Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XI CITY OF MATI NATIONAL HIGH SCHOOL Government Center, Dahican, City of Mati Learning Area Filipino Quarter Grade Level 7 Date Marso 22, 23, 24, 2023 (3 araw) 3 I. LESSON TITLE II. OBJECTIVES III. CONTENT/ CORE CONTENT IV. LEARNING PHASES A. Panimula Mga Tula/Awiting Panudyo, Tugmang De Gulong, Palaisipan, Bugtong Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Naibibigay ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan; B. Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan; at C. Nakasusulat ng sariling tulang panudyo, tugmang de gulong, palaisipan at bugtong. Tulang Panudyo, Tugmang De Gulong, Palaisipan, Bugtong Suggested Timeframe Learning Activities 20 minuto Panuto: Ang nasa kahon ay ang mga halimbawa ng Awiting Panudyo, Tugmang De Gulong, Bugtong at Palaisipan. Ang gawaing ito ay tatawaging HALI-UGNAY na kung saan, ang mga ibinigay na mga halimbawa ay iuugnay ng mga mag-aaral kung saan ito napapabilang na karunungang bayan. Sa pagpili ng mga kalahok sa gawaing ito, ay idadaan sa “stop dance”. Ang mag-aaral na matatalo sa larong “stop dance”, ang s’yang sasagot sa HALI-UGNAY. God knows Hudas not pay. Ang sitsit ay sa aso,ang katok ay sa pinto,sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay huminto. Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok, na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka? Hindi hari, hindi pari ang suot ay sari-sari. Awiting Panudyo Tugmang De Gulong Bugtong Palaisipan Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XI CITY OF MATI NATIONAL HIGH SCHOOL Government Center, Dahican, City of Mati B. Pagpapaunlad 30 minuto Pagtatalakay: Karunungang Bayan Ito ay isang sangay ngpanitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakakatulong ito sa pag- angkin ng kamalayang tradisyunal na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural. Tula/Awiting Panudyo, Tugmang De Gulong at Palaisipan Tula/Awiting Panudyo Ang awiting panudyo o tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo. Ito rin ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila. Halimbawa: 1. Chit Chirit Chit Chitchiritchit alibangbang Salaginto Salagubang Ang babae sa lansangan Kung gumiri’y parang tandang. Santo Nino sa Pandacan, Puto seco sa tindahan Kung ayaw kang magpautang Uubusin ka ng langgam. Mama, Mama, namamangka Pasakayin yaring bata Pagdating sa Maynila Ipagpalit ng manika. Ale, Ale, namamayong Pasukubin yaring sanggol Pagdating sa Malabon Ipagpalit ng bagoong. Tugmang de gulong Ang tugmang de gulong ay mga paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga pasahero. Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga kasabihano salawikaingPilipino. Halimbawa: 1. God knows Hudas not pay. 2. Ang sitsitaysaaso,angkatokay sapinto, Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XI CITY OF MATI NATIONAL HIGH SCHOOL Government Center, Dahican, City of Mati sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay huminto. 3. Bastadrayber,siguradongsweetlover. 4. Miss na sexy,kung gusto mongmalibre, sa drayber katumabi. Bugtong at Palaisipan Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Halimbawa: Hindi hari, hindi pari ang suot ay sari-sari. Sagot : Sampayan Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isanguringlibangan,ngunit maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin—samga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagangambagsapagsaliksik sa matematika. Halimbawa: Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok, na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka? Sagot: A Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 Panuto: Sagutin ang sumusunod: 1. Ibigay ang mga katangian ng sumusunod batay sa natalakay. a. Tula/ Awiting Panudyo_______________________________________________________________ b. Tugmang de Gulong_______________________________________________________________ c. Bugtong_______________________________________________________________ d. Palaisipan_______________________________________________________________ Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XI CITY OF MATI NATIONAL HIGH SCHOOL Government Center, Dahican, City of Mati 2. Anong kultura ng mga Pilipino ang ipinapakita sa mga karunungang bayang nabanggit? 3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo mapapanatili ang mga kulturang bayan na meron tayo? C. Pakikipagpalihan 20 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na bugtong at palaisipan. 1. Heto na si Kaka, Sagot: __________ Pabukabukaka 2. Isang supot ng uling, Sagot: __________ Naroroo’t bibitin bitin 3. May ulo’ywalang buhok, Sagot: __________ May tiyan, walangpusod 4. May sampung aso sa itaas ng gusali, Sagot: __________ May nakita silang pusa sa ibaba, Tumalon sila sa gusaling iyon. Ilan ang natira? 5. Anong tinapay ang hind kinakain ang gitna? Sagot: __________ D. Paglalapat 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 Panuto: Paghambingin ang mga katangian ng mga sumusunod na karunungang bayan. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito at ilagay sa Venn diagram sa ibaba. Tula/ Awiting Panudyo Bugtong V. ASSESSMENT (Learning Activity Sheets for Enrichment, Remediation or 30 minuto Tugmang de Gulong Palaisipan A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan ang mga akdang pampanitikan na tulad ng mga ito? Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XI CITY OF MATI NATIONAL HIGH SCHOOL Government Center, Dahican, City of Mati Assessment to be given on Weeks 3 and 6) 2. Paano sumasalamin sa kultura at uri ng pamumuhay ng mga tao at sa kalagayang panlipunan ang nilalaman ng tugmang de gulong, tulangpanudyo, palaisipan atbugtong? 3. Masasabi mo bang may likas na talinong taglay ang ating mga ninuno batay sa mga anyong ito ng panitikan? Paano mo ito mapatutunayan? B. Sumulat ng sariling komposisyon sa tulang panudyo, tugmang de gulong, palaisipan at bugtong gamit ang mga katangian nito. Tulang panudyo __________________________ __________________________ __________________________ Tugmang de gulong __________________________ __________________________ __________________________ Palaisipan __________________________ __________________________ __________________________ Bugtong __________________________ __________________________ __________________________ PAMANTAYAN 1. Malinaw na sinasalamin ng mga nilikha ang bawat katangian ng Tugmaang de Gulong, Tulang Panudyo at Palaisipan 2. Mahusay ang paggamit ng mga salita at pahayag 3. Masining ang pagkakabuo ng bawat halimbawa 5 4 3 2 1 Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XI CITY OF MATI NATIONAL HIGH SCHOOL Government Center, Dahican, City of Mati 4. May kaayusan ang mga ideyang nakapaloob sa binuong mga halimbawa 5. Nakaaaliw at nakapupukaw ng interes ng mambabasa. Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Katamtaman ang husay; 2 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad; 1 – Nangangailangan pa ng gabay VI. REFLECTION Inihanda ni: 20 minuto Isulat sa sagutang papel ang inyong natutunan mula sa aralin gamit ang mga gabay sa ibaba: Naunawaan ko na __________________________________________________. Napagtanto ko na __________________________________________________. Kailangan ko pangmalaman ng ____________________________________. CYMON JAMES A. BARBAS Student Teacher Namasid ni: MARK WESLY REQUIRME Cooperating Teacher