FILIPINO 10 DAYAGNOSTIKONG PAGSUSULIT KUWARTER 3 Taong Pampaaralan 2022-2023 Panuto: Basahin ang bawat aytem. Pagkatapos ay piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Para sa bilang 1-2 “Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.” Hango sa “ Ang Tsinelas “ ni Jose Rizal 1. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito? a. Ito ay napapanahon. b. Mahusay ang sumulat. c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat. d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag. 2. Sa bahagi ng kuwentong binasa , anong aral ang nais iparating nito? A. Katapatan sa bayan B. Pagpapahalaga sa kapwa C. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba D. Mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan 3. Ito ay pagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay. A. Pangangatuwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay 4. Sa naranasang pandemya, marami ang nagkakasakit at namamatay na halos wala nang magawa kundi tanggapin na lamang ang pangyayari. Anong sitwasyon sa akda ang may kaugnayan sa pahayag? A. Naisip niyang maghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. B. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho. C. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. D. Sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. 5. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan. A. Epiko B. Anekdota C. Sanaysay D. Mitolohiya Para sa bilang 6-7. Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni Gng. Brown, lider ng mga misyonero ng mga taga Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilangbpagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang ng panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga- Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hibablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mg ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith. Hango sa Paglisan(Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera 6. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya? A. Palaganapin ang Kristiyanismo. B. May tatlong persona ang Diyos. C. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan. D. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala. 7. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng Lupa? A. Nagkasakit si G. Brown. B. Sinunog ang tahanan ni Enoch. C. Sumanib ang isang masamang espiritu. D. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu. 8. Ito ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita. A. Kataga B. Diptonggo C. Panlapi D. Pangatnig 9. Ito ay isa sa pinakaluma at pinakatanyag na bansa na may maraming kilalang kultura pagdating sa Gitnang Silangan o Middle East. A. Malaysia B. Persia C. Asya D. Indonesia 10. Nagmamadaling pumunta si Okonkwo sa kanyang obi nang makagawa siya ng krimen kaya naman______ ang kanyang ginawa para madali siyang makarating. Anong salitang magkaugnay ang maaaring idugtong sa pahayag? A. Urong- sulong B. Lakad-takbo C. Bigay-bawi D. usad-pagong 11. May mga pagkakataong sa kilos at pagsasalita ay masisinag na ang pag-uugali ng isang tao. Ang nasasalungguhitan ay may parehong kahulugan ng___________. A. matatagpuan B. makikita C. maaaninag D. maglalaho 12. Mas mahalaga ang pag-uugali ng isang tao kaysa sa batas, sapagkat ito ang humuhubog sa ating sarili kung sino tayo, mabuti o masama. Ang kaparehong kahulugan ng salitang nasasalungguhitan ay_____. A. sinasanay B. inuukit C. bumubuo D. humuhulma 13. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na:” Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”? A. pagkadismaya B. pagkalito C. pagkasiya D. pagkatuwa Para sa bilang Mula sa mga Anekdota ni Saad Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa. Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kanyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kanyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Ang Sultan ay nagwika “ Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop ,hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob”. Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “ Mongheng Mohametano!Ang sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit hindi mo siy binigyan ng kaukulang paggalang?” Sumagot ang Mongheng Mohametano, “ Hayaan mo ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang nagbebenepisyo sa kanyang magagandang gawa. Sabihin mo sa kanya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan. Mula sa Elements of Literature nina Holt et al. 2008. Texas, USA 14. Ano ang ipinahihiwatig sa ginawang pamamanata ng Mongheng Mohametano sa disyerto? A. malalim na pang-unawa B. matinding pangangailangan C. malakas na pangangatawan D. masidhing pananampalataya 15. Ang mahihinuhang damdamin ng Sultan nang makita niyang hindi nagtaas ng ulo ang monghe ay____. A. pagtataka B. pagkagalit C. pagkabigla D. Pagkalungkot 16. “ Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop ,hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob”. Batay sa pahayag, anong pag-uugali ang tinataglay ng Sultan? A. Maaalalahanin B. Mapagmaliit C. Mapagmasid D. Makapangyarihan 17. Ano ang binigyang-tuon sa anekdotang Mongheng Mohametano? A. Ang kalupitan ng may kapangyarihan sa kaniyang nasasakupan B. Ang paghihirap ng mga karaniwang tao upang makapanampalataya C. Ang pananampalataya ng Monghe at kinaugaliang pagbibigay-pugay sa sultan sa tuwing siya ay daan. 18. “ Mongheng Mohametano! Ang sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit hindi mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?” ang mahihinuhang damdamin ng ministro ay_________. A. Pagkainis B. Pagtataka C. Pagkatuwa D. Pagkabigla 19. Ano ang kahulugan ng salitang , “ naimbitahan”? Ito ay nagmula sa salitang -ugat na “imbita”, na kinabitan ng mga panlaping na-at -han. A. Nagpapaanyaya sa isang pagtitipon B. Naanyayahan sa isang pagtitipon C. Inaanyayahan sa isang pagtitipon D. Nagpapaanyaya sa isang pagtitipon 20. Ang salitang “pagsumikapan” ay nagmula sa salitang-ugat na “sikap”, na kinabitan ng mga panlaping pag-, um, -an. Ano ang kahulugan nito? A. Magsikap upang magtagumpay B. Maglaan ng higit na oras upang umunlad C. Magtrabaho nang magtrabaho habang bata pa D. Makipagtulungan sa kapwa upang makamit ang pangarap 21. Ano ang dahilan kung bakit sa gitna ng disyerto namamanata ang Mongheng Mohametano? A. Nakalilibang ang lugar. B. Payapa ang lugar upang magnilay. C. Nakapagbibigay ng dagdag na dusa ang init ng buhangin. D. Nakadaragdag sa sidhi ng pagninilay ang init ng sikat ng araw. 22. Kinupkop ni Okonkwo si Ikemefuna, ang batang naging kabayaran sa tribo ng Umuofia, ‘Di naglaon ay untiunti na siyang napamahal dito gayundin ito sa kanya at itinuturing siyang pangalawang magulang. Anong teoryang pampanitikan ang masasalamin sa bahaging ito ng nobela? A. Historikal B. Humanism C. Pormalismo D. Realismo 23. Ang ama ni Okonkwo ay isang mahina at talunang nilalang. Siya rin ang dahilan kaya ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang matakpan ang kahihiyang dulot niya sa kanilang pamilya. Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay_______. A. Eksistensyalismo B. Historikal C. Humanismo D. Marksismo 24. Napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu gamit ang ekwe. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? A. Isang uri ng tambol B. Pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria C. Katutubong tao mula sa Timog Silaangang Nigeria D. Palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano 25. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Batay sa pahayag, ano ang tradisyong kinamulatan ng mga taga-Afrika? A. Natakot sila baka bumalik ang kaluluwa ni Okonkwo. B. May paniniwala sila na ang kasalanan ng isang miyembro o katribo ay maaring maging simula ng kanilang pagbagsak o maging karma. C. Ang isang miyembro ng pamilya/tribo na nagkasala ay maaaring maging kabayaran upang matamo ang kapayapaan sa dalawang pangkat na may hidwaan. D. Paniniwala sa mga kaluluwa, pagbibigay respeto at mataas na pagtingin sa mga pumanaw na.