MONAY ni Angeline C. Quiatchon Nakaupo si Clara sa kanilang sala habang nakatingin sa orasan. “Ang tagal namang mag-alas singko nang hapon, nasasabik na akong makita si Tatay", ang wika niya. "Mas sabik ka tiyak sa pasalubong ng tatay mo”, ang tukso ng kanyang nanay na si Ginang Clarita. Nagtatawanan silang dalawa nang biglang may kumatok sa pintuan. “Tatay!" sinalubong ni Clara ng yakap ang kanyang ama na galing sa trabaho. Sabay abot ng tatay ng pasalubong. Suweldo niya kasi ngayon. "Maraming salamat po Tatay”, turan ni Clara sa ama habang nakayakap pa rin dito. Sabay-sabay silang kumain ng Monay Bae na kanilang paborito. MGA KATANUNGAN 1. Sino ang bata sa kuwento? A. carla B. clara C. Clare D. Clarita 2. Saan siya naghihintay? A. sa bakuran B. sa kusina C. sa kuwarto D. sa sala 3. Ano ang pasalubong ng tatay? A. keyk B. monay C. sorbetes D. tsokolate 4. Anong bayan sa Laguna ang tanyag sa paggawa ng mga monay ? a. Bae b. Calauan c. Santa Cruz d. Siniloan 5. Anong damdamin ang ipinakikita ni Clara sa kwento? a. kasiyahan b. kalungkutan c. kawalan ng sigla 6. Bakit nasasabik ang bata sa pag-uwi ng tatay ng araw na iyon? a. dahil sa pasalubong at sa pag-uwi ng kanyang tatay b. dahil sa bestida galing sa kanyang tatay c. dahil sa pamamasyal nila d. dahil sa laruang Barbie 7. Paano ipinakita ng bata sa kuwento ang pasasalamat sa kanyang ama? a. sa pagyakap b. sa paghalik c. sa pagmano d. sa pagbibigay ng pagkain