I STILL REMEMBER YOU GROUP 3 CANDID PHOTOGRAPHY Ako si Geo, isang guro na kasalukyang nagtuturo sa paaralan ng biñan. Noong ako ay highschool pa lamang, ako ay kilala bilang isang basagulero; bully at isang lalaki na kahit sino mang babae ay hindi gugustuhin na makasama ako. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nag bago ang aking buhay. Ito ay nag simula noong makilala ko si Princess, si Princess ay aking kaklase, isa siyang mabutingtao, lagi ko siyang pinagtitripan, hanggang sa hindi ko inaasahan, unti unti nako nahuhulog sa kanya. Pagibig nga ba ito? Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya at dahil sa hindi mapaliwanag na pagtingin ko sa kanya, naglakas loob ako, niligawan ko siya, at hindi nag tagal, naging magkasintahan na kami. Si juana ay ang babaeng nakapag pabago ng aking buhay, siya ang kauna unahang babae na aking sineryoso at natitiyak ko na magiging maganda ang kinabukasan ko sa kanya. Maraming pagsubok ang aming pinagdaanan ngunit ang lahat ng ito ay aming nalagpasan. Sinubok kami ng tadhana, binigyan niya kami ng mga hamon sa buhay, ngunit lahat ng ito ay amin ding napagtagumpayan. Makalipas ang tatlong taon naming pagsasama, dumating ang problemang hindi namin inaasahan. palaging nag daramdam ang aking kasintahan na sa tuwing gigising siya ay masakit ang kaniyang ulo, palagi rin siyang nagsusuka kung kaya mas pinabuti namin na dalhin na lamang siya sa doktor upang malaman namin kung ano nga ba ang kaniyang kalagayan. napag alaman namin na aking honeybunch ay may malalang tumor sa kanyang utak hindi ito kayang gamutin dito sa pinas. kahit masakit para sa akin, hinayaan kong dalhin si Princess ng kaniyang mga magulang sa ibang bansa upang ipagamot ang kaniyang malubhang sakit. Maraming buwan na ang lumipas, ngunit wala pa rin akong balitang naririnig tungkol sa kanya. Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng mensahe, biglang huminto ang aking mundo ko... "wala na siya, geo. wala na ang anak ko". labis ang sakit na aking nadama. hindi ko alam kung kakayanin ko ba pang mabuhay ngayong wala na siya, ni hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita siya sapagkat doon na rin siya naisipang ilibing sa ibang bansa. Sobrang sakit para sa akin na yung taong pinakamamahal mo ay mawawala na lamang sa iyo ng parang bula. Grabe talaga, tadhana nga naman oh! walang tigil ang luha ko ng malaman ko na wala na siya. Hanggang ngayong kasalukuyan, hindi pa rin siya maalis sa aking isipan. dala dala ko pa rin ang mga alala niyang nagbibibigay sa akin ng pinag halong sayo at kalungkutan. Sa lahat ng ito, aking napagtanto, Mahalin at alagaan mo ang mga taong nasa paligid mo lalo na ang mga pinakamamahal natin dahil hindi natin alam kung hanggang saan o hanggang kailan natin sila makakasama. kaya naman sa aking minamahal, sana ay masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Alam ko na ginagabayan moko, hinding hindi kita makakalimutan, lalo na ang kaisa isang larawan natin na nagsisilbing kong alaala at lakas upang mag patuloy sa mga hamon ng buhay. Hanggang dito na lang -Geo