Uploaded by Cha Updates

A FATHER'S LOVE-WPS Office

advertisement
A FATHER'S LOVE
Hi USF, silent reader ako ng stories sa page nyo since last year lang. Sabi ko kapag nagkataon, I will share
mine. So I think, ito na yung opportunity na magkwento naman about my story.
Product ako ng broken family. My biggest tr4ûma is when my dad cheated on my mom, take note, they
were married. Hindi ko na matandaan yung age ko, pero ang alam ko 5 or 6 years old na ko nun. In fact,
bago pa lang ako maipanganak, namb4b4ê na yung dad ko.
Ang masaklap pa nun, akala ko ako lang yung ipinanganak ng same year ng 1994 pero sabi ng mom ko,
may kasabay daw ako. Anak ng dad ko sa iba pero until now, hindi umaamin yung dad ko na nagkaanak
siya sa iba na kaedad ko na rin ngayon, ang alam ko mas matanda lang ako ng ilang buwan.
Bilib ako sa pagiging martyr ng mom ko na kahit nagl0k0 yung dad ko ay tinatanggap pa rin niya. Pero,
alam niyo yung masakit sa part ng mom ko? Nakatira kami sa lola ko, umaalis ng bahay ang dad ko pero
bihira umuwi. Sa edad ko nun, akala ko normal lang na nagwo-work lang. Pero hindi pala.
Until one day, nalaman ko na kaya pala hindi umuuwi sa bahay ang dad ko dahil nab4b4liw siya sa ibang
babae. Ang saklap, di ba? Pero bago niya samahan yung kinakasama niya ngayon, hinding-hindi ko
makakalimutan na pinuntahan siya sa bahay nung babae para sunduin siya. Take note: Nandun si mama
at nasa bahay din nun si dad.
Kaya pala bigla siyang nagtago kasi ayaw niyang makita siya ng babae niya, pero yung mama ko pigil ang
emotion niya. Ako naman dahil bata pa nun, hindi ko pa rin naintindihan bakit ganun. Until dumating sa
point na hindi na siya umuwi sa min. Nagbuo na pala ng ibang pamilya ang dad ko. Actually, hindi siya
dun nakisama sa unang babaeng naanakan niya na nabanggit ko, iba pa yung babaeng pumunta sa min
para sunduin siya. At diyan na siya nagkapamilya at nagkaanak din sila.
Kami naman na original family, umalis na lang sa bahay at nagsama-sama na lang kami. Lumipat kami,
kumbaga para kalimutan ang masasakit na pinagdaanan. Hindi na kami naghabol ng sustento, ang nanay
ko ang nagbuhay sa min, sa kanyang pagsisikap.
Lumilipas ang panahon na lumalaki ako ng walang tatay, grumaduate mula elementary hanggang college
na walang father na magsasabing “proud ako sa yo” at magcocongrats man lang sa yo with matching
hug. Ilang birthday ko na hindi siya kasama.
Ilang Pasko at Bagong Taon na hindi siya nakikita. Wala talaga akong matandaan na may moment kami,
nakakaiyak kasi wala akong ma-i-post sa social media na kasama ko ang dad ko. Wala akong
mapagkwentuhan ng mga problema ko, yung boys talk ba. Ang hirap ng broken family kasi anak talaga
ang unang naaapektuhan.
Sa panahon na longing ako sa biological dad ko, dun ko naman nakilala si Lord. Sa panahon na wala
akong tatay, pinaramdam sa kin ni Father God ang kanyang pagmamahal. Hindi ko naranasan na naging
mag-isa ako. Dahil sa mayamang pag-ibig ng Diyos, natutunan ko patawarin ang Dad ko.
Sa totoo lang, hindi ako naging rebelde, nagsipag ako, pinagtapos ko ang sarili ko sa pag-aaral sa tulong
din ng mom ko. Tumayo ako bilang bread winner for my mother and siblings sa ngayon. Kahit hindi ako
ang panganay.
Nilagay ng Lord sa puso ko na kumustahin ang tatay ko, sa totoo lang, alam ko naman kung nasaan siya,
pero dahil nga tutok din ako sa pag-abot ng pangarap ko at pagtulong sa nanay ko, hindi ko na naisipang
puntahan siya. Sa ngayon, ako na rin gumawa ng paraan to reach-out my dad kahit ang totoo, siya dapat
ang unang mag-initiate pero hindi na big deal sa kin yun, ginawa ko, kinuha ko contact number niya at
Facebook account niya.
At dun nagsimula na ang communication namin as if walang nangyaring pag-iwan. In fact, kanina lang
magkausap kami. Nagpaplano na rin kaming magkita. Pero this time, hindi para sumbatan siya kundi
para ipakita sa kanya na ito na ko bilang anak niya at nasa maayos na kalagayan. Kahit lumaking hindi
siya kasama. Ang mahalaga, iparamdam ko pa rin sa kanya na tatay ko pa rin siya at thankful ako kasi
dahil sa kanya, nandito ako sa Mundo.
Ang highlight ng kwento kong ito, maaaring parehas tayo ng kwento, pero ang mahalaga ay malaman
mong may totoong nagmamahal sa yo. Ang genuine love ng ating Father in Heaven. Mahalaga pa rin ang
pagpapatawad para mas magaan ang buhay. Yes, tr4umatic in the first place but at the end of the day,
may true peace tayo na nanggagaling sa Panginoon.
Ang mahalaga naman ay gumaling ka from your emotional pain. Na-realize ko, kung ako lang, hindi ko
kayang gumaling mag-isa. Pero sa tulong ng Diyos, maghihilom din ang sugat. At mangingibabaw pa rin
ang pagmamahal mo sa taong nang-iwan at nanakit sa yo.
Balitaan ko kayo after naming magkita ng personal ng tatay ko kahit less than 20 years ko siyang hindi
nakita. Anyways, I'm currently working now and 28 years of age. Planning to propose to my long-time gf
to our 4th year anniversary, next month.
Ang sasabihin ko lang, lagi kong pinagdadasal that I can be the best future husband and a father to my
wife and future children. Sa naranasan ko, alam kong hindi ko to ipaparanas sa magiging anak ko dahil sa
malungkot na karanasan ko na walang tatay.
The Loving Son
2018
BS Industrial Tech
*Confidential
--Send your stories/confessions here: www.usfstories.com
Download