Uploaded by Kim Era Carreon

spoken poetry for Filipino values month

advertisement
Tara, balik, Ibalik,magbalik.
Magbalik ka’t saami’y ibalik kaugaliang nagpasabik
Mayroon pa bang pagmamano?
Eh, ang po at opo sa pakikipag usap sa nakatatanda ?
Sa makabagong panahon
Kung saan madalang na ang paggalang
Kabataan, Halika.
Iyong balikan, kaugaliang tila
Iniiwan na lang natin sa nakaraan
Paraan sa tatamaan
Buhay ang kulturang Pilipino
Subalit ito’y unti-unti naring namamtay, pinapatay ng
Pilipinong hindi sumasabuhay.
Kinakalimutan,
Tinatangkilik ay kulturang dayuhan
Hindi masama ang pagbabago
Higit ang pag-unlad
Subalit matutong lumingon
Sa nakaraan na siyang humubog sa iyong kasalukuyan.
Magalang, May pagmamalasakit, Maasikaso ‘t mapagpatuloy
Kulturang Pilipino na nawa’y magpatuloy.
Download