Uploaded by Adam Cuizon

PLK EsP10 3Q W3

advertisement
PREPARATORY LEARNING KIT
W3
Learning Area
Quarter
I.
II.
LESSON TITLE
MOST ESSENTIAL
LEARNING
COMPETENCIES (MELCs)
III.
CONTENT/CORE CONTENT
IV.
LEARNING PHASES
A. Introduction (Panimula)
Edukasyon sa Pagpapakatao
3
Grade Level
Date
10
April 5-8, 2021
PAGGALANG SA BUHAY
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng paggalang sa buhay.
Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
KAHALAGAHAN NG PAGGALANG SA BUHAY
Suggested Time Frame: 40 minuto
Maligayang pagkatuto!
Ano ang pinakapaborito mo sa lahat ng regalong natanggap mo? Marahil espesyal sa iyo ang taong nagbigay nito
o espesyal rin ang regalong natanggap mo. Ano kaya ang mararamdaman ng taong naghandog sa iyo ng regalo kung
ito ay mawawala o masisira? Paano mo pinapakita ang pagpapahalaga mo rito? Katulad din ba ito ng pagpapahalaga
mo sa regalong binigay sa iyo ng Diyos – ang iyong buhay?
Gawain #1
Panuto: Sa pamamagitan ng
mga larawan sa kanan, tukuyin
ang mga gawain na lumalabag
sa paggalang sa buhay.
B. Development (Pagpapaunlad)
Suggested Time Frame: 60 minuto
Ang buhay ang pinadakilang kaloob ng Diyos sa tao. Sa pamamagitan ng buhay ay naisasakatuparan ng tao ang
kanyang layunin. Sa lahat ng may buhay, espesyal ang tao sapagkat nilalang siya ng Diyos ayon sa Kanyang wangis.
Dahil dito pinagkatiwalaan Niya ang tao na pangalagaan nito ang sarili nitong buhay maging ang buhay ng iba Niyang
nilalang.
Gaano kahalaga ang buhay ng tao? May katumbas ba itong halaga gaya ng kidnap for ransom – na humihingi ng
malaking halaga ng pera kapalit ang buhay ng biktima (Gomez, 2016). Tandaan, walang katumbas na halaga ang buhay
ng tao. Ito ay priceless at hindi maaaring tumbasan ng salapi. Walang sinuman ang maaaring kumuha nito, maging ang
mismong nakatanggap nito.
Ang ibig sabihin ng paggalang sa buhay ay pangangalaga sa kalusugan, pagiging maingat sa mga sakuna at
pagsasaalang-alang ng sariling kaligtasan at ng buhay ng iba. (Macabeo, 2019). Ang buhay natin ay hiram lamang mula
sa ating Panginoon kaya ito ay mahalaga at dapat ingatan at mahalin. Sa kabila ng katotohanang ito, narito ang ilan sa
mga isyung lumalabag sa paggalang sa buhay ng tao.
A. Ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
Nakakatakot isipin na may mga kanta at palabas na ang tema ay tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Tila
naging normal na lamang ito at naging basehan ng mga kabataan sa pagiging cool, o paraan upang matanggap ng
mga barkada (peer group), at kadalasan ay upang makatakas mula sa problema sa kani-kanilang pamilya. May iilan
naman na nadala lamang ng kuryosidad kaya sinubukan ang paggamit nito hanggang sa nauwi sa pagkalulong. Ang
paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maituturing na paglapastangan sa sariling buhay at maging sa buhay ng iba.
Ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa isip at katawan. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot.
Nahihirapan ang isip na maiproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito na karaniwang nagiging sanhi ng
maling pagpapasiya at pagkilos (Brizuela, 2019). Karamihan sa mga krimen na nagaganap sa ating lipunan ay may
kaugnayan sa paggamit ng droga. Ang taong lulong sa ipinagbabawal na gamot ay maaaring gumawa ng
kalapastangan sa kanyang kapuwa, maging sa kanyang sariling pamilya. Ilang buhay na ba ang nasira o nawala dahil
sa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot na ito? Ilang krimen pa ba ang magaganap na dulot nito? Mahalaga na
magkaroon ng sapat at tamang kaalaman hindi lamang ang mga kabataan ngunit maging ang bawat mamamayan
ukol dito upang maiwasan ang mas malaking problema na dala nito.
B. Alkoholismo at Paninigarilyo
Ang mga bisyong paglalasing at paninigarilyo ay kapwa may masamang epekto sa tao. Humihina ang resistensiya ng
katawan ng taong labis ang pagkonsumo ng alak at sigarilyo. Maaari itong magdulot ng cancer, sakit sa atay, baga at
kidney at maaaring mauwi sa kamatayan (Brizuela, 2019). May mga krimen din na dala ng alkoholismo tulad ng pakikipag
away na nauuwi sa sakitan o kamatayan; mga aksidente sa kalsada dahil sa pagmamaneho ng lasing at iba pa. Ang
paninigarilyo ay hindi lamang nagdudulot ng sakit sa mga mismong naninigarilyo ngunit maging sa mga secondhand
smokers o sa mga taong nakalalanghap ng usok mula sa taong naninigarilyo. Maraming nagsasabi na paraan lamang ito
upang mabawasan ang stress o pansamantalang makalimot ng problema, ngunit dapat nating maunawaan na ang
gawaing ito ay maaaring magbunga ng mas malaking problema sa ating pakikipagkapuwa-tao, at higit sa ating
kalusugan. Hindi tayo dapat magpalinlang sa pansamantalang ginhawang hatid nito dahil sa huli, sakit lamang sa
katawan at ulo ang dala nito.
C. Aborsiyon
Bagamat pinapahintulutan ang aborsiyon o pagpapalaglag sa ibang panig ng mundo, ilang dekada nang usapin ang
tungkol sa pagpapalegal ng aborsiyon sa ating bansa. Ano ang aborsiyon at bakit isa ito sa mga pinakamahalagang isyu
patungkol sa paggalang sa buhay?
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Ang isyu patungkol sa aborsiyon
ay nagbunga ng dalawang magkasalungat na posisyon sa publiko; ito ang Pro-life at Pro-choice.
1. Pro-life. Kinikilala nito ang likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay mula sa konsepsiyon hanggang
kamatayan (Macabeo, 2019). Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang buhay ay nagsisimula sa pagsasanib
ng punlay at itlog mula sa mga magulang (fertilization). (Gomez, 2016)
2. Pro-choice. Ito ay tumutukoy sa pagpapasiya at pagpili batay sa sariling paniniwala, kagustuhan, at iniisip na tama
(Macabeo, 2019). Naniniwala ang mga tagapagsulong nito na ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao
dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng sinapupunan ng kanyang ina. Samakatuwid, umaasa pa lamang
ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay. May karapatan at malaya ang ina na magpasiya para sa sariling
katawan (Brizuela, 2019).
May dalawang uri ng aborsiyon:
1. Kusa (Miscarriage). Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari at hindi ginagamitan ng medikal o artipisyal na
pamamaraan.
2. Sapilitan (Induced). Sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot ay nagwawakas ang buhay ng
sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina.
Iba’t iba ang dahilan sa pagpili ng gawaing ito. Marahil dala ng takot dahil hindi pa handa sa responsibilidad ang
mga magulang ng sanggol o bunga ito ng pagkakamali. Ngunit pamilyar ka ba sa kasabihang “Hindi maitatama ng mali
ang isa pang pagkakamali”? Hindi nararapat na madamay ang sanggol na nabuo dahil sa kapusukan ng magulang nito.
Kailangang harapin ng ama at ina ang responsibilidad ng ginawa nilang aksiyon. Ang iba naman ay dala ng kahihiyan o
dili kaya’y dulot ng masamang pangyayari o pang-aabuso ang dahilan ng pagbubuntis. Paano ba matatanggap ng
isang ina ang sanggol na paulit-ulit na magpapaalala sa kanya ng paglapastangan sa kanyang pagkatao? Sapat ba
itong dahilan upang magwakas ang buhay ng sanggol na bunga ng kasalanan? Ayon kay Prof. Stephen Kraason (2012),
sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang suporta, ang mga nabuntis na biktima ng panggagahasa ay nagkakaroon
ng pagbabago sa kanilang kaisipan tungkol sa kanilang ipinagbubuntis, nagkakaroon sila ng pananaw na may katuturan
na buhayin ang sanggol na dinadala nila. Tandaaan, ang sanggol ay inosente at walang kalaban-laban gaya ng
kanyang ina na biktima ng pang-aabuso. Hindi maitatama ng aborsiyon ang masamang pangyayari.
Walang makatuwirang dahilan upang boluntaryong ipalaglag ang isang sanggol maliban na lamang kung ito ay
payo ng doktor upang iligtas ang ina na nasa bingit ng kamatayan o hindi ligtas para sa ina ang kanyang pagbubuntis.
Sa kadahilanang ito, wala siyang kakayahan na ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis dahil ito ay makakasama sa
kanyang kalusugan at maaaring humantong sa kamatayan.
D. Euthanasia (Mercy Killing)
Ang salitang Euthanasia ay galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay mabuting kamatayan (Gomez, 2016). Isa
itong pamamaraan kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may malubhang karamdaman na maaari
ring mauwi sa kamatayan dahil wala na itong lunas. Ginagamitan ito ng modernong kagamitan o medisina upang tapusin
ang paghihirap ng taong maysakit.
Dalawang uri ng Euthanasia:
1. Active Euthanasia. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng gamot na nakakapagdulot ng kamatayan sa
isang tao. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa maraming bansa dahil ito raw ay malinaw na suicide o murder kaya
itinuturing na imoral (Macabeo, 2019).
2. Passive Euthanasia. Ito ay pagtigil sa pagbibigay ng gamot at mga medikal na serbisyo. Ilan sa paraan nito ay ang
pagtanggal ng makinang sumusuporta sa buhay ng pasyente o pagtigil sa pagbibigay ng gamot na maaaring
makapagpahaba ng kanyang buhay. Ito ay itinuturing na lehitimo sapagkat tinatanggap lamang na ang kamatayan ng
tao ay hindi maaaring pigilan.
E. Pagpapatiwakal (Suicide)
Ang pagpapatiwakal o suicide ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
Kadalasan, ginagawa ito upang takasan ang hirap at problema na nararanasan sa mundo. Nawawalan na sila ng pagasa na magpatuloy kaya pinipili na lamang nilang tapusin ang kanilang buhay. Nakikita nila ang kanilang sarili na wala
nang halaga. Ang iilan naman ay nakararanas ng depresyon na kung hindi maaagapan ay mauuwi sa pagpapatiwakal.
Samantalang may mga pagkakataon naman na hindi kapansin-pansin ang kanilang pinagdadaanan dahil sa pinapakita
nilang mga ngiti at tawa upang pagtakpan ang lungkot na kanilang nadarama. Ito ay patunay na nararapat na batiin
at komustahin natin ang mga taong mahahalaga sa atin, maging ang ibang nakakasalamuha natin. Marahil sa simpleng
pagbati, pangongomusta at pakikipag-usap ay makapagbigay tayo ng pag-asa at makasagip ng isang buhay.
Mahalaga ang pagpapatibay ng support system na kinabibilangan ng ating pamilya at tunay na mga kaibigan na
nagbibigay sa atin ng pagmamahal at tunay na saya (Brizuela, 2019). Higit sa lahat, ang tunay at matatag na pananalig
sa Diyos ang makakatulong sa atin upang mapagtagumpayan ang anumang hamon sa atin ng buhay. Gaya ng ating
natunghayan sa nakaraang aralin, ang tunay na pagmamahal mo sa Diyos ang nagsisilbing dahilan upang mahalin mo
ang regalong Kanyang binigay sa iyo at ito ang iyong buhay, maging ang buhay ng iyong kapuwa. Kung
pinapahalagahan mo ang regalong ito, hindi mo ito sasayangin; sa halip ay pangangalagaan mo ito at gagamitin sa
mabuti upang patunayan na karapat-dapat ka sa pagtanggap ng regalong ito.
Ang buhay ay sagrado. Ito ay biyaya ng Diyos sa iyo at sa lahat nang nagtataglay nito. Ang bawat pagmulat ng
iyong mata sa umaga, bawat pintig ng iyong puso at bawat paghinga ay isang kahanga-hangang regalo mula sa Diyos.
Ito ay binigay sa iyo upang magampanan mo ang dahilan ng iyong pagkalalang – mahalin ang Diyos at mahalin ang
ibang tao. Isang indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos ang hindi paggalang sa
kasagraduhan ng buhay.
C. Engagement (Pakikipagpalihan)
Suggested Time Frame: 40 minuto
Gawain #2
Panuto: Piliin sa hanay B ang nilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
A
B
______1. Natuklasang may cancer sa baga ang walong
A. Aborsiyon
taong gulang na apo ni Pina. Ang sanhi ng sakit ng bata
B. Alkoholismo
ay ang walang humpay na paninigarilyo ng mga kasama
C. Active Euthanasia
nila sa bahay.
D. Paggamit ng ipinagbabawal
______2. Isa sa mga dahilan ng nakawan sa barangay nina
na gamot.
Aling Resi ay ang ipinagbabawal na pagdami ng mga
E. Pagpapatiwakal
gumagamit ng gamut
F. Paninigarilyo
______3. Nauwi sa gulo at sakitan ang selebrasyon ng
G. Passive Euthanasia
kaarawan ni Bert dahil naparami na ang ininom na alak ng
kanyang mga kaibigan.
______4. Hindi inakala ng pamilya at kaibigan ni Fredo na
kukunin niya ang sarili niyang buhay dahil lagi naman itong
nakangiti na tila walang iniindang problema.
______5. Napagdesisyunan na ni Tess na ipalaglag ang batang
nasa kanyang sinapupunan dahil hindi ito pananagutan ng
kanyang kasintahan at ama ng batang kanyang dinadala.
_______6. Limang taon nang comatose ang ama ni Joseph at
hindi na nila kaya pang tustusan ang mga gastusin sa ospital
kaya nagdesiyon ang buong pamilya na itigil na ang life
support nito.
D. Assimilation (Paglalapat)
Suggested Time Frame: 40 minuto
Gawain #3
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng BUHAY sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik gamit ang salitang REGALO.
Isulat ang sagot sa patlang.
R – _______________________________________________________________________
E – _______________________________________________________________________
G – _______________________________________________________________________
A – _______________________________________________________________________
L – _______________________________________________________________________
O – _______________________________________________________________________
E. Assessment
Suggested Time Frame: 30 minuto
Panuto: Bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot.
1. Ito ay pagkilala sa likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay mula konsepsiyon hanggang kamatayan.
A. Pro-life
B. Pro-choice
C. Life
D. Pro-line
2. Ito ay tumutukoy sa pagpapasiya at pagpili batay sa sariling paniniwala, kagustuhan, at iniisip na tama.
A. Pro-life
B. Pro-choice
C. Life
D. Pro-line
3. Ito ay isyu ng moral na tumutukoy sa pagpapalaglag o pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
A. Pagpapatiwakal
B. Alkoholismo
C. Euthanasia
D. Aborsiyon
4. Ito ay isang pamamaraan ng paggamit ng modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang
sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa.
A. Lethal Injection
B. Suicide
C. Euthanasia
D. Abortion
5. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging ________________. Nahihirapan ang isip na maiproseso ang iba’t ibang
impormasyon na dumadaloy dito.
A. Blank Space
B. Blank Spot
C. Blank Sheet
D. Tabula Rasa
6. Isang uri ng mercy killing na kung saan ito ay ilegal dahil ginagamitan ito ng gamot upang makapagdulot ng
kamatayan.
A. Euthanasia
B. Active Euthanasia
C. Passive Euthanasia
D. Active-Passive Euthanasia
7. Mahalagang mapagtibay ang ____________________ ng mga taong nagnanais na tapusin ang sariling buhay.
A. Life Support
B. Pagmamahal
C. Support System
D. Mental Support
8. Ito ay itinuturing na lehitimong uri ng Euthanasia sapagkat tinatanggap lamang na ang kamatayan ng tao ay hindi
maaaring pigilan.
A. Euthanasia
B. Active Euthanasia
C. Passive Euthanasia
D. Active-Passive Euthanasia
9. Isang uri ng aborsiyon na tumutukoy sa natural na mga pangyayari at hindi ginagamitan ng medikal o artipisyal na
pamamaraan.
A. Kusa (miscarriage)
B. Sapilitan (Induced)
C. Pro-choice
D. Pro-life
10. Sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot ay nagwawakas ang buhay ng sanggol sa
sinapupunan ng kanyang ina.
A. Kusa (miscarriage)
B. Sapilitan (Induced)
C. Pro-choice
D. Pro-life
F. Reflection
Suggested Time Frame: 30 minuto
Panuto: Buuin ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makikita sa bawat kahon. Isulat ang
sagot loob ng kahon.
Ano ang konseptong natutunan ko?
Anong
pagpapahalaga
natutunan ko?
ang
Paano ko magagamit ang natutunan
ko sa totoong buhay?
Prepared by: MELISSA P. MAUNAHAN
References
Revised MELC sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Edukasyon sa pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral ng ika-10 Baitang
Download