Mga Pokus ng Pandiwa Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap. 1. aktor-pokus o pokus sa tagaganap Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”. [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-] Hal: Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan. Hal: Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin. Hal: Bumili si Rosa ng bulaklak. Hal: Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin. 2. pokus sa layon Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”. [-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an] Sa Ingles, ito ay ang direct object. Hal: Nasira mo ang mga props para sa play. Hal: Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin. Hal: Binili ni Rosa ang bulaklak. 3. lokatibong pokus o pokus sa ganapan Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”. [pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an] Hal: Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay. Hal: Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam. Hal: Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak. Hal: Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado. 4. benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “para kanino?”. [i- , -in , ipang- , ipag-] Sa Ingles, ito ay ang indirect object. Hal: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam. Hal: Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen. 5. instrumentong pokus o pokus sa gamit Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”. [ipang- , maipang-] Hal: Ang kaldero ang ipina ngluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin. Hal: Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa. niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw. Hal: Ipinanghambalos 6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”. [i- , ika- , ikina-] Hal: Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay. Hal: Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya. Hal: Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag anak. 7. pokus sa direksyon Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”. [-an , -han , -in , -hin] Hal: Sinulatan niya ang kanyang mga magulang. Hal: Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.