KASAYSAYAN AT PANGYAYARI Panahon ng mga Espanyol Inihanda ni: Joy Nicole Etac Miguel Lopez de Legazpi Ang isinaalang–alang na naunang pananakop ng mga Espanyol sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernadorheneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao sa Pilipinas. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon ding pananakop na ito ng mga kastila. Pagbabagong Naganap sa Buhay ng mga Pilipino Tinangkilik ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag. Nagbago ang kanilang pamumuhay Nagkaroon ng mga bahay na tisa atbato Magagandang kasangkapan tulad ng piyano, at mga kagamitang pangkusina Nagkaroon ng mga sasakyangtulad ng karwahe, tren at bapor. Natuto silang mag diwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo at Papa. IMPLUWENSIYA NG MGA KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO 1 . Ang“baybayin” na ipinagmamalaki na kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhinan ng alpabetong Romano. 2. Ang Pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon. 3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino. 4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na nagingbahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain. 6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikang Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya. 7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon. Tomas Pinpin Ama ng Palimbagang Pilipino/Ama ng Paglilimbag siyá ang unang tanyag at kinikilálang manlilimbag na katutubo nang ipasok ang imprenta ng mga Español. naging katulong sa limbagan sa Bataan ng mga Dominiko. Inimprenta ni Pinpin ang aklat ni Padre Francisco Blancas de San Jose na Arte y Reglas de la Lengua Tagala (Sining at mga Tuntunin ng Wikang Tagalog) noong 1610. Ipinangalan din sa kanya ang paglilimbag ng mga sumusunod na aklat: 1. Vocabulario Tagalog (1613) ni Fray Pedro de San Buenaventura 2. Relacion Verdadero del Insigne y excelente Martyrio(1623) ni Fray Melchor de Manzano 3. Virgen San Mariano (1623) ni Fray Juan de los Angeles 4. Relacion de Martirio (1625) di-kilala ang awtor 5. Relacion Verdadero y Breve de la Persecucion y martyrios(1625) ni Fray Diego de San Francisco MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA Doctrina Cristiana kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito nina PadreJuan de Placencia at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang pangungumpisal at katesismo. May 87 pahina lamang. mortal, MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA Nuestra Senora del Rosario ikawalang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena at mga katanungan at sagot ukol sa relihiyon. MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA Barlaan at Josaphat Aral na tunay na totoong pag aacay sa tauo, nang manga cabanalang gaua nang manga maloualhating santos na si Barlaan ni Josafat na ipinalaman sa sulat ni S. Juan Damaceno ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego. Ipinalalagay itong kaunaunahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. Mayroon itong 553 na pahina. MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA Pasyon aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ngapat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version de Pilapil (Padre Mariano Pilapil); Version deBelen (Gaspar Aquino deBelen); Version dela Merced (Aniceto dela Merced); at Version de Guia (Luis de Guia). Isinaalang–alang pinakapopular ang ay Version de Pilapil. na MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA Urbana at Felisa aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”. Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urban at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. PANAHON NG PANITIKANG PANSIMBAHAN Dalit - ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ang nobena ay mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganap sa loob ng 9 na araw. Maaaring sunod- sunod na araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo).Batay na ito sa santo’t santa ng namiminitakasi. Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga nauukol sa buhay-buhay ng mga santo’t santa para gawing halimbawa ng mga tao. PANAHON NG PANITIKANG PANSIMBAHAN Senakulo, ito ay sang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo. Tibag isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. Parabula, kwentong hango sa banal na kasulatan na maaaring umakay sa tao sa makatuwid na landas ng buhay. Mga Uri ng Panitikan AWIT KURIDO KOMEDYA/MORO-MORO KARAGATAN Maraming Salamat sa Pakikinig!