Modyul 3, Baitang 10 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA 1 Modyul 3, Baitang 10 TALAAN NG NILALAMAN MODYUL III Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Panimula Panimulang Pagtataya Aralin 3.1 Aralin 3.2 Aralin 3.3 Aralin 3.4 Aralin 3.5 Aralin 3.6 Aralin 3.7 MODYUL IV : Mitolohiya mula sa Kenya Liongo Maaaring Lumipad Ang Tao Pagsasaling-wika : Anekdota mula sa Persia Mullah Nassredin Mula sa Anekdota ni Saadi Diskursong Pasalaysay : Sanaysay mula sa South Africa Ang Talumpati ni Nelson Mandela Ako ay Ikaw Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe : Tula mula sa Uganda Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Ang Matanda at ang Batang Paruparo Matatalinghagang Pananalita at Simbolismo : Maikling Kuwento mula sa East Africa Ang Alaga Rosalia Villanueva –Teodoro, Ang Dakilang Ina Mga Pangungusap na Naglalahad ng Implikasiyon : Epiko ng Mali Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio? Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o Damdamin : Nobela ng Nigeria Paglisan (Buod) Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag EL FILIBUSTERISMO 2 Modyul 3, Baitang 10 I. PANIMULA Ang panitikan ay nagsisiwalat ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na masisilayan sa mga panitikan ng Africa at Persia na nalinang ng mga pahayag mula sa Bibliya, paggamit ng kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran. Dito sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapapahalagahan mo ang mga akdang pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at Persia, gaya ng mitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay ng South Africa, tula ng Uganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali at nobela ng Nigeria. Matututuhan din ang mga kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaral ng mga pamantayan sa pagsasaling-wika, diskursong pagsasalaysay, paggamit ng tuwiran at dituwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita, mga pangungusap na naglalahad ng implikasiyon, mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin, at pang-ugnay na nagpapaliwanag na magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa Modyul. Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan buhat sa Africa at Persia sa iba pang akda mula sa ibang panig ng mundo at paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika/ retorika sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bayan. Gayundin, inaasahang makalilikha ka ng komposisyong popular sa anyo ng patalastas pantelebisiyon. Mamarkahan ang pagganap sa sumusunod na pamantayan a.) kasiningan, b.) kaangkupan, c.) kawastuhan, at d.) kawilihan. Sa puntong ito, sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa sagutang papel. Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mga araling pag-aaralan. Simulan mo na! 3 Modyul 3, Baitang 10 II. PANIMULANG PAGTATAYA Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? a. panlapi c. pagpapakahulugan b. gramatika d. pagsasaling-wika 2. Ito ay nagpapahayag magkakaugnay. a. pangangatuwiran b. paglalarawan ng mga pangyayari o kasanayang c. paglalahad d. pagsasalaysay 3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao. a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan 4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa. a. nobela b. karilyo c. dula d. maikling kuwento 5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan. a. idyoma c. simbolismo b. matatalinghagang pananalita d. tayutay 6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita. a. pandamdamin b. malaya c. blangko berso d. tradisyunal 7. Panitikan na nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan. a. epiko b. anekdota c. sanaysay d. mitolohiya 8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? 4 Modyul 3, Baitang 10 a. Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria b. Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon c. Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo d. Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria. 9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin? “Love excuses everything believe all things,hopes all things,endures all things”. a. b. c. d. “Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa mga bagay, nakakaya ang lahat ng bagay.” Basahin nang paulit-ulit Ikumpara ang ginawang salin. Suriin ang bawat salita sa isinasalin. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. 10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon. “A negative mind will never give you a positive life”. a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.” b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.” c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.” d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.” 5 Modyul 3, Baitang 10 Para sa bilang 11-12 “Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa Ang Tsinelas ni Jose Rizal 11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito? a. Ito ay napapanahon. b. Mahusay ang sumulat. c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag. 12. Sa bahagi ng kuwentong binasa , anong aral ang nais iparating nito? a. Katapatan sa bayan b. Pagpapahalaga sa kaniyang kapwa c. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba d. Mahusay na pakikitungo sa kaniyang kapwa kabataan. Para sa bilang 13-16 Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo. Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela 6 Modyul 3, Baitang 10 13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangangahulugang ____________________. a. pagtanggi at paglaban sa batas b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi 14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo. a. pagtanggi sa rasismo b. pagkalugmok ng sarili c. espiritwal at pisikal na kaisahan d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo 15. Ano ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa? a. Pagpapahirap sa mamamayan b. pagkakaroon ng malupit na pinuno c. pagpapairal ng kontrakwalisasiyon sa mga manggagawa d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay 16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________. a. paghihinuha b. paglalarawan c. panghihikayat d. pangangatuwiran 17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala? a. Tara, punta tayo roon. b. Hindi kita iiwan, pangako iyan. c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin. d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis. 7 Modyul 3, Baitang 10 18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? Ang poo’y di marapat pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. a. nais b. mithi c. hangad d. pangarap 19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit? a. itago c. kalimutan b. ilibing d. magpatawad Para sa bilang 20-21 Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban at higit sa lahat pagkilala mula sa mga katribo. Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera 20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay? a. mapaghiganti b. may iisang salita c. puno ng hinanakit d. may determinasyon sa buhay 21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo? a. mahina ang kaniyang ama b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan 8 Modyul 3, Baitang 10 22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin? a. maayos ang pagkakasalin b. malaya at madaling maunawaan c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa. 23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang-alang? a. Muling isalin b. Magdagdag at magbawas ng salita c. Ihambing sa iba ang ginawang salin d. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Para sa bilang 24-25 Alanganing Dalaw Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang may isang panauhing dumating. “ Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na sinabi, “ Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.” Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang kinaroroonan ng kaibigan. “ Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas siyete ang aming hapunan.” “ Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.” Halaw sa Little Book of Music Anecdote ni Helen Kauffman 24.Batay sa binasang anekdota, tama ba ang pagpapasya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin? a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom. b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin. c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin. d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian. 9 Modyul 3, Baitang 10 25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa? a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin. b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa. c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan. d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan. Para sa bilang 26-29 Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya, inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. 26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata? a. pagkalungkot b. pagkabalisa c. paghihinanakit d. panghihinayang 27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili. a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak. b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak. c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan. d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak. 28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata? a. Malulungkutin subalit matatag. b. Nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak. c. Mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak. d. Inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos. 29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ng isang ina? a. katatagan ng buong pamilya b. panghihina ng espiritwal na aspeto c. pamumuhay ng masaganang materyal d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya 10 Modyul 3, Baitang 10 30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung magmumungkahi ka sa kakulangan ng detalye nito, alin sa sumusunod na pahayag ang iyong gagamitin? a. Parang may kulang pang detalye. b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. 31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag? a. bukas-palad c. sawimpalad b. kapos-palad d. makapal ang palad 32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa talinghaga ng mga ito? Unang Tula Ikalawang Tula Samakatuwid, ako’y minahal. Samakatuwid, ako’y lumigaya. Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. At kung ako’y iyong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya, disin ako ngayo’y katulad nila nawalan ng buhay at isang patay na. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Ang Matanda at ang Batang Paruparo Rafael Palma a. araw at gabi b. diyamante at bato c. halakhak at luha d. puti at itim 11 Modyul 3, Baitang 10 33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang personalidad ng kasaysayan sa bansa sila maihahambing? “Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga.” “Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na tatangay sa iyo.” “Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang puno.” “At ako, ako ang nanakal na baging na gagapang sa tuktok ng higanteng kagubatan.” “Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.” “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.” “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.” “Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.” Hango sa Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos Hussein b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu Tambo 12 c.George W. Bush at Sadam d. Nelson Mandela at Oliver Modyul 3, Baitang 10 Para sa bilang 34-35 Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilang pagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lup, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith. Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera 34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya? a. Palaganapin ang Kristiyanismo b. May tatlong persona sa iisang Diyos c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala 35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng Lupa? a. Nagkasakit si G. Brown b. Sinunog ang tahanan ni Enoch c. Sumanib ang isang masamang espiritu d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu 36-50. Sumulat ng mabisang diyalogo na gagamitin sa bubuuing patalastas pantelebisyon na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at Persia. 13 Modyul 3, Baitang 10 III. YUGTO NG PAGKATUTO TUKLASIN Sagutin ang paunang gawain na titiyak sa lawak ng kaalaman mo sa mga araling nasa modyul. GAWAIN 1. Pagkakakilanlan ng Bayan Sagutin ang mga tanong sa grapikong representasiyon. Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na pormat. Ano-ano ang kultura ng Africa? Ano-ano ang kultura ng Persia? Ano ang naging ambag nito sa panitikan? Ano ang naging ambag nito sa panitikan? LINANGIN Naririto ang mga araling aakay sa iyo upang lubos mong maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia. Aralin 3.1 A. Panitikan: Liongo (Mitolohiya-Kenya) Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles B. Gramatika/Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika C. Uri ng Teksto: Naglalahad 14 Modyul 3, Baitang 10 Panimula Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan,Tanzania saTimog,Uganda sa Kanluran at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indian sa Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan ,sining sa inukit na bato,arkitektura ang mga palasyo at museo na yari sa putik,may musika at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi.Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya.Upang mas higit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya. Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya bahagi ng araling ito ang pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang masasagot mo ang mga pokus na tanong na:Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t ibang batayan;Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling wika? Gayundin,inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdang pampanitikan mula sa bansang Africa at Persia batay sa mga sumusunod na pamantayan:katapatan at kawastuan. Yugto ng Pagkatuto Tuklasin GAWAIN 1. Magagawa Natin Basahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa.Suriin ito bilang pagpapahalaga sasagutin ang kasunod na mga tanong. Mashya at Mashayana :Mito ng Pagkalikha Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae.Nagmula ang ikaanim na paglikha ni ahura ohrmuzd.Sa kabilang banda ,si Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda,si Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat na nilikha ni Ahura Ohrmuzd. 15 Modyul 3, Baitang 10 Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya ng demonesa sa katauhan ni Jeh. Nagtagumpay ang demonesa,subalit nabihag siya ng buwan na si Mah.Mula sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman.At dito nanggaling sina Mashya at Mashyana. Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban Ahriman Mainyu.Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan. Mga Tanong 1. Tungkol saan ang mitolohiya ? Mga Sagot 2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu ?Ang ginawa ni Ahura Ohrmuzd ? 3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzd kay Gayomard ang pinag mulan ng suliranin ng kuwento ?Patunayan. 4. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu ? Gawain 2: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong. Bilugan ang tamang sagot . Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at ang kalupaan ay mag-asawa.Sila ay may dalawang anak na sina langit at tubigan.Sila ay may kaniya- kaniyang (2.) Covered (Palaruan, 16 Modyul 3, Baitang 10 Nasasakupan,Palayan) Si Langit ay diyosa ng (3.) Galaxy (kalawakan, lupain, kalangitan) at si (4.) Pond . (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan.Sina langit at tubigan ay (5.) Married (nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at ang naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa ang babae. Si Dagat ay (6.) Chic (makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Aldaw ay (7.) Cheerful (masayahin, masigla ,mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto.Si Bulan ay isang (8.) Weak (maginoong, mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay ginto.Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang (9.) Only (tanging, marami, grupo ) babae na maganda ang katawan at kulay (10.) Silver (pilak, ginto, tanso). Matapos nating masagutan ang gawain.Ngayon naman ay babasahin natin ang isang mitolohiya . Linangin Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalamin ba dito ang kanilang kultura . MODYUL 3.1. ILLUSTRATION 1 Liongo Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod mamamatay siya. Tangng si i Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng mga kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.Nakaisip si lionggo ng isang pagpupuri Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga sa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan 17 Modyul 3, Baitang 10 sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana.Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kayat naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kanyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya. http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan Sa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon.Tukuyin ang pinagmulan nito na may kaugnayan sa mitolohiya. Matrilinear ______________________________________ ______________________________________ ____________________________________________________ Ozi ______________________________________ ______________________________________ ____________________________________________________ Patrilinear ______________________________________ ______________________________________ ____________________________________________________ Faza ______________________________________ ______________________________________ ____________________________________________________ 18 Modyul 3, Baitang 10 Gala ______________________________________ ______________________________________ ____________________________________________________ Sagutin ang mga Gabay na Tanong. 1. Ibigay ang suliranin sa binasang akda. 2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan. 3. Sumasangayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag. 4. Ilarawan ang naging kilos at gawi liongo? 5. Bilang pagpapahalaga sa iyong binasang akda,anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid? GAWAIN 4.Tingnan Natin Ibigay ang mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda,kilos at gawi ng tauhan.Gawin sa pamamagitan ng story board.Ilagay sa sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5. 6. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika Upang mas higit mo pang mapatunayan ang iba pang mga mito. Basahin natin ang isang mitolohiya na nagmula sa bansang Nigeria. 19 Modyul 3, Baitang 10 Maaaring Lumipad Ang Tao Naisalaysay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles MODYUL 3.1. ILLUSTRATION 2 Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi. May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah.makikitang ay may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain .Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain. Nagtratrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito.Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho .Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa . Si Sarah ay naghuhukay at nag- aayos ng pilapil sa palayan,habang ang bata ay tulog sa kaniyang likod.Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas Hindi niya ito mapatigil ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. “Patahimikin mo iyan,” ang sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito.Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa. Ang matandang naroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. Aalis ako nang mabilis”, ang sabi niya pagdaka. Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak.” Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari,naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil . “Tumayo ka, ikaw , maitim na baka “ ang hiyaw ng tagabantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo. Nandoon si Toby,ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya. 20 Modyul 3, Baitang 10 “Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat” “Sige anak ngayon na ang panahon” ang sagot ni Toby “ humayo ka , kung alam mo kung paano ka makaaalis. “Kum…yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga.Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin, Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad na hawak -hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya katulad ng isang ibon. na animoy balahibong umiilanlang sa hangin. Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy ,sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti- unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin, nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo, siya bumagsak ang bata.Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya kaagad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita Nagpagulong-gulong siya sa hangin ,. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad. Iba- iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby.Umiiyak siya sa nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay” kumkumka yali,kum… tambe! Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin . Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod .habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan , ang bakuran at ang batis na dinadaluyan ng tubig . “Bihagin ang matanda,” ang sabi ng tagapagbantay. “Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita,”bihagin siya” Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si Toby . Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby. “Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “ heeee ,, heee ! hindi ninyo kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang katulad naming nasa palayan. At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim,sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo. 21 Modyul 3, Baitang 10 “Buba …. Yali …. Buba … tambe … “ May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat, matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawakkamay. Nagsasalita habang nakabilog animo singsing , umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala sila umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay -langkay na animo mga ibon na tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon ,ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan. Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila. “Isama ninyo kami sa paglipad “ ang kanilang natatakot sumigaw. wika , pero sila’y Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na makatakbo “ paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “kausapin mo sila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho. Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang Panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag” Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita. Sapagkat alam niya ang totoo. Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak.Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan . Naalaala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan. At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon. GAWAIN 5.Suriin Natin Ihanay ang mga pangyayari sa kuwento gamit ang Story Ladder . 22 Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 6. Mahalaga Opinyon Mo Basahin ang mga pangyayari lagyan ng tsek MK kung makatotohanan at DMK kung hindi makatotohanan at bumuo ng sariling kongklusyon? Pangyayari MK DMK Kongklusyon Nagtrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim. Hinahampas ng latigo ang mga mababagal sa gawain.Upang maging mabilis ang kanilang paggawa. Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. May napakalakas na sigawan at hiyawan,ang mga nakabalikong likod ay naunat,matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak -kamay. GAWAIN 7. Subukin Mo A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.. Tagapagbantay ___________________________ Misteryo ___________________________ Nagpagulong -gulong ___________________________ Mahika ___________________________ Kumikinang ___________________________ 23 Modyul 3, Baitang 10 B. Isalin sa Filipino ang sumusunod na talata. There was a great outcryin”.the bent backs straighted up,old and young who were called slaves and could fly joined hands.say like they would ring-sing.But they didn’t shuffle in a circle Pagsasaling- Wika Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago,2003). Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin 1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na kumonsulta sa diksyunaryo .Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan,halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin. 2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang- kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor,gayundin sa wastong paggamit ng mga salita,wastong pagkakabuo at pagsusunodsunod. 3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin,kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin.Kaya kung ang lahat ng salin ay patas,nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat. 4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa.Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. 5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. 24 Modyul 3, Baitang 10 Walang higit na mabisa kaysa sa ibang wika.Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa. Gabay sa Pagsasaling-wika Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan .Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 1. Isagawa ang unang pagsasalin.Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita. 2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.Tandaang ang pagdaragdag,pagbabawas pagpapalit,o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin. 3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin. Kung gagamit ng diksiyunaryo ay isaalang-alang ang ibat ibang kahulugan ng isang salita.Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap. Pagsasanay 1. Isalin sa Filipino ang sumusunod: 1.The Kikuyos are a large tribe. They speak a beautiful Bantu Language and lived on the slopes of Movement Kenya. 2. The Yoruba believe that, There is a god, Ori, who supervise people’s choice in heaven. Kikuyo Literatura ng Africa Literatura ng Africa Destiny (Yoruba) 3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, There lived in Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom. The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa) 25 Modyul 3, Baitang 10 Pagsasanay 2. Suriin ang salin ng mitolohiya Maaring Lumipad ang Tao gamit ang kasunod na talahanayan.Lagyan ng tsek (/)ang mapipiling eskala 5-Napakataas 4-Mataas 3-mataastaas 2-hindi mataas 1-paunlarin pa. l Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw,sumisigaw.Samantal ang si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy ,sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay.Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti- unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito. The Overseer rode after her,hollerin,”Sarah flew over the fences.She flew over the woods,tall trees could not snag her.Nor could the Overseer.She flew like an eagle.Now,until she was gone from sight.No one dared speak about it .Couldn’t belive it.But it was,because they that was there saw that it was. Katangian Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa kaugnay sa pagsasalin. 26 1 2 3 4 5 Modyul 3, Baitang 10 Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang mga ginamit na salita sa pagsasalin? Tama ba ang pagkakasunodsunod ng mga ideya? Patunayan. 2. Paano nakatulong sa iyo ang binasang teksto nakasalin sa Filipino? 3. Kung ang bersyong nasa Ingles lang ang binasa mo, ganito rin kaya ang pagkaunawa mo sa teksto? Pangatuwiran. 4. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalagang pampanitikan ? Pagnilayan at Unawain Subukin mong gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa susunod na pahina sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa bawat pahayag. 1. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t ibang batayan? ____________________________________________________ 2. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________ Ilipat Isa kang mahusay na tagapagsalin.Napili ka ng embahada ng Africa at Persia upang isalin ang kanilang mga mitolohiya sa wikang Filipino upang maipakilala ang kanilang bansa sa buong daigdig.Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan sa pagsasaling- wika. A. Katapatan................. ................................................................. 50% B. Kawastuan ................................................................................. 50% Kabuuan ......................................................................................100% Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang salin sa modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay sa mundo ng anekdota. 27 Modyul 3, Baitang 10 Aralin 3.2 A. Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota-Persia) Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles B. Gramatika/Retorika: Gramatikal, Diskorsal, Istratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay Panimula Sa Persia, ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng Medo at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo.Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig. Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia na kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa Paniniwalang Sufism , pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa pamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga naiambag ng kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng Pilosopiya at Paniniwala. Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa pagsasalaysay. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagmumungkahi at makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag-iiwan ng kakintalan o aral sa mga bumabasa. Aalamin mo kung paano naiba ang anekdota sa mga kauri nito .Gayundin kung paano nakatulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng mga anekdota batay sa sumusunod na pamantayan.a.)Ang pamagat ay maikli, orihinal at napapanahon. B.) mahalaga ang paksa o diwa.c.) maayos at di-maligoy ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.d.) kaakit- akit na simula at may kasiya-siyang wakas. 28 Modyul 3, Baitang 10 Yugto ng Pagkatuto Tuklasin Gawain 1.Basahin mo ang isang anekdota at iyong suriin ang mga pangyayari sa binasa na may kaugnayan sa pagdedesisyon. Akasya o Kalabasa Consolation P.Conde Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran.Ang edukasyon ay napakahalagang yamang maipamamana ng magulang sa anak. Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan.Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puupuung taong pag-aaral at pagpapakasakit.Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran.At itoy maitutulad din nga sa paghahalaman. Pasukan na naman.Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala,sa nayon ng Kamyas,hindi kalayuan sa lungsod… Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy.Si Mang Simon naman ay hindi na muna magtutungo sa linang,upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad.Dinatnan nilang ang tagatala ay abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga –linga si Mang Simon.nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. ‘Halika at makikipag-usap muna ako sa punong-guro.’’ ‘Magandang umaga po sa kanila,’’panabay na bating galang ng mag-ama. ‘Magandang umaga po naman, ‘ ang tugon ng punong-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag –alok ng upuan.’Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila ?’’ ‘E,ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.’’ ‘A,opo.Sa ano po namang baitang ?’’usisa ng punong-guro. ‘Katatapos pa po lamang niya ng elrementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,’’paliwanag ni Mang Simon. 29 Modyul 3, Baitang 10 ‘Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul po ?’’ ‘Ngunit….ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad,maaari po ba ?’’ ‘Aba ,opo,’’maagap na tugon ng punong-guro.’’Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kanyang kunin.Iyan ay batay sa kung anong gusto ninyong kalabasan niya.kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya,gugugol kayo ng puu-puung taon,subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.’’ ‘’Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.Gayundin si Iloy.Pagkuwan ay nagbulungan ang magama. At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon.habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili :’’A,mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera.Higit na magiging mayabong ang kanyang kinabukasan.’’ GAWAIN 2. Ating Subukin 1. Ang akdang ‘’Akasya o Kalabasa’’ ay isang anekdota,tukuyin ang mga katangian nito?Patunayan 2. Anong katangian ng kuwento ang nangingibabaw dito? 3. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito? 4. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay. GAWAIN 3.Buuin mo Sumulat sa papel ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasang anekdota.Maaaring tungkol sa sarili o sa isang kakilala. Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawain, Atin namang babasahin ang isang anekdota mula sa bansang Persia upang makilala natin ang kanilang mga paniniwala at prinsipyo.Tingnan natin kung nagtataglay ito ng mga elemento ng isang anekdota. Alam mo ba na ... ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.Itoy magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. Sinasabi rin na,isang malikhaing akda ang anekdota.Dapat na ang 30 Modyul 3, Baitang 10 bawat bahagi sa tulong ng mga pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat upang ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota. Ilang Mga Katangian ng Anekdota a.) May isang paksang tinatalakay.Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad. b.)Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari. Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota Linangin Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan.Dalubhasang Pilosopo at Tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar.Nagsimula ang kaniyang mga kuwento sa Persia.Naniniwala ang mga Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan sa bawat tao.Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir).Dakilang guro sa pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng kaisipan at paniniwala na di- makakasakit subalit nakapagbibigay -sigla sa mambabasa. Paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri nito? Mullah Nassreddin Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles MODYUL 3.2 ILLUSTRATION 1 Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa .Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano Noong sila ay mga bata pa.Libo-Libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan.Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi” kung kayat 31 Modyul 3, Baitang 10 kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao, Pinagsalita siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kanyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo” kung kayat muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin” at siya ay lumisan. http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-wasmaster-anecdotes.html GAWAIN 4. Ating Pagyamanin A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang. a. Lumisan b. Nalito c.Napahiya d. Sayangin e. Naimbitahan ______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. ______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin. ______3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya. ______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. ______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao. Sagutin ang mga Gabay na Tanong 1. Batay sa iyong nabasa,paano mo ilalarawan si Mullah? 2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo?Bakit? 3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa? 4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kanyang pagtuturo sa mga tao? 5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?Patunayan. 6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa? 32 Modyul 3, Baitang 10 7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong paksa ang nais mong isulat?Bakit? 8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito,masasalamin ba ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat. GAWAIN 5. Ating Suriin Suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota “Mullah Nassreddin. ”Gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba. Mullah Nassreddin Panimula: Tunggalian: Kasukdulan: Kakalasan: Wakas: Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawang kadahilanan:Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula ng mga mag-aaral na Persiano.Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga kuwento na itinuturing na mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufi. Para sa mga Sufis,ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya bahagi ito ng buhay.Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa oras ,pera o maging karangalan.Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidual sa pamamagitan ng kanilang mga pandama. Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga na kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/pagdadalaga.Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa proseso, pag-unawa at pagsasanay. 33 Modyul 3, Baitang 10 Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim na dumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ang naisasalaysay ang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa buong mundo. Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia ni Idries Shah Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles MODYUL 3.2 .ILLUSTRATION 2 Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa. Isang araw,ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta sa kaniyang nasasakupan ay matama nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika”Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam ,katulad siya ng hayop,hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang. Sumagot ang Mongheng Mohametano, ”Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa.Sabihin mo sa kaniya,ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mga mamamayan para paglingkuran ang Sultan. GAWAIN 6. Ating Kilalanin Kilalaning nating mabuti si Saadi sa kaniyang anekdota, punan ang character web sa ibaba .. SAADI 34 Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 7. Sagutin Natin A.Paghambingin ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan..Isulat ang sagot sa kasunod na tsart,Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Anekdota Talambuhay Tala ng Paglalakbay (Travelogue) Paksa Tauhan Tagpuan Paraan ng pagkakasulat Mensahe/Aral Nilalaman GAWAIN 8. Ating Palawakin A..Magmungkahi at maglapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag-iiwan ng kakintalan o aral. B. Isulat ang karanasang nangingibabaw sa nabasang anekdota. 35 Modyul 3, Baitang 10 Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Alam mo ba na.. ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay.Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa. Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa 1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. 2. Sapat na Kagamitan - Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari. 3. Kakayahang Pansarili - Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan ,hilig at layunin ng manunulat. 4. Tiyak na Panahon o Pook - Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay. 5. Kilalanin ang mambabasa - Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 1. Sariling Karanasan - Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay. 2. Narinig o napakinggan sa iba - Maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat. 36 Modyul 3, Baitang 10 3. Napanood - Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro at iba pa. 4. Likhang - isip - Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay. 5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay. 6. Nabasa-Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari. . MGA URI NG PAGSASALAYSAY 1. Maikling Kuwento - nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. 2. Tulang Pasalaysay - Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong. 3. Dulang Pandulaan - Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal. 4. Nobela - Nahati sa mga kabanata; punong - puno ng mga masalimuot na pangyayari. 5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari 6. Alamat - Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid. 7. Talambuhay "Tala ng buhay" - ng isang tao ,pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas. 8. Kasaysayan - Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. 9.Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar. Pagsasanay 1: Punan ang kasunod na double entry journal ng sariling reaksiyon tungkol sa mga dapat isaalang alang sa pagsusuri ng isang anekdota. . Pagsusuri Ang Aking Reaksiyon Kawilihan ng Paksa 37 Modyul 3, Baitang 10 Sapat na kagamitan Kakayahang Pansarili Tiyak na panahon o pook Pagkilala sa mambabasa Pagsasanay 2: Gumawa ng tungkol sa binasang anekdota sa sagutang papel. Ang iyong gagawin ay bibigyan ng marka ayon sa mga sumusunod na pamantayan, lohikal ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, malikhain at masining, angkop na kasuotan sa nabuong drowing, maikli at madaling makakuha ng interes at malinaw ang anekdotang inilalahad. Pagsasanay 3: Isulat ang mga salaysay na ginamit sa nabasang kuwento. Mullah Saadi Pagsasanay 4: Suriin natin ang mga katangiaang dapat taglayin ng anekdotang natalakay.Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan. Lagyan ng tsek ( ) kung tama batay sa iyong pagsusuri at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot. 38 Modyul 3, Baitang 10 Katangian Oo Katamtaman Hindi Paliwanag Makatawag pansin ang mga katangiaan ng tauhan. Payak at maikli ang pagpapahayag Nakakalibang habang binabasa. Nakatulong ito upang lalong makilala si Mullah/Saadi Pagnilayan at Unawain 1. Mag-isip ng isang nakatatawang pangyayari sa iyong buhay,noong nagsimula kang mag-arall?Isalaysay. 2. Mula sa iyong karanasan.Ano ang iyong natutuhan? Ipaliwanag. 3. Kung isasalaysay mo ito sa iba.Ano ang gusto mong matutuhan ng iyong kapuwa? 4. Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito? 5. Nakatutulong ba ang gramatikal,diskorsal,istratedyik sa pagsasalaysay ng mga orihinal na anekdota na buhat sa mga bansa ng daigdig? Ilipat . . Naanyayahan ka para magbigay ng talumpati sa isang pagtitipon sa inyong bayan.Isasalaysay mo ang mga nakatutuwang karanasan ng iyong buhay, mga desisyon ginawa mo na nakatulong ng malaki sa iyong pagtatagumpay. a. b. c. d. Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon 25% Mahalaga ang paksa o diwa 25% Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari 25% Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas. 25% Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang modyul .Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong pamamasyal. Ang bansang susunod mong papasyalan ay ang Iran. Muli mong masasalamin sa susunod na bansa ang kanilang kultura at tradisyon. Maligayang paglalakbay at pag-aaral. 39 Modyul 3, Baitang 10 Aralin 3.3 A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa (Talumpati – South Africa) Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum B. Gramatika/Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe C. Uri ng Teksto: Naglalahad Panimula Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati na binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan. Sa araling ito ay kailangang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng balangkas ng napakinggang talumpati upang mas madaling matukoy ang mahahalagang impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay sa sumusunod na pamantayan: a) nilalaman, b) taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang mpormasyon, at c) makatotohanan. Sa tulong ng iba’t ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa at kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paglalahad nito? Yugto ng Pagkatuto Tuklasin Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin ang iyong kaalaman sa sanaysay. GAWAIN 1. Paglalahad sa Sanaysay Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay pagkatapos ay bumuo ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili. 40 Modyul 3, Baitang 10 kuro-kuro opinyon ideya saloobin isyu talumpati tauhan banghay balita tugma sukat pananaw SANAYSAY GAWAIN 2. Iayos Mo Pagsama-samahin ang mga impormasyon sa kahong dapat na magkakapangkat at iayos ang wastong pagkakasunod-sunod nito upang makabuo ng wastong impormasyon tungkol sa balangkas. iskeleton ng susulatin kahalagahan kahulugan mapa ng impormasyon mapag-iisipang mabuti ang paksa mapipili mo ang mga ideya o konsepto mas magiging madaling ayusin ang mga ideya plano ng paksang isusulat GAWAIN 3. Alin ang totoo? Suriin ang mga pahayag: “Ayon sa pananaliksik, ang musika, panitikan, sining at kultura ng Africa ay nakakuha ng mataas na pagpapahalaga at paggalang sa lipunan. Sa tingin ko, ang lumang paniniwala na ang Africa ay tulad sa isang bata ang pag-unlad ang naging dahilan upang hindi ito mapansin noon.” 41 Modyul 3, Baitang 10 Sagutin: Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit? Alam mo ba na... ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa majhahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon. Tingnan ang kaugnayan ng mga salitang nabuo sa iyong isipan sa larawan sa itaas sa akdang tatalakayin. Ngayong nalaman mo na ang iyong natatanging kaalaman sa panitikan at sa akdang tatalakayin, maaari mo nang basahin ang akda. Maligayang pagbasa! Alam mo ba na… ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay? Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto ang kanilang pagkakakilanlan. Pormal Nagbibigay impormasyon Di-Pormal o Personal ng Nagsisilbing aliwan/libangan Nagbibigay ng Nagbibigay-lugod mahahalagang kaisipan pamamagitan 42 sa ng Modyul 3, Baitang 10 o kaalaman sa pagtalakay sa mga pamamagitan ng paksang karaniwan, pangmakaagham at lohikal na araw-araw, at personal pagsasaayos sa paksang tinatalakay Maingat na pinipili ang Ang himig ng pananalita pananalita ay parang nakikipag-usap lamang Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan tono ang Obhektibo o di-kumikiling Subhektibo sapagkat sa damdamin ng may- pumapanig sa damdamin akda at paniniwala ng mayakda Linangin Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong Mayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang panitikan partikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din nila ang pagkauhaw sa kalayaan, karapatan at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng kanilang kultura. Nelson Mandela: Bayani ng Africa Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasan, mga pinagpipitaganang mga panauhin, mga kasama at mga kaibigan… Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo. Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan. Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat. 43 Modyul 3, Baitang 10 Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon. Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa. Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon. Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa pagbukadkad ng mga bulaklak. Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo. Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain. Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad. Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya. Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President , ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk. 44 Modyul 3, Baitang 10 Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan pa ring makakita ng liwanag. Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na. Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na. Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na. Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyonmilyong mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa. Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog. Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribilehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantaypantay ng kasarian. 45 Modyul 3, Baitang 10 Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan. Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay. Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo. Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat. Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig at asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip at ang kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili. Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo. Maghari nawa ang kalayaan. Pagpalain ka ng Diyos, Africa! Salamat. http://www.anc.org.za/show.php?id=3132 GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan - Analohiya Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang mabigyang-linaw kung bakit ito ang iyong naging sagot. kagubatan karagatan silid-aklatan 1. 2. 3. 4. 5. katawan tinapay prutas bulaklak : hardin :: aklat: _____________ berde : kapaligiran :: asul :______________ espiritwal : kaluluwa :: pisikal :_______________ puso : katawan :: ___________:puno ____________: gutom :: tubig : uhaw 46 Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa? 2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa. 3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati? Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng mga pangyayaring nagpapatunay nito. 4. Kung ikaw ay isa sa mga mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa talumpati ni Mandela? 5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o bansa? 6. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan, kalayaan, at katarungan? Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat din na siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin – ang magkaroon ng kalayaan. Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ng mahahalagang impormasyon sa isang talumpati. Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan pa, basahin ang isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika. Tayo ba ay malaya sa wika o tayo ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga dayuhan? Ako ay Ikaw ni Hans Roemar T. Salum “Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakasarap sa pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang 47 Modyul 3, Baitang 10 malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito, na sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding layunin at mas madaling makita sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Ano-ano ba ang mga tiyak na layunin sa paggawa ng balangkas? 1. Nakatutulong ito sa pag-oorganisa ng mga ideya. 2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na paraan. 3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Ang mga ito ay dapat ding isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ng mahahalagang impormasyon Makikita natin sa binasang sanaysay ang mahahalagang impormasyong nais nitong iparating sa mambabasa. Sa tulong ng gawain sa ibaba, alamin kung anong mahahalagang impormasyon ang iyong nakita. GAWAIN 6. Itala, Impormasyong Mahalaga Sa sanaysay na binasa, isulat nang pabalangkas ang mahahalagang impormasyon na nais nitong iparating sa mambabasa. Gawing gabay ang sumusunod: 48 Modyul 3, Baitang 10 Ako ay Ikaw I. Bunga ng Pakikipaglaban A. B. C. II. Kalagayan sa Makabagong Panahon A. 1. 2. 3. GAWAIN 7. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Isulat ang sumusunod na mga tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa? 2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa.” 3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si Pangulong Quezon. Kung ikaw ay nasa katayuan niya, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo. 5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang sarili? 6. Pakinggan ang awit na Ako’y Isang Pinoy. Anong damdamin ang namamayani sa iyo tungkol sa wika? Ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit. GAWAIN 8. Maghambingan tayo Batay sa dalawang sanaysay na binasa, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng talumpating pormal sa di-pormal. Pormal Pagkakatulad Pagkakaiba 49 Di-pormal Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 9. Ugnayang Panlipunan Ilahad ang kaugnayan ng talumpati sa kultura o kalagayang panlipunan ng Africa at sa kulturang Pilipino. Pagsasanib ng Gramatika / Retorika – Halinang Sumulat Alam mo ba na… nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga ito sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at dituwirang pagpapahayag. Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyo. May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa. Halimbawa: 1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang pasyalan bago ang ibang bansa. 2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito ang kaniyang sertipiko. Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na makatotohanan, may batayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala. Ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na bagamat batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa. Pagsasanay 1 Balikan ang tekstong Ako ay Ikaw. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran ba o di-tuwirang pahayag? Isulat ang sagot sa sagutang papel. Pagsasanay 2 Suriin ang mga pangungusap. Uriin ang pahayag na ginamit. 1. 2. 3. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaking Pilipino. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa Senado. 50 Modyul 3, Baitang 10 4. 5. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng kapwa. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na dinarayo ng mga turista. Pagsasanay 3 Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirang pahayag tungkol sa kasalukuyang kaganapan sa bansa na ang layunin ay makapanghikayat sa kaniyang mambabasa. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga transitional device. Gawin ito sa iyong sagutang papel. sa katunayan sa totoo lang isang katotohanan ang totoo patunay nito bilang patunay ebidensiya ng Pagnilayan at Unawain Ngayong naunawaan mo na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan at ang gamit ng tuwiran sa dituwirang pahayag, sa bahaging ito ay tatayahin kung naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa aralin. GAWAIN 10. Unawa ko, Ilalahad ko 1. Mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa? 2. Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon? Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon? 51 Modyul 3, Baitang 10 Ngayong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon at ang paggamit ng tuwiran at dituwirang pahayag, pag-aralan ang sumusunod na impormasyon at ilipat mo sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang iyong mga natutuhan. Ilipat GAWAIN 11. Aksiyon mo, Pagpasyahan mo Upang matiyak na naunawaan ang araling ito, gumawa ka ng balangkas sa napakinggang talumpati Anyo ng Balangkas Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o pangungusap. Sa anyong salita o parirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang maikling kabuuan ng paksang tatalakayin at mabilis pa itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap. Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap sa lahat ng entrada at nilalapatan ng wastong bantas. Kung sisimulan nang patanong ang balangkas, dapat ay patanong din ang iba pang bahagi nito. Halimbawa: Mga Karapatan ng Mamamayan I. Karapatang Likas A. Karapatang mabuhay B. Karapatang maging maligaya C. Karapatang umibig II. Karapatang Konstitusyonal A. Karapatan sa Saligang Batas 1. Kalayaan sa paghalughog 2. Kalayaan sa komunikasyon 3. Karapatan sa pamamahayag 4. Kalayaan sa relihiyon 5. Kalayaan sa paninirahan B.Karapatang itinatakda ng batas 1. Karapatan sa pagmamana 52 Modyul 3, Baitang 10 Ikaw bilang stenographer ng isang pahayagan ay naatasang gumawa ng balangkas ng mahahalagang impormasyon sa napakinggang talumpati. Ito ay ibabalangkas mo at iuulat mo sa punong patnugot sapagkat ilalathala niya ito sa isang pahayagan. Ito ay ibabahagi mo sa iyong punong patnugot at sa mga manunulat ng inyong pahayagan. Tatayahin ang iyong balangkas batay sa a) nilalaman, b) pagkawasto ng pagkuha ng mahahalagang mpormasyon, c) wastong balangkas at c) makatotohanan. MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA PAGGAWA NG BALANGKAS A – Napakahusay B - Mahusay C – Hindi mahusay D – Paunlarin pa PAMANTAYAN 4 3 2 1 Nilalaman – maayos at organisado taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang mpormasyon Wastong balangkas – taglay ang wastong pamamaraan sa pagbalangkas Makatotohanan – totoo ang mga impormasyong ipinakita Interpretasyon: 16 - 20 – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga gawain. 11 - 15– Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o kagalingan. 6 - 10 – Hindi mahusay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit kailangan ng pagrebisa upang mapaunlad pa ang gawain. 1 - 5 –Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa titingin ng iyong likha. Napakahusay mo, binabati kita sa naging bunga ng iyong pagtitiyaga – ang tagumpay. Inaasahan kong ang iyong natutuhan sa aralin sa tulong ng mga tanong at gawain ay iyong isasabuhay. Muli, ang bagong hamon para sa bagong aralin ay binubuksan ko na para sa iyo. 53 Modyul 3, Baitang 10 Aralin 3.4 A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay (Tula – Uganda) Mula sa A Song of a Mother To Her Firstborn Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora B. Gramatika / Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay Panimula Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang lirikong tatalakayin ang maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula ng ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang. Sa Aralin 3.4, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng tula. Sa pagtatapos ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan mo ng himig. Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na pamantayan: kahusayan ng pagkakabuo ng tula, himig/melodiya at paraan ng presentasiyon nito. Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa ang mga tanong na: paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito, at paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula? 54 Modyul 3, Baitang 10 Yugto ng Pagkatuto Tuklasin Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito ay makabubuting isagawa mo ang mga inilatag na gawain. GAWAIN 1. Ibahagi Mo! Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak”. Pagkatapos ay isagawa ang Think-Pair-Share kung saan paguusapan ng kapareha ang kadakilaan ng ina. Ibahagi ito sa klase. Ang aming ina’y, masinop na maybahay Adhikain niya’y kagaya ni itay Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at Katulad ng inyong magagandang anak. Sana, sana ang kawalan ay malunasan. Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan. GAWAIN 2. Isa-isahin Mo! Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang saknong gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay. 55 Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 3. Pagbulayan Mo! Suriin at paghambingin ang dalawang tula. Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel. Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla I ako ang daigdig Gabi ni Ildefonso Santos Habang nagduruyan ang buwang ninikat sa lundo ng kanyang sutlang liwanag, isakay mo ako. Gabing mapamihag, ako ang tula ako ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig sa mga pakpak mong humahalimuyak! Ilipad mo ako sa masalimsim na puntod ng iyong mga panganorin; doon ang luha ko ay padadaluyin saka iwiwisik sa simoy ng hangin! ako ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako ang tula ng daigdig Iakyat mo ako sa pinagtipunan ng mga bitui’t mga bulalakaw, at sa sarong pilak na nag-uumapaw, II ako ang daigdig ng tula ako ang tula ng daigdig palagusan mo ako ng kaluwalhatian! Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y makatatanglaw din sa pisngi ng lupa; samantala namang ang hamog kong ako ang malayang ako matapat sa sarili sa aking daigdig ng tula luha sa sangkalikasa’y magpapasariwa! At ano kung bukas ang ating silahis ako ang tula ng daigdig ay papamusyawin ng araw ang langit? Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid Sa dagat ng iyong mga panaginip? ako ang daigdig ng tula ako III ako ang damdaming Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw, ang ilaw at hamog ng aking paggiliw; ilipad mo habang gising ang damdamin sa banal na tugtog ng bawat bituin! 56 Modyul 3, Baitang 10 malaya ako ang larawang buhay ako ang buhay na walang hanggan ako ang damdamin ang larawan ang buhay damdamin larawan buhay tula ako IV ako ang daigdig sa tula ako ang tula sa daigdig ako ang daigdig ako ang tula daigdig tula ako.... TANONG 1. 2. 3. 4. Ano ang sukat at tugma ng tula? Paano naging marikit ang tulang binasa? Ano ang talinghaga ng tulang binasa? Ipaliwanag. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Patunayan. 57 Modyul 3, Baitang 10 Alam mo ba na... ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludturan.Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin at maindayog kung bigkasin kayat maaari itong lapatan ng himig. Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay ang sumusunod: 1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos A/li/pa/tong/ lu/ma/pag Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak Sukat-Pipituhing Pantig 2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal Tunay ngayong umid yaring dila’t puso Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo. Tugman- Ganap 3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito. Hal.:Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S.Baylen I/to/ ba/ ang/ mun/dong/ hi/ni/la/ kung/ sa/an/ Ng/ gu/long/ ng/ in/yong/ Hid/wang/ Ka/un/la/ran?/ Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay 4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda. Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez Putol na tinapay at santabong sabaw sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay halos ay sinaklot ng maruming kamay Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap. 58 Modyul 3, Baitang 10 Ngayon nama’y humakbang ka sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral nang sa gayo’y matuklasan mo ang sagot sa mga tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Linangin Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng magandang kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang taga-Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay. Basahin at unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibhan nito sa tulang tradisyunal, maging ang kultura ng bansang pinagmulan nito. Mapatutunayan mo rin na ang gamit ng mga simbolismo at matatalinghagang pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan ng isang tula. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta. Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Mangusap ka, aking musmos na supling. Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin. Na puno ng tibay at tatag bagamat yari’y munsik. Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. Kamay na magpapasaya sa iyong ama. Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin: Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, at mamumuno sa kalalakihan. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apuhan, Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan. Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, At ang pagsulyap-sulyap sa akin. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Ako’y malulunod sa luha ng paggunita. MODYUL 3.4 ILLUSTRATION 1 Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan? Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan. Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay, Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay. 59 Modyul 3, Baitang 10 Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan. Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan”? Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan”? Ang poo’y di marapat na pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Yaman ni Zeus at Aprodite sa iyo’y kanilang inalay. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata, Maging sa iyong halakhak. Paano ka pangangalanan, aking inakay? Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang? Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan? Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay? Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay? Ika ba’y kanlong ng kapayapaan? Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw. Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang. Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian. Ngayon, ako’y ganap na asawaHindi na isang nobya, kundi isang ina. Maging maringal, aking supling na ninanasa. Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki. Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi. Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama. Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak. Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak. Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat, Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma. Samakatuwid, ako’y minahal. Samakatuwid, ako’y lumigaya. Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay. Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw. Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan, Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataaan. Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay. 60 Modyul 3, Baitang 10 Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan. At ako ang ina ng kaniyang panganay. Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba. Ika’y mahimbing, ako’y wala nang mahihiling. GAWAIN 4. Pasidhiin Mo! Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang papel. Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin kagalakan katuwaan kaluwalhatian kaligayahan kasiyahan Paliwanag Sa Pag-aantas Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin lungkot lumbay dalamhati pighati pagdurusa Paliwanag Sa Pag-aantas GAWAIN 5. Tarukin Mo! Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel. 1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap? 2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan. 3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya? 4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay ang iyong pananaw ukol dito? 5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian nating mga Pilipino?Sang-ayon ka ba rito? Bakit? 61 Modyul 3, Baitang 10 6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kaniyang ama? Sa poon? 7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag. GAWAIN 6. Patunayan Mo! Sa sagutang papel, bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na grapikong representasiyon. Suriin ang tulang binasa.Ito ba’y isang tulang malaya o tulang tradisyonal? Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng bansang pinagmulan nito? PATUNAY PATUNAY KONGKLUSYON Ang akdang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ay isang tulang malaya na nagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sa pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma, Ang Matanda at ang Batang Paruparo. Basahin at alamin kung ito ba’y tulang malaya o tulang tradisyunal. Ang Matanda at ang Batang Paruparo Rafael Palma Isang paruparo na may katandaan, Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay; Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw Binigyan ang anak ng ganitong aral: 62 Modyul 3, Baitang 10 Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo’y palamara, Pinapatay bawat malapit sa kaniya. “Ako na rin itong sa pagiging sabik! Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit, ang aking napala’y palad ko pang tikis nasunog ang aking pakpak na lumiit.” “At kung ako’y itong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya, disin ako ngayo’y katulad na nila, nawalan ng buhay at isang patay na.” Ang pinangaralang anak ay natakot at pinangako ang kaniyang pagsunod; ngunit sandali lang. Sa sariling loob ibinulong-bulong ang ganitong kutob; “Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin ng ina ko upang lumayo sa ningning? diwa’y ibig niyang ikait sa akin ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.” “Anong pagkaganda ng kaliwanagan! Isang bagay na hindi dapat layuan, Itong matanda ay totoo nga namang Sukdulan ng lahat nitong karuwagan!” “Akala’y isa nang elepanteng ganid ang alin mang langaw na lubhang maliit, at kung ang paningin nila ang manaig magiging higante ang unanong paslit.” “Kung ako’y lumapit na nananagano ay ano ang sama ng mapapala ko? Kahit na nga niya murahin pa ako ay sa hindi naman hangal na totoo.” “Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid sa kanilang gawa ang aking paglapit, sa pananakali’y di magsisigasig sa nagniningningang ilaw na marikit.” 63 Modyul 3, Baitang 10 Nang unang sandaliy’ walang naramdaman Kundi munting init na wari’y pambuhay, ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay upang magtiwala’t lumapit sa ilaw. Natutuwa pa nga’t habang naglalaro ay lapit nang lapit na di nahihinto sa isang pag-iwas ay biglang nasulo tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo. Nang unang sandali'y walang naramdaman kundi munting init na wari'y pambuhay, ito'y siya pa ngang nagpabuyong tunay upang magtiwala't lumapit sa ilaw. At siya’y hindi na muling makalipad Hanggang sa mamatay ang kahabag-habag, Ang ganyang parusa’y siyang nararapat sa hindi marunong sumunod na anak. Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Ito’y patunayan mo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain. GAWAIN 7. Ipaliwanag Mo! Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang kasunod na grapikong representasiyon. ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI a. Sukat b. Tugma c. Kariktan d. Talinghaga Paglalahat Batay sa Pagsusuri Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan. Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong paraan? Patunayan. 64 Modyul 3, Baitang 10 Sagutin ang tanong sa loob ng speech balloon sa iyong sagutang papel. Ano ang layunin ng tulang binasa? Samakatuwid, anong uri ito ng teksto? ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula? Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula?Patunayan. ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ MODYUL 3.4 ILLUSTRATION 2 Pagsasanib ng Gramatika at Retorika GAWAIN 8: Iugnay Mo! Piliin ang matatalinghagang pananalita at simbolismo sa dalawang tulang tinalakay at bigyan ng kahulugan upang mapagtibay mo na sangkap ang mga ito sa pagiging masining ng tula. Naririto ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo upang mapatunayan na nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa pagiging masining sa pagbuo ng taludturan ng isang tula. Alam mo ba na… nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakakatulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita. Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika. Halimbawa: 1. butas ang bulsa - walang pera 2. ilaw ng tahanan - ina 3. kalog na ang baba - gutom 4. alimuom - tsismis 5. bahag ang buntot - duwag 65 Modyul 3, Baitang 10 Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan. (Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit) Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap. Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Halimbawa: 1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman 2. gabi- kawalan ng pag-asa 3. pusang-itim-malas 4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan 5. bulaklak- pag-ibig Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko, Nguni’y muling tumayo: Nagkabunga ng ginto! (Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos) Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay. Pagsasanay 1 Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito sa sagutang papel. 1. Mata’y napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay. (Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus) 66 Modyul 3, Baitang 10 2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod na walang paupa sa hirap at pagod; minsang sa anyaya, minsan sa kusang-loob, pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos. (Kabayanihan ni Lope K. Santos) 3. May tanging laruan isang bolang-apoy Aywan ba kung sino ang dito’y napukol. At sino rin kaya ang tagapagsindi Ng parol na buwang pananglaw kung gabi? (Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos) 4. Siya’y mabiyayang inilatag, Sa tubong matamis ay matingkad, Itong disyerto’y kaniyang buhok. Ginintuang paa’y namumukod, At ang kaniyang dibdib ay bundok Na sa ilog ng Nile nalulunod, Kayat siya’y pinong itinakda, Na ginawarang itim tuwina. (Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou) 5. Sandaling lisanin ang nakasanayan Unatin yaring kaluluwa’t katawan Kawangis ng paghalik ng Maylalang Sa burol, dalampasiga’t kaparangan. (Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni Hafiz) Pagsasanay 2: Itala ang matatalinghagang pananalita at simbolismo mula sa napakinggan at napanood na tulang liriko/sabayang pagbigkas mula sa link na ilalahad ng guro. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito sa sagutang papel. Pagsasanay 3 A.Sa sagutang papel, kumpletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula sa tulang Pilgrimage of African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong salita at simbolismo sa patlang na makukuha sa katabing kahon. 67 Modyul 3, Baitang 10 Tinalunton, ang ________ ng kalikasan, tribo Ako’y _______ dumating, isang buhay. hangin Binuklod ng _______ng mga ninuno, bakas Kami’y ________ dumating, isang _________. leon kamay B.Sa sagutang papel, kumpletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ng matatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling pamagat. ______________________ Sa ami’y... Isa kang ______ na may dalang ligaya, Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba. Ang iyong gawi’y hindi ________________, Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa. Sa ami’y... Isa kang __________ na laging sandata, Di _____________ sa hampas ng pala Dito’y nasisilip, maningning na _______, Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa. Pagsasanay 4: Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo na tungkol sa kadakilaan ng ina, tiyaking hindi baba sa 3 saknong ang tulang lilikhain. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na pamantayan: kayarian, kasiningan at kaangkupan. Maayos mong naisakatuparan ang mga gawain kayat ipagpatuloy mo ang iyong pagkatuto. 68 Modyul 3, Baitang 10 Pagnilayan at Unawain Masusing pag-aralan ang mga salita sa loob ng magkahiwalay na kahon at gamitin ang mga ito sa pagbuo ng dalawang mahahalagang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. tradisyunal 2. 3. tula sapagkat sukat malaya tugma kultura bansa pinagmulan simbolo kariktan pahayag tula isinasalaysay matalinghaga Ikinagagalak kong pinagbuti mo nang lubos ang iyong pagkatuto.Narito ka na ngayon sa huling hamon ng araling ito. Ilipat Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo tungkol sa pagkakaiba ng tulang tradisyunal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo at matatalinghagang pananalita. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong napagtibay. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, makabubuting magtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto. Magkakaroon ng Reunion ang inyong mag-anak sa mismong Araw ng mga Ina. Isang presentasiyon ang iniatang sa iyong balikat, nahilingan kang maghanda ng isang rendisyon ng tulang iyong kakathain na nagsasalaysay ng dakilang pag-aaruga ng isang ilaw ng tahanan sa kaniyang mga anak upang sila’y alayan ng natatanging pagpapahalaga. Ang iyong pag-awit ay lubos na maiibigan ng iyong mga kamag-anak at lalong-lalo na ng iyong ina kung titiyakin mong sumunod ito sa pamantayang: kahusayan ng tula, harmoniya ng awit at kabuuang pagtatanghal. Tunghayan ang pamantayan kung paano mamarkahan ang isinagawang pagganap. Pamantayan Kahusayan ng Tula (Kasiningan at Talinghaga) Himig o Melodiya (Tinig) Kabuuang Pagtatanghal (Presentasiyon) Kabuuang Marka Bahagdan 60% 30% 10% 100% Binabati kita. Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng panahon ang pagaaral sa araling ito. Handa ka na ngayong pag-aralan ang susunod na aralin ng modyul. 69 Modyul 3, Baitang 10 Aralin 3.5 A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento –East Africa) ni Barbara Kimenye Isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson A. Gramatika/Retorika: Mga Pangungusap na Naglalahad ng Implikasyon C. Uri ng Teksto: Naglalahad Panimula Matapos mong pag-aralan ang dalawang anyo ng sanaysay, ang maikling kuwento naman ang iyong bibigyang-pansin sa araling ito. Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang alaga. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng paghihinuha na makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa at sa paglalahad. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapaglalahad ng kasaysayan ng iyong bayan sa pamamagitan ng story board batay sa sumusunod na pamantayan: a) makatotohanan, b) masining, c) malikhain, d) batay sa pananaliksik, at e) maayos ang paglalahad. Aalamin natin kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gayundin, kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon. Yugto ng Pagkatuto Tuklasin GAWAIN 1. Checklist Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa maikling kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap na magpapahayag tungkol sa maikling kuwento. 70 Modyul 3, Baitang 10 _____ 1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan _____ 2. maaaring pormal at di-pormal _____ 3. banghay _____ 4. Severino Reyes _____ 5. Deogracias A. Rosario _____ 6. suliranin _____ 7. tunggalian _____ 8. may mga kabanata _____ 9. Balita _____ 10. mga tauhan Batay sa aking mga naging kasagutan, ang maikling kuwento ay ______________________________________________________ ____________________________________________________ GAWAIN 2. Anticipation Guide Bago basahin ang akda, basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat sa unang kolum kung sang-ayon o di-sang-ayon na mababasa ang pahayag sa tatalakaying akda. Pagkatapos mabasa ang akda, lagyan ng tsek(√ )ang ikatlong kolum na wasto ang iyong naging hinuha. Sang-ayon o disang-ayon? Pahayag Hindi na naging interesado ang mga kasamahan ni Kibuka sa kaniya. Sa pag-iisa ni Kibuka ay naiisip niyang kasiya-siya ang kaniyang buhay kaya’t kailangan niyang magpatuloy sa pakikibaka. Isang biik ang pasalubong ng paboritong apo ni Kibuka sa kaniya. Sa una ay naisip ni Kibuka na ang biik ay alagaan. Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang baboy ay maraming problemang dumarating. Sa naganap na aksidente, ang baboy na alaga ni Kibuka lamang ang nakaligtas. 71 Modyul 3, Baitang 10 Sa huli ay naisip din ni Kibuka na makakatulog na siya nang maayos. GAWAIN 3. Sa iyong palagay 1. Piliin sa kasunod na kahon ang sa iyong palagay ay mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon. ayon sa/kay... batay sa/kay... kung ako ang tatanungin... maliban sa... naniniwala akong... sa aking palagay... sa tingin ko... tunay na 2. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang maunawaan ang mga salitang ito? Ang iyong dati nang kaalaman sa maikling kuwento at sa mga salitang naghahayag ng opinyon ay mas lalawak pa sa pagpapatuloy ng aralin. Makatutulong ang pagbasa sa tatalakaying akda upang lubos mong maunawaan ang tungkol dito. Halina’t simulan. Alam mo ba na… ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may mahalagang tagpuan, (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan – ang binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong binasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang paligid. 72 Modyul 3, Baitang 10 Linangin Basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Ang Alaga ni Barbara Kimenye Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala nang trabaho. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong niya.Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono habang napaliligiran ang ilang babae. Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsa. Sa ganoong sitwasyon niya, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses ni Kibuka. 73 Modyul 3, Baitang 10 Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo. Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamangtama naghanda ako ng maiinom na tsa.” “Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.” “Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan. “Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong magalaga nito.” Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik. Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si Miriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu. Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hndi ito umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka. Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng matoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay. Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon, hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang 74 Modyul 3, Baitang 10 nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamaganak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito. Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagamat ingat na ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka. Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na ng mas maraming pagkain at hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy. Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy kagaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno. Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang makapagsasabi. Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagamat laging nahuhulog sa ilog. Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy. Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy na kinasanayan nang makita ng mga tagaKalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang 75 Modyul 3, Baitang 10 alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig nang isang oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo. Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga. Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang buo niyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod. Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ang umiiyak na baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg nito ay namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nagiwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya. “Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.” “Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.” 76 Modyul 3, Baitang 10 “Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng klima ngayon.” Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop. Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga. Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy. Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan niya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan. Dumating Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu. “Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na sa akin pagpunta roon?” Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na dinala sa kaniya ni Musisi. “Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.” Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang pagkain nila ng pananghalian. 77 Modyul 3, Baitang 10 “Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.” “Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu. May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos. GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap. 1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda. 2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang baboy. 3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog. 4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili. 5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksyon. 6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at kahinaan bilang tauhan. 2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang may pagpapahalaga? 3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. 4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa? 5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at pandaigdig. Kahalagahan ng akda sa 78 pansarili ____________________ ____________________ panlipunan ____________________ ____________________ ______pandaigdig ____________________ ____________________ _____ Modyul 3, Baitang 10 6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan? Patunayan. 7. Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa akdang iyong binasa? Ipaliwanag. 8. Ipaliwanag: May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos. 9. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay. 10. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kuwentong tinalakay? Magsaliksik sa lugar at kondisyon ng panahon sa pagkakalikha nito. Basahin ang kasunod na teksto na nagsasaad ng katangian ng isang tao na inilarawan ayon sa pagkakakilala sa kaniya ng isang taong malapit sa kaniyang buhay. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. ROSALIA VILLANUEVA TEODORO, DAKILANG INA Mapagmahal, maasikaso, malambing, matalinoat higit sa lahat may takot sa Diyos, iyan ang aking ina. Walang hindi gagawin para sa kapakanan naming magkakapatid. Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya, inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at ispiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Sa paniniwala ng aking mga kapatid lalo pa nga siyang tumapang at tumatag, iyon ay upang patuloy niya kaming magabayan. Sa ganang akin, wala nang papantay pa sa kadakilaan ng aking ina. 79 Modyul 3, Baitang 10 Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ilarawan ang katangian ng ina sa teksto. Gumawa ng paghahambing sa ina sa binasang teksto at sa iyong ina. Paglalarawan sa Ina sa teksto Pagkakatulad _____________ _____________ _____________ Paglalarawan sa iyong Ina Pagkakaiba _____________ _____________ 2. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong ina? _____________ 3. Batay sa pagkakalahad, anong uri ito ng teksto? Patunayan. ______ 4. Ano ang layunin ng mga salitang may salungguhit? GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika – Paglalahad Basahin at unawain ang impormasyon tungkol sa gramatika upang maunawaan kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon. Makatutulong ang mga pagsasanay sa bahaging ito upang mas lalo mo pang maunawaan ang kahalagahan nito. Alam mo ba na… ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin? Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa. Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon: sa palagay ko… ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi… batay sa aking paniniwala… sa tingin ko… maaaring… baka… siguro… Pagsasanay 1: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon. 1. Pagkakaroon ng Senior High School 2. Pagtaas ng bilihin 3. Ekonomiya ng bansa 80 Modyul 3, Baitang 10 4. Krimen na nangyayari sa bansa 5. Pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot Pagsasanay 2: Suriin ang patalastas sa telebisyon tungkol sa isa sa mga produktong tinatangkilik ng lipunan. Ilahad ang iyong pananaw tungkol dito. Gamitin at salungguhitan ang pahayag na naglalahad ng iyong opinyon. Pagsasanay 3 Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. Gumawa ng tekstong naglalarawan tungkol dito. Maglahad din ng opinyon kung paano makatutulong upang mabawasan ang ganitong senaryo sa bansa. MODYUL 3.5. ILLUSTRATION 1 Ngayong alam mo na kahalagahan ng mga salitang nagbibigay-hinuha sa paglalarawan at ang katangiang taglay ng mga tao na may pagkakaibaibang katangian, kailangan na nating matiyak ang iyong natutuhan. Pagnilayan at Unawain GAWAIN 7. Sagutin ang sumusunod upang matiyak na naunawaan ang mahalagang konsepto ng aralin. 1. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan? Gamitin ang diagram sa pagsagot. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan? 81 Modyul 3, Baitang 10 2. Bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon? Ilipat GAWAIN 8. Patalastas Layunin mo sa bahaging ito na mailapat ang mga konseptong natutuhan sa mga araling tinalakay. Balikan ang impormasyon tungkol sa patalastas bago mo ito gawin. Patalastas Ang patalasatas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang pagsasahimpapawid ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa sa radyo at sa telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga paligsahang ipinababatid sa publiko. Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards, poster at magasin. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan Halimbawa ng patalastas na pasulat: Basahin nang may pang-unawa ang sitwasyon sa ibaba upang maisagawa ito. 82 Modyul 3, Baitang 10 Sa nalalapit na foundation day ng inyong bayan, bilang Presidente ng organisasyong MAMAYBAY o Mamamayang Ipinagmamalaki ang Bayan, naatasan kang magbigay ng impormasyon sa iyong bayan upang magkaroon ng kamalayan ang ibang tao rito. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng patalastas. Ang magiging panauhin na magtataya ng iyong ginawa ay ang Gobernador at Bise Gobernador ng inyong lalawigan, Mayor at Bise Mayor at konsehal ng bayan. Tatayain nila ang iyong ginawa batay sa sumusunod na pamantayan: a. makatotohanan, b. masining, c. kaalaman sa paksa at d. maayos ang paglalahad ng impormasyon gamit ang patalastas. Rubrik sa Paggawa ng Patalastas Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 A. Makatotohanan B. Masining C. Kaalaman sa paksa D. Maayos ang paglalahad Gabay sa Pagmamarka 21 – 25…………………… 16 – 20 …………………… 11 – 15 …………………… 5 – 10 …………………… Napakahusay Mahusay Katamtamang Husay May husay subalit nangangailangang dagdagan pa ang sikap Napakahusay! Tunay ngang naunawaan mo ang araling ito. Isabuhay mo ang iyong natutuhan. Inaasahan kong ang dedikasyon mo sa mga naging gawain ay iyong ipagpapatuloy sa mga susunod pang aralin. 83 Modyul 3, Baitang 10 Aralin 3.6 A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali (Epiko – Mali, West Africa) Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora B. Gramatika / Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o Damdamin C. Uri ng Teksto: Nangangatuwiran Panimula Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay naging makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sa pamamayagpag nito, ang imperyo’y higit pang malawak sa Western Europe. Dito’y umusbong ang isang epiko na kabilang sa maituturing na dakilang kayamanan ng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu na Ramayana at Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan ay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusay na mananalaysay na sinasaliwan ng instrumentong musikal. Itatampok dito ang mabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan. Sa Aralin 3.6, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa epikong Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora hango sa salaysay ni D.T. Niane at salin sa Ingles ni J.D. Pickett sa pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata: An Epic of the Old Mali. Layon ng araling ipakita ang kaugnayan ng epiko sa kasaysayan at malinang ang kasanayan sa mga ekspresiyong sa pagpapahayag ng damdamin o layon.Bilang pangwakas na gawain, magsasagawa ng isang pagtatalo tungkol sa katangian ng mga pangunahing tauhan ng dalawang epiko. Susukatin ang husay sa pagmamatuwid batay sa sumusunod na pamantayan: a) paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, b) pangangatuwiran at panunuligsa, at c) pagpapahayag. Sa araling ito, matatalos mo rin ang kasagutan sa mga pokus na tanong na: bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan? 84 Modyul 3, Baitang 10 Yugto ng Pagkatuto Tuklasin Marahil handa ka na, simulan mong isagawa ang mga gawain upang matutuhan ang sagot sa mga pokus na tanong na: bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan? GAWAIN 1. Tilamsik ng Saloobin Sa iyong sagutang papel, ibigay ang iyong posisyon o paninindigan tungkol sa paksang nasa timbangan. Mainam na batay ang iyong paninindigan sa mga napagtibay nang impormasyon o ebidensiya. Ang mga manggagawa ba ay bayani ng makabagong panahon? GAWAIN 2. Itugon ang Layon Isulat sa sagutang papel ang layon ng mga pahayag. 1. Halika, maupo ka’t pakinggan mo ang plano ng ating pag-atake. 2. Pangako, babalik ako at babawiin ang pag-aari ko na iyong kinamkam. 3. Sumige ka’t makikita mo ang lupit ng aking kapangyarihan. 4. Mas makatutulong ang digmaan sa pagkamit ng ating kalayaan. 5. Tama ang iyong paniniwala na dapat mag-ingat sa mga lihim na kaaway. GAWAIN 3. Magkatulad na Bayani Ibigay ang hinihingi sa bawat kahon. Gawin ito sa sagutang papel. Dalawang Kilalang Bayani ng Epiko Ihambing sa Kilalang Bayani ng Kasaysayan Patunay ng Paghahambing 85 Modyul 3, Baitang 10 Alam mo ba na… ang paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran? Layon ng naninindigan na mahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayan o patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t ibang ekspresiyon upang maipaabot ang layon o damdamin ng pagpapahayag. Linangin Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap. Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y supernatural. Masasalamin sa epiko ang mataas na pagpapahalaga ng lipunan- di lamang nanlilibang bagkus ay nagsasalaysay ng kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at tradisyon. Kaya mainam na basahin at unawain mo ang akda upang masuri at mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ng Africa ay hinahalaw sa kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan. Alam mo ba na… ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate sa mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane? Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles. Si Sundiata Keita o Mari Diata( Mari Jata ), ang bayani’t pangunahing-tauhan ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labingdalawa magkakapatid na lalake na tagapagmana ng trono. Siya’y isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang Imperiyong Mandingo ng Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang mahigpit 250 taon. MODYUL 3.6. ILLUSTRATION 1 86 Modyul 3, Baitang 10 Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat pitong taong gulang lamang si Mari Djata at hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador. Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kayat hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kayat ipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka. Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Sa taniman, nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas at gnougous. Isang araw, kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa ng kaunting dahon ng baobab. “Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan. Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sa labas ng kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at walang pakialam na sumusubo’t tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni Sogolon ang kaniyang sarili, siya’y napahikbi at dumampot ng kaputol na kahoy, hinagupit niya ang anak. “Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?” 87 Modyul 3, Baitang 10 Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina, “Inay, anong problema?” “Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.” “ Ano ba yaon?” “Si Sassouma’y pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edad mong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyang ina.” “Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.” “Hindi. Ito’y sobra na. Hindi maaari.” “Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari Djata. “Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal. Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo ang buong puno?” “Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ng puno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.” Nang oras na iyon ay naroroon si Balla Fasséké, humangos siya sa pinakamahusay na panday, si Farakourou, upang magpagawa ng tungkod na bakal. Umupo si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa. Siya’y tahimik na lumuluha habang sakbibi ng kalungkutan. Binalikan ni Mari Djata ang kaniyang pagkain na tila walang nangyari. Maya’t maya niyang sinusulyapan ang kaniyang ina na bumubulong, “Ibig ko ang buong puno, sa harap ng aking dampa, ang buong puno.” Walang ano-ano, sumambulat ang isang malakas na tinig na humahalakhak mula sa likod ng kubo. Ito’y likha ng buktot na si Sassouma na nagsasalaysay sa kaniyang utusan tungkol sa panghihiyang ginawa kay Sogolon, sinasadya niyang madinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulo ng kumot upang hindi masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyang pagkain kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon. Nilapitan siya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa kaniya, “Tahan na ina. Bakit ka umiiyak?” Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang katawan, umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang 88 Modyul 3, Baitang 10 sinag ng araw. Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging siya ang nakaaalam. Ang laksang panday na nasa labas ng maharlikang pader ay okupado ng paggawa ng pana’t palaso, sibat, at kalasag na ginagamit ng mga mandirigma ng Niani. Nang dumating si Balla Fasséké at humiling ng tungkod na bakal, napabulalas si Farakourou, “Dumatal na ba ang dakilang araw?” “Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi pa nasaksihan sa anomang pagkakataon.” Ang puno ng mga panday ay anak ng matandang si Noufaïri, at kawangki ng ama siya ay isa ring manghuhula. Sa kaniyang pagawaan ay katakot-takot ang nakaimbak na bareta ng bakal na niyari ng kaniyang ama. Lahat ay nagtataka kung saan nakalaan ang mga bakal. Tinawag ni Farakourou ang anim na baguhang manggagawa at ipinabuhat ang mga bakal upang dalhin sa tahanan ni Sogolon. Nang maibaba ang mga dambuhalang bakal, ang ingay na nilikha nito’y nakapangingilabot,pati si Sogolon ay nagulantang at napalundag. Pagkatapos ay nangusap si Balla Fasséké, anak ni Gnankouman Doua, “Naririto na ang dakilang araw, Mari Djata. Ika’y aking kinakausap, Maghan, anak ni Sogolon. Ang kristal ng Niger ay pumapawi ng mantsa ng katawan ngunit hindi kayang lipulin ang pang-uusig. Tumindig ka, batang leon, umatungal, at ihayag sa palumpong na simula ngayon sila ay may panginoon.” Sumaksi ang mga baguhang panday sa nagaganap,lumabas si Sogolon at pinanood si Mari Djata. Siya’y painod-inod na gumapang at lumapit sa mga baretang bakal. Sa tulong ng kaniyang tuhod at isang kamay siya’y lumuhod, samantalang ang isang kamay ay umaabot ng baretang bakal na walang kaabog-abog na itinindig. Humawak ang dalawang kamay sa mga bakal habang nakaluhod. Isang nakamamatay na katahimikan ang sumakbibi sa lahat. Mariing pumikit si Sogolon Djata, kinuyom ang mga kamao’t umigting ang kalamnan. Sa isang marahas na paghila, iwinasiwas ni Djata ang katawan at umangat ang kaniyang tuhod sa lupa. Pinagtuunan ng pansin ni Sogolon ang mga binti ng anak na nangangatal na tila kinukuriyente. Pinagpapawisan nang malapot si Djata na umaagos mula sa kaniyang noo. Buong igting niyang itinuwid ang katawan gamit ang mga paa subalit biglang bumaluktot at nagbagong anyo ang bakal na hawak, ito’y naging pana! Biglang umawit madamdaming tinig: si Balla Fasséké 89 ng “Himno ng Pana” sa Modyul 3, Baitang 10 “Kunin mo ang iyong pana, At tayo ay humayo. Kunin mo ang iyong pana, Butihing gerero.” Nang makita ni Sogolon ang anak na nakatayo, siya’y saglit na naumid, pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri sa Diyos na naghimala sa anak: “Anong rikit ng umaga? Araw nang labis na saya. Allah, makapangyarihang Allah, Banal na manlilikha, Yaring anak ay may halaga!” Ang tinig ni Balla Fasséké ang namalita sa buong palasyo ng nagaganap, ang mga tao’y humahangos na nagtungo sa kanilang kinaroroonan at ang lahat ay namangha sa nasaksihang pagbabago sa anak ni Sogolon. Ang Inang Reyna ay napasugod din at nang makitang nakatayo si Mari Djata siya’y nangatog at pinanghinaan ng tuhod. Matapos mahabol ang hininga, inalis ni Djata ang bakal, ang kaniyang unang hakbang ay dambuhala. Napayukod at itinuro ni Balla Fasséké si Djata, siya’y napasigaw: “Ang lahat ay tumabi, Tayo’y gumalaw. Ang leon ay nabuhay, Antelope’y magkubli.” MODYUL 3.6. ILLUSTRATION 2 Sa likuran ng Niani ay nakatanim ang munting puno ng baobab, doon namimitas ng dahon ang mga supling ng nayon para sa kanilang ina. Buong lakas na binunot at pinasan ni Djata ang puno. Inilagak niya ito sa harapan ng kanilang kubo, “Inay, naririto ang ilang dahon ng baobab para sa iyo. Simula ngayon, ito’y mananatili sa labas ng ating dampa at ang lahat ng kababaihan ng Niani ay tutungo rito upang mangalakal.” Nakalakad si Mari Djata. Buhat nang araw na yaon, hindi na natahimik ang kalooban ng Inang Reyna. Ngunit sino nga ba ang makasasalungat sa tadhana? Wala, ang taong nasa impluwensiya ng kahibanga’y naniniwalang kaya niyang baguhin ang itinakda ng Panginoon. Subalit ito’y binabalangkas Niya sa paraang kailanman ay hindi malilirip ng kamalayan ng tao. Samakatuwid, lahat ng hakbang ni Sassouma laban sa anak ni Sogolon ay nawalan ng saysay. Hamakin ang mga nakalipas na panahon at tutulan ang panlilibak sa harap ng madla.Ngayon, ang anak ni Sogolon ay kasing palasak ng dating pang-aalimura sa kaniya. Hindi mabilang ang nagmamahal at nasisindak sa kaniyang angking lakas. Sa bayan ng Niani, walang ibang pinag-uusapan kundi si Djata; ang mga ina’y hinihikayat ang kanilang mga anak na lalaki na samahan si Djata sa pangangaso o 90 Modyul 3, Baitang 10 makipaglaro sapagkat nais nilang makinabang ang mga inakay sa tinatamasang kabantugan ng anak ng babaing magsasaka. Ang pahayag ni Doua sa araw ng pagngangalan sa anak ni Sogolon ay nanariwa sa kalalakihan. Si Sogolon ay napapalibutan ngayon ng mataas na paggalang; sa mga umpukan madalas na inihahambing ang kayumian ni Sogolon sa kapalalua’t masamang hangarin ni Sassouma Barété sapagkat ang una’y isang huwarang asawa at ina kayat dininig ng Panginoon ang kaniyang panalangin, pinananaligang kung higit na lumalalim ang pagmamahal at paggalang sa kabiyak at ang pagsasakripisiyo para sa anak ay magiging magiting at matapang ang kanilang anak pagsapit ng tamang panahon. Ang bawat anak ay anak ng kaniyang ina, hinding-hindi makahihigit ang anak sa kaniyang ina. Hindi kataka-taka kung bakit si Dankaran Touma ay walang kabuhay-buhay, palibhasa’y ang kaniyang ina ay hindi man lamang nagpamalas nang kahit na katiting na pagpapahalaga sa kaniyang asawa, sa naparam na Haring Maghan Kon Fatta, hindi siya nagpakita ng pagpapakumbaba na isinasabuhay ng bawat asawang babae sa kanilang kaisang-dibdib. Ginunita ng mga tao ang mga tagpo nang siya’y nanibugho, nayamot at nagbitiw ng mga maaanghang na pananalitang ikinalat laban sa mga kapwa niya asawang babae at mga anak nito. Kayat seryosong napagtibay ng mga tao, “Sino ang nakakaalam ng misteryo ng Diyos. Ang ahas ay walang binti’t paa ngunit kasimbilis ng mga hayop na may apat na paa.” Bata pa lamang si Sundiata ay naging mahusay nang mangangaso. Naging matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlong asawa. Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak. Ang bayani sampu ng kadugo ay nakahanap ng kanlungan sa kaharian ng Mema. Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaoro Kanté, isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nangaagaw at nananakop ng maraming bayan. Gayon pa man si Sundiata’y nakagawa ng paraan na makarating sa Sosso, ang kabisera ng lungsod ni Soumaoro upang makaharap ang halimaw na pinuno. Maraming digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiata habang patungo sa Sosso. Siya’y naging popular na lider, maraming kawal ang sumapi sa kaniya. Humayo si Sundiata at nagtayo ng kampo sa Dayala na nasa lambak ng Niger. Hinarangan niya ang daan ni Soumaoro patungo sa Timog. Sa panahong iyon, patuloy ang labanan sa pagitan ng dalawa bagamat wala ni isa man ang naghayag ng digmaan. Walang nagtataguyod ng isang digmaan nang hindi inilalahad ang ugat nito. Ang nagtutunggali ay nararapat na isa-isahin ang kanilang karaingan bago ihudyat ang simula ng digmaan. Kaparis ng isang salamangkero na kailangang huwag lusubin ang 91 Modyul 3, Baitang 10 isang tao nang hindi siya inaanyayahang tanggapin ang tungkulin na gawin ang masamang gawain, dahil dito ang hari’y hindi dapat mandigma nang hindi ibinubuka ang bibig sa sanhi ng pagsasakatuparan nito. Sumulong si Soumaoro hanggang sa Krina, malapit sa nayon ng Dayala na nasa Niger at nagpasyang sabihin ang kaniyang karapatan bago lumusong sa madugong labanan. Batid ni Soumaoro na si Sundiata ay kagaya niyang salamangkero kayat sa halip na magpadala ng sugo, ipinasaulo niya ang kaniyang saloobin sa isa sa alagang kuwago. Nang gabing iyon, dumapo ang ibon sa bubong ng kulandong ni Djata at nangusap. Ang ginoo nama’y nagsugo rin ng kuwago kay Soumaoro. Nagsagutan ang dalawang salamangkerong-hari: “Hinto, binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang kapayapaan, bumalik ka sa iyong pinagmulan,” litanya ni Soumaoro. “Ako’y nagbabalik Soumaoro upang muling yakapin ang aking kaharian. Kung hangad mo ang kapayapaan, ika’y magbayad-pinsala sa aking mga kapanalig at umuwi sa Sosso kung saan ika’y hari.” “Ako ang Hari ng Mali sa pamamagitan ng puwersa ng aking kamao. Ang aking karapatan ay maluwat nang napatunayan ng aking pananakop.” “Kung gayon, aagawin ko ang Mali sa iyo gamit ang puwersa ng aking kamao at tutugisin kita hanggang sa iyong kaharian.” “Samakatuwid, kailangan mong mabatid na ako ang mabangis na nami sa batuan, walang sinomang makapagpapalayas sa akin sa Mali.” “At kailangan mo ring mabatid, ako’y may katotong pitong panday na dudurog sa batuhan. Pagkatapos, nami, ika’y aking lalamunin.” “Ako ang makamandag na kabute na nagdudulot ng mabangis na pagbuga.” “Para sa akin, ako ang mapanagpang na tandang; ang lason ay walang bisa sa akin.” “Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga.” “Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na tatangay sa iyo.” 92 Modyul 3, Baitang 10 “Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak, na matayog sa ibang puno.” “At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higanteng kagubatan.” “Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.” “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.” “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.” “Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.” Sa ibang banda, ang griot ni Djatang si Ball Fasséké at Nana Triban, kapatid niyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasiyo ni Soumaoro ay nakatakas. Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan sa Krina. Si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro ay dumating din sa kampo. Dahil sa dinukot ni Soumaoro ang kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti. Ipinangako nina Nana Triban at Fakoli ang katapatan kay Sundiata. Inilantad ni Nana Triban ang lihim ni Soumaoro, inilahad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na magagapi niya ang kalaban sa pamamagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang. Pagsapit ng bukang-liwayway bumuo ng plano sina Sundiata at Manding Bory upang mahubaran ng kapangyarihan si Soumaoro. “Kapatid, naihanda mo na ba ang iyong pana?” tanong ni Manding Bory. “Oo, iyong masdan,” ang sagot ni Sundiata. Inalis niya ang mahiwagang palaso sa pagkakasabit sa dingding. Ito’y tila hindi bakal, waring kahoy at ang dulo’y ang matalim na tari ng puting tandang na makatatanggal ng Tana ni Soumaoro, isang lihim na nailabas ni Nana Triban sa Sosso. “Kapatid, sa oras na ito’y pihadong batid na ni Soumaoro na ako’y nakatakas. Pilitin mong makalapit sa kaniya sapagkat asahan mong siya’y iiwas sa iyo,” ang paalala ni Nana Triban. 93 Modyul 3, Baitang 10 Nabahala si Djata sa mga binitiwang pahayag ni Nana Triban subalit kinalamay ni Balla Fasséké ang kaniyang kalooban sa pagsasabing sa kaniyang panaginip ay kaniyang malulupig ang mortal na kaaway. Sa kabilang ibayo’y mahinhing sumikat ang araw at nagsabog ng liwanag sa kapaligiran. Ang pangkat ni Sundiata’y pumuwesto mula sa gilid ng ilog hanggang sa kabilang ibayo, ngunit bulto ang bitbit na hukbo ni Soumaoro kayat ang ibang sofas na naiwan sa Krina ay umakyat sa burol upang panoorin ang digmaan. Dahil sa malaking koronang suot ni Soumaoro, agad siyang nakita’t natukoy mula sa kalayuan. Ang kaniyang sandataan ay hindi mahulugang karayom, pinuno ang magkabilang ibayo ng burol. Hindi ikinalat ni Sundiata ang lahat ng kaniyang kawal. Ang mga namamana ng Wagadou at Djallonkés ay pumuwesto sa hulihan at handang magpaulan ng palaso sa bahaging kaliwa ng burol kapag tumagal ang digmaan. Sina Fakoli Korona at Kamandjan ay kahilera ni Sundiata at nangunguna sa bungad sampu ng kaniyang kabalyeriya. Sa kaniyang makapangyarihang tinig, sumigaw si Sundiata “An gwewa!” Ang kautusan ay umalingawngaw sa bawat tribo at nagsimulang sumulong ang bataliyon. Si Soumaoro’y nakatindig sa gawing kanan kasama ang kaniyang kabalyeriya. Mabilis na sumalakay sina Sundiata ngunit sila’y napigilan ng mga kabalyero ng Diaghan at ang pagsasagupaan ay nagsimula nang kumalat. Si Tabon Wana at ang mga mamamana ng Wagadou ay sumulong sa direksiyon ng burol at matuling lumaganap ang digmaan habang ang araw ay hindi natitinag sa pamamayagpag sa himpapawid. Ang mga kabayo ng Mema ay lubhang maliksi at tumakbong nakataas ang unahang paa na sumikwat sa mga kabalyero ng Diaghan. Nagpagulong-gulong, at tinapakan ng mga kabayo. Nagbigay ng puwang ang pagbagsak at pag-atras ng mga kalalakihan ng Diaghan. Ang pusod ng kalaban ay nabuwag. Sa puntong iyon, biglang kinabig ni Manding Bory si Sundiata at ibinalitang si Soumaoro’y palusob kasama ang mga itinagong kawal kay Fakoli at sa mga panday nito upang lantarang parusahan ang nagtaksil na pamangkin. Pagkat nalipol ang malaking bilang ng mga sofas ni Soumaoro, ang mga kasamahan ni Fakoli ay unti-unting nagkawatak-watak. Ang digmaa’y hindi pa naipapanalo. Nagliliyab ang mga mata ni Sundiata sa poot. Tinipon niya ang kabalyeriya sa kaliwang dako ng burol kung saan magiting na iniinda ni Fakoli ang panlulupig ng tiyo. Kaalinsabay nito, ang lahat ng maraanan ni 94 Modyul 3, Baitang 10 Sundiata’y namamalita na nagagalak si Kamatayan at ang kaniyang panandaliang pagtigil ay nagpapanumbalik ng pagtitiwala ng kaniyang kawal bagamat hindi nauubos ang mga sofas ni Soumaoro. Hinanap ni Djata ang salamangkerong-hari. Nasulyapan niya ito sa gitna ng labanan. Sinunggaban ni Sundiata ang bawat Sossong sofas, kaliwa’t kanan ang ginawang pagbalya, nagkakandahirap na tumatabi ang mga ito kung kayat madali siyang nakalapit kay Soumaoro. Nang mapansin ng huli ang ikinikilos ni Djata, siya’y dahan-dahang bumuwelta subalit siya’y nasundan ng tingin ng matapang na bayani. Huminto si Sundiata at hinutok ang kaniyang pana. Lumipad ang palaso at dumaplis sa balikat ni Soumaoro. Nang tumama ang tari ng tandang, naramdaman niyang ito’y hindi lamang munting gasgas kayat kagyat naglaho ang kaniyang kapangyarihan. Nagtagpo ang mata nila ni Sundiata. Siya’y nangatal na tila dinapuan ng matinding lagnat, napatingala ang nauupos na si Soumaoro sa langit. Isang malaking ibon ang paikot-ikot na lumilipad at kaniyang napagtanto. Ito ay ang ibon ng kasawian. “Ang ibon ng Krina,” ang kaniyang naungol. Ang Hari ng Sosso’y sumigaw nang ubod lakas. Napalingon ang kaniyang kabayo at siya’y tumalilis. Nakita ng mga Sosso ang kanilang hari, siya’y kanilang pinarisan, lumiko ang mga Sossong sofas at mabilis ding tumakas. Ang kamatayan ay mamamasdan sa paligid, nagkalat ang mga duguan at naghihingalo. Sino ang makapagsasabi kung ilang Sosso ang nasawi sa Krina? Ang pagtakas ay naisakatuparan at hinabol ni Sundiata si Soumaoro. Hindi nagtagumpay sina Sundiata’t Fakoli na tugisin si Soumaoro datapuwat napasakamay nila si Sosso Balla, ang anak ng haring umalpas patungo sa yungib at naglahong parang bula. Pumunta si Sundiata sa kalapit na nayon, Koulikoro, dito niya hinintay ang kanilang hukbo. Ang panalo sa Krina’y nakasisilaw. Ang mga Sossong sofas ay umuwi’t nagtago, ang Imperiyong Sosso ay natalo. Lahat ng mga hari sa kapuluan ay nagpasailalim sa kapangyarihan ni Sundiata. Ang Hari ng Guidimakhan ay nagpadala ng mamamahaling muwebles kay Sundiata at ipinagkasundo ang kaniyang anak na babae sa nagwaging binata. Natipon ang mga sugo sa Koulikoro subalit nang nakumpleto ang hukbo ni Sundiata sila’y nagmartsa sa direksiyon ng Sosso na lungsod ni Soumaoro. Itong Sosso ay lungsod ng mga dalubhasang panday sa paghawak ng sibat. Sa pagkawala nina Soumaoro at Sosso Balla, si Noumounkeba, ang puno ng tribo ang tumayong lider upang depensahan ang lungsod. Daglian 95 Modyul 3, Baitang 10 niyang tinipon ang lahat maging ang mga kalapit na kabukiran upang makapaghanda. Ang Sosso ay maringal na lungsod. Ang makaikatlong tulis ng tore nito’y halos umabot sa langit. Ang lungsod ay binubuo ng walumgpu’t walong muog at ang palasyo ni Soumaoro’y maaaninag sa itaas ng lungsod tulad ng isang malaking tore. Ang Sosso ay mayroon lamang isang pasukan; gahiganteng gawa sa bakal na ginawa ng mga anak ng apoy. Umasa si Noumounkeba na magapi si Sundiata sa labas ng Sosso sapagkat ang kanilang pagkain ay husto lamang para sa isang taon. Papalubog na ang araw nang marating nina Sundiata ang Sosso. Sa tuktok ng burol, minalas nina Sundiata at ng kaniyang heneral ang kinatatakutang lungsod ng mapandigmang hari. Ang hukbo niya’y nagkampo sa kapatagan na kabilang ibayo ng malaking tarangkahan ng Sosso. Napagpasiyahan ni Sundiata na sakupin ang bayan sa loob nang maghapon. Binusog niya nang labis ang mga sofas na katoto habang walang humpay ang pagtambol ng mga tam-tam upang ipaalala’t pukawin ang pagtatagumpay sa Krina. Sa pamimitik ng araw, ang tore’y nagkulay itim sa pagkakahanay ng mga sofas. Ang iba ay nakaposisyon sa mga muog, sila ang mga mamamana, ang mga Mandingo na bihasa sa sining ng pagkubkob ng bayan. Sa harap ni Sundiata nakapuwesto naman ang mga sofas ng Mali. Samantalang ang mga may bitbit ng hagdan ay nasa ikalawang linya na nakakubli sa mga kalasag ng mga maninibat. Ang pinakapunong katawan ng hukbo ang siyang aatake sa pasukan ng lungsod. Nang handa na ang lahat, inihudyat ni Sundiata ang paglusob. Ang mga tambol at tambuli’y sabay-sabay na pinatunog, katulad ng kati unti-unting umusad ang mga Mandingong nasa harapan na ginigiya ng mga makapangyarihang sigaw. Nakatakip ang mga kalasag sa ulo, marahan silang sumulong sa paanan ng pader, at nagsimulang maghulog ng malalaking bato ang mga Sosso sa mga kaaway. Gumanti ang mga Wagadou na nasa dulong hanay, sila’y nagbuhos ng sunod-sunod na palaso. Si Sundiata ay may itinatagong kawal na pinakamagaling, sila ang mga mamamana ng Hari ng Bobos na kaagad na ipinadala bago pa man naganap ang sa Krina, ang pinakadalubhasa sa pamamaraan. Pinaulanan ng nagniningas na mga palaso ang kuta ng mga Sosso. Nagliyab ang mga kabayanan. Naitayo ng mga Mandingo ang mga hagdan at umakyat sa tuktok ng pader. Sinaklot ng sindak ang mga Sosso nang makitang nasusunog ang kanilang bayan, sila’y natigilan. Bumagsak ang bakal na pasukan sa palad ng mga panday ni Fakoli sapagkat sila ang maestro nito. Napasok nila ang lungsod, ang hiyawan ng mga bata’t kababaihan ay nagbunsod ng pagkalito sa mga Sosso kayat nabuksan ang pasukan, ang pangunahing pangkat ng hukbo ni Sundiata ay tuluyang nakapasok. 96 Modyul 3, Baitang 10 Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang kababaihan at kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro. Kahit natitiyak ni Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas niya ang espada at akmang uundayan si Sundiata, ngunit siya’y nalansi ng huli, nadakma’t malupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig hanggang mailaglag niya ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si Noumounkeba bagkus ay inilagak sa kamay ni Manding Bory. Sa wakas, nasa pagpapala na ni Djata ang reyno ni Soumaoro.Habang saanmang dako ng Sosso’y mauulinig ang pagbabangayan ng magkakanayon. Pinangunahan ni Balla Fasséké kasunod ni Sundiata ang pagpasok sa tore ni Soumaoro. Alam ng griot ang pasikot-sikot at kasulok-sulukan ng palasyo mula sa kaniyang alaala nang siya’y mabihag, itinuro niya kay Djata ang maharlikang silid-tulugan. Nang buksan ni Balla Fasséké ang pinto ng silid, natuklasan nilang naiba ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang nagmamay-ari ng silid na nawalan ng kapangyarihan. Ang ahas sa babasaging pitsel ay naghihingalo, ang mga kuwagong nasa dapuan ay kalunos-lunos na pumapagaspas padausdos sa sahig. Lahat ay nagaagaw-buhay sa adobe ng salamangkero, lahat ng nakakabit sa kapangyarihan ni Soumaoro. Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting ni Soumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawa’t mga prinsesa ng kaharian. Itinali ang mga bilanggo’t sama-samang pinastol. At ayon sa kagustuhan ni Sundiata, napasakaniya ang Sosso nang araw na iyon. Nang makalabas ang lahat, inatas ni Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan, walang itinira at ginamit ang mga preso sa pagtibag ng mga pader. Samakatuwid, ang balak ni Sundiatang wasakin ang pundasyon ng Sosso ay maningning na naisagawa. Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog na lungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging nangungulilang parang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na hayop. Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa kalangitan. Sa kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot. Ang mga hayna ay nananaghoy sa pook sa kailaliman ng gabi, ang mga usa’t liyebre naman ay naging silong ito sa paghahanap ng pagkain, nasaan na ang haring nakadamit ng roba na gawa sa balat ng tao? 97 Modyul 3, Baitang 10 Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng kapanglawan sa pook. Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundo’y walang ibang kinilalang panginoon kundi si… Sundiata. GAWAIN 4. Magkapangkat na Salita Ihanay sa dalawang pangkat ang mga salitang magkakaugnay at tukuyin ang lohika ng isinagawang pagpapangkat. Gamitin ang grapikong representasiyon at gawin ito sa sagutang papel. PANGKAT 1 salamangkero mangangaso panday LOHIKA NG PAGPAPANGKAT: mahiwaga anting-anting kawal manghuhula PANGKAT 2 kapangyarihan mamamana mananalaysay LOHIKA NG PAGPAPANGKAT: GAWAIN 5. Gabay na Tanong Sagutin ang mga tanong sa isang sagutang papel. 1. Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga? 2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangibabaw sa epiko? Isaisahin ang mga ito. 3. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? Pangatuwiranan. 4. Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa? Bakit? 5. Pumili ng bahaging naibigan sa akdang binasa. Ipaliwanag ito. 6. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag. 7. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit? 8. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay sa hinaharap? GAWAIN 6. Mahalagang Perspektibo A. Ibigay ang hinihingi sa grapikong representasiyon. Sagutin ito sa sagutang papel. 98 Modyul 3, Baitang 10 Isa-isahin ang mga pahayag sa akda na may kaugnayan sa sumusunod: Lugar Kondisyon ng Panahon Kasaysayan ng Akda Kahalagahang Binigyang-Diin sa Akda Pansarili Panlipunan Pandaigdig B. Pumili ng kapareha. Gawin ang gawain sa sagutang papel. Gamitin ang Analyzing Perspective Organizer. Tanong: Masasabi mo bang ang pangunahing-tauhan ng epikong tinalakay ay isang bayani ng kasaysayan ng Africa? Sariling Perspektibo: Dahilan: Pespektibo ng Iba: Dahilan: Kongklusyon: GAWAIN 7. Ipost ang Puna Sa nilikhang grupo ng guro sa Facebook site, isulat ang puna sa napanood na teaser o trailer na may kaugnayan sa akdang binasa. Sa ilang pahayag ng epikong pinag-aralan ay gumamit ng mga ekspresiyon upang maipahayag ang layon o damdamin ng nagsasalita. Ang susunod na tekstong susuriin ay naglalaman din ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin nang mapagtanto mo na nakatutulong ang mga ito sa pakikipagtalastasan.Basahin at unawain ang daloy ng pagtatalo. 99 Modyul 3, Baitang 10 Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio? ni Maricel T. Nucup Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na. Ito’y matagal nang isyu na paulit-ulit nang tinitimbang: sino nga ba ang dakilang bayani ng Pilipinas si Jose Rizal o Andres Bonifacio? Pareho silang may prinsipyo at hangarin- ang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng Inang- bayan. Kanino ka papanig? Maka-Bonifacio: Kung ako ikaw kaibigan, papanigan ko si Bonifacio sapagkat lumaban siya at nagbuwis ng dugo. Kung babasahin natin ang kuwento ng “Sigaw ng Pugad Lawin,” makikita mo ang kaniyang katapangan, handa talaga siyang ibuwis ang buhay alang-alang sa bayan. Maka-Rizal: Subalit kaibigan tila ika’y nagkakamali. Hindi tamang sabihin na tapang lamang ang puhunan sa pagiging bayani. Si Rizal ay gumamit ng tapang at katalinuhan. Ito ang naghuhumiyaw sa kaniyang mga hindi mabilang na akdang isinulat. Kailangan ko pa bang isa-isahin ang kaniyang obra? Kaya, higit na mabuting sang-ayunan mo na ang aking paniniwala. Maka-Bonifacio: Maghinay-hinay ka, ika’y mapapahamak sa matalim mong pananalita. Si Rizal ay puro salita lamang at kulang sa gawa. Inaanyayahan kitang mataman akong pakinggan. Si Bonifacio ay sumulat din naman ng mga akdang pumukaw sa puso ng kapwa katulad ng “Pagibig sa Tinubuang Lupa.” Kayat masasabi kong nagtataglay siya ng talino sa kabila ng kakulangan ng pormal na edukasyon. Mas karapat-dapat tanghaling bayani si Bonifacio dahil sa maalab siyang napanday ng karalitaan. Maka-Rizal: Huwag kang masyadong magtiwala, baka ika’y mahulog sa balong malalim. Bagamat si Dr. Jose Rizal ay lumaki sa karangyaan, puspos pa rin ang kaniyang buhay ng mga makabuluhang karanasan. Nasaksihan niya sa iba’t ibang panig ng mundo ang bunga ng karahasan kayat ayaw niyang maganap din ito sa sariling bayan at pinili niyang daanin sa mainahong paraan ang pagharap sa suliranin ng bayan. Ito ang itaga mo sa bato, kailanman hindi siya mapapalitan bilang dakilang bayani. 100 Modyul 3, Baitang 10 Ipinunto ng isang panig ang paglabang walang dugo at ang kabila’y paglabang madugo, gayundin ang epekto ng pagiging maralita at may kaya sa paghubog ng pagkatao ng isang bayani. Kayo na ang humusga kung sino ang tunay na bayani sa isip, sa salita at gawa: Si Rizal ba o si Bonifacio? Sagutin mo ang kasunod na gawain upang mapatunayan na nauunawaan mo ang usapan sa text box. GAWAIN 8. Pinagdugtong na Kaalaman Sa sagutang papel, kompletuhin ang Making The Connection Organizer. Anong uri ng teksto ang binasa? Ipinahahayag ng teksto ang tungkol sa… Ipinaalala ng teksto na… (Kaugnayan sa Epikong Binasa) Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Sa pag-aaral ng kaalamang nakapaloob sa bahaging ito ng Modyul, masasagot mo ang tanong na nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan? Alam mo ba na… iba’t ibang ekspresiyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon o damdamin? 1. Ginagamit ang mga initiman sa kasunod na mga pangungusap sa pagpapayo at /o pagmumungkahi. Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna. Ano kaya kung pumanig ka na sa amin? Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral. Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula. Higit na mabuting ito ang unahin mo. Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi natutunaw na basura. 101 Modyul 3, Baitang 10 2. Ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa pagaanyaya o pag-iimbita/ panghihikayat. Halika, tingnan mo ito’t napakarikit. Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan? Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano? Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay. 3. Ang mga salita/pariralang initiman sa kasunod na mga pangungusap ay ginagamit sa pagbababala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga ang intonasyon sa pahayag) at/o pag-aalala (may kasamang inilalarawang sitwasyon). Babalang may kasamang pananakot Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin! Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan! Babalang may kasamang pag-aalala Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo. Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak. 4. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa panunumpa at/o pangangako. Pangako, hindi kita iiwan. Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali. Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan. Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat. 5. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa pagsangayon at pagsalungat . Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad. Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning ating kinaharap. Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala . Walang pakinabang na maidudulot iyan. Ikinalulungkot ko ngunit di iyan magbubunga ng positibo. Ang mga ekpresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng layon o damdamin ay maaaring pangkatin sa sumusunod: Salita/Parirala Matatalinghagang PangPatanong/ Pananalita ugnay Tanong kung ako ikaw itaga mo sa bato mas ano kaya pangako tamaan man ako wala Puwede ka ba sumpa man ng kidlat mali pangako pupulutin sa tama lagot ka kangkungan siguro ganyan ang aking palagay higit/na inaanyayahan ngunit mag-ingat kayo tingnan ang tinatahak lagot ka 102 Modyul 3, Baitang 10 Pagsasanay 1: Piliin sa teksto at epikong tinalakay ang mga pangungusap na ginamitan ng iba’t ibang ekspresiyon at ilagay ito sa wastong kahon batay sa layon o damdaming inihahahayag. Gamitin ang pormat sa ibaba at gawin sa sagutang papel. Pag-aanyaya o Pag-iimbita Paghihikayat Pagbababala (Pananakot/ Pag-aalala) Panunumpa at/o Pangangako Pagpapayo at /o Pagmumungkahi Pagsangayon at Pagsalung at Pagsasanay 2: Sa sagutang papel, ilahad ang iyong matuwid sa sumusunod na isyu. Gamitan ito ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng layon o damdamin ayon sa hinihingi dito. 1. Isyu: Kabutihan o Kasamaan ang tunay na kampeon? Layon: Pang-aanyaya/Pag-iimbita/Panghihikayat Matuwid: ____________________________________ 2. Isyu: Kailangan muna bang mamatay bago kilalaning bayani? Layon: Pagsalungat/Pagsang-ayon Matuwid: ____________________________________ 3. Isyu: Susi sa pagtatagumpay: Katalinuhan at Kalakasan? Layon: Pagpapayo/Pagmumungkahi Matuwid: ____________________________________ 4. Isyu: Sino sa ina o ama ang malaki ang ambag sa pagkatao ng anak? Layon: Pagbababala( Pananakot/Pag-aalala) Matuwid: ____________________________________ 5. Isyu: Nasa palad ba ng tao ang kaniyang pag-unlad? Layon: Panunumpa/Pangangako Matuwid: ____________________________________ 103 Modyul 3, Baitang 10 Pagsasanay 3: Pumili ng kapareha at sumulat ng diyalogong nagtatalo/nagdedebate na nilangkapan ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin upang mabuo ang komik istrip na hindi baba sa dalawang frame. MODYUL 3.6 ILLUSTRATION 3 LAGYAN PO NG DIALOGUE BOX ANG ILLUSTRATION AT KATULAD PO NITO. MODYUL 3.6 ILLUSTRATION 3 Naisagawa mo na ang yugto ng pagkatuto, tumungo ka ngayon sa kasunod na bahagi upang mapagtibay ang natutuhan. Pagnilayan at Unawain Sa bahaging ito, mahusay mong ilahad ang paglalahat sa mahahalagang konseptong natutuhan. Balikan at sagutin ang mga pokus na tanong. Gamitin ang E-chart sa pagsagot at ilagay sa sagutang papel. Mahahalagang Konsepto sa Panitikan Patunay Mahahalagang Konsepto sa Gramatika/Retorika Patunay Magaling! Subalit hindi pa rito natatapos ang pagsubok sa mga kasanayang iyong natutuhan, narito pa ang isang pagsubok. Ilipat Ilapat lahat ng kasanayang natutuhan sa makabuluhang performance na nasa kahon tungkol sa pangunahing-tauhan ng epiko ng Africa na hinalaw sa bayani ng kanilang kasaysayan at sa mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, mainam na magtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto. Bago mo isagawa ang performance, pagbulayan mo muna ang mga impormasyong nasa kahon. 104 Modyul 3, Baitang 10 Alam mo ba na… ang pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa? Isinasagawa ito pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran at naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat. Mayroon itong dalawang uri, ang pormal na pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring ito ay masining na pinaguusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdang panahon, araw at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda. Mayroon itong tatlong hakbang: (1)Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli o balangkas(3) Pagpapatunay ng katuwiran. Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin ang sumusunod: (1) maling katuwiran, (2) mga pahayag na walang batayan, (3) kahinaan ng katibayan, at (4) mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan. May tatlong uri ng pormal na pagtatalo- ang Debateng Oxford, Debateng Oregon at Debateng Oxford-Oregon. Samantalang ang di-pormal na pagtatalo ay hindi maayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos ihayag ng tagapangulo ang paksang pagtatalunan. Narito ang pagganap/performance na iyong isasakatuparan at kasunod ang pamantayan kung paano ito tatayahin. Nalalapit na ang pambansang halalan at isang programa sa telebisyon ang nag-anyaya ng mga political analyst upang maging kalahok sa masinsinang pagtatalo tungkol sa karapat-dapat iluklok na pangulo sa pagitan nina Gilgamesh at Sundiata. Sila’y ipinangkat batay sa kandidatong kanilang napipisil. Ito’y pihadong tututukan ng sambayanan kayat marapat na ipakita ang kagalingang nakabatay sa mahusay na paglalatag at pag-aanalisa ng katibayan, pangangatuwiran at pagtuligsa at talas ng isip maging ng pagpapahayag. Pamantayan Bahagdan Paglalatag at Pag-aanalisa ng 40% Katibayan Pangatngatuwiran at Panunuligsa 40% Pagpapahayag 20% Kabuuan 100% Binabati kita! Ang pagpupunyagi upang matuto ay labis na kahanga-hanga. Tuklasin mo naman ngayon ang susunod na aralin ng modyul. 105 Modyul 3, Baitang 10 Aralin 3.7 A. Panitikan: Paglisan (Buod) Nobela- Nigeria ni Chinua Achebe Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera B. Gramatika/Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag C. Uri ng Teksto : Naglalahad Panimula Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan. Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran. Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng mga mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura,tradisyon, suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria. Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas o naglaho na. Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan. Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart, ipinakita sa atin ang kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Halimbawa nito ay ang pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa kabuuan ng nobela ang isang paraan ng mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita sa tahanan o sino mang taong pakikiharapan. Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung ano man ang pakay o layon ng 106 Modyul 3, Baitang 10 paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa-tao ng mapayapa para sa mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram ng pera at sisingilin na, mahusay namang hinaharap ng mga Igbo ang nasabing maniningil.Bumabanggit sila ng mga sawikain na angkop sa nais nilang ipabatid na mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila makababayad agad,sasambitin ang mga kasabihang maaaring makapagpabago ng isip ng maniningil upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na sinasabi ng mga kultura at nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap ng ganitong suliranin. Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga Igbo bagamat sila sa maraming pagkakataon ay may kumplikadong tradisyon at nakagisnang mga gawi. Ginawa ni Achebe ito sa nobela upang maipabatid na hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa kanila ng mga Europeo. Ang Aralin 3.7 ay naglalaman ng buod ng nobelang “Paglisan ”mula sa Nigeria na isinulat ni Chinua Achebe at isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri ng halaw ng isang nobela. Inaasahan din na makapagtatanghal ka ng isang puppet show na nagpapakita mga kulturang nananatili pa sa inyong lugar. Tuklasin GAWAIN 1. Scrambled Letter, Gawing Better Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng mga bagay na tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay ibinigay na.Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 1 4. KMOUINAKYSNO 2. MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 3 EPSRIUT 5. MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 2 PGALLIIW NGAA MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 4 TARDISOYN 107 Modyul 3, Baitang 10 3. MODYUL 3.7. ILLUSTRATION 5 I N G N N- BYANA GAWAIN 2. Kahulugan ng Salita, Ilantad Na! Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat . Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot. Katapangan GAWAIN 3. Pang-angkop, Iangkop Lagyan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang mula sa datin kaalaman o iskema. Masaya__nag-aagahan ang pamilya__ Rivera isang malamig __ umaga. Nagluto ng ginisa__kangkong ang kanila__ kasambahay. Nilagyan ito ng kaunti__ toyo upang magsilbing pampalasa sa ulam. Naging tampok ng kanila__ kuwentuhan ang nagdaan_ gabi. Sari-sari__ katatawanan ang naganap bago sila natulog. Nagbiruan. Nagtawanan at nauwi sa kaseryosohan ang usapan. Dahil sa nakalilibang na gabi, kinain ng pusa ang tira__ ulam sa mesa. Dapat sana ito ay kanila__ umagahan pa. Kaya naman nauwi sa ginisa__kangkong ang kanila__umagahan.Sa kabila nito, batid nila ang sustansiya__dulot ng ginisa__kangkong. GAWAIN 4.Hula-ooppss! http://cdn.yardhype.com/wp-content/uploads/2012/11/Puppet-Dancing-in-South-Africa-yardhype.jpg http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSFqFdJx3RiKgKAfswPStnpcupqbc2P1DoVCGeFwdxzmvCj T6SEx7oLkTU https://pbs.twimg.com/profile_images/1533556762/arn.JPG 108 Modyul 3, Baitang 10 Gamit sa teatro at telebisyon artistiko at produktibong solusyon sa komersyo’y mainam na produksyon sa kalusugan bawas alta presyon sa mga bata ay isang atraksyon karilyo ito noong unang panahon ano ito sa ating panahon? Sagot:__________ Linangin Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria. Kasunod ang ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang akda upang sa gayo’y maipamalas mo ang iyong pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura ng bansang Africa lalo na sa Nigeria. Cowrie- Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon. Ekwe-Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo. Egwugwu- Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria. Ogene- Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria. Igbo- Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal. 109 Modyul 3, Baitang 10 Alam mo ba na … ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod: 1. Tagpuan - Lugar at panahon ng mga pinangyarihan 2. Tauhan - Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela 3. Banghay - Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela 4. Pananaw - Panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda 5. Tema - Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 6. Damdamin - Nagbibigay kulay sa mga pangyayari 7. Pamamaraan - Istilo ng manunulat 8. Pananalita - Diyalogong ginagamit sa nobela 9. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan Paglisan ( Buod) 110 Modyul 3, Baitang 10 Paglisan (Buod) Things Fall Apart ni Chinua Achebe Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria. Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran.Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo.Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama.Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno,pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ariarian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo. Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian.Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang. Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo”, wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito , gumawa ng paraan si Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo kung kaya’t upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, 111 Modyul 3, Baitang 10 tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama. Lumipas ang panahon, Nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula. Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia. 112 Modyul 3, Baitang 10 Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga tagaMbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith. Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pangaabuso ang mga pinuno ng Umuofia. Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo,agad silang nagpulong at napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera. Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “ Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan. GAWAIN 4. Isipin, Masinsing Limiin Bago Piliin Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng salita. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot. 113 Modyul 3, Baitang 10 dekorasyon abubot 1. palamuti ipinaalam isinangguni 2. ipinabatid- 3. napagwagihan 4. magpatirintas 5. kagimbal-gimbal napagtagum payan nalampasan nagpapusod nagpasalapid kagulatgulat kataka-taka GAWAIN 5. Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba? Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat sa sagutang papel ang sagot. 1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag-uusapang mahalagang bagay. 2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating ang mga maniningil ng utang. 3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng giyera 4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon. 5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay naipatapon. GAWAIN 6.. Fan-Fact Analyzer Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa binasang buod ng isang nobela mula sa Nigeria. 114 Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 7. Komprehensiyon at Reaksyon sa Leksyon 1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod. 2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal- babae ng kalalakihan para kay Okonkwo? 3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan. 4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang magiting na mandirigma? Bakit? 5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala at paninindigan? 6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan? 7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan. 8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong bibigyang kulay? Bakit? GAWAIN 8: Iskrip: Basahin at Suriin Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni Shaira Mella-Salvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat na kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip. I. II. III. IV. Pamagat Mga Tauhan Buod ng Pelikula Banghay ng mga Pangyayari (story grammar) a. Tagpuan b. Protagonista c. Antagonista d. Suliranin e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin f. Mga ibinunga 115 Modyul 3, Baitang 10 V. VI. Paksa o Tema Mga Aspektong Teknikal VII. a. Sinematograpiya b. Musika c. Visual effects d. Set Design Kabuuang Mensahe ng Pelikula Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess. Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng kaniyang amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtatanggol siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin). SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE. DAY. Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll) Hustong nakalabas na ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah sees him. SARAH : Papa! Papa! Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad. Sarah runs after him. Finally, when Mr. Barowe nears the school entrance, he turns around to look at her. Show the surprise and the disappointment on Sarah’s face. Mr Brown shakes his head sadly and walks away. SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is depressed about Sarah’s situation. MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya Ate. MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo. MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow…walang ibang kukupkop kay Sarah. MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon… MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata? MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate? MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah? 116 Modyul 3, Baitang 10 Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees her. MISS MINCHIN: Sarah… Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away, clutching Emily close to her. GAWAIN 9: Sagutin ang Gabay na Tanong 1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula? 2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito isapelikula? 3. Ano-ano ang mga dapat lamanin ng isang iskrip? GAWAIN 10: Panoorin Prinsesa sa Pelikula ( P-P-P) Panoorin ang sinuring iskrip. Bigyang-pansin ang pagkakaiba ng nakasaad sa iskrip at sa pelikula GAWAIN 11: Pagsasanib ng Gramatika/ Retorika Alam mo ba na.... Sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong dapat bigyan ng pansin. Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo Scriptwriting Manual Una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anumang mga tanong tungkol dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang- tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito. 117 Modyul 3, Baitang 10 Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado at higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay. pagtutulad at pagiiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag? Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na, ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig.Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag,kung at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag. Pagsasanay 1:Gamit ang 3R’s, Read, React, Reenact, isagawa ang tungkol sa mga sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting Prinsesa.” 1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah Read MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo. Hindi ko na problema iyon… Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah??? React________________________________________________ Reenact______________________________________________ 2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah 118 Modyul 3, Baitang 10 3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama 4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia Pagsasanay 2: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang talata. Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliwgiliw ________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________ sa simula ay negatibo ang ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya ang protagonista. ________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga taga-Africa ay likas na tahimik ________ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno ng talinhaga ________ may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansin-pansin din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo. Pagsasanay 3: Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa bansang Africa o Persia. Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na iyong ginamit. Pagnilayan at Unawain 1. Gamit ang Venn Diagram, ano-anong mga kultura at tradisyon ng mga taga-Africa ang may pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas. 2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggawa ng Iskrip at gamit ng pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa pagbuo ng panunuring pampelikula? 119 Modyul 3, Baitang 10 Ilipat Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa pagsusuri sa mga tradisyon ng mga taga-Africa gayundin sa husay mo sa pagsusuri ng isang iskrip at gayundin ang panunuring pampelikula. Ngayon alam mo na ang mga elementong dapat taglayin kapag ikaw ay magsasapelikula ng ano mang binasa, alam kong mahusay mong magagawa ang bahaging ito ng iyong modyul. Nalalapit na ang pista sa inyong lugar at ikaw ay kilalang magaling na event organizer. Nakiusap ang Kapitan ng inyong barangay na pamahalaan mo ang pagkakaroon ng puppet show upang maitanghal ang kultura at tradisyong namamayani pa sa inyong lugar na kinamulatan pa ng inyong mga magulang. Alam mo ba na..... Ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba't ibang mga midya, kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa pamamagitan ng mga patapong bagay. May mga puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet na pang kamay o hand puppet tulad ng medyas na puppet,puppet na supot at puppet na bag at stick puppets.Ang stick puppet ang pinakapayak sa lahat ng uri nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick. Ang medyas na mga puppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay at pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang nagsasalita kasama ang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring lagyan ng tali, butones at kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao. Pagkatapos makalikha ay maari nang magtanghal ng isang puppet.Ang mesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likod nito ang nagtatanghal (puppeteers) Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng puppet: Puppet na Supot Pamamaraan: 1. Kumuha ng isang supot na papel. 2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong ilalim ng supot. 3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot. 120 Modyul 3, Baitang 10 6. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot. 7. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila. 8. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang "puppet" habang ikaw ay nagkukuwento. Puppet na Medyas 1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig. 2. Gumupit ng tela o retasong hugis biluhaba na kulay dalandan, pula o rosas at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas. 3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong talampakan ngmedyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng medyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong. 4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng mga butones, abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata at ilong 5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang buhok o sombrero. 6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso. Puppet na Gumagalaw 1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings na binalumbon at itinali sa mga hugpungan. 2. Lagyan ng mga mata, ilong at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay. 121 Modyul 3, Baitang 10 3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid. 4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit. 5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat. 6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan maaari itong talian. Tatayain ang iyong pagganap batay sa sumusunod na pamantayan: Pagbuo ng Iskrip 30 puntos Pagganap 25 puntos Aspetong Teknikal 25 puntos Kaangkupan ng paksa 20 puntos Kabuuan 100 puntos Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo . maipamalas mo ang iyong galing. Ngayon nama’y simulan mo na ang upang pangwakas na gawain. 122 Modyul 3, Baitang 10 PAGNILAYAN AT UNAWAIN (Para sa Modyul 3) Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao isa sa mga bumubulaga sa atin ay ang mga makatawag-pansing patalatas. Nariyan ang nababasa natin ito sa mga pahayagan, magasin, tarpaulin, billboard at polyeto, marinig sa radyo at mapanood sa telebisiyon at internet/online sites. Ang patalastas o anunsiyo ay isang mabisang instrumento ng komunikasiyon na nanghihimok sa mga manonood, tagapakinig at mambabasa na patuloy na kumilos o gumawa. Nakatutulong din ito sa pagpapalaganap ng mahalagang impormasiyon at nakaiimpluwensiya sa mga mamimili na tangkilikin ang produktong iniaalok. Ang mga Egyptian ang nagpasimula nito sa pamamagitan ng paglalathala ng mga paskil o karatula sa mga bato o haligi gamit ang papyrus at ang katibayan nito’y matatagpuan sa Pompeii at matandang Arabia. Samantalang isang karaniwang anyo ng patalastas ang pagpipipinta sa mga tabike o bato sa Asia, Africa at South America hanggang sa ito’y lumaganap at sumikat kasabay ng modernisasiyon. Tunay na hindi mapasusubalian ang ambag ng patalastas o anunsiyo sa ekonomiya. Kaya naman isa sa popular na komposisiyon ang malikhaing paglikha ng patalastas. Anupa’t ang mga mag-aaral ay sinasanay sa pagbuo at pagdidisenyo nito upang higit na mahasa ang kanilang kasanayan sa pakikipagtalatasan. Ngayon, ikaw naman ang magtatanghal ng natatanging pagganap na bunga ng mahahalagang kasanayang nalinang sa iyo. Lilikha ka ng isang palatalastas pantelebisyon na nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng alinmang bansa sa Africa at Persia batay sa mga binasang akdang pampanitikan. Tatayahin ang iyong pagganap ayon sa sumusunod na pamantayan: kasiningan, kaangkupan, kawastuhan at kawilihan. Ngunit bago mo gawin ang inaasahang pagganap maingat mo munang sagutin ang mga gawain sa yugtong ito. 123 Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 1. Katibayan ng Kaalaman Gumawa ng paglalahat/sintesis sa kabuuan ng Modyul sa tulong ng organizer. Gawin ito sa sagutang papel. GAWAIN 2. Natatandaan Ko Sa pamamagitan ng text connection organizer, sagutin ang mga tanong. Aralin Ano ang aking nabasa? Aralin 3.1 Aralin 3.2 Aralin 3.3 Aralin 3.4 Aralin 3.5 Aralin 3.6 Aralin 3.7 124 Ano ang aking natutuhan? Modyul 3, Baitang 10 GAWAIN 3. Kayang-kaya Mo Sagutin ang sumusunod na tanong sa sagutang papel. 1. Bakit kailangang pag-aralan ang mga saling-panitikan ng Africa at Persia? 2. Nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa Africa at Persia matapos mabasa ang mga saling akda mula sa mga bansa nito? Bakit? 3. Masasabi mo bang may pagkakatulad ang kultura ng mga bansang pinagmulan ng mga saling akdang pampanitikang pinag-aralan sa kultura ng Pilipinas? Pangatuwiranan. 4. Isulat ang sagot sa mga tanong sa sagutang papel. Gamitin ang pormat ng graffiti wall organizer. Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan buhat sa Africa at Persia sa iba pang akda mula sa ibang panig ng mundo? Paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika/ retorika sa pagpapalawak ng iyong kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bayan ng Africa at Pesia? Sapagkat ganap nang natimo sa iyong isip ang mga kansanayang nakapaloob sa Aralin 3.1 hanggang Aralin 3.7, marahil handa ka nang isagawa ang inaasahang produkto/pagganap para sa modyul. At upang matiyak na magiging mahusay ito, makabubuting isaalang-alang mo ang sumusunod na hakbang: Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda ng Palatastas na Pantelebisyon 1. Ang patalastas na lilikhain ay dapat na orihinal. Kakaiba ang estilong ginamit at mahusay ang bubuing mga linya. 2. Ito’y dapat na nagtatanghal ng kagandahan ng alinmang bansang napili. Makatotohanan ang mga impormasiyong ilalangkap. 125 Modyul 3, Baitang 10 3. Tiyaking ang haba ng pagpapalabas nito ay tatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto. 4. Maaari itong ihanda sa Movie Maker o Power Director. ILIPAT (para sa Modyul 3) Nakuha ng inyong adverstising agency ng isang malaking proyekto mula sa isang internasyonal na kumpaniyang panturismo. Nagkasundo kayong lumikha ng isang patalastas pantelebisyon na magtatampok sa kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at Persia na tatagal ng dalawa hanggang tatlong minuto at ito’y ipalalabas sa iba’t ibang panig ng mundo. Mahigpit na hiniling ng kumpaniya na tiyakin ninyong ang patalastas ay makapanghihiyakat ng mga dayuhan na tumaas ang kita ng turismo sa bansa gayundin marapat na ito’y maging a) masining, b) kawiwili-wili, c) wasto ang pagkakasulat ng mga linya at d) totoo ang impormasyong ilalahad. Naririto ang mga pamantayan sa pagmamarka sa inaasahang pagganap. Pamantayan Kasiningan- orihinalidad at estilo ng pagsulat at pagkakabuo Kaangkupan- totoo/tunay ang ipinakitang kagandahan ng kultura ng bansa Kawastuhan- wasto at angkop na gamit ng gramatika/retorika Kawilihan- hikayat sa manonood/ nakaaaliw KABUUAN Puntos 40 puntos 30 puntos 15 puntos 15 puntos 100 puntos Binabati kita! Matagumpay mong naunawaan ang mga aralin at natutuhan ang mga kasanayang nakapaloob sa Modyul 3. Tiyak na masasagutan mo ang mga katanungan sa pangwakas na pagtataya. Matapos nito, pagtuunan mo ang walang-kamatayang nobelang El Filibusterimo ni Dr. JoseRizal. 126