mga bagyo na
nararanasan sa subkontinente.
Sa mga bansa sa rehiyon, ang Bangladesh ang kadalasang nakapagtatala ng malaking pinsala sa buhay at
ari-arian dulot ng mga bagyong nagpapaapaw sa mga ilog at nagdudulot ng pagbaha sa maraming lugar sa
nasabing bansa. Sa katunayan, noong 2011 ay mahigit 10 000 katao at kabahayang malapit sa Ilog Brahmaputra
ang tinangay ng baha. Upang maiwasan ang ganitong trahedya, taon-taon ay pinalilikas ng pamahalaang
Bangladeshi ang mamamayang nakatira sa mga pamayanang malapit sa mga ilog.
1. Ano-anong bansa ang matatagpuan sa Timog Asya?
2. Paano naaapektuhan ng klima ang uri ng vegetation na matatagpuan sa Timog Asya?
3. Sa iyong opinyon, paano iniaangkop ng mamamayan ng Timog Asya ang kanilang pamumuhay sa klima ng
rehiyon?
YAMANG LIKAS SA TIMOG ASYA Ang Timog Asya ay sagana sa mga yamang likas. Sa lupang alluvial (lupang naipon sa
bunganga ng ilog matapos ang pagbaha) ng Ganges at Indus matatagpuan ang mga sakahang may tanim na palay, linga,
trigo, sebada, patani, at mangga. Matatagpuan din dito ang mga halamang tubo, jute, kape, at bulak na pangunahing
iniluluwas sa rehiyon sa pandaigdigang pamilihan. Bahagi rin ng kabuhayan sa rehiyon ang pagbebenta ng mga troso sa
pandaigdigang pamilihan. Nangunguna ang Nepal at Bhutan sa pagluluwas ng mga troso mula sa mga punong conifer, fir,
oak, magnolia, beech, at birch. Samantala, sa India naman nanggagaling ang sandalwood at mula sa Sri Lanka ang
teakwood.
Matatagpuan din sa rehiyon ang iba’t ibang uri ng mga yamang mineral. Makikita sa talahanayan 4 ang mga bansa
sa rehiyon at ilan sa mga namiminang yaman dito.
Ang mga mineral sa Timog Asya ay nagbibigay ng malaking kita sa mga bansa rito. Kanila itong ipinagbibili sa
pandaigdigang pamilihan at nagbibigay sa bawat bansa sa rehiyon ng mahigit sa 100 milyong dolyar kada taon. Ang
salaping ito ay nagagamit ng mga naturang bansa upang lalo pang paunlarin ang kanilang ekonomiya at kabuhayan ng
kanilang mamamayan
8
1. Ano-anong yamang likas ang matatagpuan sa Timog Asya?
2. Paano mapakikinabangan ng mga tao sa Timog Asya ang mga likas na yaman sa kanilang rehiyon?
3. Paano epektibong mapangangasiwaan ng mga tao sa Timog Asya ang kanilang mga yamang likas?
Hilaga/Gitang Asya
MGA BANSA SA HILAGA/GITNANG ASYA Karamihan ng mga bansa sa rehiyon ay bahagi ng Union of Soviet Socialist
Republic (USSR) katulad ng Kazakhstan, Armenia, Kyrgyzstan, Georgia, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan. Ngunit
nang mahati ang USSR ay nagpasiyang maging malayang republika ang mga naturang bansa. Makikita sa talahanayan 5
ang walong (8) bansa sa Hilagang Asya, ang kanilang sukat sa km2 , at kabiserang lungsod.
Talahanayan 4
Ilan sa Mga Bansa sa Hilaga/Gitang Asya
KLIMA AT VEGETATION SA HILAGA/GITNANG ASYA Nararanasan sa rehiyon ang klimang arid. Mataas ang temperatura sa
rehiyon lalo na sa tag-init mula buwan ng Abril hanggang Setyembre. Sa tag-init, ang temperatura ay mula 26 °C
hanggang 50°C. Sa taglamig, na nararanasan tuwing mga buwan ng Disyembre hanggang Marso, ang hanging nagmumula
sa Bulubundukin ng Himalayas at sa dakong Europa ay nagpapababa sa temperatura na maaaring umabot sa 10°C
hanggang –20°C, lalo na sa dakong Turkmenistan. Madalang din ang pag-ulan na umaabot lamang sa 300 hanggang 500
mm kada taon. Nararanasan sa rehiyon ang pag-ulan sa panahon ng taglamig. Maliban sa pag-ulan, nagkakaroon din ng
mga sandstorm sa rehiyon na tumatagal ng 20 hanggang 40 araw kada taon.
Ang kabundukang bahagi ng rehiyon ay may vegetation na binubuo ng taiga o mabatong kagubatang may mga
punong coniferous. Ang mga coniferous ay punongkahoy na ang mga buto ay matatagpuan sa loob ng cone at ang dahon
ay karaniwang patulis. Nabubuhay ang mga ito sa lugar na malamig ang kapaligiran. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga
halamang conifer ay ang pino, spruce, fir, larch, birch, aspen, at willow na matatagpuan sa kabundukan ng Tien Shan.
Sa mga lugar na may klimang arid, matatagpuan naman sa ibabang bahagi ng Bulubundukin ng Gissar, ang steppe
na binubuo ng mga damo at mga punong walnut, almond, peras, at iba’t ibang uri ng namumulaklak at ornamental na
9
halaman katulad ng Tulipa greigii at Atraphaxis muschketovii at ang Allium
pskemense, isang uri ng sibuyas na matatagpuan sa dausdos (slope) ng
Kabundukang Tien Shan.
1. Ano-anong bansa ang matatagpuan sa Hilaga/Gitnang Asya?
2. Paano naaapektuhan ng klima ang uri ng vegetation na matatagpuan sa Hilaga/Gitnang Asya?
3. Sa iyong opinyon, paano iniaangkop ng mamamayan ng Hilaga/Gitnang Asya ang kanilang pamumuhay sa
umiiral na klima sa rehiyon?
YAMANG LIKAS SA HILAGA/GITNANG ASYA Ang mahigit sa 100 000 metro kuwadradong (m2 ) lupain sa rehiyong ito ay
ginagamit ng mamamayan sa pagsasaka. Ang mga aning agrikultural sa mga lupaing ito ay bulak, trigo, sebada, mais,
ubas, patatas, tubo, bigas, tabako, peras, melon, dates, sesame, pistachio, at iba pang halamang agrikultural na angkop sa
klima ng nasabing rehiyon. Mahigit sa 500 000 m2 naman ang ginagamit bilang pastulan ng mga hayop katulad ng baka,
tupang Karakul, at kabayong Akhal-teke. Maliban doon, nag-aalaga rin sila ng mga kambing, kamelyo, at yak.
Matatagpuan din sa mga lupain ng mga bansa sa rehiyon ang iba’t ibang uri ng mga yamang mineral. Makikita sa
talahanayan 6 ang mga bansa sa rehiyon at ilan sa mga namiminang yaman dito.
Ngunit ang malawakang pagmimina sa rehiyon ay nagdudulot din ng suliraning pangkapaligiran dito. Ang mga
basura at duming nalilikha ng pagmimina katulad ng mga kemikal na mercury at asido na ginagamit upang maihiwalay
ang ginto sa mga nakakapit na piraso ng bato ay hindi ganap na naitatabi. Sanhi nito, ang mga nabanggit na kemikal ay
tumatagas sa ilalim ng lupa at humahalo sa mga tubig na siya namang ginagamit na patubig at inumin sa ilang lugar sa
rehiyon.
1. Ano-anong yamang likas ang matatagpuan sa Hilaga/Gitnang Asya?
2. Bakit mahalaga ang mga yamang likas na ito sa pamumuhay ng mga tao sa Hilaga/Gitnang Asya? Pangatwiranan
ang sagot.
3. Paano epektibong mapangangasiwaan ng mga tao sa Hilaga/Gitnang Asya ang mga yamang likas sa rehiyon?
10
Silangang Asya
MGA BANSA SA SILANGANG ASYA Ang malaking bahagi ng rehiyong ito ay saklaw ng teritoryo ng Tsina (China).
Bagama’t nahahadlangan ng mga likas na hangganan, katulad ng Dagat Pasipiko sa silangan, Dagat Kanlurang Pilipinas
(West Philippine Sea) sa timog, Disyertong Sinkiang at Bulubundukin ng Himalayas sa kanluran, ay kilala ang rehiyon sa
larangan ng kalakalan. Nasa talahanayan 7 ang anim (6) na bansang bumubuo sa rehiyon, ang kanilang sukat sa km2 , at
kabiserang lungsod.
Talahanayan 5
Mga Bansa sa Silangang Asya
KLIMA AT VEGETATION SA SILANGANG ASYA Ang Taiwan, Hilagang Korea (North Korea), Timog Korea (South Korea),
Hapon (Japan), at Tsina, ang mga bansang nakararanas ng klimang gitnang latitud (mid-latitude). Ang klimang ito ay may
maalinsangan at mainit na panahon tuwing tag-araw at may malakas na pagbuhos ng ulan tuwing tag-ulan. Sa panahon ng
taglamig ay nakararanas dito ng pagbuhos ng niyebe (snow) at malamig na simoy ng hangin. Sa klimang gitnang latitud,
ang vegetation na karaniwang tumutubo rito ay mga punong deciduous o nalalagas ang mga dahon kapag nagpapalit ng
panahon. Ang mga puno tulad ng maple at birch ang ilan sa mga halimbawa nito.
May mga kabundukang lugar sa Silangang Asya na may klimang highland o klimang Alpine. Dahil sa mataas na lokasyon
ng mga bundok na ito, tulad ng Talampas ng Tibet (Tibetan Plateau) na may taas na mahigit sa 6000 metro (m) sa ibabaw
ng karagatan, ang karaniwang temperatura dito ay 27°C ngunit bumababa ito sa –7°C sa itaas na bahagi. Sa klimang
highland, ang mababang lugar ay may kapaligirang tuyo ngunit ang tuktok ng mga bundok ay nababalutan ng niyebe.
Nararamdaman din ang malamig na simoy ng hangin sa buong taon. Ang kagubatan sa klimang highland ay tundra at
taiga. Tinatawag na tundra ang kagubatang may maliliit na halamang palumpong (shrub), damo, at lumot. Taiga naman
ang kagubatang may mga punong coniferous.
Ang klimang disyerto o arid ay umiiral din sa Silangang Asya dahil sa mga disyerto rito. Nararanasan din ang
katamtamang init ngunit may kaunting pag-ulan sa panahon ng taglamig na umaabot ng higit sa 17 sentimetrong ulan sa
loob ng isang taon. Ang temperatura sa semi-arid na klimang disyerto ay mula –18°C sa panahon ng taglamig hanggang
45°C sa panahon ng tag-init. Nararamdaman din ang tuyong simoy ng hangin sa disyertong Gobi at Takla Makan.
Matatagpuan din sa mga disyertong ito ang mga palumpong, tambo, damo, jujube (isang uri ng punong deciduous),
at mesquite (isang uri ng gulay na buto o legume).
Sa disyerto ay may mga oasis o lugar na may matabang lupa at permanenteng suplay ng tubig mula sa bukal at
naipong tubig-ulan sa lupa. Tumutubo sa gilid ng mga oasis ang mga halaman at dito rin umiinom ang mga hayop na
matatagpuan sa disyerto. Malapit sa oasis ang mga pamayanan at himpilang pangkalakalan. Ang Miran sa Takla Makan
ay isa mga kilalang oasis sa Silangang Asya. Himpilang pangkalakalan din ito ng mga mangangalakal na Asyano sa
pagtungo nila sa mga pamayanan sa Hilaga/Gitnang Asya.
11
Ang Hainan sa Tsina at dulong timog ng Taiwan ang dalawa sa mga lugar sa Silangang Asya na may klimang
tropikal. Tumutubo sa Silangang Asya ang mga punong oak, laurel, at nutmeg. Ang karaniwang temperatura sa klimang
ito ay mula 27°C pataas sa panahon ng tag-araw. Nakararanas din dito ng malakas na pagbuhos ng ulan kapag dumarating
ang balaklaot o monsoon sa tag-init (summer monsoon). Ang monsoon ay sanhi ng Habagat (hanging umiihip mula sa
hilagang-kanluran) at Amihan (hanging umiihip mula sa timog-silangan) na umiihip sa kalupaan. Nagdudulot ito ng
pagkakaiba ng temperatura at panahon. Ang monsoon na umiiral sa panahon ng tag-init ay nagdadala ng malakas na
pagbuhos ng ulan na nararanasan mula Abril
hanggang Oktubre. Sanhi ito ng pag-ihip ng hangin
mula timog-silangan patungo sa hilagang-kanluran
dala ang mainit na hangin mula sa Karagatang
Pasipiko. Simula Nobyembre hanggang Marso ay
nararanasan naman ang monsoon na nagdudulot ng
malamig na hangin at pagbuhos ng niyebe. Ito ay
sanhi ng pag-ihip ng Habagat mula hilagang-kanluran
patungo sa timog-silangan. Habang naglalakbay ang
Habagat ay humihigop ito ng malamig na hangin at
halumigmig na nagiging sanhi ng pagbagsak ng
niyebe sa Hapon, Hilaga at Timog Korea, at ilan pang
bahagi ng rehiyon.
1. Ano-anong bansa ang matatagpuan sa Silangang Asya?
2. Paano naaapektuhan ng klima ang uri ng vegetation na matatatagpuan sa Silangang Asya?
3. Sa iyong opinyon, paano iniaangkop ng mamamayan ng Silangang Asya ang kanilang pamumuhay sa klima ng
rehiyon?
YAMANG LIKAS NG SILANGANG ASYA Ang Taiwan, Sa Silangang Asya, ang paglinang sa mga likas na yamang lupa at
yamang tubig ay nakasentro sa teritoryo ng bawat bansa sa rehiyon. Ang ilan sa mga gawaing lumilinang sa mga likas na
yaman sa rehiyon ay ang pagsasaka, pangingisda, at pagmimina.
Magkakaibang bahagdan ang iniuukol ng mga pamahalaan sa rehiyon sa pagpapayabong ng pagsasaka. Ito ay
sanhi ng magkaibang lawak ng lupaing sakahan at pag-uukol ng ilang lupain para sa pabahay, kagubatan, pagmimina, at
mga industriya. Sa Tsina, 10 porsiyento ng mga lupain ang iniuukol sa pagsasaka; sa Timog Korea, Hilagang Korea, at
Taiwan ay 25 porsiyento; at 1 porsiyento naman sa Mongolia at Hapon. Sa mga lupaing sakahan itinatanim ang mga
palay, trigo, at sebada upang tugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mamamayan.
Nangunguna ang Hapon, Taiwan, Timog Korea, at Tsina sa pangingisda sa Dagat Timog Tsina at iba pang dagat
na malapit sa rehiyon. Ang ilan sa mga yamang dagat na kanilang nahuhuli ay ang balyena, tuna, at pusit. Sa katunayan,
ang mga tinukoy na bansa ay kinikilala sa industriya ng pangingisda sa Asya.
Ang pagmimina ng mga mineral ay pinauunlad ng bawat bansa sa rehiyon. Ang mga mineral sa naturang mga
bansa ay ginagamit ng mga pabrika sa paglikha ng mga produktong ipinagbibili sa pandaigdigang pamilihan. Maliban sa
kita sa kalakalan, nakatutulong din ang produksiyon ng mineral sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mamamayan ng mga
bansa sa Silangang Asya. Matatagpuan din sa teritoryo ng bawat bansa sa rehiyon ang iba’t ibang uri ng mga yamang
mineral. Makikita sa talahanayan 8 sa susunod na pahina ang mga bansa sa rehiyon at ang ilan sa mga namiminang yaman
dito.
12
Sagana sa yamang likas ang mga lupain sa Silangang Asya. Nalilinang at napakikinabangan ng mga tao sa
rehiyon ang mga naturang yamang likas. Ang mga gawaing pangkabuhayan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng bawat
bansa sa rehiyon.
1. Ano-anong yamang likas ang matatagpuan sa Silangang Asya?
2. Paano mapakikinabangan ng mga tao sa Silangang Asya ang mga yamang likas sa kanilang rehiyon?
3. Sa iyong opinyon, paano iniaangkop ng mamamayan ng Silangang Asya ang kanilang pamumuhay sa klima ng
rehiyon?
Timog-Silangang Asya
MGA BANSA SA TIMOG-SILANGANG ASYA Ang peninsular o nasa peninsula at insular o mga kapuluan ang mga kategorya
ng mga bansa sa Asya. Makikita sa talahanayan 9 ang limang na bansang peninsular at anim na bansang insular sa TimogSilangang Asya, ang kanilang sukat sa km2 , at kabiserang lungsod.
KLIMA AT VEGETATION SA TIMOG-SILANGANG ASYA Ang Timog-Silangang Asya ay may klimang tropiko dahil malapit
ito sa Tropiko ng Cancer, ang rehiyon sa daigdig na matatagpuan sa pagitan ng 23°26’12” hilaga at timog longhitud. Ang
mga lugar sa rehiyon ay direktang nasisinagan ng araw kaya mainit at maalinsangan sa panahon ng tag-init. Ang
temperatura sa tag-init ay umaabot hanggang 35°C. Ang pagdating ng monsoon ay simula ng maulan na panahon sa
rehiyon at mababang temperatura na umaabot sa 25°C. Sa panahong ito, hindi bababa sa 200 metro kubiko (m3 ) ng tubigulan ang bumubuhos sa rehiyon. Bagama’t ang mga tubig-ulan ay nagagamit na patubig sa lupang sakahan,
nakapagdudulot naman ito ng pagbaha na sumisira ng mga ari-arian at pagkamatay ng maraming mamamayan. Sanhi ng
mga panahong nararanasan sa klimang tropikal, ang mga halaman at punongkahoy na nangangailangan ng regular na
suplay ng tubig ang bumubuo sa kagubatang matatagpuan sa rehiyon. Matatagpuan dito ang mga kagubatang deciduous
gaya ng mga punong teak at dipterocarp. Nasa klimang tropikal din ang kagubatang evergreen, o mga punong hindi
namumunga at may maliit, makitid, at patulis na dahon. Ang punong palma (palm) at goma (rubber) ang halimbawa ng
mga halaman dito. Matatagpuan din sa rehiyon ang mga namumulaklak na halaman at damo habang sa dakong baybayin
ay laganap naman ang mga kagubatang bakawan.
Talahanayan 6
Mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
13
YAMANG LIKAS NG TIMOG-SILANGANG ASYA Ang Timog-Silangang Asya ay kilala bilang isa sa mga lugar sa daigdig na
may malaking kagubatan. Ayon sa pagtataya ng Food and Agricultural Organization (FAO), ahensiya ng United Nations
(UN) na nangangasiwa sa pagtugon sa mga suliraning may kinalaman sa produksiyon ng pagkain, noong 2015 ay
umaabot nang mahigit sa 200 milyong ektarya o 2 milyong km2 ang kabuoang lupaing kagubatan sa buong rehiyon. Ang
ilan sa mga produktong nagmumula sa mga punongkahoy ay binubuo ng plywood, veneer at sawn wood, uling (charcoal)
troso, rattan, at pulp paper. Ang naturang mga produktong kahoy ay ginagamit na materyales sa paglikha ng mamahaling
kasangkapang kahoy tulad ng mesa, aparador, silya, at mga produktong papel katulad ng kuwaderno, aklat, at pahayagan.
Ang mga produktong kahoy ay ipinagbibili sa Tsina, Hapon, Estados Unidos, at mga bansa sa Europa.
Ang mga lupain sa rehiyon ay ginagamit din sa pagsasaka. Nasa talahanayan
ang ilan sa mga pangunahing produktong pansakahan sa bawat bansa sa rehiyon.
Pinagtutuonan din sa bawat bansa sa rehiyon ang pagmimina ng mga metal
tulad ng bakal, tanso, at tin at hindi metal katulad ng mga bato, buhangin, langis, at
natural gas. Matatagpuan din sa mga bansa sa rehiyon ang iba’t ibang uri ng yamang
mineral. Makikita naman sa talahanayan 10 ang mga bansa sa rehiyon at ilan sa mga
pananim dito.
Pinaniniwalaan din na ang kalupaan sa ilalim ng dagat sa Timog-Silangang
Asya ay may malaking reserba ng langis, manganese, cobalt, platinum, at nickel.
Bagama’t sagana sa yamang likas ang Asya, pinangangambahang maubos ang mga ito
kung hindi payayabungin at gagamitin nang wasto. Sa aspekto ng pagmimina,
bagama’t ito ay nakapagbibigay ng empleyo sa mga minero, makikita pa rin ang hindi
magandang epekto nito sa kapaligiran, partikular na sa mga kabundukan, lambak, at
iba pang mga anyong lupa sa bansa. Bunga ito ng hindi maayos na pagtatabi ng mga
ginamit na likido at mga nahukay na lupa sa mga minahan na makailang beses nang
naging sanhi ng kontaminasyon o pagdumi ng mga anyong tubig na ginagamit ng mga
pamayanan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, pagsasaka, at pangingisda.
1. Ano-anong yamang likas ang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya?
2. Paano pinakikinabangan ng mga tao sa Timog-Silangang Asya ang mga likas na yaman sa kanilang rehiyon?
3. Paano lubos na mapakikinabangan ng mga tao sa Timog-Silangang Asya ang kanilang yamang likas nang hindi
naisasakripisyo ang kanilang kapaligiran?
14

Ang salitang Asya ay posibleng nagmula sa pangalang Hesione ng Lydia, salitang aswiai ng
mga Hittite, at Asu ng Assyria.

Mahalagang mapag-aralan ang heograpiya ng Asya dahil sa epekto nito sa pamumuhay ng
mga Asyano.

Ang dalawang uri ng heograpiyang pinag-aaralan ay ang pisikal at pantao.

Ang pisikal na kapaligiran ng Asya ay humubog sa paraan at gawi ng pamumuhay ng mga
Asyano.

Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na kinabibilangan ng Kanluran, Timog,
Hilaga/Gitna, Silangan, at Timog-Silangang Asya.
A. Piliin sa mga kahon ang sagot sa bawat tanong. Isulat sa patlang ang sagot.
_______ 1. Ano ang tawag sa kapaligirang binubuo ng pangkat ng mga pulo na napaliligiran ng karagatan at may
mahahabang baybayin?
_______ 2. Ilan ang rehiyon sa Asya batay sa aspektong heograpikal?
_______ 3. Anong kontinente ang itinuturing na pinakamalaki batay sa sukat?
_______ 4. Ilan ang kasalukuyang bilang ng bansang matatagpuan sa Asya?
_______ 5. Ano ang pangalan ng pamayanan ng sinaunang tribung Hittites na posibleng pinagmulan ng salitang Asya?
_______ 6. Ano ang tawag sa lugar sa disyerto na may matabang lupa at permanenteng suplay ng tubig mula sa bukal at
mga naiipong tubig-ulan sa lupa?
_______ 7. Ano ang ibang pangalan ng karakter sa mitolohiyang Griyego na si Hesione o Pronoea na posibleng
pinagbatayan ng salitang Asya?
_______ 8. Ano ang tawag sa malamig na hanging nararamdaman sa Kanlurang Asya sa pagitan ng Disyembre hanggang
Pebrero.
_______ 9. Ano ang salitang Assyrian na katumbas ng ”silangan” at pinaniniwalaang pinagmulan ng salitang Asya?
_______ 10. Ano ang tawag sa kapaligirang binubuo ng mga lupang tuyo, mabuhangin, at mabato.
15
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit iba-iba ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan ng Asya?
2. Paano mapatutunayan na pinakamalaking kontinente sa buong mundo ang Asya?
3. Bakit hinati sa iba’t ibang rehiyon ang Asya?
4. Bakit magkakaiba ang klimang umiiral sa Asya?
5. Paano nakatutulong sa kabuhayan ng mga Asyano ang mga yamang likas na matatagpuan sa mga rehiyon sa
Asya?
A. Sagutin ang mga tanong sa Court Evidence Fact Sheet.
1. Ano-anong salita ang posibleng pinagmulan ng pangalang Asya?
Kasagutan:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Katibayang pangungusap mula sa modyul:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Pahina: __________ Talata bilang: ___________ Pangungusap bilang: ______________
2. Bakit maituturing na kontinente ang Asya?
Kasagutan:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Katibayang pangungusap mula sa modyul:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Pahina: __________ Talata bilang: ___________ Pangungusap bilang: ______________
16
3. Ano-anong paghahating rehiyonal ang ginamit sa Asya?
Kasagutan:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Katibayang pangungusap mula sa modyul:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Pahina: __________ Talata bilang: ___________ Pangungusap bilang: ______________
4. Anong uri ng klima at vegetation ang karaniwang matatagpuan sa alinman sa mga rehiyon sa Asya? Magbigay
ng isang halimbawa.
Kasagutan:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Katibayang pangungusap mula sa modyul:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Pahina: __________ Talata bilang: ___________ Pangungusap bilang: ______________
5. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng mga tao sa Asya?
Kasagutan:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Katibayang pangungusap mula sa modyul:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Pahina: __________ Talata bilang: ___________ Pangungusap bilang: ______________
B. Lagyan ng angkop na impormasyon ang hinihingi sa ibaba. Sumulat ng pagbubuod ukol sa mga impormasyong
ito.
REHIYON SA ASYA
VEGETATION
KLIMA
YAMANG LIKAS
Kanluran
Timog
Hilaga/Gitna
Silangan
Timog-Silangan
17
Pagbubuod:
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
A. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga tanong.
1. Anong suliraning pangkapaligiran ang makikita sa mga larawan?
2. Ano-anong gawaing pangkabuhayan ang posibleng pinagmulan ng ganitong uri ng suliraning pangkapaligiran?
Ipaliwanag ang sagot.
3. Bakit may ganitong uri ng suliraning pangkapaligiran?
4. Sa iyong opinyon, posible kayang masugpo o mabawasan ang suliraning pangkapaligirang ito?
5. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang ganitong uri ng suliraning pangkapaligiran sa inyong lugar?
Ipaliwanag ang sagot.
18
PERFORMANCE TASK
Basahin at gawin ang isinasaad sa Performance Task Blueprint.
Goal
Role
Audience
Situation
Product
Standard
LAYUNIN - Nais mong kumalap ng mga larawan sa internet na nagpapakita ng mga
kapaligiran sa Asya.
GAMPANIN - Ang pagkalap ng larawan ay bahagi ng iyong gawain bilang isang
kolektor ng mga larawan ng mga kapaligiran sa Asya.
MADLA - Ang iyong makakalap na mga larawan ay inaasahan mong tatangkilikin ng
kabataang Asyano.
SITWASYON - Napapansin mo na karamihan sa kabataang Asyano ay kapos ang
kaalaman ukol sa heograpiya ng Asya.
PRODUKTO - Naisip mong ang maging pokus ng iyong mga larawan na ilalagay sa
photo album ang ugnayan sa pagitan ng mga Asyano at kanilang kapaligiran na
nakatulong sa pagbuo ng kanilang kabihasnan. Ipakikita at ipaliliwanag mo sa klase
ang resulta ng iyong ginawa.
PAMANTAYAN - Inaasahan mo na ang iyong photo album na gagawin ay
mabibigyang-pansin kung ang iyong ginawa ay:
 magagamit bilang isang mapagkakatiwalaang sanggunian;
 nakaayos ayon sa pagpapanahon; at
 nagpapakita ng kalinisan at kaayusan.
19
Download