Uploaded by Renz Joshua Olimpiada

MAPEH 4

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
MID-YEAR GENERAL ASSESSMENT OF PROFICIENCY IN
MAPEH 4
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sa sagutang papel.
MUSIC
1. Alin sa mga sumusunod ang may bilang na 2 kumpas?
A.
C.
B.
D.
2. Ano ang iyong ilalagay sa patlang upang mabuo ang measure sa loob ng kahon?
A.
C.
B
D.
3. Sa anong bilang ng kumpas madalas na inilalagay ang accent (>) sa mga
ordinaryong awitin?
A. Ikalawa
C. Ikatlo
B. Una
D. Hulihan
4. Ito ay isang paraan ng pagtugon sa metric pulse ng awit o tugtuging napakinggan.
Isa rin itong uri ng komunikasyon na kailangang maunawaan ng umaawit o ng
tumutunog.
A. Pagpalakpak
C. Pagpadyak
B. Pagtapik
D. Pagkumpas
5. Anong sukat ang ipinapakita gamit ang panandang guhit sa ibaba?
A. Isahan
B. Dalawahan
II: I I I I :II
C. Tatluhan
D. Apatan
Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna
Telephone No: (049) 554-9830 to 34
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
6.
Anong daloy ng musika ang ipinapakita sa larawan?
A. Pantay o inuulit
B. Pataas na palaktaw
C. Pababa na palaktaw
D. Pababa na pahakbang
7. Anong daloy ng musika ang ipinapakita sa larawan?
A. Pantay o inuulit
B. Pataas na palaktaw
C. Pababa na palaktaw
D. Pababa na pahakbang
8. Anu-anong mga pitch names ang bumubuo sa mga puwang sa Staff o limguhit?
A. ABCD
C. FACE
B. EFGA
D. ACEG
9. Alin sa sumusunod ang simbolong inilalagay sa unahan ng staff na
nagtatakda ng mga pitch name?
A.
C.
B.
D.
10. Ano ang Pitch name ng mga note sa staff na nasa ibaba?
A. FACE
B. EGBDF
C. ACBDE
D. EFBEF
ARTS
11. Ano ang ipinapakita o inilalarawan ng mga dibuhong nasa ibaba?
A. Puno
B. Tao
C. Hayop
D. Bituin
12. Ang mga kadalasang kulay na ginagamit sa disenyo ng kultural na pamayanan ng
Luzon ay pula, dilaw, berde at __________.
A. Puti
C. Itim
B. Kahel
D. Indigo
Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna
Telephone No: (049) 554-9830 to 34
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
13. Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malikhain at makasining. Ito ay
minana pa natin sa ating mga ninuno. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng katangiang ito?
A. Kumokopya ng gawain ng iba
B. Sinasarili ang sariling kakayahan
C. Nahihiyang ipakita ang kanyang likhang sining
D. Gumagawa ng may kasiyahan at pagmamalaki
14. Anong elemento ng sining ang ipinapakita sa larawang ito?
A. Kulay, hugis, linya
B. Hugis, espasyo, porma
C. Hugis, kulay, tekstura
D. Linya, hugis, espasyo
15. Alin sa mga sumusunod ang makikita sa mga tela, kasuotan, kumot,
Punda ng unan, banga o gusi, at mga palamuti?
A. Disenyo
C. Kuwento
B. Ritmo
D. Alpabeto
16. Ang mga pintor ay naglalagay ng tamang espasyo ng mga bagay sa larawan upang
mapakita ng maayos ang nais ipahiwatig nito. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa
mga bagay na nasa unahan at kadalasang malaki sa larawan?
A. Disenyo
C. Kuwento
B. Ritmo
D. Alpabeto
17. Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang uri ng tanawing kultural, alin sa mga
sumusunod na tanawin ng pangkat-etniko ang kakikitaan ng disenyong okir
ang kanilang tahanan at nakasentro ang kanilang pamumuhay sa Lawa ng
Lanao?
A. Bahay ng Ivatan
C. Bahay ng Maranao
B. Bahay ng T’boli
D. Bahay ng Ifugao
18. Sa pagguhit ng pagdiriwang tulad ng Panagbenga, Pahiyas at Maskara, anuanong mga kulay ang ginagamit ng isang pintor upang maipakita ang
masayang damdamin?
A. Pula, dilaw at dalandan
C. Asul, berde at lila
B. Berde at dilaw-berde
D. Itim, abo at puti
19. Bakit iba-iba ang mga likhang-sining ng mga pangkat-etniko sa mga
pamayanang kultural?
A. Iba-iba ang kanilang kultura at kapaligiran
B. Nagpapagalingan sila ng disenyo
C. Wala silang kamalayan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran
D. Kaniya-kaniya sila mag-isip ng mga disenyo
Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna
Telephone No: (049) 554-9830 to 34
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
20. Sa paanong paraan nakakalikha ng isang mapusyaw na kulay?
A. Pagkuskos ng pintura
C. Paglalagay ng ibang kulay
B. Paghahalo ng puting kulay
D. Pagpapatuyo sa mga kulay
PHYSICAL EDUCATION
21. Ang larong Pinoy na ito ay gumagamit ng ilang pirasong patpat na magkaiba
ang haba. Pinapalo ang maliit na patpat gamit ang malaking patpat habang
sasaluhin ng tagasalo ang patpat para mataya ang kalaban.
A. Tumbang preso
C. Patintero
B. Syato
D. Agawang panyo
22. Ito ay kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang araw-araw na gawain
nang hindi kaagad napapagod at hindi nagagailangan ng karagdagang lakas
sa oras ng pangangailangan.
A. Lakas
C. Physical Fitness
B. Reaction Time
D. Ehersisyo
23. Isang larong Pinoy kung saan ang isang taya ay may binabantayang lata na
nasa loob ng isang bilog.
A. Tumbang preso
C. Patintero
B. Syato
D. Agawang panyo
24. Ito ay tumutukoy sa bilis ng reaksiyon ng pagsalo ng ruler o isang bagay na
nilaglag na walang hudyat gamit ang daliri.
A. Lakas
C. Muscular Endurance
B. Reaction Time
D. Bilis
25. Ito ang nagiging batayan kung ang isang tao ay masyadong magaan ang
timbang at may kataasan (underweight) o masyadong mabigat ang timbang
at may kaliitan(overweight).
A. Physical fitness
C. Health Related
B. Body Mass Index
D. Coordination
26. Ang pagkilos sa maliksing paraan ay sukatan ng________________.
A. Coordination
C. Flexibility
B. Agility
D. Speed
27. Alin sa mga sumusunod na gawain ang dapat ginagawa araw-araw ayon sa
Philippine Physical Activity Pyramid Guide?
A. Manood ng Telebisyon
C. Pagsasayaw
B. Gumawa ng mga gawaing bahay
D. Pag-upo at Paghiga
28. Ang layunin ng Filipino invasion games ay lusubin ang teritoryo ng kalaban
upang manalo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng invasion
games
A. Agawang Panyo
C. Agawang Beys
B. Patintero
D. Piko o sipa
Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna
Telephone No: (049) 554-9830 to 34
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
29. Ano ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal?
A. Nagpapalakas ng katawan
B. Nakatutulong sa mga sa magandang pakikipag-kapwa
C. Nagpapatatag ng katawan
D. Lahat ng nabanggit
30. Kapag nadapa ang iyong kalaban sa laro, alin sa mga sumusunod ang
gagawin mo?
A. Pagtawanan siya
C. Tutulungan siya
B. Titingnan siya
D. Isumbong agad sa guro ang nangyari
HEALTH
31. Dito makikita ang impormasyon sa pagkain na tumutukoy kung kailan hindi
mo na maaaring kainin o inumin ang produkto.
A. Nutrition Facts
C. Expiration/Expiry Date
B. Direction for use and storage
D. Allergic Reactions
32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng hindi tama?
A. Huwag hugasan ng mga pagkain bago iluto.
B. Panatilihing malinis ang kagamitan na paglalagyan at paglulutuan.
C. Iluto itong mabuti upang hindi kaagad masira at mamatay ang mikrobyo.
D. Ihanda kaagad ang mga pagkaing malapit nang masira upang hindi
masayang.
33. Saan sa mga sumusunod makikita ang tumutukoy sa mungkahing dami ng
isang serving na dapat kanin?
A. Servings Per Container
C. Nutrition Facts
B. Serving Size
D. Food Label
34. Alin sa mga sumusunod ang maaaring makahawa sa ibang tao?
A. Typhoid fever
C. Cholera
B. Food poisoning
D. Diarrhea
35. Kumpletuhin:
Direction for storage: Keep refrigerated
____________________: Shake well before serving
A. Nutrition Facts
C. Expiry Date
B. Direction for Use
D. Food labels
36. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng hindi nakakahawang sakit MALIBAN
sa isa.
A. Dengue Fever
C. Leptospirosis
B. Alipunga
D. Lung cancer
37. Ito ay sakit na may matinding impeksyon sa atay na sanhi ng virus na
maaring makuha sa maruming pagakin o inuming tubig na may
palatandaan ng paninilaw ng balat, pananamlay, pagsusuka at kulay putik
na dumi ang may dala nito.
A. Hepatitis A
C. Tuberkulosis
B. Ubo
D. Dengue fever
Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna
Telephone No: (049) 554-9830 to 34
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
38. Nabalitaan mong may trangkaso ang iyong matalik na kaibigan, ano ang
dapat mong gawin?
A. Aalagaan mo siya.
B. Dadalawin mo siya at yayakapin.
C. Sasabihan mo siyang magpagaling nang husto bago pumasok
D. Sasabihan mo siyang huwag ka na niyang lapitan
39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pag-iingat sa
pagkakaroon ng sakit?
A. Si Allan ay nagpabakuna sa klinika ng barangay.
B. Kinain ni Maya ang tirang pagkain ng tiyo niyang maysakit.
C. Gumamit ng mask at gloves si Robin habang inialaagaan ang maysakit
na si Tobi.
D. Dalawang beses sa isang taon nagpapakonsulta si Marcus sa doktor.
40. Anong hayop ang nagdadala ng sakit na dengue?
A. Ipis
C. Langaw
B. Daga
D. Lamok
Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna
Telephone No: (049) 554-9830 to 34
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
Address: City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City, Laguna
Telephone No: (049) 554-9830 to 34
Email Address: calamba.city@deped.gov.ph
Website: https://depedcalambacity.com.ph
Download