Uploaded by primeape86352

Pagsusuri 4.doc

advertisement
Ipinasa nina:
Arenas, Rayven A.
Bugarin, Michelle Ann R.
Cervantes, Mellisa B.
Dela Cruz, Janice A.
Lavarias, Alyana Joy P.
Lavarias, Jemina S.
Layacan, Aira Mae S.
Pidlaoan, Brix Jhon B.
Quijano, Mary Cryslaine G.
Romero, Lester B.
Sta. Maria, Ma. Liwayway
Ipinasa para kay:
Bb. Darlly Diane Mamaril.
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/
I. Pamagat
Sister Stella (1984)
II. May Akda
Miguel Pamintuan de Leon
Si Miguel Pamintuan de Leon o “ Mike de Leon “ ay isang magaling na director,scripwriter,
cinematographer at producer. Ipinanganak noong May 24, 1947. Anak ninaAtty. Manuel de Leon at
Imelda Pamintuan. Siya ay nagpakadalubhasa sa University ofHeidelberg sa Germany at kumuha ng
kursong Masteral in Art History.Siya ay gumawa ng dalawang maikling pelikula ito ay ang Bisperas
( 1972 ) atMonologo ( 1975). Gumawa siya ng kanyang sariling pelikula sa tulong ni Lino Brocka,ito ay ang
Maynila, Sa mga Kuko ng Liwanag ( 1975). Sa pelikulang ito ay nanalo itobilang Best Cinematography sa
Filipino Academy of Movie Arts and Sciences. ( FAMAS).
III. Buod ng Pelikula
Ang pelikulang Sister Stella ay ang kwento ng pakikisangkot ng mga madreng sina Sister Stella Legaspi at
Sister Stella Bautista sa mga suliraning pampulitikal ito ay isang puntong tumutuligsang nakasanayan
nang mga ito ay kinakailangang manatili sa apat na sulok ng kumbento upang magdasal. Lingid sa ating
kaalaman ang tungkol sa mga suliraning pampulitikal ng bansa. Tulad halimbawa ng pagtanggi ni Sister
Juanita sa pakikisangkot ni Sister Stella Legaspi sa paghihimagsik ng mga manggagawa sa Barrio Agoho.
Sa kalaunan ay nanaig dito ang pagnanasang makibahagi sa pakikibaka ng mga manggagawa.
Ang matapang na partisipasyon ni Sister Stella Legaspi sa himagsikan ay isang sigaw sa paghingi ng
katarungan sa karahasang sinapit ni Ka Dencio. Samantala, ipinakita ang isyu ng malayang pagpapahayag
ay sa pamamagitan ni Nick. Ang paglathala ng artikulo nito tungkol sa pakikisangkot ng mga nabibilang sa
sektong pang-relihiyon sa suliraning pampulitikal ay isang pagtuligsa sa dating kasintahang si Sister Stella
Legaspi. Nauunawaan naman niya ang pananatili ng mga madre sa loob ng kumbento kaya’t tinanggap
ni Sister Stella Legaspi ang inihaing hamon ni Nick. Nang maging ganap na kaanib ang dating kasintahan
sa isyu ng mga manggagawa, higit niyang pinangalagaan ang kapakanan ni Sister Stella Legaspi.
Ang mga artikulong isinusulat ni Nick tungkol sa mga kaganapan sa Barrio Agoho ay halos hindi
mailathala ng kanilang pahayagan. Nang sila ay dakpin at maging saksi sa pagpapahirap kay Ka Dencio,
ang karanasang ito ay nagsilbing pagmulat ni Sister Stella L sa pangkalahatang suliraning pampulitikal.
IV. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan

Pelikula - dahil ito ay sumasalimin sa tunay na pangyayari.
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/
B. Kahulugan ng Pamagat

Ito ay tungkol sa isang madre na si Sister Stella Legaspi, na magiging kasangkot sa labor
strike pagkatapos malaman ang tungkol sa pagpapabaya ng pamahalaan sa mahihirap at
sa mga working natortureat ang lider ng unyon na si Ka Dencio ay kinidnap at pinatay.
Sumunod na dito ang kanyang pakikibaka laban sa kalupitan at kawalan ng katarungan.
C. Mga Tauhan

Sister Stella Legaspi (Vilma Santos) - isa siyang madre na tagapayo sa kumbento, tumutulong
sa mga kababaihan na mabigyan ng magandanf buhay, ang katapangan niya ang naging
instrumento ng mga welgista upang mas lumaban pa. Hindi ito takot na tumulong sa mga tao
kahit na alam niyang mapapahamak siya sa mga gagawin niya at hindi naging hadlang
sakanya ang pagiging madre upang maipaglaban ang kanilang karapatan.

Nick Fajardo (Jay Ilahan) - isa siyang journalist, pinakita dito ang pagiging matapang niya sa
pagsulat ng mga mapangahas na artikulo na talagang ipaglalaban ang karapatang mailathala
ang mga ito. Si Nick ay mainitin ang ulo lagi niya itong pinapairal ang galit ngunit sa huli ay
natauhan din, bilang isang journalist pinakita niya ang kaniyang suporta sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga artikulo tungkol sa welga.

Sister Stella Bautista (Laurice Guillen) - kasamahan ni Sister Stella, isa rin ito sa matatapang
na madre na kaniyang lumaban para sa kanilang karapatan. Tumutulong sa mga welgista para
mabigyan ang mga manggagawa ng karapatan n mag karoon ng desenteng buhay. Siya ang
nag udyok kay Sister Stella Legaspi na sumama sa welga.

Auring (Anita Linda) - asawa ni Ka Dencio, gagawin ang lahat para mabigyan hustisya ang
pagkamatay ng kaiyang asawa. Hindi hadlang ang pagiging babae niya para ipagpatuloy ang
sinimulang laban ng kaniyang asawa na makamit ang kanilang ipinaglalaban.

Ka Dencio (Tony Santos) - asawa ni aling Auring, lider ng mga welgista, hindi siya takot
ipaglaban ang kanilang karapatan kahit na ikakapahamak niya ito. Inuuna niya nag
kapakanan ng iba kaysa sa kaniyang sarili at gagawin lahat makamit lang ang kalayaan na
hinahangad mula sa mapanakal na pamumuno.

Gigi ( Gina Alajar) - si gigi ay isang buntis na binigyan ng payo ni Sister Stella sa kumbento,
iniwan ng kanyang kasintahan at pati ang kaniyang pamilya dahilan kung bakit sinisisi niya
ang diyos s mga problemanv dinadanas niya.
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/

Nes (Pen Medina) - nagtaksil kay Ka Dencio nasilaw ito sa pera, makasarili hindi iniisip ang
paghihirap at sakripisyo ng mga kasamahan niya upang ipaglaban ang kanilang karapatan at
mabigyan sila ng kalayaan.

Sister Juaning (Adul de Leon) at Sister Carmero (Jojo Sanchez) - kasamahan ni Sister Stella
sa kumbento, tumutuling din sa mga kababaihan pati na sa mga manggagawa sa
pamamagitan ng pag babahagi ng mga salitang diyos.
V. Reaksyon
A. Sa mga nag siganap

Vilma Santos – Napakahusay sa pag arte, nabigyang diin niya ang kanyang mga linya at
bagay na bagay ang kanyang pag ganap bilang isa mabuting madrei. At ang gusto nya lamang
ay mabigyan ng magandang buhay ang nga kababaihan.

Nick Fajardo – magaling sa pagganap bilang isang journalist . At pinakita nya kung gano sya
katapang sa pagsulat na mapangahas na artikulo.

Laurice Guillen– Magaling sa pag arte bilang isang kasamahan ni sister stelle. At isa din syang
matapang na madre, tumutulong din sa welgista para mabigyan ang mga mang gagawa ng
disenteng buhay

Anita Linda– Isa sa napakahusay na aktres, walang kupas ang kanyang pag arte at gagawin
lahat mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa. Naisagawa nya ng maigi
ang kanyang aksyon at nabigyang diin niya ang mga salitang nais niyang ipahaya

Tony Santos - Napakahusay at Bagay na bagay ang kanyang ginanapan bilang isang lider ng
welgista.

Gina Alajar – Magaling sa pag arte at di kakakitaan ng hirap sa kanyanh role.

Pen Medina- Isang napakahusay na aktor at pawang propesyonal eto kung umarte nabigyan
nya din ng hustisya ang kanyang role.

Adul de leon at jojo sanchez –Pareho silang magaling sa pag arte at nabigyan din nila ng
hustisya ang kanilang ganap sa pelikula.
B. Istilo ng manunulat ng Iskrip

Ang istilo ng manunulat ay kahanga-hanga sapagkat nagbahagi siya ng obrang tiyak na aakit
sa atensyon ng karamihan. Ang pinaghalong love story at ang kumplikasyon sa pagitan ng
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/
politika at simbahan ay naging magandang kumbinasyon dahil na rin sa magandang daloy ng
kwento. Makikita mo na ang mga prinsipiyong nakapaloob ay nangyayari pa rin sa
kasalukuyan, ganoon kaimpluwensya ang paksang ginamit ang manunulat. Nasalamin din
ang parehong paigiging mapusok at katapangan ng mga kababaihan. Tulad ng pagkabuntis ni
Gigi at ang pagiging matulungin at katapangan sa kapwa ni Madre Stella upang ipagtanggol
ang mga naapi. Bukod sa magandang konteksto ay ang malalalim at makahulugang diyalogo
ng mga aktor. Sa bawat pagsasalaysay ay ramdam mo ang senseridad ng kanilang sinasabi.
Para sakin ang obrang ito ay isang katapangan dahil sa paggamit ng manunulat sa usaping
kontrobersyal na may mabibigat na opinyon at hindi pagkakaunawaan patungkol dito.
C. Istilo ng Pagdidirehe


Sa istilong ginawa ng direktor sa pagdidirehe .May mga karagdagang karakter na nagsiganap
ngunit mas binigyang diin pa rin ng direktor ang mga pangunahing karakter sa pelikula. Isa sa
mga karakter na angkop sa karakter na napili ng direktor ay si Vilma Santos.
Gumawa ang direktor na magkakaroon ang mga maraming manonood lalo na sa mga
kababaihan.Dahil sa pokus ng pelikula na makakakit ng mga maraming dahil sa mga
panlipunang problema nito.
D. Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang Feminismo
Sa pelikulang ito, matatapang ang mga kababaihan gaya nina Soledad, Aling Auring, Sister Stella B. At
Sister Stella. Sino nga ba si Sister Stella ? Sa kaalaman ng lahat at ang ipinapakita sa pelikula ay isa
siyang madre. Isa siyang madre na dapat ay nasa kumbento lamang, nagdadasal, pagpapayo, at
tumutulong sa mga kababaihan o kanino pa man. Subalit, kakaibang madre ang nakita ko dito.
Nanibago ako. Ngayon lang ako nakasaksi ng madre na sumasama sa isang welga at sa pelikulang ito
ko pa nakita. ang katapangan ni Sister Stella sa pelikula na siyang naging instrumento ng mga welgista
upang mas lumaban pa.

Teoryang Realismo
Ang pelikulang Sister Stella ay tungkol sa pagpapakita ng mga suliraning panlipunan na
kinasasangkutan ng iba’t ibang tao ngunit may isang pinaglalaban – ito ay ang makalaya sa paninikil ng
mga namumuno sa pinagtatrabahuhang pabrika ng mga manggagawa. Sa kabila ng pagtutol ng mga
kasamahan ni Sister Stella sa kumbento, hindi ito nag papigil sa pagnanais niyang makisama sa
pakikibaka ng mga manggagawa dahil nakita niyang mayroon ipinaglalabang karapatan ang mga ito
matapos niyang makilahok sa unang araw ng rally nang hindi sinasadya. Hanggang ngayon makakakita
pa din tayo ng mga isyu tungkol sa socio-politikal sa ating bansa na makikita rin sa pelikula. Sa
kabuuan ang pelikula ay umiikot sa kalayaan. Bawat tauhan sa kwento ay kalayaan ang sinisigaw ng
puso at isipan. Sa realidad Wala namang pinagbago. Mula noon hanggang ngayon, pareho pa rin
naman ang sistema. Natural na lang siguro ang pagwewelga lalo pa’t may gusto ka talagang ipaglaban
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/
at makamit ang ipinaglalaban. hanggang ngayon marami pa rin ang humihingi o gustong matikman
ang tunay na ibig sabihin ng kalayaan lalo na’t ganito ang pamamahala ng ating gobyerno at sa bansa.
Teoryang Eksistensyalismo

Nakita ko rin dito ang pabago-bagong desisyon ni Sister Stella Siguro ganun nga talaga ang mga babae,
pabago-bago ng iniisip. Gayunpaman, napaisip ako. Dapat ba kung ano lang ang katayuan mo sa buhay
hanggang dun ka na lang? Parang si Sister Stella Kung isang madre ka, dapat ba nasa simbahan ka
lang? Hindi ba pwedeng tumulong sa iba pang nangangailangan? Subalit, dito naman nagkaroon ng
mali si Sister Stella, ang pumasok sa isang sitwasyon na hindi niya pa lubos na alam.

Teoryang Sosyolohikal
Ang mga tauhang sa pelikulang ito ay kasangkot sa isang uri ng paglaya mula sa paninikil ng mga
namumuno sa pinapasukang pabrika ng langis. Ipinakita ang suliraning panlipunan at kalagayan na
umiikot sa kahirapan at pantay na pamamahala sa mga manggagawa.

Teoryang Romantisismo
Makikita ang pagmamahal sa kapwa tao sa pelikulang ito. Wala namang mali sa pagtulong at lalong
walang mali sa pakikipaglaban sa kung anong alam nating tama, siguro dapat suriin at unawain muna
nating mabuti ang sitwasyon sapagkat sabi nga ni Ka Dencio, “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?
Kung hindi ngayon, kailan pa?” Tulad lamang ni Sister Stella na kahit hindi niya kaano ano o kakilala
ang mga nag wewelga ay buong puso niya itong pinasok kahit alam niyang wala pang madre ang
nakakagawa non. Ang matapang na partisipasyon ni Sister Stella L sa himagsikan ay isang sigaw sa
paghingi ng katarungan sa karahasang sinapit ni Ka Dencio. Ang pagtulong ni Nick ay nagpapakita din
ng teoryang romantisismo sapagkat Ang mga artikulong isinusulat ni Nick tungkol sa mga kaganapan
sa Barrio Agoho ay halos hindi nailathala ng kanilang pahayagan. Nang sila ay dakpin at maging saksi
sa pagpapahirap kay Ka Dencio, ang karanasang ito ay nagsilbing pagmulat ni Sister Stella L sa
pangkalahatang suliraning pampulitikal.Nagtapos ang pelikula sa pagsasalita ni Sister Stella sa lahat ng
kaanib ng unyon ng manggagawa na patuloy ang kanilang laban sa mga nanggigipit sa kanila sa kabila
ng lahat ng pasakit at pahirap na naranasan nila sa kilusang kanilang isinasagawa.
VI. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
 Maraming aral ang tumatak sa aking isip sa pelikulang ito. Nakita ko ang katapangan ni Sister
Stella L sa pelikula na syang naging instrumento ng mga welgista upang mas lumaban pa.
Nakita ko rin dito ang pabago-bagong desisyon ni Sister Stella L. Siguro ganon nga talaga ang
mga babae, pabago-bago ng iniisip. Wala namang mali sa pagtulong at lalong walang mali sa
pakikipaglaban sa kung anong alam nating tama, siguro dapat suriin at unawain muna nating
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/
mabuti ang sitwasyon sapagkat sabi nga ni Ka Dencio, “Kung hindi tayo kikilos, sino ang
kikilos? Kung hindi ngayon, kelan pa?”
B. Bisa sa Damdamin
 Noong panahon, ang mga babae ay ang tanging papel sa buhay ay maging karamay ng mga
lalaki, sila ay nasa bahay lang at nag-aalaga ng anak at asawa. Walang karapatan na gawin
ang gusto niyang gawin sa buhay. Pero pagdaan ng panahon, dahil na rin sa pagbabago sa
lipunan, nagkaroon na nang karapatan ang mga kababaihan, hindi na lamang pambahay
kundi panlabas pa. Si Sister Stella ay maituturing na kababaihan sa modernong panahon
dahil sa ipinaglalaban niya ang kanyang karapatan bilang babae sa lipunan. Maraming parte
sa pelikula ang isinaad ang pakikipaglaban ni Sister Stella sa karapatanng bawat tao sa
lipunan, kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa isang pamilyang iniwan ng ama, o'di
kaya’y nakulong o pinatay. Kahit pa na babae ang isang tao, makakaya niyang gawin ang isang
bagay kung gugustuhin niya at kaya na nitong makipagsabayan sa mga kalalakihan, hindi na
lamang ito pambahay. si Sister Stella ay isang halimbawa ng babaeng matapang at
mapagmahal.
C. Bisa sa Kasalanan
 Sa loob ng pelikula ipinapakita na maraming uri ng tao sa lipunan ang nakikibaka para sa
kanilang tinatamasang karapatan kabilang dito ang grupo ng iilang madre na nakisipatya
tulad ni si Sister Stella Legaspi at ng kanyang katukayo, peryodista na si Nick na naging exboyfriend ni Stella L., at ang unyon ng mga mangggawa na pinangungunahan ni Ka Dencio.
Iba’t ibang uri ng tao ngunit may iisang pinaglalaban. Sa pelikulang ito, parang umiikot lang
halos ang kwento tungkol kay Sister Stella L., kaugnay sa kanyang pagpasok at pagtulong sa
isang unyon ng manggagawa sa paraan ng pagwewelga. Napagtanto ko lang na sobra ang
impluwensya ng simbahan sa mga tao sapagkat maaaring gamit ang sinuman o anuman na
mula sa simbahan bilang pumapagitna sa dalawang bagay na di nagkakaintindihan.
D. Bisa sa Lipunan
 Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng iba’t ibang isyung panlipunan. Sa loob ng pelikula
ipinapakita na maraming uri ng tao sa lipunan ang nakikibaka para sa kanilang tinatamasang
karapatan kabilang dito ang grupo ng iilang madre na nakisipatya tulad ni si Sister Stella L. at
ng kanyang katukayo, peryodista na si Nick na naging ex-boyfriend ni Stella L. at ang unyon
ng mga mangggawa na pinangungunahan ni Ka Dencio. Iba’t ibang uri ng tao ngunit may
iisang pinaglalaban ito ay ang makalaya sa paninikil ng mga walang pusong namumuno sa
pinagtatrabahuhang pabrika ng mga manggagawa at upang kilalanin ang kanilang karapatan
hindi lang bilang isang manggagawa kun’di bilang tao.
E. Bisang Pangmoral
 Ipinapakita sa pelikula na si Sister Stella ay isang hero kung siya ay isang nun. Pinatunayan
niya na kahit siya ay isang babae, maaari siyang maging bayani sa maraming uri tulad ng pagiwan niya ng kumbento at pamunuan ang protesta nang namatay na sina Ka Dencio at Nick.
Sinasakripisyo niya ang aliw na mayroon siya upang paglingkuran ang mga tao.
Naimpluwensyahan ng pelikulang Sister Stella kung ano ang maaaring maging bayani. Ang
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/
bayani ay maaaring sa anumang anyo at maaaring magmula sa iba't ibang klase o sitwasyon.
Sa kasong ito masasabi ko na ang iba't ibang mga karakter na nakakaimpluwensya sa bawat
isa bilang isa sa mga bayani. Sa pelikulang ito si Sister Stella ay isang bayani.
This study source was downloaded by 100000864232303 from CourseHero.com on 03-24-2023 22:43:25 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/96963524/Pagsusuri-4doc/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)
Download