Uploaded by Christoper Gyro Magbaleta

ANG KAAYUSAN NG MISA

advertisement
ANG KAAYUSAN NG MISA
__________________________________
Ang Paghahanda
Maaring awitin o sabihin ang isang salmo, imno o awit habang pumapasok ang mga Ministro. Lahat ay
nakatayo. Haharap ang Pari sa Bayan at sasabihin niya:
Pari:
Bayan:
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
AMEN.
(o)
Pari:
Bayan:
Pagpalain nawa ng Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo.
At pagpalain nawa ang Kanyang kaharian: ngayon at magpakailanman. AMEN.
Pari:
Makapangyarihang Diyos, lahat ng puso ay nakahayag sa Iyo, lahat ng nasa’t
hangarin ay nababatid Mo, at walang lihim na nalilingid sa Iyo: linisin Mo ang
aming mga puso sa pamamagitan ng Iyong Espiritu Santo, upang kami’y tapat na
umibig sa Iyo, at marapat na pumuri sa Iyong Banal na Pangalan; sa pamamagitan
ni Kristong aming Panginoon.
AMEN.
Bayan:
Maaaring sabihin:
Diyakono:
Pakinggan ninyo ang sinasabi ng ating Panginoong Hesukristo: “Ibigin mo ang
iyong Panginoong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong isip at nang buo
mong lakas.” Ito ang una at dakilang utos. At ang pangalawa ay tulad ng una:
“Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili.” Sa dalawang utos na ito ay
nababatay ang buong Kautusan at mga Propeta.
Ang mga sumusunod na Kaayusan ng Pangungumpisal ay maaaring kaligtaan subalit dapat gamitin
minsan sa loob ng isang Linggo, at sa mga Araw ng Pag-aayuno o Pagsisisi.
Diyakono
o Pari:
Pagsisihan natin ang ating mga pagkakasala sa Diyos at sa ating kapwa.
Lahat ay luluhod. Saglit na tumahimik.
Lahat:
Kami’y nangungumpisal sa Iyo, O Diyos na makapangyarihan, sa lahat ng mga
Santo, at sa isa’t-isa na kami’y nagkasala sa aming naisip, sa aming nasabi, sa
aming mga nagawa, at sa nakaligtaan naming gawin; at ito’y sarili naming
kamalian. Kaya isinasamo namin sa Iyo, O Diyos, na kaawaan kami,
at sa lahat ng Santo na ipanalangin kami sa Iyo Panginoong Diyos. AMEN.
Ang Obispo (kung dumalo) o ang Pari ay tatayo at haharap sa Bayan.
Pari:
Bayan:
Kaawaan kayo (tayo) ng Makapangyarihang Diyos, patawarin kayo (tayo) sa
inyong (ating) mga kasalanan, at patnubayan kayo (tayo) sa buhay na walang
hanggan, sa pamamagitan ni Hesukristong ating Panginoon.
AMEN.
Lahat ay tatayo. Aawitin o sasambitin ng mga Ministro at Bayan ang Panginoon, Maawa ka. Ito’y
maaaring kaligtaan kung sasambitin o aawitin ang Luwalhati.
Panginoon, Maawa ka
Pari:
Bayan:
Pari:
Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Bayan:
Pari:
Bayan:
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Pari:
Bayan:
Pari:
Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Sa lahat ng Linggo (maliban sa mga Linggo ng Adbiyento at Kuwaresma), sa buong panahon ng
Kapaskuhan at Pagkabuhay, at sa mga Kapistahan, aawitin o sasambitin ang Luwalhati. Maaaring
gamitin, sa halip nito, ang TeDeum o isang Awit ng Papuri.
Luwalhati sa Kaitaasan
Lahat:
Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan,
at kapayapaan sa Kanyang mga tao sa kalupaan.
Panginoong Diyos, haring makalangit,
Makapangyarihang Diyos at Ama,
sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka namin,
pinupuri Ka namin, dahil sa Iyong kaluwalhatian.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Ama,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
tanggapin Mo ang aming panalangin.
Sapagkat Ikaw lamang ang tanging banal,
Ikaw lamang ang Panginoon,
Ikaw lamang ang kataas-taasang Hesukristo,
kasama ang Espiritu Santo,
sa kaluwalhatian ng Diyos Ama. AMEN.
Ang Liturhiya ng Salita ng Diyos
Ang Nakatakdang Panalangin (Kolekta)
Pari:
Bayan:
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumainyo rin.
Pari:
Tayo’y manalangin.
Pagkatapos ng panalangin ay uupo ang lahat. May babasa ng mga nakatakdang bahagi ng Banal na
Kasulatan. Ang mga babasa ay tatayo sa may Atril o sa dakong makikita o maririnig ng Kongregasyon.
Isa sa mga sumusunod na babasahin ang graduwal ay maaaring kaligtaan, malibang kung Linggo at mga
Kapistahan.
Ang Pagbasa Mula sa Matandang Tipan
Sa pagsisimula ay sasabihin ng babasa:
Ang pagbasa mula sa Aklat ng/ni _________, kabanata ____________, nagsisimula sa ika________ talata.
Matapos ang pagbasa ay sasabihin ng bumasa:
Ito ang Salita ng Panginoon.
Isang salmo, imno, o awit ay aawitin o sasabihin ng lahat.
Ang Epistola
Sa pagsisimula ay sasabihin ng babasa:
Ang pagbasa mula sa Aklat ng/Sulat ni ____________, kabanata __________nagsisimula sa ika_____________ talata.
Matapos ang pagbasa ay sasabihin ng bumasa:
Ito ang Salita ng Panginoon.
Samantalang inaawit o sinasabi ang isang salmo, imno o awit ay isasagawa ang paghahanda sa pagbasa
ng Ebanghelyo.
Lahat ay tatayo.
Ang Banal na Ebanghelyo
Sa pagsisimula ng Ebanghelyo ay sasabihin ng Diyakono o Pari:
Diyakono:
Bayan:
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumainyo rin.
Diyakono:
Ang Banal na Ebanghelyo ayon kay _________ sa ika- ________ kabanata,
nagsisimula sa ika- _____________ talata.
Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Bayan:
Matapos ang Ebanghelyo ay sasabihin ng bumasa:
Diyakono:
Bayan:
Ang Ebanghelyo ng Panginoon.
Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Ang Sermon
Lahat ay tatayo. Ang Sumasampalataya ay aawitin o sasambitin ng lahat. Maaaring ito’y kaligtaan
maliban kung Linggo at mga Kapistahan.
Ang Sumasampalataya
Lahat: Sumasampalataya kami sa iisang Diyos,
Amang Makapangyarihan,
na lumikha ng langit at lupa,
at ng lahat ng nakikita at di-nakikita.
Sumasampalataya kami sa iisang Panginoong Hesukristo,
bugtong na Anak ng Diyos,
nagmula sa Ama bago pa nagsimula ang panahon,
Diyos buhat sa Diyos, Liwanag buhat sa Liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo,
Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama.
Sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat.
Na para sa ating mga tao at sa ating kaligtasan
ay nanaog Siya buhat sa langit:
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo
ay ipinanganak Siya ni Mariang Birhen at naging tao.
Ipinako sa krus alang-alang sa atin noong panahon ni Poncio Pilato; nagpakasakit,
namatay, at inilibing.
At muling nabuhay sa ikatlong araw sa katuparan ng mga Kasulatan. Umakyat Siya sa
langit
at naluluklok sa kanan ng Ama.
At muling darating na maluwalhati
upang hukuman ang mga buhay at mga patay,
at ang kaharian Niya ay walang hanggan.
Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo,
ang Panginoon na Tagapagbigay ng Buhay,
ng nagbubuhat sa Ama (at Anak.)
Sinasamba Siya at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak, nagsalita Siya sa
pamamagitan ng mga Propeta.
Nananalig kami sa Iglesyang iisa, banal,
katolika, at apostolika.
Naniniwala kami sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, at hinihintay
namin ang muling pagkabuhay ng mga namatay, at ang buhay na walang hanggan. AMEN.
Panalangin ng Bayan
Ang panalanging ito ay pamumunuan ng isang Diyakono, o ng isang kasapi o mga kasaping dumalo, o
kaya’y ng isang Pari. Ang namumuno ay tatayo sa dako ng Kongregasyon o sa unahan na nakaharap sa
Altar.
Ang panalangin para sa mga natatanging tao at pangangailangan ay maaaring sabihin dito. Sa halip nito,
ay maaaring gamitin ang nasa pahina 24 (pahina 23 sa kopya ng kongregasyon) , o mga panalanging
pinahihintulutang gamitin.
Namumuno:
Manalangin tayo para sa buong Iglesia ni Hesukristo at para sa lahat ng tao ayon sa
kani-kanilang pangangailangan.
Luluhod ang bayan.
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, itinuro Mo sa amin sa pamamagitan
ng Iyong Banal na Salita, na manalangin at magpasalamat para sa lahat ng tao.
Isinasamo namin ngayon sa Iyo na tanggapin ang aming mga panalangin, na
iniaalay namin sa Iyong maka-Diyos na Kamahalan.
Panginoon, pakinggan Mo ang aming panalangin..
Idinadalangin namin ang Iyong banal at pangkalahatang Iglesia (lalung-lalo na ang
Iglesia __________): Puspusin Mo ito ng katotohanan, katuwiran at kapayapaan;
at ipagkaloob Mo sa lahat na sumasampalataya sa Iyong Banal na Pangalan na
magkasundo sa katotohanan ng Iyong Banal na Salita, at sama-samang mamuhay
sa pagkakaisa at pag-iibigan.
Panginoon, pakinggan Mo ang aming panalangin.
Bigyan Mo ng biyaya, Amang makalangit, ang lahat ng Obispo, Pari at Diyakono,
lalung-lalo na si (N) ang aming Obispo Maximo, si (N) ang aming Obispo at si (N)
ang aming Pari: Sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay at pagtuturo ay
maipahayag nawa nila nang buong katapatan ang Iyong banal at nagbibigay-buhay
na Salita at pamahalaan ang Iyong mga Banal na Sakramento.
Panginoon, pakinggan Mo ang aming panalangin.
Isinasamo rin namin na patnubayan Mo ang mga puso ng lahat ng namumuno sa
pamahalaan ng bayang ito at sa iba’t-ibang bansa, lalung-lalo na si (N) ang aming
pangulo, (at si _________): Magpasiya nawa sila ng buong talino at may
katarungan at mapalaganap nila ang kalayaan, kapayapaan at kagalingan ng Iyong
bayan.
Panginoon, pakinggan Mo ang aming panalangin.
Sa sangkatauhan ay ipagkaloob Mo ang Iyong makalangit na biyaya, lalung-lalo
na (kay _________ at) sa kongregasyong ito: Dinggin at tanggapin nawa nila ang
Iyong Banal na Salita nang may kababaang-loob at masunuring puso, at
paglingkuran Ka ng may katapatan sa lahat ng araw ng kanilang buhay.
Panginoon, pakinggan Mo ang aming panalangin.
Dito’y maaaring ipanalangin ang mga natatanging tao o pangangailangan, o kaya’y tahimik na
manalangin.
Namumuno:
Bayan:
Isinasamo namin, Panginoon, sa Iyong kagandahang–loob na bigyang-lakas at
tulungan ang lahat ng nasa ligalig, kalungkutan, pangangailangan, maysakit o
kapansanan (lalung-lalo na si ________).
Panginoon, pakinggan Mo ang aming panalangin.
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Inaala-ala namin sa Iyong harapan ang Iyong mga lingkod (lalung-lalo na si
_______), na sumakabilang buhay na sumasampalataya kay Kristo: Isinasamo
naming igawad Mo sa kanila ang patuloy na pagyabong sa pag-ibig at paglilingkod
sa Iyo.
Panginoon, pakinggan Mo ang aming panalangin.
Pinupuri rin namin ang Iyong Banal na Pangalan para sa lahat ng Iyong mga Santo,
(lalung-lalo na kay _______ na ang kapistahan ay aming ipinagdiriwang/ginugunita
sa araw na ito): Bigyan Mo kami ng biyaya upang makasunod sa kanilang
mabubuting halimbawa; at kami, kasama nila’y makarating nawa sa kaganapan ng
Iyong banal na Kaharian.
Tugunin mo, Ama, ang aming mga panalangin, alang-alang sa Kanya na laging
nabubuhay upang mamagitan para sa amin, Siya na Iyong Anak at aming
Tagapagligtas na si Hesukristo. Amen.
Ang Banal na Eukaristiya
Ang Kapayapaan
Lahat ay tatayo. Ang Pari ay haharap sa bayan at sasabihin niya:
Pari:
Bayan:
Mga kapatid, tayo ang Katawan ni Kristo: sa pamamagitan ng isang Espiritu tayong
lahat ay pinag-isang katawan ng tayo’y binyagan.
Panatilihin natin ang pagkakaisa na dulot ng Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.
Pari:
Bayan:
Lagi nawang sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon.
At sumainyo rin.
Ang lahat ay magbibigayan sa isa’t isa ng bati ng kapayapaan.
Ang Pag-aalay
Sasabihin ng Pari ang isa sa mga sumusunod:
Ibigay sa Panginoon ang karangalang nararapat sa Kanyang Pangalan; magdala ng alay at
pumaroon sa kanyang harapan.
(o)
Mag-aalay ako ng hain ng pasasalamat at tatawag sa Pangalan ng Panginoon.
(o)
Mag-aalay ako ng handog sa loob ng Kanyang tahanan nang buong kagalakan.
(o)
Aawit ako at magsasalita ng papuri sa Panginoon.
(o)
Buong kagalakang ihandog natin sa Panginoon ang mga alay ng ating buhay at gawain.
Ang mga handog ng bayan ay lilikumin. Ang Banal na Hapag, ang Tinapay at ang Alak ay ihahanda.
Samantala, ang bayan ay nakaupo.
Kung handa na ang lahat ay tatayo ang Bayan. Dadalhin sa Altar ng mga kinatawan ng bayan ang mga
handog na salapi at iba pang mga alay, pati na ang Tinapay at ang Alak, at iaabot ang mga ito sa Diyakono,
na siya namang maglalagay ng mga ito sa ibabaw ng Banal na Hapag.
Sa Pag-aalay ng Abuloy:
Lahat:
Maawaing Diyos,
ipinagkaloob Mo sa amin ang lahat ng bagay, sa Iyong kasaganaan ay ibinibigay
Mo ang lahat ng aming pangangailangan. Kami, na Iyong mga mapagkumbabang
lingkod, ay nag-aalay sa Iyo nitong sagisag ng aming pagtanaw ng utang na loob
sa lahat ng Iyong kaawaan. AMEN.
Sa Pag-aalay ng Tinapay:
Lahat:
Walang hanggang Diyos,
pinatubo Mo ang butil, at mula rito ay ginawa namin ang Tinapay na ito; iniaalay
namin ito sa Iyo upang sa amin ay maging Tinapay ng Buhay. Ipagkaloob Mo na
kaming tatanggap nito ay mabuklod sa bigkis ng pag-iibigan. AMEN.
Sa Pag-aalay ng Alak:
Lahat:
Makapangyarihan Diyos,
tanggapin Mo ang Alak na ito na aming ginawa mula sa Iyong mga kaloob: ito
nawa’y maging aming inuming espirituwal upang kaming tatanggap nito, ay
mapasigla at mapanibago sa paglilingkod sa Iyo. AMEN.
Dito, kung Misa Kantada, ay magsusuob ng insenso. Habang nag-iinsenso, maaaring umawit ng isang
naaangkop na imno.
Pari:
Bayan:
Manalangin tayo, mga Kapatid, upang ang ating hain ay maging marapat sa Diyos
Amang Makapangyarihan.
Tanggapin nawa ng Panginoon ang ating hain, sa ikapupuri at ikaluluwalhati ng
Kanyang Pangalan, sa ating ikabubuti at ng buo Niyang Iglesia.
Kung ang ginaganap ay Liturhiya ng Salita ng Diyos ng may pagtanggap ng Banal na Komunyon, ito ang
sasambitin ng Tagapanguna at tugon ng bayan:
Subdiakono: Manalangin tayo, mga Kapatid, upang ang ating handog ay maging marapat sa
Diyos Amang Makapangyarihan, at tayo naman maging marapt sa pagtanggap sa
kamahal-mahalang Katawan at Dugo n gating Panginoong Hesukristo.
Bayan:
Tanggapin nawa ng Panginoon ang ating handog, at tayo nama’y mapadalisay para
sa higit na ikapupuri at ikaluluwalhati ng Kanyang Pangalan, sa ating ikabubuti at
ng buo Niyang Iglesia.
Ang Dakilang Pasasalamat
Lahat ay tatayo sa kabuuan ng Pasasalamat. Mga Panghaliling Pasasalamat at Panalanging Eukaristiko
ay masusumpungan sa pahina 26 (pahina 27 at 30 sa kopya ng kongregasyon) at susunod. (Imno 97 sa
Imnaryong Pilipino)
Pari:
Bayan:
Pari
Bayan:
Pari:
Bayan:
Ang kagandahang loob ng Panginoon ay mananatiling walang hanggan sa mga may
takot sa Kanya, at ang Kanyang pagkamatuwid sa sali't-saling lahi;
Maging sa mga sumusunod sa Kanyang tipan, at nakaala-alang sumunod sa
Kanyang kautusan.
Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa langit; at ang Kanyang paghahari
ay sumasaklaw sa lahat.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga anghel; kayong may lakas
at kapangyarihan na tumatalima sa Kanyang Salita.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga hukbo. Kayong mga
lingkod Niya na sumusunod sa Kanyang kalooban.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga gawa sa lahat ng dako na
Kanyang nasasaklawan, purihin ang Panginoon!
Pari:
Bayan:
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumainyo rin.
Pari:
Bayan:
Itaas ang inyong mga puso.
Itinataas namin sa Panginoon.
Pari:
Bayan:
Magpasalamat tayo sa ating Panginoong Diyos.
Nararapat na Siya’y ating pasalamatan at purihin.
Pari:
Tunay na marapat, aming tungkulin at kaligayahan, lagi at saan man na
magpasalamat sa Iyo, O Panginoon, Banal na Ama, makapangyarihan at walang
hanggang Diyos.
Ipagpapatuloy ng Pari ang Pasasalamat na sinasabi ang isa sa mga Kaukulang Prepasyo. Kung walang
kaukulang Prepasyo magpatuloy siya sa “Kaya nga…”:
Mga Kaukulang Prepasyo
ADBIYENTO
Mula sa Linggo ng Adbiyento hanggang sa ika-24 ng Disyembre.
Sapagkat isinugo Mo ang Iyong Mahal na Anak upang kami’y iligtas sa kasalanan at kamatayan,
at kami’y gawin Niya, sa Kanyang sarili, na mga anak at tagapagmana ng buhay na walang
hanggan; nang sa gayon sa Kanyang muling pagdating na lipos ng kapangyarihan at dakilang
tagumpay upang hukuman ang sanlibutan, kami’y magsaya nang walang pagkahiya o pagkatakot
na masdan ang Kanyang pagpapakita.
PASKO
Mula sa Araw ng Pasko hanggang sa Epipaniya.
Sapagkat niloob Mo na si Hesukristong Iyong bugtong na Anak ay isilang para sa amin; na sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ay naging ganap na tao mula sa laman ni
Mariang Birhen na Kanyang Ina; upang kami, na iniligtas sa pagkaalipin sa kasalanan, ay
magsitanggap ng kapangyarihang maging mga Anak ng Diyos.
EPIPANIYA
Mula sa Epipaniya hanggang sa Miyerkoles de Ceniza, maliban kung Kaarawan ng mga Santo.
Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na sa Kanyang pagkakatawang-tao ay
ipinakita Niya ang Kanyang kaluwalhatian; upang kami’y mailigtas Niya sa kadiliman sa Kanyang
kaiga-igayang liwanag.
ANG PAGKAKATAWANG-TAO
Sa Kapistahan ng Pag-aalay kay Kristo sa Templo, ng Pagpapahayag ng Anghel kay Maria, ng Pagdalaw
ni Maria kay Elisabet, at ng Pagbabagong-anyo.
Sapagkat sa ministeryo ng Salita na nagkatawang-tao ay tinanglawan Mo ng bagong liwanag ang
aming mga puso, upang maipabatid namin ang Iyong kaluwalhatian sa harapan ng Iyong Anak na
si Hesukristo.
KUWARESMA
Mula sa Miyerkoles de Ceniza hanggang sa Linggo ng Palaspas, maliban kung mga Araw ng Kapistahan.
Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na tinukso ring tulad naming mga tao, ngunit
hindi nagkasala; na sa Kanyang biyaya ay napagtagumpayan namin ang bawat kasamaan, at
namumuhay kaming hindi para sa aming sarili lamang, kundi sa Kanya na namatay para sa amin
at nabuhay na mag-uli.
SEMANA SANTA
Mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa Huwebes Santo, at sa mga Kapistahan ng Krus.
Itinakda Mo na kami ay mailigtas sa pamamagitan ng Krus ng kahoy. Ang punongkahoy ng
pagkalupig ng tao ay naging punongkahoy ng Kanyang tagumpay. Kung saan natapos ang buhay,
doon din ito manunumbalik sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
PASKO NG PAGKABUHAY
Mula sa Pasko ng Pagkabuhay hanggang sa Pag-akyat sa Langit.
Tunay naming tungkulin na Ikaw ay purihin dahil sa maluwalhating pagkabuhay na mag-uli ng
Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon. Sapagkat Siya ang Korderong Pampaskuwa, na
sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, ay napagtagumpayan Niya ang kamatayan, at sa
pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay ay nabuksan sa amin ang landas tungo sa buhay na
walang hanggan.
PAG-AKAYAT SA LANGIT
Mula sa Pag-akyat sa Langit hanggang sa Araw ng Pentekostes.
Sa pamamagitan ng Iyong pinakamamahal na Anak na si Hesukristong aming Panginoon,
pagkatapos ng Kanyang maluwalhating muling pagkabuhay ay hayagang nagpakita sa lahat ng
Kanyang mga alagad, at sa harap nila’y dinala Siya sa langit, upang maghanda ng dako para sa
amin upang kung saan man Siya naroroon, kami’y makaparoon din kasama Niya sa kaluwalhatian.
ARAW NG PENTEKOSTES
Mula sa Araw ng Pentekostes hanggang sa Linggo ng Santisima Trinidad at sa mga Misa ukol sa Espiritu
Santo.
Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon na ayon sa Kanyang tunay na pangako, ang
Espiritu Santo ay bumaba mula sa langit sa Kanyang mga alagad, na nagbigay sa kanila ng
katapangan at pagpupunyagi na ipahayag ang Ebanghelyo sa lahat ng mga bansa.
SANTISIMA TRINIDAD
Na kasama ng Kapuwa Mo walang hanggang Anak at Espiritu Santo ay sinasamba Ka namin
bilang iisang Diyos at iisang Panginoon, sa tatlong Persona at iisang pagka-Diyos, at aming
ipinagdiriwang O Ama, ang iisa at pantay-pantay na kaluwalhatian Mo, ng Anak at ng Espiritu
Santo.
MGA PANGKARANIWANG LINGGO
Mga Linggo matapos ang Kapistahan ng Santisima Trinidad.
Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na sa araw na ito ay nilupig Niya ang
kamatayan at ang libingan, at sa pamamagitan ng Kanyang maluwalhating muling pagkabuhay ay
binuksan sa amin ang landas ng buhay na walang hanggan.
ARAW NG MGA APOSTOLES
Sa mga Kapistahan ng mga Apostoles at sa Araw ng Ordinasyon.
Sapagkat Ikaw ang walang hanggang Pastol, hindi Mo pinababayaan ang Iyong kawan, subalit sa
pamamagitan ng Iyong mga pinagpalang Apostol, ay inalagaan Mo sila sa ilalim ng Iyong walang
katapusang pagkalinga, upang mapamahalaan sila ng kanilang mga kahaliling hinirang Mo sa
Iyong pangalan na maging mga pastol ng Iyong bayan.
ARAW NG BANAL
Sa Kapistahan ng lahat ng Banal at sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Santo.
Sapagkat sa karamihan ng Iyong mga Banal, ay pinaligiran Mo kami ng malaking samahan ng
mga saksi; upang kami, na lubos na nagagalak sa kanilang pakikipagsamahan, ay makapagtiis na
makatakbo sa paligsahang inilaan Mo para sa amin at kasama nila, ay magantimpalaan ng korona
ng kaluwalhatian na kailanma’y hindi mapaparam.
Magpapatuloy ang Pari,
Kaya nga, kasama ang mga anghel at mga arkanghel, at lahat ng kalipunan ng langit, buong
kagalakan naming ipinahahayag ang Iyong kaluwalhatian, laging nagpupuri sa Iyo at nagsasabing:
Lahat:
Banal, banal, banal na Panginoon,
Diyos ng kapangyarihan at lakas,
ang langit at lupa’y puspos ng Iyong kaluwalhatian,
Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang dumarating sa Pangalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan.
Magpapatuloy ang Pari, (maaring gamitin ang panghaliling panalanging Eukaristiko sa pahina 25 (pahina
26 sa kopya ng kongregasyon), habang nananatiling nakatayo ang lahat:
Lahat ng kaluwalhatian ay sa Iyo, Diyos na makapangyarihan, Amang makalangit, nang dahil sa
Iyong pag-ibig at kaawaan ay ipinagkaloob Mo ang Iyong bugtong na Anak, na si Hesukristo na
maging tao na tulad namin, at danasin Niyang mamatay sa krus para sa aming katubusan. Doon ay
Kanyang ginawa, sa pamamagitan ng minsang pag-aalay ng Kanyang sarili, ang isang buo at ganap
na hain para sa buong sanlibutan; at Kanyang itinatag at iniutos sa amin na ipagpatuloy ang isang
paggunita sa Kanyang mahalagang kamatayan at hain, hanggang sa muli Niyang pagdating.
Sa mga sumusunod na salita hinggil sa Tinapay, ipapatong ng Pari ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng
Tinapay o kaya’y hahawakan niya ito. At sa mga salita hinggil sa Kalis, ipapatong niya ang kanyang mga
kamay sa ibabaw nito o kaya’y hahawakan ito.
Sapagkat nang gabing Siya’y ipagkanulo, kumuha Siya ng tinapay; at nang Siya’y
makapagpasalamat sa Iyo, ito’y Kanyang piniraso, at ibinigay sa Kanyang mga alagad at sinabi:
“Kunin, kanin, ito ang Aking Katawan na ipinagkaloob Ko sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala
sa Akin.”
Matapos ang hapunan ay kinuha Niya ang kalis, at nang Siya’y makapagpasalamat, ito’y Kanyang
ibinigay sa kanila at sinabi: “Inumin ninyo ito, kayong lahat, sapagkat ito ang Aking Dugo ng
Bagong Tipan na ibinubuhos para sa inyo at para sa marami sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Kailanman at iinumin ninyo ito, ay gawin sa pag-alaala sa Akin.”
Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya:
Maaaring awitin o kaya’y Sasabihin ng malakas na tinig:
Lahat:
SI KRISTO AY NAMATAY.
SI KRISTO AY NABUHAY.
SI KRISTO AY MULING DARATING.
Magpapatuloy ang Pari:
Kaya nga, Panginoon at Amang makalangit, ginaganap namin nang Iyong mga abang lingkod ang
pag-alaalang iniutos ng Iyong Anak. Sa aming pag-gunita sa Kanyang pinagpalang pagpapakasakit
at mahalagang kamatayan, sa Kanyang makapangyarihang pagkabuhay na mag-uli at
maluwalhating pag-akyat sa langit at sa aming paghihintay sa Kanyang maluwalhating pagbabalik,
ay aming ini-aalay sa Iyo, itong Tinapay ng Buhay at itong Kalis ng Kaligtasan. At kasama ng
mga handog na ito ay iniaalay namin ang aming mga sarili, na isinasamo namin sa Iyo na tanggapin
sa Iyong makalangit na altar, itong aming haing papuri at pasasalamat.
Butihing Ama, sa kapangyarihan ng Iyong Espiritu Santo ay pagpalain Mo at pakabanalin itong
Tinapay at Alak, upang para sa amin ay maging kamahal-mahalang Katawan at Dugo ng Iyong
Anak na si Hesukristo.
Ang lahat nawa na tatanggap ng Banal na Komunyong ito ay mapuspos ng Iyong biyaya at
makalangit na pagpapala at maging kaisang katawan Niya, upang Siya’y manahan sa amin at
kami’y sa Kanya. At bagama’t kami’y hindi karapat-dapat na mag-alay sa Iyo ng anumang hain,
gayon ma’y isinasamo namin sa Iyo na tanggapin itong aming tungkulin at paglilingkod, sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Sa pamamagitan Niya, at kasama Niya, at sa
Kanya, na kaisa ng Espiritu Santo,
Itataas ng Pari ang Tinapay at Kalis.
ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian ay sa Iyo, O Amang makapangyarihan ngayon at
magpakainlaman.
Sasagot ang Bayan nang malakas:
AMEN!
Luluhod ang Bayan at saglit na tumahimik. Kung aawitin ay tatayo ang lahat at maghahawak-hawak ng
kamay, subalit kung hindi aawitin ay mananatiling nakaluhod sa panalanagin.
Pari:
Tulad ng itinuro sa atin ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo, tayo’y manalangin:
Lahat:
Ama namin sa langit,
sambahin ang Ngalan Mo,
sumapit nawa ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo,
dito sa lupa gaya rin sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin
sa araw-araw.
Patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan
gaya rin ng pagpapatawad namin
sa mga nagkasala sa amin.
Huwag Mo kaming itulot sa mga pagsubok,
kundi iadya Mo kami sa masama.
Sapagkat sa Iyo ang kaharian,
ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian
ngayon at magpakailanman. AMEN.
Ang Pagpiraso ng Tinapay
Maaaring sabihin ng Pari ang sumusunod:
Panginoon, isinasamo namin sa Iyo na iligtas kami sa lahat ng masama, at ipagkaloob sa amin ang
Iyong kapayapaan sa panahon namin. Sa tulong ng Iyong awa, ilayo kami sa pagkakasala at iligtas
sa ligalig. Sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Bayan:
AMEN.
Dito’y pipirasuhin ng Pari ang Tinapay. Samantala, aawitin o sasabihin ng Bayan:
Pari:
Bayan:
Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan;
MAAWA KA SA AMIN.
Pari:
Bayan:
Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan;
MAAWA KA SA AMIN.
Pari:
Lahat:
Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan;
IPAGKALOOB MO SA AMIN ANG IYONG KAPAYAPAAN.
(o)
Pari:
Lahat:
Pinagpirapiraso na ang Kordero ng Diyos, Pinagpirapiraso, subalit di nahahati. Sa
tuwina’y pinagsasaluhan;
Subalit di nauubos kailanman.
Saglit na tumahimik.
Ang Banal na Komunyon
Ang sumusunod ay maaaring sabihin:
Lahat:
Dumudulog kami sa Iyong hapag, maawaing Panginoon, na hindi nagtitiwala sa
sarili naming pagkamatuwid, kundi sa Iyong marami’t dakilang awa. Hindi kami
karapat-dapat na mamulot ng mga mumo sa ilalim ng Iyong hapag. Subalit likas sa
Iyo ang pagkamaawain. Ipagkaloob Mo sa amin, kung gayon, butihing Panginoon,
na aming tanggapin ang Katawan ng Iyong mahal na Anak na si Hesukristo, at
inumin ang Kanyang dugo, upang kami na pinalalakas at pinagiging bago ng
Kanyang buhay, ay manahan sa Kanya, at Siya’y sa amin, magpakailanman.
AMEN.
Habang itinataas ng Pari ang Tinapay at Kalis ay sasabihin sa Bayan:
Pari:
Ang mga kaloob ng Diyos para sa Bayan ng Diyos. Kunin ninyo ang mga ito sa
pag-alaala na ibinibigay ni Kristo ang Kanyang sarili para sa inyo, at tanggapin
ninyo Siya sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya, nang may
pasasalamat.
(o)
Pari:
Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Pinagpala ang
mga tinatawag sa Kanyang Hapunan.
Magkukumunyon ang Pari, susunod ang mga Ministro, at ang Bayan, ibibigay ang Tinapay at Alak sa mga
magkukumunyon at sasabihin ang mga salitang:
Pari:
Nagkumunyon:
Ang Katawan ni Kristo.
AMEN.
Pari:
Nagkumunyon:
Ang Dugo ni Kristo.
AMEN.
O, kung ang pagbibigay ng kumunyon ay sa pamamagitan ng Tinapay sa Alak, ganito ang sasabihin:
Pari:
Nagkumunyon:
Ang Katawan at Dugo ni Kristo.
AMEN
Habang nagkukumunyon maaaring awitin ang isang imno. Matapos makapagkumunyon ang lahat, ang
lahat ng nalalabing Tinapay at Alak (maliban sa inilaan para sa pagpapakumunyon sa isang maysakit o
malapit nang mamatay) ay uubusin. Ang mga sisidlan ay huhugasan at lilinisin at ang Hapag ay isasaayos.
Ang Paghayo
Babalik ang Pari sa kanyang upuan o haharap sa bayan. Lahat ay tatayo.
Pari:
Bayan:
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumainyo rin.
Pari:
Lahat:
Tayo’y manalangin.
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, pinasasalamatan Ka namin, sapagkat
kami’y Iyong pinakain ng pagkaing espirituwal: ang kamahal-mahalang Katawan
at Dugo ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo. At sa mga Banal na misteryong
ito ay tiniyak Mo na kami’y mga buhay na bahagi ng katawan ng Iyong Anak, at
mga tagapagmana ng Kanyang walang hanggang kaharian. Ngayon Ama, isugo Mo
kami upang gawin namin ang tungkuling ini-atas Mo sa amin, upang Ikaw ay ibigin
at paglingkuran at ang aming kapwa, bilang mga tapat na saksi ni Kristong aming
Panginoon: sa Kanya, sa Iyo, at sa Espiritu Santo, ang lahat ng karangalan at
kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. AMEN.
(o)
Lahat:
Walang hanggang Diyos na aming Ama, tinanggap Mo kami bilang mga buhay na
bahagi ng Katawan ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon. At kami’y
Iyong pinalakas sa pamamagitan ng Sakramento ng Kanyang matagumpay na
buhay. Kami nawa ngayo’y maging pirasong tinapay na handang ipamahagi sa mga
tao, ang pag-ibig Mo sa ami’y lumunas nawa sa mga sugat na nilikha namin, ang
Iyong mga salita sa aming mga labi nawa’y magpahayag ng kapayapaan sa lahat
ng tao. Isugo Mo kami nang may magandang tinatanaw at lakas upang
mapaglingkuran ang Iyong Anak maging sa pinaka-aba Niyang mga kapatid.
Kaya’t pupurihin at luluwalhatiin ang Iyong Pangalan ngayon at sa mga panahong
darating hanggang ang lahat ay maganap sa Iyong Kaharian. AMEN.
Lahat ay luluhod
Ang mga sumusunod na Pagbabasbas ay sasabihin ng Obispo kung sila ay dumalo. Maaaring sabihin ng
Pari maliban sa mga bersikulong nauukol sa Obispo.
Obispo:
Bayan:
Pagpalain ang Pangalan ng Panginoon.
Ngayon at magpakailanman.
Obispo:
Bayan:
Ang ating tulong ay nasa Pangalan ng Panginoon
Na lumikha ng langit at lupa.
Obispo o Pari Ang kapayapaan ng Diyos na di-malirip ng buong pang-unawa, matatag na ingatan
kayo sa kaalaman at pag-ibig sa Diyos, at sa Kanyang Anak na si Hesukristo na
ating Panginoon. At ang pagpapala ng Makapangyarihang Diyos, ang Ama, ang
Anak, at ang Espiritu Santo, nawa’y sumainyo at laging manatili sa inyo.
Bayan:
AMEN
Kung ang ginaganap ay Liturhiya ng Salita ng Diyos ng may pagtanggap ng Banal na Komunyon, ito ang
sasambitin ng Tagapanguna at tugon ng bayan. Ang lahat ay luluhod at ang mga ministro ay luluhod rin
na nakaharap sa altar.
Subdiakono: Ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikiisa
ng Espiritu Santo ay sumaatin, ngayon at magpakailanman.
Bayan:
Amen.
Lahat ay tatayo.
Pari:
Bayan:
Pari:
Bayan:
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumainyo rin.
Ngayon di’y humayo kayo upang ibigin at paglingkuran ang Panginoon. (Aleluya).
Salamat sa Diyos (Aleluya, Aleluya).
Manatili sa simbahan habang inaawit ang Pangwakas na imno.
ANG PANGHALILING PANALANGIN NG BAYAN
Ang Panalanging ito ay maaaring ihalili sa nasa pahina 12 (pahina 8 sa kopya ng kongregasyon).
Namumuno:
Sa kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Luluhod ang Bayan.
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Sa ikapapayapa ng sanlibutan, upang yumabong ang diwa ng paggagalangan ng
mga bansa at mga tao sa isa’t-isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Para sa banal na Iglesia ng Diyos (lalung-lalo na ang Iglesia sa ____), upang
mapuspos nawa ito ng katotohanan at pag-ibig, at manatiling walang bahid dungis
hanggang sa araw ng Kanyang pagdating, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Para kay (P.) na ating Obispo Maximo, kay (P.) na ating Obispo, at para sa lahat ng
mga Obispo at ibang mga Ministro, at para sa buong banal na Bayan ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Para sa lahat ng umiibig sa Diyos at sumasampalataya kay Kristo, upang ang ating
pagkakahati-hati ay mawala at ang lahat ay magkaisa, manalangin tayo sa
Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Para sa gawain ng buong Iglesia, na sa pamamagitan ng matapat na pagsapi ay
maipahayag nawa niya ang Ebanghelyo sa lahat ng dako ng daigdig, manalangin
tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Sa lahat ng pinagkakatiwalaan ng gawaing pangmadla, (lalo na ____), upang sila
nawa’y maging makatarungan, tagapagtaguyod sa karangalan at makapagbigay ng
kalayaan sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Sa ikapagpapala ng gawain ng lahat ng tao, sa wastong paggamit ng kayamanan ng
sanlibutan, upang mailigtas ang sangkatauhan sa pagkagutom at kapahamakan,
manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Para sa mga maralita, sa mga inaapi, sa mga maysakit at mga nagdurusa, upang sila
nawa’y maibsan ng hirap at mapangalagaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Para sa Kongregasyong ito: para sa mga naririto ngayon at sa mga wala rito upang
tayo nawa’y maiadya sa mga katigasan ng puso at maipamalas ang Kanyang
kaluwalhatian sa lahat ng ating gawain, manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan:
Panginoon, maawa ka.
Namumuno:
Para sa ating sarili, sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan at para sa biyaya
ng Espiritu Santo upang mapaging-bago ang ating buhay, manalangin tayo sa
Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Namumuno:
Bayan:
Para sa lahat ng umaasa sa ating panalangin: para sa ating mga pamilya, mga
kaibigan, at kapuwa; mamuhay nawa sila ng may kagalakan, kapayapaan at
kalusugan, na ligtas sa mga alalahanin, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Para sa lahat ng sumakabilang-buhay na sumasampalataya kay Kristo (lalo na
_____), na kasama ng lahat ng mga banal, mamayapa nawa sila doon sa pook na
walang sakit o pagtangis kundi buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa
Panginoon.
Panginoon, maawa ka.
Magsaya sa kalipunan ng walang hanggang pinagpalang Mariang Birhen,
(pinagpalang P. _____ na ngayo’y ating ginugunita) at ng lahat ng mga banal,
itagubilin natin kay Kristo na ating Diyos ang ating mga sarili, ang isa’t isa at ang
ating buong buhay.
Sa Iyo, O Panginoon naming Diyos.
Saglit na tumahimik.
Pari:
Sapagkat sa Iyo ang Kamahalan, O Ama, Anak, at Espiritu Santo; Sa Iyo ang
kaharian, ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman.
(o)
Pari:
Bayan:
Panginoon naming Diyos, tanggapin Mo ang panalangin ng Iyong Bayan; sa Iyong
napakaraming awa, masdan Mo kami nang may pagkahabag at ang lahat ng
humihingi ng tulong sa Iyo. Sapagkat Ikaw ay puspos ng biyaya, o mapagmahal ng
sangkatauhan, at niluluwalhati Ka namin, Ama, Anak, at Espiritu Santo, ngayon at
magpakailanman.
AMEN.
MGA PANGHALILING PANALANGING EUKARISTIKO
I
Matapos ang ‘Sanctus’ (sa pahina 16) magpapatuloy ang Pari:
Banal at butihing Ama, sa Iyong walang hanggang pag-ibig ay nilalang Mo kami para sa Iyong
sarili; nang kami’y nagkasala at napaalipin sa kasamaan at kamatayan, sa awa Mo’y isinugo mo si
Hesukristo na Iyong bugtong at walang hanggang Anak, upang maging tao na tulad namin, upang
mamuhay at mamatay bilang isa sa amin, at muling ipagkasundo kami sa iyo, ang Diyos at Ama
ng lahat. Siya’y ipinako sa krus, at nag-alay ng Kanyang sarili, na isang ganap na hain para sa
sangkatauhan bilang pagsunod sa Iyong kalooban.
Nang gabing Siya’y ipagkanulo upang magdusa at mamatay, ang aming Panginoon, ay kumuha
ng tinapay, at nang Siya’y magpasalamat sa Iyo, Kanyang pinagpirapiraso ito, at ibinigay sa
Kanyang mga alagad at sinabi, “Kunin at kanin ito. Ito ang aking katawan, na ipinagkakaloob Ko
sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalala sa akin.”
Matapos ang hapunan at kinuha Niya ang kalis, at nang Siya’y makapagpasalamat ay ibinigay
Niya ito sa kanila at sinabi, “Inumin ninyo ito, kayong lahat, ito ang Aking Dugo ng Bagong Tipan,
na ibinubuhos para sa inyo at para sa marami sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Sa tuwing
iinumin ninyo ito ay gawin sa pag-alaala sa akin.”
Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya:
Maaaring awitin o kaya’y Sasabihin ng malakas na tinig:
Lahat:
SI KRISTO AY NAMATAY.
SI KRISTO AY MULING NABUHAY.
SI KRISTO AY MULING DARATING.
Magpapatuloy ang Pari:
Aming ginaganap ang pag-alaala sa pagkalipas sa amin O Ama, sa haing ito ng papuri at
pasasalamat, at ini-alay namin sa Iyo ang mga Handog na ito.
Pakabanalin Mo ang mga ito sa pamamagitan ng Iyong Espiritu Santo upang, para sa Iyong bayan,
maging Katawan at Dugo ng Iyong Anak, na siyang banal na pagkain at inumin ng bago at walang
katapusang buhay sa Kanya. Pakabanalin Mo rin kami upang buong katapatan naming tanggapin
ang Banal na Sakramentong ito, at mapaglingkuran Ka nang may pagkakaisa, katatagan at
kapayapaan; at sa huling araw ay dalhin Mo kami kasama ng lahat ng Iyong mga banal sa
kaligayahan ng Iyong walang hanggang kaharian. Ang lahat ng ito’y aming isinasamo sa
pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo; sa pamamagitan Niya, at kasama Niya, at sa Kanya,
na kaisa ang Espiritu Santo.
Itataas ang Pari ang Tinapay at Kalis.
ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian ay sa Iyo, Amang Makapangyarihan ngayon at
magpakailanman.
Bayan:
AMEN.
Luluhod ang lahat.
II
Ang Dakilang Pasasalamat sa pahina 16 ay kaliligtaan. Sa halip, isusunod ng Pari ang sumusunod
pagkatapos ng pag-aalay.
Pari:
Bayan:
Ang pag-ibig ng Diyos Ama, ang biyaya ng Kanyang Anak na si Hesukristo at ang
kaisahang dulot ng Espiritu Santo, nawa’y sumainyo, mga Kapatid.
At sumainyo rin.
Pari:
Bayan:
Ibigin ninyo ang Panginoon.
Iniibig namin ang Panginoon.
Pari:
Bayan:
Magpasalamat tayo sa Panginoon nating Diyos.
Nararapat na Siya’y ating pasalamatan at purihin.
Pari:
Tunay na nararapat, aming tungkulin at aming kaligayahan, na lagi at saanman ay
magpasalamat kami sa Iyo, Ama; sapagkat Ikaw lamang ang Diyos, na buhay at
tunay. Nilikha Mo ang lahat at pinagpala Mo ang lahat ng Iyong ginawa. saanmang
dako sa kalangitan at kapangyarihan at pag-ibig.
Pinagpala Ka, Panginoon naming Diyos na lumikha ng lahat.
Bayan:
Pari:
Pinasasalamatan Ka namin, Ama, na kami’y Iyong nilikha na kalarawan Mo, at
kami’y inilagay Mo sa Iyong magandang sanlibutan upang ito’y aming
pangasiwaan at gamitin sa paglilingkod sa Iyo. Bagama’t kami’y naging suwail at
di-karapatdapat na mga anak, hindi Mo kami pinabayaan at pinawalang-halaga, sa
halip ay tinuruan Mo kami sa pamamagitan ng Iyong Kautusan at mga Propeta, at
humirang Ka ng mga saksi sa Iyong katotohanan, sa bawat bansa. Dahil sa lahat ng
ito Ama, pinasasalamatan Ka namin, at kasama ng bawat nilikha sa langit at sa lupa,
ipinahahayag namin ang Iyong kapurihan at kaluwalhatian.
Lahat:
Banal, banal, banal na Panginoon,
Diyos ng kapangyarihan at lakas,
ang langit at lupa ay puspos ng Iyong kaluwalhatian,
Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang dumarating sa Pangalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.
Magpapatuloy ang Pari, habang nananatiling nakatayo ang lahat:
Ngunit higit sa lahat, pinasasalamatan Ka namin Ama sa pagkasugo sa amin ng Iyong Anak na si
Hesukristo. Siya’y namatay sa krus para sa amin, na Siyang tanging ganap na hain para sa
kasalanan ng lahat. Muli Mo Siyang binuhay, at nabubuhay Siya magpakailanman upang
mamagitan para sa amin; ipinadala Niya ang Espiritu Santo upang maging ganap sa amin ang
Iyong pagliligtas. Noong gabing bago Siya namatay ay iniutos Niya sa amin ang pag-alaala sa
Kanya hanggang sa muli Niyang pagdating.
Nang maghahapunan Siyang kasama ang Kanyang mga alagad, kumuha Siya ng tinapay,
nagpasalamat Siya sa Iyo, pinagpirapiraso ang tinapay at ibinigay ito sa Kanyang mga alagad at
sinabi: “Ito ang Aking Katawang ibinibigay sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.”
Matapos ang hapunan ay kinuha Niya ang kalis; pinasasalamatan Ka Niya, at ibinigay ito sa kanila,
at sinabi: “Ito ang Aking Dugo, na nagpapahayag ng isang bagong kasunduan ng Diyos at ng mga
tao. Ibinubuhos ito para sa inyo at sa lahat ng tao, upang kayo’y magkamit ng kapatawaran.
Makibahagi kayo sa alak na laman ng Kalis na ito sa pag-alaala sa akin.”
Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya:
Maaaring awitin o kaya’y Sasabihin ng malakas na tinig:
Lahat:
SI KRISTO AY NAMATAY.
SI KRISTO AY MULING NABUHAY.
SI KRISTO AY MULING DARATING.
Magpapatuloy ang Pari:
Kaya nga, Ama, ginaganap namin ang iniutos ng Iyong Anak. Sa pamamagitan ng Tinapay at Alak
na aming ini-aalay sa harapan Mo, ay aming ginaganap ang pag-alaala sa Kanyang pagkatawang
tao, sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, sa Kanyang pag-akyat sa langit, at sa
pagkakapadala ng Espiritu Santo. Kami’y nasa harapan Mo na nagsasaya sa Iyong pagliligtas, na
naghihintay sa Kanyang muling pagdating.
Marapatin Mong tanggapin kami sa pangalan ng Iyong pinakamamahal na Anak. Ipagkaloob Mo,
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Espiritu Santo, na kaming kakain ng Tinapay at iinom
ng Alak na ito ay maging tunay na nagkakaisa sa Iyong Anak upang matapos na mapaging-bago
at mapalakas ng Kanyang matagumpay na buhay, kami nawa’y maging ganap na tulad Niya sa
Kanyang pagkatao. Sa pamamagitan pa rin ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon;
kasama Niya, at sa Kanya, at sa pamamagitan Niya, na kaisa ang Espiritu Santo.
Itataas ng Pari ang Tinapay at Kalis.
aming ibinibigay sa Iyo ang lahat ng papuri at kaluwalhatian, Amang Makapangyarihan, ngayon
at magpakailanman.
Bayan:
AMEN!
Luluhod ang lahat.
III
Matapos ang Dakilang Pasasalamat sa pahina 16 ay isusunod:
Pari:
Bayan:
Ang Panginoon ay sumainyo
At sumainyo rin.
Pari:
Bayan:
Itaas ang inyong puso
Itinatas namin sa Panginoon.
Pari:
Bayan:
Magpasalamat tayo sa Panginoon nating Diyos.
Nararapat na Siya’y ating pasalamatan at purihin.
Pari:
Marapat lamang na Ikaw ay aming pasalamatan at purihin, Diyos ng aming
kasaysayan, sapagkat isinugo Mo ang Iyong mahal na Anak, upang ang nagdarahop
Mong sambayanan ay akayin tungo sa liwanag at kalayaan.
Siya ang Salita na naging tao at walang pag-aalinlangang nakipamuhay sa amin
upang ang Iyong layunin sa sangnilikha ay magkaroon ng kaganapan.
Sa Kanyang pagpapadama sa amin ay isinilang ang liwanag ng pag-asa na aming
kailangan, upang ang lakas sa pagbangon at pakikibaka laban sa kahirapan at sanhi
nito ay manumbalik sa Iyong bayan na ang hanap ay katarungan.
Sa labis Niyang pagmamahal at pagnanais na ang tao’y mailigtas mula sa
kamatayan, niyakapa Niya ang pagka-aba at maging pagdurusa ay dinanas,
Kanyang paa’t kamay ay ipinako sa krus ng paghihirap, kamatayan ay ginapi sa
Kanyang maluwalhating pagwawagi!
Kaya nga kaisa ang mga anghel at mga arkanghel at ang lahat ng banal na kalipunan
sa langit at sa lupa, nag-uumapaw ang aming kagalakan, at aming ipinagbubunyi:
Lahat:
Banal, banal, banal na Panginoon,
Diyos ng kapangyarihan at lakas,
ang langit at lupa ay puspos ng Iyong kaluwalhatian,
Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang dumarating sa Pangalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan.
Magpapatuloy ang Pari, habang nananatiling nakatayo ang lahat:
Sa pagkakatawang-tao ng Iyong Anak, taglay Niya ang mapagpakumbabang puso, nilimot Niya
ang sarili; binigyan Niya ng kahulugan ang karukhaan, itinaas ang puri ng kababaihan, at
pinatawad Niya ang mga makasalanan. Sa kabila ng Kanyang kabutihan, ang Kanyang gawain,
pagpapahayag at paglilingkod ay tinuligsa’t binatokos, lalo na nang mga may “kaalaman” sa
kautusan, Siya’y itinuring na banta at kaaway ng estado.
Nang sumapit sa kasukdulan, walang pag-iimbot parin na tinupad Niya ang Iyong kalooban, O
Ama.
Noong gabing bago siya ipinagkanulo ng isa sa Kanyang mga alagad, kumuha Siya ng tinapay,
nagpasalamat sa Iyo, pinagpira-piraso ang tinapay at ibinigay sa Kanyang mga alagad at sinabi:
“Ito ang Aking Katawang ibinibigay sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa Akin.”
Pagkatapos ay kinuha Niya ang kalis; muli pinasasalamatan Ka Niya, at ibinigay ito sa Kanyang
mga alagad, at sinabi: “Ito ang Aking Dugo, na nagpapahayag ng isang bagong kasunduan ng
Diyos at ng mga tao. Ibinubuhos ito para sa inyo at sa lahat ng tao, upang kayo’y magkamit ng
kapatawaran. Makibahagi kayo sa alak na laman ng Kalis na ito sa pag-alaala sa akin.”
Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya:
Maaaring awitin o kaya’y Sasabihin ng malakas na tinig:
Sasabihin ng malakas ng tinig:
Lahat:
SI KRISTO AY NAMATAY.
SI KRISTO AY MULING NABUHAY.
SI KRISTO AY MULING DARATING.
Magpapatuloy ang Pari:
Aming Mapagmahal na Diyos, inaala-ala naming ang kamatayan at muling pagkabuhay ng Iyong
Anak, at habang kami’y naasabik sa Kanyang muling pagbabalik.
Itinataas naming nang buong kababaang-loob ang mga haing ito, ang tinapay at alak na aming
inilalaan sa Inyo, sa iisang tinig kami ngayo’y dumadalangin: ipadala po nawa ninyo ang Banal na
Espiritu sa aming hain, upang ang mga ito ay maging ang kamahal-mahalang Katawan at Dugo ni
Hesukristo na aming Panginoon at Kasama.
Gayundin upang kami na Iyong sambayanang dumaraing sa Iyong biyaya ay mapabanal at
mapalaya. Kami rin po ay Iyong tipunin sa diwa ng Iyong Espiritu upang mapalawak ang aming
kamalayan at buong laying makibahagi kami para sa lalo pang ikadadakila ng Iyong Pangalan.
Sa pammagitan ng Iyong Anak, aming kapatid at kasama na si Hesus; kasama Niya, sa Kanya, at
sa pamamagitan Niya, na kaisa ang Banal na Espiritu, ang lahat ng papuri at karangalan ay sa Iyo
O Diyos Amang Makapangyarihan, ngayon at magpakailanman.
Bayan:
AMEN!
Luluhod ang lahat.
Download