Uploaded by L_B07_DEJOSE, Carl

Ang katotohanan

advertisement
Ang katotohanan, mapabalita man, mga leksyon, o sa ating karanasan at nakikita sa
paligid ay mahalaga sa ating pag-unlad sa iba’t ibang mga aspeto ng ating buhay. Dapat sa
katotohanan tayo ay kumiling at ito ang gawing basehan ng ating pamumuhay. Ang katotohanan
ay isang pundasyon ng reyalidad at lipunan. Ang katotohanan ay makapangyarihan, maaari itong
makasira at maaari rin itong makabuo, kaya’t kung ito ay babaluktutin o itatago ay maaaring
makapagbagsak at makapagdulot ng masama.
Ang katotohanan ay isang sagradong elemento ng ating buhay kaya’t kinakailangan
lamang na ito ay ating pangalagaan. Isang paraan upang ito ay mapangalagaan ay ang paglaban
sa pagkalat ng maling impormasyon, mapa-bahay man, pamayanan o sa social media. Kailangan
sabihin natin na ito ay mali at ipaalam kung ano ang tama, ipaliwanag ito at kung sa social media
man ay kailangan nating iulat ito sa may-ari o sa i-report sa gumawa ng platform na ito. Hindi
kasalanan ang pagtatama ng maling kaalaman kung ito ay gagawin sa magalang na paraan. Hindi
lamang sa iba dapat pinupuna kundi pati na rin sa sarili, nararapat lamang labanan ang
kasinungalingan sa sariling buhay, at huwag na huwag gagawin ang pagsisinungaling. Ang
pagtatago natin ng katotohanan, kabilang na ang pagsasabi lamang ng kalahati ng katotohanan o
half-truths, ang paggawa ng maling kwento o impormasyon, ang pagbabawas ng mahahalagang
parte ng kuwento, ang mga gawaing ito ay maaaring makasira at makapagbago ng pananaw ng
isang tao kaya’t dapat hangga’t maaari ay ating iwasan sa ating sarili ang paggawa nito.
Sa ating pagtaguyod at pagprotekta sa katotohanan ay dapat maging mapanuri tayo kung
ito ba ang katotohanan. Bago natin ipaglaban ang katotohanan, dapat surrin kung ito ay ang
tunay at totoong kaalaman. Itaguyod natin ang katotohanan sa ating buhay, gawin itong basehan
ng ating desisyon kahit na ito man ay salungat sa atin. Gawing pundasyon ng ating paghatol ang
katotohanan dahil ito ay magdadala ng katiwayasan sa ating isipan at kapayapaan sa ating buhay.
Sa pamamagitan ng mga ito, pinapahalagahan natin ang katotohanan bilang isang parte ng ating
buhay at bahagi ng ating lipunan.
Isulong natin at tayo’y tumindig palagi para sa katotohanan. Isang patunay na
tagapagtaguyod ako nito ay tanggap ko, naniniwala ako at pinapahalagahan ko na ito ang
katotohanan. Kapag nakakakita o nakakarinig ng isang impormasyon na kahit ito man ay
salungat sa aking paniniwala, kung tunay na niyayakap ang katotohanan, tinatanggap ko ito.
Handa rin akong ipagtanggol ito sa iba, at ipamahagi na ito ang tunay at totoo. Aking sinusuri
muna ang mga impormasyon kung ito ba ang totoo bago ko ito sabihin sa iba. Kung ako man ay
magkamali sa pagkakalat ng impormasyon na ito, agad kong sinasabi ito at tinatanggap ang
aking pagkakamali. Iniiwasan ko ang paggawa ng kwento na makasisira at makakasakit sa aking
kapwa, hindi lamang ito kasalanan sa kapwa ito rin ay mabigat na kasalanan sa ating pagkatao.
Ang katotohanan ay isang malakas na impluwensiya na aking ginagamit sa aking paghatol ng
mga desisyon sa buhay. Sa pamamagitan ng mga ito, sa aking sarili ay naitataguyod at niyayakap
ko ang katotohanan sa aking pagkatao.
Ang katotohanan ay isang sandatang nagtataglay ng isang malakas na kapangyarihan,
nakasusugat, nakapagpagagaling at nakapagliligtas, ito ay isang hukom na walang kinikilingan,
isang paraluman na basehan ng patutunguhan, ang pundasyon ng ating katauhan at ng lipunan.
Ang taglay nitong lakas ay dapat pinapangalagaan at pinoprotektahan para sa ating lipunan. May
magagawa tayo, marami at iba’t iba ang mga paraan, iba-iba ang aspektong kaya nating
maapektuhan, walang hadlang sa ating pagtaguyod ng katotohanan. Ang bawat isa sa atin,
gamitin ang sarili at maging isang imahe ng tagapagsulong nito, gawing patunay ang sariling
mga aksyon at desisyon na niyayakap natin ang katotohanan. Ang katotohanan ay isang
pundasyong hindi matitibag, piliin na laging tumindig para sa katotohanan, hindi ka nito
pababayaan.
Download