Republic of the Philippines Department of Education – Region III Central Luzon DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO Self-Instructional Packets (SIPacks) Araling Panlipunan Grade 9 Quarter 3 – WEEK 2 A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards): Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards): Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies: MELC No.2: Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita Aralin: Pamamaraan at Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita Sanggunian (References): Cortez, Julie Ann D. ADM-SLM Modyul 2: Pamamaraan at Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita. DepEd Region III. 2020 Antonio, Eleanor D., Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Ma. Carmelita B. Samson, at Celia D. Soriano. 1999. Pagbabago. Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc. Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar.2015. Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral) Pasig City: Vibal Group Inc. Balitao, Bernard R., Meriam dR. Cervantes, Liberty I. Nolasco, Jerome A. Ong, John N. Ponsaran, at Julia D. Rillo. 2012. Ekonomiks Araling Panlipunan (Mga Konsepto at Aplikasyon). Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. Gonzaga, Crystal Lynn. 2017. “Pambansang Kita”.Slideshare.Binuksan noong July 7, 2020 htttap.sC:/r/uwzw w.esllrid shFa.r2 e0 .n1e7t./C tablLaynnsnaG /paacm S ,M oe se “Pryasm ngonKzitaag.”aF ebaon oska ,n Mga-rkcitha15, 2017. https://web.facebook.com/gjcArPanEkonomiks/ Unknown. 2016. “Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita: Disyembre 2016” Binuksan noong July 7, 2020. http://joieyuvienco.blogspot.com/2016/12/ D. Layunin (Objectives) 1. 2. 3. 4. 5. 6. Nakatutukoy ng kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita; Nakatutukoy ng pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita; Nakapag-iisa-isa ng pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita; Nakapagpapahalaga ng epekto ng mataas at matatag na pambansang kita; Nakapaghahambing ng Gross National Income sa Gross Domestic Product; at Nakakapagkompyut ng pambansang kita gamit ang tatlong pamamaraan. Pamamaraan (Procedure) A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin): Page 1 of 11 Ang kabuuang produksyon ng ekonomiya ay malalaman sa pamamagitan ng pagkwenta o pagsukat ng pambansang kita. Sa inyong palagay, bakit kailangan nating masukat ang pambansang kita ng isang bansa? Nakatutulong ba ito sa pag-unlad ng isang bansa? Ano-ano ang mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita? Napakagandang isipin na tayo ay may mga paraan kung paano masukat ang pambansang kita ng ating bansa. Tayo bilang isang mamamayan ng isang bansa, kailangan nating alamin o malaman kung mayroon bang pag-angat o pagbagsak ang ating ekonomiya. B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula) Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita. Ang aralin na ito ay nahati sa tatlong leksyon: • • h al amgar ha a n ng Pagsukat ng Pambansang Kita Leksyon 21 : K Pam Leksyon 3: Limitasyon sa Pagsukat ng Pambansang Kita Kapag natapos mo na ang aralin na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nakatutukoy ng kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita; 2. Nakatutukoy ng pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita; 3. Nakapag-iisa-isa ng pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita; 4. Nakapagpapahalaga ng epekto ng mataas at matatag na pambansang kita; 5. Nakapaghahambing ng Gross National Income sa Gross Domestic Product; at 6. Nakakapagkompyut ng pambansang kita gamit ang tatlong pamamaraan. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Ang Ekonomiks ay nahahati sa dalawang pangunahing sangay: ito ay ang maykroekonomiks at makroekonomiks. Napakahalagang pag-aralan ang dalawang sangay na ito dahil bahagi na ito ng buhay ng isang tao bilang mamamayan ng isang bansa. Katulad ng pangalawang sangay ang makroekonomiks (macroeconomics) na ang ibig sabihin ay pag-aaral ng kabuuang ekonomiya. Matututuhan mo dito ang isang konseptong may kinalaman sa Pambansang Kita. Ang pambansang kita ay kabuuang halaga ng mga tinatanggap na kita ng mga sektor ng ekonomiya. Dahil sa kasalukuyang pagsubok na kinakaharap ng ating bansa na isang pandemyang COVID-19, minsan ba naitanong mo sa iyong sarili kung ano nga ba ang nangyayari sa Ekonomiya ng ating bansa? Umaangat pa ba ito o hindi na? Kumusta na kaya ang ating Pambansang Kita? Ilan lamang ito sa katanungan na maaaring gumugulo sa iyong isipan. Ngayon samahan mo ako na tuklasin ang mga pamamaraan na makakatulong sa pagsukat ng pambansang kita ng isang bansa dahil sa aralinl na ito maaari nating malaman kung tumataas ba o bumababa ang ekonomiya ng isang bansa. Halina’t simulan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na bahagi ng pagtuklas sa ating bagong aralin. Suriing mabuti ang larawan at iba pang gawain upang masukat ang panimula mong kaalaman batay sa panibagong aralin. Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng iyong makakaya. Page 2 of 11 Ating pag-usapan……. 1. Ano ang ipinapahiwatig ng mga larawan? Tungkol saan ang mga ito? 2. May kaugnayan ba ang mga larawan sa ating ekonomiya? 3. Sa Iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy ang kalagayan ng ekonomiya? D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin) ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita ay ang mga sumusunod: 1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng bansa. Page 3 of 11 2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa. 3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa. 4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, hakahaka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala. 5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya. Sa pagsukat sa produksiyon ng isang ekonomiya, hindi maiiwasan na mailarawan ito gamit ang pambansang kita. Walang malilikom na kita ang pambansang ekonomiya kung wala itong malilikhang produkto. Sa pagsukat ng pambansang kita, naisasaalang-alang naman ang dalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya. Ang mga sumusunod ay ginagamit na panukat ng pambansang kita. GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONAL PRODUCT Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Gayundin ang mga hindi pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito katulad ng pagtatanim ng gulay sa bakuran. kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil ito ay hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain Ang produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang. GROSS DOMESTIC PRODUCT Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito. Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan na nasa loob ng pambansang ekonomiya. Gross National Income at Gross Domestic Product • Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita ay National Income Accounts. • Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita, tinatawag itong National Income Accounting. • Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon, maaring quarterly o taunan. Tatlong pamamaraan ng National Income Accounting 1. Paraan batay sa Paggasta (Expenditure Approach) Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod: a. Gastusing Personal (C) – nakapaloob dito ang mga gastos ng mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito. b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksyon, sahod ng mga manggagawa at iba pa. c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito. d. Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M) – makukuha ito kung ibabawas ang niluluwas o export sa inaangkat o import. Page 4 of 11 e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon. f. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa. Sa paggamit ng pormula ng GNI, kapag pinagsamasama ang lahat makukuha ang halagang 282 M. E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin) 2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value Added Approach) Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa. Ang anumang kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksyon sa loob ng bansa o GNI. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay agrikultura (agriculture), kasama ang pangingisda at paggugubat, industriya (industriya) at paglilingkod (service). Sa ganitong paraan, kapag pinagsamasama ang lahat makukuha ang halagang 203 M piso. 3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach) Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik. Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang pambansang kita o national income ng bansa. Ang mga kabilang sa National Income (NI) ay ang mga sumusunod: a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM) - sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan. b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) –Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o sweldo. Ito ay kita ng isang entreprenyur bilang salik ng produksyon. Dito rin nabibilang ang mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng entrepreneur sa kanyang negosyo ay tinatawag na proprietor’s income. c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) - Ang kita na tinanggap ng korporasyon at pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo. d. Kita ng Pamahalaan ( KP )- ito ay lahat ng kita na tinanggap ng pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng korporasyon na pag-aari ng gobyerno at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan. Page 5 of 11 e. Capital Consumption Allowances ( CCA ) – tinatawag na depresyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina o gusali kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma. f. Indirect Business Tax ( IBT)- Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto o serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan. Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang halagang 267 M piso. Ang compensation of employees ay ang sahod ng manggagawa. Ang rent ay kita mula sa lupa. Ang interes ay mula sa capital. Ang buwis na galing sa kita ng bahay-kalakal ay ang corporate income tax. CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o halaga ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa pagsukat ng GNI. Ipinapahayag ang GNI sa dalawang paraan, ito ay ang mga sumusunod: • Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa kasalukuyang presyo - kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo. • Real GNI o GNI at constant prices- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year. Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng Growth Rate. Ano ba ng Growth Rate? Ang Growth rate ay ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Gamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang growth rate ng Gross National Income. Page 6 of 11 LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Sa pagtantya ng GNI, hindi naisasamang lahat ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakukwenta dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis , mga negosyo na walang record sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya nito. Kabilang dito ay ang mga sumusunod: - Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran) - Impormal na Sektor (hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal na pasugalan, ata iba pa.) - Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos ng isang planta ng koryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon) - Kalidad ng buhay Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi mainam na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita. Gayunpaman, kahit may limitasyon ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng ekonomiya. F. Paglinang sa Kabihasnan (Pagyamanin) Ilagay ang mga salita na nasa kahon sa ibaba kung saang pamamaraan ito nabibilang. Gawin ito nang pasalita. G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin mo/Aplikasyon) Performance Task – 20 puntos (5 puntos ang tsart at 3 puntos sa bawat tanong) Ang bahaging ito ay naglalaman ng isang gawain na makatutulong sa iyo na maisalin mo ang tunay na sitwasyon na naging kaalaman mo tungkol sa kita at gastusin ng inyong pamilya upang maging daan sa pagpapatibay ng kaalamang natutuhan. Maipapakita mo sa gawaing ito kung ano ang sitwasyon ng kita at gastusin ng iyong pamilya. Panuto: Tanungin ang mga magulang tungkol sa kinikita at gastusin ng magulang sa loob ng isang buwan. Isulat sa talaan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa inyong sagutang papel. Page 7 of 11 Mga Tanong: 1. Magkano ang kabuuang kita ng iyong mga magulang sa loob ng isang buwan? At ilan ang kabuuang gastusin ng inyong pamilya sa loob ng isang buwan? 2. May natira ba sa kabuuang kita ng iyong magulang kung ibabawas ang gastusin? Magkano? 3. Ano ang masasabi mo sa kita at gastusin ng inyong pamilya? Sapat ba ang kinikita ng inyong mga magulang sa gastusin ng inyong pamilya? 4. Sa iyong palagay, anu-anong mga pinagkakagastusan ng inyong pamilya ang di naman masyadong mahalaga o kaya ay dapat palitan o bawasan? 5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong o makapag-aambag sa gastusin ng inyong mga magulang? H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip) Panuto: Balikan mo ang ating tinalakay sa linggong ito at sabihin ang lahat ng iyong natutuhan sa paksang tinalakay. Gamitin mo ang dayagram bilang gabay sa pagbubuod ng aralin. I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa) – Lingguhang Pagsusulit (Written Work) Pagtataya A: Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Ito ay produksyon na nagawa sa loob ng bansa sa isang taon. A. Gross Domestic Product C. Nominal GNI B. Gross National Income D. Real GNI 2. Alin ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita? A. Economic Freedom Approach C. Expenditure Approach Page 8 of 11 B. Income Approach D. Added Approach 3. Ang mga sumusunod ay mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang? A. Externalities C. Pormal na sektor B. Kalidad ng buhay D. Hindi pampamilihang gawain 4. Bakit mahalagang masukat ang performance ng ekonomiya ng bansa? A. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya. B. Dahil magiging malakas ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan. C. Dahil ito ay repleksyon ng magandang pamumuno sa bansa. D. Lahat ay tamang sagot 5. Si Mr. Yohan ay isang Japanese National, ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita? A. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita. B. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil nandito ang kanyang negosyo at kumikita siya dito. C. Sa Gross Domestic Product ng Japan dahil mamamayan siya nito. D. Sa Gross National Income dahil dito nagmula ang kanyang kita. 6-7 : Ipagpalagay na ang mga datos sa ibaba ay batay sa pambansang kita ng isang bansa. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. 6. Ilan ang GNI ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos? A. ₱200 M B. ₱204 M C. ₱548 M D. ₱550 M 7.Ilan ang GDP ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos? A. ₱200 M B. ₱530 M C. ₱501 M D. ₱450 M 8. Ang mga sumusunod ay ang pinagkakagastusan ng bawat sektor maliban sa isa. A. Gastusin ng mga namumuhunan C. Gastusing personal B. Gastusin ng panlabas na sektor D. Gastusin ng industriya 9. Ito ay sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. A. Gross National Product C. Growth Rate B. Nominal GNI D. Real GNI 10. Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o sweldo at kabilang din dito ang mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian. A. Kita ng kompanya o korporasyon ( KK) Page 9 of 11 B. Kita ng Entrepreneur at ng mga ari-arian (KEA) C. Kita ng mga Empleyado (KEM) D. Kita ng pamahalaan (KP) 11. Ito ay halaga ng produksyon sa loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon. A. Gross National Income C. Nominal GNI B. Gross Domestic Product D. Real GNI 12. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto. A. Sinusukat ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. B. C. D. Ang Gross National Income ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Ang mga gawain na kabilang sa impormal na sector ay kasama sa sinusukat ng Gross National Product. Ang kita ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income. 13. Ano ang iba pang tawag sa Impormal na Sektor? A. Underground Economy C. Command Economy B. Mixed Economy D. Market Economy 14. Tinatawag ito na Value Added Appoach kung saan kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa. A. Expenditure approach B. Income Approach 15. Ano ang iba pang tawag sa Nominal GNI? A. Current Price GNI B. Real GNI C. Industrial Origin Approach D. Economic approach C. Constant Prices GNI D. Price Index (para sa bilang 16 – 25, isulat ang TAMA o MALI) 16. Magagamit ang Pambansang Kita na batayan sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. 17. Ang GNI at GDP ay isa sa maraming sukatan ng humihina o lumalakas ang pambansang ekonomiya. 18. May legal na pagkakakilanlan ng mga aktor na nasa impormal na sektor. 19. Mahalagang sukatin ang pambansang kita ng isang ekonomiya upang matukoy kung ito ay may pag-unlad. 20. Ang saradong Ekonomiya ay naaapektuhan ng mga kaganapan sa pandaigdigang pamahalaan. 21. Nailalarawan ng pambansang kita kung gaano kaaktibo ang bawat sektor ng ekonomiya. 22. Mailalarawan ng GNI at GDP ang pagbabago sa kalidad ng buhay ng mga tao. 23. Mahalaga na makalikha ang pamahalaan ng batayan sa pagbuti ng kalagayan ng ekonomiya. 24. Bilang isang indibidwal, mahalaga ang gampanin natin para sa pag-unlad ng ating ekonomiya. 25. Ang growth rate ay pagsukat ng pambansang ekonomiya na nalikom mula sa pagkonsumo at produksyon na kinikilala ng batas. (para sa bilang 26 – 30) Gamit ang mga pormula na ating napag-aralan, ikompyut ang mga sumusunod: Page 10 of 11 J. Karagdagang Gawain at Remediation Pagnilayan ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito nang pasalita: 1. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamabilis na lumalago ang ekonomiya sa Asya. Bilang isang indibidwal, sa papaanong paraan ka makakatulong upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng ating bansa? 2. Sa iyong palagay, ano ang naiaambag mo o ng iyong pamilya sa pambansang produksyon ng bansa? Bakit ito mahalaga tungo sa pambansang pagsulong ng ekonomiya? 3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong iambag upang makamit ang pag-unlad ng ating bansa? Page 11 of 11