Gawain Blg. 1 Repleksyong Papel Lingid sa ating kaalaman, ang ating kasalukuyang panahon ay nakakaranas ng mga suliranin na hindi alam kung paano ito malulutas. Lumipas ang ilang dekada subalit tila ang mga suliranin na kinakaharap ng ating lipunan ay hindi nababawasan bagkus ito ay patuloy na nadadagdagan at tila lumalala pa. Hindi maiiwasan ang mga sakanunang ating nararanasan tuland ng bagyo, urbanisasyon, at polusyon. Taon-taon ang ating bansa ay nakakaranas ng bagyo. Ito’y hindi maiiwasan sapagkat ang ating bansa ay malapit sa dagat pasipiko kung saan ang mga bagyo ay dito namumuo. Ang mga bagyo ay nagdudulot ng pagbaha na kung saan marami sa ating kapwa Filipino ay napeperwesyo. Ito ay sanhi ng pagtapon ng mga basura kung saan-saan sa lansangan at pagkaputol ng mga puno, na kung saan ginagamit sa paggawa ng mga materyalis. Ang urbanisasyong ay may dalawang apekto sa bansa. Ang una dito ay ang magandang epekto nito na pag-unlad ng ekonomiya subalit ito rin ay may masamang epekto tulad ng pagdami ng pupolasyon. Nagbunga ito ng polusyon sa mga taong naninirahan dito. Ito ay isa sa mga pangunahing pinsala na ating nararanasan sa pang araw-araw. Ito ay maaaring magdulot sa mga kapwa nating mamamayan ng sakit tulad ng altapresyon, sakit sa baga, at sakit sa puso dahil sa usok na nagmumula sa mga sasakyan at mga kampanyang lalabas ng usok at ng kanilang mga basura na kung saan-saan na lamang umaagos. Ang mga suliraning bumabalot sa ating lipunan ay hindi basta maiiwasan lalo pa’t gawa ito ng ating kapaligiran dahil sa ating kapabayaan. Tao ang sanhi at dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran. Kaya natin itong bawasan kung papairalin natin ang disiplina sa ating mga sarili. Ang mundo ay isang espesyal na lugar kung kaya’t atin itong pakakaingatan.