Uploaded by B18 Miranda Lord Dale Andrew

pdf 20230208 013436 0000

advertisement
ISYU I
PROYEKTO SA AP
PEBRERO 2023
EKOSOLUSYON
GDP NG PILIPINAS TUMAAS NG 7.2% SA Q4 2022;
NAGRERESULTA NG 7.6% TAUNANG PAGLAGO
Kung ikukumpara sa Q4 ng
2021 na may GDP rate na 7.8%,
mas mabagal ang paglago ng
Q4 2022 ng 0.6% ngunit
gayunpaman, nahigitan nito ng
malaking porsyento ang 6.6%
na kinalkulang median estimate
ng Bloomberg at ito ang ikapitong magkasunod na quarter
na may malaking paglago
simula noong Q2 2021.
Sa pagtatapos ng taong
2022, ang taunang paglago na
7.6%
ay
nahigitan
ang
inaasahang 6.5 hanggang 7.5%
para sa buong taon.
By Dale Miranda
MANILA,
Philippines
-Noong Enero 26, 2023,
iniulat ng Undersecretary
ng
Philippine
Statistics
Authority o PSA na si
Dennis S. Mapa, Ph.D. sa
isang pagpupulong ang
kalagayan
ng
ating
ekonomiya sa ika-apat na
quarter ng taong 2022. Sa
kabila
ng
mataas
na
inflation rate, makikita sa
inilabas na datos na ang
GDP noong Q4 2022 ay
lumago ng 7.2% at dahil
dito, ang taunang paglago
sa buong taon ay umabot
ng 7.6% base sa constant
prices ng 2018.
Sa Q1 2022, ang ekonomiya
ng Pilipinas ay lumago ng 8.3%
dahil sa mas maluwag na
quarantine
restrictions
na
nakaimpluwensiya sa matatag
na
pagtaas
sa
aspetong
panglibang at turismo sa bansa.
Pagdating ng Q2 2022, makikita
ang malaking pagbagal ng GDP
na umabot ng 7.4% dahil sa
pagtaas ng inflation rate na
naramdaman
ng
lahat
ng
mamimili. Makikitang bumilis muli
ang growth rate sa pagdating ng
Q3 2022 na mayroong GDP rate
na 7.6% dahil sa pagdami ng
bumibili ng ari-ariang bahay at
lupa,
paglakas
ng
pagmamanupaktura, at pagtaas
ng departamentong insurance
sa bansa.
“This robust fourth quarter
growth implies a 7.6% full-year
growth that exceeds the
Development
Budget
Coordination
Committee’s
target of 6.5 to 7.5% for the
year,” ang sabi ni National
Economic and Development
Authority or NEDA Secretary
Arsenio Balisacan.
Sinabi rin ni Balisacan na
kung hindi ganito kataas ang
inflation rate ngayon, mas
mataas pa sana ang makukuha
nating GDP rate para sa taong
2022. Gayunpaman, iniulat ni
Baliscan
na
malakas
ang
kaniyang loob na mananatili ang
malaking paglago ng ating
ekonomiya sa mga susunod na
taon.
ISYU I
PROYEKTO SA AP
PEBRERO 2023
8.1% INFLATION
RATE NG
DISYEMBRE 2022;
PINAKAMATAAS
MULA NOBYEMBRE
2008
Nang magsimula ang taon, inilabas ng
Philippine Statistics Authority o PSA ang
inflation rate ng mga produkto at serbisyo ng
Disyembre. Ayon sa datos na kanilang iniulat
ni National Statistician at PSA chief Claire
Dennis Mapa, ang inflation rate ng Disyembre
sa taong 2022 ay umabot ng 8.1%. Ito ang
pinakamabilis na pagtaas mula pa noong 9.1%
ng Nobyembre 2008.
Sabi ni Mapa, “Ang pangunahing dahilan
ng mas mataas na antas ng inflation nitong
Disyembre 2022 kaysa noong Nobyembre
2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng
presyo
ng
Food
and
Non-Alcoholic
Beverages.”
Iniulat din ni Mapa na 10.2% ang antas
ng inflation sa Food and Non-Alcoholic
Beverages Index na nagdulot ng 38.9%
pagtaas sa panhalatang komputasyon ng
inflation.
LUMOBO SA 32.4% ANG
INFLATION RATE SA MGA
PRODUKTONG
PANG-AGREKULTURA;
PINAKAMATAAS MULA 1999
Ang inflation rate rin sa mga prutas,
gulay, at iba pa noong Disyembre 2022 ay
umabot ng 32.4% — Ito ang pinakamataas na
datos matapos ang 44% ng Pebrero 1999.
Sabi ng National Economic and
Development Authority o NEDA chief Arsenio
Balisacan, “The government will continue to
prioritize the addressing impact of inflation as
it remains to be a challenge not only in the
country, but throughout the globe."
ISYU I
PROYEKTO SA AP
PEBRERO 2023
"PINAKAMAHAL NA SIBUYAS SA BUONG MUNDO";
MAS MAHAL PA SA KARNE
Ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas ay mabilis na tumataas nitong nakaraang buwan. Sa sobrang taas ng
presyo nito, ilang kilo ang illegal na ipinupuslit sa bansa araw-araw. Kahit pa sabihin na bumababa na ang presyo
dahil sa pag-import at dahil sa pagong ani ng mga magsasaka, ang presyo noong 600 pesos kada kilo na naging
350-400 kada kilo na lamang ngayon ay masyado paring mataas para sa karamihan ng mamimili. Kaya paano ba
naging ganito kalaki ang presyo ng sibuyas at ano ang mga nakaapekto sa pagtaas ng presyo nito?
Simula Hulyo palang ng taong 2022, nagkaroon na ng kakapusan ng sibuyas sa bansa. Ang lokal na
produksyon nito ay patuloy na bumagsak dahil sa mga impestasyon at sa karaniwang pag-ulan dulot ng mga
bagyo na nakasira sa mga pananim ng mga magsasaka. Kapag nangyayari ang mga ganitong bagay, karaniwan
tayo ay nagi-import lamang mula sa ibang mga bansa ngunit dahil sa utos ng Department of Agriculture na pigilan
ang pag-import, nagkaroon ng kakulangan ng sibuyas sa bansa. Dahil hindi makasabay ang suplay nito sa
demand, lumobo nang lumobo ang presyo nito at naging luho ang pagbili ng sibuyas para sa mga Pilipino.
BAWANG ANG
KASUNOD?
PRESYO NG ITLOG
SUMISIRIT
Sa dahan-dahang pagmura
ng
sibuyas,
inaasahang
bumalik sa dati muli ang
pagluluto ng ulam sa bawat
kusina ngunit napansin ng
ilang mamimili na dahandahang tumataas ang presyo
ng bawang.
Iniulat ng Philippine Egg
Board
Association
na
nagaganap ang pagtaas sa
presyo ng itlog kahit wala
namang kakulangan sa suplay
dahil sa paglobo ng presyo sa
mga pakain sa manok.
Ito na ba ang kasunod ng
sibuyas?
"YOUR SUGAR
YES, PLEASE!"
Pagkatapos ng kakulangan
sa suplay ng asukal noong
Setyembre hanggang Oktubre,
dahan-dahang bumalik sa dati
ang presyo ng asukal pagsapit
ng Nobyembre at Disyembre.
95 pesos per kilo na lamang
ang refined sugar.
Department of Agriculture,
nakabantay na sa presyo.
ISYU I
PROYEKTO SA AP
PEBRERO 2023
PH
UNEMPLOYMENT
RATE — PINAKAMABABA
MULA 17 NA TAON ANG
NAKAKALIPAS
Ayon sa iniulat ng PSA noong
Enero 6, 2023, ang unemployment
rate sa bansa ay umabot lamang ng
4.2% noong Nobyembre 2023. Ang
pagbaba ng unemployment rate ay
masasabing magandang bagay dahil
dumadami ang mga Pilipinong may
trabaho na nagdudulot ng pagtaas sa
lakas-paggawa sa ating bansa.
Iniulat din ng PSA na ang antas sa
pakikilahok sa lakas-paggawa ay
tumaas at umabot sa 67.5% noong
Nobyembre. Ibig sabihin nito na 95.8%
ng lakas-paggawa ay may trabaho at
49.71 milyong Pilipinong may edad na
labinlimang taong gulang pataas ay
mayroong trabaho.
“The strong labor market signifies
the steady recovery of our economy,”
sabi ni NEDA Secretary Arsenio
Balisacan.
5.6 MILYONG PILIPINO ANG NAGHIHIRAP AYON SA
DSWD
Noong Nobyembre 2022, inilabas ng
Department
of
Social
Welfare
and
Development o DSWD ang Listahanan 3 o
The 3rd Round Nationwide Household
Assessment. Batay sa datos na nalikom dito,
5.6 milyong Pilipino ang naghihirap. Ang
bilang na ito ay mas mataas kumpara sa 5.2
milyon noong taong 2015.
Sinasabi ng DSWD Information Technology
director Andrew Ambubuyog na ang pagtaas
nito ay dahil sa pagkatanggal sa trabaho ng
maraming Pilipino nang mag pandemya.
Batay sa datos na nalikom, 2/5 na Pilipino
ang naghihirap o 27% ng kabuoang
populasyon ng Pilipinas.
ISYU I
PROYEKTO SA AP
PEBRERO 2023
PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN (PDP) PARA SA
TAONG 2023-2028, PINIRMAHAN NI PBBM
Pinirmahan ni Pangulo Ferdinand R.
Marcos Jr. ang executive order na
nagsasaad
ng
Philippine
Development Plan para sa taong
2023-2028. Ang PDP ay ang
pangalawang “medium-term plan” na
pinirmahan ni PBBM na kabilang sa
AmBisyon Natin 2040.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R.
Marcos Jr. noong Disyembre, “We
approved
the
Philippine
Development Plan for 2023 to 2028
and this sets out the framework of
the development plan for the
Philippines and we have included all
of the priority areas. This will
facilitate the coordination and the
alignment of all departments and all
agencies in the government to a
single plan so that we are all working
in the same direction.”
Ang PDP na ito ay makakatulong sa AmBisyon
Natin 2040 na may layuning magkaroon ng
matatag, maginhawa, at panatag na buhay ang
bawat pamilyang Pilipino sa susunod na 25 na
taon.
Ito
rin
ay
kasama
sa
8-Point
Socioeconomic Agenda ni Marcos na may
layunin naman “(To) reinvigorate job creation and
accelerate poverty reduction while addressing
the issues brought by the COVID-19 pandemic.”
"I ENCOURAGE THE PUBLIC TO PAY THE
CORRECT AMOUNT OF TAXES ON TIME" - PBBM
"I encourage the public to pay the correct amount of
taxes on time to support the country's economic
recoery and expansion so critical in this time," iniulat ng
pangulo sa isang kampanya ng Bureau of Internal
Revenue o BIR sa lungsod ng Pasay.
Nilinaw ni Pangulong Marcos na gagamitin ang buwis
na malilikom para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.
Idinagdag ni Marcos, "It is my confidence that you will
continue to cooperate, collaborate, and coordinate with
the government on how to improve the experience of
our tax collection system."
ISYU I
PROYEKTO SA AP
PEBRERO 2023
SINUPORTAHAN NI MARCOS ANG PAGTAAS NG
BUWIS SA MGA LUXURY GOODS
Ngayong Pebrero 8, 2023,
ipinakita ni Pangulong Ferdinand
"Bong Bong" Marcos Jr. ang
suporta niya para sa House Bill
6993 na nagnanais taasan ang
buwis sa mga luxury goods ng 20
hanggang 25%.
"Kung titignan ninyo, 'yung luxury
items, mga magagarang kotse,
mga designer na damit at saka
mga bag lahat, hindi nagbabago
ang presyo niyan dahil may kaya
ang mga bumibili. So, palagay ko
naman, it's reasonable that we
will tax the consumption side of
those luxury items," wika ni
Marcos.
2 BILYONG DOLYAR NA DURIAN EXPORT DEAL SA
TSINA, KASADO NA
Ang $2-B export deal ng durian at iba pang
mga tropikal na prutas na pinaghahandaan ng
Department of Agriculture kamakailan lang ay
kasado na.
Bumisita rin ang ilang kasapi ng Tsina para sa
"phytosanitary requirements for the export of
fresh durians from the Philippines to China."
Para sa export deal na ito, 14 ang bilateral
agreements na pinirmahan ni Pangulong
Marcos at nagkaroon din ng 'Durian Protocol'
sa pag-export natin ng durian.
Sa iniulat ng DA, nais pa nilang palakasin ang
produksyon ng Grade-A durian kasama ang
Bureau of Plant Industry at High Value Crops
Development Program.
Download