ni Alejandro G. Abadilla Paguulat ni: Miguel Santos IV - Photon PANIMULA Panitikan noong dekada ’40 ⚫ ⚫ Mapalamuti May tiyak na kaayusan (hal. Tugma) Alejandro G. Abadilla ⚫ ⚫ Isa sa mga pangunahing manunula na nakilala sa paghamon sa kasalukuyang porma ng mga tula. Ang pinaka-sikat sa mga ito ay ang “Ako ang Daigdig” ANG TULA Ako ang daigdig Ako ang tula Ako Ang walang maliw Ako ang daigdig ang na ako tula Ang walang Ako ang daigdig na kamatayang ako tula Ang tula ng daigdig Ang tula ng daigdig ANG TULA Ako ang daigdig ng tula Ako ang tula ng daigdig Ako Ang malayang ako Matapat sa sarili Sa aking daigdig na tula Ako ang tula sa daigdig Ako ang daigdig ng tula Ako ANG TULA Ako Ang damdaming malaya Ako Ang buhay na walang hanggan Ako Ang damdamin Ang larawan Ang buhay Damdamin Larawan Buhay Tula Ako ANG TULA Ako Ang daigdig Sa tula Ako Ang tula Ako Ang tula Daigdig Tula Ako Sa daigdig PAGKRITIKO SA TULA Noong una, hindi tinanggap ng mga kritiko ang tulang ito dahil sa mga sumusunod: ⚫ Naiiba sa tradisyonal na paraan ng pagsulat ng tula ⚫ Paulit-ulit ang mga salita na parang sirang plaka ⚫ Sa katagalan, ito ay tinanggap rin at hinirang na isa sa mga pinakasikat na tula sa kanyang panahon PAGSUSURI Ako ang daigdig Ako ang tula Ako ang daigdig ang tula Ako ang daigdig na tula Ang tula ng daigdig Ipinapakita dito ang pagkakaisa ng katauhan ng nagsasalita sa daigdig, at sa tula. Ang mga salitang ako, daigdig, at tula ay pinagbabaliktad dahil sila ay pare-pareho at hindi mo makikilala ang kanilang pagkakaiba. PAGSUSURI Ako Ang walang maliw na ako Ang walang kamatayang ako Ang tula ng daigdig Dito ipinapakita na ang nagsasalita ay walang limitasyon kaya wala siyang kamatayan. Ang kanyang tula ay wala ding limitasyon dahil siya at ang tula ay iisa. PAGSUSURI Ako ang daigdig ng tula Ako ang tula ng daigdig Ako Ang malayang ako Matapat sa sarili Sa aking daigdig na tula Dito ipinapakita ang paguulit niya sa kanyang naunang nais ipahayag – na iisa ang nagsasalita, ang daigdig, at ang tula. Ipinapakita rin ang kagandahan ng kanyang likha sa pagsasabing siya ay malaya at matapat sa sarili, kahit ano pang sabihin ng mga kritiko. PAGSUSURI Ako Ang damdaming malaya Ako Ang buhay na walang hanggan Pinapakita dito na nagrerebelde ang manunula sa mga paghihigpit sa paraan ng pagsulat ng tula. Pinatunayan ito ng pag-gamit ng mga salitang “damdaming malaya”. Ang “buhay na walang hanggan” ay maaaring tumukoy sa pananatili ng kanyang sariling estilo sa pagtula. PAGSUSURI Ako Ang damdamin Ang larawan Ang buhay Damdamin Larawan Buhay Tula Ako Pinapakita niya ang pagkakaisa ng kanyang pagkatao, damdamin, at paniniwala sa tula na kanyang daigdig. Ang huling salita dito ay “ako” at pinapakita nito ang kanyang pagtitiwala sa pasya niyang lumihis sa nakasanayang estilo ng panunulat ng tula. HULING MGA SALITA Ito ang tulang nagbuklod ng damdamin at pag-iisip ng sining na tinatag ng may katha. At gaya ng isang ibon na malayang lumipad at naging hari ng himpapawid ng kanyang buhay,si Alejandro Abadilla ay naging kilala rin sa pagpapakilala ng sariling paraan ng pagsulat sa kanyang natatanging kathang: