Uploaded by Charles Olivier D. Villar

EsP-10-Q1-Module-1

advertisement
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Joenil Q. Mondano
Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo
Tagaguhit: Efren S. Hoyla
Tagalapat: Nicanora Adlao, Paul Wilhelm Bongcayo, Carmencita Caballero,
Harley Jane Hocamis, Raquell R. Rufo, Ofelia Bejarasco
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Alma C. Cifra, EdD
Aris B. Juanillo, PhD
Lydia V. Ampo
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Davao City Division
Office Address
: DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax
: (082) 224 0100
E-mail Address
: info@deped-davaocity.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasayon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos-Loob!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
iii
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
v
Alamin
Sa mga nakalipas na taon, napaunlad mo ba ang paggamit sa iyong isip at
kilos-loob? Naging mapanagutan ba ang iyong paggamit ng iyong kalayaang
magpasiya sa mga karanasan na nagpapakita ng paggamit ng iyong isip, at ng iyong
kilos-loob? Paano mo nalalampasan ang mga hadlang na kinakaharap mo sa iyong
buhay patungo sa pag-unlad ng iyong pagkatao? Ang mga sagot sa mga
katanungang iyan ay masasagot mo sa pamamagitan ng modyul na ito. Sa araling
ito, dito mo maiintindihan ang kahalagahan ng mapanagutang paggamit ng iyong
isip at kilos-loob.
Ang modyul na ito ay magpapaalala muli sa iyong taglay na kakayahan bilang
tao upang matagumpayan mo ang bawat pasubok ng iyong sariling pagkatao
patungo sa pagpapakatao gaya lamang ng isang kasabihan na “madaling maging tao
ngunit mahirap magpakatao”.
Magiging madali sa inyo na masasagutan ang mga gawain na inihanda sa
modyul na ito sapagkat ang mga konsepto ay maayos na ipinahayag upang mas
madaling maunawaan ang bawat detalye hinggil sa mataas na gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang maisasagawa ang mga
sumusunod:
1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
2. Nakikilala ang kaniyang mga kahinaan sa pagpapasiya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito;
3. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal; at
4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay katangian ng kilos-loob maliban sa:
a. Ang kilos-loob ay ang pagkilos tungo sa pagmamahal sa kapuwa
b. Ang kilos-loob ay ang paggawa ng kabutihan
c. Ang kilos-loob ay ang pagkilos tungo sa paglilingkod sa kapuwa
d. Ang kilos-loob ay ang kakayahang magnilay at magmuni-muni
2. Ano ang pangunahing tunguhin ng isip?
a. paglilingkod/pagmamahal
b. kabutihan
c. paghuhusga
d. katotohanan
3. Ang mga sumusunod na pahayag ang mga kakayahang nagagawa ng tao
maliban sa:
a. May isip hindi lamang upang makaalam kundi upang makaunawa at
maghusga.
b. May kakayahang mangatwiran
c. May kakayahang pigilin ang pandama at emosyon at mailagay ang
paggamit nito sa tamang direksiyon.
d. May kakayahang gumawa ng paraan ayon sa kaniyang nais ngunit
walang kahulugan kundi ang kumilos upang pangalagaan ang
kaniyang sarili
4. Maaaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkaroon ng magkaibang kilos.
Tama ba o mali ang pahayag?
a. Mali, dahil sa lahat ng pagkakataon laging tugma kung ano ang dikta
ng emosyon at ang gawa ng kilos.
b. Tama, dahil may kakayahan ang tao kumuha ng esensiya sa mga bagay
na umiiral.
c. Mali, dahil ang emosyon ay nakasalalay sa ano ang nauunawan ng isip
ay magkatulad sa isasagawa ng kilos-loob.
d. Tama, dahil walang kamalayan ang tao sa kaniyang emosyon at
nagagawa ng kilos-loob na magkaroon ng magkaibang kilos.
5. Anolohiya: Isip: umunawa – kilos-loob: ______________
a. paghusga
b. pagnilay
c. pagmumuni
d. paggawa
2
Aralin
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin
ng Isip at Kilos-Loob
1
Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos na nangangahulugan na ang tao
ay may katangiang taglay Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-isip,
pumili at gumusto ngunit ang mga kakayahang ito ay may kaakibat na pananagutan
hindi lamang sa kanyang sarili at kapuwa kundi maging sa Diyos din. Bilang tao ay
nilikhang hindi-tapos sapagkat siya mismo ang gagawa at kikilos para sa kaniyang
sarili sa paghahanap ng mga piraso upang makatutulong sa kaniya upang siya ay
maging TAPOS. Hindi tulad sa hayop na alam na kung ano siya sa kaniyang paglaki
na walang pinaghahandaang kinabukasan kundi para sa kanyang kapakanan
lamang na para mabuhay.
Balikan
Ano-ano na ang alam mo?
Panuto: Tukuyin ang salita o mga salita na tinutukoy sa bawat patlang.
1.
U
N
A
- Pangunahing gamit ng isip ng tao
2.
U
A
A
- Pangunahing gamit ng kilos-loob
3.
I
I
I
D
A
- Biniyayaan ng iba’t-ibang kakayahan na nagpapadakila sa kaniya
3
4.
U
S
- Nakararamdam ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay
5.
K
A
I
U
A
- Ginagamit ang kaalaman sa paglaan sa pagpapaunlad sa kaniyang
pagkatao, paglilingkod sa kapuwa at pakikibahagi sa pamayanan.
6.
P
G
A
G
O
- Isang mangatwirang naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
7.
K
A
/
A
A
A
- Sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at
pagsasalita (sa bibig o pagsusulat)
8.
A
M
A
A
A
- Galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may
halaga.
9.
A
A
A
A
N
- Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kaniyang
kakayahang pag-isipan ang kaniyang sarili.
10.
B
O
/
N
I
- Nabuo mula sa mga partikular na bagay na umiiral na
naghihintay ng tugon ng tao.
4
A
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay inihanda at sinuri ng mga magtuturo mula sa
pampublikong paaralan na makapagdudulot ng makabuluhang pagunawa sa mga mag-aaral. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral
na masagutan ang mga sumusunod na gawain.
Kailangan masagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang
gawain ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
Tuklasin
Gawain 1:
Panuto: Tunghayan ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang kakayahang taglay ng tao at ng hayop na may pagkakatulad at
pagkakaiba nito sa bawat isa? Pangatuwiranan.
2. Paano ginamit ng tao at ng hayop ang kanilang mga kakayahan base sa
larawang ipinakita?
3. Ano-ano ang iyong mga nalaman at naunawan mula sa gawain?
5
Gawain 1A:
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon. Ipagpalagay na ikaw ang tauhan sa situwasyon.
Sagutan ang mga tanong sa iyong kuwaderno.
Situwasyon
Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na magkaroon kayo ng group study sa
bahay ng iyong kamag-aral mamayang gabi bilang paghahanda sa
pagsusulit bukas. Ngunit pagdating mo sa bahay ng iyong kaklase ay
nagulat ka dahil sila ay nagsusugal at umiinom ng alak sa halip na magaral.
Mga Tanong:
1. Ano ang iyong gagawin sa situwasyong kinakaharap mo?
2. Ano ang magiging epekto sa iyong sarili at sa iyong kamag-aral sa pasiya
at kilos na gagawin mo?
3. Ano ang iyong dahilan at batayan sa desisyong gagawin mo?
Suriin
Ating natuklasan at naunawaan ang
kakayahang taglay ng tao at ang pagkakaiba nito sa
hayop mula sa aktibidad. Ang tao ay binubuo ng
ispirituwal at materyal na kalikasan ayon sa
pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino. Kakabit ng
kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao.
(E. Esteban, 1990, ph.48)
Ang tao ay may taglay na isip at kilos-loob na
wala sa mga hayop. Ang isip ay may kakayahang
alamin at unawain ang kaniyang sarili kaya’t
nagtatanong sa sarili kung sino ako, nag-iisip at
nagninilay; ginagawa kong obheto ng aking pag-iisip ang aking sarili. Ito ang
kakayahan ng taong lumayo o humiwalay sa sarili at gawing obheto ng kamalayan
ang sarili patungo sa pagsasaibayo sa sarili (self-transcendence) na kung saan
kayang kontrolin ng tao ang kaniyang sariling emosyon, damdamin at pagnanasa.
Ang kilos-loob naman ay ang makatuwirang pagkagusto na nag-uudyok na
gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Nag-uudyok na piliin kung ano ang
mabuti o masama ayon sa paghuhusga ng isip mula sa mga nakalap na
impormasyon dito. May kakayahang maghusga at mangatwiran ang isip na
naiimpluwensiyahan ang kilos-loob kung kaya kinakailangan ang moral na pagpili
sapagkat ang papapasiya ay may moral na tungkulin.
6
1. Pangkaalamang Pakultad (knowing faculty). Dahil sa kaniyang panloob at
panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga at
nangangatwiran. Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil
din sa kaniyang pandama – ang paningin, pandinig, pandama, pang-amoy, at
panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang
siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam. Ang mga panloob
na pandama naman ay ang mga sumusunod:
a. Kamalayan. Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at
nakapag-uunawa.
b. Memorya. Kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na
pangyayari o karanasan.
c. Imahinasyon. Kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at
palawakin ito.
d. Instinct. Kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon
nang hindi dumaan sa katwiran.
2. Pagkagustong Pakultad (appetitive faculty). Dahil sa emosyon at dahil
sa kilos-loob.
Pagkakatulad at Pagkakaiba ng hayop at tao ayon kay Edward Brenan
Ang mga kakayahan na nagkakapareho sa hayop at tao ay ang pandama na
siyang pumupukaw sa kaalaman, ang pagkagusto na siyang pakiramdam at
emosyon, at ang pagkilos na siyang paggalaw. Bagama’t parehong taglay ng tao at
hayop ang mga kakayahan, nagkakaiba ang paraan kung paano ginagamit ang
tatlong kakayahan.
Hayop. Una, may kamalayan sa kaniyang
kapaligiran dahil sa may matalas siyang pakultad o
kakayahan na kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o
kaya’y amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may
kaugnayan sa kaniyang buhay. Pangalawa, mayroong
pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para
sa kaniyang kabutihan at kapakanan. Panghuli, may
kakayahang gumawa ng paraan upang makuha ang
kaniyang ninanais. Ginagamit ng walang kahulugan sa
kaniya kundi upang kumilos para pangalagaan at
protektahan ang kanyang sarili.
7
Tao. Una, bukod sa pandama, may isip hindi
lamang upang makaalam kundi upang makaunawa at
maghusga. Ang makaunawa ay ang kakayahang
makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga
upang bigyan ito ng kahulugan. Pangalawa, kakayahang
maghusga ay ang kakayang mangatwiran. Panghuli,
malayang kilos-loob, bukod sa damdamin at emosyon
upang magnais o umayaw. Nangangahulugan itong dahil
may isip at kilos-loob ang tao, magagawa niyang pigilin ang
pandama at emosyon at mailagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
Isip
Ayon sa paliwanag ni De Torre (1980), ang kaalaman o impormasyong nakalap
ng pandama ng tao ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng
mas malalim na kahulugan. Ang KATOTOHANAN ayon kay Fr. Roque Ferriols, ay
ang “tahanan ng mga katoto”. May kasama ako na nakikita o may katoto ako na
nakikita sa katotohanan. Ito ay mayroon o ang nandiyan na kailangang lumabas sa
pagkakakubli at lumitaw dahil sa pagiging bukas ng isip ng taong naghahanap nito.
Ayon kay Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t
nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan na kung saan may kakayahan siyang
pag-isipan ang kaniyang sarili. Isa pa sa nagagawa ng tao dahil sa kaniyang isip ay
ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral
(mag-abstraksiyon). Ang gamit at tunguhin ng isip ang pag-unawa sa katotohanan.
Kilos-Loob
Ito ay isang makatuwirang pagkagusto (rational
appetency) ayon kay Santo Tomas na naaakit sa mabuti
at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa isip, kaya’t mula
sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang
pagnanais ng kilos-loob. Mahalaga ito sa moral na
pagpili, sapagkat kailangang kilalanin ang pagkakaiba
ng nararamdaman o emosyon at ang paghuhusga at
pagpapasiya sapagkat may kakabit itong moral na
tungkulin. Dahil sa kamalayan at kakayahang kumuha
ng buod o esensiya ng mga bagay na umiiral, nabibigyang-kahulugan ng isip ang
isang sitwasyon. Ang gamit at tunguhin ng kilos-loob ay ang pagkilos tungo sa
pagmamahal at paglilingkod.
Ayon kay Max Scheler, Ang pagmamahal ay
maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na siyang pinagmulan ng
tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa kaniyang sarili. Tinawag tayo ng Diyos
na tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila.
8
Pagyamanin
Gawain 2
Panuto: Isulat ang numero ng bawat konsepto (1-10) sa nararapat na hanay sa tsart
sa ibaba. Ang tsart ay nagpapakita ng gamit at tunguhin ng isip at kilos loob. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Sa sagutang papel, isulat ang I kung ang
pangungusap ay nagpapahayag tungkol sa Isip at K kung Kilos-loob.
Halimbawa: Ang tao ay naghahanap ng katotohanan.
Sagot:
I
Magsimula Rito
1. May kapangyarihang umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
2. Ang tao ay may kakayahang alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
3. Nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili.
4. Maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
5. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam.
6. May kapangyarihan ang taong mangatuwiran.
7. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang magpasiya.
8. Ang paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
9. Pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa.
10. Naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Isaisip
Gawain 3
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa
konsepto sa paghubog ng konsensiya batay sa Likas na Batas Moral. Hanapin sa
kahon sa ibaba ang tamang sagot at ilagay sa patlang.
1. Ang tao ay binubuo ng _____________________na kalikasan ayon sa pilosopiya
ni Santo Tomas de Aquino. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang
kakayahan ng tao.
2. Ang __________________ ay dahil sa kaniyang panloob at panlabas na pandama
at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatwiran.
3. Samantalang ang____________________ ay dahil sa emosyon at dahil sa kilosloob.
9
4. Ang pandama, pagkagusto at ___________ ay ang mga kakayahan na
nagkakapareho sa hayop at tao ayon kay Edward Brenan.
5. Ang kakayahang maghusga ay ang kakayahang _________________.
6. Malayang _______, bukod sa damdamin at emosyon upang magnais o
umayaw.
7. Ang _________________ ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t
nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
8. Ang tunguhin ng isip ay ang pag-unawa sa ______________________.
9. Ang pagmamahal ay maipapakita sa pamamagitan ng
________________________na siyang pinagmulan ng tunay na kaligayan na
hinahanap ng tao sa kaniyang sarili.
10. Dahil sa kamalayan at kakayahang kumuha ng _______________ng mga bagay
na umiiral, nabibigyang-kahulugan ng isip ang isang sitwasyon.
katotohanan
pagkilos
isip
pagkagustong pakultad
(appetitive faculty)
buod o esensiya
kilos-loob
pangkaalamang pakultad
(knowing faculty)
mangatwiran
paglilingkod sa kapuwa
ispiritwal at materyal
Isagawa
Gawain 4
Panuto: Tunghayan mo kung paano sila nagbigay ng katuwiran sa bawat situwasyon
na inilahad sa larawan. Pag-aralang mabuti ang situwasyon. Isulat ang mga maling
pasiya at kilos ng mga situwasyon sa unang hanay. Isulat naman ang iyong
reaksiyon sa pangalawang hanay. At sa pangatlong hanay ang iyong mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga kahinaan sa pagpapasiya.
10
Sitwasyon 1
Ef, anong gagawin
mo sa pitakang
nakita
mo
sa
klasrum kanina na
may
lamang
maraming pera?
Hindi ko pa
alam. Eman,
nakabili ka na
ba ng kagamitan
sa proyekto?
Oo! nakabili na
ako. Dapat ikaw
din kasi bukas na
iyon ipapasa.
Naku! Wala pa
naman pera si
tatay ngayon.
Ito nalang ang
gagamitin ko.
Sitwasyon 2
Pew, hindi ka ba
natatakot na
baka malaman ni
Sir na nangopya
ka lang?
Jazz, pwede ba!
Maging masaya ka
na lang sa akin.
48/50 nakuha ko
sa exam.
Maling Pasiya at Kilos
Hindi ka ba na
konsensiya na
hindi mo yan
pinaghirapan?
Reaksiyon
Minsan lang ‘to!
Kaibigan naman
kita, di ba? Alam
ko na hindi mo
ako isusumbong.
Mga hakbang
1.
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
2.
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
11
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.
Para sa bilang 1 at 2
Noong bata pa si Arthur ay mahilig siya sa mga aso. Isang araw ay nakagat siya
ng isa sa kaniyang mga aso habang nakikipaglaro rito. Nang siya ay nagging binata
na, ayaw na niyang makipaglaro sa mga aso dahil sa kaniyang karanasan.
1. Ano ang nag-udyok kay Arthur na kaya niyang kontrolin ang sarili sa pagkahilig
sa mga aso?
a. kakayahang manghusga
b. kakayahang mag-abstraksiyon
c. kamalayan sa sarili
d. malayang magnais o umayaw
2. Ayaw ni Athur na makipaglaro sa mga aso dahil sa kaniyang karanasan noong
bata pa siya. Anong uri ng panloob na pandama ang ipinapakita ni Arthur?
a. kamalayan
b. memorya
c. imahinasyon
d. instinct
3. Ano ang maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na siyang
pinagmulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa kanyang sarili.
a. pagsasaibayo sa sarili (self-transcendence)
b. pagmamahal
c. paggalang
d. pag-unawa sa sarili
4. Saan maipapakita ang pagmamahal na siyang pinagmulan ng tunay na
kaligayahan na hinahanap ng tao sa kaniyang sarili?
a. paglilingkod sa kapuwa
b. pagsunod sa mga gabay at payo ng nakatatanda
c. pag-unawa sa sarili
d. pagkilala sa sariling kagustuhan
5. Saan nakaasa ang malayang pagnanais ng kilos-loob?
a. isip
b. damdamin
c. emosyon
d. kakayahan
12
Karagdagang Gawain
Basahin ang situwasyon at sundin ang panuto sa ibaba nito:
Sa
gitna
ng
nararanasang
pandemya
sa
COVID-19,
higit
na
ipinagbabawal sa mga menor de edad na katulad mo ang paglabas ng
bahay. Gayunpaman, hindi rin pinahihintulutan ang paglabas na hindi
naaayon sa nakatakdang iskedyul at walang suot na face mask. Subalit,
pinilit ka ng iyong kabigan na lumabas para maglaro ng Mobile Legend
sa bahay ng isa pang kaibigan sa kabilang barangay.
Gawain 5
Panuto: Isulat ang iyong mga katuwiran sa magiging pasiya mo kaugnay sa iyong
desisyon at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa mga speech balloon. Kung hindi
tugma ang sitwasyong ito sa iyo, ilahad at gawin ang naaayon sa iyong sariling
karanasan.
Pasiya
Gagawing Solusyon
___________________
____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
____________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
_____________________
13
Pagyamanin
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
I
I
K
K
I
I
K
K
I
K
14
Pagtataya
Isaisip
1. ispiritwal at materyal
2. pangkaalamang pakultad
(knowing faculty)
3. pagkagustong pakultad
(appetitive faculty)
4.Pagkilos
5. Mangatwiran
6. Kilos-loob
7. Isip
8. katotohanan
9. Paglilingkod sa kapuwa
10. buod o esensiya
1. C
2. B
3. B
4. A
5. A
Balikan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Subukin
UMUNAWA
GUMAWA
INDIBIDWAL
PUSO
KATALINUHAN
PAGKAGUSTO
KAMAY / KATAWAN
PAGMAMAHAL
KAMALAYAN
BUOD / ESENSIYA
1.
2.
3.
4.
5.
D
D
D
B
D
Susi sa Pagwawasto
Rubric para sa Tuklasin: Gawain 1 at 1A
Mga Kraytirya
3
2
Malalim ang pag- Katamtaman
ang
Pag-unawa
unawa
sa lalim ng pag-unawa
larawan/sitwasyong sa
ibinigay
larawan/sitwasyong
ibinigay
Inilahad ng maayos Inilahad ang gamit
Gamit ng isip ang
mataas
na at tunguhin ng isip
at kilos-loob
antas ng gamit at at kilos-loob
tunguhin ng isip at
kilos-loob
Angkop at wasto May iilang salitang
ang mga salitang ginamit na hindi
Pagkabuo
ginamit
sa angkop at wasto
pagbubuo
Rubric para sa Isagawa: Gawain 4
Mga Kraytirya
3
Naipapaliwanag ng
Kaalaman
maayos ang bawat
punto sa naibigay
na reaksiyon
Inilahad
ng
Gamit ng isip at maayos
ang
kilos-loob
mataas na antas
ng
gamit
at
tunguhin ng isip at
kilos-loob
Angkop at wasto
ang mga salitang
Pagkabuo
ginamit
sa
pagbubuo
2
Naipapaliwanag
ang ilang punto sa
naibigay
na
reaksiyon
Inilahad ang gamit
at tunguhin ng isip
at kilos-loob
Malinaw
ang
paggawa ng solusyon
gayundin
ang
panlahat
na
pagtanaw ukol dito
Hindi inilahad ng
maayos ang gamit
at tunguhin ng isip
at kilos-loob
Walang kaugnayan
at hindi wasto ang
mga
salitang
ginamit
1
Hindi
naipaliwanag ang
punto sa naibigay
na reaksiyon
Hindi inilahad ng
maayos ang gamit
at tunguhin ng isip
at kilos-loob
May iilang salitang Walang
ginamit na hindi kaugnayan
at
angkop at wasto
hindi wasto ang
mga
salitang
ginamit
Rubric para sa Karagdagang Gawain:
Mga Kraytirya
3
Mabisang
Nilalaman
naipahayag
ang
ideya
Malinaw at maayos
Malinaw at
ang
maayos ang
pagkakasunodkatuwiran
sunod ng paglahad
ng katuwiran
Paggawa
ng Solusyon
1
Mababaw ang pagunawa
sa
larawan/sitwasyong
ibinigay
Gawain 5
2
Hindi
gaanong
naipahayag
ng
mabisa ang ideya
Hindi masyadong
malinaw at maayos
ang pagkasunodsunod ng paglahad
ng katuwiran
1
Hindi naipahayag
nang mabisa ang
nilalaman
Nakalilito
ang
pagkasunodsunod ng paglahad
ng katuwiran
Nakagawa
ng
solusyon
subalit
hindi
sapat
ang
pagpapaliwanag
ukol ditto
Hindi malinaw ang
solusyon. Hindi rin
nakalahad
ang
panlahat
na
pagpapaliwanag dito
15
Sanggunian
Mga Aklat:
Astorga, C. Living the Faith Option: Christian Morality. Christian Life Education
Series. Quezon City: FNB Educational, Inc.
Brenan, R. (1948). The Image of His Maker. Milwaukee: The Bruce Publishing
Company
Brizuela, M.J., Arnedo, P.J., Guevarra, G., Valdez, E., Rivera, S., Cleste, E., Balona,
R., Yumul, B.D., Rito, G., & Gayola, S. (2015). Kagawaran Edukasyon sa
Pagpapakatao. Modyul para sa mga mag-aaral. FEP Printing Corporation.
Caberio S., Nicolas, M.V., Reyes, W., & Punsalan, T. (2015). Pagpapakatao. Batayang
Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya. Rex Bookstore.
De George, Richjard T. (1996) Ethics and Society: Original Essays on Contemporary
Moral Problems. New York: Anchor Books Doubleday and Company
De Torre, J. (1980) Christian Philosophy. Sinag-Tala Pubishers. Manila
Dy, M. Kaisipan, Ang opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang
Pilosopiya (ISIP). Vol. No.1
Esteban, E. (1989). Education in Values: What, Why and For Whom. Manila: SinagTala Publishers
Luistro, A., Quijano, Y., at Ruiz, E., (2012). Edukasyon sa Pagpapakatao 7.
Kagamitan ng Mag-aaral.
Mula sa Internet
Edukasyon sa Pagpapakatao retrieved from aque 109450blogspot.com on May 12,
2020
Paglilingkod sa Kapwa retrieved from http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod on
May 12, 2020
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Download