Pagpapakilala ng Grupo: Magandan g hapon, kami ang ika pitong grupo at tatalakayin naming ang mga Epekto ng Noli Me Tangere sa mga Pilipino. Papakilala ang bawat isa Marianne: Noli Me Tangere Noong 1887, ang Noli Me Tangere ay itinuturing na political novel o nobelang pampolitika na nagsasalaysay ng mga makatotohanang pangyayari sa bansa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Maraming Pilipino ang nabuhayan ng pag-asa nang mabasa nila ang nobela ni Rizal. Gayunman, marami rin ang tumuligsa kay Rizal kabilang na ang manunulat na Espanyol na si Vicente Barrantes na pumuna at naninira kay Rizal bilang isang nobelista at Pilipino. Ipinahayag niyang maraming kontradiksiyon sa nilalaman ng nobela ni Rizal. MGA LAYUNIN NI RIZAL SA PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE 1. Matugon ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino sa bansa. 2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan at kalungkutan. 3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama. 4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di tunay na relihiyon. 5. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa karingalan ng pamahalaan. 6. Mailarawan ang mga kamalian, masamang hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay. Nicole: MGA KAAWAY NG NOLI ME TANGERE Padre Jose Rodriguez Isang Agustino na Superyor ng Guadalupe Naglathala ng serye ng walong polyeto na pinamagatang "Cuestiones de Sumo Interes" (Katanungan ng Dakilang Interes) para tuligsain ang Noli. Ang mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba. WALONG POLYETO 1. Bakit di ko dapat basahin ang mga iyon? 2. Mag-ingat sa mga ito. Bakit? 3. At ano ang masasabi mo sa akin tungkol sa salot? 4. Bakit nagtatagumpay ang mga walang galang? 5. Sa palagay mo ba‘y walang purgatoryo? 6. Mayroon ba o walang impiyerno? 7. Ano ang iyong palagay sa mga libelong ito? 8. Kumpisal o walang hanggang kapahamakan? Vicente Barrantes Ang kaguluhang likha ng Noli ay nakarating sa Espana nang kalabanin ito ng isang manunulat na Kastila. Ang kanyang atake ay lumabas sa La España Moderna, isang pahayagan sa Madrid noong Enero, 1890. Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere Jose Salamanca Luis M. de Pando Fatima : MGA TAGAPAGTANGGOL NG NOLI ME TANGERE *Mga Repormistang Pilipino *Padre Francisco de Paula Sanchez *Dr. Miguel Moraytaestadista *Ferdinand Blumentritt- propesor at edukador *Padre Vicente Garcia- isang iskolar na paring Pilipino na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng pangalang panulat na Desiderio Magalang at kanyang sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose MGA REPORMISTANG PILIPINO Graciano Lopez-Jaena Marcelo H. del Pilar Mariano Ponce Gregorio Sanciano juan Luna Antonio Luna Jose Maria Panganiban Antonio Maria Regido PAG TATANGGOL NI RIZAL SA NOLI Tinugunan ni Rizal ang mga paninira ni Barrantes sa pamamagitan ng isang liham na nailathala sa La Solidaridad noong Pebrero 1890. Inamin niyang isang satire o panunudyo ang Noli Me Tangere na nagsisiwalat ng mga katotohanan laban sa pamumuno ng mga Espanyol. Ipinahayag din niya ang nagaganap na korapsiyon kaya isinulat niya ang nobela upang maisalba ang anomang natitira para sa mga Pilipino at managot ang mga dapat managot. ANG PAG TATANGGOL NI MARCELO H. DEL PILAR SA NOLI Ang pagkalaban sa Noli ay kauna-unahang sinagot ni Marcelo H. del Pilar. Ipinamukha ni del Pilar sa Komisyon ng Sensura na “Ang kawalan ng katapatan at masamang hangarin ay hindi matatakpan ng retorika.” Naglathala si del Pilar ng isang munting aklat na may pamagat na “Caiingat Cayo”na pumupuri sa nobela. Ito ay sinadya niyang isulat sa aklat ni Padre Jose Rodriguez, kung kaya’t ito’y naipamudmod sa simbahan ng mga prayle sa pag-aakalang ito’y aklat ni Padre Rodriguez. Ang Argumento ni Padre Vicente Garcia 1. Hindi isang ignoranteng tao si Rizal dahil nagtapos siya sa mga unibersidad ng Espanya at nakatanggap ng karangalang iskolastiko. 2. Hindi tinutuligsa ni Rizal ang Simbahan at Espanya dahil ang pinupuna niya sa Noli ang mga masasamang opisyal at tiwaling prayle lamang. 3. Kung sinasabi ni Padre Rodriguez na kasalanang mortal ang pagbasa ng Noli, ibig sabihin ay siya rin ang gumawa ng mortal na kasalanan dahil binasa niya ang Noli Jose Taviel de Andrade Isang tenyente ng hukbong Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway. Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura, naging ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan at pagbaril ARIEL: SULIRANING AGRARYO SA CALAMBA Emilio Terrero Ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli Me Tangere. Hinigian niya si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala. Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa sa Noli MeTangere at nagpasimula ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis nanagaganap dito Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod: a. Ang Hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong bayan ng Calamba. b. Ang tubo ng mga paring dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa. c. Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura. d. Ang mga kasama na siyang nahirapan nang labis sa paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang e. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay kinukumpiskang mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga hayop, kagamitan o maging ang bahay ng mga kasama PAG-ALIS SA CALAMBA Dahil sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa Hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano. Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrerona iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapo sakanya ngunit ang Gobernador Heneral ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle. Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas. Fernando Vida