Uploaded by Ma Isabel Gabriel

meet

advertisement
BULONG NG HANGIN
Hindi mabibilang sa dalawang kamay ang namumuhay na pamahiin ilang taon at dekada na ang
nakakalipas magpahanggang ngayon. Hindi na nakapagtataka na ang mga paniniwalang ito ay kabilang sa
ating kultura. Kung ating babalikan ang bawat hakbang na tinahak ng mga pamahiin, hindi sasapat ang
isa o dalawang araw lamang na ilalaan mo para dito. Ang bawat sulok ng buhay natin ay nababalot ng mga
paniniwalang nakatatak na sa ating pagkakakilanlan.
Narinig mo na ba ang pamahiin patungkol sa mga larawan? Kung sino man ang kukuha ng larawan na
naglalaman ng tatlong tauhan ay siguradong mamamatay ang sinumang nasa gitna. Bata pa lamang ako
ay ipinagbawal na sa akin ang pagkuha ng mga ganitong litraato. Sa murang edad pa lamang ay inuukit na
sa aking isipan ang mga bulong ng hangin. Ang isang pamahiin na pinaniwalaan ko hanggang sa ako ay
magtungotng sa edad na labinpito ay ang kapahamakan na dala nang paggupit ng kuko sa gabi. Ani nila,
ang sinumang gumawa nito’y mamamatayan ng minamahal sa buhay. h
Download