DIVISION UNIFIED TEST IN ARALING PANLIPUNAN 9 3rd Quarter PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Itiman lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. Kalakalan sa loob at labas ng bansa B.Kita at gastusin ng pamahalaan C.Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal D.Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya 2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya? A. Nagbibigay ng subsidy B. Nagpapanatili ng katahimikan C. Nagpapataw ng buwis at nagbibigay ng sahod sa sambayanan D. Nagpapatupad ng batas 3. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano magkakaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal? A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto C. Nagbukas ng bagong planta ang sambahayan para sa bayan D. Sa sambahayan nagmula ang mga salik ng produksiyon na pagpoproseso ng bahaykalakal 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaikot sa ekonomiya ng ating bansa? A. Lupa B. Paggawa at kapital C. Pamahalaan D. Sambahayan at bahaykalakal 5. Ano ang pangunahing gawain o transaksiyon ng sambahayan at bahay-kalakal sa ekonomiya? A. Tagaayos ng gusot sa bayan B. Tagapagbantay ng mga paninda C. Tagapagsuplay ng produkto sa mamimili D. Tagapagtangkilik ng produkto 6. Ano ang ibig ipahiwatig sa paikot na daloy ng ekonomiya? A. Nabibigay-impormasyon sa tao sa interaksiyon ng bawat sektor sa lipunan B. Nalalaman kung lumago ang ekonomiya ng bansa C. Napalinang ang ating bansa D. Palatandaan na lumago ang bansa 7. Paano naapektuhan ng dayuhang sektor ang mga patakaran ng pamahalaan sa ekonomiya? A. Daan ito upang palaguin ang ekonomiya B. Naghimok sa kanila na makikipakalakalan sa ating bansa C. Nagsumikap na patatagin ang ekonomiya ng bansa D. Nag-udyok sa pagprodyus ng may kalidad na produkto 8. Sa kabuuang ugnayan ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at dayuhang sektor, paano ilalarawan ang konsepto ng paglabas at pagpasok ng produkto, kita at gastos? A. Mabilis ang sirkulasyon sa paglabas at pagpasok ng produkto, kita at gastos B. Napaayos at napaganda ang ekonomiya ng bansa C. Napaunlad pa lalo ang bansa D. Produktibong paglabas at pagpasok ng produkto, kita at gastos 9. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income? A. Economic Freedom Approach B. Expenditure Approach C. Income Approach D. Industrial Origin/ Value Added Approach 10. Ano ang silbi ang GNP/GDP sa pagtaya ng antas ng kaunlaran ng bansa? A. Nagbibigay ideya tungkol sa antas kung gaano kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa B. Nagpapatibay sa ekonomiya ng bansa C. Nagpapayaman ito sa bansa D. Palatandaan sa pagsulong ng bansa 11. Paano sinusukat ang GNP batay sa gastos? A. Isama ang ibang gastos sa paglikha ng produksiyon B. Kita lang ng bansa ang pagbabatayan C. Kita ng bahay-kalakal D. Kita ng pamahalaan 12. Bakit kailangang sukatin ang paglago ng ekonomiya? A. Malaman kung lumago ba ang bansa o bumaba ang ekonomiya nito B. Malaman kung umunlad ba ang Kalakalang-Panloob C. Masusukat ang naprodyus na produkto D. Masusukat kung umuunlad ba ang Kalakalang-Panlabas 13. Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya? A. Deplasyon B. Depresyon C. Implasyon D. Konsesyon 14. Saan hahantong ang suliranin ng implasyon? A. Kabuuang ekonomiya B. May impok sa bangko C. Mga negosyo sa real estate o alahas D. Mga taong may tiyak na kita 15. Paano malulutas ang suliranin ng implasyon? A. Hindi dapat tayo nagpapadala sa ating kagustuhan B. Pag-iwas sa pagbili ng mga paninda C. Pagkontrol sa ating kita/salapi D. Sa pamamagitan ng tamang produksiyon 16. Bakit masabing pangunahing suliranin ng makroekonomiks ang implasyon? A. Malaki ang epekto sa ekonomiya B. Palatandaan ng kasaganaan C. Suliranin sa pagtaas ng mga presyo sa pamilihan D. Susi sa kaunlaran 17. Alin sa mga sumusunod ang di nakikinabang sa implasyon? A. Mga umuutang B. Nagpapautang C. Negosyante/ may-ari ng kompanya D. Pamahalaan 18. Alin ang di nalulugi kapag may implasyon? A. May tiyak na kita B. May-ari ng kompanya C. Taong nag-iimpok D. Taong nagpapautang 19. Sa papaanong paraan malutas ang demand pull inflation? A. Pagbibigay pansin sa produktibidad B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang ekonomiya C. Pagkontrol sa suplay ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya D. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta 20. Bakit nagkakaroon ng costpush? A. Kapag mataas ang presyo ng bilihin B. Kapag tumaas ang mga gastusing pamproduksiyon C. Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar D. Pagdedepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap 21. Bakit nagkakaroon ng structural-inflation? A. Kawalan ng kakayahang sektor na malayang anumang pagbabago sa dami ng kabuuang demand ng ekonomiya B. Pagtaas sa presyo ng mga bilihin C. Pagtunggalian ng mga pangkat sa lipunan upang makakuha ng malaking bahagi ng kabuuang kita D. Patuloy na pag-aangkat ng mga produkto 22. Ano ang epekto ng implasyon? A. Di pagkontrol sa presyo ng mga produkto B. Pagbaba ng demand C. Pagbaba ng suplay ng produksyon D. Pagkawala sa produktong dayuhan 23. Alin sa mga sumusunod ang mas higit na naapektuhan sa implasyon? A. Empleyadong tumanggap ng sahod bawat araw B. Mga walang trabaho C. Pampribadong kawani D. Pampublikong kawani 24. Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin ng implasyon? A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihan sa pamilihan B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan C. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon on kakulangan D. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo 25. Bakit naapektuhan tayo kapag may implasyon? A. Di matugunan ang mga pangangailanganng mga mamamayan B. Maaring di tayo makapaglibang C. Naghihikahos ang mga mamamayan D. Nahirapan bilhin ang ating pangunahing pangangailangan sapagkat tumaas ang presyo 26. Ano ang tawag sa ginawang paghahanda ng gobyerno sa bawat-taon? A. Pambansang-badyet B. Pinansiyang pampubliko C. Sistemang piskalya D. Subsidy 27. Ano ang isang gawain na may kinalaman sa pagbubuwis at pangungutang? A. Excise tax B. Sistemang piskalya C. Tax expenditures D. Tax-revenues 28. Paano nakakatulong ang patakarang-piskal sa ating bansa? A. Ang patakarang piskal ay gumagamit ng badyet at paggasta B. Daan tungo sa tagumpay C. Gabay sa pamumuhay ng tao D. Susi sa kaunlaran 29. Paano nakatutulong ang pagbabayad ng buwis sa patakarang piskal? A. Maayos ang takbo ng kabuhayan ng bansa B. Nakaahon tayo sa ekonomiya C. Nagsisilbing pondo para sa proyekto D. Umunlad ang ekonomiya ng bansa 30. Ano ang ibang tawag sa pambansang badyet? A. General Appropriation Act B. Komisyon C. Pag-angkat D. Pondo 31. Alin ang di-kabilang sa pinaglalanan ng badyet ng ating pamahalaan? A. Economic services B. General public services C. Social services D. Treasurers bond 32. Paano nakalikom ng badyet ang pamahalaan para sa proyekto nito? A. Galing sa tulong ng multinational company B. Mula sa buwis na ibinabayad ng mga tao C. Mula sa mga dayuhang mangangalakal D. Pagpapataw ng sisingiling buwis 33. Bilang mag-aaral, paano ka makapag-aambag ng buwis na makatutulong para sa iyong komunidad? A. Hahayaan na ang pamahalaan ang aaksiyon sa naturang programa B. Magsasawalang-bahala na lamang C. Tutulong sa kompanya sa wastong pagbabayad ng buwis D. Tutulong sa lahat ng programa ng pamahalaan 34. Bakit labag sa batas ang taxevasion? A. Dahil umiiwas sa pagbabayad ng buwis B. Illegal na gawain na di pagbabayad ng buwis C. Makatarungang gawain D. Napabilang ito sa pormal na ekonomiya 35. Bakit kailangan na paglaanan ng badyet ang anumang proyekto ng pamahalaan? A. Maayos ang kanilang pamamalakad sa bansa B. Madaling maisakatuparan ang mga proyekto C. Maging kaaya-aya ang galaw ng ekonomiya D. Mapakinabangan ito ng sambayanan 36. Ano ang tawag sa buwis na ipinapataw sa sigarilyo, alak at sinehan? A. Amusement Tax B. Expanded Value Added Tax C. SinTax D. Value Added Tax 37. Alin sa mga sumusunod na batas ang Tax Reform for Acceleration? A. R.A 10963 B. R.A. 7610 C. R.A. 9003 D. R.A. 9262 38. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabalangkas ang pambansang badyet, paano mo ito hahati-hatiin? A. Bigyan ng prayoridad ang pagliliwaliw B. Bigyang prayoridad ang edukasyon C. Malaki ang badyet para sa bayan D. Pagtutuunan ng pansin ang turismo 39. Kung ikaw ang magiging Pangulo ng bansa, ano ang paglalaanan mo ng mas malaking badyet? A. Imprastraktura B. Tanggulang Pambansa C. Repormang-Agraryo D. Social Services 40. Bakit nangangailangan ng salapi ang pamahalaan? A. Maisakatuparan ang lahat ng programa at proyekto B. Mapaangat ang kabuhayan ng bansa C. Mapanatili ang kapayapaan D. Mapangalagaan ang bayan 41. Ano ang tawag sa pera o barya na ginagamit ng tao bilang pambili sa kanyang pangangailangan sa bawat araw? A. Commodity money B. Salaping-nasa sirkulasyon C. Salaping-papel D. Special Drawing Rights 42. Alin sa sumusunod ang tungkulin at maaring gampanan ng pamahalaan ayon sa Batas ng Pananalapi at Sistemang Monetaryo? A. Patakarang Pangkabuhayan B. Patakaran para sa pagpigil ng daloy ng salapi C. Tight money policy D. Treasury bills 43. Alin sa mga sumusunod ang dikabilang sa pangunahing-gamit ng salapi? A. Gamit sa transaksiyon B. Pamantayan sa Pagtatakda ng halaga C. Paraan ng Pag-iimpok D. Reserba ng bangko 44. Bakit tumataas ang pangangailangan ng tao sa salapi? A. Dahil sa kahirapan B. Pangangailangan pra sa indibidwal na pag-iimpok C. Pangkalahatang- demand D. Transaksiyon 45. Bakit mahalaga ang salapi? A. Instrumento ng kalakalan B. Pamantayan para sa ipinagpalibang kabayaran C. Pamantayan sa pagtatakda ng halaga D. Paraan ng palitan 46. Ano ang bangko na kilala dati sa tawag na Rehabilitation Finance Corporation? A. Development Bank of the Phils. B. Land Bank of the Phils. C. Phils. National Bank D. World Bank 47. Alin sa mga sumusunod ang dikabilang sa katangian ng Bangko Sentral ng Pilipinas? A. Huling takbuhan ng mga bangkong nangungutang B. Nagbibigay ng treasurers bond C. Nagsisilbing tagapayo at tagapangasiwa ng pamahalaan D. Pag- aari ng Taumbayan 48. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pagkasara o pagkalugi ng bangko? A. Bankrun B. Debalwasyon C. Depresasyon D. Depresyon 49. Bakit tinaguriang Chief-banker ang Bangko Sentral ng Pilipinas? A. Dahil nagsisilbing tagapangasiwa at tagapayo ito ng pamahalaan B. Nagbibigay ng bills of exchange C. Nagbibigay ng diskwento D. Pangkalahatang bangko sa buong kapuluan 50. Bakit kinokontrol ng Bangko Sentral ang daloy ng salapi? A. Maiiwasan ang pekeng salapi sa sirkulasyon B. Makaiwas sa gulo C. Makaiwas sa bankrun D. Mapalago pa lalo ang bangko