Republic of the Philippines CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERISTY San Carlos City, Negros Occidental GRADUATE SCHOOL KAHANDAAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGBABALIK NG KLASE KAUGNAY SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG IKAWALONG BAITANG NG SAGAY NATIONAL HIGH SCHOOL Isang Sulating Pananaliksik na Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Pagbasa at Pagsulat Pebrero 2023 KABANATA 1 PANIMULA Ang edukasyon ay napakahalaga sa buhay ng isang tao dahil ito ang susi sa isang maganda at matatag na kinabukasan ng bawat isa. Ang kaalamang natutunan natin sa paaralan ay malaking bagay sa ating pagkatao. Ito ang magmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nagyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Ang edukasyon ang magbubukas ng daan sa napakaraming oportunidad para mapabuti ang ating pamumuhay. Taong dalawang libo’t dalawangpu (2020) ng Enero ay kinumpirma ang unang kaso ng Covid19 sa Pilipinas. Ito ang naging simula ng pandemya at pagbabago. Matinding dagok ang dala ng pandemya na ito sa buhay ng tao. Maraming pagbabago ang naganap at lahat apektado maging ang edukasyon ng kabataang Pilipino. Nabago ang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante para sa taong panuruan 2020-2021 at 2021-2022. Nagkaroon ng New Normal na sistema ang edukasyon. Maaaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng Modular Distance Learning (MDL) kung saan ang mga mag-aaral ay bibigyan ng kumpletong sets ng Self-Learning Modules (SLM) o printed modules. Ang Modular Distance Learning (MDL) ay nagtatampok ng individualized instructions o pangisahang panuto na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na gumamit ng Self-Learning Module (SLM) na nakaprint o digital na porma/elektronikong kopya, alinman ang naaangkop sa pagkatuto ng mag-aaral. Ayon kay Geiser at Santelices (2007), ang akademikong performans ng mga mag-aaral ay naaapektuhan ng ilang mga salik, tulad ng puntong pagpasok, kalagayan pang-ekonomiya at kaligirang pampaaralan. Ngayong unti-unti ng nagbalik ang lahat sa normal, maging ang mga mag-aaral ay nakabalik na sa paaralan. Malaking hamon para sa mga guro ang suliranin na hinakaharap sa arawaraw hinggil sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga sumusunod na obserbasyon ang nag-udyok sa mga mananaliksik upang pag-aralan at patotohanan ang mga nasabing Kahandaan ng mga Mag-aaral sa Pagbabalik ng Klase Kaugnay sa Akademikong Performans ng Ikawalong Baitang ng Sagay National High School. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang masuri ang Kahandaan ng mga Magaaral sa Pagbabalik ng Klase Kaugnay sa Akademikong Performans ng Ikawalong Baitang ng Sagay National High School. Binibigyang diin na dapat mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang katangian o background ng mga respondente ayon sa mga sumusunod: 1.1 Pangalan (opsyunal) 1.2 Edad 1.2 Kasarian 1.3 Tirahan 1.4 Estado ng Pamumuhay 2. Ano ang mga salik na nakaapekto sa akademikong performans ng mga respondente? 2.1 Estado ng Pamumuhay 2.2 Layo ng Tirahan 2.3 Social Media/ Access sa Internet 3. Ano ang pananaw ng mga respondente sa iba’t ibang estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo: 3.1 Chunking 3.2 Mind Mapping 3.3 DRTA (Direct Reading Thinking Activity) 3.4 Malayang Talakayan 3.5 Reciprocal Teaching 3.6 SQ3R- (Survey,Questions,Read,ReciteReview) 3.7 Kolaboratibo 4. May makabuluhang kaugnayan ba ang personal na background ng mga respondente batay sa kanilang kahandaan sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans? 5. May makabuluhang kaugnayan ba ang estado ng pamumuhay, layo ng tirahan, social media o internet access sa kahandaan sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans? 6. May makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mga respondente sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya ng guro sa pagtuturo? PAGLALAHAD NG HAYPOTESIS 1. Walang makabuluhang kaugnayan ang personal na background ng mga respondente batay sa kanilang kahandaan sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans. 2. Walang makabuluhang kaugnayan ang estado ng pamumuhay, layo ng tirahan, access sa internet o social media sa kahandaan sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans. 3. Walang makabuluhang kaugnayan ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya ng guro sa pagtuturo sa kahandaan sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay upang malaman ang kahandaan ng mga mga-aaral sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans at ito rin ay makatutulong sa mga sumusunod; Sa mga Guro- Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro na malaman ang kahandaan ng mga mga-aaral sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans. Makatutulong din ito sa kanila upang makabuo ng mas mahusay na koneksyon at relasyon sa mga mag-aaral. Sa mga Mag-aaral - Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan o ebidensya na sila ay handa na sa pagbabalik ng klase sa kabila ng hagupit ng Covid-19 Virus. Magsisilbing gabay din ang pananaliksik na ito kung paano nila lulutasin ang kanilang mga kinakaharap na problema kaugnay sa akademikong performans. Sa mga Magulang - Ito ay magsisilbing gabay sa pagtukoy ng kahandaan ng kanilang mga anak sa pagbabalik ng klase pagkatapos ng mahigit na dalawang taon na hindi pagpasok ng kanilang mga anak sa paaralan at sa kung paano nila sila maaaring suportahan. Sa paraang ito ay maaring mapagtibay nila ang relasyon nila sa kanilang mga anak. Sa Komunidad - Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang mga isip at makagawa ng iba’t ibang paraan para makatulong sa estado at pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagbabalik ng klase. Sa mga Mananaliksik - Ito ay magsisilbing batayan sa mga maaari pang maging pananaliksik na may kaugnayan sa paksang ito, o mga gagawin pang pag-aaral ukol dito. Ito rin ay magiging instrumento para mapabuti pa ang susunod na mga gagawin na pananaliksik. Sa mga Gabay Tagapayo (Guidance Counselor) - Ito ay magsisilbiling basehan ng mga guidance counselor upang mas matukoy lalo kung anong lebel ng kahandaan ang mga magaaral sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans. Sa paraang ito, makatutulong sila sa paglutas ng problema ng mga mag-aaral at sila ay makapagbibigay ng malawak na payo. SAKLAW AT DELIMITASYON Ang pananaliksik na ito ay nakatuon at sumasaklaw sa kahandaan ng mga mga-aaral sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans ng ikawalong baitang ng Sagay National High School. Ang mananaliksik ay gumamit ng sarbey at talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos na binubuo ng aytem ukol sa kahandaan ng mga mga-aaral sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans. Ang magiging kasagutan sa pananaliksik na ito ay makakamit sa pamamagitan ng piling mga respondente ng mag-aaral na napabilang sa special classes ng Sagay National High School. Ito magmumula sa Grade 8- Mercury na mayroong tatlumpung (30) na estudyante, sa kabuuan ay may tatlumpong (30) tagatugon. Ang pangangalap ng datos ay nagsimula noong February 17, 2023 hanggang February 21, 2023. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS PROSESO INPUT AWTPUT Pagsasagawa ng sarbey at pagbibigay ng talatanungan na sasagutan ng mga piling respondent. Pag-oorganisa sa mga resultang datos. Pag-aanalisa at pagpapakahulugan ng mga nakalap na resulta. 1. Demographic profile ng mga respondenting magaaral. 2. Ano ang mga salik na nakaapekto sa akademikong performans ng mga respondente? Pagbibigay ng mungkahi na kinakailangan maging handa mga mag-aara kahit anumang aspeto para sa kanilang epektibong pagkakatuto. Magbibigay ng mungkahi na a kagawaran ng Edukasyon ay magsasagawa isang seminar sa mga kaguru hinggil sa mga estratehiyang gagamitin sa lo ng klase upang lubos na matu ang mga mag-a 3. Ano ang pananaw ng mga respondente sa iba’t ibang estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo? 4. May makabuluhang kaugnayan ba ang personal na background ng mga respondente batay sa kanilang kahandaan sa pagbabalik ng klase kaugnay sa akademikong performans? Pigura 1. Relasyon ng Input, Proseso at Awtput Ang ilustrasyon ay naglalahad ng iba’t ibang aspeto upang makompleto ang isinagawang pananaliksik. Ang inputs na ginamit ng mananaliksik ay naglalaman ng mga paglalahad ng layunin sa mga mag-aaral. Ito ay nakabatay sa katotohanan at makatutulong sa kabuuan ng pananaliksik. Sa proseso ng pag-aaral , ang mananaliksik ay nagsimula sa pamamahagi ng talatanungan sa mga respondent upang makuha ang mga datos na nais malaman. Ito ay dadaan sa proseso at matatapos sa isang paglilinaw upang maging katanggap-tanggap. Sa resulta ng pag-aaral o awtput ang mga mananaliksik Pagbibigay ng mungkahi na kinakailangan na maging handa ang mga mag-aaral sa kahit anumang aspeto para sa kanilang epektibong pagkakatuto. At magbibigay rin ng mungkahi na ang kagawaran ng Edukasyon ay magsasagawa ng isang seminar para sa mga kaguruan hinggil sa mga estratehiyang gagamitin sa loob ng klase upang lubos na matuto ang mga mag-aaral. DEPINISYON NG MGA TERMINO Ang mga sumusunod na salita ay binigyan ng pagpapakahulugan batay sa konsepto at kung papaano ginamit ang mga ito sa pag-aaral. New Normal. Panibagong kaugalian at pananaw sa kalusugan na kailangan nating sundin para mapanatili ang kaligtasan ng hindi lamang ng isang tao, kundi ng lahat. Modular Distance Learning. Isa sa mga delivery mode na kung saan hindi pisikal na magkasama o magkaharap ang guro at estudyante. (uopeople.edu/blog/) Face-to-face Learning. Pisikal na interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante. (tophat.com) Self-Learning Modules. Ang self-learning modules (SLM) ay kagamitan ng mag-aaral na naglalaman ng isang aralin na isinulat sa paraang madaling mauunawaan at magagawa ng mag-aaral kahit wala ang guro sa kaniyang tabi. Ito ay isinulat para sa distance o remote learning. Akademikong Performance. Sa local napag-aaral ni Andaya (2014) ang akademikong performans ng isang mag-aaralay isang kritikal na aspeto para sa maraming guro. Ang kanilang performans sa kahit anongbagay ay mahalaga para sa gobyerno,mga magulang at lalong lalo na sa ating lipunan.Napatanuyan na ang mga guro ay may pinakamahalagang impluwensya sa akademikongperformans ng mag-aaral KABANATA III DISENYO NG PANANALIKSIK Tinalakay sa bahagi ng pananaliksik na ito ang mga metodo at paraang ginamit sa pangangalap ng datos upang alamin ang kahandaan ng mga Mag-aaral sa Pagbabalik ng Klase Kaugnay sa Akademikong Performans. Nakita sa bahaging ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon, pamamaraan, instrumentong ginamit sa paglikom ng datos at paraan sa pagsusuri nito. MGA RESPONDENTE Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ikawalong baitang na napabilang sa special classes ng Sagay National High School. Magmumula sa Grade 8Mercury na mayroong tatlumpung (30) na estudyante, sa kabuuan ay may tatlumpong (30) tagatugon. Non-probability sampling ang napiling teknik na ginamit ng mananaliksik. Ito ang purposive sampling technique, kung saan kailangan ng masusing pagpili ng tagatugon sa kadahilanan na marapat na masunod ang krayterya na inihanda ng mananaliksik (Crossman, 2018). Sa pananaliksik na ito, ang krayterya ay: una, kabataang nasa edad labintatlo (12) hanggang labingwalo (16) taong gulang. Pangalawa, ang mga magulang ay may buwanang sahod mula limang libo (5,000) hanggang dalawampung libo (20,00) pataas. Pangatlo, kinakailangang sila ay mga mag-aaral ng ikawalong baitang na napapabilang sa programang STE (Science, Technology, Engineering). Pang lima, mga mag-aaral na nakakuha ng may pinakamataas at may pinakamababang marka sa unang kwarter ng pag-aaral. INSTRUMENTO SA PAG – AARAL Sa paglikom ng mga impormasyon sa pagbuo ng pag-aaral ang mananaliksik ay gumamit ng pansariling gawang information sheet sa pagkuha ng datos. Ito ay ginawa upang sagutin ang mga katanungan ng mananaliksik na nakapaloob sa suliranin. Ang unang bahagi ay naglalaman ng mga katanungan na siyang tutukoy sa katangian o background ng mga respondente, ang ikalawang bahagi naman ay tumutukoy sa mga salik na nakaapekto sa akademikong performns ng mga respondent, pangatlong bahagi naman ay tumutukoy sa pananaw ng mga respondent sa iba’t ibang estratehiyang ginagamit ginagamit ng mga guro sa pagtuturo. At upang mabigyang solusyon ang kanilang mga posibleng problema o kakulangan ng mga mag-aaral sa kahandaan sa pagbabalik ng klase ay nagsasagawa din ng pakikipanayam ang mananaliksik sa guro ng mga tagatugon tungkol sa kanilang mga akademikong performans at humingi na rin ng mungkahi sa kanila kung ano ang kanilang pagtugon sa problemang ito ng mga mag-aaral. Sa instrumentong pakikipanayam o interbyu harapang tinanong ng mananaliksik ang mga guro ng mga inihandang katanungang may kaugnayan sa akademikong performans ng mga mag-aaral. Gumamit ng voice recorder sa selpon upang magkaroon ng mas malinaw na kopya at batayan sa sagot sa pag-aaral at maaari rin gamitin ng mananaliksik na patunay o ebidensya sa resulta ng kaniyang isinagawang pag-aaral. PROSESO NG PANGANGALAP NG DATOS Sa pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na bigyang-daan ang mga pamamaraan upang makalap ang mga datos tulad ng sumusunod na hakbang. Una, humingi ang mga mananaliksik ng pahintulot sa tanggapan ng tagapamahala ng paaralan upang mangalap ng datos sa pamamagitan ng pagsa-sarbey at pagbibigay ng katanungan. Ikalawa, ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa prinsipal ng paaralang saklaw ng pag-aaral upang makapagsagawa ng pananaliksik. Ikatlo, sa tulong ng tagapayo ng Grade 8 - Mercury ang mananaliksik ay humingi ng kopya ng mga pangalan ng mga mag-aaral na magiging respondente sa isasagawang pag-aaral. Ikaapat, ibinigay ng mananaliksik ang sarbey na tanong sa mga respondenteng mag-aaral ng ikawalong baitang. Ikalima, naghanay at nagtatala ng sagot ng mga kalahok sa pag-aaral. Sa ginawang pakikipag-usap kinuha ng mananaliksik ang kasagutan ng mga respondente, itinabulate at sinuri ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng documentary analysis. Ang mga mananaliksik ay nakipanayam o harapang tinanong ang mga guro upang makakalap pa ng mga karagdagang impormasyon sa mga respondente at malaman, marinig ang pananaw at opinyon nila tungkol sa paksa ng pananaliksik. ISTATISTIKAL TRITMENT NG MGA DATOS A. Weighted Mean Distribution Ang mga mananaliksik ay gagamit ng ilang mga istatistikal na tritment para maanalisa at mabigyang kahulugan ang mga nakalap na datos para makita at mahanap ang mga salik na nakaapekto sa akademikong performans ng mga estudyante sa klase. Ang pormulang ito ay ginamit upang masagot ang mga katanungan tungkol sa mga salik na nakakaimpluwensya sa akademikong performans ng mga estudyante at mga epektibong estratehiya ng mga estudyante na maaaring gamitin.Ang pormula sa ibaba ay gagamitin: 4f+3f+2f+f WM= _______________ N Kung saan: WM = ang kabuuan ng mga bilang na hinati sa N f = prikuwensiya na pagtugon N = kabuuang bilang ng respondente