Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY ABUNDIO TORRE MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Paaralan Guro Petsa Abundio Torre Memorial Elementary School Bb. Josephine C. Torres Nobyembre 7, 2022- Lunes I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayan sa Pagganap C. Pamantayan sa Pagkatuto II. NILALAMAN III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Patnubay ng Guro 2. Kagamitan ng Mag-aaral B. Iba pang kagamitan IV. PAMAMARAAN A. Pagbabalik Tanaw at/o pagsisimula ng bagong aralin B. Pagganyak C. Paglalahad ng Paksang Aralin D. Pagpapalawak ng kaalaman Baitang Asignatura Markahan 4 ESP 2nd Naipapamalas ang pag-unawa na hindi naghihintay ng anumang kapalit ang paggawa ng mabuti Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapwa Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng: 5.1 pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob EsP4P-IIa-c-18 Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko Batayang Pagpapahalaga:Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy) Patnubay ng Guro mga pahina 46-50 Kagamitan ng Mag-aaral mga pahina 78-86 Laptop, TV, powerpoint presentation, mga larawan ISAGAWA NATIN Gabay na tanong sa nakaraanag aralin: 1. Ikaw ba ay isang batang mahinahon? 2. Ano-ano ang mga katangian ng isang batang mahinahon? Ipaskil ang mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyon (masayang mukha, malungkot na mukha, galit at iba pa). Maaring gumamit ng laptop o tunay na larawan. Magbigay ng mga sitwasyon kung saan ikaw ay nagiging masaya, malungkot o nagagalit? Aralin 1: Pagkakamali Ko Itutuwid Ko Basahin ang kwento: Parol ni Carla Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan. Masayang-masaya siya sapagkat natapos niya ang kaniyang proyektong parol. Katulong niya ang kaniyang buong pamilya sa paggawa nito. Habang bitbit niya ang parol ay nasagi siya ng isang batang nakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla at nasira ito. Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang klase at nasira pa ang kaniyang proyektong parol. “Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay Ma’am,” himutok ni Carla. “Pasensiya na, hindi kita napansin kasi naghahabulan kami,” paumanhin ng nakasaging bata. “Tutulungan na lamang kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng batang nakasagi. Pumayag naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag sa guro kung bakit nasira ang parol. Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang bata sa pagbuo ng parol ni Carla. Magkasama nila itong ipinasa sa guro at naging magkaibigan pa silang dalawa. Talakayin ang mga katanungan. sa LM pahina 80 Blg 1-5.Tanggapin at talakayin ang iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral. 1.Isalaysay ang nangyari habang naglalakad si Carla patungo sa kaniyang silidaralan. E. Paglalapat F. Paglalahat V. PAGTATAYA VI. TAKDANG ARALIN 2.Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi? 3.Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa nakasagi sa iyo? 4.Paano itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang pagkakamali? Tama ba ang kaniyang ginawa? 5.Sa iyong palagay, ano pa ang ibang paraan upang maituwid ang nagawang pagkakamali? Magbigay ng isang sitwasyon na ikaw ay nagkamali at kung paano mo ito naituwid. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Normal lang sa isang tao ang magkamali. Subalit hindi ito dapat abusuhin, nararapat itong gawing panuntunan upang maiwasan ang pagkakamali at makasakit ng damdamin ng ating kapuwa.Ang paghingi ng paumanhin ay isang positibong kaugalian na dapat makasanayan ng isang bata. Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi kahinaan bagkus ito ay tanda ng pagiging mahinahon at maunawain sa damdamin ng kapuwa. Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pahayag na nagpapakita ng pagnanais na maituwid ang pagkakamali at ekis (x) kung hindi. _____1. Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at hinaharap ang bunga ng aking ginawa. _____2. itinutuwid ko ang aking pagkakamali sa pamamagitan ng pag-amin sa aking ngawang kasalanan. _____3. Hindi ako humihingi ng tawad sa nagawan ko ng mali. _____4. Humihingi ako sa aking kaklase ng paumanhin kahit hindi ko sinasadya ang aking pagkakamali. _____5. Wala akong pakialam sa nararamdaman sa damdamin ko sa paligid. Sagutan ang gawain 1 sa inyong aklat sa ESP pahina 80-81. Pumili lamang ng isa kung ito ay kapamilya, kaibigan, kaklase o kalaro ? Isulat ito sa iyong kwaderno. Inihanda ni: Bb. Josephine C. Torres Substitute Teacher Itinama ni: Gng. Mhelody L. Andal Head Teacher I