Uploaded by camalaniuganps2021

AP8-Q3-Module6-Maniyan

advertisement
8
Araling Panlipunan
Ikatlong Kwarter: Modyul 6
Pag-usbong ng Nasyonlismo sa
Europe at Iba’t ibang Bahagi ng
Daigdig
Araling Panlipunan – Ika-walong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europe at Iba’t ibang
Bahagi ng Daigdig.
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Maniya Asi
Tagasuri:
Merlyn Labrador Jose
Tagalapat:
Marnel D. Gealon , Jhona Mae L. Jabajab
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul
- Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio
- Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay - Chief in Curriculum Instruction Division
Leila L. Ibita
- Education Program Supervisor-AP
Lorna Ragos
- Education Program Supervisor in LRMDS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI-Division of Tagum City
Office Address:
E-mail Address:
E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte
tagumcity@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Europe at Iba’t ibang Bahagi ng
Daigdig
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral
ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.
.
ii
Aralin
3
Pag-usbong ng Nasyonalismo
sa Europe at Iba’t ibang Bahagi
ng Daigdig
Alamin Natin
Ang modyul na ito ay naglalayong maunawaan mo ang mga pangyayari sa
kasaysayan na nagbigay daan sa pagsibol ng nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Sa pagtatapos ng iyong paglalakbay ay inaasahang masasagot mo ang mga
katanungan tulad ng – “Anu-anong pangyayari ang naging dahilan upang mabuo
ang damdaming nasyonalismo?” at “Paano binago ng damdaming ito ang daloy ng
kasaysayan sa daigdig?”
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos
upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging
makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng
gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
humanismo at higit sa lahat ang kahalagahan nito sa kasaysayan.
Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto
• Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig.( AP8 PMD – IIIi= 10)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang Modyul, inaasahang iyong:
•
Matatalakay ang mahahalagang pangyayaring nagbunsod sa
pagkabuo ng damdaming nasyonalismo.
•
Matutukoy ang mga personalidad na gumanap ng mahalagang papel
at nagtaguyod ng nasyonalismo.
• Makikilala ang kahalagahan ng nasyonalismo sa isang bansa at sa
soberinidad nito.
1
Subukin Natin
Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel. Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan.
Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
_______ 1. Taguring ibinigay kay Simon Bolivar.
a. lider ng South Amerika
b. bayani ng South Amerika
c. tagapagpalaya ng South Amerika
d. nagdeklara ng kalayaan sa South Amerika
_______2. Ang Congo at Algeria ay lumaya sa pamamagitan
a. mapayapang paraan
b. madugong pamamaraan
c. mabilis na pamamaraan
d. diplomatikong pamamaraan
_______ 3. Ilang bahagdan ng populasyon sa Africa ang nagtatamasa ng
kayamanan sa Africa?
a. 5%
b. 25%
c. 50%
d. 75%
_______ 4. Ang pagtangkilik sa lokal na produkto ay manipestasyon ng:
a. kalakalan
c. nasyonalismo
b. diplomasya
d. globalisasyon
_______ 5. Ilang panggitnang uri ng tao sa lipunan ang umusbong sa
Latin America?
a. 7
b. 4
c. 3
d. 2
3
Aralin Natin
Magbasa at Matuto
ANG NASYONALISMO
Sanu N, Patriotism sculpture, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Patriotism_sculpture.jpg, Creative Commons Attribution-Share Alike 4.0 International
Ang mga kaganapan sa isang lugar maging kanais-nais
o hindi ay nakatulong sa proseso ng pagkabuo ng nasyonalismo.
Ang mga kaganapang ito ang nagpamulat sa mga mamamayan
upang mapahalagahan, mahalin at ipagtanggol ang sariling
4
bayan. Nabuo ang kamalayan sa pagiging tapat sa sariling lahi,
kasaysayan, kultura, wika at pagpapahalaga na maipakikita sa
pamamagitan
ng
pagkakaisa.
Ang
manipestasyon
ng
nasyonalismo ay higit na naipakikita sa harap ng banta sa
soberinidad ng bansa.
Naipamamalas dito ng mga tao ang
pagiging makabayan. Ang masidhing damdamin na ipagtanggol
ang bansa kung minsan ay humahantong sa digmaan, karahasan
at pagbubuwis ng mga buhay.
KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG INTELEKTUWAL SA
PAGLINANG
NG NASYONALISMO
Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin ay naguugat sa pagkamulat sa katotohanang pinalaganap ng mga
pilosopo na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang
mabuhay, lumaya at maging maligaya. Ang pagkakaroon ng
kamalayang nasisikil ay nagbunga ng pagnanais na wakasan ang
pang-aapi at lumaya mula sa mga mananakop. Nakahanda silang
magbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong
ipinaglalaban.
Mga gabay na tanong:
1. Bakit
isang
mahabang
proseso
ang
pagkabuo
nasyonalismo?
2. Anu-ano ang posibleng dahilan upang mabuo ito?
3. Paano nakaaapekto sa mamamayan ang damdaming ito?
5
ng
ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA SOVIET UNION
Sergey Guneev / Сергей Гунеев, RIAN archive 311498 Military parade,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:RIAN_archive_311498_Military_parade_dedicated_to_the_63rd_anniversary_
of_the_Soviet_Union%27s_victory_in_the_1941-1945_Great_Patriotic_War.jpg, Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported
6
Si Vladimir I ang nagpalaganap ng Kristiyanong Griyego (Orthodox ) noong
taong 988. Ito ang dahilan kaya binigyan siya ng titulong “Vladimir the
Saint” sa Soviet Union o Russia, ang pinakamalaking bansa sa daigdig
Bandang ika-13 siglo dumating ang mga Tartar o Mongol at sinakop
ang Russia sa mahigit na 200 taon. Ang naturang pananakop ay
nakaimpluwensiya sa kulturang Ruso tulad ng pananamit, kaugalian at
pananalita. Si Ivan the Great ang nagpabagsak sa mga Mongol sa labanan
sa Oka at nagsilbing tagapagligtas ng Russia.
Ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa mundo bago
nagkaroon ng himagsikan kung saan nasa mga maharlika at pulisya ang
kapangyarihan.Pinamahalaan ng czar ang mga industriya maging
magsasakang nakatali sa lupa, walang karapatan at laging nakabaon sa
utang. Ang pagtatayo ng mga pagawaan ang naging daan upang lumikas
sila sa lungsod at makapag-aral. Ang mga intelektuwal na Ruso ay
naimpluwensiyahan ng mga ideya ni Karl Marx at Friedrich Engels.
Yumakap sila sa ideolohiyang Komunismo bagamat nagkaroon ng alitan sa
pagitan nina Josef Stalin at Leon Trotsky kung sino ang hahalili kay Lenin
sa anumang alituntunin na dapat ipatupad sa Russia. Tumakas si Trotsky
papuntang Mexico at doon namatay noong 1940. Pinasimulan ni Stalin ang
October Revolution na nagwakas sa Aristokrasya ng bansa dahil sa
pagkatalo ng mga czar. Naitatag ang diktadurya ng Partido Komunista.
Taong 1923 naging Soviet Union ang Russia bilang bansa.
Gabay na Tanong:
1. Anong proseso ang pinagdaanan ng mga Ruso upang makamit ang
ninanais na pagbabagong pampolitika at pang-ekonomiya?
7
2. Paano nakatulong ang pagbabago sa pamumuno upang magkaisa ang mga
Ruso?
ANG NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
MexicanGoldenEagle,LatinAmerica,https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Latin_America_regions.svg,Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported
Nakatulong ang heograpiya ng Latin America kaya umunlad ang hiwa-hiwalay na
mga bansang sakop nito matapos maghimagsik laban sa Spain.
8
Nagkaisa silang napoot sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan at
hindi nabigyan ng kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa
pangangalakal.
Ang populasyon ng mga bansa sa Latin America ay halos lahing Europeo at
itinuturing na mababang uring lahi tulad sa Dominican Republic. Sa Brazil ay
pinahihintulutan ang pag-aasawahan ng magkaibang lahi at nasyonalidad. Creole
ang tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo. Mestizo
ang pinaghalong Espanyol at Indian; Zambo ang tawag sa pinaghalong Indian at
ibang lahi; at Mulatto ang puti sa ibang lahi. Karamihan sa mga bansa ay
nagsasalita ng Espanyol subalit Portuges naman ang salita ng Brazil. Ang Haiti ay
nagsasalita ng Pranses at mga Indian na gumagamit ng katutubong wika.
Naghimagsik ang mga kolonya ng Spain sa magkaibang panahon at sa iba-ibang
lider. Gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa kanilang himagsikan na
nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi. Nagbigay diin ito sa mga
pagkakaiba ng mga bansang Latin America.
Si Simon Bolivar, isang creole ay nagnanais palayain ang South America
mula sa mga mananakop. Ang hangaring ito ay pagpapatuloy sa sinimulan ni
Francisco de Miranda isang Venezuelan na nag-alsa noong 1811 laban sa mga
Espanyol subalit bigong matamo ang kalayaan ng Venezuela at namatay noong 1816
sa sama ng loob. Nag-alsa ang hukbo ni Bolivar sa Andes at matagumpay na naitatag
ang Great Columbia kaya tinawag siyang “Liberator” bilang bayani ng South America
at makaraan ay naging pangulo. Kalaunan, pinaghinalaan siyang nagnanais na
maging diktador kaya ang pangarap niyang nagkakaisang South America ay nahati
ito sa tatlong republika - Venezuela, Columbia at Ecuador. Ginusto ng iba na siya
ay patayin. Si Jose de San Martin at ang heneral na si Bernard O’ Higgins, isang
Chileno ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina at tumulong sa
liberasyon ng Chile at Peru.
9
Ilan pang pinunong Latin America ang nagsagawa ng hakbang upang
mapaunlad ang demokrasya katulad ni Nivadavia ng Argentina na nagtaguyod ng
edukasyon, karapatang bumoto at makatarungang sistemang legal.
Gabay na Tanong:
1. Paano isinakatuparan ng mga personalidad sa Latin America ang mga
radikal na ideya ng pagbabago sa kanilang bansa?
2. Sa iyong palagay, lubusan kayang naisakatuparan ng mga personalidad na
ito ang kanilang naisin? Bakit?
10
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA AFRICA
XDDanielGames9666,AfricaFlagMap, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Africa_Flag_Map.png, Creative Commons Attribution-Share Alike 4.0 International
Magkahiwalay ang black at Caucasoid African sa Sahara. Pinaalis ng mga higit na
maunlad na mga lahing itim sa kanluran at mga Bantu sa silangan, ang mga
11
Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy na mga
unang tao sa Africa. Hindi
nagtagal, nakipamuhay sila sa mga ito.
May dalawang bahagdan ( 2% ) ng populasyon ang minoryang puti na
kinabibilangan ng mga mangangalakal na Arab, mga Asyano at mga Europeo ang
nagpakasasa sa kayamanan ng Africa na bumalangkas ng ekonomiya ayon sa
kanilanginteres samantala siyamnapu’t walong bahagdan ( 98% ) ang lahing itim na
naghihirap. Pinaghati-hatian ang kontinente at pinalaganap ang iba-ibang kulturang
mananakop na siyang dahilan ng iba-ibang antas ng pag-unlad sa mga bansa.
Sa Africa, may tatlong malalayang estado lamang ang Ethiopia, Liberia at
Republic of South Africa bago nagsimula ang 1914. Ang Ethiopia ay pinamahalaan
ni Haring Solomon at ng Reyna Sheba. Noong 1810 itinatag ang Liberia sa tulong ng
America kaya ang kabisera nitong Monrovia ay hango mula sa pangalan ni Pangulong
James Monroe ng United States. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations
ang Republic of South Africa noong 1910.
Lumaganap
ang
nasyonalismo
pagkaraan
ng
ikalawang
digmaang
pandaigdig. Maraming bansa ang mapayapang lumaya bagaman may mga bansang
bumaha ng dugo bago nakamit ang kalayaan tulad ng Congo
(Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi.
Lumaya din ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1975.
Gabay na Tanong:
1. Bakit pagkaraan lamang ng ikalawang digmaang pandaigdig lumaganap ang
nasyonalismo sa Africa?
12
Gawin Natin
Batay sa nilalaman ng teksto, nakikita at nararamdaman mo pa ba ang
nasyonalismo sa kasalukuyan? Maaari ka bang magtala ng apat na sitwasyon
na nagpapakita ng ating pagmamahal sa ating bansa?
Gawin ito gamit ang kasunod na graphic organizer.
NASYONALISMO
1
3.
2.
4.
Pamantayan sa Pagmamarka
1. Kaangkupan ng sitwasyon sa paksa – 10%
2. Maayos na pagkakasaad ng ideya - 10%
3. Kawastuhan ng pangungusap – 10%
Kabuuan
13
- 30%
Sanayin Natin
Gawain 1:
Nasyonalismo sa Russia
Aspekto
Mga Dahilan
Mga Sangkot na Aktor
Daloy ng Pangyayari
Bunga O Implikasyon
Saloobin Tungkol sa
Pangyayari
14
Nasyonalismo sa
Latin America
Tandaan Natin
Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
______1. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa
a. pagmamahal sa bayan
b. pagnanais lumaya
c. pakikipaglaban
d. pakikipagsabwatan
______ 2. Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng Russia.
a. Simon Bolivar
b. Josef Stalin
c. Bernard O’ Higgins
d. Leon Trotsky
_______3. Ang Creole ay panggitnang uri ng tao sa Latin America na may
lahing
a. Amerikano
b. Asyano
c. Europeo
d. Indian
_______4. Pinasimulan ni Stalin na nagbigay wakas sa aristokrasya sa
Russia. a. October Revolution
c. Edsa Revolution
b. American Revolution
d. French Revolution
_______5. Nagsilbing tagapagligtas ng Russia laban sa mananakop na
Tartar.
a. Vladimir Lenin
b. Leon Trotsky
c. Josef Stalin
d. Ivan the Great
_______6. Ang Monrovia na hango mula sa pangalan ni Pangulong James
Monroe ay kabisera ng anong bansa?
a. Mozambique
b. Liberia
c. Angola
d. Zimbabwe
________7. Bakit itinuturing na mahalaga ang panggitnang uri ng
lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo?
a. Dahil sila ang tagapamagitan sa katutubo at mga banyaga
b. Dahil hati ang kanilang simpatiya sa katutubo at mga
banyaga
c. Dahil sumusuporta sila sa mga banyaga
d. Dahil ang pangkat na ito ang nangunguna sa kaunlaran
________8. Paano nakaimpluwensiya ang nasyonalismo sa paghahangad
na lumaya?
a. Ang nasyonalismo ang nagbukas sa kanilang isipan upang
umalma sa pamamahala ng ibang lahi.
15
b. Ang
nasyonalismo
ang
responsable
kaya
sila
nakipagdigmaan.
c. Ang nasyonalismo ay nagturo ng pakikibaka.
d. Ang nasyonalismo ang dahilan ng mga radikal na
pagbabago.
________9. Ano ang papel na ginampanan ng mga pilosopo sa
rebolusyong intelektuwal sa pagkabuo ng nasyonalismo?
a. Nagtaguyod ng bukas na kaisipan.
b. Nagpakita ng halimbawa ng pagiging radikal.
c. Nagbigay-diin na lahat ng tao ay may pantay na karapatan
sa buhay,ari-arian at kalayaan.
d. Humikayat sa mga tao na maging rebolusyonaryo.
_______10. Paano naging bahagi sa pagkabuo ng nasyonalismo ang
aspetong politikal ng bansa?
a. Dahil ang posisyon sa pamahalaan ay limitado lamang sa
mga may kakayahan.
b. Dahil hindi mabuti ang mga panukalang ipinatutupad.
c. Dahil hindi sapat ang serbisyong ibinibigay sa mga
mamamayan.
d. Dahil sa hindi patas at mapaniil na mga batas, kawalan ng
katarungan, korapsiyon at katiwalian ng mga namumuno.
_______11. Isa sa panggitnang uri ng tao na pinaghalong puti at ibang
lahi. a. Zambo
b. Creole
c.Mulatto
d. Mestizo
_______12. Isa sa pinuno ng Argentina na nagtaguyod ng edukasyon at
a. Jose de San Martin
b. Nivadavia
c. Antonio Jose de Sucre
d. Juan Manuel de Rosas
_______13. Alin ang dahilan kaya hindi naisakatuparan ang pangarap ni
Bolivar na maitatag ang nagkakaisang South America?
a. Dahil namatay siya
b. Dahil natalo siya sa digmaan
c. Dahil nawalan na siya ng interes na ipaglaban ang bansa
d. Dahil pinaghinalaan siyang gustong maging diktador at
binalak na ipapatay.
_______14. Ang dalawang pangkat na ito ang pinaniniwalaang mga
unang tao sa Africa.
16
a. Mulatto at Creole
b. Bushman at Pygmy
c. Bantu at Bushman
d. Mulatto at Pygmy
_______15. Sa anong taon sumapi sa British Commonwealth of Nations
ang Republic of South Africa?
a. 1975
b. 1914
c. 1910
d. 1810
Payabungin Natin
Alin ang mas matimbang?
Bumuo ng tigdadalawang pangungusap batay sa hinihingi. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
NASYONALISMO
MABUTING DULOT
1. _______________________________________________________________.
2. _______________________________________________________________.
DI-MABUTING DULOT
1. ________________________________________________________________.
2. ________________________________________________________________.
17
Pagnilayan Natin
LESSON CLOSURE
Pinakamahalagang kaisipang aking natutunan sa paksa ay….
Nararapat itong pag-ibayuhin at itaguyod dahil….
Ang aking pangkabuuang opinyon ay…..
Rubriks
Pamantayan sa Pagmamaraka
1. Malinaw na naipapahayag ang saloobin tungkol sa
paksa – 50%
2.Epektibong naibabahagi ang aral sa paksa
- 25%
3. Maayos ang pagkakabuo ng pangungusap
- 25%
Kabuuan
- 100%
18
19
SUBUKIN NATIN
1. a
2. b
3. c
4. a
5. d
6. b
7. a
8. a
9. c
10. d
11. c
12. b
13. d
14. b
15. c
Tandaan Natin
A
B
C
edukasyon at sistemang legal
Argentina
Nivadavia
The Liberator
Venezuela
Simon Bolivar
Africa
Sahara
naghihiwalay sa mga black at
Caucasoid
Orthodox
Vladimir I
Soviet Union Partido Komunista
Josef Stalin
Vladimir the Saint
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
AKLAT
De Leon, Zenaida M., Discipulo, Neiva J., Rillo, Priscila H., Vivar, Teofista L. Ed.D.
Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon. pp 185-186, pp. 261265,G. Araneta Ave. Col Ma. Clara Street 5197, Quezon City Philippines: SD
Publication, Inc., 2000
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et al
pp.241,2012
Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal,
Yorina C. Manalo, KalennaLorene S. Asis Rosemarie C. Blando, Michael M.
Mercado, Mark Alvin M. Cruz Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig ph. 300 – 306, 2014
20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Tagum City
E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte
Telefax:
Email Address: tagumcity@deped.gov.ph
1
Download
Study collections