9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan, Linggo 1 at 2 – Modyul 9 Katarungang Panlipunan Mula sa Gabay Pangkurikulum ng EsP Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan, Linggo 1 at 2 - Modyul 9: Katarungang Panlipunan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V Mga Bumuo ng Modyul Manunulat: Mga Tagasuri: Aga Christy A. Dologmandin Airlene B. Lagas, MAPM, Judith V. Esmillaren, MEd at Ernida A. Lucagbo, MAEd Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I MgaTagapamahala Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V Schools Division Superintendent Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, PhD, CESE Assistant Schools Division Superintendent Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager Meriam S. Otarra, PDO II Charlotte D. Quidlat, Librarian II Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City Office Address: Telefax: E-mail Address: General Aguinaldo, St., Iligan City (063)221-6069 iligan.city@deped.gov.ph Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan, Linggo 1 at 2 Modyul 9 Katarungang Panlipunan Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa iligan.city@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas This page is intentionally blank Talaan ng Nilalaman Mga Pahina Pangkalahatang Ideya …………………………..........….................... i Nilalaman ng Modyul …………………………..........….................... i Pangkalahatang Panuto …………………………..........….................... ii Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ......………………………........................... iii Alamin …………………………..........….................... 1 Subukin …………………………..........….................... 1 Balikan …………………………..........….................... 3 Tuklasin …………………………..........….................... 3 Linangin …………………………..........….................... 4 Suriin …………………………..........….................... 6 Pagyamanin …………………………..........…................... 11 Isaisip …………………………..........….................... 12 Isagawa …………………………..........….................... 12 Buod …………………………..........….................... 13 Tayahin …………………………..........….................... 13 Karagdagang Gawain ...................................................................... 15 Susi sa Pagwawasto …………………………..........…................... 16 Sanggunian …………………………..........….................... 16 This page is intentionally blank Pangkalahatang Ideya Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan. Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10. (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123. Nilalaman ng Modyul Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan. Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s Taxonomy. Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Bloom’s Taxonomy. Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin. Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa Bloom’s Taxonomy. Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57. i Pangkalahatang Panuto Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin. 2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag- aaral. 3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa bahaging Suriin. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal. 4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng modyul. 6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao. 8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga gawain. 9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga awtoridad sa pamayanan. 10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2. ii Mga Icon na Ginagamit sa Modyul Alamin Subukin Balikan Tuklasin Suriin Pagyamanin Isaisip Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito. Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masusuri kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong tatalakaying aralin. Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutuhan sa nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin. Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto. Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa ang kasanayang nililinang. Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang natutuhan sa aralin. Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. iii This page is intentionally blank Modyul 9 Katarungang Panlipunan Alamin Sa Modyul 1, natutuhan mo na mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao sa pagkamit at pagpananatili ng kabutihang panlahat sa lipunan. Isa sa mga nararapat pagsikapan upang makamit ito ay ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan. Pangunahin sa mga moral na pagpapahalagang ito ay ang katarungang panlipunan. Bakit mahalaga sa ating pakikibahagi sa lipunan ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan? Paano ka tutugon sa hamon ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan? Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano makipag-ugnayan ang bawat mamamayan sa kaniyang kapuwa sa kanilang pagkakasamang pag-iral? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 9.1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan 9.2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan 9.3. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya 9.4. Natutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 129. Subukin Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “ Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan “? A. Dr. Manuel B. Dy Jr. B. Andre Sponville C. Santo Tomas de Aquino D. Santo Papa Juan Pablo II 1 2. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito? A. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay. B. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito. C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas. D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay. 3. Natutuhan mo sa asignaturang EsP na ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ano ang dapat na magpatotoo nito? A. Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tuwing kainan B. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang. D. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga 4. Paano maipakikita ang kilos ng pagiging makatarungang tao? A. Pag-usapan ng mga magkamag-aral ang nangyayari sa sistemang legal ng bansa B. Alamin ng mga kabataan ang kanilang mga tungkulin at mga karapatan sa lipunan C. Bisitahin ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin na bumalik ito sa pag-aaral D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng baranggay tuwing Sabado upang maglaro ng basketball 5. Alin ang nagpapatunay na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas? A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos. B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao. C. Ang pagpapakatao ay mapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas. D. Ang moral at legal na batas ay maaaring paghiwalayin upang magkaroon ng katarungan sa lipunan. 6. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan? A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya B. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkakamali at hindi na manisi ng iba C. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid D. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga karapatan ng kapuwa 7. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong gawin upang maibigay mo sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila? A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral C. Bilhan ng laruan ang lahat ng batang makikita upang matutuwa ang mga ito D. Bisitahin ang dating paaralan at magtanong kung ano ang maaaring maitulong 8. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan? A. Pagpapautang ng 5-6 sa mga mahihirap B. Pagsumbong sa guro sa kaklaseng nangongopya C. Pagturing ng pamemeki ng lisensiya bilang hanapbuhay D. Pagtanggap ng bayad sa boto mula sa kandidatong pulitiko sa eleksiyon 2 9. Bakit kailangan sa katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa? A. Dahil binubuo ng tao ang lipunan B. Dahil magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao C. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao D. Dahil pangunahin sa pag-iral ng katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa 10. Paano unawain ang mga pagpapahalagang kaugnay sa katarungang panlipunan? A. Malaman mo ang iyong papel sa katarungang panlipunan. B. Makita mo alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang angkop sa iyo. C. Masigurado mo na magtagumpay ka sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa. D. Matulungan ka sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao at sa paggalang mo sa dignidad ng kapuwa na likas sa pagiging tao ng tao. Balikan Sa naunang modyul, napalalim mo ang iyong pag-unawa sa kahalagahan ng tunay na diwa ng pakikilahok at bolunterismo sa lipunan. Natutuhan mo na bilang kabataan, marami kang maaaring magawa tungo sa pagbabago at pag-unlad ng lipunang iyong kinabibilangan. Sa modyul na ito, gagabayan ka upang maunawaan mo na bilang isang panlipunang nilalang, kailangan mo ang iyong kapuwa lalo na sa mga kritikal na sitwasiyon ng iyong buhay. Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano makipag-ugnayan ang bawat mamamayan sa kaniyang kapuwa sa kanilang pagkakasamang pag-iral? Tuklasin Gawain 1: Mga Palatandaan ng Katarungang Panlipunan Panuto: 1. Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao ang taglay mo sa iyong sarili sa kasalukuyan. 2. Sagutin ang bawat aytem sa talahanayan sa ibaba. 3. Isaalang-alang ang kasalukuyang ginagawa mo at hindi ang gusto mong gawin. 3 Mga Palatandaan ng Pagiging Makatarungang tao Ako Ito Hindi Ako Ito 1. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aking paligid. 2. Inuunawa ko ang bawat sitwasiyon sa obhektibong paraan upang makakilos nang makatarungan ayon sa hiningi ng sitwasiyon. 3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat para sa akin, maaari pa rin akong magparaya alang-alang sa mas nangangailangan nito. 4. Handa akong magbigay ng aking sarili upang makatulong sa pagpapabuti ng kapakanan o buhay ng aking kapuwa. 5. Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng aming pamilya. 6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa trabaho, sa aming baranggay o sa bansa. 7. Itinataya (commit) ko ang aking sarili sa kasunduang mayroon ako at ang aking mga kaibigan. 8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang dapat kung igalang lalo na ang may kaugnayan sa likas na batas moral. 9. Tinutupad ko ang aking mga pangako at mga komitment sa buhay. 10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat, pagbatikos at pagpuna sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan. 4. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. a. Ano ang naramdaman mo sa kinalalabasan ng iyong pagtatasa? Ipaliwanag. b. Sa kabuuan, ano-ano ang iyong mga natuklasan tungkol sa iyong sarili batay sa resulta ng pagtatasa? c. Sa palagay mo, paano ka magiging makatarungang tao upang makabahagi sa pagpapairal ng katarungang panlipunan sa iyong pamilya, paaralan, o pamayanan? Ipaliwanag. d. Para sa iyo, ano-ano ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan? Bakit? e. Mula sa mga palatandaang ito, ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng katarungang panlipunan? Linangin Gawain 2: Mga Paglabag sa Katarungang Panlipunan Panuto: 1. Tukuyin ang mga paglabag sa Katarungang Panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan. Gamit ang parehong talahanayan sa ibaba, isulat ito sa iyong kuwaderno. 2. Suriin ang bawat paglabag na ito ayon sa sumusunod: a. Sanhi o dahilan b. Mga epekto ng mga ito sa buhay ng tao c. Mga epekto sa lipunan at d. Mga paraan ng paglutas ng mga paglabag upang mapanumbalik ang minimithing katarungang panlipunan 4 Mga Paglabag Sanhi o Dahilan sa Katarungang Panlipunan A. Ng mga Tagapamahala Epekto sa Buhay ng Tao Hal.: - Pagpabor ng isang opisyal ng baranggay sa kaniyang mga kakilala sa ipinamigay ng pamahalaan na tulong sa mga nasalanta ng bagyo. -Mawalan ng tiwala sa kaniya ang mga residente ng baranggay -Hindi ihiniwalay ang personal na ugnayan sa kaniyang posisyon sa baranggay - sinamantala ang kaniyang kapangyarihan - Hindi na makiisa sa gawaing pambaranggay ang mga residente Epekto sa Lipunan -Madagdagan ang tiwaling opisyal -Hindi uunlad ang lipunan - Walang pagkakaisa sa lipunan Paraan ng Paglutas - Makinig sa konsiyensiya upang maging tapat sa tungkulin - Isaalang-alang ang kabutihang panlahat sa mga pasiyang gagawin -Humingi ng gabay sa Diyos 1. 2. 3. B. Ng mga Mamamayan Hal.: Pagtikom ng bibig sa nakitang pagpabor ng isang opisyal ng baranggay sa kaniyang mga kakilala sa ipinamigay ng pamahalaan na tulong sa mga nasalanta ng bagyo -Takot na magalit ang opisyal ng baranggay at hindi na bibigyan ng tulong -Mawalan ng tiwala sa namamahala sa baranggay -Walang pakialam sa ginawa ng opisyal ng baranggay at walang pakialam sa baranggay na kinabibilangan - Hindi na makikiisa sa gawaing pambaranggay - magpatuloy ang katiwalian sa lipunan -Harapin ang takot, humanap ng taong mapagkatiwalaa n at makatulong sa paglantad ng katotohanan - Kawalan ng pagkakaisa tungo sa kabutihang panlahat -Hindi uunlad ang lipunan -Kausapin ang opisyal sa kaniyang ginawa na walang ibang taong nakaaalam - mahirapan ang mga biktima ng bagyo 1. .2 3. 4. Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang iyong naramdaman sa mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at ng mga mamamayan? Ano naman ang naisip mo tungkol dito? 5 b. Ano ang pagpapahalagang nararapat taglayin ng bawat isa upang mapairal ang Katarungang Panlipunan? Ipaliwanag. c. Paano mananaig ang Katarungang Panlipunan sa ating bansa? Ipaliwanag. d. Ano ang kinalaman ng Katarungang Panlipunan sa iyong buhay? e. Paano ito nagiging mahalagang sangkap sa ugnayan ng mga kasapi ng lipunan? Suriin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa Pagyamanin. Katarungang Panlipunan “Walang iwanan.” Sa ano-anong sitwasiyon o konteksto mo narinig ang pahayag na ito? Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa katagang ito? Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa, lalo na sa mga kritikal na sitwasiyon sa buhay. Ito ay dahil ang tao ay panlipunang nilalang o umiiral na kasama ang ibang tao. Matutugunan lamang ang pangangailangang ito kung may nabubuong ugnayan sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin – isang ugnayang dapat na pinamamayanihan ng katarungan. Kahulugan ng Katarungan Ano ang katarungan? Ayon sa karaniwang kahulugan nito, ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr, ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling interes. Ano naman ang nararapat sa kapuwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi malalabag na espasyo ng kaniyang pagka-indibidwal - ang kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang. Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. Bakit mo kailangang maging makatarungan sa iyong kapuwa? Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao kundi dahil ikaw rin ay namumuhay sa lipunan ng mga tao. Ang pagiging makatarungan ay minimum na pagpapakita mo ng pagmamahal bilang tao na namumuhay kasama ang iba. Halimbawa, ang paninira sa ibang tao ay isa ring paglapastangan sa iyong sariling pagkatao. Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Ang kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral. 6 Makatarungang Tao Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre Comte-Sponville (2003), isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa. Isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa kabila ng napakaraming hindi patas na sitwasiyon na maaaring nararanasan mo at maaaring minsan ay ikaw rin mismo ang may gawa. Samakatuwid, kailangan mong salungatin ang iyong mismong sarili, ang ibang tao at ang mundo sa hindi pagiging patas ng mga ito. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban dahil sa katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili. Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan Ano-ano ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa kapuwa? Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkakapitbahay, magkaklase, o magka-opisina kung hindi sila palaasa, walang kompetisyon o hindi nangaagrabyado sa isa’t isa. Maaaring hindi makatarungan ang kanilang ugnayan kung ang isang panig ay nagbibigay-hadlang sa pamumuhay at buhay ng kabilang panig. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba. Kung nilalabag ang karapatang ito, mawawalan ng katarungan. Hindi nila ito magugustuhan at maaaring magbunga ng gulo sa buhay ng mga nasasangkot. Ano ang papel ng katarungan sa ganitong sitwasiyon? Mahalagang tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat isa anomang ugnayan mayroon ka sa iyong kapuwa. Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan Sa pamilya, una mong nararanasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti-unti kang nagkakaroon ng kakayahan na mauunawaan kung ano ang katarungan. Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang iyong konsensiya, natutuhan mo na ang katarungan at kawalan ng katarungan ay hindi nakadepende kung nahuhuli ka ng iyong mga magulang o ng iyong mga kapatid sa iyong mga nagawang pagkakamali. Hindi rin ito nakababatay sa mga patakaran na sinasabi ng iyong mga magulang o ng sino pa man. Nauunawaan mo sa tulong ng iyong mga karanasan na nagiging makatarungan ka kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng iba at isinasaalang-alang mo ang kabutihang panlahat. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang mo sa paghubog ng iyong pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa katotohanang may karapatan at tungkulin ka bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan. Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at maisabuhay mo sa iyong pang-araw araw na ugnayan sa kapuwa ang mga karapatan at tungkuling ito. Samakatuwid, sa tulong ng iyong mga magulang, nagsisimula ka na magkaroon ng mapanagutang ugnayan sa iyong kapuwa na daan patungo sa pagiging makatarungan. Malaki ang papel ng pagsasanay upang magiging makatarungan ka bilang tao. Ang pagsasanay na ito ay una mong nararanasan sa piling ng iyong pamilya. Kung hindi mo ito nasisimulan at nagagawa sa pamilya, ang buong proseso ng pagiging makatarungang tao ay maaaring maging mahirap para sa iyo. May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan 7 mo ng pansin sa pagsasanay sa loob ng inyong pamilya upang mahubog sa iyo ang katarungan. Narito ang mga aspektong titingnan mo sa iyong sarili: 1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong gawin ang mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba nila upang maiwasan mo ang hindi makatarungang gawain? 2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa? Kaugnay nito, tinutulungan ka ba nila na sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram ng isang bagay na pagmamay-ari ng iyong kapatid kung gusto mong gamitin ito? 3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang tao lalo na ang mga nakapaligid sa iyo? 4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayos ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba? Ang apat na aspekto ng pagsasanay na ito ay ginagamitan ng iyong isip at kilosloob na isa sa mga paksa na pinag-aralan mo sa Baitang 7. Ang una at ikaapat na mga punto ay mga pagsasanay ng iyong kilos-loob, ang ikatlong punto ay ng iyong isip at ang ikalawang punto ay ang pagsasanay mo ng iyong isip at kilos-loob. Pinagsisikapan nating suriin ang mahalagang papel na ginagampanan ng iyong pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao tungo sa pagiging makatarungan. Sa puntong ito ng iyong buhay, magiging mas bukas pa sana ang iyong isip sa pagtanggap ng paggabay ng iyong mga magulang sa iyo. Sana hindi mo mabalewala at hayaang mauwi lamang sa wala ang mga ginagawa nilang ito na tanda ng kanilang pagmamahal sa iyo. Pinahahalagahan mo ba ang pagmamahal nila? Paano? Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na kaayusan? Kung titingnan nating mabuti ang tanong na ito ayon sa tunay na diwa ng pagpapakatao, ang batas sibil ay nararapat na nakababatay sa batas moral. Ibig sabihin na ang mga legal na batas ay kailangang nakaangkla sa moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan ay mawawalan ng kahulugan. Ihinihiwalay kasi ito sa moral na kaayusan. Mahalagang malaman mo na ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan. Kaugnay ng pahayag sa itaas, ang batas moral ay maituturing na isang panloob na aspekto ng katarungan. Ang batas sibil ay ang panlabas na aspekto nito. Sabi nga, “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Kung kaya, ang sistemang legal ng lipunan ng Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng proteksiyon sa karapatang pantao ng bawat mamamayan nito. Mahalagang sinisegurado ng batas legal ng bansa ang katarungan para sa lahat. Sa mata ng batas na ito ay nararapat na walang mahirap o mayaman, mahina at makapangyarihan. Sa batas, ikaw at ako ay magkapantay. Subalit, paano nangyayari na ang sistemang legal na dapat ay pumuprotekta sa mga mahirap at mahina ay nagagamit ng mga mayayaman at makapangyarihan? Bakit nagiging instrumento ito ng inhustisya at pangaapi? Sa ganitong paraan ng paggamit ng sistemang legal, malinaw na hindi ito nagiging makatarungan dahil hindi nito sinusunod ang batas moral. Nilalabag nito ang pangunahing batas ng pagpapakatao – ang Likas na Batas Moral. 8 Katarungang Panlipunan Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay. Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo, pangungurakot sa pribado at publikong institusyon, hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado at ang iba pang mga katulad na sitwasiyon. Isinasaalang-alang ng katarungan ang ugnayan ng bawat isa sa lipunan. Kaya, kung titingnan mong mabuti ang mga ugnayan sa lipunan, makikita mo kung gaano kalaki ang hamon ng pagpapairal ng katarungang panlipunan. Mabisang paraan ito upang mapangalagaan at mapanatili ang kabutihang panlahat. Hindi lamang ito nakatatak sa Saligang Batas ng ating bansa kundi ito ang siyang isinisigaw ng ating bayan sa kasalukuyan nitong kalagayan. Ano ang katarungang panlipunan? Ayon kay Dr. Dy, ito ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. Iba ang kapuwa sa kalipunan. Ang kapuwa ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao. Halimbawa: sa batang nasa lansangan, sa isang matandang babae na nagpapaturo sa iyo kung saan ang daan, sa kaibigan na nagpapatulong tungkol sa kaniyang problema. Samantala, ang kalipunan (socius) ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. Halimbawa nito ay ang guro o magaaral sa paaralan, ang konduktor ng bus o ang empleyado sa opisina. Sila ay kalipunan dahil may namamagitan na institusyon sa kanilang ugnayan. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapuwa. Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan. Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa kraytirya ng pagsunod sa batas. Isinasaalang-alang din nito ang mga panlipunan, pampulitikal at pang-ekonomiyang aspekto ng tao, mga problema ng lipunan at mga maaaring solusyon ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat. Masasalamin sa mga konsiderasyong nabanggit ang mga katangian ng katarungang panlipunan tulad ng: paggalang sa karapatan ng bawat tao, paglampas sa pansariling interes, at pagsasaalang-alang sa kabuuang sitwasiyon upang tunay na makamit ang kabutihang panlahat. Mga Kaugnay na Pagpapahalaga Alam mo ba na may mga kaugnay na pagpapahalaga ang katarungang panlipunan? Ang mga ito ay ang dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa at kapayapaan. Makatutulong sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao ang pag-unawa mo sa mga ito. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang pagkatao. Bukod-tangi ang tao sa lahat ng mga nilalang ng Diyos dahil nilikha siya ng Diyos na may isip at kalayaan. Ang kaniyang pagkabukod-tangi ay hindi dumidepende sa kanino man. Wala siyang katulad sa buong kasaysayan. Hindi siya mauulit. Tulad ng binaggit sa Baitang 7, kung ang diyamante ay mahalaga dahil bihira ito, ano pa kaya ang tao na bukod-tangi? May dignidad ang tao dahil may halaga siya. Mahalaga siya sa kaniyang pagkasiya, pagka-ako, pagkabukod-tangi. Ito ang nararamdaman ng tao sa kaniyang kapuwa at sa kaniyang sarili. Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kaniya. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay hindi nakadepende sa kaniyang sitwasiyon, kundi sa kaniyang hindi malalabag na karapatang kaugnay sa kaniyang dignidad bilang tao. Ang katarungang 9 panlipunan, kung gayon, ay nakatutuon sa kabutihan ng mga tao. Samakatuwid, ang mga istraktura ng lipunan ay nabubuo at nararapat na umiiral para sa kabutihan ng lahat ng tao. Makakamit ang katarungang panlipunan sa tulong ng isa pang pagpapahalaga – ang katotohanan. Sa paghahanap mo ng katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuan ng isang sitwasiyon. Ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay mag-uudyok sa iyo na handa mong ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan sa iyong buhay at sa buhay ng iyong kapuwa. Kaya, ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay hindi isang simpleng opinyon lamang dahil hindi mo maitataya ang iyong pagkatao at buhay para sa isang opinyon lamang. Ang katotohanan sa puntong ito ay ang pag-unawa na may iba pang apektado sa sitwasiyon, hindi lamang ikaw. Inuuunawa at pinagninilayan mo ang sitwasiyong ito upang makita ang katotohanang nakakubli rito. May kasama ka sa kinasasangkutang sitwasiyon at hindi makabubuti sa mga kasama mo na ikaw lamang ang masusunod at maging sunud-sunuran lamang sila sa iyo. Ang pagmomonopoliya o pagsasarili sa mga kaganapan ay sumasalungat sa kabutihan ng inyong pagkakasamang pag-iral sa sitwasiyon na kapuwa ninyo kinasasangkutan. Upang matugunan ang pangangailangan ng katarungang panlipunan, kailangan mong makipag-usap at makipagdiyalogo sa iba pang sangkot sa sitwasiyon. Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal. Ang katarungan ay walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal na likas sa tao. Sa pagmamahal, ang iyong kapuwa ay isang kaibigan o maaari ring ituring mo siya na isang kapatid. Kung mawawala ang pagmamahal, paano na ang tao? Ano ang mangyayari sa katarungan? Ang katarungan ay maaaring mauwi sa simpleng legalismo na ibig sabihin ay pagiging parang isang bulag kung saan sunud-sunuran na lamang ang tao sa batas. Kaya, ang pagmamahal bilang isang pagpapahalaga ay isang aktibong pagkalinga sa kapuwa na nagpauunlad sa kaniyang mga kakayahan bilang tao. Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng pagmamahal, ito ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay isang positibong paglapit sa kaniya upang samahan at suportahan siya sa kaniyang pagtubo bilang tao at sa pagpauunlad niya ng kaniyang mga potensyal. Ito ay nangangahulugan ng sama-samang pagkilos ng mga institusyon ng lipunan upang makabuo ng sistemang susuporta sa pagpauunlad ng pagkatao ng tao. Ang pagmamahal ay siyang puso ng pagkakaisa. Hindi lingid sa iyong kaalaman na may namumuong pagkakahati-hati sa mga mamamayan ng ating bansa at maging sa pagitan ng mga bansa ng daigdig. Marahil, ito ay dahil sa magkakaibang prinsipyo at pananaw sa buhay ng mga tao sa larangan ng politika, relihiyon at iba pang aspekto ng buhay ng tao. Mahirap itong malampasan kung ang pagbabatayan lamang ng ugnayan ay ang katarungan. May pag-asang maghilom ang sugat ng pagkakahati-hating ito ng ating bansa sa bisa ng pagkakaisa (solidarity). Makatutulong dito ang pagtanggap sa katotohanan na tayong mga Pilipino ay sama-samang namumuhay sa iisang bansa lamang. Sa pandaigdigang sitwasiyon, makita sana ng lahat ng mga bansa na magkakaiba man ang mga lahi, lahat ay namumuhay naman sa iisang daigdig. Samakatuwid, kailangan na maging bukas tayo at handang isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa tungo sa kabutihang panlahat. Ang sabi ni Santo Papa Juan Pablo II, “Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan.” Sa iyong ugnayan sa kapuwa at sa kalipunan, makabubuting tahakin mo ang landas ng katarungan at pagmamahal lalo na para sa mga mahirap at mahina tungo sa pagkakaroon ng kapayapaan. Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng sandatahan. Ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan o sa pagkakaroon ng parehong kapangyarihan 10 ng mga bansa. Ang kapayapaan ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng katarungan. Muli, kailangan dito ang paggalang sa dignidad ng tao at ang palagiang pagsasanay na maisabuhay ang diwa ng pagkakaisa upang maitaguyod ang kabutihang panlahat. Ang kapayapaan ay bunga rin ng pagmamahal, ang pinakamataas na antas ng pag-iral ng katarungan. Sa huli, maitataguyod mo ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay mo sa iyong kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ito ay tanda ng paggalang mo sa kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagiging makatarungan sa kapuwa tao ay nagsisimula at sinasanay sa pamilya. Ibinabatay ang makatarungang ugnayang ito sa moral na kaayusan ng lipunan. Pinatitibay ang pag-iral ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kaugnay na mga pagpapahalaga na daan tungo sa kabutihang panlahat. Teka, sandali lang. Nag-iiwan ba sa iyo ng hamon ang natutuhan mo tungkol sa katarungang panlipunan? Paano mo ito tutugunan? Huwag mo sanang kalimutan, “Walang iwanan” ha? Pagyamanin Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas. Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano ang katarungan? Bakit kailangan ang panloob na kalayaan sa pagtataguyod nito? 2. Paano magiging makatarungan ang isang tao? Ipaliwanag. 3. Paano nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan? Patunayan. 4. Bakit nararapat na ibinabatay sa batas moral ang batas legal? Ipaliwanag. 5. Ano ang katarungang panlipunan? Ipaliwanag. 6. Ano-ano ang kaugnay na pagpapahalaga ng katarungang panlipunan? Patunayan. Gawain 3b: Pagninilay Panuto: Sagutin ang mga tanong sa loob ng talahanayan upang lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Ano-ano ang konsepto at kaalaman Ano ang aking Ano-ano ang hakbang na na pumukaw sa akin? pagkaunawa at aking gagawin upang reyalisasyon sa mailapat ko ang mga pangbawat konsepto at unawa at reyalisasyong ito kaalamang ito? sa aking buhay? 1. Pagpapairal ng katarungang panlipunan 2. Bilang mamamayan namumuhay sa lipunan kasama ang kapuwa 11 Isaisip Gawain 4a : Paghihinuha ng Batayang Konsepto Panuto: 1. Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na salita ang pangungusap sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto. 2. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. mamamayan kaniya maayos kapuwa nararapat pananagutan May ________________ ang bawat _____________ na ibigay sa ___________ ang ___________sa ______________. Gawain 4b: Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto tungkol sa Katarungang Panlipunan sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto tungkol sa Katarungang Panlipunan? Isagawa Gawain 5: Pagganap Panuto: Paano mo maipamamalas ang iyong pagkatuto tungkol sa katarungang panlipunan sa modyul na ito? 1. Balikan ang ginawa mong pagtatasa ng sarili sa Gawain 1 tungkol sa mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao. 2. Sa Kolum 1 ng tsart sa ibaba, isulat ang mga aytem ng palatandaan na kailangan mo pang taglayin. Sa kolum 2, isulat ang 2 o 3 tiyak na paraan o hakbang na gagawin mo sa pagsasakatuparan ng bawat palatandaan. Sa Kolum 3 naman, isulat ang mga 3. kaugnay na pagpapahalaga sa mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao na mahubog sa iyong sarili. Gabay mo ang halimbawa. Mga Palatandaan ng Pagiging Mga Paraan o Hakbang na Mga Kaugnay na Makatarungang Tao na Gagawin Ko sa Pagsasakatuparan Pagpapahalagang Kailangan Kong Taglayin ng Bawat Palatandaan Mahuhubog sa Aking Sarili Halimbawa: IsinasaalangPaggalang sa kapuwa Hinaan ko ang volume ng aming alang ko ang mga karapatan stereo/component tuwing ng mga tao sa aking paligid. pinapatugtog ko ito upang hindi makaisturbo sa aming mga 12 kapitbahay. Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5: 1. Magkaugnay ang sagot sa parehong bilang mula sa una hanggang ikatlong kolum 2. Tiyak ang kilos na gagawin sa pagsakatuparan ng bawat palatandaan 3. Makatotohanan ang gagawing kilos sa pagsasakatuparan nito 4. Angkop ang isinulat na kaugnay na pagpapahalagang mahubog sa sarili sa isinulat sa una at ikalawang kolum ng parehong bilang Buod May pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya. Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan? A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya. B. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkamali at hindi manisi ng iba. C. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid. D. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga karapatan ng kapuwa. 2. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong gawin upang maibigay mo sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila? A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw. B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral. C. Bilhan ng laruan ang lahat ng batang makikita upang matutuwa ang mga ito D. Bisitahin ang dating paaralan at magtanong kung ano ang maaaring maitulong 3. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan? A. Pagpapautang ng 5-6 sa mga mahihirap B. Pagsumbong sa guro sa kaklaseng nangongopya C. Pagturing ng pamemeki ng lisensiya bilang hanapbuhay D. Pagtanggap ng bayad sa boto mula sa kandidatong pulitiko sa eleksiyon. 13 4. Paano unawain ang mga pagpapahalagang kaugnay sa katarungang panlipunan? A. Malaman mo ang iyong papel sa katarungang panlipunan. B. Makita mo alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang angkop sa iyo. C. Masigurado mo na magtagumpay ka sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa. D. Matulungan ka sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao at sa paggalang mo sa dignidad ng kapuwa na likas sa pagiging tao ng tao. 5. Bakit kailangan sa katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa? A. Dahil binubuo ng tao ang lipunan B. Dahil magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao C. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao D. Dahil pangunahin sa pag-iral ng katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa 6. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “ Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan “? A. Dr. Manuel B. Dy Jr. B. Andre Sponville C. Santo Tomas de Aquino D. Santo Papa Juan Pablo II 7. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito? A. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay. B. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito. C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas. D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay. 8. Natutuhan mo sa asignaturang EsP na ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ano ang dapat na magpatotoo nito? A. Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tuwing kainan. B. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay. C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang. D. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga. 9. Paano maipakikita ang kilos ng pagiging makatarungang tao? A. Pag-usapan ng mga magkamag-aral ang nangyayari sa sistemang legal ng bansa. B. Alamin ng mga kabataan ang kanilang mga tungkulin at mga karapatan sa lipunan. C. Bisitahin ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin na bumalik ito sa pag-aaral. D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng baranggay tuwing Sabado upang maglaro ng basketball. 10. Alin ang nagpapatunay na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas? A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos. B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao. C. Ang pagpapakatao ay mapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas. D. Maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon katarungan sa lipunan 14 Karagdagang Gawain Gawain 6: Pagsasabuhay Panuto: Habang kinakaharap ng buong bansa ang Bagong Normal o New Normal dahil sa pandemya, ito na marahil ang pinakamainam na pagkakataon na maisabuhay ang pagiging makatarungang tao lalong-lalo na sa isang kapitbahay o ka-baranggay na higit na nangangailangan. Kung kaya, magkaroon ng diyalogo o bukas na paguusap sa mga kasapi ng tahanan kung paano maipadama at maipakita sa kapitbahay o ka-baranggay na ito, na siya ay may mahalaga at dignidad bilang tao. Gabay mo ang sumusunod: 1. Narito ang mga maaaring ibahagi sa isang kapitbahay o ka-baranggay na nangangailangan: Panahon (Time), Talento (Talent) at Kayamanan (Treasure). 2. Gamiting gabay ang sumusunod na hakbang para sa diyalogo: a. Gumawa ng tahimik at ligtas na pagsisiyasat kung sino sa mga kapitbahay o kabaranggay ang may pangangailangan na kailangan ng agarang pagtugon. b. Huwag kalimutan ang safety protocols sa Bagong Normal na dapat sundin sa pagsasakatuparan ng gagawing pagtulong. (Magsuot ng mask, maghugas ng kamay gamit ang sabon, gumamit ng alcohol, at mag-social distancing). c. Kumuha ng detalye ng impormasyong kailangan tungkol sa sitwasiyon ng tutulungan. d. Magtala ng mga paraan kung paano matutugunan ang agarang pangangailangan ng kapitbahay o ka-baranggay na ito. e. Isa-isahin ang mga kagamitang kinakailangan. f. Lahat ng pag-uusap ng pamilya tungkol dito, ang mga pangyayari, mga karanasan at mga aral na matutuhan ay i-dokumento at maaaring samahan ng kuhang larawan. g. Pagkasunduan ang panahong ilalaan para sa gagawing pagtulong. 3. Pagkatapos ng diyalogo, huwag kalimutang magpasalamat sa mga kasapi ng tahanan. 4. Bumalik sa lugar ng bahay kung saan ka nag-aaral at sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang nararamdaman mo sa napagkasunduan ninyong gagawing pagtulong sa isang kapitbahay o ka-baranggay na may agarang pangangailangan? b. Paano makatutulong ang napiling gagawing pagtugon upang maipadama at maipakita sa kapitbahay o ka-baranggay na siya ay may mahalaga at dignidad bilang tao? c. Ano ang gagawin mo upang makaambag sa tagumpay ng pagtugon sa agarang pangangailangan ng kapitbahay o ka-baranngay na ito? Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6: 1. Natutukoy ang agarang pangangailangan ng isang kapitbahay o ka-baranggay na kailangang tugunan 2. Angkop ang paraan ng pagtugon sa pangangailangan ayon sa hinihingi ng pagkakataon 3. Natutukoy ang mga konkretong gawain bilang paraan ng pagtugon sa pangangailangan 4. Natutukoy ang mga pagpapahalagang pairalin sa pagtugon sa pangangailangan 5. May maikling paliwanag sa napiling tulungan at uri ng pagtulong na gagawin 6. May patunay na kuhang mga larawan sa ginawang diyalogo at sa aktuwal na ginawang pagtulong 7. May kasamang pagninilay sa resulta ng diyalogo at ng aktuwal na ginawang pagtulong ang ipinasang output. 15 Susi sa Pagwawasto Bilang ng Aytem 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Bilang ng Aytem 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Subukin Sagot Kasanayan/Skill D Kaalaman/Knowledge D Pag-unawa/Comprehension C Paglalapat/Application C Paglalapat/Application C Pagsusuri/Analysis B Pagtataya/Evaluation D Paglalapat/Application B Pagsusuri/Analysis D Pagtataya/Evaluation D Pag-unawa/Comprehension B D B D D D D C C C Tayahin Sagot Kasanayan/Skill Pagtataya/Evaluation Paglalapat/Application Pagsusuri/Analysis Pagtataya/Evaluation Pag-unawa/Comprehension Kaalaman/Knowledge Pag-unawa/Comprehension Paglalapat/Application Paglalapat/Application Pagsusuri/Analysis Sanggunian Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Magaaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015. Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016. Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao, Guimaras Province, May 6, 2019. Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September 26, 2017. 16 Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag: DepEd Division of Iligan City Office Address: General Aguinaldo St., Iligan City Telefax: (063) 221-6069 E-mail Address: iligan city@deped.gov.ph 17