Uploaded by GLYNDEL DUPIO

REPLEKSIBONG SANAYSAY.docx ALBENGIE

advertisement
REPLEKSIBONG SANAYSAY
PAMILYA
Ang pamilya ang isa sa pinaka importante sa buhay natin. Ang magkaroon ng buo at masayang
pamilya ay isang biyaya. Ito ang gagabay sa ating landas at takbuhan sa anumang pagsubok.
Ang pamilya ang ating kakampi. Ngunit paano na lamang kung ang pamilyang ito ay
magkawatak-watak? Paano na nga lang ba kung ang pinangarap mong isang masaya at buong
pamilya ay maglaho na parang bula dahil sa biglaang pagkawala ng isang miyembro ng pamilya,
ang ilaw ng tahanan? Maibabalik pa ba ang dating samahan ng mga natirang miyembro ng
pamilya?
Ang ibang kabataan o ang mga anak ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang
pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pagkakaisa. Ang pagkawatak-watak ng
pamilya ay nagdudulot ng pagkasira ng buhay at paglihis sa nararapat na gawin. Maibabalik pa
nga ba ang matibay na samahan? Simple lang, maibabalik ito kung nanaisin ng bawat miyembro
ng pamilya. Ito ay nakadepende kung paano mo pahalagahan ang salitang pamilya.
Sa loob ng pamilya kailangan ng bawat miyembro nito ang pagmamahalan dahil ang
pagmamahalan ay ang siyang magiging pundasyon ng isang masayang pamilya. Pero paano
kung ang pundasyon mismo ang naglaho? Paano kung yung pagmamahal mismo ang nawala?
Simple lang, matuto tayong mag patawad, matuto tayong mag “move on” at matuto tayong
ibalik muli ang pagmamahalan na nawala. Dahil kahit pag balik-baliktarin man ang mundo
pamilya at pamilya pa rin tayo. Iwan man tayo ng lahat, talikuran man tayo ng mundo ang
pamilya nandyan sa likod natin para tanggapin pa rin tayo.
Ang isang tao ay bahagi ng kaniyang pamilya. Kahit siya ay may sarili ng pamilya, may
magandang trabaho, may barkada, o ano pa man, mananatili siyang ama o anak, pamangkin o
apo, sa loob ng kaniyang pamilya.
Kaya wag maging sarado ang mga puso gawin mo lahat ng makakaya mo para sa pamilya dahil
sinasabi ko nasa huli ang pag sisisi baka mamalayan mo na lang na isang araw napagtanto mo
na dapat pala pinahalagahan mo na sila nung mga panahong nandyan pa sila at patuloy na
ginagabayan ka.
Ang pelikulang “Seven Sundays” ang isa sa nagturo sa akin kung paano pahalagahan ang
pamilya. Kung paano ibalik ang dating saya at pagmamahal sa bawat isa. Ito ang nag bigay sakin
ng repleksiyon sa kabila ng mga pagsubok o hinanakit ko sa aking pamilya, na sa bandang huli,
sila parin ang aking makakasama.
Natutunan ko sa pelikulang ito na dapat matutunan natin ang magpatawad na kahit gaano man
kaliit o kalaki ang isang kasalanan ng bawat isa gumagaan kapag natuto tayong pakawalan ang
dapat nating pakawalan lalo na kung sa ikabubuti ng samahan ng ating pamilya. Dahil hindi
natin hawak ang oras at kasiguraduhan ng bawat isa sa pamilya kaya habang nandiyan pa at
nakakasama mo pa, patawarin mo na. At mas natutunan ko pang mahalin ang aming pamilya
lalong-lao na ang aking ama at ina na siyang gumabay sa akin sa mundong ito. Mas natutunan
kong pahalagahan ang samahan naming magkakapatid at alisin ang inggit bagkus suportahan
sila sa kanilang nakamit o kung ano pa ang mayroon sila na wala ako. Natutunan kong
tanggapin ang kanilang pagkakamali at aking pagkakamali na hindi na dapat pang husgahan
kundi tanggapin at tulungan ang isa’t isa. Huwag pairalin ang pride dahil dadalhin lamang tayo
nito sa ikasasama natin. Patuloy tayong mag patawad at magmahal laong-lalo na kung para sa
ating pamilya.
LAKBAY SANAYSAY
Ang pagbibigay ng relief goods sa ating kapwa ay isang simbolo ng
pagmamahal sa ating kapwa. Ito ay ating paraan ng pagpaparamdam ng
pakikisimpatya at pagmamahal sa ating mga kababayan o kapwang
nangangailangan ng tulong.
Ito man ay maaring simpleng paraan ngunit ito ay isang malaking bagay na rin
sa ating mga kapwa. Sa pagbibigay ng relief goods ay natutulungan natin ang
ating kapwa at naipaparamdam rin natin ang pagmamahal ng ating
Panginoon sa kanila sa pamamagitan ng ating pagtulong.
Sa pamamagitan ng pagtulong sa ating kapwa, mas nagkakaroon tayo ng
pagkakataon para makipagkapwa tao at makipagbuklod sa ating kapwa. Sa
pamamagitan nito, nagkakaroon ng koneksyon ang bawat tao. Sa
pamamagitan nito, maipapakita ang pagkakaisa natin.
POSISYONG PAPEL
“DEATH PENALTY”
Isa sa mga pinakamainit na isyu ngayun na pinaguusapan ay ang tungkol sa
pagapapatupad sa death penalty. Ito ay pinagtatalunan nang mga mambabatas at
mga mamamayan.
Ang parusang kamatayan ang pinakamabigat na hatol nang gobyerno ngunit
nakadepende ito sa bigat nang kasalanang nagawa mo. Nais nang Pangulong
Duterte na ipatupad ito para maparusahan ang mga masasamang tao ngunit tila ay
hinahadlangan sya nang ibang mambabatas na di sang-ayon sa death penalty dahil
ayon sa kanila kapag ipinatupad ito ay mawawalan nan ang pagakakataon ang
isang tao na magbagong buhay.
Ayon sa mga ibat-ibang opininyon nang mga opisyal at mga mamamayan.
Kung iisipin natin itong mabuti. Dumadami na ang mga kiriminal na walang
awang pumatay nang kanilang mga biktima. Sa pagkakaroon nang parusang
kamatayan, Magiging patas ang batas dahil ang batas ay walang kinikilaingan at
walang pinoprotektahan upang makamit ang hustisya.
Unang punto ko dito ay hindi na natatakot sa batas ang mga criminal dahil
gagamitin lang nila ang kanilang pera para makalabas nang pyansa at makalabas
nang kulungan. Mapapawalang bisa nalang ang kaso na kinakaharap nang
kriminal.
Pangalawang punto ay lalong dadami ang krimen. Tulad nang drugs, gunfor-hire, murder, rape, robbery at marami pang iba. Tulad nalang dito sa Negtos
Oriental, kahit pandemic ay may mga Patayan paring nagaganap.
Pangatlong punto ay kapag napatupad itong death penalty, mababawasan ang
kriminal dahil tiyak na matatakot ang mga kriminal na ipagpatuloy ang kanilang
masamang gawain. Sa halip ay magiging tulay ito sa kapayapaan nang ating bansa.
Ang Death Penalty ay malaking tulong sa pagbabago nang ating bansa. Mas
maiibigay nang manghahatol ang kaparusahang nararapat. Nararapat itong sunding
hindi laman panakot sa mga kriminal kundi pati narin mapigilan ang mga taong
may balak gumawa nang masama.
PHOTO ESSAY
Ang pag ibig ay natural na sa ating mga tao. Ito ang nagbibigay inspirasyon sa atin sa maraming
bagay ngunit ang salitang ito ngayon ay iniisip na lamang sa pagitan ng magkaibang kasarian. Ang
kahulugan nito ay nililimitahan na lamang sa romansang aspeto nito. Naisip mo ba na may pag
ibig nang nakalaan sa iyo simula nang ipinanganak ka? Kahit nasa sinapupunan ka pa lang nang
dinala ka niya ng siyam na buwan ay lubos nang pagmamahal ang ibinuhos niya sa iyo.
PANUKALANG PROYEKTO
PANUKALA SA PAGSASAAYOS NG SIRA-SIRANG KALSADA SA BARANGAY TIBYAWAN
MULA KAY : ALBENGIE M. RODRIGUEZ
ILAYA Street, Barangay TIBYAWAN
AYUNGON NEGROS ORIENTAL
Ika-6 ng Disyembre, 2023
Haba ng Panahong Gugugulin: 6 buwan
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa mga barangay na sakop ng munisipalidad ng AYUNGON ang TIBYAWAN. Sa pagdami ng
populasyon ng nasabing munisipalidad, kasabay din nito ang pagdagsa ng mga sasakyang
dumadaan sa mga kalsada araw-araw.
Isang suliraning kinakaharap ng Barangay TIBYAWAN ay ang bako-bakong kalsada rito. Noong
magsimula ang lockdown, karamihan sa mga malalaking truck ay dito na dumaraan. Hindi
nagtagal, nagbitak-bitak na ang kalsada at ngayo'y nagdudulot ng perwisyo sa mga mamamaya
at sasakyang nagdaraan dito.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng mas maaayos na kalsadang pulido ang pagkakagawa
at hindi agad nasisira. Kung ang proyekto ay maisasakatuparan, hindi na mapeperwisyo ang mga
mamamayan sa bako-bakong daan at tiyak na mababawasan rin ang malubhang kahirapan
nararanasan sa lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang mga sakuna at aksidente rito. Kailangan
maisagawa na ang proyektong ito sa lalong madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan
ng mga motorista at mamamayan.
II. Layunin
Maisagawa ang road rehabilitation na makatutulong upang maisaayos ang sira-sirang daan upang
matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan, maging maganda ang daloy ng mga sasakyan, at
maiwasan ang mga posibleng aksidente sa susunod na mga buwan.
III. Plano ng Dapat Gawin
1. Pagkonsulta sa mga tao sa barangay at eksperto ukol sa pagsasaayos ng mga sirang daan at
ang magiging epekto nito sa komunidad (5 araw)
2. Pagpupulong ng mga opisyal ng barangay at eksperto hinggil sa gagawing proyekto (1 araw)
3. Preparasyon, pagsusumite, pagkekwenta, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet sa mga
kinauukulan. (10 araw)
4. Pag inspeksiyon ng Department of Public Works and Highways sa planong isinagawa ng lokal
na barangay ukol sa lugar at badyet ng naturang proyekto. (7 araw)
5. Pagsasagawa ng construction bidding sa mga contractor sa pagpapagawa ng mga sirang daan
o kalsada (7 araw)
6. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng sirang
kalsada (1 araw)
● Gagawin din sa araw na ito ang pagpaplano ng alternatibong ruta ng mga taong karaniwang
dumadaan sa lugar
7. Pag-iimplementa ng mga plano at pagsisimula ng paggawa ng kalsada (6 na buwan)
IV. Badyet
Mga Gastusin
Halaga
I. Halaga ng mga materyales na gagamitin sa paggawa ng kalsada batay sa isinumite ng napiling
kontraktor
Php 3,000,000
II. Sweldo ng mga trabahador
Php 630,000
Kabuoang Halaga
Php 3,630,000
V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito
Ang maayos na kalsada ay isang susi sa magandang daloy ng trapiko at ng kabuhayan. Para sa
lahat, napakahalagang magkaroon ng maayos na mga daan, ito man ay daan para sa mga
motorista, mga pribadong sasakyan, mga sasakyang naghahatid ng mga pasahero o kaya'y mga
kalakal, maging simpleng daan para sa mga nakabisikleta o mga nilalakaran ng mga mamamayan.
Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng maayos na mga kalsada ay mayroong malaking
ginagampanan sa pangkalahatang estado ng mga imprastraktura sa bansang Pilipinas. Ito ay
konektado sa patuloy na paglago ng ekonomiya. Ang maayos na daan ay nakapagbibigay ng mga
sumusunod na benepisyo:
1. Maiiwasan ang dagdag abala para sa mga taong bumibyahe.
Ang pagkakaroon ng maayos na daan ay isang malaking benepisyo para sa mga estudyanteng
araw-araw na bumibiyahe patungo sa kani-kanilang mga paaralan at ang mga empleyadong
patungo sa kani-kanilang mga trabaho. Ang mga daang may lubak at hindi patag ay
nakapagdudulot ng mabagal na daloy ng trapiko sapagkat ang mga sasakyan kasi ay hindi
maaaring magmabilis sa parteng iyon dulot ng bako-bakong daan. Malaking oras ng mga
mamamayan ang nasasayang na maaaring magdulot ng stress at pagkasiphayo. Kung mayroong
disenteng daan, ang pagbibiyahe ay magiging mabilis at dire-diretso. Agad na makararating ang
mga mamamayan sa kanilang patutunguhan na mag-aangat sa lebel ng productivity ng bawat isa.
2. Malalayo sa aksidente ang mga naglalakbay.
Ang mga bako-bakong daan ay maaaring maging sanhi ng aksidente ‘di lamang sa mga motorista
ngunit maging sa mga pasahero rin. May pagkakataon kasing hindi napapasin ng motorista ang
butas ng kaniyang nadaraanan kaya naman kapag nadaanan na niya ito ay magugulat siya at
mawawala sa pokus. Ang kawalan ng pokus sa pagmamaneho ay isa sa mga pangunahing dahilan
ng mga aksidente sa kalsada. Ang kalidad ng kalsadang daraanan ay maaaring makaapekto sa
mga taong bumibiyahe rito. Bukod pa rito, karaniwang naiipon ang mga tubig-ulan sa mga butas
sa kalsadang talaga namang delikado para sa mga motorista lalo na kung baha sa buong daan.
Hindi kasi malalaman ng motorista na ang parteng iyon pala ng kalsada ay mayroong butas na
maaaring magdulot ng kasamaang-palad.
3. Makapagbibigay ng oportunidad sa mga manggagawa.
Ang pagsasaayos ng mga sirang kalsada ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga taong
magkukumpuni o gagawa ng isang gusali o kalsada. Bilang kapalit ng kanilang pagpapaguran,
magkakaroon sila ng sahod na ipangtutustos nila sa pamilya. Mabibili rin nila ang mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.
4. Maiiwasan ang pagkasira ng isang partikular na parte ng sasakyan.
Ang mga kalsada na bitak-bitak ay nagdudulot ng negatibong epekto sa tire alignment ng
sasakyan. Naaapektuhan nito ang kalidad ng mga gulong na magdudulot ng mabilis na
pagkapudpod. Dagdag pa rito, ang mga gulong ay maaaring umimpis o ang mas malala ay
sumabog pa ang mga ito. Ang tambutso ng isang motorsiklo ay maaari ring mabasag. Ito ay isang
problema na kinakaharap ng may-ari ng sasakyan sapagkat kinakailangan niya ng salapi para sa
pagpapagawa ng nasirang parte. Kapag may kanais-nais na kalsada, ang salaping ilalaan para sa
pagpapagawa ay maaaring ilaan sa ibang bagay na may mas kabuluhan.
Download