Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY TANGOB ELEMENTARY SCHOOL Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Paaralan Guro Petsa Tangob Elementary School Josephine C. Torres Marso 21, 2023 (2:30-3:00-Martes) A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayan sa Pagganap C. Pamantayan sa Pagkatuto I. LAYUNIN Baitang Asignatura Markahan 5 ESP 3rd Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihan ng lahat,komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng kapaligiran Naisasabuhay ang pagkaka-isa at komitment bilang responsableng tagapangalaga ng kapaligiran Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan EsP5PPP-IIIf-29 25.1 paggalang sa karapatang pantao Sa loob ng 30 minuto, inaasahang ang mga mag-aaral ay: a. Natutukoy ang mga karapatang pantao b. Nakagagawa ng slogan tungkol sa karapatang pantao c. Napapahalagahan ang paggalang sa karapatang pantao II. NILALAMAN Paggalang sa Karapatang Pantao III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Patnubay ng Guro ESP Modyul 7 https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/02/ESP5-Q3MODYUL7.pdf 2. Kagamitan ng Mag-aaral B. Iba pang kagamitan Laptop, TV, powerpoint presentation, mga larawan Bawat Bata https://www.youtube.com/watch?v=Cj66RwABdjI IV. PAMAMARAAN A. Pagbabalik-Aral Iguhit ang kung ang isinasaad sa bawat bilang ay pakikiisa sa mga programang nagpapanatili ng kapayapaan at kung hinde. ________1. Pagsunod sa batas trapiko ________2. Panlalait sa kapitbahay na may kapansanan ________3. Pananatili sa loob ng bahay kung oras na ng curfew ________4. Pagtali sa mga alagang aso upang hindi makakagat. ________5. Paggamit ng masasakit na salita sa kapwa. B. Pagganyak Aawitin ng guro at mag-aaral ang awiting “Bawat Bata”. Tanong: Tungkol saan ang awitin? Inaasahang sagot C. Paglalahad tungkol sa karapatan ng bata o tao. Paggalang sa Karapatang Pantao Alam mo ba na ang kapayapaan ay paggalang din sa mga karapatang pantao. Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng tao. Nakasulat sa Universal Declaration of Human Rights at Child Protection Program ang mga karapatan ng bawat tao. Ilan sa mga nakasaad dito ay ang: 1. karapatang mabuhay ng malusog, payapa at ligtas 2. karapatang makapag-aral at makapaglibang 3. karapatang pumili ng nais iboto, at 4. karapatang pumili sa kinaanibang relihiyon, kultura at iba pa. Tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng karapatang pantao? 2. Ano-ano ang mga karapatang pantao na ating tinalakay? D. Pagpapalawak ng kaalaman PANGKATANG GAWAIN Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng metacards kung saan ay gagawa sila ng slogan tungkol sa karapatang pantao. Gagamiting gabay ang Rubrics sa pagmamarka ng awtput. Inaasahang matapos ang pangkatang gawain sa loob ng 5 minuto. Pangkat – 1 karapatang mabuhay ng malusog, payapa at ligtas Pangkat – 2 karapatang makapag-aral Pangkat – 3 karapatang pumili ng nais iboto Pangkat – 4 karapatang pumili sa kinaanibang relihiyon, kultura at iba pa E. Paglalapat Bilang isang mag-aaral paano mo maipakikita ang paggalang sa karapatang pantao ng iyong kapwa? Pagpapahalaga: Ano ang kahalagahan ng paggalang sa karapatang pantao ng bawat isa? F. Paglalahat Ano ang karapatang pantao? Tandaan: Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng tao. Ang kapayapaan ay paggalang din sa mga karapatang pantao. V. PAGTATAYA Panuto: Iguhit ang kung ang pahayag ay nagsasaad ng paggalang sa karapatang pantao at VI. TAKDANG ARALIN kung hindi. _____1. Nagpatayo ang gobyerno ng mga pampublikong paaraalan upang makapag-aral ang mga bata. _____2. Hanggang 1:00 ng madaling araw ay nagpapatugtog pa din ng malakas na videoke si Mang Nestor dahil kapistahan ng Brgy. Tangob kahit alam niyang may pasok pa kinabukasan ang kanyang mga kapitbahay. _____3. Tinutukso ni Julius si Beejay dahil iba ang relihiyon nito. _____4. Nagsagawa ng medical mission ang mga doktor at nars sa Brgy. Tangob, kauganay nito ang libreng check-up sa mga bata at matatanda. _____5. Malayang ibinoto ni Jester ang kanyang gustong punong barangay noong nakaraang halalan. Gumawa ng 1-2 saknong na tula tungkol sa “Paggalang sa Karapatang Pantao”. Isulat ito sa iyong kwaderno sa ESP. Inihanda ni: Josephine C. Torres Teacher 1 Itinama ni: Maria C. Valenzuela Principal I