Filipino sa Piling Larang Akademik Patnubay ng Guro Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na magemail ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i Filipino sa Piling Larang- Akademik Patnubay ng Guro Unang Limbag 2016 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Eduaksyon at Filipinas Copyright Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit ditto. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro Corazon L. Santos, PhD Gerard P. Concepcion, PhD Ronel O. Laranjo, MA Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo : Salvador Biglaen Tagasuri ng Wika: Wilma B. Bitamor Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos Tagapamahala ng Pagbuo ng Patnubay ng Guro Bureau of Curriculum Development Bureau of Learning Resources Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________ Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR) Office Address: Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph ii TALAAN NG NILALAMAN INTRODUKSYON I. KABANATA 1: Ang Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat Panimulang Pagsusulit …………………………………………………………………………….. 1 Aralin 1.1: Ang Kahulgan at Katuturan ng Pagsulat ………………………………….. 3 Aralin 1.2: Ang Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat ………… 10 Aralin 1.3: Etika at Responsibilidad sa pagsulat ……………………………………… 17 Panghuling pagsusulit …………………………………………………………………………….. 21 II. KABANATA 2: Pagbabalangkas at Pagbubuod Panimulang Pagsusulit …………………………………………………………………………... 23 Aralin 2.1: Pagsulat ng Balangkas ……………………………………….………………….. 24 Aralin 2.2: Pagsulat ng Buod ……………………………………………….…………………. 29 Panghuling Pagsusulit …………………………………………….................………………. 33 III. KABANATA 3: Mga Akademikong Sulatin Batay sa Anyo at Layunin Panimulang Pagsusulit ………………………………………………………….……………….. 34 Aralin 3.1: Pagsulat ng Katitikan ng Pulong ………………………….…………………. 37 Aralin 3.2: Pagsulat ng Talumpati …………………………………………………………… 45 Aralin 3.3: Pagsulat ng Posisyong Papel ……………………………….………………… 57 Panghuling pagsusulit ……………………………………………………………………………. 68 IV. KABANATA 4: Sanaysay Panimulang Pagsusulit …………………………………………………………….…………….. 71 Aralin 4.1: Lakbay-Sanaysay ……………………………………………………….………... . 73 Aralin 4.2: Replektibong Sanaysay ……………………………………………….……….. 85 Panghuling Pasusulit …………………………………………………………………………… .. 96 V. KABANATA 5: Mga Akademikong Sulatin Sa Iba’t ibang Disiplina Panimulang Pagsusulit …………………………………………………………………………. . 98 Aralin 5.1: Akademikong Sulatin sa Humanidades ………………………………. 102 Aralin 5.2: Akademikong Sulatin sa Agham Panlipunan.…………….……….... 111 Aralin 5.3: Akademikong Sulatin sa Agham ………………….…....................... 120 Panghuling Pagsusulit …………………………………………………………………..……… 129 VI. Paggawa ng Portfolio…………………………………………………………………..…….134 iii Introduksiyon Bilang wikang pambansa, kinakailangang lumagpas ang wikang Filipino bilang wika lamang ng komunikasyon sa iba’t ibang mga sektor sa lipunang Pilipino. May pangangailangang mapaunlad ito bilang wika ng kaalaman at wika sa produksiyon mismo ng kaalaman. Kapag nasa wikang Filipino ang pagdukal at pagdiskurso ng iba’t ibang mga akademikong disiplina, mas nailalapat ito sa pagkatao, karanasan, at kalinangan ng mga Pilipino. Sa pagbuo at pagbalangkas ng isang makabayang edukasyon, mas napalilitaw ang ganitong tunguhin, habang napauunlad ang paggamit at pag-iintelektuwalisa ng wikang Filipino. Bagaman hindi pinakauna, nananatiling bukas ang mga tinipong babasahin sa seryeng ito hinggil sa lalong pagdaragdag at pagbubuo ng mahuhusay na mga exemplar para sa kalinangan ng mga mag-aaral. Ang mga tinipong babasahing ito ay isang inklusibong pagsisikap upang maisama ang ilan sa mga anyo ng teksto na may tuon sa akademikong diskurso ng iba’t ibang mga napapanahong usapin. Mula sa balangkas ng Kagawaran ng Edukasyon, ginamit ang mga teknikal at malikhaing teksto habang naipakikilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga paksa na nagmumula sa iba’t ibang mga akademikong disiplina. May pagsasaalang-alang din na nararapat na maging popular pa rin ang mga ito, nang sa gayon ay maging kawili-wili sa mga mag-aaral ang pagbabasa. Sisimulan sa Unang Bahagi ang mga batayang kaalaman at katangian ng pagsulat, partikular sa akademikong larangan. Ipaliliwanag ng mga babasahin ang tuon at layunin ng akademikong pagsulat, lalo na sa tipo ng mga mambabasang tatangkilik nito. Isa sa pinakamalahalagang gampanin ng akademikong pagsulat ay ang tungkulin at responsibilidad ng iskolar na siyang lumulubog sa proseso ng pananaliksik. Hindi lamang nararapat na maunawaan niya ang daynamiks ng mismong pagsulat, ngunit nararapat rin niyang mailapat ang mga ito sa isang makabuluhang proseso ng pagsulat. Bilang isang Pilipinong iskolar, kinakailangan niyang matutunan ang pananaliksik at pagsulat hinggil sa kultura at lipunang Pilipino, ugnay sa iba’t ibang mga akademikong disiplina sa antas ng unibersidad. Sa Ikalawang Bahagi, ilan sa mga anyo ng pagsulat na masasabing propesyonal at/o teknikal ang isinama sa mga babasahin. Ang ilan sa mga ito’y katitikan ng pulong, panukalang proyekto, posisyong papel, bionote, abstrak, at buod. May dalawang pangunahing mga layunin ang mga babasahin sa bahaging ito. Una, upang tumugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na makilala at maunawaan ang ilang prominenteng mga indibidwal at ang kanilang mga milyu, adbokasi, at ambag sa lipunang Pilipino. Pagkilala ito sa nagawa at ginagawa ng iv mga iskolar na ito, habang napayayaman ng mag-aaral ang kaniyang kaalaman hinggil sa mga ito, na ugnay sa kaniyang binabasa at pinag-aaralan. Ikalawa, upang tumugon sa pangangailangan ng mag-aaral na makasulat ng mga mahahalagang ulat at impormasyon mula sa mga lumitaw na diskusyon, at gayundin naman sa gagawing pagdiskurso. Walang mag-aaral ang hindi lulubog sa isang pulong halimbawa, ito man ay sa pagitan ng kaniyang mga kamag-aral, o kaya ay sa mga magiging katrabaho; at ang pagbuo ng isang makabuluhang talumpati o presentasyon na ihaharap sa isang panel hinggil sa isang ulat, bubuuing proyekto o pananaliksik. Katangian ng propesyonal na pagsulat ang pagpapasimple ng mga komplikadong pahayag. Kinakailangan ang mainam na pagsasala at paggamit ng mga salita, nang sa gayon ay hindi magkaroon ng maling pag-unawa sa babasa ng teksto. Ang estilo ng manunulat ay kinakailangang objektiv, direkta, maikli, at malinaw, partikular sa mga nais niyang sabihin. Kaiba halimbawa sa pagsusulat ng mga kuwento o tula na kung saan may mga pagkakataong kailangang palalimin at pabulaklakin pa ang mga pahayag, ang propesyonal na pagsulat ay nangangailangan ng malinaw na direksiyon at pagpapaliwanag, sa isang hindi emosyonal na paraan. Hindi nakukuha nang agaran ang mga kasanayang kinakailangan sa propesyonal na pagsulat subalit, mahalaga ang masteri sa iba’t ibang mga katangian na maaaring paglubugan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang pagpapalawig ng mga katotohanan, pagsisintesis ng mga impormasyong kinakailangan, at pagbuo ng mga objektiv na pagpapahayag. Kadalasan, ang propesyonal na pagsulat ay ginagawa sa ekspositoring pamamaraan, na nagbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa trabaho o pagtatrabaho. Dalawa sa mga pinakagamiting mga anyo ng propesyonal na pagsulat na masasabing generic sa anumang propesyon ay ang katitikan ng pulong at panukalang proyekto. Sa sinumang bahagi ng isang organisasyon o kompanya, ang pag-upo sa pulong sa pulong ay bahagi ng pakikiisa hindi lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa pakikisangkot sa iba’t ibang mga usapin ng mga katrabaho at ng misong organisasyon o kompanya. Mahalagang matutunan kung paano sasalaain ang lahat ng mga pinag-usapan sa isang maikli at malinaw na paraan. Sa ganitong pagtingin, mauunawang mabigat ang kahalagahan at responsibilidad ng gumagawa ng katitikan sapagkat nasa kaniyang atentibong pakikinig at pagsulat ang muling pag-uulat ng esensya ng anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga gagawing plano, at pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa pamamagitan ng isang mahusay na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na rekord sa pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong dokumento sa mga hindi nakadalo. v Sa isang banda, mahalaga naman ang panukalang proyekto sa paglatatag at pagpaplano ng gagawing proyekto. Hindi lamang ito simpleng paglalahad upang ipaunawa ang gagawing proyekto; bagkus, kinakailangan nitong maging mapanghikayat, nang sa gayon ay pahintulutan ang pagsasagawa ng partikular na proyekto. May tatlong pangunahing layunin ito: angpagtitiyak sa kung anong proyekto ang kinakailangang gawin, pagpapaliwanag kung bakit ito kailangang gawin, at panghihikayat sa mambabasa (o panel) na mayroong sapat na plano, metodo, pinansya, at panahon upang isagawa ang proyekto. Bagaman may kani-kaniyang format ang bawat organisasyon at kompanya sa pagsulat ng katitikan ng pulong at panukalang proyekto, generic naman ang kinakailangang lamanin ng mga ito. Mahalaga ang mga kasanayang ito sa isang mag-aaral, sapagkat pagsasanay ito sa karanasang susuungin nila paglabas ng paaralan. Ipakikita rin ng mga piniling babasahin na maaari pa rin namang gamitin ang mga kinagisnan nang anyo ng pagsulat sa mas mataas na pagtalakay at diskurso. Sa pagsulat ng buod halimbawa, kinakailangang makalabas na sa kahon ng maikling kwento, nobela, at pelikula ang binubuod ng mga mag-aaral. Habang sa pagsulat naman ng posisyong papel, kinakailangang masanay ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling mga argumento hinggil sa isang napapanahong isyu, habang isinasalang-alang ang iba’t ibang mga katotohanang ugnay dito. Lampas sa minimum competencies na inihanda ng DepEd ang pagsulat ng papel pananaliksik, subalit iminumungkahing ito ang maging panghuling gawain ng mga mag-aaral nang sa gayon ay maisulat nila ang isang akademikong diskurso na bunga ng kanilang pananaliksik, bilang paghahanda na rin sa kalikasan ng pagsulat sa antas ng unibersidad. Kasama na ang abstrak bilang bahagi ng paguulat sa papel-pananaliksik, kinakailangang matutunan ng mga mag-aaral ang ganitong anyo ng akademikong pagsulat, nang sa gayon ay maipasa at mailathala nila sa hinaharap ang mga pananaliksik na ito. Maraming journal sa Filipino ang nag-aabang lamang sa mga artikulo na nagmumula sa iba’t ibang mga disiplina. Habang sa Kabanata 3, apat sa mga anyo ng malikhaing pagsulat ang isanama sa mga babasahin: talumpati, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay. May iisang layunin ang mga tekstong ito: ang makagbigay ng impormasyon sa isang masidhing pamamaraan. Masasabing emosyonal ang ganitong anyo ng pagsulat. May kalayaan ang manunulat sa pagpili ng mga salitang sasabihin o isusulat, nang sa gayon ay mas makapukaw ng atensyon at emosyon sa tagapakinig o mambabasa. Hindi na iba ang ganitong gawain sa mga kabataan ngayon, lalo’t sila ay kabilang sa tinatawag na milenyal na edad. Halos lahat na lamang ng kanilang nasasaisip at nararamdaman ay iniuulat sa lahat. Gamit ang teknolohiya ng new media, partikular ang internet at Social Networking Sites, malaya nilang ipinamamalita sa mundo kung ano man ang nais nilang sabihin. Popular halimbawa sa blogosphere ang pagpapaskil ng vi mga lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay. Bagaman lubog at babad na ang mga mag-aaral sa ganitong mga anyo ng pagsulat, ipamamalas ng mga babasahin na hindi lamang nararapat na makulong sa kalungkutan, hinaing, at pag-ibig ang mga paksa ng mga ito, bagkus kinakailangang umangat pa ito sa mga isyung pangkultura’t panlipunan. Kahit pa seryoso o masaya/malungkot ang tinig, hindi nawawala ang tali ng emosyon upang mailugar ang kanilang mga sarili sa mundo na kanilang ginagalawan. Sa kaso ng malikhaing pagsulat, ang hamon ay kung paano ipapakita nang bago ang mga dati nang naipakita. o kaya’y kung paano ipapakita ang hindi pa naipapakita ng iba. Kadalasan, ekstensyon ng sarili ang anumang nabubuong malikhaing sulatin. Interpretasyon ng manunulat ang mundo na kaniyang ipinapakita sa kaniyang mga sulatin. Kung gayon, ang isang mananaliksik ay nakauunawa na ang isang malikhaing akda ay binuo ng mga salitang pinili ng manunulat. Makatagpo man sa akda ng sensitibong salita sa paningin ng iba, higit pa dito, ito’y dapat tingnan sa pagka-akda at pagka-likhang sining nito. Matutunghayan sa mga talumpating isinama sa mga babasahin, ang pagbanggit at paggigiit sa mga personal na karanasan bilang panghabambuhay na aral. Mababasa ang mga pinagdaanang karanasan sa buhay na tinitingnan bilang resipi sa tagumpay. Pinatutunayan ng mga talumpating ito na kaya ng bawat isang maging matagumpay, anuman ang kalagayan sa buhay. Wala rin namang pinag-iba ito sa mga lakbay-sanaysay na nagpapakita ng mga pampersonal na karanasan bilang lunsaran sa pagkatuto. Ang paksa ng “ako,” “siya/sila,” “Pilipinas/Pilipino” at “ibang bansa,” ay mailalantad na masasabing normal na diskurso lamang ng higit pa sa pampersonal na motibo. Lagpas pa sa mga larawan ng lugar at pagkain ang pag-unawa sa sarili, bagkus ito ay produkto ng pagbasa at pag-alam matapos ang mga hindi malilimutang karanasan ng paglalakbay. Samantala, ang mga replektibong sanaysay ay nakabalangkas sa talabang sarili-pagkabansa. Paglulugar ang mga sanaysay na ito ng mga manunulat hinggil sa problematisasyon ng uri, identidad, at pagkabansa. Sentral sa mga ito ang kani-kanilang mga karanasan bilang tao, at bilang iskolar na bahagi at nakikibahagi sa mas malawak na mundo ng tunggalian. Habang ang mga piktoryal na sanaysay ay nakatuon sa ilang mga isyung panlipunan, at sa paglulugar ng sarili sa usapin ng pagkabansa. Aktwal ang mga larawang ginamit nang sa gayon ay makaugnay ito sa mismong mga karanasan ng sangkot na mga indibidwal. Ito ang pinakamalapit sa sinasabing “paglubog” ng sarili, sa karanasan ng iba. vii Bilang mga Pilipino, mahalaga sa mga mag-aaral ang makisangkot sa ba’t ibang isyung pumapaloob sa pagiging Pilipino, at pagbubuo ng bansa. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga babasahing ito, mas mapalalawak at mapalalalim pa ang paraan at antas ng repleksyong ginagawa ng bawat isa. Lagpas pa sa awit, tula, nobela, o pelikula ang kailangang bigyan ng repleksyon at pag-unawa. Bagaman magkakaibang kabanata, iisa lamang ang tunguhin ng kabanata 4, 5, at 6. Maipakita at maipaunawa sa mag-aaral ang paggamit sa wikang Filipino partikular sa pagsulat ng mga pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Tinipon ang ilang mga akademikong journal na gumagamit ng wikang Filipino sa mga paksang may kinalaman sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham. Patunay at hamon ang mga babasahin sa mga kabanatang ito sa lalong pagiintelektwalisa ng wikang Filipino. Hamon din naman ito sa mga mag-aaral na kung ano man ang disiplina na kanilang kukunin sa unibersidad, kinakailangang magamit nang sa gayon ay mapagyaman pang lalo ang pambansang wika. May ilang mga anyo ng pagsulat ang nangangailangan pa talaga ng masidhing pagpapaunlad. Sa katunayan, sa panahon ng pangangalap ng mga exemplar na babasahin para sa seryeng ito, sinubukang kumalap sa mga akademikong institusyon sa labas ng Maynila, dahil sa ang karamihan ng mga limbag na sanggunian ay pinatatakbo ng malalaking unibersidad sa Metro. Napatunayan din naman na may kakulangan pa sa paggamit at pagsulat sa wikang Filipino, partikular sa mga propesyonal na pagsulat. Samakatuwid, inspirasyon at hamon ang seryeng ito para sa lahat ng mga mag-aaral na Pilipino, upang lalo pang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman at wika sa produksyon ng kaalaman. viii ix x xi xii xiii KABANATA 1 PANIMULANG PAGSUSULIT I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa) 1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag. A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat 2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 1 II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) _____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat. _____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral. _____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable. _____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon. _____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina. III. Sagutin ang mga tanong nang hindi lalagpas sa 10 pangugusap. (10 puntos bawat isa) 1. Bakit isang proseso ang akademikong pagsulat? Patunayan. 2. Ano ang etika sa pagsulat? Magbigay ng ilang katangian. 3. Paano masasabing may oryentasyong Pilipino ang isang pananaliksik? Talakayin. MGA SAGOT I. 1. 2. 3. 4. 5. D A C D B II. 6. MALI 7. MALI 8. MALI 9. MALI 10. TAMA 2 ARALIN 1.1 ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT ARALIN 1.1 Ang Kahulugan at Katuturan ng Pagsulat Linggo: 1 Deskripsyon: Pagbibigay ng panimulang kaalaman at pag-unawa sa mga mag-aaral hinggil sa kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating akademik I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Kumustahin ang mga mag-aaral. Itanong kung ano-ano nang mga sulatin ang kanilang naranasang isulat na (tula, blog, diary, atbp.). Mga Kasanayang Pampagkatuto Ibigay ang panimulang pagsusulit. Magsagawa ng isang maikling talakayan o pagbabahagi hinggil sa mga personal na karanasan kung bakit sila nagsusulat at paano sila magsulat. Tumawag ng ilang mga volunteer na tatayo at magbabahagi sa harap ng mga mag-aaral. Magpakita sa mga mag-aaral ng iba’t ibang halimbawa ng mga teksto gaya ng journal entry, balita sa dyaryo, editoryal, blog, iskrip, komiks, at iba pa. Magpapanood ng bidyo ng interbyu sa mga totoong awtor o magpabasa ng mga transkripsiyon ng interbyu sa kanila. Itanong sa mga mag-aaral kung ano kaya ang dahilan ng mga indibidwal na awtor kung bakit sila nagsusulat (?), depende sa mga halimbawang teksto na ipinakita. Ilista sa pisara ang mga sagot na nalikom sa bawat anyo ng teksto. Upang mas 3 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto maging malinaw, isulat sa pisara nang pahalang ang iba’t ibang mga halimbawang teksto na ipinakita sa klase, at sa ilalim nito, ilagay ang mga isasagot ng mga mag-aaral. Pag-usapan kung may pagkakaiba o pagkakapareho ang mga dahilan ng pagsulat batay sa bawat tekstong ipinakita. Takdang-aralin: Magsaliksik at magbasa ng mga sanaysay tungkol sa larangan ng pagsulat. II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Batay sa mga nabasang sanaysay, pabuuin ang mga mag-aaral ng sarili nilang kahulugan ng Pagsulat na ugnay sa layunin nito. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang kahulugan. Itanong sa mga mag-aaral kung naunawaan ba nila ang mga kahulugan ng pagsulat na kanilang nalikom. Sabihing maging handa silang matalakay ito. Pag-usapan sa klase ang Ilang layunin sa pagsulat IMPORMATIB NA PAGSULAT Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita, at teknikal o businesss report Basahin ang tekstong Makrong Kasanayan sa Pagsulat. Bigyang-pansin ang (mga) kahulugang ibinigay para sa Pagsulat. Maaaring pag-usapan sa klase ang ilang mga batayang kaalaman ng pagsulat: Ayon kina Xing at Jin: “ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang 4 Mga Kasanayang Pampagkatuto mga elemento.” MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa: editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at konseptong papel Sinabi ni Badayos: “ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.” Ayon kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.” MALIKHAING PAGSULAT Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito. Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials. PANSARILING PAGPAPAHAYAG Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang eksplorasyonpagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang mahusay.” Bumuo ng isang sintesis hinggil sa mga layunin ng Pagsulat. Bago tapusin ang sesyon, Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at 5 sabihin sa mga mag-aaral na: “ngayong alam na natin ang mga layunin sa Pagsulat, ano kayang mga kahulugan ang maaaring mabuo hango o batay sa mga layuning napag-usapan natin?” Ito ang ating susunod na layunin sa ating susunod na pagkikita.” Bilang takdang-aralin: paghanapin ang mga mag-aaral ng iba’t ibang mga kahulugan ng pagsulat na matutunghayan sa internet. Ipasulat/Ipatala ang website, tao o artikulong pinagkunan. Siguraduhing mailista nila ang mga sanggunian na kanilang pinagkunan ng mga kahulugan ng pagsulat. Maaring puntahan ang link na ito: http://www.academia.edu /5641061/PAGSULAT karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.” Pangkatin ang mga mag-aaral na may tig-limang miyembro. Ipabahagi sa bawat pangkat ang mga impormasyong nakuha ng bawat miyembro hinggil sa kahulugan at katuturan ng pagsulat na kanilang kinuha mula sa Internet. Magtatala ang bawat miyembro ng pangkat ng mga impormasyong makukuha nila sa mula sa pagbabahagi ng mga kapangkat / kapangkat. Bubuo ang bawat pangkat ng sintesis hinggil sa kahulugan at katuturan ng Pagsulat. Pipili ng magiging tagapag-ulat ang pangkat na magbabahagi ng kanilang napag-usapan tungkol sa kahulugan at katuturan ng Pagsulat. III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Gamit ang ginabayang talakayan at concept tree, isulat sa pisara ang iba’t ibang salita o konseptong may kinalaman sa: 1) proseso 2) anyo 3) gamit ng pagsulat. Magpagawa ng sintesis sa mga mag-aaral tungkol sa sariling pagpapakahulugan ng pagsulat mula sa isinagawang concept tree. 6 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga nabuong sintesis tungkol sa pagsulat. Bago tapusin ang sesyong ito, sabihin sa mga mag-aaral na: “Ngayon naunawaan na natin ang kahulugan at katuturan ng pagsulat, titingnan naman natin ang isang uri ng Pagsulat, ang Akademikong Pagsulat. Bilang takdang-aralin: Humanap, basahin, at magdala ng tig-iisang halimbawa ng akademikong artikulo (pumunta sa http://www.philjol.info/philjol/index.php), na nakasulat sa wikang Filipino. Maaaring kumuha sa Internet o sa mga limbag na journal ang mga mag-aaral hinggil sa isang paksang interesante para sa kanila. IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Basahin ang personal na sanaysay na Bakit ako Nagsusulat, at ihambing ito sa akademikong artikulo na kanilang pinili at dinala sa klase. Ipasulat sa isang sanaysay ang mga sagot ng mga mag-aaral. Itanong sa mga mag-aaral kung may natatanging: 1) paggamit sa antas ng wika (pormal o di pormal) 2) pagkakaiba sa layunin ng mga awtor 3) paraan ng pananaliksik hinggil sa akademikong artikulo na kanilang dala. Pag-usapan: Paano natatangi ang pagsulat sa mga akademikong artikulo? Ano-ano ang mga katangian nito bilang pang-akademiko? Paano sila naghahanda bago sumulat? 7 Tapusin ang aralin sa pagsasabi ng: “Sa susunod nating sesyon, mas bibigyangpansin pa natin ang akademikong pagsulat”. Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Pangalan ng mag-aaral: ____________________________________________ Gawain sa Pagsulat:________________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat 10 6 3 1 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportahan ng mga detalyadong impormasyon o argumento. May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon o argumento. May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyon o argumento. Hindi malinaw ang paksa at ang mga argumento. Kawili-wili ang introduksyon; naipakilala nang mahusay ang paksa. Mahalaga at nauukol sa paksa ang mga impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o kongklusyon. May introduksyon, mahusay na pagtalakay, at may karampatang pagtatapos o kongklusyon. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o kongklusyon. Hindi malinaw ang introduksyon, pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o kongklusyon. Malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kapansinpansin ang kahusayan ng manunulat sa paksa. May intensyon at layunin ang manunulat. May kaalaman ang manunulat sa paksa. May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman sa paksa. Hindi malinaw ang inten-syon at layunin ng manunu-lat. 8 Katangian 10 6 3 1 Malinaw ang paggamit ng mga salita, bagaman sa ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mainam ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap. May kaunting pagkakamali sa gramatika, bantas, at baybay. Nasasabi ng manunulat ang nais sabihin, bagaman walang baryasyon sa paggamit sa mga salita. Limita-do ang pagga-mit sa mga salita. Pagpili ng mga angkop na salita Malinaw ang paggamit ng mga salita; Angkop at natural at hindi pilit. Nakagagawa ng mga pangungusap na may saysay. Maraming mga pagkakamali sa gramatika, bantas, at baybay. Hindi maayos ang mga pangungusap at hindi mauna-waan. Lubhang mara-ming pagka-kamali sa grama-tika, bantas, at baybay. Estruktura, Gramatika, Bantas, Pagbabaybay Mahusay ang pagkakaayos ng mga salita at pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, bantas, at baybay. Mga Komento at Mungkahi 9 ARALIN 1.2: Ang Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat Linggo: 2 Deskripsyon: Pag-unawa sa Akademikong Pagsulat bilang pagpapahayag ng iskolarling kaalaman. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Bilang panghikayat sa gamit ng Akademikong Pagsulat, ikukuwento ng guro ang kanyang karanasan bilang mag-aaral sa unibersidad partikular sa paggawa ng pananaliksik, at sa pagsulat nito. Bigyang-pokus ang mga akademikong paghahanda at pananaliksik na ginawa bilang bahagi ng proseso ng akademikong pagsulat. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang kurso na kanilang kukunin sa unibersidad. Ipaisip sa kanila ang ilang mga paksa na maaaring gawan ng pananaliksik partikular sa kurso na kanilang napili. Itanong sa mga mag-aaral: “Ano ang maitutulong ng pananaliksik at Akademikong Pagsulat sa disipilina/kurso na inyong kukunin sa unibersidad? Sa paanong paraan? 10 Mga Kasanayang Pampagkatuto II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Magkaroon ng malayang talakayan sa pagkaunawa ng mga mag-aaral hinggil sa: MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON KAY KAREN GOCSIK (2004) 1. Ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. 2. Nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinaguusapan ng o interesante sa akademikong komunidad. 3. Nararapat na maglahad ng importanteng argumento. Tumawag ng ilang magaaral na magbabahagi ng kaniyang reaksyon tungkol sa napili niyang akademikong artikulo. Balikan ang akademikong artikulo na kinuha ng mga mag-aaral noong nakaraang sesyon. Ipatukoy sa kanila ang: 1) paksa 2) mga layunin 3) at kahalagahan ng partikular na akademikong artikulo. Sabihin sa mga mag-aaral: “Tingnan natin kung paano nagpahayag ng mga ideya ang inyong mga akademikong artikulo.” Itanong sa mga mag-aaral kung paano ipinahayag sa kanilang mga teksto ang mga impormasyong nasusulat dito? Tumawag ng ilang magaaral at ilista sa pisara ang mahahalagang salita na may kinalaman sa: 1) Paglalahad 2) Paglalarawan 3) Pagsasalaysay 4) Pangangatwiran Gawin ang Think-PairShare. Hahanap ang bawat mag-aaral ng kapareha at iuulat ang kani-kanilang mga sagot. Bago tapusin ang sesyon, sabihin sa mga mag-aaral: “Bawat paksa, layunin, at kahalagahan ng 11 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto akademikong sulatin ay tinutugunan ng isang mainam na paraan kung paano ito ‘iuulat’ o “sasabihin” sa mambabasa.” Bilang takdang-aralin, alamin ang paraan kung paano ipinahayag o iniulat sa inyong akademikong journal ang ginawa nitong pananaliksik. III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Matapos ang isinagawang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga partikular na katangian kapag: 1) Naglalahad 2) Naglalarawan 3) Nagsasalaysay 4) Nangangatwiran ang isang teksto? Bumuo ng sintesis at ihambing ang mga ito base dito: 1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan ng pagaalinlangan. 2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng 12 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito. 3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga magkakaugnay na pangyayari. 4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya. Itanong sa mga mag-aaral: “Sa inyong palagay, may malaking pagkakaiba ba ang paraan ng pagpapahayag sa akademikong pagsulat sa malikhaing pagsulat (halimbawa, maikling kwento, tula, nobela, na inyong binasa noong grade 10)? Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot. Sabihin sa mga mag-aaral na: Bagaman may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa akademikong pagsulat, ito ang mga karaniwang layunin ng mismong mga teksto: 1. Manghikayatnagbibigay ng posibleng 13 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap sagot, dahilan at ebidensiyang maaari mong paniwalaan o hindi. 2. Mag-analisa kung nagbibigay ng posibleng sagot sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon. Ito rin ay nag-aanalisa ng iba’t ibang varyabol at ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. 3. Magbigay ng impormasyon- kung nagpapalawak at nagpapalalim sa kaalaman ng mambabasa. <http://www.vsm.sk/Curric ulum/academicsupport/aca demicwritingguide.pdf> Takdang-aralin. Magdala ng tig-iisang halimbawa ng mga teksto, at uriin ang mga ito kung naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay, o nangangatwiran, at humandang patunayan kung bakit. Alamin din kung ano ang (mga) layunin ng bawat teksto: kung ito ba ay nanghihikayat, nagaanalisa, o nagbibigay ng impormasyon. 14 Mga Kasanayang Pampagkatuto IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Gamit ang mga lumang kartolina o mga scratch na bond paper, pipili ang guro ng 16 na mga mag-aaral na tatayo sa apat na sulok ng silid-aralan. Tatalakayin nila ang: 1) paksa 2) layunin 3) nilalaman (kahit buod lamang o gist) 4) uri ng pagpapahayag na ginamit sa teksto. Pipiliin ng guro ang apat na mag-aaral na magkakasama sa bawat sulok: unang sulok - Naglalahad ikalawang sulok Naglalarawan ikatlong sulok Nagsasalaysay ikaapat na sulok – Nangangatwi-ran Gamit ang estilong Poster Presentation, isusulat ng bawat kalahok ang: 1) paksa 2) layunin 3) nilalaman (kahit buod lamang o gist) 4) uri ng pagpapahayag na ginamit sa teksto, at ito’y ididikit nila sa sulok na kanilang kinabibilangan. Ang iba pang miyembro ng pangkat ay iikot sa apat na sulok ng silid-aralan upang makinig at magbigay ng 15 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto reaksyon, tanong, o komento sa mga nag-uulat. Upang mapanatili ang kaayusan, pangkatin ang mga magaaral sa apat, nang sa gayon sa bawat 10 minuto ay makapunta, makalipat, at makaikot sila sa bawat sulok ng silid-aralan. Matapos ang gawain, bigyan ng 3-5 minutong pahinga ang mga mag-aaral upang makapagproseso sila hinggil sa mga impormasyong napakinggan nila. Bago matapos ang sesyon, itanong sa mga mag-aaral: “Sa inyong palagay, posible bang magkaroon ng kombinasyon sa mga uri o paraan ng pagpapahayag sa iisang teksto lamang? Patunayan ang inyong sagot.” Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot. Magkaroon ng isang malayang talakayan. Takdang-aralin: Pumili ng mahuhusay na pahayag o yaong mga tumatak sa isip (at puso) ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga dinalang teksto. Maaaring ang mga ito ay tesis na pahayag, argumento, o kongklusyon. Salungguhitan ng mga mag-aaral ang mga ito, o kaya’y markahan ng highlighter. 16 ARALIN 1.3: Etika at Resposibilidad sa Pagsulat Linggo: 3 Deskripsyon: Pag-alam at pag-unawa sa etika at responsibilidad sa pagsulat bilang mga mahahalagang pamantayan sa Akademikong Pagsulat, partikular na ang usapin ng Plagiarism. I. Tuklasin Pamantayang Pamantayan sa Mga Kasanayang Pangnilalaman Pagganap Pampagkatuto Bilang pangganyak, itanong sa mga mag-aaral ang etika at responsibilidad sa: 1) paglalaro ng basketbol 2) paghahanap ng trabaho 3) pakikipag-ugnayan sa bagong kakilala Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga ideya. Sabihin sa mga mag-aaral na: “Kahit sa proseso ng pananaliksik at pagsulat ay may tiyak na etika at resposibilidad. Sa inyong palagay, ano-ano kaya ang mga etika at responsibilidad na ito?” Maaaring pag-usapan ang mga sumusunod na senaryo: 1) Isa kang journalist, ilalabas mo ba sa publiko ang isang balitang may kaugnayan sa “pagkasira” ng imahe ng Pangulo ng Pilipinas? 2) May nakita kang impormasyon sa internet na nagsasabing “walang kultura ang mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.” Paano mo ito gagawan ng repleksyon sa iyong blog? 3) Isa kang manunulat ng inyong campus paper. Paano mo ipaaabot nang may paggalang sa administrasyon ang mga sirang pasilidad sa inyong paaralan? Tumawag sa mga mag-aaral, at ipatalakay ang kanilang mga ideya tungkol dito. 17 II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Basahin ang Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik, at pag-usapan ang mga puntos dito hinggil sa: 1) pagkilala sa mga ginamit na ideya 2) paggamit o pagkuha ng mga datos nang walang pahintulot. 3) paggawa ng mga pampersonal na obserbasyon. 4) paggawa ng short cut 5) pandaraya o plagiarism Pamantayan sa Mga Kasanayang Pagganap Pampagkatuto Balikan ang ilang mga puntos sa kahalagahan ng etika at responsibilidad sa pananaliksik at pagsulat. Bigyang-linaw na sa isang akademikong konteksto, mahalagang matutunan ang iba’t ibang karaniwang anyo ng plagiarism nang sa gayon ay maiwasan ang mga ito. Talakayin ang mga impormasyong nakita ng mga Talakayin kung paano iiwasan mag-aaral hinggil sa mga ang mga ito ng isang etikal at karaniwang anyo ng plagiarism. responsableng manunulat o Bigyang puntos ang mananaliksik. Gamitin ang mga sumusunod: pahayag mula sa takdang1) tahasang pag-angkin sa aralin, at banggitin kung pananaliksik ng iba kaninong manunulat o iskolar 2) hindi pagkilala sa sinabi o nanggaling ang mga pahayag na ideya ng awtor ito. 3) pag-angkin o panggagaya sa gawa o pananaliksik ng iba Takdang-aralin: Magsaliksik sa Internet tungkol sa usapin ng Basahin ang Tuwid na Landas plagiarism. Alamin ang mga ang Tinahak ni Rizal. gawaing maituturing na Suriin kung naging etikal ang plagiarism. Humandang talumpati ng pangulo at pagtalakayin ang mga ito sa usapan kung bakit/bakit hindi susunod na sesyon. naging etikal. Pag-usapan kung paano naging etikal si Pangulong Aquino sa pagbanggit ng mga ideya ni Rizal hinggil sa kaniyang talumpati. 18 III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Sabihin sa mga mag-aaral: “ Isa sa mahahalagang kasanayan ang paggawa ng bibliograpiya o sanggunian para sa mga pinagkunan ng datos o impormasyon.” Gawain: ipalista sa mga mag-aaral ang mahahalagang pahayag na kanilang pinili mula sa akademikong artikulo noong nakaraang linggo: 1) buong pangalan ng awtor. 2) taon kung kailan ito naisulat 3) pamagat ng teksto 4) pamagat ng pinagkunang libro o sanggunian 5) adres at pangalan ng palimbagan. Ipahanda ang mga tekstong ginamit ng mga mag-aaral sa Aralin 2, at magpagawa ng note card para sa mga ito. Maaaring gumamit ng 1/4 pirasong papel o 1/8 index card. Sundin ang sumusunod na format: 1) paksa 2) pinagkunan 3) pahayag, impormasyon, kaalaman, o konsepto 4) pahina Gamitin ang halimbawang bionote sa ibaba. Takdang-aralin: Mag-isip ng isang tiyak na paksa na maaaring may kinalaman sa: a) kursong kukunin sa unibersidad b) kultural na usapin na ugnay sa kasalukuyan c) lugar na kinalakihan d) interesanteng paksa para sa mag-aaral. 19 Mga Kasanayang Pampagkatuto IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Para sa sesyon na ito, magtungo sa silid-aklatan na makikitaan ng mga limbag na sanggunian na may kinalaman sa paksang napili ng mag-aaral. Kung posible, maaari ring gumamit ng Internet upang makakuha ng mga online na sanggunian. Papiliin ang mga mag-aaral ng tig-sampung sanggunian, at ito ay gagawan nila ng note card. Gawing sampol ang nasa ibaba. Gabayan ang mga magaaral sa paggawa ng mga note card. Ibigay ang panghuling pagsusulit. Halimbawang Notecard Silapan, Ofelia at Melecio Fabros III. 1997. Kasanayan sa Komunikasyon 1. Quezon City: UP Open University. Filipino bilang Lingua Franca “Pambansang lingua franca ang wikang Filipino dahil ito ang ginagamit mo sa iyong kausap kapag magkaiba ang inyong mga katutubong wika.” pahina 22 20 KABANATA 1 PANGHULING PAGSUSULIT I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa) 1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdam sa paraang nakalimbag. A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat 2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran 21 II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) _____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat. _____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral. _____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable. _____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon. _____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina. III. Sagutin ang mga tanong nang hindi lalagpas sa 5 pangugusap. (10 puntos bawat isa) 1. Bakit isang proseso ang akademikong pagsulat? Patunayan. 2. Ano ang etika sa pagsulat? Magbigay ng ilang katangian. 3. Paano masasabing may oryentasyong Pilipino ang isang pananaliksik? Talakayin. MGA SAGOT I. 1. 2. 3. 4. 5. D A C D B II. 6. MALI 7. MALI 8. MALI 9. MALI 10. TAMA 22 KABANATA 2 PANIMULANG PAGSUSULIT I. Isulat ang P, kung pangunahing ideya; at isulat naman ang S, kung suportang ideya ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na paksa. (2 puntos bawat isa) _____ 1. Hudeo-Kristiyanong tradisyon ng paggamot _____ 2. Katutubong tradisyon ng paggamot _____ 3. Paggamot sa kasaysayang Pilipino _____ 4. Siyentipikong tradisyon ng paggamot _____ 5. Luma at bagong tradisyon ng paggamot II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) _____ 1. Nagsisilbing giya o padron ng isusulat na pag-aaral ang balangkas. _____ 2. Bagaman maikli, kinakailangang malinaw at direkta ang pagbubuod. _____ 3. Sa pagbabalangkas, mas mainam ang pasaklaw (deductive) na pag-aayos ng mga ideya. _____ 4. Sa pagbabalangkas, maaaring gumamit ng mga parirala o pangungusap bilang paksa ng bawat aytem. _____ 5. Sa pagbabalangkas, kinakailangan ng mga sumuportang ideya ang bawat pangunahing paksa. III. Ilahad ang pagkakaiba at pagkakapareho ng balangkas at buod. (20 Puntos) MGA SAGOT I. 1. P 2. S 3. S 4. S 5. S II. 6. TAMA 7. TAMA 8. TAMA 9. TAMA 10. TAMA 23 KABANATA 2 Pagbabalangkas at Pagbubuod ARALIN 2.1: Pagsulat ng Balangkas Linggo: 4 Deskripsyon: Pag-alam at pag-unawa sa proseso ng pagbabalangkas bilang mahalagang bahagi ng akademikong pagsulat. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Itanong sa mga mag-aaral kung bakit mahalaga ang isang gabay para sa mga arkitekto, inhinyero, pintor, manunulat, at iba pa. Tumawag ng mga magaaral na magbabahagi ng kanilang mga ideya. Pamantayan sa Pagganap Itanong: “Ano-ano ang mga maaaring kahinatnan kung sila ay hindi susunod sa mga gabay na kanilang inihanda? Ano kaya ang epekto nito sa kanilang mga proyektong ginagawa?” Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga ideya. Itanong: “Paano iniuugnay ang pagbuo ng gabay, partikular ang pagbabalangkas sa proseso ng akademikong pagsulat? Patunayang mahalaga ito 24 Mga Kasanayang Pampagkatuto Ibigay ang Panimulang pagsusulit. Pamantayang Pangnilalaman sa proseso ng pagsulat.” Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga ideya. Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa Pagganap Kumustahin ang mga magaaral tungkol sa kanilang mga karanasan sa paggawa ng balangkas. Itanong: “Nahirapan ba kayo sa paggawa nito? Kung oo, ok lang yan at huwag magalala, iyan ang kagandahan ng pagbabalangkas – maaari pa itong baguhin at paghusayin!” Mga Kasanayang Pampagkatuto Sabihin sa mga mag-aaral: “Matapos nating patunayan ang kahalagahan ng pagbabalangkas bilang gabay, ating pag-uusapan kung ano-ano ang mga katangian nito.” II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pag-usapan sa klase: 1) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapagiisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay. 2) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkakaugnay. 3) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at Ipahanda sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang balangkas mula sa nakaraang sesyon. Itanong kung sino sa kanila ang gumamit ng: 1) parirala 2) pangungusap 3) paksa sa kanilang mga balangkas. Sabihing: Tandaan lamang 25 Pamantayang Pangnilalaman katapusan ng iyong sanaysay. 4) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito para maisulat ng malinaw ang iyong mga ideya. 5) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay nakaplano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi. (https://alstutor.wordpress. com/category/sample-alsoutlinebalangkas/) Takdang-aralin: Sabihin sa mga mag-aaral na: “Bago matutunang sumulat ng sariling balangkas hinggil sa gagawing pananaliksik, matutunan munang balangkasin ang gawa ng iba.” Basahin ang Buod ng SONA 2015, at gawan ito ng balangkas na may Pamantayan sa Pagganap na kung ano ang ginamit sa simula pa lang, ay ganoon din dapat ang kabuuan ng balangkas.” Maglaan ng 10 minuto upang maayos pa ng mga mag-aaral ang kanilang isinulat na balangkas. Baguhin ito ung kinakailangan gamit ang paraang: 1) parirala 2) pangungusap 3) paksa Bumuo ng pangkat na may tig-limang mga miyembro. Pag-usapan kung ang kanilang binuong mga balangkas ay mayroong: 1) angkop na pagbabahagi ng mga ideya 2) angkop na pagkakasunod-sunod ng mga ideya 3) kawastuhan at kasapatan ng mga pantulong na paksa sa ilalim ng bawat paksa Paghambingin ang sagot ng bawat isa, talakayin ito sa pangkat. Alamin at ilista ang mga nakitang kalakasan at kahinaan ng mga ginawang balangkas. Pumili ng isang tagapagulat sa pangkat na magbabahagi ngkanilang mga napag-usapan at natuklasan sa kanilang ginawang talakayan. 26 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman ganitong format: I. Paksa 1 A. Paksa 1.1 1. ideya 2. ideya B. Paksa 1.2 1. ideya 2. ideya II. Paksa 2 A. Paksa 2.1 1. ideya 2. ideya B. Paksa 2.2 1. ideya 2. ideya III. Paksa 3 A. Paksa 3.1 1. ideya 2. ideya B. Paksa 3.2 1. ideya 2. ideya (maaari pang dagdagan kung kulang) Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Isulat sa pisara ang mga katangian ng isang mahusay na balangkas, mula sa ginawang talakayan ng mga magaaral. Takdang-aralin: Magsaliksik sa Internet tungkol sa mga paksang may kinalaman sa Pilipinas. Pumili lamang ng isa sa mga paksa: 1) Simbahan sa Quiapo 2) Mga Katutubong pagunawa sa sakit o karamdaman 3) Kultura ng Milenyal na kabataan 4) Industriya ng call center sa Pilipinas 5) Masamang epekto ng paglalaro ng Video Games 6) Facebook sa Pilipinas at iba pa. 7) (Kahit anong paksa na may pahintulot at pagsangayon ng guro) III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang natutuhan o naunawaan sa pagbabalangkas gamit ang grapikong presentasyon. Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Gumawa ng isang balangkas na may 3 antas ng ideya (I, A, 1) hinggil sa isang partikular na paksa na nakaugnay sa kahit na anong malalaking paksa mula sa ibinigay na takdang-aralin. Sabihin sa mga mag-aaral 27 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto na “ang layunin ng balangkas ay makapagbigay ng isang mahusay na “imahe” sa anumang isusulat na teksto.” Gumamit ng papaksang paraan para sa pagbuo ng balangkas sa gawaing ito. Maglaan ng 15 minuto para rito. Pangkatin ang mga magaaral na may magkakaugnay na paksa. Ibabahagi nila ang mga balangkas na inihanda sa bawat isa. Pag-usapan kung malinaw o hindi ang “imahe” na ibinibigay ng balangkas. Magbigay ng mga mungkahi sa bawat isa, upang mas mapahusay pa ang mga balangkas na ginawa. Pag-usapan ang mahuhusay na balangkas upang gawing halimbawa at/o gabay sa klase, at ihandang ibahagi ito at talakayin sa harap ng klase. Maging gabay ang guro sa talakayan. 28 ARALIN 2.2: Pagsulat ng Buod Linggo: 5 Deskripsyon: Pag-alam at pag-unawa sa proseso ng pagbubuod bilang mahalagang bahagi ng akademikong pagsulat. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Tanungin ang mga magaaral kung ano ang kanilang paboritong pelikula. Itanong kung ilang oras ang haba ng mga ito. Pamantayan sa Pagganap Sabihin sa mga mag-aaral: “Kapag pinakukwento sa inyo ang paborito ninyong pelikula, hindi ba mas maikli na lamang ito? Sa ganitong konsepto rin umiikot ang pagbubuod. Ngunit, paano ba ginagamit ang pagbubuod sa akademikong pagsulat?” Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang sagutin ang tanong. Tandaang walang maling sagot dito. Tumawag ng ilang magaaral na magbabahagi ng kanilang palagay tungkol sa gamit ng pagbubuod sa akademikong larangan. Itanong: “bakit kaya ito...” 1) nagpapahusay ng kasanayan sa pagbabasa? – pagtiyak sa mga pangunahing ideya sa 29 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman binabasang teksto. 2) nagpapaunlad ng kritikal na pag-isip? – paghatol o pagpapasya sa mahahalagang ideya ng teksto na isasama sa buod. 3) nagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat? – dumaraan sa masusing pagpili ng sariling mga salita at pagbuo ng mga pangungusap ang isang pagbuod. Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa Pagganap Kumustahin ang paggawa ng buod ng mga mag-aaral. Tanungin ang ilang problema na kanilang pinagdaanan sa pagsulat. Tumawag ng ilang magaaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot. Mga Kasanayang Pampagkatuto II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pag-usapan sa klase: “Paano masasabing buod ang mga bionote nina Virgilio Almario at Bienvenido Lumbera na makikita sa inyong babasahin?” Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ideya. Talakayin ang mga paraan na kanilang ginawa upang Sabihin sa mga mag-aaral: malagpasan ang mga problemang kinaharap. “Upang mas maunawaan Bilang gabay, ikakategorya natin ang pagbubuod, ang mga ito ng guro na basahin ang akademikong maaaring may kinalaman journal na pinamagatang sa: Ekonomiks sa Diwang 1) paghanap ng Pilipino: Halo-Halo, Tingi- mahahalagang ideya 2) pagsulat gamit ang mga Tingi at Sari-Sari, at sariling salita at salungguhitan ang pangungusap mahahalagang ideya rito. 3) angkop na pagkakasunod-sunod ng Mula sa natutunan at mga ideya batay sa orihinal 30 naunawaan sa naunang aralin: 1) gawan muna ng balangkas, 2) Paalalahanan ang mga mag-aaral. Sabihin ito: “Bago sumulat ng isang buod para sa nasabing artikulo, tandaang dapat ay maging 1/4 o 1/3 lang ito sa kabuuang haba ng orihinal na artikulo.” na teksto. Sabihin sa mga mag-aaral: “Bumuo ng triad. Sa loob ng 15-20 minuto, kinakailangang mabasa ng iyong mga kapangkat ang buod na iyong isinulat. Samakatuwid, ang bawat isa sa inyo ay makababasa ng dalawang buod mula sa iyong mga kapangkat.” III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Matapos ang itinakdang oras, kinakailangang pagusapan nila sa triad kung kaninong buod ang pinakamahusay, gamit ang ganitong pamantayan: 1) Tamang pagkakasunodsunod ng mga pangunahing ideya. 2) Angkop na paggamit ng mga salita at wastong pagkakabuo ng mga pangungusap 3) Gaan at dali ng pagbasa. Para sa mga mapipiling pinakamahusay na buod, ipapaskil ang mga ito sa apat na haligi ng silidaralan. Sa loob ng 20-30 minuto, kinakailangang mabasa ang mga ito ng mga mag-aaral. Bilang pagtatapos ng sesyong ito, kinakailangang 31 Mga Kasanayang Pampagkatuto mapagbotohan kung anong buod para sa kanila ang pinakamahusay sa lahat. Magsisilbi itong exemplar o padron para sa lahat. Maaari ring mag-usap ang buong klase hinggil sa isang alternatibong padron, nang sa gayon ay hingi naikakahon ang isip nila sa isang “mahusay” na padron. Takdang-aralin: Basahin ang Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ’70. Gawan ito ng balangkas ayon sa mga pangunahing ideya ng artikulo. IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Para sa sesyong ito, gamit ang ginawang balangkas hinggil sa Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ’70 ay susulat ang mga mag-aaral ng buod nito. Ibigay ang panghuling pagsusulit. 32 KABANATA 2 PANGHULING PAGSUSULIT I. Isulat ang P, kung pangunahing ideya; at isulat naman ang S, kung suportang ideya ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na paksa. (2 puntos bawat isa) _____ 1. Hudeo-Kristiyanong tradisyon ng paggamot _____ 2. Katutubong tradisyon ng paggamot _____ 3. Paggamot sa kasaysayang Pilipino _____ 4. Siyentipikong tradisyon ng paggamot _____ 5. Luma at bagong tradisyon ng paggamot II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) _____ 1. Nagsisilbing giya o padron ng isusulat na pag-aaral ang balangkas. _____ 2. Kadalasan,1/4 hanggang 1/3 ng kabuuang teksto ang buod nito. _____ 3. Sa pagbabalangkas, mas mainam ang pasaklaw (deductive) na pag-aayos ng mga ideya _____ 4. Sa pagbabalangkas, maaaring gumamit ng mga parirala o pangungusap bilang paksa ng bawat aytem. _____ 5. Sa pagbabalangkas, kinakailangan ng mga suportang ideya ang bawat pangunahing paksa. III. Ilahad ang pagkakaiba at pagkakapareho ng balangkas at buod. (20 Puntos) MGA SAGOT I. 1. P 2. S 3. S 4. S 5. S II. 6. TAMA 7. TAMA 8. TAMA 9. TAMA 10. TAMA 33 KABANATA 3 PANIMULANG PAGSUSULIT I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA; kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) _____1. Isang mahalagang rekord ang katitikan ng pulong hinggil sa mga napag usapan at napagtibay ng isang partikular na organisasyon. _____2. Ang ulat ng mga napag-usapan at mga aksyong gagawin ay ang siyang pinakamahalagang impormasyon na makikita sa katitikan ng pulong. _____3. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong. _____4. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya kapag sumusulat ng tekstong naglalahad. _____5. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukwento ng isang pangyayari o mga pangyayaring magkakaugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan. _____6. Ang mga tekstong naglalahad at naglalarawan ay nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat. _____7. Nanghihikayat pumanig sa opinyon ng tagapagsalita ang akademikong sulating nangangatwiran. _____8.Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. _____9.Sapat na ang matitibay na argumento sa posisyong papel kahit walang ebidensya. _____10.Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga pahayag. II. PAGPILI NG SAGOT. Piliin ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat isa) 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong? A. lugar ng pulong B. pangalan ng organisasyon C. oras ng pagtatapos ng pulong 2. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong? A. Mga Dumalo B. Ikatlong Agenda C. Oras ng pagsisimula ng pulong 34 3. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing katitikan ng pulong? A. audio recorder B. bolpen at papel C. katitikan ng nakaraang pulong 4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad? A. Matangos ang ilong ng babae. B. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae. 5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran? A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa. B. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa. C. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa. 6. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay? A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel. B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento. C. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari. 7. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel? A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang. B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman ng pangangatwiran. C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang partikular na isyu. 8. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento? A. narinig na kwento B. balitang napanood C. sariling karanasan 9. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night, “Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo 35 bilang makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa pagpili ng mga paparangalang likha? A. kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo B. mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo C. mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo 10. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing pahayag? A. pagkilala ng sariling wika B. intelektwalisasyon ng wika C. pagtakwil sa dayuhang wika MGA SAGOT I. 1.Tama 2.Tama 3.Tama 4.Tama 5. Mali 6. Mali 7. Tama 8. Mali 9. Tama 10. Mali II. 1. C 2. B 3. C 4. C 5. B 6. C 7. A 8. B 9. B 10. B 36 KABANATA 3 MGA AKADEMIKONG SULATIN BATAY SA ANYO AT LAYUNIN ARALIN 3.1: Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Linggo: 6 Deskripsyon: Pag-alam at pag-unawa sa proseso ng pagsulat ng katitikan ng pulong bilang isang mahalagang pangangailangan sa industriya o trabaho I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Ipasagot sa mga mag-aaral ang paunang pagsusulit. Pamantayan sa Pagganap Tanungin ang mga magaaral sa kahalagahan ng mga pulong o pagpupulong sa isang pangkat o organisasyon. Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga ideya. Isulat sa pisara ang mahahalagang puntos tungkol sa kahalagahan ng pagpupulong, at pagusapan sa klase kung paano nangyayari ang mga sumusunod. (Maaaring magbigay ng mga partikular na karanasan ng mga mag-aaral) 1) Paggawa ng mga desisyon, mosyon, o boto 2) Pagpaplano ng mga hakbang na kailangang gawin 37 Mga Kasanayang Pampagkatuto Ibigay ang panimulang pagsusulit. Pamantayang Pangnilalaman 3) Pagtukoy at pagsubaybay ng mga problema at aksyon Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Itanong sa mga mag-aaral: “Paano malalaman at mauunawaan ng mga hindi nakadalo ng pulong ang mga napag-usapan at napagkaisahan sa mismong pulong?” Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga ideya. II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Sabihin sa mga mag-aaral: “Matapos ninyong maranasan ang pagkuha ng tala, mayroon ba kayong mga suliraning kinaharap?” Isa-isahin at iproseso ang mga tugon ng mga mag-aaral, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang malayang talakayan. Isulat sa pisara ang mga lumitaw na sagot ng mag-aaral, at tumawag ng iba pang mga magaaral kung alin sa mga ito ang kanilang mga naranasan, at ano-ano ang kanilang mga ginawa upang masolusyonan ang mga ito. Sabihin sa klase: “Upang mas maunawaan at mas maranasan ang pagsulat ng katitikan ng pulong, isasakatuparan natin ito sa pamamagitan ng pagsasatao ng isang pulong. Bumuo kayo ng 38 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap pangkat na may 7-8 miyembro, na magpupulong hinggil sa isang proyekto, isyu, o problemang kinakaharap ngayon ng mga Pilipino. Ang bawat miyembro ay kikilos, magsasalita, at mag-iisip bilang isang tunay na indibidwal na nakalubog sa isang konteksto. Halimbawa, maaaring gumawa ng pulong tungkol sa isang proyektong gagawin ng Sanggunian Kabataan sa inyong lugar. Sa ganitong konteksto, kinakailangang magkaroon ng mga magsasatao ng: mga kinatawan ng SK, mga magulang, mga mismong sangkot na residente, at iba pa. Kinakailangang makabuo sila ng pagpupulong na tatalakay sa: 1) paggawa ng mga desisyon, mosyon, o pagboto 2) pagpaplano ng mga hakbang na kailangang gawin 3) pagtukoy sa pagsubaybay ng mga problema at aksyon Bigyan ang mga mag-aaral ng 15-25 minuto upang makapagplano ang pangkat tungkol sa kanilang gagawing pulong. Mas mainam kung ipapakita ng pangkat ang kanilang pulong sa harap ng klase, nang sa gayon ay makita ng mga mag-aaral ang pinagmulang kaligiran ng isusulat na katitikan ng pulong. Matapos makapagplano, isa-isang ipapakita ng mga mag-aaral sa loob ng 15-20 minuto ang kanilang mga pulong. Habang nagpupulong, 39 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap kinakailangang mairekord ang kabuuan ng pulong sa pamamagitan ng pagsulat ng tala at pagrekord nito sa pamamagitan ng smart phone o audio recorder ng ibang pangkat. Samakatuwid, ang magsisilbing tagasulat ng katitikan ng pulong ay ang ibang mga pangkat. Itatalaga ng guro kung aling pangkat ang magiging tagasulat ng katitikan ng pulong ng ibang pangkat. Maaaring gamitin ang ganitong iskena: -Pangkat 2 ang susulat ng katitikan ng pulong na ginawa ng Pangkat 1. -Pangkat 3 ang susulat ng katitikan ng pulong na ginawa ng Pangkat 2. -Pangkat 4 ang susulat ng katitikan ng pulong na ginawa ng Pangkat 3. -Pangkat 5 ang susulat ng katitikan ng pulong na ginawa ng Pangkat 4. -Pangkat 1 ang susulat ng katitikan ng pulong na ginawa ng Pangkat 5. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, gawin ang ilang paalala: 1) Maging objektiv, tiyak, at malinaw sa mga isusulat. 2) Gumamit lamang ng isang pamanahunan, tandaang ang isinusulat na mga puntos sa pulong ay nataspos nang pag-usapan. 3) Ilagay ang mga pangalan ng sangkot na mga indibidwal kung kinakailangan. 4) Basahin ang katitikan, at i-edit ito kung kinakailangan. 5) Gamitin ang template sa ibaba. 40 Mga Kasanayang Pampagkatuto III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Matapos maisulat ang katitikan ng pulong; i-save at itago ang soft copy at hard copy ng mga ito. Mga Kasanayang Pampagkatuto Ilapat ang mga naunawaan at natutunan ng mga magaaral sa araling ito. Ilan sa mga posibleng senaryo ay: 1) pagsulat ng katitikan ng Magbigay ng kopya sa mga pulong sa loob ng kanilang sangkot na pangkat, at pag- kinabibilangang usapan sa klase kung may akademikong organisasyon nakaligtaang mga puntos, sa paaralan. may paglilinaw. 2) pagsulat ng katitikan ng Isakatuparan ito sa pulong sa mga gagawing pamamagitan ng isang ekstra kurikular na palihan. Magiging gabay aktibidad o proyekto ng ang guro sa pagpoproseso paaralan. ng mga inihahaing punto Ipagawa ang katitikan ng ng bawat pangkat. pulong bilang output, at maaaring bigyan ag mga mag-aaral ng kopya, nang sa gayon ay mapag-usapan at matalakay ito sa klase. 41 Katitikan ng Pulong sa _______________________ Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon Petsa Lugar ng Pulong Mga Dumalo Mga Hindi Nakadalo 1 2 3 4 5 6 7 1 2 3 4 5 6 7 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 Nagsimula ang pulong sa ganap na _________ (Paksa/Agenda 1) (Paksa/Agenda 2) (Paksa/Agenda 3) (Paksa/Agenda 4) 42 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 (Paksa/Agenda 5) Nagtapos ang pulong sa ganap na _________ Inihanda ni: __________ (Sa paggawa ng line numbers gamit ang MSWord, iklik ang Page Layout >Line Numbers) 43 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Katitikan ng Pulong Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat 10 6 3 1 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportahan ng mga detalyadong impormasyon o argumento. May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon o argumento. May introduksyon, mahusay na pagtalakay, at may karampatang pagtatapos o konklusyon. May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyon o argumento. Hindi malinaw ang paksa at ang mga argumento. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon. Hindi malinaw ang introduksyon, pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon. May intensyon at layunin ang manunulat. May kaalaman ang manunulat sa paksa. May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman. Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kawili-wili ang introduksyon, naipakilala nang mahusay ang paksa. Mahalaga at nauukol sa paksa ang mga impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kapansinpansin ang kahusayan ng manunulat sa paksa. 44 Pagpili ng mga angkop na salita Estruktura,Gr amatika, Bantas, Pagbabaybay Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop at natural at hindi pilit. Malinaw ang paggamit ng mga salita bagaman sa ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mahusay ang Mainam ang pagkakaayos pagkakaayos ng mga salita ng mga salita at pangugusap. at Walang pangungusap. pagkakamali sa May kaunting gramatika, pagkakamali bantas at sa gramatika, baybay. bantas at baybay. Mga Komento at mungkahi 45 Nasasabi ng manunulat ang nais sabihin, bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Nakagagawa ng mga pangungusap na may saysay. Maraming mga pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Limitado ang paggamit sa mga salita. Hindi maayos ang mga pangungusa p at hindi maunawaan. Lubhang maraming pagkakamal i sa gramatika, bantas at baybay. Aralin 3.2: Pagsulat ng Talumpati Linggo: 7 Deskripsyon: Pagsulat at pagbigkas ng talumpating naglalahad, nangangatwiran, nagsasalaysay o naglalarawan sa isang partikular na okasyon o pagtitipon. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Magparinig sa mga mag-aaral ng isang talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III. Maaaring gamitin ang bidyo ng Pambansang Kongreso ng wika: Talumpati ni Pangulong Benigno S. Aquino III https://www.youtube.com/watch?v= cANB8bMTuiM Kung walang kompyuter, babasahin ng guro nang malakas sa mga magaaral ang babasahing Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal Bago magparinig o magbasa, sabihin sa mga mag-aaral na pakinggang mabuti ang talumpati. Hindi kailangang magtala ng mga impormasyon. Pagkatapos mapakinggan nang mabuti ng mga mag-aaral ang talumpati, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang paksa at tungkol saan ang talumpati. Itanong din sa mga mag-aaral ang naging epekto sa kanila ng talumpating napakinggan. Tanggapin ang lahat ng sagot ng mag-aaral. Kailangang ipaliwanag ng mag46 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto aaral ang sagot. Sabihin sa klase na ang napakinggan ay isang talumpati na isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang uri ng akademikong teksto/sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran. Sabihin sa mga estudyante na pagaaralan sa araling ito ang katangian ng isang mabisang talumpati at kung paano sumulat nito. Takdang-aralin: Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal ni Pangulong Benigno Aquino III II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Bago magsimula ng klase, magdrowing ng concept web sa pisara. Pamantayan sa Pagganap Itanong sa klase kung naunawaang mabuti ang katangian ng paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan. Upang mas malinang pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral, pangkatin ang klase. Batay sa talakayan at binasang tekstong Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal Sabihin sa klase na tatalakayin sa araw na ito Ipasagot sa mga mag-aaral 47 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman ang tungkol sa paggamit ng paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan sa talumpati. Gamit ang concept web, tumawag ng mga magaaral at ipasulat sa pisara kung anong mga salita ang maaari nilang iugnay sa paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan. Isa-isahin ang mga salitang isinulat ng mga mag-aaral at talakayin ang katangian ng paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan batay sa mga salitang ito. Mahalagang matalakay sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na katangian: Para sa paglalahad, ang susing salita ay pagpapaliwanag na sumasagot sa mga tanong na Sino, Ano, Bakit, Saan, Kailan at Paano. Sa paglalahad, maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya. Nagpapaliwanag din ito ng kahulugan at kahalagahan ng isang konsepto o salita. Pamantayan sa Pagganap ang worksheet na naglalaman ng mga katanungan sa ibaba: Paglalahad 1. Sino ang tagapagsalita ng talumpati at sino ang tagapakinig? 2. Kailan binigkas ang talumpati at ano ang okasyon? 3. Ano ang usaping inilahad ng tagapagsalita? 4. Naging mabisa ba ang paglalahad? Ipaliwanag ang sagot. Pangangatwiran 1. Isa-isahin ang mga inihaing argumento ng tagapagsalita batay sa usaping inilahad. 2. Magbigay ng 1-2 ebidensya na sumuporta sa bawat argumento. 3. Naging mabisa ba ang pangangatwiran? Ipaliwanag ang sagot. Paglalarawan 1. Ibigay ang mga katangian ni Rizal na inilarawan ng tagapagsalita. 2. Ilarawan ang tuwid na daan batay sa talumpati. 3. Naging mabisa ba ang paglalarawan? Ipaliwanag ang sagot. Pagsasalaysay 1. Isalaysay ang buod ng isang kwentong ginamit ng tagapagsalita sa talumpati. 2. Naging mabisa ba ang pagsasalaysay? Ipaliwanag 48 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Para sa pagsasalaysay, ang susing salita naman ay pagkukuwento. Pagkukuwento ito ng isang pangyayari o mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan. Para sa paglalarawan, ang susing salita dito ay pagpapakita ng katangian. Nagpapahayag ito ng mga katangian batay sa limang pandama: pangingin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat. Para sa pangangatwiran, ang susing salita ay panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng tagapagsalita. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga tagapakinig. Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga tagapakinig. Pamantayan sa Pagganap ang sagot. Bigyan ng 10-15 minuto ang mga mag-aaral upang pagusapan at sagutin ang worksheet. Pagkatapos ng pangkatang gawain, tumawag ng isang pangkat upang sagutin ang isang partikular na katanungan sa itaas. Isa-isahin ang mga pangkat hanggang maubos ang lahat ng tanong. Siguraduhing makakasagot ang lahat ng pangkat. Tumawag lamang ng isang mag-aaral na magsasalita para sa isang pangkat. Susumahin ng guro ang talakayan batay sa mga sagot ng mga mag-aaral. Muling bigyang-diin ang katangian ng paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay at ang naidudulot na epekto nito sa talumpati. Takdang aralin: Ipabasa ang mga tekstong 1. Talumpati sa Pagtatapos 2015 ni Keith Andrew D. Kibanoff 2.Dangal at Parangal ni Bienvenido Lumbera 49 Mga Kasanayang Pampagkatuto III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Balik-aralan ang mga katangian ng paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay na tinalakay noong nakaraang sesyon. Batay sa mga katangiang ito, itanong sa mga mag-aaral kung alin sa dalawang talumpating ipinabasa sa kanila bilang takdang-aralin ang mas nagustuhan nila at ipaliliwanag din ang kanilang sagot. Tumawag lamang ng dalawa o tatlong mag-aaral. Ipakuha sa mga mag-aaral ang kopya nila ng Talumpati sa Pagtatapos 2015 ni Keith Andrew D. Kibanoff at Dangal at Parangal ni Bienvenido Lumbera. Papiliin ang mga mag-aaral kung anong talumpati ang mas nagustuhan nila at humanap ng kaklase na may kaparehong piniling talumpati. Magpagawa ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap ng talumpating pinili. Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat isaalangalang sa paggawa ng isang balangkas. Magbigay ng 5-10 minuto para matapos ang gawain. Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tig-isang magkapareha upang ipresenta ang ginawang balangkas para sa Talumpati sa Pagtatapos 2015at Dangal at Parangal. Ipasulat ito sa pisara at pagkumparahin ang mga balangkas. Itanong sa mga mag-aaral kung paano sinimulan (introduksyon) ang dalawang talumpati. Ipabasa sa isang mag-aaral ang introduksyon ng bawat 50 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap talumpati. Pagkatapos basahin, itanong sa mag-aaral kung naging madulas ba ang pagbigkas ng bahaging iyon ng talumpati. Itanong din sa klase kung ano sa apat na paraan (paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay) ang ginamit sa gitnang bahagi ng talumpati. Ipabasa ang bahaging nagpapakita ng paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay. Pagkatapos basahin, itanong sa mag-aaral kung naging madulas ba ang pagbigkas ng bahaging iyon ng talumpati. Itanong sa mga mag-aaral kung paano naman tinapos (konklusyon) ang mga talumpati. Ipabasa sa isang mag-aaral ang konklusyon ng bawat talumpati. Pagkatapos basahin, itanong sa magaaral kung naging madulas ba ang pagbigkas ng bahaging iyon ng talumpati. Batay sa naging talakayan, bigyangdiin na ang talumpati ay isang tekstong binibigkas kaya dapat madulas bigkasin ang mga salita at angkop ang haba ng mga pangungusap. Ito rin ay nangangailangan ng nakakapukaw ng interes na introduksyon. Sa gitnang bahagi nito, maaaring gamitin ang paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay. At dapat ito ay may konklusyon o pagtatapos na naglalagom ng pangunahing punto ng talumpati. 51 Mga Kasanayang Pampagkatuto IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Balik-aralan ang mga katangian ng isang talumpati batay sa mga nakaraang talakayan. Sabihin sa mga mag-aaral na gagawa sila ng talumpati at maaaring pumili sa mga sumusunod: 1. Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng talumpati para sa mga bagong pasok na mag-aaral sa Grade 11 sa pag-uumpisa ng klase sa senior high school. 2. Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12 na magbibigay ng talumpati para sa araw ng pagtatapos ng klase sa senior high school na may temang “Kabataang Mula K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa Bansang Pilipinas.” 3. Kinatawang mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati sa isang paaralan sa junior high school upang himuking pumasok sa inyong paaralan para mag-aral sa senior high school. 4. Kinatawang mag-aaral ng paaralan na magbibigay ng talumpati sa lahat ng mga papasok na mag-aaral sa senior highschool upang himuking kumuha ng Academic Track. Matapos pumili ng mga mag- 52 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto aaral, magpasulat sa isang buong papel ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap ng talumpati. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat lagyan ng pamagat, may introduksyon, may lohikal na pagkakasunod-sunod ang katawan at may konklusyon ang isusulat na talumpati. Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng balangkas ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Sa oras na matapos ang paggawa ng balangkas ng mag-aaral, kailangang tsekan ng guro kung sapat na ito. Kapag natapos na ng mag-aaral ang balangkas, maaari nang umpisahang isulat ang talumpati. Kailangang maipakita muna ang balangkas sa guro bago umpisahang gumawa ng borador ng talumpati. Kapag hindi natapos ang pagsusulat ng talumpati, maaari itong ipauwi sa mga mag-aaral bilang takdangaralin na ipapasa sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa pagsulat ng talumpati: 1. Bibigkasin sa loob ng 3-5 minuto. 2. 5-8 pahina na laktaw-laktaw o double space (maaaring kompyuterisado o computerized o sulat kamay) 3. May pamagat, introduksyon, katawan at konklusyon. 4. Gumawa ng 4 na kopya ng talumpati. 53 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Maaaring gawing gabay ng magaaral ang mga talumpati na tinalakay sa klase. Ipakuha ang kopya ng isinulat na talumpati sa mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na talumpati ng kaklase upang mas mapaganda pa ang talumpati. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap. 1. Basahin sa harap ng mga kapangkat ang talumpati. Kailangang pakinggan ng mga tagapakinig ang talumpati upang makapagbigay sila ng komento pagkatapos magtalumpati ng kaklase. Huwag munang ibigay ang kopya ng talumpati. 2. Magbigay ng kopya ng talumpati sa mga kapangkat at ipabasa ito sa kanila upang matingnan ang kamalian sa ispeling, gramatika at iba pa. Maaari na rin itong sulatan ng mga positibo at negatibong komento na makakapagpaayos ng talumpati. 3. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng talumpati. 4. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa napakinggan at nabasang talumpati ang mga sumusunod: a. Mayroon bang interesanteng introduksyon ang talumpati? b. Naging lohikal ba ang daloy 54 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto ng katawan? c. Nagamit ba nang mahusay ang paglalarawan/ pagsasalay/ paglalahad/ pangangatwiran? Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa sa teksto. d. Naging akma ba ang binigay na konklusyon/ pagtatapos? e. Kung may bahaging hindi malinaw, maaari rin itong itanong sa nagsulat na kaklase. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga magaaral na may 3-4 na miyembro bawat pangkat. Siguraduhing ibaiba ang piniling paksa/okasyon ng mga mag-aaral sa isang pangkat. Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang talumpati batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa sulatin: 1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon. 2. 6-10 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, introduksyon, katawan at konklusyon. 55 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Talumpati Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat 10 6 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportahan ng mga detalyadong impormasyon o argumento. May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon o argumento. Kawili-wili ang May introdukintroduksyon, syon, naipakilala nang mahusay na mahusay ang pagtalakay, at paksa. may Mahalaga at karampatang nauukol sa pagtatapos o paksa ang mga konklusyon. impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang May intensyon at intensyon at layunin ng layunin ang manunulat. manunulat. KapansinMay pansin ang kaalaman ang kahusayan ng manunulat sa manunulat sa paksa. paksa. 56 3 1 May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyon o argumento. Hindi malinaw ang paksa at ang mga argumento. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon. Hindi malinaw ang introduksyon pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon. May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman. Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Katangian Pagpili ng mga angkop na salita Estruktura, Gramatika, Bantas, Pagbabaybay 10 6 Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop ang gamit ng mga salita, natural at hindi pilit. Malinaw ang paggamit ng mga salita bagaman sa ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mainam ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap. May kaunting pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Mahusay ang pagkakaayos ng mga salita at pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Mga Komento at mungkahi 57 3 1 Nasasabi ng manunulat ang nais sabihin, bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Limitado ang paggamit sa mga salita. Nakagagawa ng mga pangungusap na may saysay. Maraming mga pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Hindi maayos ang mga pangungusap at hindi maunawaan. Lubhang maraming pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. ARALIN 3.3: Posisyong Papel Linggo: 8 Deskripsyon: Pagsulat ng isang posisyong papel tungkol sa isang napapanahong isyu. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Magpaskil sa pisara ng mga isyung panlipunan tulad ng 1. Patuloy na pangingibang bansa ng mga Pilipino para magtrabaho: nakatutulong o nakasasama sa bansa? 2. Internet: nakabubuti o nakasasama para sa mga kabataan? 3. Bitay: dapat bang ibalik o hindi? Pumili ng isang isyu at hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Magkakaroon ng debate ang klase. Ang isang panig ay ipagtatanggol ang positibo habang ang kabilang panig naman ay para sa negatibo. Sa loob ng 10 minuto, magbabatuhan lang ng argumento ang magkabilang panig. Isang beses lamang maaaring tumayo ang isang mag-aaral. Ang guro ang magdedesisyon kung sinong panig ang mananalo batay sa mga argumentong inilahad ng mga mag-aaral. Mahalagang bigyan diin ng guro na ang magiging pamantayan sa pagkapanalo ay hindi lamang ang dami ng argumentong ibinato ngunit maging ang bigat nito. Sasabihin ng guro kung sino ang nanalo sa debate at ang dahilan nito. Iuugnay ng guro ang debate sa magiging aralin para sa sesyong ito. Sasabihin ng guro na ang debate ay isang uri ng pangangatwiran at sa araling ito, lilinangin ang kasanayan sa pangangatwiran upang makasulat ng isang posisyong papel tungkol sa isang isyu. 58 Mga Kasanayang Pampagkatuto II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Batay sa naging talakayan noong mga nakaraang sesyon, balik-aralan ang katangian ng pangangatwiran. Ang pangangatwiran ay isang uri ng panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng manunulat. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga mambabasa. Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga mambabasa. Ang mga ebidensya sa mga argumento ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa, doktor, propesor, atbp.), istatistiks o kaya’y mga mapagkakatiwalaang datos at pag-aaral. Iugnay ang pangangatwiran sa pagsulat ng posisyong papel. Ipaliwanag na ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga katwiran ukol sa panig sa isang isyu. Naglalaman ito nang malinaw na tindig sa isyu, mga argumento at ebidensya. Takdang-aralin: Ipabasa sa mga mag-aaral ang Posisyong Pamantayan sa Pagganap Balik-aralan ang mga katangian ng pangangatwiran at posisyong papel. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kaugnayan ng pangangatwiran at ng posisyong papel. Itanong sa mga mag-aaral kung binasa nila ang mga posisyong papel at ano ang pangunahing isyung sinasagot ng mga ito. Ipaliwanag na inilabas ang dalawang posisyong papel na ito kaugnay ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order Blg. 20 noong 2013 na nagsasaad ng pag-aalis ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. Hatiin sa pangkat ang mga mag-aaral. Ipasagot sa mga mag-aaral ang worksheet na naglalaman ng sumusunod: Pamagat: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad Pangunahing posisyon: Argumento 1: Ebidensya 1: Ebidensya 2: 59 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad at Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano Pamantayan sa Pagganap Argumento 2: Ebidensya 1: Ebidensya 2: Ebidensya 3: Aksyon kaugnay ng isyu: Pamagat: Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano Pangunahing posisyon at argumento: Ebidensya 1: Ebidensya 2: Ebidensya 3: Ebidensya 4: Ebidensya 5: Ebidensya 6: Ebidensya 7: Aksyon kaugnay ng isyu: Bigyan ng 10-15 minuto ang mga mag-aaral upang sagutin ang worksheet. Pagkatapos ng pangkatang gawain, tumawag ng isang pangkat upang sagutin ang isang partikular na aytem sa itaas. Isa-isahin ang mga pangkat hanggang maubos ang lahat ng tanong. Siguraduhing makakasagot ang lahat ng pangkat. Tumawag lamang ng isang mag-aaral na magsasalita para sa isang pangkat. Pagkatapos ng talakayan, itanong sa mga mag-aaral kung alin sa dalawang 60 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap posisyong papel ang mas nakapagkumbinsi sa kanila tungkol sa isyu ng pag-aalis ng asignaturang Filipino sa klase. Ipataas ang kamay ng mga mag-aaral. Bilangin kung anong teksto ang mas marami. Muling itanong sa klase kung bakit. Mga Kasanayang Pampagkatuto Susumahin ng guro ang talakayan batay sa mga sagot ng mga mag-aaral. Muling bigyang-diin ang katangian ng pangangatwiran, at ang naidudulot na epekto nito sa pangungumbinsi sa mambabasa. III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Ipakuha sa mga mag-aaral ang kopya nila ng Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad at Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano Papiliin ang mga mag-aaral kung anong posisyong papel ang mas nagustuhan nila at humanap ng kaklase na may kaparehong piniling teksto. Magpagawa ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap ng posisyong papel na pinili. Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng isang balangkas. Magbigay ng 5-10 minuto para matapos ang gawain. 61 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tigisang magkapareha upang ipresenta ang ginawang balangkas para sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad at Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano. Ipasulat ito sa pisara at pagkumparahin ang mga balangkas. Mga Kasanayang Pampagkatuto Itanong sa mga mag-aaral kung paano sinimulan (introduksyon) ang teksto. Itanong sa mga mag-aaral kung paano iprinesenta ang mga argumento at ebidensya. Itanong sa mga mag-aaral kung paano naman tinapos (konklusyon) ang mga posisyong papel. Batay sa naging talakayan, bigyang-diin na ang posisyong papel ay isang akademikong teksto/ sulatin na nangangatwiran at nagbibigay ng paninindigan sa isang partikular na isyu. Inilalahad nang malinaw ang mga argumento at pinapatibay ito ng mga malalakas na ebidensya. Kailangang manaliksik upang makakuha ng mga ebidensya. At bilang pangwakas, may aksyong ginagawa ang sumulat sa isyung inihain. IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap 62 Mga Kasanayang Pampagkatuto Balik-aralan ang mga katangian ng isang posisyong papel batay sa mga nakaraang talakayan. Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Tanungin ang mga mag-aaral kung ano sa tingin nila ang mainit na isyu ngayon sa Pilipinas. Maglista sa pisara ng 5 isyung panlipunan batay sa sagot ng mga mag-aaral. Mula sa limang isyu, papiliin ang magaaral ng isang isyu na nais niyang gawan ng posisyong papel. Matapos pumili ng mga mag-aaral, magpasulat sa isang buong papel ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap para sa isusulat na posisyong papel. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat lagyan ng pamagat, may kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunodsunod ang mga argumento at mga ebidensya at may tiyak na aksyon bilang konklusyon ang isusulat na posisyong papel. Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng balangkas ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Sa oras na matapos ang paggawa ng balangkas ng mag-aaral, kailangang tsekan ng guro kung sapat na ito. Kapag natapos na ng mag-aaral ang balangkas, maaari ng umpisahang isulat ang posisyong papel. Kailangang maipakita muna ang balangkas sa guro bago umpisahang gumawa ng borador ng posisyong papel. Kapag hindi natapos ang pagsusulat ng posisyong papel, maaari itong ipauwi sa mga mag-aaral bilang takdang-aralin na ipapasa sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa pagsulat ng posisyong papel: 1. 3-5 pahina na laktaw-laktaw (maaaring 63 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, introduksyon, may 3-5 argumento at ebidensya at konklusyon. 4. Gumawa ng 4 na kopya ng posisyong papel. Maaaring gawing gabay ng mag-aaral ang dalawang posisyong papel na tinalakay sa klase. Ipakuha ang kopya ng isinulat na posisyong papel ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na posisyong papel ng kaklase upang mas mapaganda pa ang papel. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap. 1. Magbigay ng kopya ng posisyong papel sa mga kapangkat at ipabasa ito sa kanila upang matingnan ang kamalian sa ispeling, gramatika at iba pa. Maaari na rin itong sulatan ng mga positibo at negatibong komento na makakapagpaayos ng posisyong papel. 2. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng posisyong papel. 3. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa nabasang posisyong papel ang mga sumusunod: a. Mayroon bang malinaw na tindig ang posisyong papel? b. Naging malinaw ba ang mga argumento? c. Napatibay ba ng mga ebidensyang inihain ang mga argumento? d. Naging konkreto ba ang aksyong gagawin bilang konklusyon? e. Kung may bahaging hindi malinaw, maaari rin itong itanong sa nagsulat na 64 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto kaklase. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga mag-aaral na may 3-4 na miyembro. Siguraduhing iba-iba ang piniling paksa ng mga mag-aaral sa isang pangkat. Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang posisyong papel batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa sulatin: 1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon. 2. 3-5 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, introduksyon, 3-5 argumento at ebidensya at konklusyon. Ipasagot ang panghuling pagsusulit. 65 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Posisyong Papel Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat Pagpili ng mga angkop na salita 10 6 3 1 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportahan ng mga detalyadong impormasyon o argumento. May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon o argumento. Hindi malinaw ang paksa at ang mga argumento. Kawili-wili ang introduksyon, naipakilala nang mahusay ang paksa. Mahalaga at nauukol sa paksa ang mga impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kapansin-pansin ang kahusayan ng manunulat sa paksa. May introduksyon mahusay na pagtalakay, at may karampatang pagtatapos o konklusyon. May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyo no argumento. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon. Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop at natural at hindi Malinaw ang paggamit ng mga salita bagaman sa May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman. Nasasabi ng manunulat ang nais sabihin, May intensyon at layunin ang manunulat. May kaalaman ang manunulat sa paksa. 66 Hindi malinaw ang introduksyon pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon. Limitado ang paggamit sa mga salita. Katangian 10 pilit. Estruktura,G ramatika, Bantas, Pagbabaybay 6 3 bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Mahusay ang Mainam ang Nakagagaw pagkakaayos ng pagkakaayos a ng mga mga salita at ng mga salita pangungusa pangugusap. at p na may Walang pangungusap. saysay. pagkakamali sa May kaunting Maraming gramatika, pagkakamali sa mga bantas at baybay. gramatika, pagkakamal bantas at i sa baybay. gramatika, bantas at baybay. 1 ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mga Komento at mungkahi 67 Hindi maayos ang mga pangungusap at hindi maunawaan. Lubhang maraming pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. KABANATA 3 PANGHULING PAGSUSULIT I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) _____1. Isang mahalagang rekord ang katitikan ng pulong hinggil sa mga napag usapan at napagtibay ng isang partikular na organisasyon. _____2. Ang ulat ng mga napag-usapan at mga aksyon gagawin, ay ang siyang pinakamahalagang impormasyon na makikita sa katitikan ng pulong. _____3. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong. _____4. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya kapag sumusulat ng tekstong naglalahad. _____5. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukuwento ng isang pangyayari o mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan. _____6. Ang mga tekstong naglalahad at naglalarawan ay nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: pangingin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat. _____7. Nanghihikayat pumanig sa opinyon ng tagapagsalita ang akademikong sulating nangangatwiran. _____8.Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. _____9.Sapat na ang matitibay na argumento sa posisyong papel kahit walang ebidensya. _____10.Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga pahayag. II. PAGPILI NG SAGOT. Piliin ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat isa) 1. Alin sa mga sumusnod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahin ng katitikan ng pulong? A. oras ng pagtatapos ng pulong B. lugar ng pulong C. pangalan ng organisasyon 2. Alin sa mga sumusonod ang kadalasang makikita sa katawan na bahagi ng katitikan ng pulong? A. Mga Dumalo B. Ikatlong Agenda C. Oras ng pagsisimula ng pulong 68 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng notes para sa gagawing katitikan ng pulong? A. audio recorder B. katitikan ng nakaraang pulong C. bolpen at papel 4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad? A. Matangos ang ilong ng babae. B. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae. 5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran? A. Dapat na wakasan na ang korapsyon sa bansa. B. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa. C. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa. 6. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay? A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel. B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento. C. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari. 7. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel? A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang. B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman ng pangangatwiran. C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang partikular na isyu. 8. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento? A. narinig na kwento B. balitang napanood C. sariling karanasan 9. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night, “Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad 69 at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa pagpili ng mga paparangalang likha? A. kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo B. mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo C. mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo 10. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing pahayag? A. pagkilala ng sariling wika B. intelektwalisasyon ng wika C. pagtakwil sa dayuhang wika III. MAIKLING SANAYSAY. Gumawa ng maikling sanaysay nang hindi bababa sa limang (5) pangungusap. (10 puntos) Ilahad ang pagkakaiba at pagkakapareho ng katitikan ng pulong, talumpati at posisyong papel. a. Nilalaman- 7 puntos b. Organisasyon- 2 puntos c. Wika- 1 puntos MGA SAGOT I. II. 1.Tama 2.Tama 3.Tama 4.Tama 5. Mali 6. Mali 7. Tama 8. Mali 9. Tama 10. Mali 1. C 2. B 3. C 4. C 5. B 6. C 7. A 8. B 9. B 10. B 70 KABANATA 4 PANIMULANG PAGSUSULIT I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) ____1. Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan. ____2. Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay. ____3. Kalimitang ginagamit ang patalinhagang sanaysay sa mga impormal na sanaysay. ____4. Maituturing na lakbay-sanaysay ang programang Biyahe ni Drew. ____5. Ang programang pampaglalakbay ay nakasulat na tekstong naglalarawan at nagsasalaysay tungkol sa lugar, tao, aktibidad at pagkain sa isang partikular na lugar. ____6. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan. ____7. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat. ____8.Maaaring lamanin ng replektibong sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat. ____9.Mas naglalahad at nangangatwiran ang replektibong sanaysay kaysa nagsasalaysay at naglalarawan. ____10.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay-sanaysay. II. SANAYSAY. Sumulat ng sanaysay batay sa hinihingi sa ibaba. (40 puntos) 1. Pumili ng isang lugar na napuntahan. 2. Pumili ng isang paksa sa ibaba: a. pag-ibig b. kahirapan c. edukasyon 3. Batay sa napiling lugar at paksa sa itaas, sumulat ng isang sanaysay na nagsasalaysay at naglalarawan ng paglalakbay at repleksyon kaugnay ng paksa. (Halimbawa: paglalakbay sa Boracay at repleksyon tungkol sa pag-ibig) 4. Gumawa ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap. Lagyan ng pamagat, introduksyon, katawan at wakas.(5 puntos) 5. Magsulat ng sanaysaysay na HINDI BABABA sa 15 pangungusap. (45 puntos) Pamantayan sa Pagmamarka a. Nilalaman- 15 puntos b. Organisasyon- 15 puntos c. Wika- 15 punto 71 MGA SAGOT I. 1.Tama 2. Mali 3. Mali 4.Mali 5. Mali 6. Mali 7. Mali 8. Tama 9. Mali 10. Tama 72 KABANATA 4 SANAYSAY ARALIN 4.1: Lakbay-Sanaysay Linggo: 9 Deskripsyon: Pagsulat ng isang lakbay-sanaysay batay sa isang programang pampaglalakbay na napanood. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Isulat ang salitang sanaysay sa pisara ng pababa tulad nito: Mga Kasanayang Pampagkatuto Ipasagot ang panimulang pagsusulit. S A N A Y S A Y Magtanong sa klase ng mga salita, parirala o pangungusap na pumapasok sa isipan nila kapag naririnig ang salitang sanaysay na nagsisimula sa letrang S at itanong kung bakit. Isunod ang letrang A, N, A, Y, S, A, at Y. Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral. Itanong sa klase kung sino na sa kanila ang nakasulat na ng sanaysay at kung tungkol saan ito. Ipapaliwanag ng guro na ang tatalakayin sa araling ito, ang pagsulat ng sanaysay at ang mga uri nito partikular na ang Lakbay-Sanaysay at Replektibong Sanaysay. 73 II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Itanong sa mga mag-aaral kung nakasulat na na sila ng sanaysay at kung ano ang naging paksa nila. Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral. Iugnay ang mga sagot na ito sa kahulugan at katangian ng sanaysay. Talakayin na ang sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kurukuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan. May tatlong uri ng sanaysay. 1. Ang Personal na sanaysay ay tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan. 2. Ang Mapanuri o Kritikal na sanaysay ay tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan. Pamantayan sa Pagganap Isulat sa pisara ang salitang LAKBAY-SANAYSAY. Itanong sa klase kung ano ang pagkakaunawa nila sa sanaysay batay sa talakayan noong nakaraang sesyon. Sabihin na mayroon pang isang salitang nakadugtong sa sanaysay, ang salitang lakbay. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahulugan ng salitang lakbay. Mga inaasahang sagot 1.pagpunta sa ibang lugar 2. paglalakwatsa, pagliliw-aliw 3. suroy-suroy 4. pagtuklas Itanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang mahilig maglakbay at kung saan-saang lugar na sila nakarating. Sabihin sa klase na maglalakbay sila ngayon sa Palawan partikular sa Coron sa pamamagitan ng panonood ng programang pampaglalakbay o travel show na pinamagatang Biyahe ni Drew (maaaring maakses dito: https://www.youtube.com/watch?v= tDPM91TqoHg) 40 minuto ang haba ng video. Habang nanonood ipatala sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 3. Ang Patalinhagang 1. Mga lugar na pinuntahan ni Drew sanaysay ay tungkol sa 2. Mga pagkaing kinain ni Drew mga kasabihan o sawikain. 3. Mga taong nakasalamuha ni Drew o ininterbyu sa bidyo Maaari ring maging pormal 4. Mga ginawa ni Drew (mas o impormal ang sanaysay. nakatutok sa mga pandiwa tulad ng 74 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Sa pormal, mas seryoso ang paksa habang sa impormal mas magaan ang paksa. Itanong sa mga mag-aaral kung naunawaan nila ang kahulugan at pangunahing katangian ng sanaysay. Sabihin sa mga mag-aaral na inaasahan silang makakapagsulat ng isang lakbay sanaysay na isang uri ng personal at impormal na sanaysay sa pagtatapos ng aralin. Pamantayan sa Pagganap umakyat sa bundok, lumangoy, atbp.) Matapos ang bidyo, hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral batay sa mga ipinalista habang nanonood. Ipasagot sa pangkat ang tanong batay sa napili nila: 1. Saan-saang lugar pumunta si Drew sa Coron? Paano ilalarawan ang mga ito batay sa nakita sa video? Paano siya nakapunta sa mga lugar na nabanggit? 2. Ano-ano ang kinain ni Drew sa Coron? Paano ilalarawan ang mga ito batay sa nakita sa bidyo at paglalarawan ni Drew? Magkano ang halaga ng mga pagkain? 3. Sino-sino ang nakasalamuha ni Drew sa paglilibot sa Coron? Sinosinong mga tao ang nagpakilala sa Coron batay sa bidyo? Paano ilalarawan ang mga taong ipinakita batay sa pinanood? 4. Ano-ano ang mga ginawa ni Drew habang nasa Coron siya? Isalaysay o ikwento ang mga ito. Magkano ang ginastos niya upang magawa ang mga iyon? Bigyan ng 10-15 minuto ang mga pangkat upang matapos ang gawain. Matapos nito, tumawag ng isang kinatawan ng bawat pangkat na mag-uulat ng kanilang mga sagot. Bigyang-diin na ang mga elementong bumubuo sa programang pampaglalakbay ay paglalarawan at pagsasalaysay ng mga lugar, tao, aktibidad at pagkain sa isang partikular na lugar. Kasama rin dito ang maaaring magastos sa 75 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto paglalakbay. Itanong sa mga mag-aaral kung sino ang gustong pumunta sa Coron batay sa napanood sa bidyo. Sa panonood ng programang pampaglalakbay, naeengganyo nito ang mga manonood na pumunta sa nasabing lugar. Takdang-aralin: Ipabasa sa mga mag-aaral ang Solo sa Oslo ni Will Ortiz at Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad ni Eugene Evasco III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Balikan ang pinanood na episode ng “Biyahe ni Drew,” at ihambing ito sa mga sanaysay nina Will Ortiz at Eugene Evasco. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang pagkakapareho ng dalawang tekstong nabasa at sa programang pampaglalakbay. Inaasahang sagot: 1. parehong tungkol sa paglalakbay 2. parehong nagsasalaysay sa mga karanasan sa isang lugar 3. parehong naglarawan ng kanilang mga nakita at naramdaman Itanong din sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng tatlo. Inaasahang sagot 1. ang programang pampaglalakbay ay bidyo habang ang dalawa ay nakalimbag 76 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap na teksto 2. ang isa ay tumalakay sa isang lugar sa Pilipinas habang ang dalawa ay tumalakay sa ibang bansa Ipakuha sa mga mag-aaral ang kopya nila ng Solo sa Oslo ni Will Ortiz at Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad ni Eugene Evasco Papiliin ang mga mag-aaral kung anong lakbay-sanaysay ang mas nagustuhan nila at humanap ng kaklase na may kaparehong piniling teksto. Ipasagot ang worksheet na naglalaman ng mga sumusunod. Sagutin ng isang pangungusap o parirala o ilang salita lamang sa loob ng 10-15 minuto. A. Pamagat ng akda: B. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari Pangyayari 1: Pangyayari 2: Pangyayari 3: Pangyayari 4: Pangyayari 5: C. Mga Lugar na pinuntahan Lugar 1: Paglalarawan: Ginawa: Lugar 2: Paglalarawan: Ginawa: Lugar 3: Paglalarawan: Ginawa: D. Mga Taong nakasalamuha Tao 1: Katangian: Tao 2: 77 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Katangian: Tao 3: Katangian: E. Mga Kinain Pagkain 1: Paglalarawan: Pagkain 2: Paglalarawan Pagkain 3: Paglalarawan: E. Mga Ideyang naisip o napagtanto ng awtor sa paglalakbay Ideya 1: Ideya 2: Ideya 3: Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tigisang magkapareha upang ipresenta ang mga sagot para sa Solo sa Oslo ni Will Ortiz at Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad ni Eugene Evasco Ipasulat ito sa pisara at pagkumparahin ang mga sagot. Hindi na kailangang isaisahin ang mga sagot ng mga mag-aaral. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pangkalahatang obserbasyon nila sa dalawang teksto batay sa sagot sa worksheet. Mga inaasahang sagot: 1. may maayos na daloy ng mga pangyayari 2. may malinaw na paglalarawan sa mga lugar, tao at pagkain 3. gumamit ng maraming pandiwa at pang-uri upang mailarawan at maikwento ang mga pangyayari, tao at lugar 4. may mga ideyang napagtanto sa paglalakbay 78 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Sa pangkalahatan, itanong sa klase kung pormal ba o impormal ang naging paraan ng mga manunulat at bakit kaya nila nasabi ito. Batay sa naging talakayan, bigyang-diin na ang lakbay-sanaysay ay isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng mayakda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip o napagtantong ideya. Kadalasan mas personal at impormal ang pagkakasulat nito. IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Balik-aralan ang mga katangian ng isang lakbay-sanaysay batay sa mga nakaraang talakayan. Tanungin ang mga mag-aaral kung saansaang mga lugar na sila nakapunta. Maaaring ito ay lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa. Sabihin sa mga mag-aaral na pumili ng isang lugar kung saan sila nakapaglakbay na at ito ang gagawing paksa sa isusulat na lakbay-sanaysay. O kaya’y sa lugar nila kung saan maaaring mamasyal ang mga kaklase. Magpasulat sa isang buong papel ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap para sa isusulat na lakbay79 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto sanaysay. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat lagyan ng pamagat, may maayos na daloy o pagkakasunod-sunod na mga pangyayari, at paglalarawan ng mga taong nakasalamuha, lugar na pinuntahan at pagkaing kinain at sa huli maaari ring maglagay ng mga ideyang napagtanto sa paglalakbay. Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng balangkas ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Sa oras na matapos ang paggawa ng balangkas ng mag-aaral, kailangang tsekan ng guro kung sapat na ito. Kapag natapos na ng mag-aaral ang balangkas, maaari ng umpisahang isulat ang lakbay-sanaysay. Kailangang maipakita muna ang balangkas sa guro bago umpisahang gumawa ng borador ng lakbay-sanaysay. Kapag hindi natapos ang pagsusulat ng lakbay-sanaysay, maaari itong ipauwi sa mga mag-aaral bilang takdang-aralin na ipapasa sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa pagsulat ng lakbaysanaysay: 1. 3-5 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, panimula, 2-5 pangyayari, 2-5 taong nakasalamuha, 2-5 pagkaing kinain, 1-2 ideyang napagtanto at katapusan. 4. Gumawa ng 4 na kopya ng lakbaysanaysay. Maaaring gawing modelo ng mag-aaral ang dalawang lakbay-sanaysay na tinalakay sa klase. 80 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Ipakuha ang kopya ng isinulat na lakbaysanaysay ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na lakbay-sanaysay ng kaklase upang mas mapaganda pa ang papel. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap. 1. Magbigay ng kopya ng lakbaysanaysay sa mga kapangkat at ipabasa ito sa kanila upang matingnan ang kamalian sa ispeling, gramatika at iba pa. Maaari na rin itong sulatan ng mga positibo at negatibong komento na makakapagpaayos ng lakbay-sanaysay. 2. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng lakbay-sanaysay. 3. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa nabasang lakbay sanaysay ang mga sumusunod: a. Mayroon bang interesanteng panimula ang lakbay-sanaysay? b. Naging maayos ba ang daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? c. Nailarawan bang mabuti ang mga lugar, tao at pagkain? d. Naging malinaw ba ang ideyang napagtanto sa paglalakbay? e. Kung may bahaging hindi malinaw, maaari rin itong itanong sa nagsulat na kaklase. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga mag-aaral na may 3-4 na miyembro bawat pangkat. 81 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang lakbaysanaysay batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa sulatin: 1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon. 2. 3-5 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, panimula, 2-5 pangyayari, 2-5 taong nakasalamuha, 2-5 pagkaing kinain, 1-2 ideyang napagtanto at katapusan. 82 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Lakbay-sanaysay Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat 10 6 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportahan ng mga detalyadong impormasyon o argumento. May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon o argumento. Kawili-wili ang May introduksyon, introduksyon, naipakilala nang mahusay na mahusay ang pagtalakay, at paksa. may Mahalaga at karampatang nauukol sa pagtatapos o paksa ang mga konklusyon. impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang May intensyon at intensyon at layunin ng layunin ang manunulat. manunulat. KapansinMay pansin ang kaalaman ang kahusayan ng manunulat sa manunulat sa paksa. paksa. 83 3 1 May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyo no argumento. Hindi malinaw ang paksa at ang mga argumento. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon. Hindi malinaw ang introduksyon, pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon. May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman. Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Katangian 10 6 3 1 Malinaw ang paggamit ng mga salita bagaman sa ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mainam ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap. May kaunting pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Nasasabi ng manunulat ang nais sabihin, bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Nakagagawa ng mga pangungusap na may saysay. Maraming mga pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Limitado ang paggamit sa mga salita. Pagpili ng mga angkop na salita Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop at natural at hindi pilit. Estruktura, Gramatika, Bantas, Pagbabaybay Mahusay ang pagkakaayos ng mga salita at pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Mga Komento at mungkahi 84 Hindi maayos ang mga pangungusap at hindi maunawaan. Lubhang maraming pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. ARALIN 4.2: Replektibong Sanaysay Linggo: 10 Deskripsyon: Pagsulat ng isang replektibong sanaysay batay sa sariling karanasan. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Iparinig sa mga mag-aaral ang kantang “Kanlungan” ni Noel Cabangon. Maaaring gamitin ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=g FDuZ_xs7AE Pamantayan sa Pagganap Sabihin sa mga estudyante na pakinggang mabuti ang kanta at intindihin ang mensahe. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng “Kanlungan” sa pinakinggang kanta? Mga inaasahang sagot 1. lugar kung saan nagkita ang mga tauhan sa kanta 2. paraiso 3. magandang lugar Sabihin o kantahin sa mga mag-aaral ang linyang paulit-ulit sa kanya, “Pana-panahon ang pagkakataon. Maibabalik ba ang kahapon?” Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon silang gusto o maaaring balikan mula sa kanilang nakaraan, ano ito? Tanggapin ang lahat ng sagot. Sabihin sa mga mag-aaral na sa araling ito, tatalakayin ang tungkol sa replektibong sanaysay. Ang gawain ay may kaugnayan sa pagre-reflek o pagninilay-nilay tungkol sa mga karanasan. 85 Mga Kasanayang Pampagkatuto II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Itanong sa mga mag-aaral kung anong pagpapakahulugan nila sa salitang REPLEKTIBO o REPLEKSYON. Mga inaasahang sagot 1. pagbabalik-tanaw at pagsusuri sa mga pangyayari batay sa personal na karanasan 2. pag-iisip ng mga naging epekto sa sarili ng personal na karanasan Balik-aralan ang katangian ng lakbay sanaysay at replektibong sanaysay. Magdrowing ng Venn diagram upang ipakita ang pagkakapareho at pagkakaugnay ng lakbay at replektibong sanaysay. Itanong kung ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa. Inaasahang sagot 1. pagkakaiba: lakbay sanaysay- tungkol sa paglalakbay, mas nakatuon sa mga nakita at naranasan, personal replektibong sanaysay- tungkol sa kalakasan at kahinaan batay sa karanasan, personal at kritikal 2. pagkakatulad: may panimula, katawan at katapusan, impormal, batay sa karanasan, naglalarawan at nagsasalaysay Iugnay ang mga sagot na ito sa kahulugan at katangian ng replektibong sanaysay. Talakayin na ang replektibong sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat. Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng manunulat at maging ang kanyang mga kahinaan. Isinasalaysay at inilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang kanyang mga kalakasan at kung paano niya naman napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang kanyang mga kahinaan. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang gusto nilang maging silbi o maiambag sa pamilya at bayan nila pagkatapos ng senior high school? Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral. Balik-aralan ang tatlong uri ng sanaysay (personal, 86 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap kritikal/mapanuri at patalinhaga). Itanong sa mga mag-aaral kung saan nabibilang ang replektibong sanaysay. Inaasahang sagot 1.personal at mapanuri/kritikal 2. May pagka-impormal din ito dahil sa tumatalakay ito sa personal na karanasan ng manunulat. Itanong sa mga mag-aaral kung naunawaan nila ang kahulugan at pangunahing katangian ng replektibong sanaysay. Sabihin sa mga mag-aaral na inaasahan silang makakapagsulat ng isang replektibong sanaysay na isang uri ng personal, mapanuri/kritikal at impormal na sanaysay sa pagtatapos ng aralin. Takdang-aralin: Ipabasa sa mga mag-aaral ang Bakit Ako naging Manunulat? ni Rene Villanueva. Itanong sa mga mag-aaral kung nabasa ba nila ang mga nila ang mga akdang Bakit Ako naging Manunulat? at Hindi Ngayon ang Panahon Itanong sa klase kung ano ang pangunahing paksa ng mga manunulat. Papiliin ang mga mag-aaral kung anong replektibong sanaysay ang mas nagustuhan nila at humanap ng 2-3 kaklase na may kaparehong piniling teksto. Pangkatin ang mga mag-aaral na binubuo ng 3-4 na estudyante bawat pangkat. Ipasagot ang worksheet na naglalaman ng sumunusunod: A. Pamagat ng sanaysay B. Ano ang pangunahing pinagnilayan ng may-akda? C. Mga pangyayaring nagpapakita ng kalakasan ng may-akda 1. 2. 3. 4. 5. 87 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap D. Mga pangyayaring nagpapakita ng kahinaan ng may-akda 1. 2. 3. E, Hakbang na ginawa upang mapagtagumpayan ang kahinaan. 1. 2. 3. F. Mga napagtanto/ pagsusuri sa karanasan 1. 2. 3. Bigyan ng 10-15 minuto ang mga pangkat. Matapos nito, tumawag ng isang kinatawan bawat pangkat upang magulat ng kanilang mga sagot. Sumahin ang talakayan sa pagbibigay-diin sa katangian ng sanaysay batay sa nabasang mga halimbawa. Bigyang-diin na ang replektibong sanaysay ay nagsasalaysay at naglalarawan ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga kahinaan at kalikasan ng manunulat sa kanyang isinulat. 88 Mga Kasanayang Pampagkatuto III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Muling ipakuha sa mga mag-aaral ang kopya nila ng Bakit Ako naging Manunulat? ni Rene Villanueva. Pahanapin ng kapareha ang mga magaaral. Ipasagot ang worksheet na naglalaman ng mga sumusunod: A. Paano sinimulan ng manunulat ang sanaysay? Naging kawili-wili ba ito? B. Mayroon bang kaisahan ang katawan at may lohikal na daloy ito? Gumawa ng balangkas ng katawan ng sanaysay. C. Paano tinapos ng may-akda ang sanaysay? Naging maayos ba ito? Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tigiisang magkapareha upang sagutin ang bawat katanungan. Isulat sa pisara ang balangkas ng sanaysay batay sa sagot ng mga mag-aaral. A. Introduksyon B. Katawan 1. Unang pangyayari 2. Ikalawang pangyayari 3. Ikatlong pangyayari C. Konklusyon Batay sa mga kasagutan ng mga magaaral, itanong sa klase kung ano ang pangkalahatang obserbasyon nila sa teksto. Mga inaasahang sagot: 1. may kawili-wiling introduksyon 89 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto 2. may maayos na daloy ng mga pangyayari 3. may malinaw na pagsasalaysay at paglalarawan sa mga karanasan. 4. gumamit ng mga pandiwa at pang-uri upang mailarawan at maisalaysay ang mga pangyayari, tao at lugar 5. may malinaw na pagsusuri sa mga karanasan sa buhay 6. may maayos na pagtatapos. Sa pangkalahatan, itanong sa klase kung pormal ba o impormal ang naging paraan ng mga manunulat at ipapaliwanag ito. Bigyang-diin sa pagtatapos ng klase na ang replektibong sanaysay ay mayroon kawili-wiling introduksyon, mga karanasang sumusuporta dito at malinaw na pagtatapos na nagsusuma ng karanasan. IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Balik-aralan ang mga katangian ng isang replektibong sanaysay batay sa mga nakaraang talakayan. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang balak nila pagkatapos ng senior high school at ano ang maiaambag ng kanilang gawain o trabaho sa Pilipinas. Sabihin sa mga mag-aaral na kumpletuhin ang pangungusap na 90 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto ito: (Pangalan ng mag-aaral) bilang (gawain o trabaho) ng Pilipinas. Ito ang magiging pamagat ng kanilang isusulat na sanaysay. Magpasulat sa isang buong papel ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap para sa isusulat na replektibong sanaysay. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat lagyan ng pamagat, may kawiliwiling panimula, maayos na pagsasalaysay at paglalarawan ng mga pangyayari, malalim na pagsusuri sa mga pangyayari at malinaw na pagtatapos o konklusyon. Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng balangkas ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Sa oras na matapos ang paggawa ng balangkas ng mag-aaral, kailangang tsekan ng guro kung sapat na ito. Kapag natapos na ng mag-aaral ang balangkas, maaari ng umpisahang isulat ang replektibong lakbay. Kailangang maipakita muna ang balangkas sa guro bago umpisahang gumawa ng borador ng replektibong sanaysay. Kapag hindi natapos ang pagsusulat ng replektibong sanaysay, maaari itong ipauwi sa mga mag-aaral bilang takdang-aralin na ipapasa sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa pagsulat ng lakbay-sanaysay: 1. 3-5 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 91 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto 3. May pamagat, panimula, 2-5 pangyayari, 2-5 pagsusuri sa mga pangyayari, at katapusan. 4. Gumawa ng 4 na kopya ng replektibong sanaysay. Maaaring gawing modelo ng magaaral ang dalawang replektibong sanaysay na tinalakay sa klase. Ipakuha ang kopya ng isinulat na replektibong sanaysay ng mga magaaral. Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na replektibong sanaysay ng kaklase upang mas mapaganda pa ang papel. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap. 1. Magbigay ng kopya ng lakbaysanaysay sa mga kapangkat at ipabasa ito sa kanila upang matingnan ang kamalian sa ispeling, gramatika at iba pa. Maaari na rin itong sulatan ng mga positibo at negatibong komento na makakapagpaayos ng replektibong sanaysay. 2. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng replektibong sanaysay. 3. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa nabasang replektibong sanaysay ang mga sumusunod: a. Mayroon bang interesanteng panimula ang replektibong sanaysay? b. Naging maayos ba ang daloy o 92 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? c. Nakapagbigay ba ng pagsusuri o repleksyon sa mga pangyayari? d. Naging malinaw ba ang pagtatapos? e. Kung may bahaging hindi malinaw, maaari rin itong itanong sa nagsulat na kaklase. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga magaaral na may 3-4 na miyembro bawat pangkat. Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang replektibong sanaysay batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon. Mga kahingian sa sulatin: 1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon. 2. 3-5 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, panimula, 2-5 pangyayari, 2-5 pagsusuri sa mga pangyayari, at katapusan. Ipasagot ang panghuling pagsusulit. 93 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Replektibong Sanaysay Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat Pagpili ng mga angkop na salita 10 6 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportahan ng mga detalyadong impormasyon. May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon. Kawili-wili ang May introduksyon, introduksyon, naipakilala nang mahusay na mahusay ang pagtalakay, at paksa. Mahalaga at may nauukol sa paksa karampatang ang mga pagtatapos o impormasyon na konklusyon. ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang May intensyon at intensyon at layunin ng layunin ang manunulat. manunulat. Kapansin-pansin May ang kahusayan ng kaalaman ang manunulat sa manunulat sa paksa. paksa. Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop at Malinaw ang paggamit ng mga salita 94 3 1 May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasy on. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon . Hindi malinaw ang paksa at ang mga argumento. May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman. Nasasabi ng manunulat Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Hindi malinaw ang introduksyon , pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon. Limitado ang paggamit sa mga salita. Katangian Estruktura,G ramatika, Bantas, Pagbabaybay 10 6 natural at hindi pilit. bagaman sa ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mahusay ang pagkakaayos ng mga salita at pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Mainam ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap. May kaunting pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Mga Komento at mungkahi 95 3 1 ang nais sabihin, bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Nakagagaw a ng mga pangungus ap na may saysay. Maraming mga pagkakama li sa gramatika, bantas at baybay. Hindi maayos ang mga pangungusap at hindi maunawaan. Lubhang maraming pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. KABANATA 4 PANGHULING PAGSUSULIT I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) ____1. Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan. ____2. Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay. ____3. Kalimitang ginagamit ang patalinhagang sanaysay sa mga impormal na sanaysay. ____4. Maituturing na lakbay-sanaysay ang programang Biyahe ni Drew. ____5. Ang programang pampaglalakbay ay nakasulat na tekstong naglalarawan at nagsasalaysay tungkol sa lugar, tao, aktibidad at pagkain sa isang partikular na lugar. ____6. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan. ____7. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat. ____8.Maaaring lamanin ng replektibong sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat. ____9.Mas naglalahad at nangangatwiran ang replektibong sanaysay kaysa nagsasalaysay at naglalarawan. ____10.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay-anaysay. 96 II. SANAYSAY. Sumulat ng sanaysay batay sa hinihingi sa ibaba. (40 puntos) 1. Pumili ng isang lugar na napuntahan. 2. Pumili ng isang paksa sa ibaba: a. pag-ibig b. kahirapan c. edukasyon 3. Batay sa napiling lugar at paksa sa itaas, sumulat ng isang sanaysay na nagsasalaysay at naglalarawan ng paglalakbay at repleksyon kaugnay ng paksa. (Halimbawa: paglalakbay sa Boracay at repleksyon tungkol sa pag-ibig) 4. Gumawa ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap. Lagyan ng pamagat, introduksyon, katawan at wakas.(5 puntos) 5. Magsulat ng sanaysaysay na HINDI BABABA sa 15 pangungusap. (45 puntos) Pamantayan sa Pagmamarka a. Nilalaman- 15 puntos b. Organisasyon- 15 puntos c. Wika- 15 puntos MGA SAGOT I. 1.Tama 2. Mali 3. Mali 4.Mali 5. Mali 6. Mali 7. Mali 8. Tama 9. Mali 10. Tama 97 KABANATA 5 PANIMULANG PAGSUSULIT I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) ____1. Ang abstrak ay buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. ____2. Maaaring hindi na isama sa abstrak ang konklusyon dahil makikita na ito sa mismong papel-pananaliksik. ____3. Layunin ang pinakamahalagang bahagi ng papel-pananaliksik kaya ito ang dapat mauna sa pagsulat ng abstrak. ____4. Ginagamit na ang wikang Filipino sa mga akademikong sulatin sa humanidades, agham panlipunan at agham kaya masasabing ito ay isang intelektwal na wika. ____5. Batay sa mga mananaliksik, ang Sillag Festival ay maikukumpara sa isang sinag na kakikitaan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. ____6. Nakuha ng Sillag Festigal ang pangalan nito sa sil-lag na nangangahulugang sinag ng buwan. ____7. Batay kay Samuelson, ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na natutungkol sa pamamahagi ng iba’t iba ngunit limitadong yaman upang tugunan ang paparami at walang hanggang hilig ng tao. ____8. Ang tingi, halo-halo at sari-sari ay mga katutubong konsepto ng ekonomiks sa lipunang Pilipino. ____9. Sa tradisyong Hudeyo-Kristiyano, ang tao ay binubuo ng katawan at kaluluwa lamang. ____10. Tradisyong Awstronesyano o katutubo ang pinakamatatag at pinakatamang tradisyon ng paggamot sa Pilipinas. II. PAGPILI NG SAGOT. Piliin ang titik ng tamang sagot.(2 puntos bawat isa) 1. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak? A. may iisang talata lamang B. binubuo ng 200-300 salita C. nagsusuma ng akademikong sulatin 2. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades? A. biolohiya B. linggwistiks C. heograpiya 98 3. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan? A. Panitikan B. Sikolohiya C. Arkeolohiya 4. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko”? A. Agham at Humanidades B. Agham at Agham Panlipunan C. Agham Panlipunan at Humanidades 5. “Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik ang isinasaad sa itaas na hango sa abstrak ni Tereso Tullao, Jr.? A. Layunin B. Metodolohiya c. Kaligiran ng pag-aaral 6. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon? A. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina. B. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at kultura. C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga Pilipino propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri. 7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang Pilipino? A. pagbibigay ng pasa load B. panonood ng mga telenobela C. pagmamano sa mga nakatatanda 8. Alin sa mga sumusunod ang masasabing may kahulugan sa Sillag Festival bilang pagkakakilanlan ng La Union? A. adobo B. bulalo C. pinakbet 99 9. Ano ang pagkakaiba ng tradisyong katutubo at tradisyong siyentipiko sa paggagamot? A. Mga katutubong Pilipino ang manggagamot sa tradisyong katutubo habang mga prayle naman ang manggagamot sa tradisyong siyentipiko. B. Sa tradisyong katutubo, ang sakit ay maaring sa katawan, ginhawa at kaluluwa habang sa tradisyong siyentipiko ang sakit ay sa katawan lamang. C. Ginagamit ang mga halaman at orasyon sa tradisyong Awstronesyano bilang gamot habang bakuna lamang ang itinuturing na gamot sa tradisyong siyentipiko. 10. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya? A. pambansang wika ang wikang Filipino B. intelektwalisado na ang wikang Filipino C. marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino II. PAGSULAT NG ABSTRAK. Sumulat ng abstrak na 5-7 pangungusap na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pagaaral. (30 puntos). Pamantayan sa Pagmamarka a. Nilalaman- 10 puntos b. Organisasyon- 10 puntos c. Wika- 10 puntos Direksiyong Historikal ng mga Pag-aaral Panggramar ng mga Wikang Timog Bisaya Kalakip ang Parsiyal na Anotasyon ng Ilang Sulatin sa Gramatika mula 1960 – 2015Francisco B. Bautista, Jr. Sa papel na ito, may pagtatangkang ilahad ang direksiyong historikal ng mga gramatikal na pag-aaral sa mga wikang Timog Bisaya (i.e. Sebwano, Tausug, Surigaonon, Butuanon) mula sa taong 1900 hanggang kasalukuyan. Gamit ang freymwurk ni Gonzales-Garcia (2011) sa pagkaklasipika ng mga meyjor na trend sa Filipino/Tagalog, dinalumat ang kalakhan ng mga lawas ng teksto upang matiyak na ang mga representatibong teksto sa bawat panahon ay maitatampok. Sa mga wikang nakapaloob sa sangay na pinagaralan, lumalabas na malaki ang diperensya ng mga sulatin ukol sa Sebwano kumpara sa mga kapatid nitong wika. Magkagayunman, kahit ang Sebwano ay nakapagtala rin ng mas kaunting bilang ng pag-aaral kung ihahanay sa mga pangunahing wika sa bansa base sa imbentaryong isinagawa nina Blake (1920), Asuncion-Landé (1971), atbp. kung saan ito ay bumubuo lamang sa 1 hanggang 7 porsiyento ng lahat ng mga nasarbey na sulatin. 100 Ipinakita ng paglalahad ng progresong historikal na malinaw ang pagkakasalin-salin ng interes pagdating sa pag-aaral ng wika. Ang naging direksiyon ay mula sa masidhing kagustuhan ng mga misyonero na ipalaganap ang Kristiyanismo tungo sa mas akademikong lapit ng mga katutubo at dayuhang iskolar. Mayroong iba’t ibang motibasyon ang paglalathala ng mga papel katulad ng pagbuo ng politikal na impluwensiya sa komunidad pangwika at ng komersiyal nitong halaga lalo na kung ang target na mambabasa ay mga dayuhang nag-aaral ng katutubong wika. Upang maging katuwang ng kapwa mananaliksik, isang parsiyal na anotasyon ng mga piling kontemporaneong sulatin sa gramatika (mula 1960 hanggang kasalukuyan) ang inilakip sa tekstong ito. Sanggunian: Bautista, Francisc Jr. “Direksiyong Historikal ng mga Pag-aaral Panggramar ng mga Wikang Timog Bisaya Kalakip ang Parsiyal na Anotasyon ng Ilang Sulatin sa Gramatika mula 1960 hanggang 2015.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino 21.1 (2015): 7-31. MGA SAGOT I. 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Tama 6. Tama 7. Tama 8. Tama 9. Mali 10. Mali II 1. C 2. B 3. A 4. A 5. A 6. B 7. C 8. C 9. B 10. B 101 KABANATA 5 MGA AKADEMIKONG SULATIN SA IBA’T IBANG DISIPLINA ARALIN 5.1: Akademikong sulatin sa Humanidades Linggo: 11 Deskripsyon: Pagbasa ng isang akademikong sulatin sa larang o disiplina ng Humanidades at pagsulat ng abstrak ng nabasang papel-pananaliksik. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Isulat sa pisara ang salitang Akademya. Itanong sa mga mag-aaral kung anong mga salita ang maaari nilang iugnay sa salitang akademya. Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga estudyante. Sabihin sa mga mag-aaral na sa kabanatang ito, tatalakayin ang iba’t ibang akademikong sulatin o papel-pananaliksik na nakasulat sa wikang Filipino sa tatlong disiplina o larangan: Humanidades, Agham Panlipunan at Agham. Ang mga papel-pananaliksik na ito ay mas nakatuon sa lipunang Pilipino at nakasulat sa wikang Filipino. Sabihin na makikita rin sa bahaging ito na ang wikang Filipino ay dumadaan na sa yugto ng intelektwalisasyon. Ang intelektwalisasyon ay ang paggamit ng wika sa mas matataas na diskurso partikular sa akademya. Ibig sabihin nagagamit na rin ang wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina. 102 Mga Kasanayang Pampagkatuto Ipasagot ang panimulang pagsusulit. II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Sabihin sa klase na sa araling ito, magbabasa at magsusuri sila ng isang akademikong sulatin o papel-pananaliksik sa larang o disiplina ng Humanidades na nakasulat sa wikang Filipino. Ang Humanidades ay mga akademikong disiplina na nakatutok sa pag-aaral kaugnay sa wika, panitikan, sining, linggwistiks, pilosopiya, atbp. Sa pagbasa at pagsusuri ng mga akademikong sulatin, inaasahang makakapagsulat ang mga mag-aaral ng isang abstrak. Talakayin na ang abstrak ay isang uri ng buod na karaniwang makikita sa unang bahagi ng isang papel-pananaliksik o akademikong papel na nalathala sa isang dyornal. Ito ay karaniwang isang pahina lamang at may haba na 200-300 mga salita. Kailangang lamanin ng abstrak ang mga sumusunod: 1. Kaligiran o background ng pag-aaral 2. Layunin ng pag-aaral 3. Metodolohiyang ginamit 4. Mga natuklasan/ resulta ng pag-aaral 5. Konklusyon Itanong sa mga mag-aaral kung naunawaan nila ang kahulugan, pangunahing katangian at nilalaman ng abstrak. Takdang-aralin: Ipabasa sa mga mag-aaral ang Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano nina John Amtalao at Jane Lartec 103 Mga Kasanayang Pampagkatuto III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Ipanood sa mga mag-aaral ang isang pagtatanghal sa Sillag Festival sa La Union. Maaaring ipakita ang unang 2 minuto lang ng bidyong ito mula sa youtube: https://www.youtube.com/watch?v=qx S2V1JvP8U Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang napansin nila sa mga kasuotan, kagamitan at galaw ng mga kalahok. Mga inaasahang sagot: 1. makulay na kasuotan 2. masiglang galaw ng katawan 3. gumamit ng mga ilaw sa pagtatanghal 4. may mga katutubong kagamitan tulad ng banga 5. may krus at dasal sa pag-uumpisa ng pagtatanghal Itanong sa klase kung ano kaya ang sinisimbulo ng mga gamit, galaw at kasuotang napanood sa bidyo. Hindi kailangang sagutin. Sabihin sa mga mag-aaral na sila ang maghahanap ng sagot batay sa ginawang pananaliksik nina John Amtalao at Jane Lartec na pinamagatang Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokan. Huwag ipabasa sa mga mag-aaral ang unang pahina ng papel-pananaliksik dahil nilalaman nito ang abstrak. Magsimula sa PANIMULA. Pangkatin ang mga mag-aaral na binubuo ng 3-4 na estudyante. Ipasagot ang worksheet na naglalaman ng sumusunod. Kailangang sagutin 104 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap ang bawat tanong ng isang pangungusap lamang: A. Pamagat ng akademikong sulatin/ papel-pananaliksik B. Bakit isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral? C. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik? D. Paano isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral? E. Ano ang Sillag Festival? F. Batay sa pananaliksik, ano-ano ang winiwika ng Sillag Festival? E. Batay sa nabuong dayagram ng mga mananaliksik, ipaliwanag ang relasyon ng Sillag Festival, Kultura at Wika. Bigyan ng 10-15 minuto ang mga pangkat. Matapos nito, tumawag ng isang kinatawan sa bawat pangkat upang mag-ulat ng kanilang mga sagot. Ipabasa sa mga mag-aaral ang unang pahina ng papel-pananaliksik. Sabihin sa mga mag-aaral na pagkumparahin ang sagot nila sa ginawang abstrak ng mga mananaliksik. Sumahin ang talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na ang abstrak ay buod ng papelpananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, mga 105 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto resulta at konklusyon ng pag-aaral. Takdang-aralin: Pahanapin ang mga mag-aaral ng isang artikulo na nakasulat sa wikang Filipino na saklaw ng disiplina ng humanidades (wika, panitikan, sining, linggwistiks, at pilosopiya) na galing sa mga nalathalang dyornal. Kailangang basahin ito nang mabuti at isama rin ang abstrak ng artikulo. Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na dyornal: 1. Humanities Diliman Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/h umanitiesdiliman 2. Malay Journal http://ejournals.ph/index.php?journal= malay 3. Daluyan Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/d jwf Kung walang akses sa internet o sa kahit anumang dyornal ang mag-aaral, maaaring ipabasa ang papelpananaliksik na Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Balik-aralan ang mga katangian ng abstrak batay sa mga nakaraang talakayan. Itanong sa mga mag-aaral kung nakapaghanap ba sila ng mga papel- 106 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto pananaliksik o artikulo mula sa mga dyornal. Tumawag ng 2 o 3 mag-aaral upang ibahagi ang pamagat ng nakuhang artikulo. Magpasulat sa isang buong papel ng 200300 salitang abstrak. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat lagyan ng pamagat, ilahad ang kaligiran, layunin ng pag-aaral, metodolohiya, mga natuklasan/ resulta at konklusyon ng pag-aaral. Maaaring gamiting gabay ang abstrak na kasama ng artikulong nahanap. Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng abstrak ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Bigyan ng 20-30 minuto ang mga mag-aaral upang matapos ang abstrak. Kapag natapos na ang mag-aaral sa pagsulat, magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na abstrak ng kaklase upang mas mapaganda pa ang papel. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap. 1. Ipabasa ang abstrak nang malakas sa nagsulat. Kailangang makinig ng mga kapangkat upang malaman kung may kamalian sa gramatika, gamit ng salita at iba pa. 2. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng abstrak. 3. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa nabasang abstrak ang mga sumusunod: a. Malinaw ba ang kaligiran ng pag-aaral? 107 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto b. Nailahad ba ang layunin ng pag-aaral? c. Natukoy ba ang metodolohiyang ginamit sa pag-aaral? d. Natiyak ba ang (mga) kinalabasan ng pag-aaral? e. Malinaw ba ang ibinigay na konklusyon? f. Kung may bahaging hindi malinaw, maaari rin itong itanong sa nagsulat na kaklase. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga mag-aaral na may tatlong miyembro. Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang abstrak batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon kasama ang abstrak ng artikulong nahanap at ang mismong artikulo. Kahingian sa sulatin: 1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon. 2. 1 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, panimula, 1-2 pangungusap tungkol sa kaligiran ng pagaaral, 1-2 pangungusap tungkol sa layunin, 1 pangungusap tungkol sa metodolohiya, 3-4 pangungusap na naglalahad ng mga natuklasan sa pagaaral at 1 pangungusap na nagsasaad ng konklusyon. 108 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Abstrak (Humanidades) Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat 10 6 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportaha n ng mga detalyadong impormasyon. 3 1 May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon. Kawili-wili May ang introduksyon, introduksyon, mahusay na naipakilala pagtalakay, at nang mahusay may ang paksa. karampatang Mahalaga at pagtatapos o nauukol sa konklusyon. paksa ang mga impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyon. Hindi malinaw ang paksa at ang mga impormasyon. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon. Hindi malinaw ang introduksyon, pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kapansinpansin ang kahusayan ng manunulat sa paksa. May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman. Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. May intensyon at layunin ang manunulat. May kaalaman ang manunulat sa paksa. 109 Katangian 10 6 3 1 Malinaw ang paggamit ng mga salita bagaman sa ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mainam ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap. May kaunting pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Nasasabi ng manunulat ang nais sabihin, bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Nakagagawa ng mga pangungusap na may saysay. Maraming mga pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Limitado ang paggamit sa mga salita. Pagpili ng mga angkop na salita Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop at natural at hindi pilit. Estruktura,Gr amatika, Bantas, Pagbabaybay Mahusay ang pagkakaayos ng mga salita at pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Mga Komento at mungkahi 110 Hindi maayos ang mga pangungusap at hindi maunawaan. Lubhang maraming pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. ARALIN 5.2: Akademikong sulatin saAgham Panlipunan Linggo: 12 Deskripsyon: Pagbasa ng mga akademikong sulatin sa larang o disiplina ng agham panlipunan at pagsulat ng abstrak batay sa nabasang papel-pananaliksik. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang mas tinatangkilik nila sa mga larawang ipapakita at bakit. Magpakita ng mga larawan o magdala ng mga sumusunod: 1. Isang paketeng shampoo at isang boteng shampoo 2. Prepaid card (PhP 300-500) o pagloload ng tingi (PhP 1-200) 3. Imitation o pekeng produkto tulad ng sapatos/damit/bag/relo/ selfon at tunay na produkto (Halimbawa Adidas vs Abidas/ Nike vs Niek) 4. Mais con yelo at halo-halo Sabihin sa klase na sa araling ito, tatalakayin ang isang akademikong sulatin na kaugnay ng larang o disiplinang Agham Panlipunan. Ilan sa mga disiplinang nakapaloob sa Agham Panlipunan ay ang antropolohiya, arkeolohiya, ekonomiks, heograpiya, agham pampulitika, sikolohiya, sosyolohiya, atbp. Aalamin sa araling ito ang kaugnayan ng mga larawan kanina sa larang ng ekonomiks. Ipabasa sa mga mag-aaral ang artikulong Ekonomiks sa Diwang Pilipino: HaloHalo, Tingi-Tingi at Sari-Sari ni Tereso Tullao, Jr. 111 Mga Kasanayang Pampagkatuto II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Ipalabas sa mga mag-aaral ang kopya ng artikulong Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari Ipasagot ang worksheet na naglalaman ng sumusunod: A. Pamagat ng akademikong sulatin/ papel-pananaliksik B. Bakit isinulat ng mananaliksik ang artikulo? C. Ano ang kahalagahan ng artikulo? D. Ano ang limang pangunahing konsepto sa ekonomiks? E. Paano inilarawan ng mananaliksik ang konsepto ng ekonomiks sa lipunang Pilipino? F. Ano-ano ang patunay na inilahad ng mananaliksik sa paglalarawan ng konsepto ng ekonomiks sa diwang Pilipino? E. Ano ang naging rekomendasyon ng mananaliksik sa kanyang artikulo? Bigyan ng 10-15 minuto ang mga pangkat. Matapos nito, magtawag ng tig-iisang kinatawan ng pangkat upang mag-ulat ng kanilang mga sagot. Matapos ang talakayan, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kaugnayan ng mga ipinakitang larawan sa naunang diskusyon. Mga inaasahang sagot: 1. may kaugnayan sa ekonomiks ang mga larawan 2. kaugnay ito ng mga konseptong tingi, sari-sari at hilig na nakapaloob pa rin sa ekonomiks 112 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Bigyang-diin na ang pag-aaral na isinasagawa sa akademya ay hindi nalalayo sa mga pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino tulad ng nakita sa Sillag Festival ng Humanidades at ngayon sa ekonomiks ng agham panlipunan. III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Balik-aralan ang katangian at nilalaman ng abstrak. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Ipalabas ang abstrak ng Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sariat Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano. Pagkukumparahin ang dalawang tinalakay na mga artikulo at punan ng sagot: Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tigisang magkapareha upang ipresenta ang mga sagot. 113 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Itanong sa mga mag-aaral kung paano nagkapareho at nagkaiba ang dalawang artikulo. Bigyang-diin na ang abstrak ay pare-pareho sa kahit anong disiplina at nagkakaiba-iba lamang batay sa nilalaman ng papel-pananaliksik o artikulo. Takdang-aralin: Pahanapin ang mga mag-aaral ng isang artikulo na nakasulat sa wikang Filipino na saklaw ng disiplina ng Agham Panlipunan (antropolohiya, arkeolohiya, ekonomiks, heograpiya, agham pampulitika, sikolohiya, sosyolohiya, atbp.) na galing sa mga nalathalang dyornal. Kailangang basahin ito nang mabuti at isama rin ang abstrak ng artikulo. Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na dyornal: 1. Social Science Diliman Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/socials ciencediliman/index 2. Philippine Social Science Review Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/in dex 3. Malay Journal http://ejournals.ph/index.php?journal=malay 4. Daluyan Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf Kung walang akses sa internet o sa kahit anumang dyornal, maaaring ipabasa ang papel-pananaliksik na Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto 114 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Ipalahad sa mag-aaral ang mga konseptong natutuhan at naunawaan sa mga gawain at pagsasanay IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Balik-aralan ang mga katangian ng abstrak batay sa mga nakaraang talakayan. Itanong sa mga mag-aaral kung nakapaghanap ba sila ng mga papelpananaliksik o artikulo mula sa mga dyornal. Tumawag ng 2 o 3 mag-aaral upang ibahagi ang pamagat ng nakuhang artikulo. Magpasulat sa isang buong papel ng 200300 salitang abstrak. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat lagyan ng pamagat, ilahad ang kaligiran, layunin ng pag-aaral, metodolohiya, mga natuklasan/ resulta at konklusyon ng pag-aaral. Maaaring gamiting gabay ang abstrak na kasama ng artikulong nahanap. Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng abstrak ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Bigyan ng 20-30 minuto ang mga mag-aaral upang matapos ang abstrak. Kapag natapos na ang mag-aaral sa pagsulat, magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na abstrak ng kaklase upang mas mapaganda pa ang papel. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging 115 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto proseso ng worksyap. 1. Ipabasa ang abstrak nang malakas sa nagsulat. Kailangang makinig ng mga kapangkat upang malaman kung may kamalian sa gramatika, gamit ng salita at iba pa. 2. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng abstrak. 3. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa nabasang abstrak ang mga sumusunod: a. Malinaw ba ang kaligiran ng pag-aaral? b. Nailahad ba ang layunin ng pag-aaral? c. Natukoy ba ang metodolohiyang ginamit sa pag-aaral? d. Natiyak ba ang (mga) kinalabasan ng pag-aaral? e. Malinaw ba ang ibinigay na konklusyon? f. Kung may bahaging hindi malinaw, maaari rin itong itanong sa nagsulat na kaklase. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga mag-aaral na may tatlong miyembro bawat pangkat. Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang abstrak batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon kasama ang abstrak ng artikulong nahanap at ang mismong artikulo. Kahingian sa sulatin: 1. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon. 2. 1 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 116 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto 3. May pamagat, panimula, 1-2 pangungusap tungkol sa kaligiran ng pagaaral, 1-2 pangungusap tungkol sa layunin, 1 pangungusap tungkol sa metodolohiya, 3-4 pangungusap na naglalahad ng mga natuklasan sa pagaaral at 1 pangungusap na nagsasaad ng konklusyon. 117 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Abstrak (Agham Panlipunan) Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat 10 6 3 1 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportaha n ng mga detalyadong impormasyon. May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyon. May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyon. Hindi malinaw ang paksa at ang mga impormasyon. Kahali-halina ang introduksyon, naipakilala nang mahusay ang paksa. Mahalaga at nauukol sa paksa ang mga impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. May introduksyon, mahusay na pagtalakay, at may karampatang pagtatapos o konklusyon. May introduksyon, pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon. Hindi malinaw ang introduksyon, pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kapansinpansin ang kahusayan ng manunulat sa paksa. May intensyon at layunin ang manunulat. May kaalaman ang manunulat sa paksa. May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang kaniyang kaalaman. Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. 118 Katangian Pagpili ng mga angkop na salita Estruktura,G ramatika, Bantas, Pagbabaybay 10 Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop at natural at hindi pilit. Mahusay ang pagkakaayos ng mga salita at pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. 6 Malinaw ang paggamit ng mga salita bagaman sa ilang pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mainam ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap. May kaunting pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Mga Komento at mungkahi 119 3 1 Nasasabi ng Limitado ang manunulat ang paggamit sa nais sabihin, mga salita. bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Nakagagawa ng mga pangungusap na may saysay. Maraming mga pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Hindi maayos ang mga pangungusap at hindi maunawaan. Lubhang maraming pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. ARALIN 5.3: Akademikong Sulatin sa Agham Linggo: 13 Deskripsyon: Pagbasa ng mga akademikong sulatin sa larang o disiplina ng afhamat pagsulat ng abstrak batay sa nabasang papel-pananaliksik. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Magpakita ng iba’t ibang salita at itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahulugan nito o di kaya’y magsabi ng sitwasyon kung kailan ito nagaganap: 1. usog (hindi magandang pakiramdam kapag may bumating hindi kakilala) 2. kaluluwa (humihiwalay sa katawan kapag namamatay) 3. orasyon (mga dasal o mga inuusal ng mga albularyo kapag nanggagamot o nagpapaalis ng sakit) 4. apotekaryo (gumagawa ng halamang gamot o herbalist) 5. bakuna (pagpapaineksyon para maiwasan o magamot ang sakit) Sabihin sa klase na sa araling ito, tatalakayin ang isang akademikong sulatin na kaugnay ng larang o disiplinang Agham. Ilan sa mga disiplinang nakapaloob sa Agham ay ang biolohiya, kemistri, pisika, agham pangmundo o earth science, matematika, agham pangkompyuter, inhenyeriya, medisina atbp. Ipabasa sa mga mag-aaral ang artikulong Paggamot, Medisina, at Wika ni Enrico Azicate 120 Mga Kasanayang Pampagkatuto II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Ipalabas sa mga mag-aaral ang kopya ng artikulong Paggamot, Medisina, at Wika. Ipasagot ang worksheet na naglalaman ng sumusunod: A. Pamagat ng akademikong sulatin/ papel-pananaliksik B. Bakit isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral? C. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik? D. Paano isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral? E. Ano-ano ang tradisyon ng paggamot sa Pilipinas? F. Batay sa pananaliksik, ano ang pagkakaiba ng mga tradisyon ng paggamot sa Pilipinas? E. Batay sa mananaliksik, ipaliwanag ang relasyon wika, kultura at paggamot/ medisina. Bigyan ng 10-15 minuto ang mga pangkat. Matapos nito, magtawag ng tigiisang kinatawan ng pangkat upang magulat ng kanilang mga sagot. Bigyang-diin na ang pag-aaral na isinasagawa sa akademya at pinapaksa sa akademikong sulatin ay hindi nalalayo sa mga pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino tulad ng nakita sa humanidades at agham panlipunan. 121 Mga Kasanayang Pampagkatuto III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Balik-aralan ang katangian at nilalaman ng abstrak. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha. Ipalabas ang abstrak ng kopya ng Paggamot, Medisina, at Wika ni Enrico Azicate at Wika, Astronomiya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomikoni Dante Ambrosio, at Paggamot, Medisina, at Wika ni Dante Ambrosio. Pumili lamang ng isang artikulo at gagawan ito ng abstrak. Bigyan ng 10-15 minuto para makapagsulat ng abstrak ang mga magaaral. Pagkatapos ng gawain, tumawag ng tigdalawang magkapareha para sa isang artikulo upang ipresenta ang nabuong abstrak. Unang babasahin ang tungkol sa abstrak ng Paggamot, Medisina, at Wika. Itanong sa mga mag-aaral kung nasabi na ng dalawang magkapareha ang dapat lamanin ng abstrak. Tumawag naman ng tig-dalawang magkapareha para sa Wika, Astronomiya, 122 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko. Pagkumparahin ang sagot ng mga magkapareha at itanong sa klase kung nasabi na ang dapat lamanin ng abstrak. Bigyang-diin na ang paggawa ng abstrak ay hindi lamang nakalimita sa mga papelpananaliksik kundi maging sa mga artikulo na nalathala sa mga libro. Takdang-aralin: Pahanapin ang mga mag-aaral ng isang artikulo na nakasulat sa wikang Filipino na saklaw ng disiplina ng agham (biolohiya, kemistri, pisika, agham pangmundo o earth science, matematika, agham pangkompyuter, inhenyeriya, medisina atbp.) na galing sa mga nalathalang dyornal. Kailangang basahin ito nang mabuti at isama rin ang abstrak ng artikulo. Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na dyornal: 1. Social Science Diliman Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/socia lsciencediliman/index 2. Humanities Diliman Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/huma nitiesdiliman 3. Philippine Social Science Review Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/i ndex 4. Malay Journal http://ejournals.ph/index.php?journal=mal ay 5. Daluyan Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf Kung walang akses sa internet o sa kahit 123 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto anumang dyornal, maaaring ipabasa ang hindi ginawan ng abstrak na papelpananaliksik . Ipalahad sa mag-aaral ang mga konsepto na dapat naintindihan at naunawaan. IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Balik-aralan ang mga katangian ng abstrak batay sa mga nakaraang talakayan. Itanong sa mga mag-aaral kung nakapaghanap ba sila ng mga papelpananaliksik o artikulo mula sa mga dyornal. Tumawag ng 2 o 3 mag-aaral upang ibahagi ang pamagat ng nakuhang artikulo. Magpasulat sa isang buong papel ng 200300 salitang abstrak. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat lagyan ng pamagat, ilahad ang kaligiran, layunin ng pag-aaral, metodolohiya, mga natuklasan/ resulta at konklusyon ng pag-aaral. Maaaring gamiting gabay ang abstrak na kasama ng artikulong nahanap. Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng abstrak ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Bigyan ng 20-30 minuto ang mga mag-aaral upang matapos ang abstrak. Kapag natapos na ang mag-aaral sa pagsulat, magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na abstrak ng kaklase upang mas 124 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto mapaganda pa ang papel. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap. 1. Ipabasa ang abstrak nang malakas sa nagsulat. Kailangang makinig ng mga kapangkat upang malaman kung may kamalian sa gramatika, gamit ng salita at iba pa. 2. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang nagsulat ng abstrak. 3. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa nabasang abstrak ang mga sumusunod: a. Malinaw ba ang kaligiran ng pag-aaral? b. Nailahad ba ang layunin ng pag-aaral? c. Natukoy ba ang metodolohiyang ginamit sa pag-aaral? d. Natiyak ba ang (mga) kinalabasan ng pag-aaral? e. Malinaw ba ang ibinigay na konklusyon? f. Kung may bahaging hindi malinaw, maaari rin itong itanong sa nagsulat na kaklase. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga mag-aaral na may tatlong miyembro bawat pangkat. Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na irebisa ang kanilang abstrak batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon kasama ang abstrak ng artikulong nahanap at ang mismong artikulo. Kahingian sa sulatin: 1. Lagyan ng pangalan, baitang at 125 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto seksyon. 2. 1 pahina na laktaw-laktaw (maaaring kompyuterisado o sulat kamay) 3. May pamagat, panimula, 1-2 pangungusap tungkol sa kaligiran ng pagaaral, 1-2 pangungusap tungkol sa layunin, 1 pangungusap tungkol sa metodolohiya, 3-4 pangungusap na naglalahad ng mga natuklasan sa pagaaral at 1 pangungusap na nagsasaad ng konklusyon. Ipasagot ang panghuling pagsusulit. 126 Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat Gawain sa Pagsulat: Abstrak (Agham) Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________ Katangian Pokus at Detalye Organisasyon Tinig ng Manunulat 10 6 3 1 May isang malinaw at tiyak na paksa, na sinusuportaha n ng mga detalyadong impormasyon . May isang malinaw at tiyak na paksa, ngunit hindi detalyado ang mga suportang impormasyo n. May introduksyon , mahusay na pagtalakay, at may karampatang pagtatapos o konklusyon. May isang paksa. Hindi gaanong malinaw ang mga suportang impormasyo n. Hindi malinaw ang paksa at ang mga impormasy on. May introduksyon , pagtalakay, at pagtatapos o konklusyon. Hindi malinaw ang introduksyo n, pagtalakay sa paksa, at ang pagtatapos o konklusyon . May intensyon at layunin ang manunulat. May kaalaman ang manunulat sa May kaunting kalinawan sa intensyon at layunin ng manunulat. Limitado ang Hindi malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kawili-wili ang introduksyon, naipakilala nang mahusay ang paksa. Mahalaga at nauukol sa paksa ang mga impormasyon na ibinahagi sa isang maayos na paraan. Mahusay ang pagtatapos o konklusyon. Malinaw ang intensyon at layunin ng manunulat. Kapansinpansin ang kahusayan ng manunulat sa 127 paksa. paksa. Malinaw ang paggamit ng mga salita. Angkop at natural at hindi pilit. Malinaw ang paggamit ng mga salita bagaman sa Pagpili ng mga ilang angkop na salita pagkakataon ay hindi angkop at natural. Mahusay ang Mainam ang pagkakaayos pagkakaayos ng mga salita ng mga salita at at pangugusap. pangungusap . May Estruktura,Gramatik Walang pagkakamali kaunting a, Bantas, sa gramatika, pagkakamali Pagbabaybay bantas at sa gramatika, baybay. bantas at baybay. Mga Komento at mungkahi 128 kaniyang kaalaman. Nasasabi ng manunulat ang nais sabihin, bagaman walang baryasyon sa paggamit ng mga salita. Nakagagawa ng mga pangungusap na may saysay. Maraming mga pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay. Limitado ang paggamit sa mga salita. Hindi maayos ang mga pangungusa p at hindi maunawaan . Lubhang maraming pagkakamal i sa gramatika, bantas at baybay. KABANATA 5 PANGHULING PAGSUSULIT I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa) ____1. Ang abstrak ay buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. ____2. Maaaring hindi na isama sa abstrak ang konklusyon dahil makikita na ito sa mismong papel-pananaliksik. ____3. Layunin ang pinakamahalagang bahagi ng papel-pananaliksik kaya ito ang dapat mauna sa pagsulat ng abstrak. ____4. Ginagamit na ang wikang Filipino sa mga akademikong sulatin sa humanidades, agham panlipunan at agham kaya masasabing ito ay isang intelektwal na wika. ____5. Batay sa mga mananaliksik, ang Sillag Festival ay maikukumpara sa isang sinag na kakikitaan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. ____6. Nakuha ng Sillag Festigal ang pangalan nito sa sil-lag na nangangahulugang sinag ng buwan. ____7. Batay kay Samuelson, ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na natutungkol sa pamamahagi ng iba’t iba ngunit limitadong yaman upang tugunan ang paparami at walang hanggang hilig ng tao. ____8. Ang tingi, halo-halo at sari-sari ay mga katutubong konsepto ng ekonomiks sa lipunang Pilipino. ____9. Sa tradisyong Hudeyo-Kristiyano, ang tao ay binubuo ng katawan at kaluluwa lamang. ____10. Tradisyong Awstronesyano o katutubo ang pinakamatatag at pinakatamang tradisyon ng paggamot sa Pilipinas. II. PAGPILI NG SAGOT. Piliin ang titik ng tamang sagot.(2 puntos bawat isa) 1. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak? A. may iisang talata lamang B. binubuo ng 200-300 salita C. nagsusuma ng akademikong sulatin 2. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades? A. biolohiya B. heograpiya C. linggwistiks 129 3. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan? A. panitikan B. sikolohiya C. arkeolohiya 4. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko”? A. agham at humanidades B. agham at agham panlipunan C. agham panlipunan at humanidades 5. “Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik ang isinaad sa itaas na hango sa abstrak ni Tereso Tullao, Jr.? A. layunin B. metodolohiya c. kaligiran ng pag-aaral 6. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon? A. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina. B. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at kultura. C. Marapat lamang na sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga Pilipinong propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri. 7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang Pilipino? A. pagbibigay ng pasa load B. panonood ng mga telenobela C. pagmamano sa mga nakatatanda 8. Alin sa mga sumusunod ang masasabing may kahulugan saSillag Festival bilang pagkakakilanlan ng La Union? A. adobo B. bulalo 130 C. pinakbet 9. Ano ang pagkakaiba ng tradisyong katutubo at tradisyong siyentipiko sa paggagamot? A. Mga katutubong Pilipino ang manggagamot sa tradisyong katutubo habang mga prayle naman ang manggagamot sa tradisyong siyentipiko. B. Sa tradisyong katutubo, ang sakit ay maaring sa katawan, ginhawa at kaluluwa habang sa tradisyong siyentipiko ang sakit ay sa katawan lamang. C. Ginagamit ang mga halaman at orasyon sa tradisyong Awstronesyano bilang gamot habang bakuna lamang ang itinuturing na gamot sa tradisyong siyentipiko. 10. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya? A. pambansang wika ang wikang Filipino B. intelektwalisado na ang wikang Filipino C. marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino II. PAGSULAT NG ABSTRAK. Sumulat ng abstrak na binubuo ng 5-7 pangungusap na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. (30 puntos). Pamantayan sa Paggrado a. Nilalaman- 10 puntos b. Organisasyon- 10 puntos c. Wika- 10 puntos Direksiyong Historikal ng mga Pag-aaral Panggramar ng mga Wikang Timog Bisaya Kalakip ang Parsiyal na Anotasyon ng Ilang Sulatin sa Gramatika mula 1960 – 2015Francisco B. Bautista, Jr. Sa papel na ito, may pagtatangkang ilahad ang direksiyong historikal ng mga gramatikal na pag-aaral sa mga wikang Timog Bisaya (i.e. Sebwano, Tausug, Surigaonon, Butuanon) mula sa taong 1900 hanggang kasalukuyan. Gamit ang freymwurk ni Gonzales-Garcia (2011) sa pagkaklasipika ng mga meyjor na trend sa Filipino/Tagalog, dinalumat ang kalakhan ng mga lawas ng teksto upang matiyak na ang mga representatibong teksto sa bawat panahon ay maitatampok. Sa mga wikang nakapaloob sa sangay na pinagaralan, lumalabas na malaki ang diperensya ng mga sulatin ukol sa Sebwano kumpara sa mga kapatid nitong wika. Magkagayunman, kahit ang Sebwano ay nakapagtala rin ng mas kaunting bilang ng pag-aaral kung ihahanay sa mga pangunahing wika sa bansa base sa imbentaryong isinagawa nina Blake (1920), Asuncion-Landé (1971), 131 atbp. kung saan ito ay bumubuo lamang sa 1 hanggang 7 porsiyento ng lahat ng mga nasarbey na sulatin. Ipinakita ng paglalahad ng progresong historikal na malinaw ang pagkakasalin-salin ng interes pagdating sa pag-aaral ng wika. Ang naging direksiyon ay mula sa masidhing kagustuhan ng mga misyonero na ipalaganap ang Kristiyanismo tungo sa mas akademikong lapit ng mga katutubo at dayuhang iskolar. Mayroong iba’t ibang motibasyon ang paglalathala ng mga papel katulad ng pagbuo ng politikal na impluwensiya sa komunidad pangwika at ng komersiyal nitong halaga lalo na kung ang target na mambabasa ay mga dayuhang nag-aaral ng katutubong wika. Upang maging katuwang ng kapwa mananaliksik, isang parsiyal na anotasyon ng mga piling kontemporaneong sulatin sa gramatika (mula 1960 hanggang kasalukuyan) ang inilakip sa tekstong ito. Sanggunian: Bautista, Francisc Jr. “Direksiyong Historikal ng mga Pag-aaral Panggramar ng mga Wikang Timog Bisaya Kalakip ang Parsiyal na Anotasyon ng Ilang Sulatin sa Gramatika mula 1960 hanggang 2015.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino 21.1 (2015): 7-31. 132 MGA SAGOT I. 1.Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Tama 6. Tama 7. Tama 8. Tama 9. Mali 10. Mali II. 1. C 2. C 3. A 4. A 5. A 6. B 7. C 8. C 9. B 10. B 133 PAGGAWA NG PORTFOLIO Linggo: 19 at 20 Deskripsyon: Pagtitipon ng iba’t ibang akademikong sulatin ng mag-aaral sa isang portofolio at pagsulat ng bionote o tala tungkol sa awtor. I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Magpaikot sa mga mag-aaral ng mga portfolio na naglalaman ng iba’t ibang akademikong sulatin. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang napansin nila sa mga portfolio. Tanggapin ang lahat ng sagot. II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Sabihin sa mga mag-aaral na tapos na ang talakayan sa iba’t ibang mga akademikong sulatin. Kailangang tipunin ang mga sulating ito sa isang portfolio. Ang mga bahagi ng portfolio ay ang mga sumusunod: 1. Bionote o Tala tungkol sa awtor 2. Talaan ng Nilalaman 3. Buod 4. Balangkas 5. Katitikan 6. Talumpati 7. Posisyong Papel 8. Lakbay-sanaysay 9. Replektibong sanaysay 10. Abstrak 1 (Humanidades) 11. Abstrak 2 (Agham Panlipunan) 12. Abstrak 3 (Agham) Sabihin sa mga mag-aaral na natalakay na 134 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto ang lahat ng mga uri ng akademikong pagsulat maliban sa isa, ang bionote o tala tungkol sa awtor. Ipaliwanag na ang bionote o tala tungkol sa awtor ay maikling pagpapakilala sa manunulat. Nilalaman nito ang kapanganakan, karaniwan itong nasa ikatlong panauhan. Naglalaman ng mahahalagang tala tungkol sa pinagaralan ng manunulat, mga karangalang natamo at mga interes sa buhay o pagaaral. Hindi ito lumalampas sa isang pahina. III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Ipakuha ang kopya ng bionote o tala tungkol sa awtor na sina Bienvenido Lumbera at Virgilio Almario. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha at suriin kung ano-ano ang nilalaman ng dalawang bionote. Batay sa nilalaman, sumulat ng sariling bionote. Isusulat ito sa isang buong papel at isasama sa portfolio. Maaari din itong kompyuterisado at hindi lalagpas ng isang pahina. Hindi na kailangan ikritik ito. Maaari itong ipauwi sa mag-aaral kung hindi natapos. Takdang-aralin: Magdala ng mga kagamitan para sa portfolio (maaaring lumang magasin o folder, pandikit at gunting) 135 Mga Kasanayang Pampagkatuto IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Ibalik sa mga mag-aaral ang mga akademikong sulatin na isinulat sa isang buong semestre. Sabihin sa mga mag-aaral na tingnan ang komento ng mga guro ukol sa isinulat na akademikong sulatin. Maaari nilang irebisa ang mga akademikong sulatin batay sa komento ng guro. Tipunin ang mga sulatin sa isang portfolio. Sabihin sa mga mag-aaral na maging malikhain sa paggawa ng portfolio at dapat ito ay kaaya-aya sa paningin ng babasa. Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat ang pagkakasunod-sunod nito ay: 1. Bionote o Tala tungkol sa awtor 2. Talaan ng Nilalaman 3. Buod 4. Balangkas 5. Katitikan 6. Talumpati 7. Posisyong Papel 8. Lakbay-sanaysay 9. Replektibong sanaysay 10. Abstrak 1 (Humanidades) 11. Abstrak 2 (Agham Panlipunan) 12. Abstrak 3 (Agham) Umikot sa silid-aralan habang gumagawa ng portfolio ang mga mag-aaral upang magabayan sila. Bigyan ng 20-30 minuto ang mga mag-aaral upang matapos ang portfolio. Kapag natapos na ang mag-aaral sa paggawa ng portfolio, magkakaroon 136 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto ng pagki-kritik ng portfolio ang kaklase upang mas mapaganda ito. Ilahad sa mga mag-aaral ang magiging proseso ng worksyap. 1. Ipakita ang portfolio sa mga kaklase. 2. Pumili ng isang tagapagpadaloy sa pangkat ngunit hindi dapat ang gumawa ng portfolio. 3. Itatanong ng tagapagdaloy ang mga komento ng mga kapangkat tungkol sa portfolio: a. Maayos ba ang pagkakasunodsunod ng nilalaman? b. Narebisa ba ang nilalaman batay sa komento ng guro? c. Naging malikhain ba ang ginawang portfolio? d. Kaaya-aya ba para sa mambabasa ang kabuuang hitsura ng portfolio? e. Kung may iba pang komento, maaari rin itong sabihin sa gumawa ng portfolio. 4. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng pangkat. Hatiin sa pangkat ang mga mag-aaral na may tatlong miyembro bawat pangkat. Pagkatapos ng worksyap, sabihin sa mga mag-aaral na ayusin ang kanilang portfolio batay sa mga komento ng kanilang kaklase. Ipapasa ito sa guro sa susunod na sesyon. Kahingian sa portfolio: 1. Malikhain 137 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto 2. Kumpleto ang nilalaman (Bionote o Tala tungkol sa manunulat, Talaan ng Nilalaman, Buod, Balangkas, Katitikan, Talumpati, Posisyong Papel, Lakbay-sanaysay, Replektibong sanaysay, Abstrak 1 (Humanidades), Abstrak 2 (Agham Panlipunan), Abstrak 3 (Agham)) 3. Narebisa batay sa mga komento ng guro at kaklase. Kolektahin ang portfolio ng mga mag-aaral. 138 Gabay sa Pagmamarka ng Porftolio 10 8 6 4 Mahusay at Epektibong Maayos na May epektibong nailalahad ang nailalahad ang kakulangan nailalahad ang mga ideya mga ideya sa mga ideya (Daloy ng mga ideya Nasunod ang Nasunod ang Hindi ideya at karamihan ng ilan sa mga nasunod ang Nasunod ang pagrerebisa sa lahat ng mga mga mungkahing mga iba’t ibang uri mungkahing mungkahing rebisyon mungkahing ng rebisyon rebisyon rebisyon akademikong sulatin) NILALAMAN Lohikal at Masinop ang May Hindi masinop ang pagkakaayos pagtatangkan naisaayos pagkakaayos sa iba’t ibang g maging nang mabuti (pagkakasuno sa iba’t ibang akademikong masinop sa ang iba’t d-sunod at akademikong sulatin pagkakaayos ibang elementong sulatin sa iba’t ibang akademikong nag-uugnay sa May malinaw May akademikong sulatin akademikong sulatin na elementong Walang sulatin ) elementong nag-uugnay sa May pagkakaugna nag-uugnay sa iba’t ibang pagtatangkan y-ugnay ang iba’t ibang akademikong g maglagay iba’t ibang akademikong sulatin ng akademikong sulatin elementong sulatin Kumpleto ang Kumpleto ang nag-uugnay sa Hindi iba’t ibang lahat ng lahat ng kumpleto akademikong akademikong akademikong ang mga sulatin sulatin sulatin akademikong Kumpleto ang sulatin lahat ng akademikong sulatin ORGANISASYON MALIKHAIN (kabuuang anyo ng portfolio) Kaaya-ayang Malikhaing May Hindi naging at malikhaing naipresenta pagtatakang kaayaya at naipresenta ang mga maging malikhain sa ang mga akademikong malikhain sa pagpepresent akademikong sulatin pagpepresenta a ng mga sulatin ng mga akademikong akademikong sulatin sulatin 139