DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5 I. Layunin: a. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod) II. Nilalaman: Tamang pagkasunod sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod) III. Paksang Aralin A. Sanggunian Gabay ng Guro: Modyul 5 Code sa kasanayan: Filipino TG (F5PN-IIlb-8.4) Kagamitan: Larawan, Powerpoint Presentation, Maikling Kwento, IV. Pamamaraan Gawain ng Guro A. PAGHAHANDA 1.Panalangin “Tumayo ang lahat. Steven, maaari mo bang pangunahan ang ating panalangin?” 2.Pagbati Gawain ng Mag-aaral Opo, Ma’am. (Tatayo ang lahat ng mag-aaral at mananalangin) “Magandang umaga mga bata!” “Magandang umaga din po Bb.Jovelle!” 3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase “Bago tayo magsimula, tingnan muna kung sino sa inyong mga kaklase ang lumiban ngayong araw.” “Sino ang lumiban sa klase ngayon?” “Mabuti!” “Wala po Ma’am.” B. Balik-aral Kahapon, ating tinalakay ang tungkol sa kwentong “Daga at Leon”. Opo, Ma’am! May tatlo akong pangungusap dito na galling sa kwento. a. Pagkakaisa ang daan sa kapayapaan. Ano ang masasabi niyo sa pangungusap na to? Sino ang gustong sumagot? Ma’am! Okay, Solosa? Pag may pagkakaisa at pagkaka-unawaan ang isa’t isa, Ma’am. May kapayapaan ang lahat. Ma’am! Magaling! b. Naku, darating na ang Leon! Okay, Ethan? Ito ay nagpapahiwatig na natatakot ang ekspresyon niya. Magaling! c. Ano kaya ang kailangang gawin upang hindi maapi? Ma’am! Sino gustong sumagot? Okay, Ajero! Iwasan ang pagbibigay ng motibo na makakuha sa kanilang atensiyon para maapi ka. C. Panlinang ng Gawain 1. Pagganyak Ano kaya ang maaaring mangyari sa kuwento batay sa mga tauhan? Ma’am? Yes, Cindy? Unti-unting kinain ang mga baka, Ma’am dahil wala silang pagkakaisa? Magaling! Para sa inyo, bakit mahalaga ang pagkakaisa? Ma’am! Yes, Ethan? Mahalaga ang Pagkakaisa sapagkat Hinding Hindi magtatagumpay ang Lahat kahit napagplanuhan iyan ng Maayos. Magaling! 2. Paglalahad Ngayon, may pabula akong ipaparinig sa inyo? Handa na ba kayo? Tumahimik na kayo at sisimulan na natin ang kwento. Makinig kayong mabuti mga bata. Ang Apat na Baka at ang Leon Sa paaralan, may kuwentong inihanda si Bb. Rigor sa kanyang klase. Bb. Rigor: Mayroon akong kuwento sa inyo ngayon. Isa itong pabula. Bino: Ano po ba ang pabula? Bb. Rigor: Isang maikling kuwento ang pabula. Kuwento ito ng mga hayop. Nagbibigay ito ng aral. Nagsasalita ang mga hayop sa kuwentong ito. Hindi ito totoo. Didi: Ano po ang pamagat ng pabula? Bb. Rigor: “Ang Apat na Baka at ang Leon” O, handa na ba kayong makinig? Opo, Ma’am! Mga Bata: Opo, Bb. Rigor. Bb. Rigor: Isang araw, habang naglalakad ang leon, nakadama ito ng matinding gutom. Mayamaya, may nakita itong apat na baka. Leon: Mukhang mapalad ako ngayong araw na ito. May apat na baka. Malalaki at matataba pa ito. Dahan-dahan lumapit ang leon sa apat na baka. Ngunit napansin siya ng mga ito. Kaagad-agad na nagsama sila. Nagtalikuran sila nang pabilog. Pinagsamasama pa nila ang kanilang buntot. Tuwing lalapit ang leon ay lalong pinagdirikit ng mga baka ang kanilang likuran. Kahit saan humanap ng magandang lugar ang leon, hindi niya makuhang makalapit sa mga baka. Kaya umalis na lamang ito. Mga baka: Akala siguro ng leon madali niya tayong makakain. Hindi niya alam na kapag nagsama-sama at pinagdikit natin ang ating mga buntot, mas malakas tayo. Isang araw, nagtalo-talo ang mga baka. At nagkahiwalay silang lahat. Nakita sila ng leon at isa-isa silang sinugod nito at kinain. Bino: Ganyan ang nangyayari kapag walang pagkakaisa. Didi: Kaya dapat nagtutulungan at nagkakaisa ang lahat. Bb. Rigor: Tama, mga bata. Iyan ang dapat nating tandaan. Komunikasyon 1, pahina 225–228, nina Emilia L. Banlaygas at Eleanor D. Antonio, 3. Talakayan a. Sino ang mga tauhan sa pabula? Okay, Descallar! Magaling! Ma’am? Ang mga tauhan sa kwento ay ang leon at ang apat na baka. b. Ano ang naramdaman ni Leon? Sinong gustong sumagot? Ma’am! Ang naramdaman ni Leon ay galak na makakakain na siya. Magaling! c. Ano ang ginawa ni Leon sa mga baka? Okay, Grecko! Ma’am! Isa isang sinugod ni Leon ang baka at kinain. Magaling! d. Ano ang masasabi niyo sa ginawang taktika ng mga baka? Ma’am! Yes, Mike? Magaling ang ginawang taktika ng mga baka, Ma’am dahil nagiging malakas sila kapag nagkakaisa. Magaling! e. Ano kaya ang mangyayari sa mga baka kung hindi sila nagkaisa? Okay, Kim Chen! Magaling! Ma’am! Ang mangyayari sa mga baka kung hindi sila nagkaisa ay nakain na ni Leon. 3. Paglalapat Panuto: Tapusin ang bawat pangyayari sa kuwento. Pagkatapos, ayusin ito nang sunodsunod, isulat ang bilang 1–5 sa tamang kahon. 1. Pinagsama-sama ng mga ___ ang kanilang ___. 2. Kaya nang makita sila ___ inisa-isa silang sinugod at ___ nito. 3. Napansin ng mga ___ na papalapit si ___. 4. Minsan, nagtalo-talo ang mga ___ at sila’y ___. 5. Dahil walang nagawa si Leon siya’y ___. 4. Paglalahat Ano nga ulit ang ating binasang pabula? Okay, Arney! Ma’am! Ito ay tungkol sa Apat na Baka At Leon, Ma’am. Magaling! Ano-ano ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabula? Okay, Solosa? Ma’am! Ano nga ulit ang mangyayari kung walang pagkakaisa? Ma’am! Okay, Grecko! Magaling! V. Takdang Aralin Gumawa ng slogan tungkol sa pagkakaisa. Ito ay magdudulot ng kaguluhan at kapahamakan.