ROMANTISISMO ROMANTISISMO •Nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. •Nagbibigay ito ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa katotohanan, heroism at pantasya. ROMANTISISMO •Umusbong ito sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. •Kasalungat nito ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. ROMANTISISMO • Pag-ibig sa kalikasan • Pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan • Paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao • Paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na material • Pagpapahalaga sa dignidad • Kahandaang magmahal sa babae/lalaking nagaangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan. ROMANTISISMO • Layunin ng teoryang ito na ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. • Ipinakikita sa mga akda an pagsusumikap ng mga tauhan na maipaalam ang kanyang pag-ibig sa tao o baying napupusuan. ROMANTISISMO •INSPIRASYON + IMAHINASYON •Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal, katotohanan, kabutihan at kagandahan. ROMANTISISMO ROMANTIKO ang tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo. DALAWANG URI NG ROMANTISISMO 1. Romantisismong Tradisyunal- nagpapahalaga sa halagang pantao. 2. Romantisismong Rebolusyonaryopagkamakasariling karakter ng isang tauhan. ROMANTIKO ang tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo. JOSE CORAZON DE JESUS - Kilala bilang Huseng Batute. - isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging Malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas. - Ang kanyang mga akda ay mga namumuna sa mga nangyayari sa lipunan. LOPE K. SANTOS • Tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan. • Isa rin siyang abogado, kritiko at lider obrero. • Ilan lamang sa kanyang mga naisulat ay ang Puso at Diwa, Mga Hamak na Dakila, Ang Diwa ng mga Salawikain. ILDEFONSO SANTOS • Isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon. • Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puno ng diwa at damdamin. • Ilan lamang sa kanyang mga akda ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. FLORENTINO COLLANTES • Kilala sa tawag na “Kuntil Butil” • Ginamit niya ang tula sa mga political na kritisismo noong panahon ng Amerikano. • Higit na kinilala ang kanyang kahusayan sa pagsulat ng mga tulang pasalaysay. • Ilan sa kanyang mga akda ay Ang Magsasaka, Pangaral sa Bagong Kasal, Balugbugan, Ang Tulisan INIGO ED REGALADO • Tanyag sa sagisag na “Odalager” • Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. • Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang DAMDAMIN na nagtamo ng gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941. MACARIO PINEDA • Hinahangaan siya sa paggamit ng katutubong kulay at mahusay na kaalaman sa idyoma at tradisyonal na kostumbre ng mga Filipino. • Taong 1944, napabilang ang kanyang likhang “Ang Suyuan sa Tubigan” sa dalawampu’t limang pinakamahuhusay na akda ng magasing Liwayway. JOSE ESPERANZA CRUZ • Siya ay nagging Edito in Chief sa Liwayway Magazine. • Ilan sa mga isinulat niya ay isinapelikula. • Taong Demonyo (1937) • Tatlong Maria (1944) • Habang Buhay (1953) • Nagbalik na Kahapon (1962) • Pitong Puso (1962) • Siyam na Langit (1962) KAILAN/PAANO GINAGAMIT ANG ROMANTISISMO SA PANUNURI •Ang Romantisismo ay isang kilusan noong huling ikalabindalawang siglo na dumadakila sa individualism, revolusyonismo, inobasyon, imahinasyon at natural na ugali. • Sa pagsusuri ng akdang Romantisismo, binigyang-tuon ang mga karakter at ang kanilang mga damdamin sapagkat ito’y nakapokus sa kalayaan ng damdamin kaysa kaisipan. • Pinapahalagahan ang damdamin at pinapanigan nito ang malalayang kilos kaysa pinipigil at pag-aayos. HALINA’T SURIIN NATIN ANG MGA AKDA! PAGTATAPAT Lope K. Santos PAGTATAPAT Ibig kong kung ikaw ay may iniisip, Sa ulo mo'y ako ang buong masilid. Ibig kong kung iyang mata'y tumititig, Sa balintataw mo ako'y mapadikit. Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig, Ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis; Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib, Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig. Hangad kong kung ika'y siyang naguutos, Akong-ako lamang ang makasusunod. Hangad kong sa iyong mga bungangtulog,, Kaluluwa ko lang ang makapupulot. Hangad kong sa harap ng iyong alindog, Ay diwa ko lamang ang makaaluluod. Hangad kong sa "altar" ng iyong pagirog, Kamanyang ko lamang ang naisusuob. PAGTATAPAT Nasa kong kung ika'y may tinik sa puso, Dini sa puso ko maunang tumimo. Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y, Maluoy sa halik ng aking pagsuyo; Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo, Ay mabayaran ko ng libong pangako; Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo, Ay mga labi ko ang gamiting panyo. Nais kong sa aklat ng aking pagsinta, Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa. Nais kong sa mukha ng ating ligaya, Batik man ng hapis ay walang Makita. Nais kong ang linis ng ating panata'y, Huwag marungisan ng munting balisa, Nais kong sa buhay nga ating pagasa'y, PAGTATAPAT Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa’y Hamog ng halik mo ang magpapasariwa; Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala Ay wala nang ulap na makagambala; Mithi kong ang tibay ng minsanang sumap’y Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa; Mithi kong kung ako’y mabalik sa wala Ay sa wala yao’y huwag kang mawala. PAGTATAPAT: ANALISIS 1. SAAN PATUNGKOL ANG TULA? -Tungkol ito sa pagtatapat (confession)at pagmamahal ng may-akda. 2. ANONG TAYUTAY ANG GINAMIT SA TULA? - Ang tula’y nagamitan ng pagtutulad kung saan ang pagmamahal ay inihahambing sa tala at ikinikompara niya ang pagmamahal sa isang handog sa “altar” ng kanyang minamahal PAGTATAPAT: ANALISIS 3. PAANO NAIPAKITA NG MAY-AKDA ANG KANYANG PAGMAMAHAL SA ISANG TAO? -Ipinapakita ang pagiging tapat niya sa bandang huli ng tula—noong sinasabi niya na kahit bumalik siya sa wala, kapag mamamatay niya sa, dapat bumalik rin siya sa kanyang kasintahan. -Ipinakita rin na ang pagmamahal na ito’y nagtagal kahit minsan itong isinumpa. Kahit nahihirapan ang tao, nagiging bago o kaya’t sariwa ang kanyang pagmamahal ulit sa piling ng kanyang kasintahan. PAGTATAPAT: ANALISIS 4. BAKIT NAPABILANG ANG TULANG PAGTATAPAT NI LOPE K. SANTOS SA MGA NAGPAPAKSA NG TEORYANG ROMANTISISMO? -Isa sa mga katagian ng teoryang romantisismo ay pagmamahal. At makikita sa tulang ito ang maraming halimbawa sa pagpapakita ng pagmamahal sa isang tao, at sa paggamit ng pagmamahal nito habang buhay. PANUTO: Basahin at suriin ang tula ni Ildefonso Santos na “PAKIKIDIGMA.” Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungang naihanda. 1. Ano ang sinisimbolo ng tulang “PAKIKIDIGMA?” IPALIWANAG. 2. Bakit napabilang ang tulang “PAKIKIDIGMA” ni Jose Corazon de Jesus sa mga nagpapaksa ng teoryang romantisismo? IPALIWANAG. PAKIKIDIGMA Huwag kang uurong, lalalim ang sugat, Ngunit naubos na ang dugong tatagas; Ang sugat man naman kung buka’t bukadkad, Tila humihingang bibig ng bulaklak. Kung ikaw’y natalo o kaya’y nadapa, Magbangon kang muli saka makidigma; At lalong mabuti ang mukhang may gatla Ng lahat ng iyong tinitiis na taga. Walang bagay ditong hindi natitiis Pag lagi nang apdo ang iyong sinisid; Ang pait na ito’y ngiging matamis, Kumakaraniwan sa may ditang bibig. Huwag mong naisin ang maging bulak ka, Iyan ay maputing dudumi pagdaka; Habang ikaw’y bato sa isang kalsada, Ang pison at gulong, kaibigan mo na. PAKIKIDIGMA Ikaw’y makidigma sa laot ng buhay At walang bayaning nasindak sa laban; Kung saan ka lalong mayong kahinaan, Doon mo dukutin ang iyong tagumpay. Jose Corazon de Jesus