GRADE VI PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA ALAMIN MO Ngayon, kaibigan, ay madali mo nang mapag-aaralan ang modyul tungkol sa pagiimbak sa pamamagitan ng paggamit ng preserbatiba at matutuhan ang pagtutuos ng gastos at kikitain sa pagbibili ng inimbak na pagkain. Handa ka na bang magsimula? Sa panahong napakarami ang huling isda at sobra-sobra ang inaning mga gulay at prutas ay mabuting mag-imbak ng pagkain upang ang mga ito ay di masira at mabulok. Dito, malalaman mo ang mga mabisang preserbatibang kailangang gamitin. Bago mo sinimulan ay magbalik-tanaw ka sa mga paraan ng pag-iimbak. 1 PAGBALIK-ARALAN MO Basahin ang mga bugtong na nakasulat sa mga kahon. Piliin ang sagot ng tamang paraan ng pag-iimbak na nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. 2. 3. 4. 5. Pagyeyelo Pagtutuyo Pag-aasin Pagsasalata Pagmamatamis 1. Paraang ginamit ay yelo Sa pagsugpo ng mikrobyo Anong paraan ito? 2. Magkaibigan ang isda at karne Asin ang kasama sa bote Anong paraan ito? 3. Ako’y si pusit Nakadipa sa init Anong paraan ito? 4. Sa lata na walang pinto Nang pumasok ako Walang buntot walang ulo Anong paraan ito? 5. Ako’y asukal na pino Sa prutas sumama ako Sa paraang gusto mo Anong paraan ito? Matapos mong sagutan ang mga bugtong ay maaari mo nang pag-aralan ang mga preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain. 2 PAG-ARALAN MO Ipakikilala ka sa iyo ang iba’t ibang preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain. 1. ASIN- Isinasama at inihahalo sa pagkaing nais patuyuin. 2. INIT NG ARAW- Ang pagkain ay hinihiwa nang manipis, inilalatag sa lalagyan at ibinibilad sa init ng araw. 3. USOK- Ang isda ay inaasinan at niluluto ng bahagya bago inilalantad sa usok ng nasusunog na pinagkataman na kahoy. 4. ASUKAL- Ang prutas o bungangkahoy ay pinepreserba sa maraming asukal. 5. SUKA- Ang pagkain ay inihahanda, inaasukalan at nilalagyan ng suka at iba pang pampalasa na nagbibigay sarap na lasa at amoy sa pagakain. 6. SALITRE- Isang kemikal na ginagamit sa karne, isda, gulay o prutas upang tumagal ang pagkain. 7. YELO- Ang lamig ng temperatura ang pumipigil sa pagkakaroon ng mikrobyo sa pagkain. Matapos mong makilala ang mga preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain ay pag-aralan mo ang isang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. pag-aralan ang batayang impormasyon at paraan ng pagdadaing ng hasa-hasa PAGDADAING NG ISDA Mga Sangkap 1-tasang asin 2-tasang tubig 1-kilong sariwang hasa-hasa Mga Kagamitan: pantakip na lambat salaan kutsarang kahoy mangkok katsa bistay na salaan sisidlan o clay jar 3 Paraan ng Paggawa: 1. Hiwain sa likod ang isda at ibuka ito. Alisin ang lamang loob o bituka. Hugasan nang mabuti ang tiyan ng isda. 2. Ilagay ang mga isdang biniyak sa salaan upang patuluin ang tubig. 3. Kung 1 kilong isda ang dadaingin, maghanda ng 1 tasang asin paghaluin ang 3 tasang tubig at 1 tasang asin. Ito ang “ brine solution” 4 4. Salain sa katsa ang brine solution upang maalis ang anumang dumi. 5. Ilagay sa malalim sa palanggana ang mga isda, at ibuhos dito ang brine solution. 6. Patungan ng plato ang mga isda. Idiin nang bahagya ang kamay upang masiksik at mababad nang husto ang isda sa solusyon. Ibabad ito sa loob ng 6 na oras. Pagkatapos, patuluing mabuti ang tubig. 5 7. Ilagay ang mga isda sa bistay. Tiyakin na hindi magkakapatung-patong ang mga binilad na isda upang maging pantay ang pagkakatuyo ng mga ito, Takpan ng lambat upang di dapuan ng kulisap at ibilad sa init ng araw. Mahalagang magkaroon ka ng karanasan na matuto sa paggawa ng Daing na isda, ngunit kailangang malaman mo rin ang pagtutuos ng gastos at kikitain sa paggawa ng daing na isda, lalo na kung nais mong magkaroon ng dagdag kita. Magiging tagumpay ka sa gawaing ito kung isasagawa at isasaloob ang mga tamang paraan at gawi sa paggawa. Ngayon, tingnan mo ang Pagtutuos ng nagastos sa mga sangkap sa pagdadaing ng isda. Sangkap: 1-tasang asin 2-tasang tubig 1-kilong hasa-hasa P 4.00 P 100.00 P 104.00- Halaga ng puhunan Ang paglalagay ng presyo o halaga ng paninda ay ibinabatay sa pamantayang pinaiiral ng pamahalaan. Pormula: puhunan X 15% P 104.00-Puhunan X15% 15.60 dagdag P 104.00 + 15.60 P 119.60- halaga ng pagbebenta ng 1 kilong daing na isda. 6 Inaasahang maliwanag ang kuwenta sa “Pagdadaing ng Isda”. Sa puhunan mong isandaan at apat na piso (P104.00) ay maipagbibili mo ng isang daan, labinsiyam na piso at animnapung sentimos (P119.60). Kaya may tubo kang labinlimang piso at animnapung sentimos (P15.60). Hindi ba maayos na iyon? Kaya kung may puhunan ka, maaari ka nang magsimula ng isang negosyo upang kumita ka. SUBUKIN MO Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel. 1. Ano-ano ang mga preserbatibang ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain? 2. Bakit mahalaga ang mga preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain? 3. Ibigay ang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng daing na isda. . TANDAAN MO Ang suka, asukal, yelo, salitre, asin, init ng araw, at usok ang mga preserbatibang ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain. Ginagamit ang mga ito upang hindi agad masira ang pagkain. Sa pag-iimbak, kailangang malaman ang pagtutuos ng mga gastusin para sa mga sangkap gayundin upang malaman ang tutubuin. 7 ISAPUSO MO Sagutin nang matapat ang mga tanong sa tseklist. OO 1. Natutuhan ko ba ng mga hakbang sa pagdadaing ng isda? 2. Alam ko na ba ang iba’t ibang preserbatiba na magagamit sa pag-iimbak ng pagkain? 3. Alam ko ba na ang mga isda ay angkop gawing daing? Magagawa ko ba itong mag-isa? 4. Makapagtutuos ba ako ng gastusin kung mag-iimbak ako ng pagkain? 5. Magagawa ko bang magkaroon ng tutubuin at di malulugi kung magnenegosyo ako? Kabuuan Iskor para sa OO 4-5- Napakagaling 2-3- Magaling 0-1- Kailangan pagalingin pa 8 HINDI GAWIN MO A. Basahin ang mga pangungusap at sagutan ang mga puwang. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel. 1. Ang _______ ay isang sangkap na kailangan sa pagdadaing ng isda. 2. Ang atsarang papaya ay tinitimplahan ng ______ at iba pang pampalasa. 3. Sa paggawa ng hamon at tocino, may sangkap na isinasama tulad ng _________ upang tumagal at di masira ang pagkain. 4. Ang lamig ng ______ ang pumipigil sa pagkakaroon ng mikrobyo sa pagkain. 5. Ang Jam at Jelly ay nilalagyan ng tamang sukat ng ________. B. Gumawa at humanap ng mga larawan na may kaugnayan sa iba’t ibang paraan ng pag-iimbak sa isda. Gupitin at ilagay sa isang malinis na papel. Lagyan ng “caption”. PAGTATAYA Kilalanin ang mga sumusunod na preserbatiba, sangkap, at kagamitan sa pagiimbak ng pagkain. 1. - Asin 9 – suka 2. 3. - yelo 4. - salitre 5. – isda 6. –mangkok 10 7. -bistay –asukal 8. –lambat 9. – salaan 10. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pagaralan ang susunod na modyul. 11