Uploaded by Rosaline Olermo

Sibika 6 Pointers to Review (1)

advertisement
 Importanteng mapangalagaan ang ating
kalikasan sapakagkat doon tayo nakakakuha
ng mga kailangan sa pang araw araw.
Kailangan din nating mag tanim ng
maraming halaman at mag tanim ng mga
gulay katulad ng talong, kamatis, sitaw,
kalabasa, petchay at marami pang iba. At
dapat itapon natin ang basura sa basurahan
huwag nating sanayin ang ating mga sarili
na itapon ang basura kung saan saan lng
dahil baka mag dulot ito ng baha at
makakapinsala pa tayo sa mga tao, kaya
ugaliang itapon ang basura sa basurahan.
 Ito ay nakakatulong sa nakakarami.
Madaming gamot ang nag mahal kaya ang
iba ay di na kayang bumili ng kanilang
gamot. sobrang nakakatulong ito lalo na sa
mga senior citizens na di na
makapagtrabaho at wlang mga pang bayad
sa kanilang gamot
 Maraming endangered animals o ang mga
hayop na malapit ng maubos. Katulad ng
Philippine eagle, tarsier, tamaraw, at Philippine
crocodile. Paano kaya nating
mapapangalaagaan o maliligtas ang
endangered animals? upang iligtas at
mapangalaga ang mga hayop mula sa
extinction dinadala sila sa animal rescue para
sa pangangalaga. Ang pagkasira ng mga
kagubatan ay isa sa mga dahilan kung bakit
naubos ang ilang uri ng hayop. karamihan sa
mga tao ngayon ay wlang gaaanong alam sa
pagaalaga ng mga endangered animals.
Kailangan natin ng tamang edukasyon upang
maunawaan ang kahalagahan ng mga hayop
na ito upang hindi ito tuluyang mawala. Meron
din tayong batas tungkol sa mga hayop ang
batas na ito ay ang republic act 9147 ang batas
na nagbabawal sa pagpatay, pananakit,
pangongolekta at pag benta ng anumang wild
species na itinuturing na endangered animals.
 Nakakatulong ito sa mga mahihirap dahil
ang iba ay di na kayang bumili pa ng mga
pagkain nila kaya sobrang laking tulong ng
pag bibigay ng ayuda sa mga mahihirap at
mababawasan ang kanilang gastusin
 Mga batas napaka importanteng may batas
tayo dahil kung wla tayong batas ay baka
magkagulo ang ating bansa. Ang batas ay
kailangan nating sundin dahil ito din ay
makakabuti saatin hindi lang saatin kundi sa
ating bansa.
1. Curfew para sa mga menor de edad 10:00
pm to 5:00am Ang mga 15 below 18 ay
huhuliin at ang 14 below ay sasagutin ng mga
magulang. Bakit may curfew?? Mahalaga tlga
ang pag papatupad ng curfew sa mga
kabataan dahil mapapangalagaan nito ang
kaligtasan ng mga menor de edad. at para
mabigyang sapat na oras ang kanilang pag
aaral imbis na pag lalakwatsa.
2. No gambling o bawal ang pagsusugal Bakit
bawal ang pagsusugal?? Dahil ito ay
matuturing na matinding pagsasayang ng
pera kumpara sa pag bili ng mga bagay bagay
na di nmn kailangan. At ito ay isang nakaka
adik na laro na kapag sinumulan mo na ito ay
mahihirapan kanang tumigil.
3. Paggamit ng videoke machine- marami ding
nalabag dito kahit alas dose na ng gabi nag
vivideoke parin so dapat bago mag 10pm itigil
n ang videoke. baka nga sa kaka videoke nyo
di na makatulog ung mga kapitbahay nyong
nagpapahinga galing sa trabaho o ung iba
galing sa skwela. Tapos mabubulabog lng sila
imbis na mag papahinga na sila kase pagod na
pagod sila di sila makatulog/makapagpahinga
kase nga maingay. tapos kapag sinaway kayo
ng kapitbahay nyo magagalit kayo, hindi
pwede ung ganong ugali kaya nga may batas
tayo na bawal mag videoke bago mag 10 tas
susuwayin lang kaya’t dapat sundin natin ito.
4. Bawal Mag-kalat- katulad nga ng sinasabi
ko kanina makakapinsala tayo sa tao kapag
tayo ay nagkakalat kaya dapat itapon ang
basura sa basurahan, hindi nmn mahirap
itapon ang ating mga ating basura sa
basurahan hindi ba? Tayo pa ay makakatulong
sa ating kalikasan.
5. Bawal mag inuman sa kalsada Nakasanayan na nilang gawing bar ang
kalsada. May pagkakataon pang nagvivideoke sila habang nag-iinuman. Karaniwan
daw na ang pag-iinuman sa kalye ang
pinagsisimulan ng gulo. May nagkakapikunan
at naghahamunan ng away. Dahil sa ginagawa
ng mga ito ay natatakot ang mga tao kaya
hindi sila makapag sumbong sa police. So lagi
nating tatandaan na kalsada ay para lng sa
mga tao o sasakyang dumadaan. Dapat
ugaliang natin huwag uminom kung saan
saan.
Karapatan ng mga
Mamamayang
Pilipino Ayon sa
Saligang-Batas
1987
Download